Twenty-Four (24)
Third Person’s POV –
“May hangover na ba ang lahat?” Sigaw ni Janica na bumuhay sa tahimik na bahay niya.
Nasa couch siya at nakaupo habang nagkakape. Pinagmamasdan ang magulo niyang bahay. Nagkalat ang mga bote ng beer sa sahig, mga chichirya na walang laman, mga sapatos at tsenelas at pati mga baso.
Iilan sa mga members ay gising na at nagkakape sa balcony. Habang ang ilan naman ay parang mantikang natutulog.
“Nasan si Primera?” Mahina at matamlay ang boses ni Lorenz habang naglalakad ito papunta sa kinauupuan ni Janica.
“Umuwi na bago pa kayo magising.” Sagot naman ng dalaga saka nilagay ang kanyang kape sa maliit na lamesa na nasa harap ng couch na kanyang inuupuan.
Umupo naman ang binata sa tabi ng dalaga at nilagay ang kanyang kape sa tabi ng kape nito.
“Ang aga naman.” Aniya.
Tulalang nakatitig si Janica sa kape niya, “Kaya ba nating linisin ito lahat?”
Bahagyang ngumiti ang binata saka kinuha ang kanyang kape at uminom bago sumagot, “Nagawa mo na nga ang impossible kagabi.”
Bumungisngis naman ang dalaga at lumingon sa kanya, “Alin? Yung nagchugchugan kayo ni Juviler?”
Binalik ng binata ang kanyang kape sa mesa bago niya nilapit ang kanyang mukha sa dalaga, “Parang ikaw talaga yung naaalala kong hinubaran ko.”
Nagkasalubong naman ang kilay ng dalaga habang umaagikhik bago niya kinuha ang kanyang kape saka uminom.
Kunwari ay walang paglalagyan ang gulat ni Lorenz nang idura ni Janica ang kape pabalik sa baso nito. Umatras naman ang binata na bahagyang nanlaki ang mata ngunit bakas parin sa mukha nito na nagpipigil siyang tumawa.
Umuubo naman si Janica na parang nasusuka nang binalik niya sa mesa ang kape.
“Anong nangyari sayo?” Halos matawang pangungusisa ni Lorenz sa nandidiring mukha ni Janica.
“Anyare sa kape ko?” Naiirita nitong usal habang nandidiri siya sa nalalasahan ng kanyang dila, “Lasang ano… Alikabok na sobrang maalat.. Hindi ko maintindihan…”
Yumuyugyog ang balikat ng binata nang tinalikuran niya ang dalaga at yumuko. Iniiwasan nitong makita ng dalaga ang paghalakhak niya. Upang hindi niya mapagtanto na may kinalaman ang binata sa pagbago ng lasa ng kanyang kape.
Natigilan ang dalaga nang makita niya ang kapeng hawak ng binata. Binalik niya ang kanyang tingin sa kapeng nasa harap niya at inikot-ikot ito. Hinahanap ang isang bagay para kumpirmahin ang iniisip niya.
Naiinis siya sa sarili niya nang ngumiti ito bago hinampas nito ang balikat ng binata, “Langya ka! Pinalitan mo ang kape ko!”
Iniangat naman ng binata ang kanyang ulo at tumingin sa dalaga na nakanguso. Nagpipigil ng isang halakhak sa mukha.
“Pinalitan mo!” Inis sa sumbat ng dalaga nang hindi ito sumagot.
“Pinalitan ka jan. Tanga ka talaga.” Natatawa namang sagot ng binata.
“Tignan mo nga yang kape na hawak mo.” Nakabungisngis na tugon ng dalaga saka tinuro ang kapeng hawak ng binata, “May lipstick ang baso kaya akin yan.”
Tumingin din naman ang binata sa hawak nito. At nang hindi na niya napigilan ay humalakhak ito bago binalik ang hawak nitong kape sa mesa.
“Masarap ba?” Pangaasar pa ng binata habang natatawa.
Kinagat nito ang ibabang parte ng labi niya upang maitago ang nakangiti niyang reaksyon bago sinapak ulit ang balikat ng binata, “Kasing sama mo!”
Gigil na tinulak ni Lorenz si Janica. Napatili naman ang dalaga kasabay nang pagbagsak niya sa couch. At bago pa man makagalaw ang dalaga ay agad na pumusisyon ang binata sa ibabaw nito. Magkadikit ang katawan ng dalawa at sa sobrang dikit ng mukha nila, nahihirapang huminga ng dalaga, dahil sa kaba.
Tahimik na nagkatitigan ang dalawa ng ilang minuto. Parehong nakikiramdam. Unti-unti namang umaakyat ang dugo ni Janica sa mukha para maging dahilan ng pamumula niya.
Seryoso namang nakatitig si Lorenz sa kanya. Walang bakas ng emosyon sa mukha nito.
Dahan-dahang binababa ng binata ang labi nito papalapit sa labi ng dalaga nang biglang may humila sa balikat nito. Dahilan para mapatayo ang binata at sunod na napuna niya ay nakakulong na siya sa bisig ng isang lalaki.
“Ang aga mo namang nakikipaglandian kay Otso. Nagseselos na talaga ako.” Pangungutya pa ng binatang yumakap kay Lorenz.
Malakas na tinulak ito ni Lorenz upang makawala siya sa bisig nito, “Ano ba naman, tol Juviler. Tumitigas na nga, disturbo ka pa.”
Humalakhak naman ang binata, “Ako nalang kaya.” Saka ngumuso ito sa kanya na parang hahalikan siya.
Kumonot naman ang noo nito na halatang nandidiri, “Tigilan mo nga yan. Ang sagwa.”
Bumungisngis naman ito na may kasamang pangaasar, “Lagyan natin ng blind fold para masarapan ka.”
Kunyari naman ay nasusuka si Lorenz habang tawang-tawa naman si Juviler sa reaksyon nito.
Samantala…
Habang abala si Lorenz makipagasaran kay Juviler, dali-dali namang bumangon si Janica. Inabot niya ang kapeng napagkamalan niyang sa kanya at hinalikan ang bibig ng baso bago iniabot kay Lorenz.
“Sana all, tinitimplahan ng kape.” Aniya Juviler na nakangisi.
“Mahal kasi ako neto.” Nakabungisngis naman na sagot ni Lorenz bago kinuha sa kamay ng dalaga ang kape.
“Syempre naman.” Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mukha ng dalaga at kinindatan nito ang binata.
Pilyong kindat din ang sinagot ni Lorenz sa kanya. Sumulyap muna siya sa baso at nakita niya ang lipstick ni Janica bago niya ininom ang kape.
Humagalpak sa tawa ang dalaga nang diring-diri na binuga ni Lorenz sa sahig ang kape. Natatawa namang nakatingin si Juviler sa kanya kahit hindi niya alam ang nangyayari.
Nakasimangot itong lumingon sa dalaga at nasa mukha parin nito ang pandidiri sa kape.
“Kwitsss.” Tipid na sagot ng dalaga na may kasamang mapaglarong kindat.
Yumuyugyog ang balikat ni Juviler habang mahinang umaagikhik ito at hindi naman maitsura ang mukha ni Lorenz na nakatitig kay Janica.
“Sira!”
Boses ng natatawa ang umagaw ng atensyon nila, bago pa magbatuhan ng asaran sila Janica at Lorenz.
Lahat sila lumingon sa pinangalingan ng boses at nakita nilang nakatayo sa gilid ng T. V. si Lil_ron. Lumingon naman ito sa kanila ng maramdaman niyang nakatingin ito sa kanya.
“Problema mo jan?” Natatawang tanong ni Janica.
“Sinong shushunga-shungang napagkamalang cellphone ang chocolate bar? At charger ang earphones?” Natatawang paliwanag ni Lil_ron bago tinuro ang bagay na kanyang tinutukoy.
Muling humagalpak sa tawa sila Juviler at Lorenz ng maalala nila ang nagiisang tao na kumain ng chocolates kagabi. Halos kapusin na nga sila ng hininga sa sobrang dami ng tawa nila.
Umagikhik naman si Lil_ron habang nakatingin sa chocolate bar na may earphones na nakasaksak.
“Ayoko na talaga sa kabayo. Sa mahabang le-eg nalang ako.” Biro pa ni Lil_ron sa gitna ng tawa niya.
Nang mapagmasdan ni Janica si Lil_ron, may nakakatawang napansin ito.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nakanguso habang dahan-dahang humahakbang ito papalapit sa kanya.
“Ron, kaninong damit ba yang suot mo? Parang pambabae.” Naiintriga si Janica habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
Sinaksak muna ni Lil_ron sa outlet ang charger niya at chinarge ang cellphone niya bago lumingon sa dalaga, “Natural akin.”
Nakangisi paring nagtataka ang dalaga habang umaagikhik naman ang binatang nakatingin sa kanya.
Sa kabilang banda naman, maingat na nilagay ni Lorenz ang kape niya sa mesa habang dahan-dahang lumapit silang dalawa ni Juviler sa kinaroroonan nila. Bago pa man mapansin ni Lil_ron ang presensya nila Lorenz at Juviler sa likod ni Janica, agad na hinila ni Juviler ang shorts ni Lil_ron, pababa. Dahilan para maexpose ang pagkalalaki nito.
Tumili naman si Janica kasabay na naitakip nito ang kanyang mga kamay sa mata bago niya tinalikuran si Lil_ron.
Bumaha naman ng halakhakan nang nagmamadaling dumistansya ang dalawang binata mula sa kanila. Sa sobrang dami ng tawa nila ay hawak-hawak nila ang kanilang tiyan at halos maluha na sila.
Agad namang tumalikod si Lil_ron at dumistansya mula kay Janica habang dali-dali niyang tinataas ang shorts nito. Kahit naiinis ito, nagawa pa rin niyang umagikhik.
“Tol, bakit panty ang suot mo?” Pangungutya pa ni Juviler sa gitna ng kanyang nakababaliw na halakhak.
“Wag nga kayong maingay. Baka mabisto kami ni Angel.” Dinugtungan ng biro ni Lil_ron ang pangungutya ni Juviler.
Muling humagalpak na naman sila sa tawa at sumabay na rin si Janica sa kanilang tawanan na malapit na nilang ikabaliw.
“Sana all, makascore.” Aniya Juviler sa gitna ng kanyang tawa kahit nahihirapan na siyang huminga.
“Naka-score ka din naman ah.” Natatawang biro ni Janica.
Tawang-tawa naman si Juviler nang lumingon ito kay Lorenz habang tumatango ito sa kanya na may kasamang kapilyohan sa mukha.
“Kadiri ka! Wag mo na ngang banggitin!” Inis na tugon ni Lorenz pero natatawa parin ito.
Sa dami ng tawa nila, ang kanilang boses ang nanaig sa buong bahay na naging alarm clock ng mga members na gumugulong pa sa kama, or mas malala sa sahig.
Rhea’s POV –
“Hello, sistereet!!”
Tumambad sa harap ko ang isang familiar na mukha na nakabungisngis habang papalapit sa akin. Halos malaglag pa nga ang mga mata ko sa gulat kung bakit andito ang bruhang ito sa bahay.
Ano ba naman to.. Bukod sa hangover ko, wala na bang ibang magpapasakit ng ulo ko?
Niyakap niya ako ng makalapit siya sa akin ngunit hindi ako tumugon sa yakap niya. Humiwalay siya sa akin makalipas ng ilang segundo ngunit nakangiti pa rin ito. Mukhang hindi siya naapektuhan.
“M-Mary Jane??” Hindi makapaniwalang usal ko.
“Kamusta ka na, sis?” Pagpapatuloy niya na parang close kami.
Sa totoo nga lang ang sarap niyang sapakin. Hindi ako natutuwa kung bakit andito ang isang ito. At mas lalong hindi nakakatuwa.
Nagkasalubong ang kilay ko at pinagtaasan siya ng isang kilay bago ko siya bahagyang tinulak at nilagpasan siya.
“Ate Cyrel!” Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kusina, “Kailangan mong magpaliwanag bago ako magwala dito.”
Natagpuan ko ang aking minamahal na ate na nagluluto sa kusina. Nakaponytail ang buhok niya at may suot na aapron.
Tumayo ako sa door jam ng kusina habang nakapamewang at tinitigan siya ng masama. Sinagot niya ng tipid na ngiti ang matulis kong tingin habang nakatingin sa akin.
“Hindi pa ba self-explainatory ang presence ni Mj?” Inis na tugon niya bago binalik ang tingin sa kanyang niluluto. Abala siyang haluin ang kung ano mang niluluto niya.
May gana pa talaga siyang mainis? Wala ba siyang trabaho ngayon? Tssk.
“Wag mo nga dagdagan ang sakit ng ulo ko.” Pagrereklamo ko na bahagyang mataas ang boses.
Ugh!! Bigla akong napahawak sa ulo ko at diniin ang daliri ko dito, nang makaramdam ako ng parang tornilyo na bumabaon sa ulo ko.
“Talaga? Akala ko kasi titino ang utak mo kapag andito siya.” Sagot pa nito na may kasamang sarkastikong ngiti bago pinatay ang stove at hinubad ang aapron.
Nakadiin pa rin ang daliri ko sa ulo ko nang pinagtaasan ko siya ng kilay, “Hindi ka nakakatuwa.” Mahina pero madiin kong pagkakasabi.
Nagsmirk lang siya at nakapamewang na humarap sa akin, “Natural. Hindi ako clown.”
I hissed as I sighed sharply, bago ko siya tinalikuran at nagdadabog na pumunta sa kwarto ko.
Sa sobrang tindi ng hangover ko, wala ako sa mood para makipagdebate, kaya naman pasalamat siya. Ang kailangan ko ngayon ay tahimik na tulog at hindi nakakastress na araw.
Muntik ng bumagsak ang bibig ko sa sahig ng makita ko ang hitsura ng kwarto ko, pagkabukas ko ng pinto.
Naging dalawa yung kama at lahat ng gamit ko ay nasa kabilang parte ng kwarto habang may ilang gamit naman na nasa tabi ng bagong kama. Posibleng gamit ni Mj. Nagkasalubong ang kilay ko. Balak pa talaga ng bruhang yun na agawan ako ng kwarto?
My fist clenched as I glared on her things. Sasakalin ko talaga si Ate Cyrel dahil dito.
Pabagsak na sinara ko ang pinto at dabog na pumunta sa kusina para makipagtalo kay ate. Goodluck sa hangover ko pero hindi ko kayang matulog kasama si Mj.
Nagtipon sila sa dulo ng pasilyo ng makalabas ako ng kwarto. Mukhang kinakabahan si Mj habang ang sama naman ng tingin ni ate sa akin. Parang isang maling salita ko lang, sasaksakin na niya ako.
Dinidiin ko parin ang daliri ko sa aking ulo habang naglalakad ako papunta sa kanila. Mas lalo kasing sumasakit.
“Kailangan mo ba talagang ihampas ang pinto?” Mahina pero mataray ang tono ng boses ni ate.
My eyes furrowed, “Hindi siya pwedeng matulog sa kwarto ko.”
And she meet my gaze with a death glare, “Pwede kang lumipat ng kwarto kung ayaw mo siyang roommate.”
Isang sarcastic na ngiti ang lumitaw sa mukha ko, “Okay. Lilipat ako ng kwarto.”
Bago pa man ako makarinig ng sarcasm mula kay ate ay agad ko na siyang tinalikuran at binaynay muli ang daan balik sa pinaggalingan ko.
Sige, patigasan tayo ng bungo.
Ramdam ko ang tingin nilang dalawa na nakasubay-bay sa akin. At sa di inaasahan ay nilagpasan ko ang kwarto ko at nagtungo sa nagiisang kwarto na nasa dulo ng pasilyo.
Sinipa ko ang pinto ng kwarto at ng walang patumpik-tumpik na dumeretso sa queen size bed na nasa gitna ng kwarto at sumampa.
Dinig ko ang malakas na yapak ng mga paa sa pasilyo papunta sa kwarto kung nasaan ako. At sigurado akong nagliliyab na ito sa galit.
“Really, Rhea Castino? Sa kwarto ko?” Mataas ang tono ng boses ni ate na halatang naiinis na.
“Sabi mo lumipat ako. Kaya tadaaa.” Pangaasar ko sa kanya at sinubsob ang mukha sa unan.
“Sinabi ko bang sa kwarto ko?” Matulis nitong sumbat.
“I-relocate mo si Mj kung ayaw mong mag. overtake ako sa kwarto mo.” Sigaw ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa unan.
Narinig kong bumuntong hinga siya bago sinara ang pinto.
See? I’m the princess and ate Cyrel is the queen and Mj is nothing but a worthless slave. Hindi siya pwedeng matulog sa kwarto ng isang prensesa.
Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang mukha niya.
Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin. At nandito na naman siya para sirain ang buhay ko??
Bakit ba sobrang gulo ng second life ko?? Ang gulo na nga nung buhay pa ako, akala ko peaceful na sa second life. Parang lumala pa ata.