Chapter 7

RHAIVEN’S POV

Hindi ko maikakaila na sobra na akong nag-eenjoy rito sa probinsiya. Pakiramdam ko kasi ay marami akong bagay na matututunan rito. At hindi lang ‘yun, napapalapit na rin ako sa pamilya ng babaeng pinakamamahal ko. Masaya ako sa malugod nilang pagtanggap sa’kin. Buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam, talagang nakakapanibago.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga dahil galing kami sa bukid. Buti nalang hindi kami inabot ng gabi pauwi. Katatapos ko lang maligo. May mga bisita si Gino sa labas, mga barkada niya daw. Medyo nagkakasundo na kami, konti nalang mapapaamo ko na ang asungot na ‘yun.

Sina Ate Marie at Haila ay busy sa paghahanda ng aming hapunan. Umuwi na rin si Criza sa bahay nila tulad kahapon. Napakajolly rin ng isang ‘yun kaya hindi ako nakaramdam ng pagkabored maghapon dahil sa pag-iingay niya.

“Uy, Rhaiven, tara inuman tayo.” Anyaya ni Gino sa’kin. May hawak siyang bote ng alak at plato na kung saan naroon ang pulutan.

“Sige lang.” Sagot ko at tinanguan siya. Sinenyasan niya ako na pumunta kami sa labas. Tanging tango nalang ang naisagot ko sa kaniya. Naiwan akong pinapanood si Haila na mag-asikaso. Napakasarap niya kasing pagmasdan.

“Ehem! Mukhang may something na diyan sa mga tingin mo sa anak ko ha.” Sambit ni Tito sa likuran ko kaya napatayo ako agad sa pagkakaupo.

Nakamot ko ang aking ulo sa hiya. Abala siyang pinupunasan ang basang buhok sa hawak niyang tuwalya. Bahagya niya pa akong tinapik sa braso. Mukhang nabuking na ako.

“May gusto ka ba sa kaniya?” Hindi ko akalain na itatanong niya sa’kin ‘yun kaya naman napaiwas ako kaagad ng tingin. Shet!

“Wa-wala po, Tito.” Pagsisinungaling ko. Nahihiya akong malaman niya ang totoo lalo na siya ang Tatay ni Haila.

Narinig ko siyang tumawag at inakbayan ako. Nakaharap kami ngayon sa pwesto kung saan naroon sina Haila. Abalang-abala sila sa pagluluto. Nahuhuli ko pa siyang ngumingiti kaya hindi ko maiwasan ang kiligin pa lalo.

“Ano ka ba! Halatang halata sa mga tingin mong may gusto ka sa kaniya. Alam mo, Hijo, ayos lang naman sa’kin kung may pagtingin ka sa anak ko. Binata ka kaya naiintindihan kita.” Usal niya.

Wala na nga talaga akong takas. Okay na sa’kin na siya ang nakahalata kesa si Haila. Panigurado kasing aatras ang dila ko kapag nagkataong si Haila na ang magtanong.

“Pasensiya na po.” Usal ko.

Umalis siya sa pagkakaakbay sa’kin at tinignan ako.”Oh, bakit ka humihingi ng pasensiya?” Tanong niya ng may pagtataka.

“Dahil may gusto ako sa anak niyo.” Sagot ko. Wala akong mukha na maiharap sa kaniya kaya napayuko ako sa hiya. Iisa lang ang masasabi ko sa sarili ko, masiyado akong torpe at ‘yun talaga ang totoo.

“Hahaha! So, tama pala ang hinala ko? May gusto ka nga sa kaniya?” Tumawa pa ito kaya lalo pa akong nahiya. Ginulo niya ang aking buhok at rinig ko ang kaniyang pagtawa.

“Hindi ko nga rin po alam kung bakit ako nahulog sa kaniya. Sa dami ng babae sa mundo, siya pa talaga ang bumihag sa puso ko. Psh!” Paliwanag ko. Naaalala ko na naman ‘yung unang beses na pinatibok niya ang puso ko. Hinding-hindi ko ‘yun malilimutan.

“Ganoon talaga ang pag-ibig, Hijo, darating sa hindi mo inaasahang pagkakataon.

Tsaka, bagay naman kayo ng anak ko. Boto naman ako sa’yo e.” Sabay kindat ito sa’kin.

“Talaga po?”

“Oo naman, unang kita ko pa lang sa’yo, botong-boto na ako.” Ani niya.

“Salamat po.” Halos hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto. Sobrang saya ko dahil nalaman kong boto pala si Tito sa’kin. Heheheh!

“Matanong nga kita, umamin ka na ba sa kaniya?”

“’Yun na nga po ang problema e, hindi pa po.” Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Napatango siya na para bang nag-iisip.

“Oh, ba’t hindi ka pa umaamin? Umamin ka na baka maunahan ka.” Wika niya. Pinapalakas niya talaga ang loob ko para sa anak niya.

“Sa katunayan po, nililigawan siya ng kaibigan ko.” Pagbabalita ko sa kaniya kaya nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.

“Kaibigan mo mismo? Malaking problema ‘yan.”

“Oo nga po e, kung nauna lamang po ako na umamin baka nililigawan ko na rin ang anak niyo kaso naging torpe po ako e.” Sagot ko.

Tinapik niya ako sa balikat at nagsalita siya.”Ang pagiging torpe ang nagpapaduwag sa isang lalaki. Kung iniisip mo ang kaibigan mo, wala namang masama roon. Tsaka, hindi pa naman siya sinasagot ng anak ko kaya may chance ka pa. Patunayan mo lang sa kaniya na mas deserve mo kesa diyan sa kaibigan mo. Wala namang mawawala kung susubukan mo.” Mungkahi niya sa’kin.

“Ayoko lamang po na mapahiya kay Haila. Sa katunayan po natatakot akong malaman niya ang totoo. Hindi ko rin po kasi alam kung paano manligaw e.” Pang-aamin ko sa kaniya. Napakamot pa ako sa aking ulo sa kahihiyan.

“Naku! Ganiyan na ganiyan ako sa Mama niya noon. Nagsimula nga lang ako bilang secret admirer niya e. Tamang sulyap lang ako sa malayo kasi gaya mo torpe rin ako noon. Hahaha!” Pagkwekwento niya at sabay kaming natawa.

“E paano niyo po siya niligawan?” Tanong ko.

“Nagpakatotoo lang ako. Nilakasan ko ang loob ko noon kasi iniisip ko nun baka maunahan ako ng iba. Ayun, nag-ipon ako ng lakas ng loob upang ligawan siya at hindi naman ako nabigo.” Wika niya.

“Grabe! Sana ganoon rin ako katapang, Tito.”

“’Wag kang mag-alala, akong bahala sa’yo.” Sabay kindat sa’kin.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” Nagtatakang tanong ko.

“Tutal nandito ka naman sa’min,’wag mo ng sayangin pa ang pagkakataon. Sagot kita, hijo.” Usal niya. Napapaisip tuloy ako kung ano ang ibig niyang sabihin.

Anong ibig niyang sabihin? Tutulungan niya kaya ako na manligaw sa anak niya? Hala! Potek! Nakakahiya. Ano na lang kaya ang sasabihin niya sa’kin kapag pumalpak ako? Punyeta! Hindi ako ready.

Matapos kaming kumain ng hapunan ay nagpaalam na si Tito upang pumasok sa trabaho. Tinulungan ko naman si Haila na magligpit sa pinagkainan. Sinita niya ako pero kalaunan ay hinayaan ako. Sa pananatili ko rito, nakakahiya naman kung hindi ako tumulong kahit sa mga simpleng bagay lang.

“Anong pinag-usapan niyo ni ano kanina?” Tanong ni Haila sa’kin habang tinutulungan ko ito sa paghuhugas. Natawa pa ako bg bahagya dahil mukhang nahihiya siyang bigkasin ang papa.

“Psh! Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw!” Singhal niya sa’kin. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya dahil sa inasta ko. Natawa lang naman ako sa aura niya.

“Sinong ano? Si tito ba?” Pang-aasar ko.

Inirapan ako. Mukhang alam niya kung ano ang pinupunto ko at for sure akong inis na inis siya.”Malamang, sino ba kausap mo kanina?” Singhal niya.

Natawa ako ng bahagya.”Mahirap na bang bigkasin sayo ang salitang Papa? Ha?”

“Psh! Ano bang pake mo? ‘Wag mong ipasa sa’kin ang usapan, sagutin mo nalang kaya ‘yung tanong ko. Dami pa kasing napapansin e.”

“E ang arte mo kasi.” Usal ko.”Napag-usapan lang namin yung-----” napatigil ako kasi naalala ko ang naging usapan namin kanina. Shet! Muntik ko ng masabi sa kaniya.

“Yung ano?” Tanong niya. Tinapunan ako ng nagtatakang tingin. Napaiwas ako dahil hindi ako handa sa usapang ito. Pinagpawisan ako bigla sa hindi malamang dahilan.

“Ahhh wala.”

“Wala daw, e bat ang seryoso ng usapan niyo kanina? Ang damot mo naman.” Napanguso pa ito. Bakit ba ako naguiguilty ng ganito? Shet!

“Wala nga, hayaan mo na ‘yun.”

“Psh! Damot.”

Pagkatapos naming maghugas ay nagpaalam ako na makisalo kina Gino na makipag-inuman. Puro kwentuhan sila ng mga barkada niya at ako ay nakikinig lang. Hindi ko maiwasang matawa dahil lasing na sila. Kung ano-ano ang sinasabi nila. Sinisita pa nga sila ni Ate Marie dahil gumagabi na. Nagpaalam na ang mga barkada ni Gino. Kaming dalawa nalang ang naiwan dito. Todo tagay pa rin siya at syempre sinasaluhan ko naman. Medyo may tama na rin ako.

Akma akong tatayo ng pigilan ako ni Gino. Sinenyasan niya akong bumalik sa pagkakaupo. Sinunod ko naman siya. Kung ilalarawan ko siya, para siyang timang. Nakakatawa siya pero pinipigilan ko baka masamain pa ng asungot.

“Alam mo, amo, hindi talaga ako boto sayo para sa kapatid ko e.” Nahihirapan niyang ani sa’kin at dinuro pa ako. Lasing na lasing na talaga siya sa lagay niya. Napapapikit pa siya dala ng kalasingan.

Hindi ako umimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Alam ko naman na hindi siya boto sa’kin. Halatang-halata naman sa mga tingin at kilos nitong asungot. Mukhang malalaman ko ang mga saloobin ng asungot na ‘to ngayon ha. Tsk!

“Alam mo ba kung bakit? Kasi pinagmalupitan mo daw siya noon.” Ani niya.”Syempre, bilang Kuya niya, ayokong sinasaktan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko kaya ‘yun kaya hindi ako payag kapag ka ikaw ang naging nobyo niya. Mas bagay sila ni Kenneth, okay?” At nagthumbs up pa ito.

Alam ko naman na may nagawa ako noon kay Haila. Pinagsisisihan ko naman ‘yun e. Nadala lamang ako sa galit noon. Kung alam ko lang na magkakagusto ako sa kaniya, hindi ko dapat siya pinagmalupitan ng ganoon. Hindi ko naman akalain na magkakagusto ako sa kaniya. Walang nakakaalam, maski ako hindi alam na mangyayari lahat ng ito.

“Nagustuhan ko kasi sa Kenneth na ‘yun, sobrang bait niya. Sa tono ng boses alam kong hindi niya kayang saktan ang kapatid ko. Akalain mo ‘yun, ginawa niya lahat para magustuhan ko siya. Ganoon dapat hindi yung duwag. Ayoko pa naman sa lahat ‘yung torpe kaya bilib ako sa isang ‘yun.” Mungkahi niya.

He’s right, Kenneth is very kind man. Lahat ng wala sa’kin ay nasa kaniya. Hindi ako magtataka kung bakit ganito si Gino magsalita tungkol sa kaniya. Napakaapprociable niya kasing tao. Eversince nakilala ko siya, he always choice to be kind. Makagawa man ako ng mali, iniintindi niya ako. Ngayon lang yata kami nagkaroon ng problema. Dahil lang kay Haila ay lumabo ang pagkakaibigan naming dalawa. I didn’t expect this will gonna be happen.

Tumagay ulit siya at ako ay nanatili lamang na tahimik. Pinapanood ko siya at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Now I know kung bakit siya boto sa’kin. It is because for what I’ved done to his sister. Kahit na sinong kuya ang ilagay sa sitwasyon niya ay ganito rin ang gagawin. I understand him. Ayaw niya lang masaktan si Haila.

“Pero, kung mapapatunayan mo sa’kin na nagbago ka na, mapag-uusapan naman ‘yun e.’Wag na ‘wag ka lang gagawa ng bagay na ikakagalit ko. Tandaan mo, nasa teritoryo ka namin.” Tugon niya at tinignan ako ng napakaseryoso.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko tumaas bigla ang confidence ko. Knowing na bibigyan niya ako ng chance to prove to him na nagbago na ako. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Tutulungan naman ako ni Tito kaya wala akong dapat ikabahala. Kaya kong gawin lahat para sa kaniya.