Chapter 12

KENNETH’S POV

My parents decided to visit those tourist destination here at New York. Hindi sana ako sasama dahil wala ako sa wisyo para mamasyal pero wala akong nagawa. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo dito sa backseat ng SUV ni Kuya. Nakasuot ako ng coat na kulay black, may suot rin akong guwantes sa kamay dahil malamig ang klima. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong lumabas dahil nababagot ako.

Kinailangan ko pang makipagtalo sa kanila para hindi sumama but I ended up nothing. Alam ko naman na wala akong laban sa kanila kapag may ganitong outing kami. I’m not that type of person na mahilig gumala. Mas gusto ko pang magmukmok sa kwarto ko at manood ng movie.

Naisipan nilang kumain kami sa pinakasikat na restaurant dito sa New York. Si Kuya ang nagsuggest noon dahil food is life silang mag-asawa. Tahimik lang ako habang nasa hapag. Hindi ako sumasali sa usapan nila dahil tungkol lang din naman sa business. Nabobored tuloy ako kaya itinuon ko na lang sa aking plato ang tingin.

“Camille,” tawag ni Kuya sa isang babae na papunta sa gawi namin. Napatingin kaming lahat sa babae na nakasuot ng pulang dress na hapit na hapit sa kanya. Para siyang model kung maglakad, napakaarte. Psh!

Nakipagbeso siya kina Mommy habang ako ay nasa plato pa rin ang tingin. Hindi ko naman siya kilala kaya tatahimik na lang ako. Pinaupo siya ni Kuya sa harap ko mismo. I don’t know what I’m going to say nor react dahil sinadya niya pang ipitin ang dibdib nito gamit ang mga brasong pinagkrus. As if naman madadala ako sa kalaswaan niya.

“Oh, before I forgot. Camille, this is Kenneth my little brother. Kenneth, siya naman si Camille, the one I’ved mention to you before,” pagpapakilala ni Kuya sa akin sa babae na dinuro pa ako ng bahagya.

Hindi ako nag-abalang makipagkamay sa kanya bagkus ngumiti na lang. Nagkatinginan tuloy sina Mommy sa inasta ko pero hindi nila ako masisisi. May iniingatan na akong babae, wala na akong gana makipag-approach sa ibang tao.

As usual, naout of place na naman ako sa usapan nila. Kapartner nila pala ang Camille sa business kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya niyaya nina Kuya. She’s pretty, hindi iyon maikakaila. Sexy rin siya at halatang spoiled. Napakapula pa ng labi niya at mukhang bigatin. But, ano bang paki ko? Kay Haila lang talaga ako interesado.

“Hi,” bati ni Camille sa akin. Kumaway pa siya ng bahagya. Sina Mommy at Kuya na lang kasi ang nag-uusapan about sa business yata. I don’t know.

“Hello,” tipid kong sagot. Nilalaro ko na lang ngayon ang dessert na mayroon sa plato ko. Nabusog na kasi ako sa mga masasarap na sinerve nila kanina.

“Hindi ko akalain na mas gwapo ka kesa sa Kuya mo,” tumawa pa siya ng mahinhin. Napailing ako sa sinabi niya. Well, maraming nagsasabi na mas gwapo ako sa Kuya Kennedy ko.

“Yeah,” wala akong alam na isagot sa kanya. Kami na ngayon ang magkaharap. She face me directly while giving me a very sweet smile on her lips.

“Single ako, share ko lang,” humalukipkip pa siya.

Napaiwas ako ng tingin dahil nailang ako sa sinabi niya. Siya iyong sinasabi ni Kuya sa akin dati. Ito yata ang gustong ireto sa akin kaso inayawan ko. Hindi ako interesado dahil nakatuon ang buo kong atensyon kay Haila. Malamang, si kuya ang may plano nito kung bakit siya narito. Hindi ko kailangan pang magtaka. Tsk!

“I don’t care,” mataray na usal ko kaya narinig ko ang kanyang pagtawa. Hindi ako interesado sa buhay ng ibang tao. May buhay akong kinakailangan pagtuunan ng pansin.

“C’mon, stop acting that you are in a relationship even though you’re not. Well, nakwento lang naman ng Kuya mo sa akin,” maarteng tugon niya.

Pinagmasdan ko siya ng makahulugan. Ano bang ibig-sabihin ng babaeng ito? Halata naman na hindi ako interesado sa kanya. Psh!

“I’m single but not available.” Diretsong ani ko at ibinalik sa plato ang tingin.”May nililigawan ako kaya kung may balak kang kumerengkeng sa akin, you should stop it. Hindi ako magkakainteresado sa iyo. Excuse me,” at tumayo na ako dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.

Napatingin tuloy sina Mommy sa gawi namin. Wala silang nagawa kundi hayaan akong umalis. Pakiramdam ko ay hindi ako komportable na kasama ang Camille na iyon. Iniisip ko pa lang na makakaclose ko siya, masisira na kami ni Haila. Ayoko noon, hanggang kaya kong magpigil gagawin ko. Hindi sapat na rason ang pagiging malayo ko kay Haila para lokohin siya even we’re not in a relationship yet.

“Bakit mo namang pinagsalitaan ng ganoon si Camille? The heck, bro,” komento ni Kuya ng makauwi na kami. Nakaupo ako rito sa sofa dahil napagod ako sa pamamasyal. Kanina sa byahe ay kinulit nila ako dahil sa inasta ko. Tanging sagot ko sa kanila ay ayaw ko ang presensya ng Camille na iyon. Halatang malandi at ayoko noon.

“Psh! Don’t me, Kuya. Alam ko naman na plinano mo siyang yayain para magkita kami. Kuya, how many times do I have to tell you na kahit isang libo pang babae ang ireto mo sa akin, aayawan ko sila lahat. Kay Haila lang ako interesado. Tapos ang usapan,” depensa ko kay Kuya.

Narinig kong tumawa siya saka padabog na umupo sa tabi ko at inakbayan. Nakangisi pa siyang tumingin sa akin na para bang nang-aasar. Bakit ba siya ganito? Ayaw niya ba kay Haila? Fuck!

“Hindi ka pa naman niya sinasagot ‘diba? Edi, just enjoy for being single muna. Kapag naging kayo na, trust me, marami siyang ipagbabawal sa iyo,” tugon ni Kuya.

Napaisip ako. Tama naman siya kung tutuusin. Pero, normal naman yata ang ganoon. Kung magiginy kami, syempre pagbabawalan niya akong gawin ang mga bagay na ayaw niya. Syempre, maski ako ay pagbabawalan rin siya para fair.

“Nilalason mo ang utak ko, Kuya, e” reklamo ko. Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin. Tumawa pa ang loko na para bang tuwang-tuwa sa pinaggagagawa sa akin.

“What? Concern lang naman ako sa iyo. Single si Camille at kinakailangan niya raw ng dilig. Beke nemen, bro,” at humalaklak siya ng napakalakas.

“Kadiri mo! Ba’t ‘di na lang ikaw ang dumilig do’n. Psh! Diyan ka na nga,” binato ko pa sa kanya ang unan na nahawakan ko. Mabuti na lang at nasalo niya baka tumama na iyon sa mukha niya kung sakali.

HAILA’S POV

“Naitawag ko na sa kustodiya ng pulisya. Pupunta na lang daw sila dito kapag may nagreport na nawawalan ng anak,” ani Kuya ng inutusan ko siyang itawag sa mga pulis ang pagkakapulot namin ng bata.

Abala ako sa pagpapainom sa kanya ng gatas habang nakaunan ito sa aking hita. Narito kami sa sala at pinapanood ang bata. Nagulat pa sina Lola kanina ng may iuwi kami.

Akala nila tuloy ay ninakaw namin.

“Princess ang pangalan na nakalagay rito sa bag at damit niya. Baka iyon rin ang pangalan niya,” ani Sir at naisipan pakialaman ang bag ng bata. May ilan siyang damit at bote na pinagtimplahan ng gatas sa loob.

Tumingin ako sa bata na noon ay nasa akin na rin ang tingin. Tumigil na siya sa pag-iyak kanina dahil nilaro-laro siya ni Sir. Noon ko lang nalaman na paborito niya ang bata. Sobrang cute niya magbuhat ng bata. Bagay na niyang maging tatay.

“Princess ba ang pangalan mo?” Malumanay na tanong ko sa bata para hindi siya matakot. Pinanggigigilan siya nina Ate at Lola dahil napakacute niya.

“Opo,”magalang na sagot nito at bahagya pa itong tumango. Nawili kami ng marinig ang napakacute niyang boses. Sobrang sarao sa teinga. Wah!

“Ako naman si Ate Haila,”pagpakilala ko sa aking sarili. Nagpakilala naman sina Sir sa bata.

“Naku! Sobrang cute ng batang ito. Ang sarap kurutin ang mga pisngi niya,”usal ni Ate Marie kay Princess. Ngumiti lang sa kanya ang bata ng napakatamis.

Sina Ate na ang umasikaso sa aming hapunan dahil binabantayan ko ang bata. Nakikipaglaro siya sa akin at naghabulan kami sa aming sala. Sobrang saya ko dahil matagal na rin ng huli akong nag-alaga ng bata. Isip bata na kasi ang inaalagaan ko ngayon. Hahaha.

Tinanong ko siya kung paano siya napunta sa gilid ng kalsada. Ang sagot niya lang naman sa akin ay kibit-balikat. Hindi ako makakatanggap ng matinong sagot sa bata kaya hindi na ako umulit na magtanong. Hinalungkat namin ang bag niya nagbabakasakali na may picture doon ng parents niya kaso nabigo kami.

“Sir, dahan-dahan, baka mahulog ‘yang bata,” sita ko kay Sir ng nakadapa ito at sumakay ang bata sa kanyang likod. Tuwang-tuwa si Princess sa ginagawa ni Sir. Napapahiyaw pa ito sa galak dahil sa nilalaro nila. Pinanood ko sila at inaalalayan ang bata kapag bababa mula sa likod ni Sir.

“Ang cute nilang panoorin, no? Bagay kay Rhaiven maging tatay,” usal ni Lola na nasa tabi ko. Parehas naming pinapanood ang dalawa na masayang naglalaro.

“Bagay na bagay po. Hindi ko alam na mahilig rin pala siya sa bata,” sagot ko naman na hindi siya tinapunan ng tingin.

“Ganyan ang lalaking gusto ko para sa iyo. Makakasigurado tayong hindi niya pababayaan ang magiging anak niyo,” tugon ni Lola.

Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit yata nasali ako sa usapan pati na rin ang magiging anak ko? Anong ibig niyang sabihin?

“Teka, bakit kami yata ang tinutukoy mong magkakaanak, Lola?” Nagtatakang tanong ko.

Ngumisi siya ng nakakaloka. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa sinabi niya. Alam ko na naman ang mga biro niyang ganoon. Potek!

“Bagay niyang maging tatay,” putol niya.”Tatay ng mga anaka mo,” dugtong pa niya at tumawa. Napailing tuloy ako sa sinabi niya. Pati ba naman siya shiniship kay Sir? Kasalanan ng tuktok ng burol ito. Huhuhuh!

Niyaya na nila kami sa hapag kaya binuhat ni Sir ang bata. Nagtabi na kami ni Sir dahil susubuan ko si Princess. Nakakandong sa kanya ang bata habang ang isang kamay ay gamit niya pag-kain. Sinusubuan ko ang bata at hindi ko maiwasan na sulyapan si sir. Kung umakto siya para siyang tatay ni Princess. Nakakaloka.

“Ehem,” pambabasag ni kuya sa katahimikan kaya napatingin kaming lahat sa kanya.”Makati ang lalamunan ko pasensya na,” dugtong niyang palusot kahit ang totoo pinamukha niya ang kasweetan namin ni Sir. Sobrang talas kasi ng mata niya e. Binibigyan niya lahat ng malisya.

Akma kong susubuan ang bata ng umiling siya. Napatingin sa kanya si sir at pinilit na kumain ito pero umiling lang siya ng umiling. Mukhang busog na siya.

“Ayaw mo ng kumain? Busog ka na ba, ha?” Malumanay na tanong ko sa kanya. Pinunasan ko pa ng bahagya ang gilid ng kanyang labi dahil nadumihan.

“Opo,” tipid niyang sagot kaya sinalinan ko ng tubig ang baso at dahan-dahan itong pinainom sa kanya. Umalalay naman si Sir upang hindi ito mabasa.

“Ako na lang subuan mo, char,” biro ni Sir at inirapan ko siya. Alam na ngang tinutukso kami ni Kuya nagawa niya pang magbiro ng ganoon. Konti na lang kukurutin ko na siya sa pwet. Tsk!

“Nga pala, sa inyo tatabing matulog ang bata. Baka kasi mag-ingay yan at hindi kami makatulog,” pag-iiba ni Ate sa usapan kaya tumango na lang kami ni Sir.

Ako na ang nagprisintang maghugas habang si Sir ay abalang pinupunasan ang bata. Naghalfbath na rin ako pagkatapos kong maghugas. Tinawagan ko pa ang mga pulis para makibalita. Wala pa daw nagrereport sa kanila at tatawagan nalang kami kapag mayroon na.

“Napunasan mo na ba siya?” Tanong ko kay Sir ng abala akong nagsusuklay ng buhok. Nasa kama sila ng bata at naglalaro ito. Mukhang sila ang magkasundo.

“Tapos na. Hinihintay ko na nga lang siya na matulog,” sagot ni Sir. Tumayo na rin ako upang pumunta sa kama. Nilapitan ko ang bata saka inamoy-amoy.

“Sobrang bango ng bebe ko, hmmm.” Nakikiliti pa ito sa ginagawa ko kaya tumatawa siya. Sobra akong nawiwili sa tawa niya. Ang sarap sa teinga talaga.

“Ako ba hindi mo aamuyin?” Nakangising usal ni Sir habang pinapanood ako.

“Psh! Amuyin mo mukha mo,” singhal ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo at ipinuwesto ko naman ang bata para makatulog na. Nasa gitna namin siya at nakayakap kay Sir. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa postura nila. Sobrang cute!

“Huwag na kaya natin isauli itong bata,” usal ni Sir na nakaunan sa kanyang braso. Nakatingin siya sa kisame ng kwarto ko. Mukhang malalim ang iniisip niya.

“Tsk! Edi makakasuhan nga talaga tayo ng kidnapping nyan,” asik ko at hinaplos ang ulo ng bata na narito sa aming pagitan.

“Nawiwili na ako dito kay Princess, e,” giit nito sa akin. Kapansin-pansin naman iyon sa mga kilos niya. Ni hindi niya hinayaang maglakad ang bata bagkus binuhat lang. Iniispoiled niya ang batang hindi naman niya kaano-ano. Ibang klase rin itong amo ko.

“Halata nga,” tugon ko. Hindi maikakaila na malambing ang batang ito. Kahit pa man hindi niya kami masyadong kilala ay naging mabait siya sa amin. Nakakawili siya. Parang ayaw ko na rin siyang isauli.

Dahil sa pangamba ni sir na baka kunin nila si Princess bukas ay binantayan niya ito. Kumakanta pa siya ng bahagya na hindi naman naririnig ng batang mahimbing na natutulog. Natatawa na lang ako sa ginagawa niya.

“Alam mo, Sir, kung umakto ka para mo siyang anak,” nakangising usal ko sa kanya.

“Hindi mo natatanong pero mahilig talaga ako sa bata. Matagal na rin ng huli akong makaalaga e. Kahit dalaga na si Rhaivee ay trinitreat ko pa rin siyang baby, ganoon ko kamiss mag-alaga ng bata,” paliwanag niya. Napatingin naman ako sa kanya at halata sa itsura niyang namimiss niya nga ang ganoong bagay.

“Edi, mag-asawa ka na para may alagaan ka ulit na baby,” biro ko sa kanya. Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko kalaunan ay nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa.

“Nga pala, malapit na ang pasko, hindi ka ba uuwi ng mansyon para magcelebrate?” Pag-iiba ko sa usapan. Hindi siya tumingin sa akin at abala siya sa paglaro ng pisngi ni Princess na mahimbing na natutulog.

“Hindi,” tipid niyang sagot kaya nakunot ang aking noo sa pagtataka. Bakit naman hindi? Hindi kaya magagalit sina Maam Rachel kapag hindi siya umuwi?

“Ba’t naman hindi? Ayaw mo bang magcelebrate sa bahay niyo kasama ang pamilya mo?” Tanong ko na naman.

“Huwag mo ng alamin, wala ako sa mood magkwento ngayon,” asik niya kaya hindi na ako nagtanong pa ulit. Hinintay ko na lang na dalawin ako ng antok. Inantok na rin si Sir ng magising ako. Nakaharap pa rin siya sa bata at nakita ko na lang ang sarili ko na ngumingiti habang nakatingin sa kanya. Potek!

“Uwaaaaaahhh!” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pag-iyak ni Princess. Napapikit pa ako ng bahagya habang inaalo ito. Around 12 na pala ng hating gabi. Sana lang hindi nagising sina Lola.

“Baby, bakit? May kailangan ka ba? Sabihin mo sa akin, dali,”usal ko sa bata na nakaupo na at umiiyak habang may subong daliri. Si Sir naman ay bumalik sa pagtulog kaya ginising ko siya para tulungan ako.

“Patahanin mo nga ‘yan, ang sarap-sarap ng tulog ko e,” reklamo ni Sir ng narindi na siya sa pag-iyak ni Princess. Imbes ata na tumigil ito sa pag-iyak ay mas lumala pa. Kinuha ko ang ilang teddy bear na nakadisplay sa dingding ng kwarto ko para mapatahan siya pero walang epekto. Mukhang may kailangan siya at iyon ang hindi ko alam.

“Shhhh! Tahan na, okay? Natutulog na sina Lola e, baka magising sila,” pakiusap ko sa bata pero binato sa akin ang laruan na binigay ko sa kanya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin.

“Taena naman!” Mura ni Sir at inalis ang unan na ginamit niya pagtakip sa kanyang teinga. Tinignan niya kami ng bahagya at salubong ang kanyang mga kilay.

“Huwag kang magmura, Sir,” sita ko. Baka kasi gayahin siya ng bata.

“Ang ingay-ingay niya kasi e, wala bang balak magpatulog yan?” Inis na singhal ni Sir at dinuro pa ang bata. Ganyan ba ang tatay ha? Bagay pala sa kanya ha? Psh!

Imbes na sagutin si sir at inalo ko ang bata. Para siyang inagawan ng kendi sa postura niya. Halos magusot na ang bedsheet ng kama ko.

“Dede, dede, dede,” ani Princess habang umiiyak. Nagkatinginan kami tuloy ni Sir.

“Dede daw, padedehin mo na at ng makatulog na tayo. Psh!” Utos niya sa akin at padabog na humiga ulit sa kama.

“Teka, ba’t ako? Hindi naman ako ang nanay nito e,” asik ko.

“Alangan naman na ako? Tsk! Ano ipapakain ko dyan, tamod ko? Gusto nga daw niya ng dede, rinig mo naman diba? Pagbigyan mo na lang yan bago ko pa kaltukan,” singhal ni sir kaya sa inis ay kinurot ko siya.

“Ipagtimpla mo siya doon sa kusina at papatahanin ko,” utos ko sa kanya.

“Ba’t ako? Ikaw nakapulot diyan tapos ako uutusan mong magtimpla? Tsk! Maging fair ka naman tsaka inaantok na ako. Ikaw na bahala dyan,” depensa niya. Tinakpan ang mukha ng una pero pilit ko iyon na inalis para tulungan ako.

“Sige na, magtimpla ka na don para matapos na to,” pagpupumilit ko at natanggal ang unan na tinakip nito sa kanyang mukha.

“Ayoko nga.”

“Mahilig pala sa bata, ha? Psh!” Asik ko at inirapan siya. Lalo lang na nag-ingay si Princess kaya sa inis ni Sir ag padabog na siyang bumangon upang magtimpla ng gatas. Mukhang gutom siya.

“Wait lang natin si Kuya Rhaiven, ha? Tahan na,” pag-aalo ko sa bata at pinaypayan pa dahil may namuong pawis sa kanyang noo.

Bumalik si Sir na hawak ang bote na kung saan siya nagtimpla ng gatas. Halata sa itsura niyang naistorbo ang kanyang pagtulog pero walang nagawa dahil kailangan niyang magtimpla. Nagliwanag naman ang mukha ni Princess pagkakita sa dala ni Sir. Nagtatalon na siya sa tuwa.

“Oh,” inabot niya ang bote at kinuha ko naman. Bago ibigay kay Princess ay shinake ko muna at tinikman.

“Lasang gatas ni Lola ito e. Sir naman,” reklamo ko. Alam ko ang pinagkaiba ng gatas ng matanda sa gatas ng bata. Potek!

“Bakit? Parehas lang din naman na gatas ah. Ipainom mo na lang at ng tumahimik na siya,” giit niya.

“Hindi pwede, palitan mo. Nasa taas iyong gatas na pangbata. Dali,” utos ko sa kanya at ibinalik ang bote.

“Ang daming arte! Hindi naman yata mamamatay ang bata kapag gatas ng matanda ang ininom niya,” depensa niya pa.

“Gatas lang yan para sa matanda e. Baby si Princess, okay?” Asik ko naman.

“Hay naku!” Napakamot siya sa ulo at konti na lang ang kanyang pasensya sa akin.

“Hayts! Ikaw magpatahan dito at ako na nga lang ang magtitimpla. Katamaran mo talaga e, no?” Asik ko at tumayo habang buhat ang bata saka ito binigay sa kanya. Kinuha ko ang bote saka ako na ang nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas ni Princess.