Chapter 22
HAILA’S POV
“Kenneth, sandali, kausapin mo’ko ng maayos. Magpapaliwanag ako. Parang awa mo na. “
Habol ko ang aking hininga habanbg sinusundan si Kenneth na noon ay tinatahak ang daan papuntang quadrangle. Kinailangan ko pang humakbang malaki para masundan siya’t ‘di mawala sa paningin ko. Mabuti na lamang at napansin ko kanina kung saan siya nagtungo.
Imbes na lingunin niya ako upang harapin ay mas lalo niyang binilisan ang paglakad. Mukhang ayaw niya na maabutan ko siya. Ako naman ay hindi inaantala ang pagod na nararamdaman. Mas iniisip ko ang pagpapaliwanag na kailangan kong gawin kay Kenneth.
Alam ko na narinig niya ang naging usapan namin ni Sir. Hindi siya magkakaganito kung wala siyang narinig na ikakasama ng kanyang damdamin. Kilala ko siya, pagdating kay Sir ay sobrang mababaw ang kanyang emosyon. Nararapat lamang na magpaliwanag ako ng sa ganoon ay mabawasan ang maling iniisip niya.
Kahit hindi sabihin ni Kenneth, alam kong binigyan niya ng malisya ang anuman sa kanyang mga narinig. Hindi ko siya masisisi kung ganoon nga ang isipin niya ngunit hindi ako mapapagod na ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung iyon ang paraan para mapanatag ang kanyang loob ay gagawin ko. Ayokong nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin.
“Kenneth, pakinggan mo naman ako.” Usal ko habang nakasunod pa rin sa kanya. This time, nararamdaman ko na ang pagod dahil sa paghabol ko sa kanya ngunit hindi ako tumigil.
Sa ikalawang pagkakataon, hindi niya ako pinansin bagkus dinedma niya lang ako. Aaminin kong nasasaktan ako ngunit mas iniisip ko ang kanyang nararamdaman. Hindi niya deserve masaktan at mas lalong hindi niya deserve ang ganitong pangyayari.
“Please, hayaan mo’kong magpaliwanag, Kenneth.” Habol ko ang aking hininga na sambit. Nasa likuran niya ako at ganoon nalang ang aking tuwa ng huminto siya. Napawi naman kaagad ang ngiti sa labi ko noong makita ang kanyang matalim na tingin ng ito ay humarap na sa akin.
Salubong ang kanyang dalawang kilay. Nanlilisik ang mga mata na para bang gusto niyang pumatay. Aaminin kong natakot ako lalo na at ito ang unang beses na makikita ko siyang inaapoy sa galit. Gustuhun ko man tumakbo dahil nakaramdam ako ng takot na baka mapagbuhatan niya ako ng kamay. Ngunit, kinakailangan kong magpaliwanag sa kanya.
“Kenneth, “ tawag ko sa kanyang pangalan. Nagbabakasakali akong mababawasan noon ang galit na kanyang nararamdaman ngunit nagkamali ako. Walang nabago sa itsura niyang nakakamatay. Nanatili akong desperada na ipaliwanag sa kanya ang lahat.
Ganoon nalang ang takot ko noong sobrang talim ang tingin na ibinigay niya sa akin. Konti nalang ay babagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Pero, kilala ko siya, hindi niya ako magagawang pagbuhatan ng kamay. May tiwala ako sa kanya.
“H-hayaan mo’kong magpaliwanag, please? “ nauutal kong usal habang diretso ang aking tingin sa kanya.
“Ano pang ipapaliwanag mo, Haila? Kita ko naman na lahat e. Nasisigurado mo ba na kapag nagpaliwanag ka ay mababawasan no’n ang galit sa puso ko? ‘Di ba’t hindi?” Aniya na mapapansin sa kanyang boses ang galit.
“Kenneth, mali ka ng iniisip, okay? Hindi ko inakala na may gusto siya sa akin. Ang buong akala ko nga kanina ay pinaprank lang nila ako. Maniwala ka sa’kin, please, “ bulalas ko na puno ng pagmamakaawa, paniwalaan niya lang ako.
Akma ko siyang hahawakan sa kanyang braso ngunit mabilis siyang umilag na para bang pinandidirian ako. Nasaktan ako sa inasta niya. Iba ang naging epekto noon sa sistema ko.
“Haila, alam mo bang minadali ko pa sina Mama na umuwi kami ng Pinas dahil sayo? Alam mo bang nagmakaawa ako sa kanila ng ilang beses para pagbigyan nila ako sa gusto ko? Alam mo ba na halos hindi ako nakatulog dahil sa excitement na naramdaman ko na makita ka ulit? Tapos, tapos ganito ang maaabutan ko? Haila, naglolokohan ba tayo dito?” Mas lalong kumunot ang kanyang noo na nagsasabing galit na galit siya.
Gustuhin ko man siyang pakalmahin ngunit natatakot akong hawakan siya. Baka kasi kapag dumampi ang balat ko sa kanya ay tapikin niya ang kamay ko. Galit na galit siya sa lagay niya ngayon. Wala manlang ako magawa para pakalmahin siya.
Umiling ako at tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. “Kenneth, hindi kita niloloko, maniwala ka sa’kin. Mahal kita, “ emosyonal kong usal.
Pero, hindi naging sapat ang pagiging emosyonal ko para pakalmahin siya. Hindi pa rin humuhupa ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kundi ang tignan siyang nilalamon ng galit.
“Mahal mo’ko? “ sarkastimong aniya. Matatalim ang mga tingin na itinapon nito sa akin. “Kung mahal mo talaga ako, hindi mo’ko sasaktan ng ganito, Haila. “
Napayuko ako at inilabas ang emosyon na namuo sa aking dibdib. Hindi ko kayang dibdibin iyon kaya inilabas ko na. Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Kailanman hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito.
“Paniwalaan mo sana ako. Wala akong alam na nagkakagusto na pala siya sa’kin. Gaya mo, nagulat rin ako sa pag-amin niya kanina. Nag-usap kami noon tungkol sa bagay na ‘yon at nangako siya sa’kin na hindi siya magkakagusto sa’kin. “ Bulalas ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa nag-aapoy sa galit na mata niya.
“At, naniwala ka naman? “ Prangka nito sa akin.
Natamaan ako at hindi nakailag sa prangka niya. Kung tutuusin kasi tama ang sinabi niya. Naniwala ako kay Sir kahit hindi ako sigurado kung tutupad si Sir sa usapan.
Hindi ako nakasagot bagkus hinayaan ang sarili kong umiyak dahil nasasaktan ako sa nangyayari ngayon sa amin. Wala akong sapat na dahilan para pigilan ang galit niya. Sa aming dalawa, siya ang mas nasasaktan.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kanyang kamao na nakayukom at handang-handang sumuntok. Kinabahan ako na baka sa akin dumampi ang kanyang kamao. Hinahanda ko nalang ang aking sarili kung ganoon nga ang mangyari.
“Hindi na ako magtataka kung bakit ang lakas ng loob ng gago’ng ‘yon na umamin sa’yo. “ Narinig kong bulalas niya. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kanyang boses. “’Yon siguro ang bunga ng pagsama niya sa’yo sa probinsiya. “
Dahil sa kanyang sinabi ay natigilan ako. Nagulat ako sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit alam niya na kasama ko si Sir na umuwi ng probinsiya. Aaminin kong sinadya ko na hindi sabihin sa kanya. Alam ko naman kasi na magagalit siya kaya itinago ko nalang. Mag-iinit lang lalo ang kanyang ulo kapag nalaman niya. At mas lalong gugulo ang sitwasyon kapag pinaalaman ko sa kanya.
Ngunit, hindi pala ako makakatakas bagkus heto siya ngayon sa harapan ko, sinasabi ang bagay na tinago ko sa kanya. Naging praning ako kaya itinago ko sa kanya ‘yon. Inisip ko ang kalagayan naming lahat lalong-lalo na sa kanila ni Sir. Alam kong mali ako sa part na’yon pero ginawa ko ang alam kong ikabubuti namin.
“P-paano mo nalaman? “ tanong ko sa kanya nang nang-angat na ako ng tingin. Puno pa rin ng galit ang kanyang mga mata. Hini ko alam kung nararapat ba na nasa harapan ko siya ngayon.
Wala akong ideya kung saan niya ‘yon nalaman. Kina Kuya ko lang naman sinabi at kay… Shet! Bakit nakalimutan kong palakwento pala si Sir sa mga kaibigan nilang sina Luis at Chris. Naku naman.
“Nasabi nina Luis sa’kin. “ walang ganang sagot niya habang diretso ang tingin sa akin. Mapapansin na rin sa boses niya ang sobrang lungkot. Naguguilty tuloy ako. “Haila, maiintindihan ko naman kung nagsabi ka ng totoo sa akin na kasama mo si Rhaiven sa probinsiya. Hindi naman ako magagalit kung pinaalam mo sa’kin. Oo nga at manliligaw mo lang ako pero may karapatan naman akong malaman ang mga nangyayari sa buhay mo. Pero, sobrang sakit sa part na ilang beses tayong nakapag-usap noon ngunit hindi ka nag-abalang sabihin sa’kin ang tungkol sa bagay na ‘yon. Kumbaga, tinago mo ‘yon sa’kin. “
Para bang may tumusok sa dibdib ko pagkarinig sa mga sinabi niya. Aminado naman akong kasalanan ko at hindi ko sinasadyang itago ‘yon sa kanya. Nasasaktan ako ng sobra ngayon dahil pakiramdam ko sobrang selfish ko sa kanya.
Noong panahon na nasa probinsiya ako at nag-uusap kami, gustong-gusto kong sabihin pero natakot ako. Minabuti ko nalang na huwag ipaalam sa kanya dahil alam kong masasaktan siya. Pero, nagkamali ako. Mas masasaktan pala siya ngayon na nalaman niyang itinago ko sa kanya ang bagay na ‘yon.
“Kenneth, I’m sorry. “
Doon na ako mas nasaktan, nakita ko kung paano bumagsak ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi. Padabog niyang pinunasan iyon at umiwas ng tingin sa akin. Mukhang ayaw niyang ipakita ang pag-iyak nito.
Ilang beses ko na siyang nakita na nilalamon ng lungkot pero ito ang mas malala. Ako ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Nasasaktan ako. Iilan lang ang lalaking kayang umiyak ng ganito. Iniisip ko na hindi deserve ni Kenneth ang masaktan ng dahil sa’kin.
Nakita ko kung paano niya pinalobo ang kanyang mga pisngi at pilit pinipigilan ang maging emosyonal. Ngunit, hindi kayang itago ng kanyang mata ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Sobrang galing niyang magpanggap. Sobrang lakas ng kanyang loob na umiyak sa harapan ko. Ngayon ko napatunayan na mahal na mahal pala talaga ako ng lalaking ito.
“Haila, sobrang sakit. Ang sakit-sakit. “ emosyonal niyang wika sa harapan ko. Gusto ko siyang lapitan para sana punasan ang kanyang mga luha pero nakapusan ako ng lakas. Nadala ako sa mga mata niyang puno ng lungkot at dahil ‘yon sa’kin.
Narinig ko ang kanyang paghikbi na lalong nagpabigat sa damdamin ko. Pakiramdam ko pasan ko pati problema dito sa mundo. Para bang natusok ang dibdib ko sa sobrang sakit. Bawat hikbi niya ay nagpapahiwatig ang sakit dulo ng pagsisinungaling ko sa kanya.
“Alam mo ba kung gaano ko pinangarap na makasama ka ng Christmas at New Year? Alam mo ba na ilang beses kong hiniling na sana kasama kita noon sa America? Alam mo ba kung paano kita ipagmayabang sa pamilya ko. Alam mo ba ‘yong hirap na pigilan ang tukso habang maraming babae ang lumalapit sa akin? Haila, lahat iniwasan ko dahil ayokong isipin mo na porket nasa malayo ako, magloloko na. Sobrang sakit sa part na si Rhaiven ang kasama mo noon at hindi ako. Si Rhaiven ang bumati sa’yo sa personal ng merry christmas at hindi ako. Si Rhaiven ang kasama mo’ng nanood ng fireworks at hindi ako. Sa lahat ng mga mahahalagang okasyon, siya lagi ang kasama mo. “
Habol na habol niya ang kanyang paghinga pagkasabi sa mga salitang ‘yon. Natamaan ako sa bawat salita na binigkas niya. Hindi ko naman ginusto na si Sir ang makasama ko sa mga okasyon na ‘yon at hindi siya. Minsan ko ring hiniling na sana si Kenneth ang kasama ko pero sobrang damot ng tadhana.
“Ngayon mo sabihin na praning ako noon. Ngayon mo sabihin na mali ang akala ko. Ngayon mo sabihin na nababaliw ako. Ngayon mo sabihin na nagsasabi ng totoo si Rhaiven noon. Ngayon mo sabihin na hindi tama ang mga paratang ko noon sa kanya. At ngayon mo sabihin na may laban ako. Haila, lahat ng gusto kong ipakita sa’yo, malamang nagawa na niya. Malamang lahat ng standards mo, nakapasa na siya. Malamang, ‘yong pagmamahal mo na dapat sa akin ay nasa kanya na. “ Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha habang sinasabi ang mga ‘yon.
Umiling ako. “Kenneth, hindi, huwag mong isipin ‘yan, please. “
Linapitan ko na siya at hinawakan sa kanyang mukha ngunit ganoon nalang ang gulat ko ng tapikin niya ang kamay ko saka siya umatras palayo sa akin.
“Sa mga narinig ko kanina, nawalan na ako ng pag-asa, Haila. “ Usal niya at tinalikuran na niya ako. Wala akong nagawa kundi panoorin siyang papalayo. Habang palayo siya ng palayo ay bumibigat naman lalo ang pakiramdam ko.