Chapter 10

KENNETH’S POV

I was browsing at social media. Wala rin kasi akong magawa dahil kakauwi lang namin nina Mommy galing sa meeting. Yeah, sinama nila ako para matutunan ko raw ang mga dapat at hindi dapat gawin sa business meeting.

Nagpaalam ako kina Mommy na dumito muna sa kwarto ko tutal dinner is not yet ready. Iniisip ko rin si Haila at Rhaiven. And yeah, I already know na naroon ang kaibigan ko sa kanila. Kuya Gino already told me. Matagal-tagal rin noong huli kaming mag-usap ng kapatid niya because of my busy days.

I can’t stop overthinking against Rhaiven. What if makuha niya ang loob ng pamilya ni Haila? For sure talo na naman ako. Psh! Talagang gusto niya si Haila. Nakakainis lang dahil pumunta pa siya sa probinsiya kasama ito. Pwede namang hinatid lang at umuwi agad. For sure, magpapakitang gilas siya doon.

Mahina ang signal doon kina Haila kaya pahirapan para makausap siya. I really missed her. Ayokong malaman niya na alam kong naroon si Rhaiven sa kanila. Gusto ko, siya mismo ang magsabi. Gusto kong subukan kung kaya nya iyon itago sa’kin. At sana hindi mabawasan ang pagmamahal nya sa’kin habang naroon si Rhaiven. Alam ko naman na boto si Kuya Gino sa’kin. Wala naman siguro akong dapat ikabahala. But, I’m bit jealous. Damn!

Hindi naman ako pwedeng umuwi na hindi kasama sina Mommy. We’re here at New York, dito kami magcecelebrate ng Holiday. Pupunta rin dito ang brother ko together with my sister-in-law. Dito na kasi sila nanirahan after their wedding.

“Anak, are you okay? Kanina pa ako pumasok dito sa kwarto mo pero mukhang ‘di mo napansin. It’s seem like you have a problem.” Wika ni Mommy. Hinaplos nito ang aking balikat.

I didn’t notice that she enter my room. Umupo siya sa gilid ng kama. Nakasandal kasi ako sa headboard. Inalis ko ang laptop na naroon sa aking tyan at nilagay ‘yon sa side table. I faced my mom at smile sweetly.

“I’m okay, mom, don’t worry. Pagod lang ako sa byahe.” I lied.

“’Hmm? Tell me the truth, son, kilala kita kapag nagsisinungaling. Is this because of the girl you’re courting, huh?” Taas-kilay niyang tanong kaya napangiwi ako.

How many times ko na rin na nakwento si Haila kay Mommy. Hindi kasi nakakaligtas sa paningin niya ang pagiging blooming ko minsan. Nahuhuli pa niya akong nakangiti habang hawak ko ang aking selpon. Noong una ay ayaw ko sabihin sa kanya pero kalaunan ay inamin ko rin. Para siyang teenager kung kiligin. Psh!

“Yeah,” tipid kong sagot and I nodded.

“And why is that? Binasted ka ba niya, anak?” Nag-aalala ng tanong ni Mommy.

“Mom, hindi. Namomoblema lang ako dahil may gusto rin po sa kanya ‘yong kaibigan ko.” I said without mentioning Rhaiven’s name.

“Then who? You have three friends, malay ko ba kung si Luis, Christian, o si Rhaiven. C’mon, son, sabihin mo sa’kin at papagalitan ko. Hindi pwedeng may kaagaw ka. For me, you’re always the winner.” Asik ni Mommy.

I laughed because of her act.”Mom, I don’t want to mention his name, sa akin nalang po ‘yon. I hope you will understand. I need also some advice from you that can help me.” Wika ko sa seryosong paraan.

She nodded. Bumuntong-hininga rin ito ng malalim.”Okay, okay, I understand, son. Kung sino man ‘yan, siguro ay hindi nya sinasadyang magkagusto sa babaeng nililigawan mo. Wala namang masama since hindi ka pa naman niya sinasagot. The problem is, what if maunahan ka? Sana lang hindi, I don’t want to see you suffering from pain, Kenneth.”

Nginitian ko si Mommy.”Mom, don’t worry, I can handle myself.’Diko lang maiwasan mag-overthink.”I said.

She tapped my shoulder.”You need to be competitive, Son. Iyon ang alam kong paraan para manalo ka. Huwag kang maging duwag, harapin mo sana ito ng buong tapang.”

I nodded.

“At, kung si Rhaiven man ang kaibigan mong ‘yon, hindi ko alam kung may chance ka pang manalo. Kilala natin si Rhaiven, lahat ay nagkakagusto sa kanya. Hindi naman sa kinakampihan ko siya, I just want to tell you the truth. Mahirap kalabanin ang isang ‘yon kaya mag-iingat ka,” mungkahi nya na nagpatigil sa mundo ko.

Hindi ko alam kung may ideya ba si Mommy na si Rhaiven ang tinutukoy ko. Sa aming apat kasi, alam namin na si Rhaiven ang kailanman hindi matatalo. Kumbaga, wala kaming laban sa kanya. And yeah, Mom is right. I need to be competitive if I want to win this game.

“How are you lil brother? Wala ka pa bang ihaharap sa’min na babae?” Tanong ni Kuya ng nasa hapag na kami kumakain ng dinner. He was with her wife, Ate Rica.

Natawa naman ako ng mahina. Lahat sila ay napatingin sa’kin. Hindi ko alam kung bakit natanong ‘yun ng Kuya ko. Maybe because, never pa akong may pinakilala sa kanila. Kinukwento ko lang sa kanila si Thea non.

“Tss! Don’t mind it, Kuya.” Sagot ko at sumandok ng pagkain sa plato ko. Magkaharap kami ngayon.

Tumikhim naman ito at pinunasan ang gilid ng bibig bago nagsalita ulit.”Hindi ka pa ba sinasagot ng nililigawan mo? Hey, ilang months na ‘di ka pa rin niya sinasagot? Mukhang ‘di siya sigurado sa’yo.” Asar nito at tumawa.

“Tss.” Singhal ko.

Sanay naman ako sa mga ganyang biro ni Kuya. Hindi naman ako napipikon sadyang ugali niya ang mang-asar since may asawa na siya. Fuck!

“Kennedy,’wag mo nga binibiro ng ganyan ang kapatid mo.” Singhal ni Mommy sa kanya. Alam ni Mommy na magiging apektado ako kaya sinita nya ang kapatid ko.

“Why? I’m just telling my opinion, masama na ba?” Nakangising tanong niya. Nandoon pa rin ang pang-aasar sa aura nya. Yeah, alam ko naman na magaling sa ligawan ang Kuya ko kaya heto, pinagtatawanan ako. Damn!

Nanlilisik ang mga mata ni Mommy na tumingin sa kanya but he laugh.”Mas masama kung ‘dika titigil, Kennedy. Nakikita mo na ngang naprepressure ang kapatid mo, binibiro mo pa ng ganyan.” Sermon ni Mommy.

“Okay, eto na, titigil na po.”pasukong ani Kuya at bahagya pang itinaas ang dalawang kamay. Engot talaga!

Nabingi na ako sa mga pinag-usapan nila. Puro business ‘yon at wala naman akong maintindihan kahit isa. They are business minded kaya naout of place ako bigla. Nagsisimula pa lang ako na alamin ang mundo ng business.

“Kenneth.” Tawag ni Daddy sa’kin kaya nabalik ako sa reyalidad. Napatingin ako sa kanya. Sineserve na pala nila ang aming dessert which is graham cake.

“Yes, Dad?”

“Since, hindi pa sure ‘yong nilalagawan mo sa’yo, bakit hindi mo itry na hanapin si Thea dito sa New York? Balita ko ay nandito siya with her family.” Mungkahi nito. Tumingin ako kay Mommy pero nginitian niya lang ako.

Napaiwas ako ng tingin at pasimpleng sumandok sa graham cake na nasa harapan ko.”Matagal na po noong huli kaming magkita, Dad. Ayoko na siyang guluhin pa.” Sagot ko.

“Why? Hindi ba’t siya ang gusto mo no’n? C’mon, Kenneth, iniisip ko lang ang mararamdaman mo. What if tama ang Kuya Kennedy mo na hindi siguro ang babaeng ‘yon sa’yo? We’re just concern about you,’wag mo sana masamain.” Paglilinaw ni Daddy.

“I’ll think about it, Dad. Thanks for your concern,” I said at smile him sweetly.

HAILA’S POV

“Ehem! Mukhang tinamaan ka na kay pogi.” Asar ni Criza sa’kin ng pumunta na siya dito sa bahay. Nalaman niya kasing niyaya ko si Sir kanina na pumunta sa tuktok ng burol.

“Psh! Hindi gano’n ‘yon, okay? Malay ko ba kung may pinaniniwala kayong gano’n. E, nabored kasi siya kanina kaya niyaya ko. Tsaka, doon lang sa burol ang alam kong magandang lugar dito e.” Sagot ko.

Napakabigdeal sa kanilang niyaya ko si Sir sa tuktok ng burol. Hindi ba pwedeng niyaya ko kasi nabored siya? Psh! Bakit ba kasi sila nagpapaniwala sa mga sabi-sabi na gano’n. Kaya pati ako pinag-iisipan na nila ng iba. Gosh!

“Aminin mo, kinilig ka no?” Sinundot pa nito ang aking tagiliran.

Tinignan ko siya ng masama para tumigil pero pinagtawanan lamang ako.”Hindi! Tsaka pwede ba, tigil-tigil mo ‘ko baka sandukin ko mata mo dyan at isahog ko dito sa ginigisa ko.” Singhal ko at akma ko siyang sasakdukin sa mukha ng kumaripas na ito ng takbo.

Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto ng aming hapunan. Pilit akong umiiwas kina Kuya dahil alam ko naman na aasarin lang nila ako. Umiiwas rin ako kay Sir dahil pati siya pag-iisipan ng iba dahil sa pagpunta namin sa burol.

“Hoy! Potaenang kabayo ka!” Halos mapatalon pa ako sa gulat ng may kumalabit sa balikat ko.

“Tss! Nagmumukha na ba akong kabayo?” Nakangusong ani Sir ng pumarito siya sa kusina at ginulat ako. Psh!

“Ba’t ba nanggugulat ka kasi? Psh!”singhal ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Sorry na.” Wika niya.

Hindi ko na siya sinagot pa at umiwas na lang. Ayokong pag-usapan namin ang pagpunta sa tuktok ng burol kanina. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nag-ooverthink na siya. Potek naman kasi.

“Hmmm! Ang bango naman nyan, ano ‘yan?” Pagtutukoy niya sa aking niluluto. Bahagya pa siyang dumungaw sa palayok kaya hinampas ko ng mahina ang kanyang braso.

“Aray naman, ba’t namhahampas ka?” Nakanguso niyang reklamo.

“’Wag kang dumungaw sa palayok baka malaglagan mo ng kulangot e.” Asik ko at inirapan siya.

“Tss! Inamoy lang may malalaglag na? OA mo naman, inamoy lang e.” Depensa niya at kumamot sa ulo.

Hindi na ako sumagot pa. Pinatay ko na ang stove ng maluto ko na ang aming ulam. Tinulungan niya akong maghanda kaya hindi ko na siya pinigilan pa. Alam ko naman na magpupumilit siya kaya hinayaan ko nalang. Since, kaya na nya ay hindi ko na tinuruan pa. Inasikaso niya ang mesa at ako naman ay ang aming hapunan.

“Hoy!” Tawag niya sa’kin pero ‘di ko siya sinulyapan dahil abala ako sa pagsasalin ng niluto ko sa plato.

“Oh?”

“Naniniwala ka ba sa sinabi ni Lola kanina na lahat ng pumupunta don sa tuktok ng burol ay nagkakatuluyan?” Tanong ni Sir. Napatigil ako saglit sa ginagawa.

“Psh! Naniwala ka naman?”

“Wala naman sigurong mawawala kung papaniwalaan natin ‘diba? Tsaka, ayaw mo bang maging asawa ako?” Nakangising asar niya ng ilapag ko sa mesa ang plato na pinaglagyan ko ng aming ulam.

“Tsk! Alam mo, uso sa’min ‘yong mga haka-haka na ganyan. Mula pagkabata hindi ako naniniwala sa mga ganon e. Kahit maraming nagsasabi na totoo ‘yon,’di pa rin ako naniwala. Saka ko lang papaniwalaan kapag sa’kin na mismo nangyari, no.” Sagot ko.

Kumunot ang aking noo ng napakalapad ng kanyang ngiti ng umupo ako sa mahabang kahoy na upuan namin. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mesa at diretso ang titig sa’kin. May nasabi ba akong maganda para ngumiti siya ng ganyan? Jusko!

“Anong nakakangiti sa sinabi ko?” Asik ko at inirapan siya.

Imbes na sagutin ako ay inilapit niya ang kanyang mukha hanggang sa ilang layo na lang ang layo non sa’kin. Namilog naman ang aking mukha sa ginawa niya. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga.

“Ibig mong sabihin, maniniwala ka lang sa haka-haka na yon kapag naging mag-asawa na tayo, huh?” Nakangising tanong niya kaya tinulak ko siya palayo.

Ano bang sinasabi niya? Potek naman! Iba yata pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Hindi ko ganon ang nais kong sabihin. Engot! Napakaadvanced nyang mag-isip. Taena!

“Psh! Baka gusto mong tusukin ko ‘yang bunganga mo, ha? Dami mong alam e.” Banta ko sa kanya at hinawakan ko ang tinidor na malapit sa gawi ko.

Pinagtawanan pa talaga ako. Psh!

“Why? Bawal na bang mag-isip ng ganon? Base kasi sa sinabi mo, papaniwalaan mo lang kapag sa’yo na mismo nangyari. Edi, papaniwalaan mo lang kapag naging mag-asawa na tayo,’diba?” Depensa pa niya kaya akma kong itutusok ang tinidor sa kanya ng mabilis siyag umilag at lumayo sa gawi ko.

“Psh! Ewan ko sa’yo! Tawagin mo na lang sila para makakain na.” Singhal ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo para kunin ang kanin.

“Hahaha!” Masusunod, asawa ko.” Biro niya pa saka kumaripas ng takbo paroon kina Lola.

Jusko! Bakit ba siya ganon? Konti na lang madadala na ako sa mga biro niya. Pero, iniisip ko ang mararamdaman ni Kenneth. Hindi pwede ‘to. May Kenneth na umaasa sa’kin kaya pipigilan ko ‘to. Tama!

“Kailan niyo balak pumunta ulit sa tuktok ng burol, kapatid?” Asar ni Kuya Gino ng nasa harap na kami ng pagkain. Tinignan ko siya ng masama dahil ‘di ko gusto ang biro nya. Lahat tuloy sila nakatingin sa’kin lalo na si Sir na nakangisi pa. Tsk!

“Kuya, sasandukin ko na talaga ‘yang mata mo, kanina ka pa.” Singhal ko. Nagsitawanan naman sila sa sinabi ko.

“So, kailan mo ulit ako dadalhin don, Haila, para naman masigurado natin na magkakatuluyan talaga tayo.” Asar naman ni Sir. Nag-apir sila ni Kuya na para bang magkasundo sa pang-aasar sa’kin. Potek!

“Lala, tabi, ako na. Hahaha!” Sabat naman ni Criza kaya lalo pang lumakas ang tawa nila maliban sa’kin. Pati sina Papa at Lola nakikitawa rin. Mukhang lugi ako. Dumito muna si Criza para daw makikain dahil namiss niya raw ang luto kong ginisa.

“Hay naku! Tantanan niyo na nga siya baka mapikon pa.” Sita ni Lola ng mapansing nakanguso na ako.

Nagsitango naman sila at muling nabalot ng katahimikan ang hapag. Pero pansin ko pa rin ang pang-aasar na tingin nina Kuya at Sir. Konti na lang sasandukin ko na mga mukha nila. Nakakainis!

“Bunso, sabi sa’yo, lahat ng tao nagbabago. Halimbawa na itong amo mo.” Turo ni Kuya kay Sir.”At syempre, pati si Papa.”

“Binago kasi ako ng kilig.” Biro ni Sir kaya nagtawanan na naman sila. Magkavibes talaga ang dalawang ‘to. Nakakainis!

“Tama ang Kuya mo, anak, lahat ng tao may chance na magbago. Kaya alisin mo sa utak mo ang maling akala na walang chance magbago ang dating gago,” paglilinaw ni Papa kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit napunta sa ganito ang usapan? Inaasar lang ako kanina pero ngayon mukhang personalan na? Talagang lugi ako sa kanila. Potek!

“Matanong nga, Miguel, natitiyak mo bang hindi ka na guguluhin ng babaeng ‘yon?” Pagtutukoy ni Lola sa babae nito. Napatigil kaming lahat upang pakinggan ang kanyang sagot. Nais ko ring malaman kung talagang nagbago na siya, totally.

“Opo, nay. Ako na po ang umiwas para hindi na lumaki ang gulo. Hindi ko po pinaalam sa kanya na uuwi ako rito kasama sina Gino dahil baka sundan lang ako.’Wag ho kayong mag-alala, inaayos ko na po ang bagay na ‘yon.” Sagot ni Papa at ngumiti.

“Mabuti naman kung ganon para makabawi ka na sa mga anak mo.” Ani Lola.

“Tsaka, ako po ang nasasaktan sa mga anak niya dahil sa pinaggagagawa namin e.” Wika niya na ikinagulat naming lahat.

“May anak siya, Pa?” Si Kuya Gino ang may lakas ng loob upang magtanong. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng interes sa bagay na ‘yon.

“Oum, meron.” Tumango siya.”Pagkakaalam ko, may dalawa siyang anak,’di ako sigurado kung isang babae at isang lalaki basta dalawa sila. Ilang beses kong sinabi sa kanya na tigilan na namin dahil nasasaktan ako para sa asawa’t mga anak niya pero ‘di siya nakinig sa’kin. Kaya, ako na lang itong umiwas. Hindi ko ka pa kayang matulog gabi-gabi ng may niloloko tao.” Paliwanag niya.

Bakit pakiramdam ko, ako ang nasasaktan sa mga anak ng babae niya? Shet! Kung sa’kin lang ginawa ‘yon, baka hindi ko kayanin.’Diko yata kaya na nanay ko ang manloko sa’kin.

“Mabuti naman po at inisip niyo ang mga anak niya?” Tanong ni Sir. Sobrang seryoso ng mukha niya sa ngayon. Mukhang interesado rin ito gaya ko.

“Inisip ko rin kasi kung sina Gino at Haila ‘yon, talagang masasaktan sila. Hindi lang mga bata ang inisip ko, pati na rin ang asawa niya. Mahal na mahal siya ng asawa niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit naisipan niyang kumabit sa’kin.” Sagot ni Papa.

“Siguro dahil nawawalan ng oras ang asawa niya kaya ganon.” Ani Ate Marie.

“Hindi sapat na dahilan ‘yon, anak. Kung talagang mahal niya ang asawa niya, maiintindihan niya ang bagay na ‘yon.” Depensa ni Papa at tumingin siya kay Sir.”Kaya ikaw, hijo, maswerte ka dahil buo at masaya ang pamilya na meron sa’yo, bihira lang ang mayroon ng ganon kaya pahalagahan mo sana.”sermon nito.

Tumango si Sir.”Opo, tsaka hindi magagawa ni Mommy or Daddy ang bagay na ‘yon. Naniniwala po ako.” Masayang sagot nito.

‘Yon ang pangarap ko, magkaroon ng masayang pamilya na gaya niya. Saludo ako sa mga magulang niya dahil kahit busy sila at walang panira sa relasyon nila. Napakaswerte niya talaga.