Chapter 11
HAILA’S POV
“Oh, hindi mo na naman ako tinawag. Tsk! Sabing tawagin mo ‘ko kapag mag-iigib ka ‘diba? Ang tigas talaga ng ulo mo,” sermon ni Sir sa akin at inagaw ang balde ng tubig. Umagang-umaga ay naisipan ko na kasing mag-igib dahil mamaya magkukumpulan na naman ang tao doon sa balon.
Napakamot ako ng ulo bago sinagot.”Eh, nahihiya ako e tsaka kaya ko naman. Hindi ako lumpo, no?” Sabay irap ko pa sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Bakit ba ganito ang taong ‘to? Kung magalit naman kala mo naman asawa ko siya. Psh!
“Lumpuin na lang kaya kita?” Pambabara niya sa akin. Sa inis ay hinampas ko siya sa braso. Napanguso naman siya sa ginawa ko. Ibinaling ang atensyon sa pagbubuhat ng balde. Pagkababa niya ng balde ay sinabihan ko siyang igiban ang mga drum sa labas para may gamitin kami. Hindi naman siya nagreklamo at sumunod na lang.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na. Sasama ako kina Kuya sa bukid para mag-ani ng gulay. Ang ilan kasi ay namumunga na at pwede ng ibenta sa bayan. Pagkaigib ni Sir ng tubig ay nagbihis na rin ito dahil sasama siya sa pupuntahan ko.
“Ang layo pala ng igiban ninyo,” komento ni Sir habang namimitas kami ng kamatis. May hawak siyang basket na kung saan namin nilalagay ang aming napipitas.
Tumango ako. Alam kong alam niya kung saan iyon dahil inutusan ko siya kanina. Buti nga hindi siya pinagkaguluhan ng mga tao doon. Hindi rin siya nagreklamo na masakit ang braso sa pag-iigib. Mukhang hindi niya iniinda ang bigat ng mga balde. Sana all.
“Wala naman kaming choice kundi magtiis. Naaawa nga ako sa mga bata at matatanda dito sa amin e. Ako nga nahihirapan, sila pa kaya,” sagot ko habang nakatuon ang pansin sa malayo.
Iyon na yata kasi ang tanging problema ng sitio namin e. Hindi biro ang hirap sa pag-iigib lalo na kinakailangan ang tubig sa pang-araw araw na buhay. Malalim na rin ang balon at nakakatakot baka mahulog ang mga bata doon.
“Bakit hindi kayo magpagawa ng poso para naman mas safe? Nakakatakot ang balon na ‘yon, baka hilain niya ang mga batang nag-iigib kung sakali e.” Nag-aalalang tanong niya.
“Gustuhin man namin wala namang pondo ang barangay. Ang sabi ni kapitan, wala pa siyang nahanap na pwedeng maging donor ng poso. Kaya hangga’t wala pa, tiis-tiis muna.” Sagot ko.
Nasubukan ko ng ilapit kay Kapitan ang problema na yon dahil talagang nakakatakot lalo na sa mga bata. Pero, hanggang ngayon wala pang donor.
“Hanggang kailan naman kayo magtitiis? Gusto mo gawan ko ng paraan? Poso lang naman ‘yon, madali lang gawan ng paraan ang ganong problema,” usal niya na ikinagulat ko.
Napailing ako at bahagyang napahinto sa pagpipitas. Napatingin siya sa akin na may pagtataka.”Naku! Sir, huwag na. Hayaan mo na si kapitan na gumawa ng paraan. At isa pa, nakakahiya sa iyo, dayo ka lang dito e,” depensa ko.
“Ano naman kung dayo lang ako? E, naaawa ako sa mga tao dito. Hindi kaya ng konsensya ko na naghihirap sila. Sa iyo pa nga lang naaawa na ako sa ibang tao pa kaya,” asik niya.
“Hindi mo naman kailangan gawin iyon e. Huwag ka mag-alala, kapag nakaluwag-luwag ako, ako na ang bahalang bumili ng poso.” Pagtatapos ko sa usapan. Hindi na siya sumagot at natahimik na lang. Ayokong abalahin siya sa problema naming iyon. Nakakahiya sa kanya.
Malapit ng mag alas dose ng tanghali ng makauwi kami. Buhat ni Sir ang dalawang basket ng mga gulay samantalang ako ay isa lang. Ang sabi niya kasi ay siya na ang magbuhat kaso nahiya ako. Masayang-masaya pa siya dahil firstime niyang mamitas. Tsk! Ignorante talaga.
Pagkarating ng dapit hapon, tinulungan ni Sir si Papa at Kuya na magsibak ng kahoy. Napapahinto tuloy ang mga taong dumaraan dahil walang pang-itaas na suot si Sir. Hindi na ako magtataka kung bakit. Maski may asawa ay hindi nadala na tumingin sa kahubadan ng amo ko. Psh!
“Bakuran mo na kaya siya at baka maagawan ka pa,” sulpot ni Criza sa likod ko habang abala ako sa paghiwa ng mga gulay na lulutuin ko mamaya. Tanaw ko kasi rito sa bintana ng kusina sina Papa na abalang nagsisibak ng kahoy.
“Psh! Anong maagawan ang sinasabi mo dyan?” Asik ko at tumingin sa ibang direksyon upang hindi niya isipin na tinitignan ko si Sir. Maissue pa naman ang isang ito.
“Sus! Huwag mo kong lokohin, alam kong nakatingin ka sa kanya. Kaya puntahan mo na at bakuran,” humagikgik pa ang kaibigan ko. Kaya sa inis ay hinampas ko siya sa braso.
“Bakuran mo mukha mo. Kung gusto mo, ikaw na gumawa tutal mas naglalaway ka sa kanya e,”depensa ko.
Tinapik niya ang braso ko at muntik pa akong matumba sa aking kinauupuan. Lakas makatapik huh? Jusmiyo!
“Sure ka ako ang naglalaway? Baka naman ikaw,” at rinig ko ang kanyang pagtawa. Akto ko siyang hahampasin ng kumaripas ito ng takbo.
Napatingin ako saglit kay Sir. Masasabi ko namang maganda ang pangangatawan niya. Malalaki ang mga biceps niya. Makisig siya kung ilalarawan. Sobrang hot niya tignan dahil pinagpapawisan pa siya ng todo. Para lang siyang nasa gym. Hawig niya ang mga model na nakikita ko sa magazine. Potek!
Kinabukasan, nagtungo ulit kami sa bukid para mamitas. Nagtaka ako dahil hindi sumama si Sir. May pupuntahan daw sila ni Papa kasama si Dave. Nag-inuman sila kagabi at hindi ko manlang natanong kung ano ang pinag-usapan nila. Seryoso kasi sila kagabi at mukhang importante ang kanilang pinag-uusapan. Himala rin at nagsama sina Sir at Dave. Sa pagkakaalam ko ay inis na inis ang amo ko ron. Tsk!
Pagkapitas ng mga gulay ay umuwi na rin kami nina Kuya. Magdedeliver pa ako mamaya sa talipapa sa bayan. Doon namin binagsak ang mga gulay na naaani namin para may income kahit papaano. Mabilis lang kasi mabenta roon kesa magbahay-bahay kami.
Napatigil kami nina Kuya ng mapansin na maraming tao ang nag-uunahan papunta sa balon. May dala silang mga balde at nagsisilakihan pa. Hindi naman sila ganoon kapag nakakasabay ko sila. Nakapagtataka.
“Lala, buti naman nandito ka na. May goodnews ako sa iyo, bes,” hinihingal na pagbabalita ni Criza sa akin. Napatingin kaming lahat nina Kuya sa kanya. Mukhang galit siya roon sa igiban.
“Bakit? Ano meron at nagsisitakbuhan ang mga tao papunta doon,”duro ko pa sa daan papuntang igiban. Pansin ko kasing masaya ang mga tao na nagsisitakbuhan.
Bumuntong-hininga muna ito ng malalim dahil napagod sa pagtakbo.”Masisiyahan kayo sa ibabalita ko,” usal niya. Abot hanggang teinga ang ngiti niya kaya hindi ko maiwasan ang maexcite. Ano naman kayang ibabalita nito?
“Ano ba kasi yon? Sabihin mo na, Criza,” singhal ni Kuya dahil hindi na siya makapaghintay na malaman ang balita na sinasabi ng kaibigan ko.
“Okay, heto na,” ngumisi pa.”Si Pogi kasi, pinagawan tayo ng poso at pinaayos niya ang igiban para hindi daw tayo mahirapan. Grabe! Pinagkaguluhan siya ng mga tao kanina,” nagtatalon pa na pagbabalita ni Criza na ikinagulat namin.
“Talaga? May poso na ang sitio natin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya. Bakas sa mukha rin niya ang gulat gaya ko. Pakiramdam ko natuyuan ako ng lalamunan. Naalala ko ang usapan namin kahapon ni Sir about sa igiban. Hindi ko naman akalain na totohanin niyang gawan ng paraan. Gosh!
“Oo kuya, pinagawan tayo ni Pogi. Yehey!” Parang bata na nagsasaya si Criza. Nagtatalon na rin sina Kuya at Ate sa saya. Hindi na ako magtataka kung bakit.
Ako naman ay hindi magawang magsalita o gumalaw. Nanatili akong tahimik na para bang nakakita ng multo. Napaawang ang aking labi at hindi alam ang sasabihin.
“Hoy! Okay ka lang ba? Ba’t natahimik ka yata? Hindi ka ba masaya?” Nagtatakang tanong ni Criza ng mapansin akong tulala.
Inipit ko muna sa likod ng aking teinga ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha.”Bakit niya yon ginawa?”
“Bakit naman hindi? Gusto lang naman niya makatulong e. Hayaan mo na. Ayaw mo noon hindi na tayo mahihirapan sa pag-iigib?” Asik niya.
“Nakakahiya kasi e,” usal ko at napatingin sa malayo. Iniisip ko pa lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin ay nahihiya na ako. Paano kapag sinabi nilang ginamit ko si Sir para magkaroon kami ng poso? Potek!
“Huwag ka ngang ganyan, bunso. Gusto niya lang tumulong. Wala naman masama doon e, diba? Imbes na mag-isip ka ng kung ano-ano dyan, puntahan natin siya doon para makapagpasalamat,” sabat ni Kuya.
Ganoon nga ang ginawa namin. Bago kami pumunta sa igiban ay ipinasok muna namin sa bahay ang mga basket ng gulay na napitas namin kanina. Nagtungo kami sa igiban at bumungad sa amin ang mga taong masayang nag-iigib sa poso. Marami ang nakapilang tao. Hinanap ko agad si Sir at nakita ko naman siya kaagad. Kausap niya si Kapitan sa isang sulok kasama sina Dave at papa, nakasilong sila sa puno ng mangga.
Nagtama ang tingin namin kaya nagpaalam siya kina Kapitan tsaka ako nilapitan. Bawat hakbang niya papalapit sa gawi namin ay nagpapasalamat ang mga tao sa kanya. Tanging ngiti at tango naman ang kanyang sinasagot. Mukhang masaya siya sa ginawa.
“Uy, maraming salamat at naisipan mong pagawan kami ng poso,” kaagad na usal ni Kuya ng makarating na si Sir sa gawi namin. Naghighfive silang dalawa.
“Wala yon, gusto ko lang makatulong e,” masiglang sagot ni Sir bago tumingin sa akin. Nagpaalam sina Kuya na tignan ang poso kaya naiwan kaming dalawa ni Sir.
“Surprise!” Masayang ani Sir at pumalaklak pa na parang bata.
Imbes na matuwa ay pinagtaasan ko siya ng kilay.”Tsk! Kaya pala hindi ka sumama sa akin kanina,” usal ko.”Bakit mo ito ginawa? Hindi ba’t sabi ko sa iyo si kapitan na ang bahala,” dugtong ko pa.
Ngumisi lang siya at ipinasok sa bulsa ng short ang kanyang dalawang kamay.”Bakit, bawal na ba? Tsaka, sabi mo kahapon wala kayong donor kaya ayon, nagvolunteer na ako,” masayang ani niya.
“Hindi naman na kailangan e. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa akin,” nakangusong depensa ko.
“Ano ka ba, hindi mo naman ako pinilit e. Kusa ko yon ginawa kaya huwag ka ng magalit diyan. Magpasalamat ka nalang,” asik niya.
“Psh!” Nasapo ko ang aking sentido. Hindi niya ako naiintindihan e.
“Matatagalan pa daw bago makahanap si Kapitan ng donor. Kaya para mapabilis, ako na ang nagvolunteer. Tuwang-tuwa nga ang mga tao kanina e. Sobrang sarap sa pakiramdam, alam mo ba ‘yon,” masayang wika niya. Napatingin siya sa mga taong nag-iigib. Ang ilan ay kumakaway pa sa kanya.
“Hayts! Hindi mo naiintindihan ang pinupunto ko, Sir,” depensa ko.
“Sus! Huwag mo na isipin yon, pwede? Kung ano man ang isipin nila laban sa iyo, huwag mo nalang pansinin. Tsaka, malapit na rin ang pasko, regalo ko na rin sa iyo ‘to,” at nginitian ako ng matamis.
“Sa akin? Bakit?” Duro ko pa sa aking sarili.
“Wala akong alam na ibigay sa iyo e. Hindi ka naman mahilig sa mga materyal na bagay ‘diba?” Tanong niya. Kilalang-kilala na niya talaga ako.
“Oo na.” Usal ko.”Salamat pala rito, hayaan mo babayaran kita pagnagkapera ako,”dugtong ko.
“Anong bayaran ang sinasabi mo dyan? Hindi na kailangan, ginawa ko ito dahil gusto kitang maging masaya,” usal niya. Napatingin ako sa kanya.
“Psh! Banat yan?” At inirapan ko siya.
Tumawa siya.”Oo, kung gusto mong kiligin,”at kumindat pa siya. As if naman kikiligin ako. Duh!
Inimbitahan ni kapitan si Sir sa barangay. Sumama na ako dahil wala naman akong gagawin. Naghanda naman ang mga kasitio namin ng kaunting salo-salo para kay Sir.
“Sir, maraming salamat po talaga. Matagal po naming hinintay na magkaroon kami ng poso dito sa aming sitio,”usal ng isang tanod. Nasa mahaba kaming mesa at abala sa pag-kain. Kasalo
“Walang anuman po, naawa kasi ako sa mga bata at matatanda dito e. Maliit na bagay po sa akin ‘yon,” sagot ni Sir at ngumiti pa.
“Lala, asawahin mo na lang siya para may tagadonor na tayo dito,” biro ni Aling Menggay sa akin kaya nagtawanan kami.
“Luh! Amo ko po siya, bawal po,” sagot ko at tumawa.
“Anong bawal? Hindi kaya. Alam mo bang yong pamangkin ko na yaya rin, napangasawa ang amo sa Manila. Sobrang asensado na siya ngayon,” pagkwekwento naman ni Aling Guada.
“E, tanungin naman natin si Sir kung pasado ba si Lala sa kanya. Ano pasado ba siya sa iyo, Sir?” Biro ni Mang Dennis kaya pinagdilatan ko siya.
Napailing si Sir dahil tinutukso na nila kami sa isa’t isa. Tinatapik pa ni Kuya si sir kaya nakakaramdam ako ng hiya. Bakit ba nila kami tinutukso? Naku naman! Paano kapag makarating kay Kenneth ito? Potek!
“Pasado naman ho,” magalang na tugon ni sir kaya naghiyawan ang mga kasama namin. Napatakip ako ng teinga sa lakas ng hiyawan nila. Napatingin si Sir sa gawi ko at pinagtawanan dahil sa inasta ko. Psh! Hindi nakakatuwa.
“Sa iyo ba Miguel, pasado ba itong gwapo na bisita niyo para kay Lala?” Pilyong tanong ni Mang Dennis. Sa lahat ng kasamahan namin dito, siya ang pinakamalakas mang-asar sa lahat.
Napatingin kaming lahat kay Papa na noon ay kunwaring nag-iisip. Nakahawak siya sa kanyang baba at umaktong pinag-iisipan ng mabuti ang sasabihin. Napailing nalang ako dahil nahihiya ako sa mga biro nila.
“Pasadong-pasado! Sa gwapo ba naman ng batang yan,” sagot ni Papa. Naghighfive silang dalawa ni Sir kaya napasinghal ako. Kahit kailan wala talaga akong kakampi.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay puro lang panunukso ang ginagawa nila sa amin ni Sir. Sumasabay na lang ako sa mga trip nila para hindi nila sabihing killjoy ako. Matapos kumain ay nagpaalam na kaming uuwi.
Inihanda ko na ang mga gulay na idedeliver ko sa talipapa. Marami ‘yon kaya natagalan pa ako. Tinulungan ako ni Sir at sinabing sasama siya. Hindi ko na lang siya pinigilan. Hahaba lang ang usapan kapag ginawa ko iyon. Tsaka, masakit ang braso ko kaya siya na lang daw ang magbubuhat.
Hindi na naman mabilang ang mga taong napapatingin at napapatili kapag nakikita nila si Sir. Ang ilan ay tinatawag pa siya sa kanyang pangalan. Aaminin kong gwapo siya sa suot niyang sumbrero na kulay black. Nakaplane white tshirt siya saka short na hanggang tuhod. Pinahiram siya ni Kuya ng damit dahil nga wala siyang nadala.
“Sabi kasi sa iyo kanina dalhin natin iyong sasakyan ko, ayan tuloy gagabihin na tayo,” asik ni Sir ng maideliver na namin sa talipapa ang mga gulay na napitas namin.
Pauwi na kami at hinahatak na ang daan. Palubog na ang araw kaya binilisan na namin ang paglakad at baka abutin kami ng dilim. Ang sabi niya kanina gamitin namin ang sasakyan niya pero umayaw ako. Baka isipin ng ibang tao ambisosya ako e. Naglakad na lang kami para kahit papaano ay maexercise naman itong katawan ko.
“Gusto ko nga kasing maglakad, Sir. Ayaw mo non maeexercise ang mga buto mo? Wala pa namang gym dito sa amin,” depensa ko naman. Nakasunod ito sa akin habang hawak-hawak ang mga basket na pinaglagyan ng gulay kanina.
Kumamot ito sa ulo dahil naiinis sa akin.”Tsk! Tinatamad nga akong maglakad e. Tapos, halos hindi maputol ang kwentuhan niyo ng tindera kanina,” giit niya at pansin ko sa boses niya ang inis.
Nakipagkwentuhan kasi ako kay Aling Maria kanina dahil nagkita kami ulit. Suki ko iyon kaya dapat maging friendly naman ako. Mahirap na kung mawala yon.
“Namiss nga daw niyang makipagkwentuhan sa akin. Malay ko bang magtatagal kami ng ganon. Tsaka, sumali ka na sana sa usapan para hindi ka nabored kanina,” asik ko.
“Ayoko nga,’di naman kami close ng tindera na yon e. Tsk!” Depensa niya sa akin at nagdabog na naglakad. Inip na inip siya kanina kakahintay sa akin. Muntik niya pa akong iwan at bulyawan kanina. Mainipin amp.
“Edi nakipagclose ka sana, basic!” Sagot ko.
Hindi na siya sumagot at tinapik pa ako para bilisan ang paglalakad. Natatakot siyang abutin kami ng dilim sa daan. Wala pa naman daw street lights dito na gaya sa Manila. Psh! Ang dami niyang arte. Hindi naman ako natatakot dahil sanay ako noon na ginagabi sa paglalako.
Habang naglalakad kami sa makahoy na parte ng daan papasok sa sitio namin ay may narinig akong hikbi ng bata. Hindi yata narinig ng kasama ko dahil patuloy lang siya sa paglalakad. Napansin niyang huminto ako kaya binalikan niya ako.
“Hoy! Ba’t ka huminto? Tara na baka gabihin tayo,” anyaya niya sa akin. Wala siyang narinig na iyak ng bata.
“Teka,” at sinenyasan ko siyang tumigil. Nakunot naman ang kanyang noo sa inasta ko.”Wala ka bang naririnig?” Tanong ko sa kanya.
“Huwag ka ngang manakot diyan. Hahampasin kita ng basket kita mo,” banta niya sa akin at aktong ihahampas ang mga basket na hawak.
“Hindi ako nananakot, okay? May naririnig talaga akong ingay ng bata. Bingi ka kasi kaya hindi mo marinig,” singhal ko sa kanya. Sinadya ko pa siyang banggain ng silipin ko ang parteng makahoy sa gilid niya.
Sinundan niya lamang ako ng tingin. Akala niya siguro ay tinatakot ko siya. May naririnig talaga akong bata na umiiyak. Hindi ako pwedeng magkamali talagang hikbi ng bata iyon. Hinanap ko ito sa medyo madahon na parte ng daan. May nakita akong bata roon na nakaupo at umiiyak.
“Sir, may bata dito,” usal ko at sinenyasan ko siyang lapitan namin ang bata. Nasa edad lima o anim na taong gulang ang batang babae. May bag siyang nakasuklib sa likod niya. Umiiyak at namamaga ang mga mata.
“Hoy! Huwag mong lapitan baka chanak yan,” dinuro pa ako ni sir pero hindi ako nakinig. Nilapitan ko ng dahan-dahan ang bata.
“Chanak? Paano magkakachanak kung palubog pa lang ang araw? Psh!” Depensa ko at inalis ang mga matitinik na kahoy sa paligid ng bata. Baka matusok kasi siya kawawa naman.
“Ganon ang nakikita ko sa mga horror movie e. Sabing huwag mong lapitan,” singhal niya pero di siya pinansin.
Nang tuluyan kong malapitan ang bata ay pumantay ako ng upo sa kanya. Inangat niya ang kanyang tingin sa akin habang umiiyak pa rin.
“Hello!” Kumaway pa ako para hindi siya matakot.”Anong name mo?” Tanong ko sa bata pero wala akong natanggap na sagot.
“Ba’t ayaw niyang magsalita? Pipi ba?”Narinig ko na lumapit na rin si Sir sa gawi namin ng bata.
“Baka nahihiya lang,” sagot ko.. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni Sir.
“Natatakot ang bata sa iyo, umalis ka nga,” pagtataboy ko kay Sir.
“Baka sa iyo natakot at hindi sa akin. Baliw,” asik naman niya.
Hindi ko na siya sinagot pa at inakay ang bata papunta sa daan. Kinailangan ko pa siyang buhatin dahil maliliit pa ang kanyang mga binti at nahihirapan siyang maglakad. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at nakasubo pa ang isa nitong daliri.
“Mama..” iyak ng bata at tumingin sa paligid. Mukhang nawawala ang batang ito. Pero paano naman siya napunta dito?
Kahit anong pagpapatahan ang gawin ko ay hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Napahilot tuloy si Sir sa kanyang sentido.
“Ano ng gagawin natin sa batang yan?” Tanong ni Sir at nasa bata ang tingin. Nakakrus ang kanyang mga braso sa dibdib nito. Ako naman ay buhat-buhat na ang bata na umiiyak pa rin.
“Iuuwi natin, kawawa kung iiwan natin siya dito,” sagot ko at sinuklay ang buhok ng bata. Ang cute-cute niya pa naman. Sobrang taba ng mga pisngi niya. Ang sarap panggigilan.
“Ano? Paano kapag kinasuhan tayo ng kidnapping ng mga magulang nyan?” Reklamo ni Sir at dinuro pa ang bata.
Dahil sa lakas ng boses ni sir ay umiyak lalo ang bata kaya nahirapan akong patahanin. Baka iniisip ng bata siya ang pinapagalitan ni Sir. Kung makasigaw kasi wagas e.
“Huwag ka ngang sumigaw, natatakot ang bata o,” asik ko kay Sir pero napakamot lang siya sa kanyang ulo.”Baby, iuuwi ka na muna namin ha? Wala ka kasing kasama dito e, okay?” Nagulat naman ako dahil tumango siya sa sinabi ko. Humina na ang kanyang pag-iyak.
“Tsk! Pag tayo nakulong, kakasuhan kita,” giit ni Sir ng senyasan ko na itong maglakad.
“Ang oa mo, malinaw naman na nakita natin ang bata sa gilid ng kalsada diba? Anong makukulong ang sinasabi mo dyan?” Pinagtaasan ko na siya ng kilay dahil napakaoa niya.
“Ahh basta, kakasuhan kita pagnakulong tayo,” depensa niya pa rin at nagdadabog na naglakad sa harap ko.
“Itatawag ko sa pulisya na may nakita tayong bata para hindi mag-alala ang magulang niya. Isasauli naman natin kapag may naghanap e. Pero ngayon, iuuwi na muna natin dahil kawawa,” giit ko.
“Tayo ang kawawa kapag nakulong tayo dyan sa pagpulot mo ng bata,” depensa niya. Sa inis at kinurot ko siya sa kanyang braso.”Aray naman,” reklamo niya.
“Ang oa mo! Bahala ka na nga dyan,”asik ko at nagpauna ng maglakad habang buhat-buhat ang bata na mahina pa rin ang kanyang pag-iyak.