4. The last heir of Monterealez Clan

"A-ang hacienda..." she cleared her voice. Pakiramdam niya kasi nagbabara ito. "Hindi ko ipagbibili. Kahit gumamit ka pa ng dahas. Pero ayokong umabot sa puntong iyon kaya sana, nakikiusap ako sa'yo, huwag mo ng ipilit..."

Ilang minuto ang nagdaan pero hindi sumagot ang lalaki kaya napilitan si Isabela na salubungin ang mga titig nito. Kumurap-kurap siya sa seryusong mukha nito.

"Ano pa?"

Natigilan siya. Hindi niya maintindihan ang tinuran nito. Ni hindi niya rin inaasahan na iyon ang sasabihin nito. Ni maging ang pagkalmado ng boses nito. Napansin iyon ni Israel kaya muli itong nagsalita.

"Ano pang ayaw mong gawin ko? Ano pang gusto mo na hindi ko dapat gawin?"

Walang bahid ng panunuya sa pagsasalita nito. Just a normal voice. Kung normal nga bang matatawag ang lambing sa boses nito. Nanatiling seryuso ang bukas ng mukha nito habang mariin na nakatitig sa kanya.

Marahas muli siyang lumunok.

'Seryuso ba ito? Hindi ko siya mabasa kung ano ba ang nais niyang iparating. Walang kahit na anong panunuya, pang-insulto sa mga salita niya. Ano ba ang nais niya? Samantalang kanina halos pumatay na siya ng tao dahil lang sa hindi pagbukas ng ilaw masunod lamang ang gusto niya.'

Gayon pa man, sinagot pa rin ni Isabela ang lalaki.

"N-nakikiusap rin ako na sana ay ibalik mo na ang patakaran na magpadaong ng barko kada isang buwan sa Isla,"

"hmmm, ano pa?"

Nanginginig na pinagsaklop niya ang dalawang kamay. Hindi niya maintindihan pero masama ang kutob niya dito. Kakaiba talaga ang kilos ng lalaki. Hindi naman galit pero parang mas nakakatakot ito kapag kalmado.

"H-huwag ka sanang gumamit ng dahas."

"Ano pa?"

"Ipatigil mo ang paglalakanap ng mga aramadong tauhan mo sa lahat ng sulok ng bayan."

"Ano pa?"

"Huwag mong sasaktan ang mga inosente. May batas na pinapairal dito at sana sumunod ka."

"Ano pa?"

Napipilan siya sa paulit-ulit na tanong nito. Ni wala na siyang maisagot sa lalaki. Iyon lamang ang alam niya.

"W-wala na?"

Hindi siguradong tanong ni Isabela. Wala na siyang maisip na isasagot!

Ngumisi ang lalaki bagay na ikinakaba niya. "All of that are granted,"

"Huh?"

"Lahat ng gusto mo, gagawin ko. Lahat ng mga sinabi mo na ayaw mo at gusto mo, gagawin ko."

Mas dumuble ang kanyang kaba. Kakaiba talaga ang ikinikilos ng lalaki.

'Bakit parang mas kinakabahan ako na parang mabait siya? Mas parang ok pa kapag galit siya, tumututol, at sinisigawan ako sa galit dahil hindi nasunod ang kanyang gusto.'