Chapter 6

HAILA’S POV

“Tara, meryenda na muna tayo. Mainit na rin kaya sumilong na kayo.” Anyaya ni Ate Marie sa may kubo kaya nagsilapit kami upang sumilong. Sobrang init rin ng panahon kaya napaliguan ako ng sarili kong pawis.

Iniabot ko kay Sir ang isang towel na baon ko kanina upang pamunas niya ng kaniyang pawis. Niyaya ko siyang magmeryenda, tumabi siya sa’kin dahil sobrang sama ng tingin sa kaniya ni Kuya. Psh!

“O,’wag ka mahihiya, Hijo, kain lang ng kain.”Ani Lola sa kaniya. May baon si Criza na bananaque at juice, meron ring kamote. Natakam ako dahil ang tagal kong hindi nakakain ng gano’ng meryenda.

Iniabot ko ang tupperware na pinaglagyan ng bananaque kay Sir. Pinagkunutan niya ito ng noo dahil mukhang bago lang ‘yun sa kaniyang paningin.”Bananaque ‘yan, Sir. Tikman mo, masarap ‘yan.”

“Ano lasa niyan?”

“Tikman mo kasi, masarap ‘yan, pramis.”

Sinunod niya ang sinabi ko’t dahan-dahan na kumagat sa bananaque na hawak. Lahat kami hinihintay ang magiging reaksyon niya. Maarte pa siyang ngumuya at wala naman kaming reaksyon na mabasa sa kaniyang mukha bagkus tumango lang na para bang pasado sa kaniyang panlasa.

“Psh! Kala mo naman lalasunin.” Singhal ni Kuya kaya pinagdilatan ko siya. Ewan ko nga ba sa kaniya kung bakit inis na inis siya kay Sir.

“Hmmm. Taste so good.” Papuri niya at kumagat pa ulit.

“Ehe! Ako nagluto niyan pogi.” Nagpacute pa ang kaibigan ko kaya naman kinurot ko ang kaniyang tagiliran dahil nasa left side ko siya. Bale pinagitnaan nila ako ni Sir.

Napag-isipan ni Lola na ikwento kay Sir ang naging buhay namin rito sa bukid. Namamangha naman ito sa kaniyang mga nalaman. Pansin ko pang tumitingin siya sa’kin at siguro inisip niya kung paano ko nakaya na mabuhay rito. Alam ko naman na malayong-malayo ang naging buhay ko sa kaniya. Hindi niya naranasan maghirap at puro lang siya pasarap. Well,’yun ang totoo.

“Mukhang may iniuwi na si Lala na nobyo niya ha.” Usal ni Mang Denis sa ‘di kalayuan. Napatingin kaming lahat sa gawi niya. Kasama niya rin ang mga kakilala namin na nagtatanim rin dito sa bukid.

“Naku! Hindi niya ‘to nobyo.” Si Papa ang sumagot. Nagkatinginan kaming dalawa kaya mabilis akong umiwas. Nailang kasi ako sa tinginan na nangyari sa’min.

“Ay, akala namin nobyo niya.” Ani Mang Denis.”Gumanda ka yata, Lala.” Biro pa niya.

Natawa naman ako ng mahina sa hiya. Kapag ka ganito na sinasabihan akong gumanda ay nahihiya ako.”Si Mang Denis naman, nambola pa.”

“Hindi kaya, totoong gumanda ka. Baka sa susunod mong pag-uwi ay nobyo mo na talaga ang kasama mo.”

“Matagal pa po bago mangyari ‘yun.” Sagot ko.

“Ganun ba, o siya mauna na kami sa inyo.”Paalam niya kaya kinawayan namin sila. Nakikaway rin si Sir na ikinagulat ko. Hahaha! Hindi naman niya kilala mga ‘yun.

Nabalik sa pagkwekwento si Lola. Nakikinig lang kami sa kaniya. Nag-eenjoy kami kaya kung saan-saan napupunta ang usapan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sumunod na itinanong ni Lola kay Sir.

“Matanong ko nga, Hijo.” Ani Lola at hinarap si Sir. Kinabahan ako sa susunod nitong sasabihin.” May nobya ka ba o nililigawan?”

Tahimik lang kami lahat at hinihintay ang isasagot ni Sir. Maski ako ay nakatingin ng diretso sa kaniya. Inaabangan namin kung ano ang kaniyang isasagot sa tanong ni Lola.

“Wala po, Lola.” Napailing pa ito.

“At bakit wala pa?” Tanong ulit ni Lola sa kaniya. Hindi ko alam pero naeexcite ako sa usapan nilang dalawa.

Natawa pa ito ng mahina. Mukhang nahihiya siyang sabihin kung bakit wala pa siyang nobya.

“Naghahanap pa lang po.” Sagot nito at kumamot pa sa ulo.

“Naghahanap o baka nahanap mo na?” Biro ni Ate Marie. Naghighfive pa sila ni Criza. Alam ko naman kung ano ang meron sa biro nilang ‘yun.

“Hahaha hindi ko alam.”

“Sayang naman kung walang makikinabang sa kapogihan mo.” Komento ni Criza.

“Oo nga naman, Hijo, napakagwapo mo pero wala kang nobya?” Usal ni Papa.

“Wala po talaga, Tito.”

“Pero may napupusuan ka?” Tanong na naman ni Lola.

“Parang ganoon na nga po.” Mahinahon niyang sagot kaya naman napahiyaw sina Ate at Criza sa kilig. Potek! Alam na alam ko kung bakit sila ganoon. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko kay Kuya na tahimik lang na nakikinig.

Natapos kaming magmeryenda pero tuloy pa rin ang asaran na ginagawa nina Ate at Criza sa’kin.’Yung sagot raw ni Sir kanina ay mukhang ako ang kaniyang tinutukoy. Hindi ko naman magawang paniwalaan dahil ‘di naman kami sigurado. At isa pa, ayokong mag-assume. Hindi magiging ako kung sino man ang napupusuan niya.

Hindi ko pa rin maalis ang aking paningin sa gawi nina Sir at Papa. Sa lagay nilang dalawa ay mukhang magkasundo na sila. Nakikita ko kasing nagtatawanan sila’t parang hindi nararamdaman ang init ng panahon.

Nagpaalam si Criza na umuwi muna upang magluto ng aming pananghalian. Dito na kami kakain at dadalhin nalang niya rito ang mga lulutuhin niya. Abalang naghaharutan sina Ate at Kuya, ako naman ay nakatuon ang pansin kay Sir.

Kung ilalarawan ko siya, napakainosente ng kaniyang mukha. Para bang wala siyang salbaheng ugali kung titignan ngayon. Hindi ko maiwasang mapalunok kapag ka nakikita kong tumutulo’t dumadaloy ang pawis sa kaniyang mukha. Napakahot niya kaya hindi ko maiwasang tumingin sa gawi nila.

Mabuti na lamang at nakakaiwas ako kaagad kapag ka titingin na rin siya sa gawi ko. Kunwari akong busy sa pag-asikaso sa mga halaman namin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng naglakad siya papunta sa’kin. Gosh!

Hindi mapakali ang puso ko sa kaba. Pinagpawisan pa ako lalo kaya todo punas ang aking ginawa. Para tuloy akong timang dito na hindi alam kung ako ba dapat ang gawin. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung paano kumalma ng makita kong diretso ang tingin niya sa’kin. Nakita niya kaya ang ginawa kong pagtitig sa kaniya kanina? Potek!

Papalapit siya ng palapit sa gawi ko kaya pabilis rin ng pabilis ang pagtibok ng aking puso. Para akong naliligo sa sarili kong pawis. Pakiramdam ko tuloy, kasalanan na titigan siya kanina lamang.

“M-may kailangan ka ba, Sir?” Nauutal na tanong ko. Nagkuwanri akong busy sa pagpitas ng mga bunga ng kamatis. Hindi ko alam pero nanginginig ang buo kong katawan dahil sa presensiya niya.

Napailing siya’t lumapit sa gawi ko, as in ‘yung sobrang lapit. Sinadya niya pa yatang pagdikitin ang mga balikat namin. Nagsimula na rin siyang pumitas ng kamatis.

“Baka ikaw ‘yung may kailangan sa’tin.” Pilyong ani niya. Narinig ko pa ang kaniyang paghagikgik. Pinagkunutan ko naman siya ng noo na kunwari hindi alam ang kaniyang sinasabi. Shet! Pansin nga niya ang ginawa kong pagtitig sa kaniya kanina.

“Luh! Wala kaya.”

“Talaga ba?” Sarkastimong usal niya. Nainis pa ako dahil sumusulyap siya sa’kin na para bang sinasabi niyang alam ko ang kaniyang tinutukoy.

“Oo nga.” Sagot ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatay malisya nalang. Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa pagpitas ng mga kamatis.

“Are you sure?” Nakangising tanong niya sa’kin. Nakangiti siya na para bang nang-aasar. Huling-huli na nga ako pilit ko pang dinedeny. Shet!

“Oo nga, ba’t ang kulit mo?” Nainis na ako dahil sa pagngisi niyang ginagawa. Nakakaasar ‘yung paraan ng pagtingin niya sa’kin. Pakiramdam ko tuloy ay napakalaki ng atraso ko sa kaniya. Psh!

Natawa siya’t tinapik pa ng sadya ang balikat ko. Inirapan ko lang siya dahil hindi na ako natutuwa sa kaniyang mga inaasta.”Wala daw. Sus! E ba’t tingin ka ng tingin sa gawi namin ni Tito kanina? Napopogihan ka sa’kin no? Yieee!” Sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya mabilis akong umilag.

Hinampas ko siya sa kaniyang braso pero parang hindi niya ramdam.” Psh! Ang kapal ng mukha mo. Tingin ako ng tingin do’n kasi baka mahimatay ka. Kinaiingatan ka pa naman ng mga magulang mo no. Nagdodoble ingat lang ako kasi alaga kita’t dinala kita rito.” Palusot ko.

“’Yun ba talaga?”

“Psh! Oo nga,’wag ka ngang assumero diyan.”

Narinig ko ang kaniyang pagtawa, kalaunan ay naramdaman kong inakbayan niya ako kaya naman namilog ang mata ko sa gulat. Hindi agad ako nakagalaw dahil nakapusan ako ng lakas para alisin ang kaniyang pagkakaakbay sa’kin.

“Huling-huli ka na, pilit mo pang dinedeny. Hahaha”

Sa inis ay nagkaroon ako ng lakas para alisin ang kaniyang braso na nakaakbay sa’kin.”Huwag mo nga akong inaakbayan makita ka ng Kuya ko, patay ka do’n.”

“Wala akong pake sa Kuya mo.”Ani niya.”Aminin mo muna kasing napopogihan ka sa’kin.” Sabay kindat pa ang loko.

Napasinghal ako’t lumayo ng konti sa kaniya.”Kapal ng mukha mo. Hindi nga sabi e. Kaya lang naman ako tingin ng tingin sa pwesto niyo kasi baka mahimatay ka nga.” Depensa ko.

“Kasi napopogihan ka sa’kin.”

“Psh!

“Tumalikod ka nga.” Utos niya sa’kin kaya nagulat ako.

“At bakit?”

“Basta tumalikod ka sabi e.”

“Naku, Sir,’wag mo ako pinagloloko.” Singhal ko sa kaniya.

“Sumunod ka nalang kaya.” Singhal niya na rin sa’kin kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod. Ganoon nalang ang gulat ko ng suklayin nito ang aking buhok gamit ang kaniyang daliri. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig.

“Kapag ganitong mainit, talian mo buhok mo. Ang haba-haba na nga e.” Sermon niya sa’kin at kinuha ang panali na nakasabit sa pulsuhan ko. Nalimutan ko palang magtali ng buhok kanina.

“Nakalimutan ko pala. Hehehe!”

“Ayan, mukha ka ng tao.” At tumawa ito ng malakas. Pinaharap niya kasi ako sa kaniya at harap harapang nilait.

“Psh!” At iniwan ko na siya sa inis.

Niyaya na nila kami para kumain ng tanghalian. Nabibigatan ako sa timba na pinaglayan ng napitas naming kamatis. Kinuha ‘yun ni Sir mula sa’kin at siya na ang nagbuhat. Pagkarating sa kubo ay tinulungan ko si Criza na maghanda ng aming makakain. Nang matapos ay nagdasal na kami’t nagsimulang kumain.

“Hala! Nalimutan ko palang magdala ng kutsara.” Ani Criza dahil pansin niyang wala siyang nadala na kutsara.

“Hindi naman problema ‘yun.” Ani ko.”Magkakamay nalang tayo kung ganun.” Saka ko itinaas ang aking mga kamay. Sumang-ayon ang lahat maliban kay Sir.

“What? We’re going to eat using our hands?” Tanong nito sa’kin. Nagsimula na rin sina Lola na maghugas ng kamay upang makakain na.

Sumagot naman ako.” Opo, Sir. Tutal wala siyang nadala na kutsara kaya magkakamay na tayo. Sige na, maghugas ka na do’n para makakain ka na rin.” Utos ko sa kaniya. Dinuro ko ang timba na may lamang tubig upang doon maghugas.

“Seryoso ka ba?”

“Oo nga, kamay mo naman gagamitin at hindi itong kamay ko e kaya ‘wag kang maarte diyan.”

“How?”

“Maghugas ka muna dun.” Utos ko sa kaniya at sumunod naman ito. Pagkabalik ay tumabi na ito sa’kin. Inilapag ko naman ang isang plato sa harap niya at nilagyan ng kanin saka ulam. Pinakbet at adobo ang ulam na niluto ni Criza.

“Ganito ang gawin mo, panoorin mo ko.” At pinakita ko sa kaniya kung paano gamitin ang kamay. Nandidiri pa niya akong tinignan pero hindi ko nalang ‘yun pinansin pa.

“Pa’no?”

“Hayts! Pagkakamay lang ‘di mo pa alam? Jusmiyo naman.” Reklamo ko dahil sa inis. Simple kasing pagkakamay hindi pa siya marunong. Psh!

“Tsk! Malay ko ba kasi.”

“Subuan mo nalang siya para tapos ang usapan.” Biro ni Ate kaya nagtawanan silang lahat.

Paulit-ulit lang kami sa pagturo sa kaniya hanggang sa nakuha na niya ito. Mabuti na lang ay ginusto niyang mag-ulam ng pakbet at adobo. Masigla siyang kumain kaya natuwa kami. Masarap naman talagang magluto si Criza. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ganoon kagana kumain.

Nakikisabay na rin siya kina Kuya. Nakakapagbiro na siya kay Kuya, minsan ay nag-aasaran sila pero wala namang napipikon. Masaya kami sa araw na iyan dahil puro tawanan lang. Nagiging wirdo lamang kapag ka si Papa na ang magsalita. Siguro naiintindihan pa niya ako ngayon. Nagsisimula pa naman kami na ayusin lahat.

Nagiging kaclose na ni Sir sina Lola. Masaya ako dahil mukhang nag-eenjoy naman siya sa kaniyang pananatili rito. Nakita ko kasi kung gaano siya kajolly. Malayong-malayo siya sa nakasanayan ko. Hindi ko alam pero unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Lalo na kapag napakabuti ng kaniyang pinapakita sa’kin. Pakiramdam ko may kakaiba sa mga tingin niya sa’kin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ‘yun.