Clan of Obssession

Clan of Obssession

By: Khay2626

4.3K
views
6
Chapters
Ongoing
Status

Clan of Obssession is an ongoing young adult novel by Khay2626 with 6 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added June 6, 2022.

Synopsis

New world generation: Villariso clan conquered the Monterealez Island.

The downfall of Monterealez clan. The story of Villariso Clan. On how Villariso Conquered the four corners of Monterealez exclusive island.

Read the first chapter

Chapter 1: The last heir of Monterealez Clan

Dalawampu't-isang dekada na ang nakakaraan ng mamatay ang isa sa pinakamayaman na tao sa bansa- si Don Mateo Monterealez. Bago pa man ito namatay, naipamana na nito ang lahat ng ari-arian sa kanyang mga apo. Isa ang Isla ng Monterealez sa kanyang kayamanan na ipinamana sa apat nitong apo na panganay.

Hindi naglaon, nagkaroon ng mga pamilya ang mga apo nito na umabot sa kaapo-apuhan nila. Nanirahan ang mga ito sa labas ng Isla. Sa paglipas ng panahon, ang natitirang Monterealez na natira sa Isla ay ang sa side ni Euthace Monterealez- ang paboritong apo ni Don Mateo.

Nang mamatay si Euthace, ipinamana niya rin ang Isla sa pamamahala ng kanyang mga anak- na umabot hanggang sa kaapo-apuhan niya.

Isabela Monterealez, ang huling Monterealez sa Isla. Siya ang naiwang mamahala sa buong Isla. Labing-tatlo siya nang mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan mag-isa sa murang edad lamang.

Kasama siya noon ng maaksidente ang sinasakyang kotse ng buong pamilya- sa kasamaang palad, siya na lamang ang nakaligtas. Nagdulot rin iyon ng hindi siya makalad. Naparalisa ang mga binti nito.

Mula noon, hindi na nasilayan ng mga tao sa Isla- ang maganda, maputi, at masayahing batang babae na si Isabela. Siyam na taon ang lumipas, nanatili lamang ito sa kanyang silid.

Wala ng ibang nakakakita sa kanya maliban sa kanyang matapat na, Enrico- forty-five years old at ang asawa nitong si Maria- ang mayordoma sa Mansyon- forty years old, at ang mga katulong sa kanilang mansyon.

Ang alam ng lahat ay tuluyan ng nalumpo si Isabela, ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, ipinapagamot pala ito ng tapat na kanyang butler Enrico at Mayordoma na si Maria. Noong nakaraan taon lamang nag-umpisang makalakad muli si Isabela pero mas gusto nito ang umupo sa kanyang welchair at magtago sa kanyang madilim na silid. Hindi rin nito magawang lumabas sa kanyang silid kahit man lang ang magtungo sa kusina.

Hindi dahil sa natrauma siya kundi dahil pakiramdam niya, wala ng saysay ang buhay niya. Bawat araw, linggo, buwan, at taon na lumilipas, nawawalan na siya ng lakas upang lumaban sa buhay. Hindi na rin niya alam kung nasaan ang mga kamag-anak niya. Ni wala siyang koneksyon.

Natigilan si Isabela nang makarinig ng marahang katok sa kanyang silid. Kasalukuyan siyang nakasilip sa glass door sa veranda. Slinding glass door iyon ngunit nakababa ang mga kurtina para di makita ang nasa loob.

Hanggat maaari ayaw ni Isabela na masinagan siya ng araw. Madilim rin sa kanyang kwarto. Ayaw na ayaw niya na may ilaw sa paligid. She loves darkness. She never scared in terms of darkness. Everything about it are heaven to her. And that's make her insane.

Dahan-dahang nagbukas ang pintuan at kaagad rin itong nagsara.

"Isabela, kumain ka na."

Nasanay na nga ata ang kanyang mata sa dilim at nakikita niya ang Nanay Maria niya. She's thankful pa rin dahil may Nanay Maria at Tatay Enrico pa rin siya na nag-aalala at nagpresinta na maging magulang niya.

Pinaandar ni Isabela ang kanyang welchair patungo sa kanyang Nanay Maria.

"Salamat po, Nanay Maria,"

Bahagya itong tumawa. "Ikaw na bata ka. Bakit naman sinigawan mo ang katulong na naghatid ng pagkain mo? Nakisuyo lang ako sa kanya dahil may inasikaso ako sa sentrong bayan."

She pouted. "Hindi kasi siya kumatok. Basta na lamang siyang pumasok sa kwarto ko."

"Gano'n ba? Sige pagsasabihan ko siya. Sige na, kumain ka na."

Tipid niyang tinanguan si Maria.

"Saan nga pala kayo nagpunta ni Butler Enrico?"

Bumuntong-hininga ito. Hirap na sabihin kay Isabela ang nangyayare.

"Nabili na ng mga Villariso ang lupain sa East Hacienda. Itong North hacienda na lang ang hindi." Mahinang tugon nito. "Nagtalaga na rin ito ng mga bantay."

More by Khay2626

View all

You may also like

Young Adult

Sign in to join the discussion