Chapter 23
HAILA’S POV
“Uy, goodmorning, Haila,” rinig kong bungad ni Sir ng tuluyan na akong makarating sa dining table ng mansyon. Medyo late pa nga akong magising kakaisip kay Kenneth kagabi. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko.
Nakita ko kung paano nagkumpulan ang mga kapwa ko yaya sa pintuan papunta sa kusina. Nakasilip sila roon habang si Sir ay abala sa pag-aayos ng mga kubyertos sa mesa. Nagtaka naman ako kung bakit siya ang naghanda ng agahan ngayon.
Akma akong hihila ng upuan ng maunahan ako ni Sir. Tinignan ko siya ng makahulugan pero nginitian niya ako at isinenyas na maupo na ako sa hinugot niyang upuan. Narinig ko ang ilang tili ng mga kapwa ko yaya sa ‘di kalayuan. Mukhang pinapanood nila kaming dalawa.
“Akin na muna ‘yan, Haila, “ pagtutukoy ni Sir sa bag ko na hawak-hawak ko. Medyo magulo pa ang buhok ko dahil wala ako sa wisyo para mag-ayos. Hindi pa rin ako makaget-over sa usapan namin ni Kenneth kahapon. Pakiramdam ko nilamon ako ng stress.
Wala na akong nagawa kundi ibigay ‘yon sa kanya. Tahimik nalang ako na kumain kahit pa man alam kong nasa akin ang tingin ni Sir. Nailang ako kaya naman sinulyapan ko siya.
“Bakit? “ nakangiting tanong niya sa akin habang may hawak na pancake sa kaliwang kamay niya. Nakaharap ito sa akin na animo’y pinapanood ang bawat galaw ko.
“Huwag mo’kong panoorin na kumakain, nakakabastos, Sir. “ bulalas ko saka umayos na ng upo at ipinagpatuloy ang pag-kain. Narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis pero ‘di ko nalang pinansin.
“Haila, “ tawag niya sa aking pangalan.
Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa gawi ko, as in ‘yong sobrang lapit kaya amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Natigilan ako sa pagsandok ng pagkain sa plato ko dahil bahagya niyang sinilip ang mukha ko. Diretso ang titig nito sa akin at nakakailang ‘yon ng sobra.
“From now on, hindi mo na’ko tatawagin ng Sir. “ Aniya na ikinagulat ko. Dahil sa gulat ay kumunot ang noo ko.
“Huh? E, ano itatawag ko sa’yo? “
“Just call me baby or babe, “ sabay kindat niya sa akin. Nakangisi siyang bumalik sa kanyang kinauupuan kanina at maangas na kumagat sa pancake nyang hawak. Kinawayan niya pa ng bahagya ang mga yaya na naroon sa pintuan na nag-iimpit ng kilig.
“Tsk! ‘Di ‘yon nakakatawa, “ singhal ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa plato na nasa aking harapan.
Pakiramdam ko nawalan ako ng gana dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito bigla ang kinikilos niya. Yeah, umamin siya kahapon kaya dapat mahiya siya sa’kin ngayon pero mukhang hindi. Ang lakas pa ng loob niyang asarin ako. Psh!
“Kuya, mauna na ako sa school, “ rinig namin na wika ni Rhaivee na pababa sa may hagdanan. Napatingin kaming lahat sa kanya at gumuhit ang kanyang ngiti nang makita na kami lang ni Sir ang nagsasalo dito sa lamesa. “Omaygash! Umagang-umaga naglalambingan na kayo dito.”
“Syempre, kuya mo ‘ata ‘to. “ mayabang na sambit ni Sir pero hindi ako nag-abalang tignan siya dahil maiinis lang ako. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng trip ng taong ‘to ngayon. Ako pa talaga ang napili niyang pagtripan, nakakainis.
“Hello, Ate, “ bati sa akin ni Rhaivee nang nasa left side ko na siya. Tanging ngiti ang naisagot ko sa kanya dahil bahagya akong nailang sa kanyang nadatnan. “I heard about what Kuya did yesterday. I was shock a lot and the same time, nasiyahan. Matagal na naming pinupush si Kuya na umamin sa’yo. Gusto pa yatang hintayin na umitim ang kalabaw bago umamin e. But, finally, he already confess his feelings to you. Sana hindi ka magalit, Ate, nagpakatotoo lang siya sa nararamdaman niya. Don’t worry, hindi kita iprepressure pagdating kay Kuya. “ nakangiting usal ng dalaga sa akin.
Bigla akong nahiya dahil mukhang alam na lahat ng tao dito sa bahay ang pag-amin ni sir kahapon. Balak ko pa sanang itago pero mukhang wala na. Maski mga kapwa ko yaya ay alam na ang pag-amin niya kahapon. Kinakabahan ako na baka pati rin mga magulang niya ay alam na rin ang nangyari.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa mga sinabi ni Rhaivee. Wala ako sa matinong pag-iisip upang sabihin ang nararapat na komento sa mga sinabi niya. Napansin niya yatang tahimik lang ako kaya nagsalita siya ulit.
“Well, like what I’ved said earlier, mauuna na ako sa school. See you there, bye. “ pagpapaalam nito sa amin at ngumiti nalang ako sa ikalawang pagkakataon.
“Take care, Rhaivee. Ako na bahala dito sa hipag mo, este, dito kay Haila. “ alam kong sinadya ‘yon ni sir kaya narinig ko ang pagtili ni Rhaivee ng mahina. Napakamot naman si Sir sa kanyang batok dahil sa sinabi niya. Psh!
Narinig ko ulit ang hiyawan nina manang doon sa ‘di kalayuan dahil napalakas ang boses ni Sir kanina. Napailing ako sa mga nangyayari. Alam ko sa sarili ko na hindi tama ito. Kahit saang anggulo ko tignan, maling-mali lahat ng ito.
Ngayon na alam na nilang umamin na si Sir sa akin, baka lahat ng kilos ko ay bibigyan na nila ng malisya. Hindi ako nakapaghanda sa bagay na ito dahil hindi ko naman inaasahan. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin kina Papa ang tungkol sa bagay na ito. Sa bagay na noon pa lang ay alam na nilang totoo. Siguro, madali kina Papa at Kuya na nabasa ang kilos ni Sir dahil kapwa nila itong lalaki.
Nagdadalawang-isip ako kung nararapat ko bang ipaalam kina Papa ito. Ano kaya ang magiging reaksyon nila na ‘yong hula nila sa amin ni Sir ay totoo. Ngayon palang natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari lalong-lalo sa relasyon naming tatlo nina Sir. Panigurado, magiging wirdo ang ganapan kapag nagsama-sama kaming tatlo. At hindi ko rin alam kung paano ko pa sila pakikisamahan pagkatapos ng mga nangyari.
Minadali ko na ang paglamon pagkatapos ay tumayo na ako sa aking kinauupuan. Napatingin si Sir sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Kinuha ko sa katabi kong upuan ang bag ko saka tumayo na.
“Tapos ka na? “ Tanong ni Sir nang inaayos ko ang upuan at kinuha ang kubyertos na ginamit ko sa paglamon. Dadalhin ko lang ‘yon sa kusina para makapasok na sa school.
“Oum, “ tipid kong sagot saka naglakad papuntang kusina. Pero, bago pa ako humakbang sa ikatlong pagkakataon ay hinarangan niya ang dadaanan ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit nakangiti lang ako gago. Psh!
“Ako na magliligpit, hintayin mo nalang ako. Mabilis lang naman ‘to. “ aniya at kinuha sa akin ang plato pero iniilag ko ‘yon sa kanya. Hindi ako papayag sa gusto niyang siya ang maghugas sa pinagkainan ko.
“Huwag na, ako na, kaya ko naman e, “ depensa ko. Akma ulit akong hahakbang ng pigilan na naman niya ako. Napabuga ako ng hangin dahil sa pangungulit niya sa akin. Talagang hindi na ako natutuwa.
“Let me do it for you, Haila. “ Nakangiting alok niya sa akin at namalayan ko nalang na nasa kanya na ang platong balak kong hugasan. “Ngayong alam ko na kung paano maghugas, hayaan mo na ako ang gumawa nito para sa’yo. Tinuruan mo ‘ata akong maghugas. You’re the best teacher ever. “ masayang usal niya pero hindi ako nag-abalang matuwa bagkus bumalik nalang sa pagkakaupo sa upuan upang hintayin siya.
“Grabe, hindi manlang natuwa, “ narinig kong bulalas ni Sir habang abala sa paghuhugas sa may lababo. Tutulungan sana siya nina manang kanina pero nagpumilit siyang maghugas. Wala naman silang nagawa kundi pagbigyan ang trip nito sa buhay.
Tutal hinihintay ko siya, inilabas ako ang notebook ko saka nagreview muna. Wala na kasing ibang laman ang utak kundi ang usapan namin ni Kenneth kahapon. Kailangan ko ring magreview dahil may graded recitation mamaya.
“Ops, teka lang, may bato. “ Ani Sir ng palabas na kami ng mansyon. Mabilis niyang sinipa ang maliit na bato sa dadaanan ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga inaakto niya ngayong araw.
Hindi nalang ako umimik at diretso ang lakad papunta sa garahe. Pero, bago ko pa mahawakan ang pinto ng kotse ay inunahan niya ako. Napaatras naman ako dahil tumama ang dibdib niya sa braso ko.
“Wait, let me do it for you. “ Usal niya at pinagbuksan ako ng pinto. Aangal na sana ako pero hindi ko na tinuloy bagkus tahimik na pumasok sa kanyang sasakyan. Maingat niyang isinarado ang pinto saka masiglang umikot papuntang driver seat.
Mabilis kong inilagay ang seatbelt dahil baka mapagdiskitan pa niya. Sa mga kinikilos niya ay talagang hindi na ako natutuwa. Gusto ko siyang kausapin at sitahin ang mga ginagawa niyang hindi nakatutuwa. Gusto ko rin siyang pagsasapakin para malaman niyang nanggigigil na ako ng sobra sa kanya.
Bago niya binuhay ang makita ay sumulyap pa ito sa akin. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o hindi. Dahil sa naiinis ako ay inirapan ko lang siya. Hindi lang ako nakapagpigil baka kanina ko pa naihampas sa kanya ang hawak kong notebook.
“Eto naman, kung makatingin sa’kin parang may ginawa akong ‘di maganda. “ Usal niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Hinarap niya pa ako ng bahagya habang ako ay nakatingin ng diretso sa harapan habang nakakrus ang mga braso sa dibdib ko.
Sinulyapan ko siya ng bahagya pero kaagad ko lang din na iniiwas. Kapag nakikita ko ang mukha niya mas lalo akong naiinis. Sarap niyang kulamin e. Psh.
“Alam mo, Sir, hindi na ako natutuwa dyan sa mga ginagawa mo. Pwede bang itigil mo na ‘yan? Nagmumukha ka lang tanga e. “ Bulalas ko at sinadya ko pa syang irapan. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na mainis sa kanya.
“Ouch naman, “ pag-iinarte nya saka bahagyang humawak sa kanyang dibdib. “Sakit no’n, baby. “
“Tsk! Hindi ko alam kung anong droga ang nahithit mo’t naging ganyan ka bigla. Inaasahan ko pa naman na mahihiya ka sa’kin after ng ginawa mo kahapon pero nagkamali ako. Ang lakas pa talaga ng loob mong gawin lahat ng ito sa’kin, no? “ prangka ko sa kanya.
Narinig ko nalang ang kanyang pagtawa na animo’y hindi nasaktan sa mga sinabi ko. Nagawa nya pa talagang tumawa. Grabe! Kapal ng mukha niya.
“Hindi droga ang nagpabaliw sa akin kundi ikaw mismo. “ Sabay kindat nito sa akin. “Haila, sa mga sinasabi mo ngayon, parang binabalewala mo lang ‘yong pag-amin ko sa’yo kahapon. “ aniya sa medyo seryosong tono.
Dahil sa kanyang sinabi ay napatingin ako sa kanya. May kung anong tumusok sa didbib ko pagkarinig sa sinabi niya. Talaga ba kayang seryoso siya sa akin o pang-iinis lang niya lahat ng ito kay Kenneth? Potek!
“Sir, ang akin lang naman, naninibago ako. “
“Pwes, masanay ka na. “ Mabilis niyang sagot.
“Psh! Hindi mo’ko naiintindihan. Isipin mo naman ‘yong pagkakaibigan niyo ni Kenneth. Hahayaan mo nalang ba na masira ‘yon ng dahil lang sa akin? Sir, hindi tama lahat ng ito. Kaya parang awa, itigil mo na’to. “ pagmamakaawa ko sa kanya habang diretso ang tingin na itinapon ko. Sana lang matauhan na siya sa mga sinabi ko para naman tumigil na sya.
“Bago ko isipin ang friendship namin ni Kenneth, uunahin ko muna nararamdaman ko sa’yo. Kahit ngayon lang maging selfish ako, Haila. Kahit ngayon lang pagbigyan ko ang sarili ko. “ Aniya at sinimulan na niyang buhayin ang makina.
Wala akong nagawa kundi titigan siya ng diretso sa mga mata. Sa pagkakasabi niya ng mga ‘yon, natamaan ako. Para bang may kung ano ang kumirot sa dibdib ko. Seryosong-seryoso siya habang binibitawan ang mga salitang ‘yon. Sa lagay niya ngayon, mukhang malakas na ang kanyang loob na ipakita kung gaano sya kaseryoso sa kanyang nararamdaman para sa akin.