CHAPTER 10 HEART EMOJI

Bago ko pa man sagutin 'yong tawag niya ay pinatay agad niya.

Di ko alam kung bakit ang bilis. Ni wala pa ngang limang segundo no'ng tumawag siya tapos pinatay agad niya kaya 'di ko agad nasagot.

Ano 'to? Nagbago isip niya't naisip niyang wag na lang akong tawagan?

Nakatitig lang ako sa phone ko habang hinihintay na uulitin niya 'yong tawag niya pero 'di na niya ginawa. Pero nagliwanag ang mukha ko nang makitang typing siya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay at hinuhulaan kung ano ang tina-type niya ngayon.

At 'yon na nga,

Bright Navales

  active now•

Sorry, napindot ng pamangkin ko.

Nasa kanya kasi phone ko.

Na badtrip ako kasi akala ko totoo na 'yon. Akala ko sinadya niya talagang tawagan ako para makausap pero hindi pala. Napindot lang pala ng pamangkin niya.

Pero okay na rin siguro 'yon 'no? At least ngayon nag-chat siya sakin. Ibig sabihin, chance ko na 'to para mag-sorry sa kanya.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga.

Okay, okay. Kalma lang self. Kaya mo 'yan. Mag-sorry ka sa kanya. Mabait naman siya, e. Kilala mo siya. Alam mong iba siya sa lahat ng mga nakilala mo kaya keri 'yan—wait, anong iba siya sa lahat ng mga nakilala ko? Bakit ko ba nasabi sa isip ko 'to? Like, para namang iba 'yong meaning. Sounds like parang may gusto ako sa kanya kahit wala naman.

Anak ng!

Nasisiraan na talaga ako ng bait. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko sa isip ko? Sira ulo na yata talaga ako. Hays.

Danielle Legaspi

    active now•

Hindi. Ayos lang.

Hehe.

Nga pala, galit ka ba sakin?

Kaka-send ko pa lang no'n nang makitang typing agad siya. Napangiti ako knowing na inaabangan niya 'yong reply ko.

Bright Navales

  active now•

Hindi ako galit.

Alam ko namang nasabi mo lang 'yon

kasi nadala ka lang sa galit kanina.

At naiintindihan kita.

Pagkabasa ko ng reply niya, napatanong ako sa sarili ko kung bakit nga ba ang bait niya? Bakit ang bilis niyang magpatawad? Tipong kahit na sinigawan ko siya kanina at inaway pero hindi niya dinibdib 'yon at sa halip ay 'di niya nagagawang magalit sakin pabalik.

Nakukunsensya tuloy ako.

Danielle Legaspi

    active now•

Uy, sorry ha.

'Yong nasabi ko kanina, wag mo nang isipin 'yon.

Sorry talaga.

Bright Navales

  active now•

Wag kang mag-sorry sakin. Okay lang

naman ako.

Kung meron ka mang dapat hingi-an ng tawad, do'n sa mga kaibigan mo.

Sila lang naman kasi 'yong affected. Alam kong gusto niyo nang makausap ang isa't isa kaya kausapin mo sila

bukas ng personal.

Tama siya, kailangan ko pang kausapin ang mga kaibigan ko kasi alam kong nagtatampo sila sakin ngayon. Lulunukin ko na lang itong pride ko para makausap sila. Miss ko na rin kasi sila.

Danielle Legaspi

    active now•                                                    

Nag-alala ako kanina baka kasi nagtatampo kana.

I cha-chat sana kita pero nagulat ako

nang makitang tumawag ka bigla.

Akala ko sinadya mo talagang tawagan ako pero hindi pala.

Pero okay lang 'yon.

At least okay na tayo.

At ngayong okay na tayo, gusto kong

mag thank you sayo.

Bright Navales

  active now•

Thank you speech pala 'to.

Akala ko kasi mag co-confess ka ng

feelings mo sakin.

Imbis na ma-asar ako sa sinabi niya e kasalungat do'n 'yong naging reaksyon ko. Nakangiti ako habang binabasa 'yon.

Danielle Legaspi

    active now•

Sira ka talaga!

Bright Navales

  active now•

Biro lang. Pero okay na tayo, ha.

Pwede pa rin kitang I-chat at kausapin, diba?

Danielle Legaspi

    active now•

Yes naman.

Di ko nga alam kung bakit ko na sabi 'yon kanina.

Isa pa, kailangan kita.

Bright Navales

   active now•

Kailangan mo'ko?

Bakit?

Paki-explain please.

Ayokong ma-misunderstood 'to.

Danielle Legaspi

     active now•

Sira!! HAHA

Kailangan kita kasi may deal pa tayo,

fake manliligaw.

Hinintay ko saglit 'yong reply niya. Alam kong typing siya no'n pero ang tagal bago niya i-send. Di ko alam kung anong tina-type niya kasi ang tagal.

Hanggang sa mag reply siya. . .

Bright Navales

   active now•

Okay.

My goodness gracious! Sa haba haba ng tinype niya, 'okay' lang 'yong naging reply niya?—my gosh! Akala ko may babasahin akong mala short novel pero one word lang pala.

Pero ano naman kung 'okay' lang 'yong naging reply niya? Ano naman diba? Ano ba ine-expect kong sasabihin niya sakin? May ine-expect ba akong sabihin niya kaya ako nagkakaganito?

Hmm. . . Kaya lang siguro ako parang na bitin sa sinabi niya kasi nakita kong ang tagal niya mag-reply kahit na nakita kong halos mga tatlong minuto siyang typing at nag-expect ako na mahaba 'yong sasabihin niya—'yon lang 'yon. . . I guess?

At dahil 'okay' 'yong reply niya't 'di ko na alam kung ano ire-reply ko sa okay na 'yan, nag-reply rin ako ng okay.

Danielle Legaspi

  active now•

Okay.

Ibang klase rin ako, pwede namang i-seen ko na lang siya pero nag-reply pa ako. Baka isipin niya na nag re-reply pa ako kasi ayoko pang matapos ang conversation namin dito sa messenger.

Bright Navales

  active now•

Gusto mo pa akong kausap, ano?

Napatayo ako at pabalik balik na naglalakad sa kuwarto ko. Halos gusto kong i-bato itong cellphone ko kasi tama ako ng iniisip. Talagang alam na alam niya lahat, e.

Bumalik ako sa pag-upo sa kama ko at sumandal sa pader tsaka huminga ng malalim bago ako muling napatitig sa phone ko para replyan siya.

Danielle Legaspi

    active now•

Luh? Assuming lang?

Bright Navales

  active now•

Wee?

Nag a-assume lang

ba ako?

O baka totoo?

Ayaw mo lang sabihin.

Danielle Legaspi

  active now•

Hay naku.

Bahala ka d'yan.

Itulog mo na lang 'yan kasi may pasok

pa tayo bukas.

Bright Navales

  active now•

Oo na. Matulog ka na rin.

Wag puro shared post.

Lalo kang napagkakamalang sadgirl niyan, e.

Hehe.

Goodnight, Deyn!!

Danielle Legaspi

    active now•

Goodnight, Liwanag♡

Nakangiti pa ako nang i-send ko 'yon nang bigla kong mapansin 'yong heart emoji.

Oopss!! Ba't may nasamang heart??

Gusto ko lang naman siyang asarin pero—ba't may heart?!! Argg!!

I re-removed ko pa sana 'yon pero too late na kasi na seen na niya.

At ewan ko na lang sa kahihiyang ginawa ko kung papano ko malulusutan 'to at kung malulusutan ko nga ba itong kahihiyang 'to?

E, kung bakit ba kasi nasa recent emoji ko 'yong heart na 'yon, e kung pwede naman 'yong angry o 'di kaya araw para sakto sa 'liwanag' na word o kahit anong emoji basta wag lang 'yon. Pero 'yong pa heart?—ewan ko na lang.

Nagpanic ako nang makitang typing siya. Gusto kong mag-log out na lang pero mas interesado akong mabasa 'yong reply niya kaya hinintay ko talaga 'yon at para na rin makapag explain ako sa kanya.

Bright Navales

  active now•

♡ ??

Bakit may ganitong emoji?

Danielle Legaspi

   active now•

Uy walang malisya.

Napindot ko lang 'yan.

Tsaka ko na lang nakitang nasama

'yan nang ma-send ko na.

Gusto lang kitang asarin kaya wag

sanang lumaki ulo na'tin.

Bright Navales

  active now•

Hindi ako na asar.

Mas kinilig pa nga ako.

Nawala tuloy antok ko.

Screenshot ko 'to, para may proof na

patay na patay ka sakin.

Danielle Legaspi

    active now•

HOY!! WAAGG!!

Napindot lang 'yan.

Wag kang ano.

Burahin mo 'yong screenshot kundi

lagot ka sakin.

Pero bago pa man niya ma-seen 'yong message ko, nakita kong pinost niya 'yon. Tapos may nakalagay na caption na "Sarap sa eyes" yuck! Anong trip na naman 'to? Ang nakakainis lang, inamag 'yon sa comment section. At siyempre, dahil interesado akong makita 'yong mga comment, binasa ko mga 'yon.

Ian Villaflor

Sana all may ka bebetime si Liwanag♡

Whahaha.

Shawn Sandoval

Wow naman. May pa heart. Ipa-billboard na 'yan!!

Callen De Vera

@Danielle Legaspi Ganito kana ba manuyo ngayon? May pa puso?

Rhian Mendoza

Hala! Kayo na? @Danielle Legaspi Di lang tayo nagkausap 'di mo na kami binabalitaan sa lovelife mo. Tampo ulit ako. Chariz. Haha.

Ashley Verano

Whaa!! Mas bet ko tandem niyo. BrightDeyn♡

May mga iba pang nag co-comment bukod sa mga kaibigan namin. Pero halos lahat do'n e mga ka fb friends ni Bright.

Nanginginig naman ang mga daliri ko habang nag t-type ng sasabihin kay Bright na burahin niya 'yon.

Danielle Legaspi

   active now•

Hoy!!

Ba't mo 'yon pinost?

Kainis ka. Sobra!!

Lagot ka talaga sakin bukas!

Bright Navales

  active now•

Gusto ko lang i-flex 'yon.

May masama ba?

Wag ka nang magalit.

Sorry na. Baby.

Wait—what?! Baby? Yuck! Kadiri. Hindi magandang pakinggan. Kinikilabutan ako.

Danielle Legaspi

   active now•

Hoy anong baby?

Baby mo mukha mo!

Kinikilabutan ako sa'yo.

Pagkatapos kong i-send 'yon, 'di na niya sineen 'yong message ko. Ewan ko ba. Ako lagi last chat samin. Nakakainis na talaga kasi lagi na lang ako. Next time babawi ako.

                               ***

Kinabukasan, ako mismo ang lumapit kina Rhian at Ashley para humingi ng tawad. Nilunok ko na 'yong pride ko kasi alam ko na wala akong mapapala ro'n.

"Uy, sorry ha. Nawalan ako ng time sa inyo." sabi ko sa kanila habang inaabutan sila ng tig-iisang chuckie drink. "Gusto ko lang talagang makakuha ng mataas na grades this quarter."

Napabuntong hininga si Rhian at ngumiti naman sakin si Ashley.

"Naiintindihan ka namin." sagot ni Rhian. "Pero alam mo, nag-aalala rin kami sayo kasi parang ini-istress mo na sarili mo sa kaka-aral. Hindi naman sa dini-discourage ka naming wag mag-aral. Ang samin lang, okay lang naman kung magpaka-chill ka kahit saglit." pagpapaliwanag niya.

Bigla akong na touch sa sinabi ni Rhian. Di ko alam na nag-aalala lang pala sila sakin kasi masyado kong ini-istress sarili ko. Na guilty tuloy ako.

"Alam mo kasi Deyn," tinapik ako ni Ashley sa balikat, "Maganda naman 'yang ginagawa mo. Actually, magandang influence ka. Lalo na samin. Pero sana tandaan mo lagi na hindi mo kailangan makipag-compete kay Colleen lagi. Kasi kahit na hindi mo gawin, lagi ka namang lamang sa kanya. Alam mo 'yan."

Napangiti ako, "Naiintindihan ko." tapos kinuha nila sakin 'yong Chuckie drink na binigay ko at ininom 'yon tsaka ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi na rin sakin 'yan." sagot ko na ipinagtaka naman nila.

"Nino?" sabay nilang sabi.

"Ni Bright." sagot ko naman dahilan para kiligin silang dalawa at nagsimulang tuksuhin ako.

"Ayon naman pala." sabat ni Rhian.  "And speaking of Bright, ano 'yong pinost niya kagabi, ha?" tanong niya na halatang tinutukso ako.

Napakamot naman ako sa ulo ko habang nag-iisip ng sasabihin ko sa kanila.

"Ano lang 'yon. . . aksidenteng napindot 'yong heart emoji." pagpapaliwanag ko.

"Wow. Aksidente lang ba? Pero may pa goodnight, e, ano?" panunukso naman ni Ashley.

Wow naman. Pati pagsabi ng goodnight e may malisya na ba ngayon?

Pero sabagay, wala naman kasi silang alam. Ang buong akala nila maliligaw ko talaga si Bright kaya sila kinikilig sa maliit na bagay lang. Hindi nila alam na kaibigan ko lang ang isang 'yon at wala nang mas hihigit pa ro'n.

At dahil 'di nila alam ang katotohanan tungkol sa deal namin ni Bright, mas mabuti sigurong magpanggap na lang ako na parang kinikilig.

"Oo na. Aaminin ko na. Kinilig din naman ako no'ng sinabi ko 'yon sa kanya." sabi ko nang nakangiti para talagang kapani-paniwala 'yong sinabi ko.

"Pero basta ha, wag mo na ulit kaming deadmahin." dagdag pa ni Rhian. "Hindi kaya nakakatuwa."

"Oo na." tapos niyakap ko silang dalawa. Ang kinalabasan no'n e nag group hug kaming tatlo.

Pagkatapos, biglang pumasok sa classroom sina Callen at Bright. Nagkatinginan kami nina Callen at Bright tapos si Bright e nginitian ako, si Callen naman tinaasan ako ng kilay pero napansin kong 'di nagkikibuan si Rhian at Callen. Usually kasi kapag dumating si Callen kay Rhian agad siya lumalapit pero ngayon e kasama lang niya si Bright. Hmm, feeling ko talaga nag-away sila.

"May problema ba kayo ni Callen?" bulong ko kay Rhian.

Tapos hinila ako palabas ni Ashley kasi siya na raw mag ku-kuwento sakin tungkol sa problemang nangyare na hindi man lang ako updated na nag-away nga sila no'ng nakaraan pa. Ang alam ni Ashley nag-away sila. Pero 'di sinabi ni Rhian kung anong problema ang naging dahilan ng away nila. Basta, hindi sila nagkikibuan ngayon.

"Hala, papano na 'yan? Kung 'di nila pag-uusapan, papano nila maayos?" tanong ko pa kay Ashley.

"Kaya nga, e. Kino-convince ko si Rhian na kausapin si Callen, pero itong si Rhian ma pride. Gusto niyang si Callen mag adjust. Tapos itong si Callen e gano'n din. Kumbaga, pareho lang nilang hinihintay ang isa't isa kung sino mag a-adjust para makausap ang isa't isa."

Napabuntong hininga ako.

Parang ako lang din. Ma pride din akong tao pero nagawa ko rin namang lunukin ang pride ko para magkabati kaming tatlo. Kung magpapatuloy silang ganito, walang magbabago. Hindi sila magkakaayos. Dapat may isang mag adjust kahit papano. Obvious naman kasing pareho na nilang gustong makausap ang isa't isa, pride lang talaga ang pumipigil sa kanila.

Pero gaya ng sinabi ni Ashley, hayaan na lang muna namin sila. Hayaan munang lumipas ang araw para makapag isip-isip sila hanggang sa ma-realized nila o ma mi-miss nila ang isa't isa at sila na mismo ang gumawa ng paraan para magkausap sila.

No'ng mag-start ang klase, may groupings na naman. By pair lang ulit 'yon at this time, hindi na ako nakipag pair sa iba kundi—nilingon ko si Rhian at Ashley at nag ngitian kaming tatlo.

"Uy, sino gusto makipag partner sakin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Teka, by pair lang ba talaga?" tanong naman ni Ashley.

"'Yon daw sabi ni Ma'am." sagot naman ni Rhian.

Tapos biglang nag raise ng kamay si Ashley at nagtanong sa teacher namin, "Ma'am, pwedeng tatlo?"

Tapos napasagot 'yong teacher namin sa tanong ni Ashley ng, "By pair lang dapat. Di pwedeng tatlo kasi baka walang ambag 'yong isa."

"Hala! Si Ma'am talaga." pagrereklamo ng isa naming ka-klase at nagtawanan namin kami.

So ayon, wala kaming choice kundi ang kailangan mamili ng isang partner 'yong isa samin.

"Kay Callen ka na lang kaya Rhian." suggest ni Ashley. "Para magkabati na kayo."

"May point si Ashley." pagsang-ayon ko naman.

"Luh, pinagkakaisahan niyo 'ko." sagot naman ni Rhian habang uma-arteng parang naiiyak.

"Uy, hindi ah." natatawa kong sabi. "Naisip lang namin na baka paraan 'to para magkabati kayo. Alam mo 'yon?"

"Pero ayoko talaga. Wag ngayon. Di ko pa alam kung papano siya kausapin." pagmamakaawa ni Rhian samin ni Ashley.

At dahil silang dalawa ang mas mag bestfriend kasi elementary pa lang sila ay magkaibigan na sila, ako ang nagparaya saming tatlo.

"Sige na. Ako na magpaparaya." sagot ko at biglang nag 'yes' si Rhian sa tuwa at niyakap ako.

"Thank you so much, Deyniee!" sabi niya at mas lalong hinigpitan 'yong pagyakap sakin. "Savior talaga kita." dagdag pa niya bago ako bitawan.

"Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" tanong ko pa pero sabi niya 'di pa siya handang mag-kuwento samin. Kaya hinayaan ko na lang.

Kaya ayon, ako partner ni Callen kasi wala akong partner at isa pa, may partner na silang lahat. Tapos si Colleen e biglang tumayo at sinundan ko naman siya ng tingin kung saan siya pupunta at nagulat ako nang makitang tumabi siya sa upuan ni Bright.

As in kay Bright mismo.

Narinig kong tinanong niya si Bright kung may partner na siya, pero napatingin muna samin ni Callen si Bright bago siya muling tumingin kay Colleen at umiling.

No'ng time na 'yon, magkapartner sila ni Colleen. Pero 'di naman ako nagseselos kasi I don't like him naman, kaya okay lang. Pero itong mga friends ko, nag-alala bigla sakin.

"Uy, bakit mo hinayaan si Bright na mapunta kay Colleen?" bulong sakin ni Rhian.

"Oo nga. Bakit mo siya hinayaan? Akala ko ba gusto mo siya?" tanong naman ni Ashley habang naghahanap ng one half sa bag niya.

Nag-isip ako ng sagot para malusutan itong mga tanong nila.

"Hindi pa naman kami. Tsaka may tiwala ako sa kanya. Alam kong ako lang ang gusto niya." sagot ko sa kanila. "Kaya okay lang kahit iba ang partner niya."

At pagkatapos no'n, tinukso na naman nila ako.

Pagkatapos ng klase, naunang umalis si Ashley kasi may lakad sila ng family niya tapos si Rhian naman naunang nagpa-alam sakin at si Callen umuwing mag-isa kaya kaming dalawa ang naiwan ni Bright. That time, nagkatinginan na lang kami sa 'di malamang gagawin. Actually, sa isip ko talaga no'n e umuwi na para mag-aral, pero tinanong ko muna siya kung may gagawin pa siya o wala na.

"May gagawin ka pa ba o uuwi na rin kagaya nila?"

Umupo si Bright sa armchair na nasa tabi ko na para bang sinasabing hindi pa siya uuwi, "Nandito ka pa, e. Kaya 'di muna ako uuwi." sagot niya.

"Uy, wala na naman sina Callen dito, e. Di mo na kailangan magpanggap na manliligaw ko."

"Kahit na sinasabi natin sa kanila na manliligaw mo'ko, 'di naman tayo sweet. Di naman ako sweet sayo kagaya ng ibang manliligaw."

Natawa ako ng kunti dahil sa sinabi niya, "Wow naman. Hindi mo naman kailangan mag-effort ng tudo. Hindi naman totoo 'to, laro lang. Kaya 'di mo kailangan mag-sayang ng pera o kahit ano para lang dito." kinuha ko 'yong notebook ko saglit at sinagutan 'yong assignment na meron kami since mukhang sinipag akong sagutan na lang 'yon ngayon mismo.

"E, si Gab?" tanong pa niya.

Nilingon ko naman siya matapos niyang banggitin ang pangalan ni Gab.

"No'ng nanligaw ba siya sayo, sweet ba siya?"

Ops. Bigla akong sumimangot nang marinig ko ang tanong niyang 'yon. Bigla ko na naman kasing naalala 'yong dati. 'Yong mga panahong umamin sakin si Gab na may crush siya sakin. Tapos sobrang tuwa ko kasi crush ko rin siya no'n at 'di lang ako umaamin kasi hinihintay ko siyang maunang umamin tapos ayon, sinagot ko siya agad no'ng tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend. Gano'n lang kadali 'yon. Walang ligawang nangyare. Kaya siguro ang bilis din matapos 'yong relasyon namin.

"Hindi siya nanligaw kagaya nito." sagot ko nang nakatingin lang sa blackboard. "No'ng umamin kasi siya sakin, tapos tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend e sinagot ko agad siya." natawa ako bigla, pero 'yong tawang may halong lungkot. "Gano'n ka bilis. Kaya siguro gano'n din ka bilis matapos ang lahat."

"Um-oo ka agad?" halatang gulat niyang tanong sakin. "Hindi mo man lang ba muna siya kinilala?"

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago siya nilingon, "Alam mo kasi, crush ko rin siya no'n." kuwento ko. "Kaya no'ng umamin siya, tuwang-tuwa ako kasi alam mo 'yon, parehas kami ng nararamdaman. Tsaka na excite siguro ako no'n kaya sinagot ko siya agad."

"First boyfriend mo ba siya?"

Tumango ako, "Oo." sagot ko at napayuko. Natahimik ako saglit hanggang sa magsalita ulit, "first time kong magka-boyfriend at first time ko ring ma-broken hearted. Lahat ng experience ko sa love, 'yong ma-inlove ng tudo at masaktan ng tudo, lahat 'yon naging dulot sakin ni Gab. Kaya nga nahihirapan akong maka-move on. Kasi ito pa lang ang unang pag mo-move on na tatahakin ko sa buong buhay ko."

Tapos nilingon ko siya,

"E, ikaw?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay na parang nagtatanong.

"Anong ako?"

"Nagka-girlfriend kana ba?" seryosong tanong ko.

Umiling siya, "Hindi pa." sagot niya at umiwas ng tingin, "Hanggang crush lang ako."

Napangiti ako bigla. Nakakabilib lang kasi halos lahat ng nasa batch namin e naranasan nang magkaroon ng lovelife tapos siya? Hanggang crush lang muna.

Ang cute.

"Sige, ganito na lang, itatanong ko na lang kung ilan ang naging crush mo. Okay lang ba?" tanong ko na may kasamang panunukso.

No'ng una, napakagat labi siya na parang nahihiyang sabihin kung ilan ang mga naging crush niya. Pero sinagot din naman agad niya.

"Isa."

Wee??

Ang exag ng isa. Para namang ang loyal niya sa crush niya.

"Isa? Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko habang sinusuri ang mukha niya kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi.

Tumango naman siya at tsaka seryosong sumagot, "Oo." tapos lumunok muna siya ng laway bago nagsalita ulit, "Crush ko siya no'ng grade 1."

Hala siya!

"Ang loyal. Hanggang ngayon ba?"

"Oo naman."

"Uy, 'yong totoo?"

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Kasi grade 1 pa 'yon. Tapos bata ka pa. Tapos siya lang 'yong naging crush mo hanggang sa makatungtung ka ng highschool."

Natawa siya pero labas sa ilong sabay sabing, "Totoo naman kasi talaga."

Ayoko pa sanang maniwala, pero parang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Okay, fine. Naniniwala na ako. Pero ano mo ba siya? Childhood friend gano'n? O ka-klase noon hanggang ngayon kaya hindi mo siya malimot-limutan?"

"Classmate ko siya no'ng grade 1. Pero one week lang ako sa school na 'yon. Kasi nag-transfer ako sa ibang school kaya 'di ko na siya nakita." sagot niya at ngumiti bigla bago nagpatuloy, "At 'yong childhood friend? Hindi ako sure do'n. Kasi never pa naman kaming naglaro ever since. Pero nakikita ko naman siya kasama mga friends niya noon habang naglalaro. At 'yong ngayon, hindi ko sasabihin."

"Uy, ang daya mo! Nagku-kuwento nga ako sayo, e. Tapos ikaw may pa sekret." kunware nagtatampo kong sabi.

"Sorry na. Pero tsaka ko sasabihin kapag natapos mo nang sagutan 'yong assignment mo."

Do'n ko lang napagtanto na may assignment pala akong sinasagutan sa advance bio namin.

"Ay oo nga pala." sabi ko at napatingin sa relo ko. Hapon na no'n at malapit nang lumubog ang araw. Ang weird ngayon kasi ang bilis gumabi. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko naman sa kanya habang sinasagutan 'yong assignment ko kasi 'di pa siya tumatayo sa inu-upuan niya.

Kaming dalawa na lang ang tao sa classroom no'n tapos ang tahimik na rin ng buong school na parang kaming dalawa na lang ang nando'n.

"Hindi pa." sagot niya at kinuha 'yong notebook sa bag niya para sagutan 'yong assignment niya sa advance bio gaya ko.

That time, habang nagsusulat ako e biglang naubusan ng ink itong sign pen kong ballpen at wala na akong natitirang ballpen kasi nag-iisa na lang 'to kaya naisipan kong humiram sa kanya ng ballpen at binigay naman niya sakin 'yong pencil case niya kung saan naglalaman ng sandamakmak na ballpen at lapis.

"Wow! Rich kid." sabi ko nang makitang ang dami niyang extrang ballpen.

"Collection ko 'yan. 'Yong iba no'ng elementary pa ako." sagot naman niya habang busy sa pagsagot ng assignment niya.

"Di ko alam na may taong kagaya mo." kumento ko habang naghahanap ng ballpen na mas magandang gamitin.

Habang naghahanap ako, bigla akong may nakitang lapis na kulay pink na Barbie 'yong design. Kinuha ko 'yon kasi parang pamilyar.

"Uy, ano 'to?" tanong ko nang makita 'yong lapis na 'yon. May papel na nakapalibot sa lapis na parang nilagyan ng pangalan bilang tanda pero bago ko pa man basahin 'yong pangalan e bigla niyang inagaw 'yon sakin.

"Uy, wag 'yan." gulat niyang sabi tsaka inagaw 'yon sakin.

Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya kaya napatanong ako kung anong problema.

"May problema ba? Bakit ka ganyan? Kanino ba 'yan?"

"Sa. . . Sa kaibigan ko." sagot niya at tinuro 'yong mga ballpen's gamit ang labi niya. "Pili ka na d'yan. Para matapos ka na sa assignments."

Since pagabi na, 'di na ako nagtanong pa at pumili na ako ng ballpen tsaka ako nagpatuloy sa pagsagot sa assignment ko hanggang sa magsalita ako habang nagsusulat.

"Ang cute ng lapis." sabi ko at napatingin naman siya sakin agad. Di ako nakatingin sa kanya no'n pero nakita ko sa peripheral view ko. "Pamilyar. Feeling ko meron ako niyan noon no'ng elementary. Di ko lang matandaan kung kailan 'yon o anong grade ako. Kasi limot ko na."

"Gano'n ba." sagot niya at nagpatuloy sa pag sagot ng assignment niya. "Lahat naman siguro ng mga bata noon e merong ganitong lapis. O kahit nga ngayon. Ang common kaya nito." tapos napatingin siya sa notebook ko, "Mali ka naman, e." sabi niya at tinuro kung saan ako nagkamali. "'Yong sagot mo sa number 5 dapat sa number 4 'yan. Baliktad."

Napatingin ako sa sagot ko at inalala maigi kung ano nga ba ang tamang sagot dito. Pero hindi ako sure kung tama 'yong sinabi niya sakin at mas malakas ang kutob ko na tama itong sagot ko.

"Feeling ko tama naman ako." sabi ko at napatingin sa notebook niya na ang sagot e kabaliktaran ng sagot ko sa number 4 at 5. "Ikaw siguro 'yong mali."

"Hindi. Mali ka talaga." depensa niya. "Pag 'yan sagot mo, asahan mong mali ka."

"Bahala ka." sabi ko at sinara 'yong notebook ko since tapos na ako sa assignment pero pinigilan niya akong isara 'yong notebook ko pero too late kasi na sara ko na at ang nahawakan niya ay imbis na 'yong notebook ko, walang iba kundi ang kamay ko.

Nagulat ako kasi sumakto mismong nahawakan niya ang kamay ko no'n.

Nagkatinginan pa kami bago namin inalis 'yong kamay namin pareho at agad akong umiwas ng tingin.

Ang awkward no'n, sobra. Kasi ang tahimik ng paligid tapos kaming dalawa lang dito tapos biglang gano'n? Hindi ko alam kung papano basagin ang katahimikan ngayon. Kung tatawa ba ako para mawala 'yong ilangan moments o kung hihintayin siyang siya mismo ang bumasag ng katahimikan?

Nagbilang ako sa isip ko ng limang segundo habang hinihintay siyang magsalita. Kasi once na five seconds na tapos 'di pa rin siya nagsalita e ako na mismo magbabasag ng katahimikan.

1

2

Tahimik pa rin.

3

Gano'n pa rin.

4

Arg! One second na lang.

5

"Trust me. . ." biglang sabi niya.

Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag.

Pero anong trust me?

". . . Sundin mo lang ako. Ma pe-perfect mo 'yong assignment." dagdag pa niya. "Kahit ngayon lang."

"Kung magtitiwala ako sa sagot mo, pero mali naman, anong mapapala ko?"

"Kapag mali itong sagot na sinasabi ko sayo—totoong liligawan kita. Walang halong laro, walang halong biro."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko no'ng sinabi niya 'yon. Masyado siyang seryoso at—kinabahan ako for real.

Pero bakit sa dinami-rami ng pwede niyang sabihin, 'yon pa?

Pinakaba niya tuloy ako.

"Uy, wag naman ganyan. Di nakakatuwa."

"Kaya nga sinasabi ko sayo na nagsasabi ako ng totoo. Maniwala ka lang kasi sakin." hinawakan niya ako sa balikat ko at seryosong tinitigan sa mga mata.

Gusto kong umiwas ng tingin kasi napaka seryoso ng nga titig niya sakin pero—'di ko magawa.

"Di mo kailangan i-pressure ang sarili mo sa pag-aaral. Lalo na't exam na. Ang exam ay para lang naman 'yon ma-test kung anong naintindihan mo sa klase. Gano'n lang 'yon. Kung ano lang 'yong score mo, okay na 'yon. Ang importante, alam mong ginawa mo ang best mo para sagutan ng maigi ang exam."

Bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita, "You don't need to compete with everyone. Just focus with your own and trust yourself that you can do your studies well. Because in the end, you only have you."

Ngumiti siya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi mo naman kailangang i-pressure sarili mo ng sobra. Kailangan mo ring i-enjoy ang highschool life mo."

Naglabas ako ng isang maliit na ngiti habang nakatitig sa mga mata niya.

"Simula ngayon, hindi lang kita tutulungang makalimutan ang ex mo, sasabayan na rin kitang mag-aral. I won't let you fight alone. Let's fight together. Sasamahan kita sa lahat ng bagay at sa kahit ano pang pagsubok ang haharapin mo."

At 'di ko alam kung anong mararamdaman ko no'ng sinabi niyang,

"Gagawin ko 'yan, bilang isang manliligaw mo. Pangako 'yan."

Natameme ako sa sinabi niya.

Manliligaw ko?

Did he. . . take it seriously?