Chapter 5
HAILA’S POV
“Hindi mo sinabi sa’kin na may cheap ka palang kababata.” Ani Sir at tinutukoy nito ay si Dave.
“Psh! Hindi ‘yun cheap, no. Kababata ko ‘yun at ang daming nagkakagusto sa kaniya pero ni isa ay wala siyang pinatulan.” Depensa ko. Abala ako ngayon sa pagpapainit ng aming almusal. Nauna na sina Kuya sa bukid at sinabi ko ay susunod na lamang ako. Nakaupo si Sir sa bangko at hinihintay sa aking niluluto. Kanina ko pa napapansin kung paano niya laitin si Dave.
“Wow! Siya pa talaga ‘yung chossy ah. Tss. Palibhasa kasi cheap.”
“Teka nga, bakit ka ba ganiyan kay Dave? Kakikilala mo pa nga lang sa kaniya e.”
“E, ang cheap kasi ng pagmumukha niya.”
“Nagsalita ‘yung gwapo.”
“Tss. Hindi ko lang trip ang cheap na ‘yun. The way na tignan niya ako kanina parang nagsisisi siyang nakakita siya ng mas gwapo sa kaniya.” Sa boses niya ay talagang inis na inis siya kay Dave. Natatawa nalang ako ng palihim.
“Alam mo, Sir, ikain mo nalang ‘yan. Baka gutom ka lang e.” Tugon ko. Natapos ko na kasing ipainit ang almusal namin. Inasikaso ko na siya. Pinagtimpla ko siya ng gatas tulad ng ginagawa ko sa mansyon. Nang matapos ko siyang pagsilbihan ay umupo na ako sa harap niya’t sinaluhan siyang kumain.
“Wala bang bacon o pancake?” Tanong niya sa’kin ng makita kung ano ang nakahain sa kaniyang plato. Sinangang lang kasi at itlog ang niluto ko. May natira naman kaming ulam kagabi na prinitong isda.
“Sir, baka nakakalimutan mo, nasa probinsiya ka. Kung ako ang tatanungin, walang bacon o pancake dito, okay? Ang patakaran sa’min, kung ano ang nakahain sa mesa yun ang kakainin.”
“But, I didn’t eat a food like this. Tss.” duro niya sa kaniyang plato. Tinignan niya ang mga ‘yun ng nakakadiring tingin. Anak-mayaman nga naman kasi.
“Kaya nga masanay ka na hangga’t narito ka. Wala kaming masasarap na pagkain dito o di kaya naman ay mamahalin. Masusustansiya lang ang meron at sure akong never mo pang natikman sa buong buhay mo ang mga ‘yun.”At kumindat pa ako.
Napabuntong-hininga siya.” Alam mo na ngang ‘di ako sanay sa mga pagkain na ganiyan ‘diba?”
“Akala ko ba gusto mong maranasan ‘yung buhay probinsiya? E, ba’t ka nagrereklamo ngayon?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Oo nga, pero kasi---”
“Hep, hep, hep! Kung ano ang nakahain sa mesa, yun ang kainin.”
“Tss. Mukha ba akong kumakain ng ganito?” Duro niya sa sinangag.
“Sir, wag ka nga maarte diyan, kanin lang ‘yan na hinaluan ko ng hatdog. Saka masarap kaya ‘yan, try mo kasi.”
“I. Don’t. Like.”
“Ang arte mo, bahala ka dyan kung ayaw mo kumain.” Pinagpatuloy ko ang paglamon at hindi na siya pinansin pa. Todo reklamo siya pero hindi na ako nag-abalang sagutin siya. Hinayaan ko nalang siya at binusog ang sarili. Napagod pa naman ako sa paglaba kanina. Buti nga tinulungan niya akong magsampay.
“Hayts! Okay, fine. Pag ako nalason, idedemanda talaga kita.” Usal niya at nagsimula na siyang sumandok ng sinangag pero pinandidirihan niya pa rin. Kakain rin pala dami pang satsat e. Nagsayang pa talaga siya ng laway.
“Psh! As if naman malalason ka. Arte mo.”
Nagsimula na siyang kumain, muntik pa siyang maduwal dahil diring diri siya. Pero kalaunan ay nagustuhan rin ang lasa. Sunod-sunod na kasi ang pagsubo niya. Napailing nalang ako habang pinapanood siya.
“Tss. Ano nalason ka ba?”
“Kumakain ako wag mo ko guluhin.” Suway niya sa’kin na para bang ayaw na mapahiya sa mga sinabi kanina lamang.
“Arte-arte mo kasi e kakain ka rin pala.”
Abala kaming dalawa sa paglamon ng may pumasok. Napatingin kaming dalawa roon sa bagong dating at bumungad si Papa. Mukhang kakauwi niya lang galing trabaho. Napaiwas ako ng magtama ang aming tingin.
“Tito, tara, kain po.” Rinig kong alok sa kaniya ni Sir. Nakayuko na kasi ako’t alam kong nasa akin ang tingin niya.
“Sige ba.”
Rinig kong naglakad siya papalapit sa gawi namin. Naupo siya sa gilid ko at hindi ko siya sinulyapan. Bagkus tahimik lang ako na tumayo. Napatingin silang dalawa sa’kin dahil sa inasta ko. Pumaroon ako sa lababo upang kumuha ng plato. Nagulat silang dalawa ng tahimik ko itong ilapag sa harapan niya ang plato na kinuha ko.
“Salamat, Anak.” Ani niya sa’kin at napakalaki ng ngiti na tumingin sa’kin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko kung paano ako tignan ni Sir. Natuwa ata siya sa ginawa ko.
Hindi nalang ako sumagot. Nabalot ng katahimikan ang pagitan naming tatlo. Alam kong palihim akong tinitignan ni Papa. Nahuhuli ko ‘yun pero hindi ko nalang pinapahalata. Alam ko rin na pinapakiramdam ako ni Sir. Mukhang sinasabi ng tingin niyang pakisamahan ko ng maayos si Papa.
“Hmm. Ang sarap nitong sinangag, linuto mo ba ito, Hijo?” Pambabasag niya sa katahimikan.
“Naku! Hindi po, hindi nga po ako marunong magluto e.”Natawa pa si Sir ng bahagya.” Si Haila po ang nagluto niyan, sarap po ‘diba?”
“Talaga siya ang nagluto? Ibang klase talaga ang anak ko.” At tumingin ito sa’kin pero hindi ako umimik.”Hindi nakapagtataka kung kanino ka nagmana, anak.’Lam mo ba, parehas na parehas kayo ng Mama mo. Sobrang sarap niyo magluto. Nakakatuwa. Kuhang-kuha mo talaga ang ugali niya.”
“Astig. Hahaha!” Usal ni Sir pero alam kong sinabi niya lang yun para hindi maging wirdo ang pagitan namin ni Papa.
“Talagang astig, hijo, unang kita ko pa nga lang sa kaniya kahapon, pakiramdam ko nabuhay si Emely na mama niya. Kung ano sa itsura niya, ganun mismo sa namayapa kong asawa.”
Napatingin sa’kin si Sir at mukhang nakukuha na niya ang ibig-sabihin ng pananahimik ko. Alam kong nag-iisip siya ng paraan para mailayo ang usapan. Ramdam ko kasing nararamdaman nyang hindi ako komportable sa mga sinasabi ni Papa.
“Maiba nga tayo, Hijo, nagkita na ba tayo dati?” Pag-iiba sa wakas ni Papa sa usapan. Napatingin si sir sa kaniya at gaya ko ay nagtataka rin. Ano ang ibig niyang sabihin?
Napailing si Sir.” Hindi pa po, ngayon lang po kita nakita e. Bakit niyo po natanong?”
“Napakafamiliar mo kasi sa’kin.”
“Talaga po?”
“Oo, pero hindi ako sigurado kung saan kita nakita.’Di bale, gusto mo bang sumama sa bukid?”
“Sige po.”
Natapos kaming kumain na tahimik lang ako. Nagkwekwentuhan silang dalawa pero hindi ako sumasali. Naging tahimik lang ako at nakikinig lang sa kanilang usapan. Pansin ko ang napakagalang na pakikipag-usap ni Sir kay Papa. Kahit hindi sabihin ni Papa alam kong natutuwa siya. Ang cute naman talaga ni Sir lalo na kapag sinasabi niya ang “po” at “opo”.
“Okay ka lang ba?” Sulpot ni Sir sa likod ko habang abala ako sa paghuhugas ng aming pinagkainan. Hindi na siya siguro makatiis sa panonood sa’kin na matapos sa aking ginagawang pagliligpit.
“Oum.”
“Mukhang ‘di naman.” Usal nito. Sumandal siya sa gilid ko’t tinignan ako ng diretso.”Okay lang ‘yan. Kinukuha niya lang ang atensyon mo kaya gano’n.”Tinutukoy niya siguro ang naging ganap kanina.
“’Di ko alam kung bakit napakabitter ko kapag ka nandiyan na siya. Ganito ba talaga kapag ka galit na galit ka sa isang tao?”
“Hindi ka naman makakaramdam ng ganiyan kung pagtutuunan mo siya ng pansin. Subukan mo kasing iappreciate ang mga effort niya. Ang cute niya kayang magpapansin sa’yo.”
“Ewan. Naiinis ako kapag ka sinasali na niya sa usapan si Mama. Pakiramdam ko kasi wala lang sa kaniya ‘yung nangyari.”
“Ano ka ba,’wag ka ngang mag-isip ng gano’n. Gusto niya lang bumawi sa inyo lalo na sa’yo. Alam niya kasing ikaw ‘yung mas nasaktan sa nangyari e.”
Napabuntong-hininga ako ng malalim.”Bahala na.”
Nagsipaghanda na kaming tatlo upang pumunta ng bukid. Pinahiram ni Papa si Sir ng damit pang bukid. Ilang minuto ang nilakad namin ng tuluyan na kaming makarating. Bumungad sa’min si Lola na nagpapahinga sa kubo kasama si Criza samantalang sina Ate at Kuya ay abala sa pagtatanim ng gulay.
“Naku! Bakit niyo sinama iyang amo mo, Apo, baka magkasakit ‘yan, mainit pa naman.” Usal ni Lola ng makita si Sir na nasa gilid ko. Papunta kami sa gawi nila upang magpahinga saglit.
“Okay lang naman po, Lola, hindi naman sensitive ‘tong balat ko. Wala naman kayong dapat ipag-alala. Nakasumbrero naman po ako e.” Ani Sir na tuwang-tuwa pa.
Iginaya ko siya sa kubo at pinaupo ko sa siya sa bangkong upuan. Kumuha ako ng tubig at inalok ‘yun sa kaniya.
“Gusto niya raw matuto kaya sumama na.” Usal ko naman.
“Baka lagnatin yan mamayang gabi ha.” Sigaw ni Kuya na nasa di kalayuan, nagtatanim.
Natawa kaming lahat pati na rin si Sir. Mukhang nasa good mood siya ngayon. O, epekto ng preskong hangin. Lol.
“Malay natin mauna ka, asungot.” Biro ni Sir kaya lalo pa kaming natawa. Nainis naman si Kuya kaya sumimangot ito.
“Pasensiya ka na kay Gino, sadyang gano’n lang ‘yun pero mabait.” Tugon ni Lola.
“Oo, pogi, mabait ‘yun. Inggit lang yata kasi mas gwapo ka sa kaniya kaya ganun. Hahaha!” Sabat naman ni Criza at natawa kami.
“Nga pala, sigurado ka ba talaga, Sir? Kung may maramdaman ka, sabihin mo agad sa’min, maliwanag?”
“Oo na.”
“Psh! Ayoko lang magkasala sa mga magulang mo no. Dinala kita dito kaya iingatan kita.”
Hindi ko alam pero iba ang ngiti na pinakawalan niya. Mukha kasing iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Hay naku! Nagkatingin pa sina Lola, Criza at Papa sa sinabi ko.
“Mali kayo ng iniisip, okay? Bilang yaya niya, iingatan ko siya. Gano’n ‘yun.” Paliwanag ko para mabura ang mali nilang iniisip sa sinabi ko.
“Linawin mo kasi, bes.” Ani Criza.
“Ewan ko sa inyo.” Nagpauna na akong maglakad papunta sa gawi nina Kuya. Rinig ko ang tawanan nila kaya nagmadali pa akong naglakad.
Sina Kuya at Ate ay abala sa pagbunot ng damo sa gilid ng tanim naming gulay. Samantalang kami ni Criza ay abala sa pagdidilig. Naiwan naman si Lola sa kubo dahil masyado ng mainit at baka hindi niya kayanin.
“Pasado na ba siya sa standard mo, Haila?” Tanong ni Ate Marie sa’kin. Malapit lang kasi ako sa gawi nila ni Kuya. At ang tinutukoy niya ay si Sir na abalang nagpapaturo kay Papa kung pa’no mag-araro. Sa lagay niya ay talagang gusto niyang matuto. Ramdam ko ‘yun at hindi ko maiwasan ang bumilib sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya yung outfit niya lalo na ang kaniyang suot na sumbrero sa ulo. Ang pogi naman niyang magsasaka. Amp.
“Hala! Si Ate kung ano-ano sinasabi.”
“O, bakit masama na bang magtanong? Hahaha.”
“Psh!”
“Grabe, bes, bagay na bagay sa kaniya maging magsasaka. Ang gwapo niya talaga. Pakiramdam ko sa pagiging hot niya ako mamamatay hindi sa init ng panahon. Amp.” Sabat naman ni Criza sa usapan.
“Tumahimik nga kayo. Hindi ako natutuwa sa mga biro niyo.” Suway ko.
“Sus! Aminin mo man o hindi, alam kong napopogihan ka sa kaniya, ayaw mo lang sabihin.”
“Kaya nga.” Tugon ni Ate.” Hindi naman pala maarte si Rhaiven e. Hindi lang magsasaka ang bagay sa kaniya kundi sa’yo na rin, hipag.” Biro ni Ate.
Tumikhim muna ako bago ako sumagot.
“Ate, gusto lang matuto no’ng tao, okay?”
“Matuto ba talaga o magpasikat sa’yo?”
“Matuto nga kasi. Hindi naman niyan ako gusto e.’Yung mga tipo niyan sa babae, wala sa’kin. Malayong-malayo sa’kin ‘yung dream girl niya.”depensa ko. Alam ko naman na hindi magkakagusto sa’kin si Sir dahil hindi naman ako ganoon kaganda sa paningin niya.
“Sus! E ba’t ganun siya kalapit kay Tito? Baka may gustong hingin bukod sa pera. Hahaha!” Walang kwentang asar ni Criza.
“At ano naman ang hihingin nun bukod sa pera, aber?”
“Syempre, tinatanong pa ba ‘yan, edi pagmamahal galing sayo. Yieee!”
“Psh!” At inirapan ko siya.
“Hoy! Wag niyo ngang binibiro ng ganiyan ang kapatid ko. Hindi na siya available, may nauna na sa kaniya. Sa inyo nalang ang amo niya hilaw.” Sabat na ni Kuya sa usapan at pinagdilatan ang dalawa.
“Isa ka pa, Kuya, anong nauna ang sinasabi mo diyan?”
“Totoo namang may nauna na. Nakalimutan mo na ba si Kenneth? Si future bayaw?”
“Hayts! Wala pa sa isip ko ‘yung ganiyan bagay kaya tigil-tigilan niyo ‘ko.”
“Sinong Kenneth?” Tanong ni Criza.
“’Yung manliligaw niyang mas pogi diyan kay among hilaw.” Sagot ni Kuya na ang yabang-yabang kung umasta.
“May mas gwapo pa pala kay pogi?”
“Oo naman no.”
“Ahh basta, team pogi ako.” Suhestisyon ng kaibigan ko.
“Ako rin, team pogi.” Ani rin ni ate at itinaas pa ang kamay kaya sumama ang tingin ni Kuya sa kaniya.
“Labs,’wag ganiyan, dapat kampi ka sa’kin.”
“Sorry labs, team pogi talaga ako e. Hahaha!”
Hindi ko na sila pinansin pa bagkus nakatuon na ang aking pansin kay Sir na noon ay siya na ang may hawak sa tali ng kalabaw. Mukhang natuto na siya kung paano mag-araro. Nasa gilid naman niya si Papa upang alalayan ito. Nakangiti pa si Sir at mukhang nag-eenjoy siya.
Pakiramdam ko, nakita ko ang tunay niyang ugali. Malayong-malayo kasi sa Rhaiven na nakilala ko ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang matuto. Tama kaya si Ate, gusto niyang magpasikat sa’kin? Pero bakit? Wala naman siyang gusto sa’kin. At for sure ako, hindi niya hahayaan na masira ang pagkakaibigan nila ni Kenneth. Mukhang nagsisimula na akong maattract sa kaniya. Gosh!