CHAPTER 5 MISUNDERSTANDING

Kinaumagahan, alas siyete ng umaga na ako nagising. Medyo masama pakiramdam ko ngayon at nawalan ako ng ganang pumasok ngayong araw.

Bumangon ako at chineck kung may message ako galing kay Gab, pero nakalimutan kong break na pala kami at malamang 'di na ako ko-kontakin no'n. Nilapag ko ang cellphone ko at humiga ulit sa kama nang bigla kong maisipang i-stalk 'yong fb account niya.

Pero nagsisi ako dahil ginawa ko pa 'yon kung ito lang rin naman pala ang

makikita ko,

Gab Montero is in a Relationship with Colleen Trinidad

Nainis ako bigla. Pero hindi ko pa rin tinigilan at ini-stalk ko pa rin siya.

Kainis 'no, 'yong feeling na alam na'ting masasaktan tayo pero tinutuloy pa rin na'tin. Ang tanga.

Nag upload siya ng picture nilang dalawa ni Colleen na may caption na "My one and only" ang daming likes  at comment no'n. Nagbasa pa ako ng mga comments at kainis lang kasi puro lahat sila sinasabing bagay daw sila ni Colleen.

Nag-scroll ulit ako hanggang sa nakita ko ang post niya no'ng friday pa na sinasabi niyang "Hindi na ikaw." Di ko alam pero malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy niya sa post niyang 'yan. Ang weird lang kasi ngayon ko lang nakita itong post niya. Nag scroll ulit ako hanggang sa nakita ko ang kasunod niyang post na "I'm tired." pagkabasa ko no'n, bigla kong naalala 'yong sinasabi niya sakin na pagod na raw siya.

Habang iniisip ko lahat ng 'yon, 'di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Mag e-emote pa sana ako nang biglang tumatawag sakin si Rhian. Nagpunas muna ako ng luha bago ko sinagot 'yong tawag niya.

"Hello, Rhian."

"Nasan ka? Di ka ba papasok?"

"Wala ako sa mood."

"Uy, tungkol ba sa nangyare kahapon?"

"Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Papasok na lang ako kapag naka move on na ako sa kanya."

"Baliw!" sigaw ni Ashley sa kabilang linya. Do'n ko nalaman na naka loud speak pala ako ro'n. "Baka tapos na school year bago ka maka move on."

Tapos narinig ko boses ni Callen na sinasabing, "Mag move on ka na."

"Pano ba mag move on?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Maghanap ka ng iba." rinig kong sagot ni Ashley.

"Maghanap ka ng bagay na ma tu-turn off ka sa kanya. Nang sa gano'n ay mawala na 'yang natitira mong feelings." sagot naman ni Rhian.

"Mag research ka." sagot naman ni Callen.

Parang gusto kong matawa sa mga pinagsasasabi nila. Pero huling tumatak sakin e 'yong sinabi ni Callen.

"Oo na. Sige na. Bye na muna." sabi ko at tsaka nila ako binabaan.

Bumangon ako at nag research ng 'How to move on' sa internet at nagbabakasakali na may makuha akong sagot.

Ang mga lumabas no'n ay cut off all communication, forget the past, forgive him at 'yong pinaka last e avoid getting back together. Jusko naman, hindi ko alam kung magagawa ko itong mga 'to. Ang hirap e. Siguro madali siyang sabihin pero kung gagawin? Ewan ko na lang.

Di ako tumigil sa pag re-research nang biglang tumawag sakin si Bright.

Nainis ako kasi na istorbo ako sa ginagawa ko pero sinagot ko pa rin 'yon.

"Uy, ano ba?"

"Busy?"

"Nag-aaral ako."

"Ng?"

Natahimik ako saglit. Bakit ko ba sinabing nag-aaral ako? E, una sa lahat, hindi naman ako nag-aaral tapos absent nga ako ngayon, e.

Siguro kasi pinag aaralan ko ngayon 'yong ways ng how to move on kaya ko na sabi 'yon.

Hays. Di lang puso apektado sakin, pati utak.

"Ng mga ways on how to move on."

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya pagkatapos.

"Hala, anyare sa'yo? Absent ka sa mismong klase pero 'yong ways on how to move on e pinag-aaralan mo?"

"Ewan ko sayo. Bakit ka ba kasi tumawag, ha?"

"Itatanong ko lang kung bakit ka absent."

"Absent ka nga rin kahapon, tinanong ba kita?"

"Oo."

"Sira!"

"Nagtanong ka."

"Sabi ko nga."

"So bakit ka nga absent?"

"I need time for myself. Tsaka pinag-aaralan ko kung papano ko makakalimutan ang walang hiya kong Ex na pinagpalit ako sa numero unong kaaway ko."

"Naks! Ways how to move on? Simple lang 'yan."

"Wow ah! Sige nga. Sabihin mo kung paano."

"Just spend time with someone."

"Ha? Pinagsasasabi mo?"

"Pwede 'yan. Nang sa gano'n ay makalimutan mo 'yong taong gusto mong kalimutan."

Napa-irap ako.

"What if hindi effective?"

"Effective 'yan."

"Hindi ako naniniwala."

"Tsk. Asan ka ba? Puntahan na kaya kita."

"Nasa bahay ako."

"Puntahan kita d'yan."

"As if naman alam mo kung nasaan 'yong bahay namin. Bahala ka nga d'yan."

May sasabihin pa sana siya no'n nang bigla ko siyang babaan. Bumalik ako sa paghiga at nagsimulang ipikit ang mga mata nang bigla kong naisip na baka totoong puntahan nga niya ako rito. Kinabahan ako bigla kasi baka tanungin niya kay Callen 'yong address ng bahay. E, bawal pa naman ako magpapunta ng bisita dito lalo na kapag lakake. Baka mapagkamalan pang boyfriend ko 'yon o ano.

Kaya ayon, kinabahan ako buong magdamag. Pero buti na lang at hindi siya nagpunta rito.

                              ***

No'ng sumunod na araw, pumasok na ako. Nasa canteen kami habang nag uusap-usap nina Rhian nang tuksuhin nila ako kay Bright. Nalaman kasi nila kay Callen na pinuntahan ako ni Bright no'ng isang araw. Kaya ayon, nagulat silang dalawa ni Ashley at tinukso na lang ako bigla. Sinabi ko rin sa kanila na binigyan niya ako ng halaman. Pero 'yong tungkol do'n sa huling sinabi niya bago siya umalis, hindi ko na sinabi. Kasi hindi naman bigdeal 'yon. Malay ko ba na nagbibiro lang pala siya no'ng sinabi niya 'yon. Kaya hindi ko na masyadong inisip 'yon at para na rin iwas awkward.

"Baka may crush sa'yo 'yong transferee. Yiiee." panunukso ni Rhian habang tinutusok tusok ako sa tagiliran. Lumayo ako ng kunti kasi nakikiliti ako sa ginawa niya.

"Uy, hindi naman siguro gano'n 'yon." sabi ko sa kanila.

"Anong hindi, e, pinuntahan ka nga mismo." sabat naman ni Ashley na patuloy pa rin sa panunukso sakin. "Hindi kami mag-iisip ng kakaiba kung pumasok siya kahapon." tapos napa sip siya sa orange juice niya bago ulit nagsalita, "Pero absent kasi siya kahapon, tapos biglang pupunta sa school para lang i-check ka. Parang 'di na normal 'yon, e."

Natahimik ako bigla.

Actually, hindi ko rin alam kung bakit pinuntahan niya ako. Hindi naman kami gano'n ka closes para puntahan ako nang dahil lang sa nalaman niyang may problema ako.

Ang weird niya.

Napatingin ako kay Callen na kasabwat din ni Ashley at Rhian sa panunukso sakin kay Bright.

"Ano ba kasi tinext mo sa kanya at biglang nagpunta siya sa school?" tanong ko kay Callen na nakangiti sakin habang nginunguya 'yong pagkain niya.

"E, siya kasi nanguna." sagot niya. Tapos nilunok muna niya 'yong kinakain niya bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Kinakamusta ka niya sa'kin. Tapos ayon, sinabi kong may problema ka. Hindi ko siya sasabihan nang gano'n kung 'di ka niya tinatanong sa'kin."

Natahimik ako sa sinabi ni Callen gano'n din sina Rhian at Ashley.

Medyo naguluhan ako kasi akala ko si Callen mismo nanguna mag-text sa kanya. Pero 'yong nalaman ko na kinakamusta niya ako kay Callen, ano 'yon? Ano ibig sabihin no'n?

"Uuyyy." panunukso ni Ashley. "Sabi ko na mga ba, may feelings siya sa'yo!"

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Rhian. "Akalain mo 'yon, kinakamusta ka niya. Mukhang na miss ka niya yata."

Impossible 'yong sinabi ni Rhian. Feeling ko hindi talaga ako 'yong kinakamusta no'n.

Umiling ako sa kanila, "Baka 'yong activity namin 'yong kinakamusta niya at hindi talaga ako. Wag kayong assuming, okay?"

Natahimik silang tatlo no'ng ma realize 'yong sinabi ko. Alam kong may point naman 'yong sinabi ko. Pero parang hindi— kasi bigla kong naalala na bumili pa siya ng halaman para lang i-regalo sakin. Like, para saan naman 'yong regalo na 'yon? Hindi ko naman birthday o ano.

Argg! Bakit ba ako nag o-overthink? Malay ko ba na naisip lang ng tao na bigyan ako ng regalo?

"Pero Deyn, mas boto ako kay Bright. Mukha naman siyang mabait." dagdag pa ni Ashley.

Tama si Ashley. Mabait nga siya. Pero wala naman akong gusto sa kanya. Isa pa, hindi pa ako nakapag move on kay Gab. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya.

No'ng lunch time, sabay kong kumain ulit sa canteen sina Rhian, si Callen kasi umuuwi siya at gano'n din si Bright. Saktong kakatapos ko lang kumain ng lunch no'n nang bigla akong makatanggap ng message galing kay Bright sa messenger.

Bright Navales

  active now•

Nasan ka?

Busy ka ba?

Kailangan ko ng tulong mo.

Pwede ka bang pumunta rito?

Matapos kong basahin ang message niya ay nagtaka ako sa mga sinasabi niya. Di ko alam kung bakit kailangan niya ng tulong ko ngayon at kung ano ba meron. Medyo nag-alala ako kasi baka emergency 'to baka kailangan talaga niya ng tulong ko kaya nag reply ako.

Danielle Legaspi

    active now•

Nasan ka?

Bright Navales

   active now•

Nasa main gate ako.

Di ako makapasok.

Tulungan mo'ko.

Sinara ko 'yong lunchbox ko at biglang tumayo. Kumakain pa sina Rhian at Ashley no'n at hindi ko namalayan na nagulat ko sila no'ng sinara ko ng malakas 'yong lunchbox ko dahil sa nagmamadali akong puntahan si Bright sa main gate nang tanungin nila ako kung saan ako pupunta.

"CR lang ako." pagsisinungaling ko.

Ewan ko ba kung bakit 'di ko sinabi sa kanila ang totoo. Siguro dahil para iwasan na nila kakatukso sakin at kay Bright.

"Okay." sagot nila pareho.

Pagkatapos no'n e biglang takbo na ako palabas ng canteen hanggang sa makarating ako sa main gate. Ang una ko pang inisip no'n e baka hindi siya makapasok dahil nakalimutan niya 'yong school ID niya. Pero mali pala ako. Kasi may nakikita akong babaeng kinakausap siya. Hindi siya taga rito sa school kasi ibang uniform ang suot niya. At sa tingin ko, uniform ito ng mga nag-aaral sa dating school ni Bright bago siya lumipat dito.

Hmm... Mag ano kaya 'tong dalawang 'to?

At bakit ako pinapunta ni Bright dito?

Anong gagawin ko?

No'ng makarating ako sa kinatatayuan nilang dalawa pareho silang napatingin sakin. E, hindi ko alam ang gagawin ko no'n kasi wala akong alam sa nangyayare kaya medyo awkward 'yon.

Pero nang tumabi sakin si Bright, nakita kong sumimangot 'yong mukha ng babae. Kung ide-describe ko itsura niya, makapal ang pilik mata niya, 'yon ang pinaka attractive sa kanya. Matangos ang ilong niya tapos morena siya. Overall, maganda siya. Isa lang 'yong hindi ko nagustuhan sa kanya kundi 'yong buhok niya. Kulot kasi siya. Pero bawi naman sa itsura kasi maganda talaga siya.

"So is she your girlfriend?" tanong niya kay Bright habang nakaturo sakin. Gulat ko namang nilingon si Bright no'ng um-oo siya.

Napatanong na lang ako ng 'Ha? Anong kalokohan naman 'to? Bakit bigla na lang akong naging girlfriend ni Bright?' sa isip ko dahil sa sobrang gulat.

Napa-laki na lang ang mga mata ko habang nakatitig kay Bright at sa babaeng kausap niya ngayon na nasa harap namin.

"But you're friend told me na wala ka pang shota." dagdag pa ng babae.

Nakaka bakla 'yong term niya, ah. Shota talaga? Tsaka, ano ba 'to? Bakit nag ta-taglish siya? Tsaka may accent pa talaga. Ang arte tuloy pakinggan.

"Meron." sagot naman ni Bright.

Sumimangot ulit 'yong babae tsaka napatingin sakin sabay tanong ng, "So when are you guys started dating?"

Napa 'ha' na lang ako sa hindi alam ang isasagot.

Sa totoo lang, wala na dapat akong balak na sagutin 'yong tanong niyang 'yon. Kaso nakatingin siya sakin na tila hinihintay ang sagot ko kaya naman napatingin ako kay Bright at binigyan siya ng tingin na parang sinasabing 'Ikaw sumagot, ikaw may pakana nito, e'.

"No'ng Monday lang." sagot ni Birght.

Napabuntong hininga naman ako pagkatapos.

Pero hindi pa nagtatapos do'n ang lahat kasi may kasunod pa ang tanong niya.

"Monday? Really?" parang 'di makapaniwala niyang sabi. "But I thought 'di ka pumasok no'ng monday."

Napakamot si Bright sa ulo niya na halatang na badtrip dito sa babaeng kaharap namin. Kahit ako na ba-badtrip din ako sa kanya. Ang dami niyang tanong. Sino ba 'to? At kaano-ano ba niya si Bright?

"Wala ka na ro'n, Gen. Samin na lang 'yon." sagot ni Bright, halatang naiinis.

Napatingin sakin 'yong babae kaya umiwas ako.

"I don't believe you guys. I think you're not dating." pa iling iling niyang sabi habang nakatingin samin pareho ni Bright. Tapos lumapit siya kay Bright at humawak sa braso ni Bright, "please, tell me that you're not dating." pagmamakaawa niya. "She's not your girlfriend, right?" tanong pa niya sabay tingin sakin.

Napa iling na lang ako sa nangyayare.

Ano ba kasing meron at nadamay ako dito sa madrama nilang buhay. Di ko tuloy alam gagawin ko.

Napatingin sakin si Bright. Alam ko na sa mga tingin niyang 'yon ay nakikiusap siya sakin na tulungan ko siya para tumigil na itong babaeng 'to.

Wala naman akong magawa kundi ang tulungan siya since may utang na loob ako sa kanya.

Oo, kinunsider ko na utang na loob 'yong pinuntahan niya ako kahapon. Ewan ko nga ba kung bakit.

Huminga ako ng malalim at hinawakan 'yong kabilang braso ni Bright at hinila siya papunta sakin dahilan para bumitaw 'yong babaeng 'to sa paghawak sa braso ni Bright.  "Excuse me," napatingin siya sakin, "Pwede bang lumayo ka kahit isang kilometro sa boyfriend ko? Masyado ka kasing madikit."

Nakita kong medyo nagtaray bigla 'yong mukha ng babae na para bang sinasabi niya sa isip niya na ang suplada ko.

"See? Girlfriend ko siya." sabat ni Bright habang nakatitig sa babae na hindi ko alam kung ano pangalan. "Selosa itong girlfriend ko at ayaw niyang may mga babaeng dumidikit at bumubuntot sakin. Kaya kung pwede sana wag mo na akong susundan hanggang dito sa school ko."

Hindi nakapagsalita 'yong babae sa sinabi ni Bright pero halata sa itsura niya na hindi niya matanggap 'yong sinabi ni Bright na wala naman talagang katotohanan.

"Uy, Bro!"

Napalingon kaming tatlo sa kabilang kalsada nang may sumigaw. Nakita ko 'yong dalawang lalake na tumawid tapos deretchong lumapit sa kinatatayuan naming tatlo at nakipag apir kay Bright. Siguro ito 'yong sinasabi niyang dalawang kaibigan niya na nag transfer din dito. 'Yong isa e matangkad na moreno tapos 'yong isa naman maputi at sobrang linis tingnan. Tapos napatingin silang dalawa sa babaeng may gusto kay Bright.

"Uy, Genevieve, anong ginagawa mo rito?" gulat na sabi ng isa sa mga kaibigan ni Bright.

Kung gano'n, magkakilala nga sila.

Magka-klase siguro sila last year.

"Pinuntahan ko lang si Bright." sagot ni Genevieve. "Sabi niyo sakin wala pa siyang girlfriend." aniya sa dalawa.

"E, wala naman talaga." sagot ng isang kaibigan ni Bright.

"If wala siyang girlfriend, sino siya?" tanong ni Genevieve sa kanila sabay turo sakin. Agad namang napalingon sakin 'yong dalawa niyang kaibigan tsaka napatingin kay Bright.

"Bro," tawag ng isang kaibigan ni Bright na 'di ko alam pangalan. "Girlfriend mo?"

Hindi na nakapag explain si Bright sa mga kaibigan niya since nandito si Genevieve kaya napa-oo na lang siya.

Kita kong binigyan nilang dalawa ng panunuksong tingin si Bright matapos niyang um-oo.

"Woah! Grabe! Akala ko ba pag-aaral u-unahin na'tin? Bakit bigla kang nagka-girlfriend? Ang unfair mo, bro!" ani ng matangkad na moreno niyang kaibigan.

"Sira!" sabi Bright sa kanila. "Magsi-alis na nga kayo!" dagdag pa niya pero itong dalawang kaibigan niya e 'di siya tinigilan.

Tapos umakbay sa kanya 'yong kaibigan niyang ubod ng puti na animo'y nakalaklak ng gluta sabay sabing, "Hanapan mo rin ako bro! Meron ba sa section ninyo?"

Inalis ni Bright 'yong akbay niya, "Wala na. Manahimik kayo."

"Uy, pakilala mo naman kami sa girlfriend mo." sabi naman ng kaibigan niyang moreno.

Nakita ko namang na badtrip si Bright kasi nga wala namang katotohanan itong girlfriend-girlfriend na 'to. Pero dahil nandito pa si Genevieve e pinakilala na ako ni Bright sa mga kaibigan niya.

"Ito si Ian." sabi ni Bright habang nakaturo sa kaibigan niyang moreno. "Tapos ito naman si Shawn." sabay turo sa maputi niyang kaibigan. "Mga kaibigan ko sila at ka-klase last year." Tapos humarap siya sa mga kaibigan niya sabay sabing, "Si Danielle," mga mahigit tatlong segundo bago niya dinugtong ang, "girlfriend ko."

Ngumiti naman ako sa mga kaibigan niya na animo'y feel na feel kong girlfriend niya ako.

"Hi, Danielle! Nice to meet you!" sabi ni Shawn.

"Hello." sabi ko na may kasamang wave pa.

"Hi, ganda mo." ani naman ni Ian at natawa naman ako.

"Hoy, taken na 'yan ng tropa na'tin." sita sa kanya ni Shawn at natawa kaming lahat maliban kay Genevieve.

Narinig naming bumuntong hininga siya ng sobrang lalim kaya napalingon kami sa kanya.

"Maybe, i should go back here na lang kapag break na kayo." ani Genevieve at biglang nag-walk out.

"Luh! Anong nangyare do'n?" tanong ni Ian habang nakatitig kay Genevieve na naglalakad pa alis.

Tapos itong dalawang tropa ni Bright e nagpaalam na. Mag e-explain pa sana si Bright sa kanila na hindi talaga niya ako girlfriend since umalis na si Genevieve pero nagsi-takbuhan na sila kasi may klase sila 12:30 samantalang kami e 1:00pm pa.

Nagkatinginan na lang kami ni Bright pagkatapos. Walang ka rea-reaksyon ang mukha ko samantalang siya e nakangiti.

"O? Ba't ka nakangiti?"

"Wala lang." nakangiting sagot niya. "Thanks ah!"

"Ano ba kasi meron?"

"'Yong babae kanina si Genevieve 'yon. Magka-klase kami last year at may gusto siya sakin." pagpapaliwanag niya. "Inabangan niya ako rito kasi gusto niya akong makausap. Tapos pinagpipilitan pa niyang gustuhin ko raw siya. Ayaw niya akong tantanan kaya naisip ko na i-chat ka."

Dahil do'n, naliwanagan ako sa totoong nangyayare. Pero bakit nga ba hindi siya gusto ni Bright?

"Bakit 'di mo siya gusto?" tanong ko. "Maganda naman siya, ah. Buhok lang problema. Pero maganda siya."

"Ito naman, makapanlait, e—"

"Uy, 'di ako nanlalait, okay." paglilinaw ko. "Maganda siya, promise."

Natahimik si Bright at napabuntong hininga tsaka sinagot 'yong tanong ko.

"Di ko siya gusto. At wala talaga akong feelings sa kanya kahit kunti." seryosong sagot niya.

"Kung gano'n, hindi kita masisisi."  Naapabuntong hininga ako ng sobrang lalim nang maalala ko si Gab. Feeling ko tuloy e ako 'yong nasa posisyon ni Genevieve na nagmamakaawa kay Bright na gustuhin rin siya. Napa self reflect tuloy ako ng wala sa oras.

"Pero ang saklap niyo naman. Bakit ba kasi kayong mga lalake e ang dali lang para sa inyo na sabihing wala kayong gusto sa isang babae? I mean, hindi niyo man lang ba pag iisipan muna ang sasabihin niyo? Hindi niyo rin ba naiisip na baka masaktan niyo ang isang tao kapag sinabi niyo 'yon?"

Lumapit sakin si Bright at pinatong niya 'yong palad niya sa ulo ko, "Nagiging honest lang kami." sagot niya tsaka tinanggal 'yong palad niya sa ulo ko at napatingin sa ibang lugar. "I'm sure, gano'n rin sa'yo 'yong Ex mo."

Ang saklap.

Bakit ba alam na alam ng isang 'to ang kung anong nasa isip ko? Kainis. Sinusubukan ko ngang wag isipin 'yon pero sinabi pa rin niya.

"Uy, kainis ka. Bawiin mo nga 'yan."

"Ayoko." sagot niya. "Kaya nahihirapan kang mag move on. Dine-deny mo lahat sa utak mo."

Natahimik ako, ewan ko ba. Pero parang tama siya. Ayoko lang talaga aminin. Hays.

"Bahala na. Basta, sabihin mo sa mga tropa mo na 'di mo'ko girlfriend para 'di nila ma misunderstood." sabi ko at naunang pumasok sa gate.

Pagdating namin sa classroom, pinagtitinginan kami nina Rhian at Ashley habang binibigyan ng panunuksong tingin. Sakto kasing sabay kami ni Bright pumasok no'n at baka iniisip nila na pinuntahan ko siya pagkatapos kong magpaalam para mag CR kanina.

Lumapit ako sa kanila at nagkunwareng parang walang nangyare. Umupo ako sa upuan ko at nagbukas ng notebook. Kunware e nasa mood ako ngayon para mag-aral pero itong dalawang 'to e ayaw akong tantanan.

"Akala ko ba mag c-cr ka lang. Ba't sabay kayong pumasok?" tanong ni Rhian na halatang may panunuksong boses.

"Na timingan lang." sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Actually, napapa-isip din ako kung bakit nagsisinungaling ako sa kanila. Na kung bakit parang ayaw kong i-kuwento 'yong tungkol sa nangyare a while ago. Wala namang masama kung i-kuwento ko na nagpanggap akong girlfriend ni Bright infront of Genevieve na dead na dead sa kanya pero ewan, parang ayaw ng kaluluwa kong i-kuwento 'yon sa kanila kasi baka tusksuhin lang nila ako nang tuksuhin.

No'ng sumunod na araw, nagpunta kaming Gym para sa PE class namin. Nakapagpalit na rin kami ng PE uniform. Nauna kami ni Rhian kasi nag CR pa si Ashley. Habang naglalakad kami patungo sa Gym, natigilan ako nang mapagtanto kong may natitira pang ibang students sa Gym. Alam kong section 'yon nina Gab kasi naunang subject nila 'yong PE at kasunod kami sa kanila at kainis lang kasi nando'n pa sila kahit na tapos na 'yong klase nila at nagliligpit na lang sila ng mga gamit nila.

Napabuntong hininga ako sabay sabi sa isip ko ng 'sana pala nagpa-late ako ng kahit limang minuto bago pumunta rito. Di ko sana sila naabutan'.

Ang nakakainis lang do'n dahil itong si Colleen e talagang tumakbo patungo kay Gab at niyakap ito. Nabangga pa niya ako no'ng tumatakbo siya at hindi man lang ako nilingon para makapag-sorry.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling 'yon sa ibang lugar. Alam ko kasi na sinadyang yakapin ni Colleen si Gab para pa-selosin ako.

Nagkunware akong wala akong may nakikita kahit na deep inside ang sakit sakit na.

"Deyn, gusto mong umalis muna dito?" tanong sakin ni Rhian. "Mukhang nananadya, e." dagdag pa niya.

Umiling naman ako at ngumiti para ipakitang okay lang ako at 'di niya kailangan mag-alala.

"Omg, what's this!" rinig kong sabi ni Colleen dahilan para mapatingin ako sa gawi nila.

Nakita kong hawak niya 'yong kamay ni Gab no'n habang nakatingin sa couple bracelet namin ni Gab na hindi ko alam na suot pa rin pala niya hanggang ngayon. Actually, suot ko pa rin naman 'yong sakin, ako bumili nito para samin. At 'di ko na naisipang tanggalin kasi parang nasanay na 'yong kamay ko na may suot na bracelet. Nakita kong may sinabi ni Gab no'n pero 'di ko narinig. Masyadong mahina kasi boses niya no'n tapos gulat na lang ako nang biglang hinubad 'yon ni Colleen sa kamay niya at lumapit sa gawi namin dala 'yong bracelet at inilahad 'yon sakin sabay sabing, "Pinapabalik ni Gab."

Napatingin ako sa bracelet, 'di ko alam kung kukunin ko 'yon o itatapon na lang.

Napatingin ako sa gawi ni Gab na nakasunod kay Colleen papunta sa gawi namin bago ulit napatingin sa bracelet at kinuha 'yon kay Colleen nang walang sinabi.

"Bigay mo na lang 'yan sa iba. Di kasi bagay sa boyfriend ko ang cheap bracelet." dagdag pa niya. That time, nasa tabi na niya si Gab na nakatitig lang sakin.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatitig ako sa kanilang dalawa. Pero sa totoo lang, halo-halo ang nararamdaman ko. Galit ako sa kanila kasi pinagtaksilan nila ako, naiinis ako kasi nakikita kong mahal nila ang isa't isa, nalulungkot ako kasi 'di na akin si Gab, nasasaktan ako ngayong nakikitang magkasama sila at higit sa lahat nagseselos ako.

Ayoko na sana magsalita kasi gusto kong manahimik na lang kasi wala ako sa mood na makipag-sagutan kay Colleen sa ngayon pero. . .

"Uy, diba ikaw si Deyn?"

Napalingon ako sa gilid. Do'n ko nakita si Shawn at Ian na nakaturo pa sakin habang magka-akbay. Di ko alam na nandito pa pala sila. At talagang nakalimutan kong magka-klase sila ni Gab.

Pero ang pinaka worst do'n e 'di pa pala nasabi sa kanila ni Bright ang totoo na,

"Girlfriend ng tropa namin! Ikaw nga!" sabat naman ni Ian na halatang natuwa kasi nakita nila ako for the second time.

My gosh!

Dahil sa lakas ng boses ni Ian e nag echo 'yon sa boung gym. At ewan ko na lang kasi nagsi-tahimik lahat ng mga nag-iingay kanina at pakiramdam ko, nasa amin ang focus ng lahat ngayon.

Napalingon ako sa kung saan habang hinahanap si Bright. Nagpa-panic na ako no'n kasi 'di ko alam ang gagawin ko. Kasi una sa lahat, kaharap ko sina Colleen at Gab, pangalawa hindi pa nasabi ni Bright sa dalawa niyang kaibigan na hindi talaga niya ako girlfriend, pangatlo alam kong na-missunderstood 'yon ng lahat, lalong lalo na ni Rhian.

Hinahanap ko si Bright sa paligid pero wala pa siya. Siguro papunta pa lang 'yon dito sa gym. Jusko naman, kung kailan kailangan ko siya para may mag-explain dito sa dalawa niyang tropa e tsaka naman siya wala.

"Wait, sino sila?" tanong ni Rhian habang nakatitig kina Ian at Shawn.

"Kaibigan ni Bright." sagot ko habang nililibot ang paningin sa paligid para hanapin si Bright.

Tapos itong si Shawn e biglang nagpakilala kay Rhian, "Hi, I'm Shawn. Kaibigan ni Bright." tapos nag offer siya ng kamay para makipag-shake hand.

Nag shake hand silang dalawa ni Rhian pagkatapos. Ito namang si Ian e sarap lagyan ng scotch tape 'yong bibig. Talagang inulit pa 'yong salitang boyfriend habang tinatanong ako kung nasan si Bright.

"Asan boyfriend mo? Gusto ko siyang makausap. Hihingi lang ako tips kung papano maka-bingwit ng magandang girlfriend."

Nakita kong napalingon sakin si Rhian na gulat na gulat, "What? Girlfriend?"

Gosh! This is just a misunderstanding!

Di ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya no'n kaya nag-isip muna ako. Pero too late kasi itong si Shawn e siya mismo sumagot kay Rhian.

"Girlfriend siya ng tropa namin. Magkaibigan ba kayo? Bakit 'di mo alam?"

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rhian no'ng marinig ang sinabi ni Shawn. Alam kong gulat na gulat siya pero mas nagulat yata si Gab?

"I thought 'di mo siya Boyfriend?" naguguluhang sabi ni Gab. "Sinabi mong walang something sa inyo, diba?"

Biglang lumakas kabog ng dibdib ko sa 'di malamang dahilan at para bang kinukutuban ako ngayon na parang nagseselos siya? Di lang ako gano'n ka sure pero the way kung papano siya ma-guluhan at kung papano siya mag react e halatang nagseselos nga siya.

At ewan ko rin kung anong sumagi sa isip ko. Siguro dahil naisip ko lang na gumanti sa kanila kaya ko nasabing,

"Mali ka, Gab." bumuntong hininga ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko. "Kasi gusto ko na si Bright." dagdag ko pa. "Gusto namin ang isa't isa."

Bahala na. Basta, gusto kong magselos siya. Ako na ang bahalang mag explain mamaya kay Rhian. Ang importante, ang makitang nagseselos si Gab.

Nagtilian ang mga ka-klase kong makarinig sa sinabi ko. Kainis lang kasi akala ko busy silang lahat sa pag wa-warm up pero nagkamali ako kasi pati teacher namin sa PE e nakarinig no'ng sinabi ko.

Ang pinaka worst, 'di ko napansing nasa likod ko na pala si Bright.

At base sa gulat niyang itsura,

Mukhang narinig niya 'yong sinabi ko.