CHAPTER 9 NO TIME FOR THEM

Next week na 'yong exam namin kaya hinanda ko na ang sarili ko para mag-aral maigi para mataas 'yong mga scores na makukuha ko sa darating na exam.

Kanina no'ng nag quiz kami sa Math lamang sakin si Colleen ng 3 points. Di ko alam kung bakit mas mataas siya kaysa sakin kahit na binigay ko naman 'yong best ko na masagutan ng tama 'yong quiz kanina. Pero ayon, wala pa rin. Siguro gano'n talaga. Sina Rhian at Ashley naman hindi napasa 'yong pasing score tapos si Bright naman sumakto mismo sa passing score ko. Pero okay na rin siguro na napasama rin ako sa passing score kahit na mas mataas sakin ang karibal ko.

Mag-aaral na lang ako ng maigi sa exam para hindi ako bumagsak. At para confident ako na sagutan ang exam namin.

No'ng uwian, niyaya ako ng mga kaibigan ko na pumunta sa cafè nina Callen pero tumanggi ako kasi  kailangan ko pang mag-aral ngayon. Alam kong next week pa 'yong exam pero kailangan kong mag-aral ng mas maaga.

Hindi naman kasi pwedeng sa araw ng exam pa ako mag-aaral kasi alam kong hindi na ako makakakapag concentrate no'n. Isa pa, two days bago ang exam, kailangan kong ipahinga ang utak ko para pagdating ng exam, prepared ako.

"Uy, sure ka? Hindi ka sasama?" pag uulit ni Rhian at umiling naman ako.

Dala ko na ang bag ko no'n para umuwi na ng bahay habang sila naman ay hinihintay na magbago ang isip ko na sumama na lang muna sa kanila. Pero buo na ang desisyon ko at kailangan ko talagang mag-aral ngayon.

"Hindi muna ako sasama kasi mag-aaral pa ako." sagot ko at binigyan sila ng maliit na ngiti.

"Next week pa naman 'yong exam. Marami pang time para mag-aral. Ngayon lang naman 'to." sagot naman ni Callen. "Isa pa, bukas o sa makalawa e magiging busy na tayo kasi puro quizzes na sa lahat ng subject. Hindi na tayo makaka-gala."

"Oo nga, pagbigyan mo na kami, Deyn." pagpupumilit ni Ashley.

"Sorry talaga. Pero next time na lang siguro." sagot ko sa kanila at nakita ko namang sumimangot ang mga mukha nila.

Actually, gusto ko rin naman sumabay sa kanila, kaso lang, kapag ginawa ko 'yon sayang 'yong oras. Kaya mas mabuting i-spend ko na lang 'yong time ko sa pag-aaral para wala akong pagsisihan kapag dumating na 'yong exam.

"Hayaan niyo na lang siya." sabi naman ni Bright. "Alam niyo naman si Deyn, kailangan niyang pagbutihan ang pag-aaral niya. Tayo-tayo na lang."

Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at may taong ganito. 'Yong kilalang kilala kana kahit na mag-iisang buwan mo pa lang siya nakilala.

So ayon, wala silang choice kundi ang intindihin na lang ako.

"Sige, see you tommorow!" pa-alam nila sakin bago sila umalis.

Ako naman e mag-isang naglakad patungong canteen para bumili ng tubig. Kanina pa kasi ako nauuhaw at tuyo't na tuyo't na ang lalamunan ko kaya bumili na ako ng maiinom bago umalis ng campus.

Pagpasok at pagpasok ko sa loob ng canteen ay do'n ko na realized na ang malas ko today. Nandito kasi sina Gab at Colleen sa canteen. Naka-upo sila sa may table sa medyo malapit sa entrance tapos nagtatawanan sila pero nang makita nila ako biglang tumahimik silang dalawa.

Uwian na nga lang, nasira pa araw ko.

Ang awkward no'n kasi naka-eye to eye contact ko sila pero umiwas din naman agad ako at nagkunwareng parang wala akong nakita. Lutang ang peg.

Pero sa totoo lang, nasaktan na naman ako. Lalo na't nakita ko kung papano sila magtawanan. Ang saya-saya nilang dalawa habang nag-uusap. Buti pa sila nagagawa nilang tumawa ng totoo. Hirap kasing tumawa lalo na't alam mong hindi kapa fully healed sa ex mo.

Pero kahit gano'n, bumili pa rin ako ng tubig. Paki ba nila? E, sa nauuhaw ako, e. At nang makabili ako ay agad akong lumabas ng canteen.

That time, sising-sisi ako kasi naisipan ko pang bumili ng tubig. Dapat pala tiniis ko na lang muna itong tuyo't kong lalamunan hanggang sa makauwi ako ng bahay tsaka ako uminom ng tubig. Hays. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Tapos na, e. Hindi na pwedeng ulitin kasi nangyare na. Ang mabuti pa, kalimutan na lang 'yon.

Huminga ako ng malalim tsaka ko binuksan 'yong bottled water at uminom saglit bago ako nagsimulang maglakad palabas ng campus habang nakikipag talo sa utak ko. Sinisisi ko sarili ko kasi nagpunta pa ako sa canteen. Kung 'di sana ako nagpunta ro'n, edi sana hindi ko sila nakitang gano'n ang tawanan at sana hindi ako naiinis ngayon.

E kung bakit ba kasi gano'n? No'ng nakita nila ako bigla silang tumahimik? Feeling ko tuloy ako pinagtatawanan nila? Like, impossible pero pwede ring possible—diba?

"E, kasi naman Deyn, dapat sa labas ng campus ka na lang bumili ng tubig at hindi na lang sa canteen." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad mag isa. "Edi sana, 'di mo nasabi sa sarili mo na napaka walang kwenta mong girlfriend noon kaya ka niya iniwan at pinagpalit sa dati niyang Ex—"

"BULAGA!!"

"Ay anak ng baka!" sigaw ko at napatalon pa sa gulat nang may biglang lumitaw na lalake sa isang malaking puno na 'di ko alam na nagtatago pala siya ro'n. "Ano ka ba naman?! Bakit ba nanggugulat ka?" sigaw ko sa kanya pero tawa lang siya nang tawa nang masaksihan ang naging reaksyon ko no'ng nagulat ako.

Okay, fine. Alam kong nakakahiya nga 'yong naging reaksyon ko kasi naman totoong nagulat talaga ako. Sinong nagulat ba 'yong magagawang paghandaan 'yong magiging reaksyon niya? Siyempre walang gano'n. On the spot lahat ng reaksyon kapag  nagugulat ang isang tao.

"Hoy! Umayos ka nga." na-aasar kong sabi. Pero siya patuloy pa rin sa pagtawa. Tipong napapahawak na siya sa tiyan niya dahil sa sobrang nakakatawa 'yong nakita niya.

Pinigilan niya 'yong tawa niya saglit, "Sorry na. Natatawa lang." sabi niya at muling nagpatuloy sa pagtawa.

Nakakaasar.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan? Ba't nagtatago ka? Ha?!"

"Nakita kasi kita mula rito. Ang seryoso ng mukha mo tapos nagsasalita kang mag-isa." sagot niya habang natatawa ng kunti, "Kaya ayon, naisip kong gulatin ka."

"At talagang tawang-tawa kapa, ano?"

Umiling siya, pero natatawa pa rin, "Hindi naman. Slight lang." tapos nagseryoso na siya, "Cute mo pala pag-nagugulat."

Asus! Binola pa ako.

"Sinong niloloko mo?"

"Seryoso ako."

Bigla kong naalala na sumama siya kanina kina Callen tapos nandito pa siya kaya napatanong ako kung bakit pa siya nandito at kung nasaan na sina Callen.

"Asan sina Callen? Akala ko ba pupunta kayo sa cafè nila?"

"Susunod ako sa kanila. Pero sinabi kong ihahatid muna kita." seryosong sabi niya, magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong unahan, "Alam ko namang hindi ko kailangan gawin 'to, pero baka kasi isipin nila na wala akong paki sayo at wala akong kuwentang manliligaw. Baka isipin pa nilang laro lang talaga 'to."

Na gets ko naman siya. At alam kong may point siya.

"Pero okay lang naman kung sabihin mo sa kanila na ako talaga mismo nagsasabi sa'yo na ayokong magpahatid, gano'n." sagot ko. "Maiintindihan ni Callen 'yon. Kasi alam niyang ayaw ng mga magulang ko na may maghahatid sundo sakin."

Hindi siya nakapag-salita at binigyan lang niya ako ng isang maliit na ngiti sabay sabing, "Akin na bag mo."

"Ha?"

Hindi niya inulit 'yong sinabi niya at siya mismo kumuha ng bag ko sakin.

"Uy, anong ginagawa mo?" tanong ko nang kunin niya sakin 'yong bag ko at siya nagdala no'n.

"Ako na magdadala." sagot niya. "Ihahatid kita. Pero hanggang sa kanto lang para 'di makita ng parents mo."

"Nasa work sila pareho at mamaya pa uwi nila. Pero baka may makakita na kilala ako tapos isumbong pa ako." nag-aalala kong sabi.

"Wag kang mag-alala. Magpapaliwanag ako sa parents mo kung sakaling malaman nila ang tungkol dito." dagdag pa niya.

Wala naman akong magawa kundi ang hayaan na lang siya since kahit anong gawin o sabihin ko e ayaw naman niyang makinig sakin.

At gaya nga ng sinabi niya, hinatid niya ako hanggang sa may kanto lang. Tapos binalik na niya sakin 'yong bag ko at kinuha ko naman 'yon sa kanya tsaka siya nagpa-alam sakin at gano'n din ako sa kanya.

Tumalikod na ako at alam kong gano'n din siya para umalis na nang bigla niya akong tawagin kaya naman nilingon ko ulit siya.

"Bakit?" tanong ko agad no'ng hinarap ko ulit siya.

"Gusto ko lang sabihin na. . ." tapos napatigil siya saglit at napakamot sa ulo niya. "Ano pala, uhm. . .  May gagawin ka ba mamaya?" nahihiyang tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung 'di ka busy. . . Chat tayo. Okay lang?"

Napangiti ako na parang ewan. Ang weird kasi niya. Ano namang pag-uusapan namin sa chat?

"Uhm. . . Titingnan ko. Kasi baka makatulog agad ako pagkatapos kong mag-aral."

Ngumiti lang siya, "Sige."

"Pero 'di ako nag p-promise, ha. Kasi baka mabigo lang kita." dagdag ko pa.

"Ayos lang." nakangiting sagot niya. "Pero maghihintay ako mamaya. Hanggang 11:00pm. Tapos kung 'di ka pa online, that means, nakatulog ka na nga at mag lo-log out na lang ako."

Tumango ako nang nakangiti, "Sige. Pero pwede namang matulog ka na lang ng mas maaga. Nakakahiya naman na hanggang 11:00 ka talaga maghihintay."

"Hindi naman. Actually, 11:00 talaga 'yong pinaka-maaga kong tulog." tapos kinindatan niya ako, "Kaya hintayin kita hangga't kaya ko."

"Pero kapag 'di ako um-online, wag mo'kong sisihin, okay?"

Tumango siya sabay sabing, "Oo na. Future girlfriend."

"Tigilan mo'ko sa kaka-asar mo sakin."

Tumawa lang siya knowing na mapipikon na ako, "Di kita inaasar." sabi niya at sumaludo sakin, "Sige na. Bye na. Ingat ka."

Tumango ako sabay sabing, "Ikaw rin." at binigyan siya ng isang abot hanggang tengang ngiti.

"Aral maigi." dagdag pa niya at tumango naman ako.

"Ikaw rin."

Pagkatapos no'n, naglakad na ako patungong bahay at hindi na naalis 'yong ngiti ko sa labi hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate namin. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nakangiti ngayon—parang ang weird ko. Di ko naman siya crush pero bakit gano'n?

Ano ba 'tong nangyayare sakin?

Baliw na ba talaga ako?

O baka naman 'di ko lang alam sa sarili ko na crush ko na pala siya?

Napapikit ako at umiling para bawiin itong sinasabi ko sa isip ko, "No. No. No. This can't be. Magkaibigan lang kami ni Bright. Kaya hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito." sabi ko sa sarili ko at pumasok na sa loob ng bahay.

                               ***

Dalawang araw na hindi ako sumasama sa gala ng mga kaibigan ko pagkatapos ng klase namin. Ni hindi ko na nga sila nakakasabay kumain ng lunch kasi kahapon umuwi ako ng bahay para do'n kumain ng lunch tapos kanina naman 'di ako nag lunch kasi nalaman ko na may quiz na naman sa isang subject pagkatapos mismo ng lunch kaya imbis na mag lunch pa ako e nag-aral na lang ako para sa quiz.

Pero kahit anong gawin ko 'di ko pa rin ma perfect 'yong quiz. May dalawang mali ako pero mataas 'yong nakuha kong score kumapara kay Colleen. This time, lamang ako sa kanya. Sina Rhian at Ashley naman ay pasok din sa highest score.

Tapos kanina no'ng nag activity kami sa Filipino subject e by pair 'yon. Nakipag-pair ako kay Richard kasi alam kong magaling siya sa Filipino subject at siya lagi ang highest kapag may quiz. At alam ko na kapag partner ko siya ay mataas na score 'yong makukuha namin o baka nga ma-perfect pa namin 'yon.

Partner si Callen at Bright tapos si Rhian at Ashley naman. Alam kong nag-tampo sila sakin no'n kasi hindi ako nakipag partner sa kahit isa sa kanila at alam ko na alam nila kung bakit si Richard ang pinili kong i-partner. Ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit hindi si Rhian at Callen 'yong magka-partner. Usually naman lagi silang partner pero ngayon hindi. Hindi ko alam kung nag-away ba sila o ano kasi hindi ko na sila nakakausap at 'di ko na alam kung ano ang nangyayare.

At gaya ng inasahan ko sa activity, kami ni Richard 'yong nakakuha ng highest score samantalang si Colleen at si Jennifer naman ang pangalawa tapos sunod sina Bright at Callen. Natuwa ako kasi highest na naman ako for today.

Pagkatapos ng araw na 'yon, nag ready na ulit ako para sa exam.

Pero ang badnews, 'di na ako pinapansin nina Rhian. At dahil ma pride akong tao, 'di ko rin sila pinansin. Ewan ko ba, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang mawala sila sakin pero 'yong feeling na pinapangunahan ka ng pride mo? Tipong gusto mong kausapin sila pero parang may pumipigil sayo at umaasa ka na sila mismo maunang mag-adjust para kausapin ka.

At ayon, natapos ang buong klase nang hindi kami nagkakausap pati na rin si Callen. Siguro galit na rin siya sakin kasi 'di na ako nakakasabay sa kanila.

Umuwi sina Rhian at Ashley nang hindi nagpa-alam sakin. Kanina nagdadalawang isip pa ako na baka busy lang rin sila kaya 'di nila ako pinapansin pero ngayon confirmed na na galit talaga sila sakin. Si Callen naman nandito pa rin sa classroom pero 'di ako pinapansin. Sinusubukan ko siyang kausapin pero 'di niya ako kinikibo. At nakakapagtaka lang dahil 'di siya sumama kina Rhian. Feeling ko na talaga e nag-away sila.

Nang umuwi si Callen ay kinausap ako ni Bright ng masinsinan. At gaya nga ng inisip ko, tungkol 'yon sa kung bakit 'di ko na kinakausap mga kaibigan ko.

E, kasi naman ma-pride akong tao. Gusto ko sila ang maunang kumausap sakin. Gusto ko rin namang magkausap kami at magkaintindihan pero may pumipigil talaga sakin na gawin 'yon.

"Ibang iba ka na. Di ka naman ganyan. Dati naman sumasabay ka sa kanila pero ngayon ni kausapin o kamustahin sila hindi mo nagawa." biglang bungad sakin ni Bright. "Kaya sila nagtatampo kasi wala ka ng oras sa kanila."

"Alam ko, Bright." sagot ko. "Pero sana maintindihan niyo rin ako. Gusto kong mag-aral ng maigi. Gusto ko ng maraming time sa pag-aaral."

Tumango siya sa sinabi ko, "Alam namin 'yon. Naiintindihan ka namin. Pero hindi naman siguro masama kung kausapin mo sila. Kahit 5 minutes okay na 'yon. Hinihintay ka nilang lapitan at kausapin mo sila kanina pero 'di mo ginawa."

Natahimik ako nang ma-realize ko na parehas lang pala naming hinihintay ang mga isa't isa para magkausap.

"Wala namang masama kung mag focus ka sa pag-aaral. Pero papaalala ko lang sayo na hindi ito kumpetisyon. Nandito tayo para matuto at hindi makipag-compete."

Natahimik ako bigla.

Gusto kong intindihin 'yong mga sinasabi niya. Pero naiinis ako kasi pakiramdam ko mali na naman ako.

Pakiramdam ko kasalanan ko na naman. Lagi na lang akong mali.

Nag-aaral lang naman ako kasi gusto kong talunin si Colleen sa klase. Gusto ko lang namang malamangan siya. Kasi ang sakit ng ginawa nila sakin, e. Inagaw niya sakin si Gab, kaya aagawin ko rin ang number 1 spot sa rankings. Kasi kapag nangyare 'yon, nagbabakasakali akong baka mapansin ulit ako ni Gab. Baka kapag nalaman niyang mas matalino ako kay Colleen, baka maisip niyang balikan ako. 'Yon lang naman 'yon.

"Deyn, naiintindihan mo ba ang point ko?" pag-uulit niya.

"Naiintindihan ko. Pero mas naiintindihan ko ang sarili ko." tatalikod na sana ako kasi nawalan na ako ng ganang kausap siya pero nagsalita pa siya kaya hinarap ko ulit siya.

"Dahil ba kay Colleen?" aniya dahilan para samaan ko siya ng tingin, "Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo. Ikaw lang 'tong nag-iisip ng mga bagay-bagay na ikinagagalit mo sa kanya."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Sabi ko na, e. Mas pumapanig siya sa side ni Colleen at ako na lang lagi ang mali. At naiinis ako dahil do'n.

"Alam mo, Bright, kung feeling mo mali itong ginagawa ko, pwes! From now on. . . wag mo na akong kausapin pa." galit kong sabi.

Nakita kong hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na nalungkot siya sa sinabi ko.

Alam kong medyo naging masama na ako sa harap niya. Alam kong sobra na. Pero naiinis ako, e. Naiinis akong malaman na mas pinipili nila si Colleen. 'Yong feeling na ako pa 'yong nagiging masama sa mga mata nila at si Colleen lagi ang inosente.

"Wag mo na akong kausapin, tawagan o i-chat." dagdag ko pa. "At kung pwede sana, layuan mo na ako. Kalimutan na lang na'ting magkakilala tayo."

Tinalikuran ko siya at umalis ako ng classroom at deretchong umuwi ng bahay at binuhos ang oras sa pag-aaral. Ang akala ko no'n e makapag focus ako sa pag-aaral. Pero hindi, e. Kasi sa bawat segundo, laging pumapasok sa isip ko si Bright at 'yong mga sinabi ko sa kanya kanina.

Gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko alam kung papano at kung anong gagawin. I cha-chat ko sana siya pero 'di naman siya online.

Sinara ko ang librong binabasa ko at humiga ako sa kama ko habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin.

Gusto ko siyang i-chat at sabihing sorry sa mga nasabi ko kanina pero binura ko 'yon at 'di ko na sinend kasi naisip ko na baka i-seen lang niya 'yong chat ko at 'di niya ako reply-an.

Gusto ko rin siyang tawagan kaso wala akong cellphone number niya at kung matatawagan ko man siya, sa messenger lang 'yon. Kaso lang, 'di nga siya online. So ano nang gagawin ko?

Nakita kong online si Callen that time, chinat ko siya pero walang kwenta ang reply niya. Ang akala ko nga 'di na ako re-reply-an ng isang 'yon kasi 'di ako kinikibo kanina. Alam niyang nag-away kami ni Bright kasi sinabi ni Bright sa kanya tapos ang sabi pa niya e kasalanan ko raw 'yon kasi nawalan ako ng oras sa kanila at lalong lalo na kay Bright na ang akala niya ay totoong manliligaw ko.

Callen De Vera

  active now•

Wag kang mag-alala, kung talagang mahal ka niya, mapapatawad ka ka-agad no'n.

O baka nga siya pa mismo mag-adjust

para suyuin ka.

Pero totoo, natatampo sa'yo sina Rhian. At kung sila nga na

kaibigan lang nagtatampo na, si Bright pa kaya.

Matapos kong basahin 'yong reply ni Callen, nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-chat si Bright.

At saktong online na siya no'n.

Habang nagt-type ako ng sasabihin sa kanya para mag-sorry e kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan.

Ewan ko nga kung bakit ako kinakabahan at talagang pati nga mga daliri ko e nanginginig habang nag t-type. At no'ng ma-type ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya ay nagdalawang isip pa akong i-send 'yon hanggang sa binura ko ulit at kumalma saglit. That time, nag-isip ulit ako ng pwedeng gawin. Kung uulitin ko ba 'yong tinype ko at i-send na talaga sa kanya o wag na lang?

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko saglit hanggang sa maisip kong i-chat na talaga siya. And this time, ise-send ko na talaga.

Pero bago pa man ako mag type ulit. . .

Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang messenger ko.

At mas lalong nagulat at hindi makapaniwala sa nakita ko,

                  Bright Navales

     is Calling you on Messenger. . .