6. The last heir of Monterealez Clan
"Isabela..."
Halos mapatalon si Isabela sa kanyang welchair nang medyo may kalakasan na tawagin ni Maria ang kanyang pangalan.
Hindi niya napansin na nakapasok na pala ang nanay Maria sa kanyang kwarto.
Sa lalim ng kanyang mga iniisip, hindi na niya alintana kung ano ang nangyayare sa paligid.
Isang linggo na ang nakakaraan ng mag-usap sila ni Israel. Wala siyang natanggap na balita mula sa lalaki simula nang gawin nito ang kalapastangan sa kanya.
Akala niya rin susundin nito ang mga sinabi niya pero hindi. Hindi nagparamdam ang lalaki at gano'n pa rin ang sitwasyon ng Isla.
'Dahil ba hindi nito nakuha ang gusto sa akin kaya bumalik ito sa dating layunin?'
Muli siyang bumuntong hininga bago ituon ng maayos ang kanyang sarili kay Maria.
"Ano po iyon, Nay?"
May pangamba sa itsura nito. "May problema ka ba Isabela? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraan na wala ka sa'yong sarili."
Nag-iwas siya ng tingin dito. "Wala po ito." Kumibot ang labi niya. Muli niyang tinignan si Maria sa kanyang harapan. "Nay? Ano na po bang nangyayare sa labas?"
Malakas itong bumuntong hininga. "Gano'n pa rin."
Tipid siyang tumango dito. Bahagya pa siyang nag-alinlangan na itanong ang bagay na isa sa gumugulo sa kanyang isipan. Pero pakiramdam niya kapag hindi niya ito naitanong ay baka mabaliw na siya.
"Nay? S-si Israel po? M-may masama po ba siyang balak- I mean, may pinaplano na naman ba siyang masama sa Isla?"
Umiling ito. "Sa pagkakaalam ko wala dito sa Isla si Israel. Isang linggo na siyang nasa syudad."
Hindi ko alam pero bigla akong nadismaya sa nalaman. Parang may kumirot sa puso ko nang malaman na wala siya dito sa Isla.
Hindi ba dapat matuwa ako kasi wala siya dito sa Isla para pahirapan ako- ang iba? Pero bakit nalulungkot ako? Para akong nanghihina na hindi ko maintindihan.
Lumipas ang mga oras at nanatili lamang ako sa aking madilim na silid. Ni ang kumain ay para akong nanghihina. Dati naman siyang walang buhay pero iba ngayon. Mas hinang-hina siya. Pakiramdam niya magkakasakit siya.
Pinagulong niya ang kanyang welchair sa glass wall ng kanyang kwarto. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa paligid. Hapon na at tila papalubog na ang araw.
Mula sa mataas na palapag ng kanyang kwarto, kitang-kita niya mula sa malaking bakal na gate ang mga labas pasok sa kanyang masyon. Ang mga tagabantay na iniinspek ang bawat dala ng mga pumapasok.
Trabahador?
Kunot noo niyang tinitigan ang mga iyon. Nagtataka siya. Kailan pa naglabas pasok ang mga trabahador sa kanilang Mansyon? Hindi ba dapat nasa pagawaan ito? Sa palayan?
Kating-kati siyang lumabas ng silid pero natatakot siya.
Kagat labing napatitig na lang siya sa mga ito.
Teka? Sa ilang taon kong tumatanaw dito bakit ngayon ko lang nakita ang mga tagabantay na ito? Naghire ba sila Nanay Maria ng bagong mga gwardya?
Bigla siyang kinabahan. Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Hindi niya maipaliwanag pero sa kaalamang iba na ang mga tauhan, gwardiya at ang paglabas pasok ng mga trabahador sa Mansyon ay sadyang nakapagpakaba sa kaniya. Bigla siyang natakot.
Dumadagundong ng malakas ang puso niya.
Mabilis na pinagulong ni Isabela ang kanyang welchair papunta sa drawer katabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Idinayal niya ang numero ng kanyang Nanay Maria.
"Isabela? May problema ba?"
"Nay? Bakit po biglang nag-iba ang mga tagabantay sa gate? Saka po, bakit labas masok ang mga trabahador?"
Hindi naman sa bawal silang pumasok sadyang nababahala lang siya. Hindi naman siya maarte na ayaw magpapasok pero sadyang may masama lang siyang kutob.
"Ay iyon ba? Pasensya ka na hija nakalimutan kong sabihin. Nagresigned na kasi ang mga gwardiya na nagbabantay sa gate. Kaya naghire kami ng bago. Tungkol naman sa mga trabahador. Naubusan lang tayo ng mga stock ng pagkain kaya nagpautos ako ng magdadala."
Malakas siyang bumuntong hininga. Bigla siyang napanatag sa sinabi nito. Kahit taliwas ang puso niya at may pangamba pa rin, napanatag naman ang utak niya sa sinabi ni Maria.
Malaki ang tiwala niya rito.
"Gano'n po ba? Sige po. Salamat, Nay."
MALAKAS NA BUMUNTONG hininga si Maria nang ibaba na ni Isabela ang tawag nito. Malungkot siyang napatitig sa kanyang Cellphone.
'Patawarin mo ako, Anak.'
Nagsinungaling siya kay Isabela. Hindi totoong wala sa Isla si Israel. Sa katunayan, ilang araw na nandirito sa Mansyon si Israel. Tila wala na itong balak na umalis at nais na dito na lamang tumira.
Hindi iyon malalaman ni Isabela dahil hindi naman ito nalabas sa kanyang silid. Umaalis lang si Israel sa umaga para sa kanyang mga negosyo at pagdating ng gabi ay dito siya nauwi. Sa katabing room pa mismo ni Isabela siya natutulog.
Wala sa plano niya na mahalin si Isabela bilang isang anak at ang nais lamang nila ni Enrico ay sundin ang mga inuutos ni Israel. Hindi niya akalaing mas titindi ang pagmamahal niya sa batang iyon.
Ngayon naguguluhan na siya kung sino- ano ang susundin. Malaki ang utang ng loob nila ni Enrico kay Israel. Mahal niya rin si Israel dahil matagal niya rin itong inalagaan ngunit, napamahal na rin siya kay Isabela.
Natigilan siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Alinlangan niya itong sinagot.
"Israel?"
"Maria. Napaalis mo na ba ang lahat ng tao diyan?"
Umiling siya. Taliwas sa tamang sagot. "Oo. Napalitan ko na ng mga tauhan mo ang lahat ng tao dito sa Mansyon. Wala ka ng dapat na ipag-alala."
"Very good."
"Ano ba talaga ang pinaplano mo? Bakit kailangan paalisin mo pa sila?"
"Tsk. Sa akin na lang muna iyon. Sundin niyo na lang ang gusto ko."
"Ok." Tipid na sabi niya kahit na gusto niya pang magtanong.
"Hindi magtatagal mapapasa akin na rin ang Isla."
Tumango si Maria. Iyon naman talaga ang gusto ni Israel at tumutulong sila dito.
"Kung gano'n maghahanda na rin ako sa pag-alis namin papuntang syudad. Alam namin na malapit na itong mapasa'yo. Kaya nararapat lamang na umalis na kami. Pinaplano namin na sa isang buwan ay tutungo na kami ni Enrico sa syudad kasama si Isabela."
Natahimik sa kabilang linya. Akala ni Maria pinutol na ni Israel ang tawag ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makarinig ng malakas na pagbasag.
Halos mapatalon siya nang sumigaw ng malakas si Israel.
"What did you say?!"
"Ano?" Balik na tanong niya. Hindi niya ito naintindihan.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagalit.
"Sinong may sabi sa inyo na makakaalis kayo sa Isla, huh?"
Napuno ng takot at pangamba si Maria. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Malamig at mariin ang pagkakasabi no'n ni Israel. May panunuya.
"H-hindi ba't pinayagan mo kaming umalis dito?"
"Yeah. Sinabi ko. At marunong akong tumupad sa usapan." Napuno ng question mark ang mukha ni Maria. Hindi maintindihan ang binabatid ni Israel. Bigla siyang naguluhan.
"Pero hindi ba-"
"Yes. Pumayag akong umalis kayo ni Enrico pero hindi ko sinabing pati si Isabela ay pwede niyong isama."
Nanlaki ang mga mata ni Maria. Sa puntong iyon, may namumuo sa kanyang isipan. Kilalang kilala niya si Israel at hindi siya manhid o tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n.
'Naloko na! Natipuhan ng isang tusong Villariso si Isabela! Ang mapang-angkin na si Israel!'