THIRTY-ONE (31)

-Jc’s POV –

Kaskas ng guitara ang umagaw ng aking atensyon dahilan para mapadilat ako. At bago pa man mag-absorb sa isip ko kung nasaan ako, sunod akong nakarinig ng pamilyar na kanta mula sa kung saan.

Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa

Kung ang gabi ay lumalamig

Taglay ko ang yakap mo

Ang init ng iyong pagmamahal

Ay walang kasing-alab

Hinihila ang aking tenga ng isang maamo at malamig na boses ng kung sino. Isang boses na nagpapagaan ng aking pakiramdam at sobrang relaxing sa pandinig. At pamilyar din sa pandinig ko. Parang narinig ko na dati pero hindi ko lang maalala kung kanino.

Inikot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong ibang makita kundi liwanag na bumabalot sa buong lugar. Sobrang liwanag na halos wala akong makita.

At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko

Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman

Hinarap ko ang kahirapan, minahal ko ang buhay

Ang langit ay abot-kamay lamang

Kung ako’y nasa piling mo

Sa hindi malaman na dahilan ay nagtatakbo ako. Hindi man ako sigurado kung saan patungo ang aking tinatahak ngunit nararamdaman kong doon galing ang boses. Instincts ko yung nagtulak kaya hindi ako nagdalawang isip.

I was holding my breathe when I ran a little faster. Kahit nahihirapan akong huminga sa bilis ng takbo ko ay kinaya ko parin.

Hanggang sa bumungat sa harap ko ang isang kulay ginto na buhok. Dahilan para matigilan ako. Nanigas ang buong katawan ko at biglang huminto sa pagtibok ang puso ko. Nanlaki ang aking mga mata habang unti-unti itong papalapit sa akin.

Hanggang sa tuluyang tinakpan nito ang buong mukha ko.

‘Babalikan kita.’

Pinagpapawisan man ang aking kamay, mabilis na hinawi ko ito at hinahabol ko ang aking hininga ng maalis ko ito.

Ginala ko ang aking paningin upang subukang alamin kung nasaan ako.

Naka-on ang ilaw sa kisame at mukhang nakahiga pa rin ako sa kama. Lumingon ako sa aking tabi at ang himbing ng tulog ni Cesha. Sinuri ko naman ang aking kamay at nakabuhol ang buhok ng aking kapatid dito.

Napabuntong hinga ako kasabay ng pagpikit ng aking mata.

Panaginip na naman. Parang napapadalas na ata.

Muli akong dumilat at maingat kong tinggal ang buhok ng aking kapatid sa aking kamay. Bumangon ako at umupo habang tumutulo ang pawis mula sa aking noo. Kumalma na ang aking paghinga ngunit ang lakas at ang bilis pa rin ng kabog ng aking puso. Nailagay ko ang aking palad sa aking dibdib at pinakiramdaman ang bawat tibok nito.

Ano bang meron ngayon?

O hindi ka lang talaga matahimik?

-Rhea’s POV –

And we dance all night

To the best song ever

We knew every line

But I can’t remember

How it goes but I know

That I won’t forget her

‘Cause we dance all the night to the best song ever

Niyanig ng kanta ng One Direction ang buong bahay pagkalabas ko ng kwarto. Natatawa naman ako habang binabaybay ang hallway dahil sa anino ng kung sinong naaaninag ko mula sa living room.

Malamang si Mj yun. Walang ibang adik ng 1D dito sa bahay kundi siya lang.

You know, I know, you know I’ll remember you

And I know, you know, I know you’ll remember me

And you know, I know, you know I’ll remember you

And I know, you know, I hope you’ll remember

How we danced, how we danced …..

Yumuyugyog ang aking balikat habang nakatakip ang isang kamay ko sa bibig. Mj was dancing while holding her comb as a mic. Tumatalon-talon siya sa couch habang sumasabay sa kanta with feelings pa. Ako naman sa gilid ay nageenjoy sa concert niya.

Naging maayos na ang relasyon namin ni Mj pagkatapos ng nangyari sa Calinan. Naging okay na rin ang pakikitungo ko sa kanya. At ang ending naging close na talaga kami like sisters. Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko makamit ang tunay na kapayapaan. Hindi ako nagkaroon ng chance na makilala si Mj. Alam kong may 2nd family si mama pero hindi kami nagkakilala.

Mj: It was the best song ever

Kasabay na umikot siya at eksaktong huminto ang kanyang pagikot sa harap ko.

Bigla siyang naging bato sa posisyon niya habang nagkapalitan kami ng tingin. Nanlaki ang kanyang mata at unti-unting nagiging pula ang pisngi niya.

Humagalpak ako sa tawa kasabay ng pagpalakpak. Dahil doon, tumawa na rin siya.

“Pwedeng mahiya?” Natatawa pa nitong usal.

“Huli na dahil nakita ko na lahat.” Sagot ko sa gitna ng aking tawa.

Hindi na siya sumagot at hindi na rin ako nakapagsalita. Nagpatuloy nalang kaming humalakhak habang ako ay nakatakip ang kamay sa bibig at siya naman ay hawak ang tiyan niya.

“Kayong dalawa, usap nga muna tayo.” Narinig ko ang boses ni Ate Cyrel.

Kahit nakabungisngis kami ay sabay kaming lumingon sa kanya. Nakatayo siya sa door frame ng kusina at nakacrossed arms. Kumikinang ang mata niya dahil sa ngiti niyang abot hanggang tenga.

“Ano ba paguusapan natin?” Tanong ko na nakangiti parin habang naglalakad papunta sa kanya.

“Syempre, kung bakit tayo maguusap.” Isang mapaglarong ngiti ang binigay ni ate saka tinalikuran kami at naunang pumasok sa kusina.

I laughed with sarcasm, “Nakakatawa.”

Nakakita ako ng tatlong baso sa mesa sa loob ng kusina. Ang dalawa nasa magkabilang dulo nito habang ang isa naman ay nasa gitna.

“Magkape muna tayo.” Anyaya ni ate saka nagtungo sa left side ng mesa.

“Naks.” Bulalas pa ni Mj.

Narinig ko ang kanyang boses mula sa aking likod.

Magkasabay kaming nagtungo ni Mj sa gitna at right side ng mesa kung saan nakapwesto ang natitirang baso.

“Nescafe stick. Ang tapang naman nito.” Wika ni Mj habang nakadungaw sa kape saka kinuha ito at ininom.

“Pero yung uminom marupok.” Agad na sumbat ni ate na nakatuon ang tingin kay Mj.

Mabilis naman na naibuga ni Mj ang kanyang kape saka humagalpak kami ni ate sa tawa. Yumuko naman siya at pinunasan ang kanyang bibig at nakabungisngis na tumingin ulit sa amin.

“Sino ba yan?” Nakangisi pa ni Mj na tanong habang palipat-lipat ang tingin sa amin.

“Sino ba yung uminom?” Halos matawang sagot naman ni ate.

Humagalpak naman sa tawa si Mj habang kami naman ni ate ay umahagikhik.

“Concern kasi siya sa akin tapos caring kaya akala ko tuloy.” Nagpipigil ng malaking tawa si Mj sa mukha habang nagpapaliwanag.

“Naku! Meron talagang iba na ipaparamdam sayo na they care –” Naputol si ate sa kanyang sinasabi nang bigla akong sumabat.

“Yun pala college na.” Nagpipigil akong ngumiti saka uminom ng konti mula sa aking kape.

Nakangangang nakangiti sila ate at Mj na tumingin sa akin kasabay ng pagtaas ng ang aking kilay.

“Anong connection?” Nakakunot ang noo ni ate na nagtanong.

“They care, Pre-school, Kinder, Elementary, Highschool at College. Di niyo alam?” Nakangising pangaasar ko sa kanila.

“Hello joke, nasaan ka na? Kailangan ka ni Rhea ngayon.” Sabi pa ni ate habang nakafinger-phone ang kanyang kamay at nilagay sa kanyang tenga. Kunyari ay may kausap siya sa cellphone.

Humagalpak naman si Mj sa tawa kasabay ng pagtakip ng kanyang kamay sa kanyang bibig habang ako naman ay nakangising nakatingin kay ate.

“Alisin mo kasi yang kalokohan mo. Hindi bagay sayo.” Natatawa pang tugon ni Mj.

“Sinubukan ko nga pero sarili ko yung umalis.” Nakangisi ko pang sagot saka umagikhik.

Halos magkasabay naman sila Mj at ate na umagikhik habang nakatingin sa akin.

‘Kamusta ka na?’

“Naguusap na nga tayo.” Bigla kong sagot.

Biglang huminto sila sa pagtawa at kumunot ang kanilang noo. Ako naman ay nakangiti habang nakataas ang dalawang kilay.

Nagkapalitan kami ng tingin pero sila mukhang nagtataka. Kalaonan ay sila Mj at ate naman ang nagkapalitan ng tingin.

“Kinukumusta niyo ako tapos----”

‘Mukhang napapadalas ang pagpaparamdam mo sa akin.’

Bigla akong natigilan kasabay ng pagbilis ng kabog ng puso ko.

‘Hindi ka ba matahimik? Pasensya ka na, hindi pa kasi kita kayang palayain. Kahit dalawang taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin kasi matanggap na hinding-hindi na kita makikita.’

Nanlaki ang aking mga mata habang patuloy na pumapasok sa isip ko ang mga salita. Nagsimulang pagpawisan ako ng matinding lamig sa aking buong katawan at bahagyang napanganga ang aking bibig.

Hindi sila Mj o ate… Kundi…. Ang boses na madalas kong naririnig tuwing madaling araw..

May bumisita sa puntod ko..

My lips started to tremble as I gently pressed it together. My hands are shaking as I looked down. My whole body froze and I don’t even know what to do.

Pupunta ba ako? Sa sarili kong puntod? Para malaman kung sino ang dahilan ng pangalawang buhay ko?

‘Nakakamiss na talaga yung boses mo kapag kumakanta. Yun lang talaga ang nagbibigay ng himbing sa aking pagtulog. Pero ngayong hindi ko na naririnig, madalas na akong nagkaka-insomia.’

Mga mata nila Mj at ate ay nakatuon sa akin. Halatang nagtataka at nagaalala. Hindi sila umiimik at sa tingin ko ay naghihintay silang may sabihin ako.

Patuloy na naririnig ko ang boses. At kahit kinakabahan ako ay tinulak ako ng aking instincts para kumaripas sa pagtakbo papunta sa sementeryo.

Natatakot man ako sa posibleng maging biglang pagbalik ko sa langit ngunit ito ang mission ko sa aking pangalawang buhay. Hanapin ang taong totoong nagmamahal sa akin at abot hanggang langit ang panghihinayang dahil hindi kami nagkatuluyan.

Habang palalapit ako ay mas lalong bumibilis ang kabog ng puso ko. Halos hindi na nga ako humihinga dahil sa takot na mas nangingibabaw. Weird man sa aking pakiramdam ngunit kailangan kung puntahan.

-Third Person’s POV –

She was gasping for air when she arrived, right in front of her grave. Tagaktak ang malamig na pawis mula sa kanyang noo. Nanginginig ang kanyang mga kamay na pinagdikit niya ito kasabay nitong paglunok ng kaba.

Isang lalaki ang nakatayo sa harap ng kanyang puntod at nakadungaw ito sa lapida. Tumutulo ang luha nito habang nakapikit ang kanyang mata. Kilala man ni Rhea ang lalaking nakatalikod pero nahihirapan pa rin siyang maniwala kung sino ito.

Tinulak ng pagaalinlangan ang kanyang mga paa upang dahan-dahan humakbang papalapit sa kanyang puntod. Bawat hakbang niya ay walang kasiguruhan at kalahati ng kanyang isip ay gustong tumalikod. Ngunit nagkalakas ng loob pa rin siyang ipagpatuloy ang hakbang na kanyang nasimulan.

Biglang naging bato siya sa kanyang kinatatayuan nang gumalaw ang binata at humarap sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang nakanganga ang kanyang bibig ng magtama ang kanilang tingin. Nagkasalubong naman ang kilay ng binata habang sinusuri niya ang mukha ng dalaga.

“Rhea…” Mahinang usal ng binata na halos pabulong na.

“C-Ceejay??” Her lips trembled as she struggled to pronounce his name, “A-Anong ginagawa m-mo dito?”

“May binista lang ako.” His voice was little weird and unsettled.

Nilunok ng dalaga ang kabang meron siya at sinubukang maging natural na parang walang nangyaring kahindikhindik. Napakurap siya ng ilang beses para lang luminaw ang lahat sa kanya dahil hindi pa rin sumasagi sa isip niyang si Ceejay ang makikita niyang bibisita sa puntod niya.

Nagaalala ang mukha ng binata ng lumapit ito sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo na halata ang pagtataka kaya naman ay napayuko si Rhea upang iwasan ang tingin nito.

Marahang niyakap siya ng binata saka sinubsob ng dalaga ang kanyang mukha sa dibdib nito, habang hinahaplos naman ng binata ang likod nito.

“Okay lang yan.” Mahinahong wika ng binata.

Kahit naguguluhan ito, hindi na siya nangusisa pa. Mas pinili na lamang niyang manahimik at maghintay kung kailan magsasalita ang dalaga. Alam naman niyang magkukwento din ito kapag magaan na ang pakiramdam.

Sa di kalayuan, nakamasid ang isang binata habang yakap ni Ceejay ang dalaga na naglalakad papalayo. Nakasandal ito sa likod ng punong kahoy na nasa kanan nila Ceejay at Rhea. Mga mata lamang nito ang kanyang nilabas upang maingat na pagmasdan ang dalawa.

Nang masiguro nitong malayo na sila sa kanyang kinaroroonan, naglakad ito ng paderetso mula sa linya ng punong kahoy. Nadaanan niya muna ang ilang lumang lapida bago siya huminto sa isang maruming lapida.

Lumuhod ito sa harap at hinawi ang ilang lantang dahon na nasa ibabaw nito. Saka niya nilagay sa ibabaw ng lapida ang bulaklak na hawak niya at nagsindi ng putting kandila sa bandang ibaba nito.

Tumayo na ulit siya at malungkot na tinitigan ang lapida. At sa di niya naman inaasahan, tumulo ang luha nito na dumeretso sa pangalan ng nasa lapida. Dahilan para mapalunok siya at muling basahin ng kanyang isip ang pangalan ng puntod na kanyang dinalaw.

Rest In Peace

Crista Segovia

Born: January 16, 1995

Dead: November 11, 2015