CHAPTER 6 DEAL

Agad-agad akong tumakbo ako papuntang CR at naghilamos ng mukha at napatitig sa salamin.

"Baliw na yata ako." sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.

Bakit ko pa kasi sinabing boyfriend ko siya? Narinig tuloy ng mga ka-klase ko at 'yong ibang mga nasa kabilang section. Jusko naman! Anong sumagi sa isip ko't sinabi ko agad 'yon nang hindi inaalam na baka may ibang makakarinig?

Badtrip naman, o!

Papano ko kakausapin si Bright ngayon e wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nag-imbento ako ng kuwento nang hindi man lang siya sinabihan?! Arg!

Naghilamos ulit ako ng mukha tsaka nagpunas gamit 'yong panyo ko. Pagkatapos no'n e lumabas na ako ng banyo kasi may dalawang babaeng pumasok. Paglabas ko, saktong nakita ko si Bright na mukhang papunta sa may boy's CR. Nagkatinginan kami no'n at naisip kong kausapin siya ngayon mismo. Pero since may tao sa loob ng girl's CR, lumapit ako sa kanya at hinila siya patungo sa harap ng boy's CR kung saan walang tao para walang may makarinig ng usapan namin.

"Teka, ba't mo'ko dinala rito?" nagtatakang tanong naman niya.

"Gusto kitang makausap." sagot ko.

Natahimik siya. Siguro iniisip niya ngayon na kaya ko siya gustong makausap tungkol do'n sa sinabi ko sa may gym kanina which is tungkol do'n naman talaga.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Hindi mo pa ba sinabi sa mga kaibigan mo na hindi mo talaga ako girlfriend?"

Napakamot siya sa ulo niya na tila ngayon lang niya naalala 'yong tungkol do'n sabay sabing, "Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Hindi na rin kasi kami nagkita-kita pagkatapos no'n, e."

Kaya pala wala silang alam, e.

"Sorry. Nakalimutan ko." dagdag pa niya. "Kaya mo ba sinabing boyfriend mo'ko kanina dahil sa kanila? Okay lang naman kahit aminin mong hindi mo'ko boyfriend kanina."

Natahimik ako.

Mali kasi siya. Kasi kaya ko sinabing boyfriend ko siya para malaman kung magseselos ba si Gab o hindi.

Napapikit ako sabay sabing, "Sorry." tapos minulat ko ang mga mata ko tsaka ako nag explain, "Kasi ano, e. Nabigla ako kanina. Na pressure ako kasi nasa harap ko ang Ex ko at ang bago niya. Kaya ko sinabing boyfriend kita kasi. . . gusto kong malaman kung magseselos ba siya." pagpapaliwanag ko.

Hindi siya nakapagsalita no'n, kaya na guilty ako kasi baka hindi niya nagustuhan 'yong ginawa ko kanina.

"Sorry talaga. Sasabihin ko dapat 'yon sa kanila lang. Hindi ko naman in-expect na maririnig 'yon ng lahat." dagdag ko pa. "Di bale, sasabihin ko na lang sa kanilang lahat na 'di talaga kita boyfriend. Lalo na kay Rhian—"

"Wag na." pigil niya.

"Ha?"

"Pag sinabi mo 'yon, mapapahiya ka lang sa Ex mo at sa bago niya." kumunot 'yong noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. "Tingin mo, ano sa tingin mo ang iisipin niya kapag sinabi mong hindi mo talaga ako boyfriend at nagsinungaling ka kanina?"

Napa-isip ako sa sinabi niya saglit at napakamot sa ulo sabay sabing, "Baka isipin niya na nag a-assume ako?"

"Ano pa?"

Nag isip ulit ako.

"Na sinabi kong gusto kita kasi naiinggit ako sa relationship nila?"

Tumango siya, "Tama, ano pa?"

"Na nagseselos ako sa kanila?" sagot ko pa.

"Meron pa."

Meron pa? Ano naman kaya?

Napa-isip ako saglit. Siguro mga ilang segundo bago ko sinabing,

"Na para masabi kong may iba na ako?"

Tapos pumitik siya sabay sabing, "Tama! 'yan nga 'yon."

"Pero aminin man na'tin o hindi, gano'n pa rin naman 'yon. Hindi naman talaga kita boyfriend."

Natahimik siya saglit na parang may ini-isip. Ako naman naghihintay lang sa sasabihin niya.

"Edi, maglaro tayo."

"Ha?"

"Payag akong maging fake boyfriend mo hanggang sa maka move on ka."

What?!

Magsasalita sana ako kasi 'di ako sang-ayon sa sinabi niya pero inunahan niya ako.

"Sabi ko nga sayo diba, para makalimutan mo siya, just spend time with someone." ngumiti siya sakin, "Walang totohanan, laro lang."

Tahimik lang ako at pilit na iniintindi 'yong mga sinasabi niya sakin.

"Kung pinapa-selos ka nila at kung nagseselos ka nga, gantihan mo. Ipakita mong naka-move on kana. Labanan mo 'yang natitirang feelings mo sa Ex mo hanggang sa mawala na. Nandito lang ako naka-support sayo. Handang mahalin ka, kahit laro-laro lang." tapos lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat at seryosong tinitigan, "You fight and I love. Ano, Deal?"

Hindi ako sure kung effective itong plano niya. Pero sa ngayon kasi wala akong ibang maisip na plano. Actually, parang gusto ko na lang mag-aral nang mag-aral para makalimot ako pero tingin ko may point naman itong sinasabi ni Bright. So bakit 'di ko pa subukan, diba?

Tumango ako sa kanya na may kasamang ngiti, "Deal!"

Tapos nakipag-apir siya sakin at gano'n din ako.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Napalingon kami sa dalawang lalakeng magbabanyo sana. Do'n ko nakitang si Shawn at Ian pala 'yon.

Agad naman kaming bumitaw ng kamay ni Bright nang dumating silang dalawa at nagkunware na parang wala lang.

"Sa harap talaga ng boys CR, bro?" tanong ni Ian na halatang inaasar si Bright.

"Baliw! Nag usap lang kami." sagot naman ni Bright.

Tapos tumabi sa kanya si Shawn, "Naks! Dito talaga? Sa dinami rami ng place para mag-usap, bro?"

"Tumigil nga kayo." suway ni Bright. "Tigilan niyo 'yang mga maduduming ini-isip niyo."

Umakbay sa kanya si Ian, "Akala ko ba ang goal na'tin e ma-maintain 'yong average na'tin this school year, bro? E, bakit busy ka sa pakikipag-date ha?" tanong sa kanya ni Ian pero 'di siya sinagot ni Bright.

"Grabe, bro. Alam mo ba na sobrang nalungkot kami ni Ian no'ng nalaman namin na 'di ka namin ka-klase." sabi naman ni Shawn. "Naisip kasi namin na baka wala kang friends kasi 'di ka naman friendly." tapos napatingin sakin si Shawn, "Alam mo ba na hindi niya kinakausap 'yong mga taong 'di niya ka close lalo na kapag 'di siya kumportble sa taong 'yon." pagk-kuwento ni Shawn sakin. "Gulat kami ni Ian kasi nagka-girlfriend siya bigla."

"Oo nga." pagsang-ayon ni Ian.

"Mga baliw! Umalis na nga kayo. Nang-aasar lang kayo, e." sabat naman ni Bright na halatang na a-asar sa dalawa niyang kaibigan.

Inalis ni Ian 'yong akbay niya kay Bright, "Next time, wag dito sa harap ng banyo. Do'n kayo mag usap sa mga matataong lugar kung ayaw niyong mapag-isipan ng kakaiba." tapos nag apir si Ian at Shawn at tsaka ngumisi bago pumasok ng banyo. Kami naman ni Bright e nagkatitigan lang. Ang awkward no'n kaya nagpaalam na ako sa kanya na umalis at bumalik ng gym.

Pagbalik ko sa Gym, nando'n na si Ahsley na nag CR kanina kaya hindi updated sa nangyare. Kaya ayon, si Rhian na mismo ang nag-kuwento sa kanya tungkol sa sinabi kong boyfriend ko si Bright infront of Gab and Colleen.

Sasabihin ko sana sa kanila ang totoo na hindi ko talaga boyfriend si Bright at 'yong tungkol sa plano namin ni Bright kanina lang pero 'yong reaksyon ni Ashley at Rhian e tuwang tuwa kasi boto raw sila kay Bright para sakin at ayaw raw nila kay Gab kasi sasaktan lang niya ako.

Na kunsensya tuloy ako na nagsisinungaling ako sa kanila.

Imbis na sabihin ko ang totoo na 'di ko boyfriend si Bright e 'di ko na nasabi kasi nagsimula na 'yong PE class namin. Tapos habang nag wa-warm up e tinutukso nila ako kay Bright. Tinanong pa ako ni Bright kung nasabihan ko ang mga kaibigan ko tungkol sa plano pero sabi ko hindi kasi 'di ko pa alam kung papano sasabihin sa kanila. Isa pa, mukhang masaya silang nalaman nilang boyfriend ko si Bright.

Hays.

Anong gagawin ko?

Pagkatapos ng PE class e nagtanong sila kung kailan naging kami ni Bright. Do'n ako nakakuha ng chance na sabihin ang totoo sa kanilang dalawa ni Ashley.

"Actually, 'di pa naman kami." sabi ko.

Tapos nakita kong medyo na disappoint sila bigla at nakita kong nalungkot sila and i know na mag-aalala lang sila sakin kapag sinabi ko na nagpapanggap lang kami ni Bright para makalimutan ko na si Gab at para ipakita kay Colleen at Gab na 'di na ako affected sa kanila.

Ayokong mag-alala sila sakin nang dahil lang kay Gab. Kaya ang sinabi ko na lang ay,

"Nililigawan pa lang niya ako." dahil do'n, nakita kong natuwa ulit sila knowing na parang unti-unti na akong nakaka move on kahit na 'di pa naman talaga.

                             ***

No'ng sumunod na araw, tinawag ako ng teacher namin sa english no'ng dumaan ako sa harap ng faculty. Pinapa-distribute niya sakin 'yong activity namin last time.

Tapos nalaman ko rin na kami ni Bright 'yong nakakuha ng pinaka mataas na score. 98/100 kami. Tapos gulat ako nang makita kong 70 'yong score nina Colleen. Sa gulat ko e 'di ko napigilan sarili ko at napatanong ako sa teacher namin. Buti na lang mabait siya at sinagot niya ang tanong ko dahil kung hindi, baka sama ng tingin siguro nakuha kong sagot sa teacher.

Ang sabi, obvious daw na kinuha lahat sa internet itong sagot ni Colleen. Lahat kinopya niya kasi ayon dito sa sulat niya, pati 'yong nakalagay na link na pinagkuhanan niya ng sagot sa internet e siulat pa niya. Asan common sense ng isang 'yon? Sinulat talaga niya buong link tapos 'di man lang binasa maigi at inintindi itong mga sinulat niya. Halatang nagmamadali lang at akala niya porket nakuha niya sa internet e tama na agad itong sagot niya. Sabi pa naman ng teacher namin sa english e dapat own perspective at 'di pwedeng mangopya ng sagot sa internet. Buking tuloy siya.

Nakangiti akong bumalik ng classroom. Masaya ako kasi mataas na score 'yong nakuha namin ni Bright at hindi dahil sa lowest score 'yong nakuha ni Colleen. Pero parang nakakatuwa sa part na lamang ako sa kanya ngayon. I'm sure ma a-apektuhan 'yong grades niya sa english kapag gano'n. Kung hinayaan nila akong bumagsak sa exam last year, ngayon, babawi ako. At lalaban ako ng patas hindi kagaya nila ng mga kaibigan niya na niloko ako.

Binalik ko 'yong mga papel ng mga ka-klase ko. Saktong 10 papers lahat 'yon since 20 kami overall. 

Nang ma i-distribute ko na ang walong papel ay saktong dalawa na lang ang natira. 'Yong papel namin ni Bright at 'yong papel nina Colleen. Bago ko ibigay kay Bright 'yong samin para makita niya 'yong score namin ay binigay ko muna kay Colleen 'yong sa kanya. Saktong nag uusap-usap sila

ng mga kaibigan niya no'n at hindi nila ako sa pansin kaya nilapag ko ang papel ni Colleen sa table niya at hinampas pa 'yon ng malakas gamit ang palad ko dahilan para mapatigil sila sa pag uusap-usap at galit akong nilingon.

"Bastos ka ba?" halatang galit na sabi ni Colleen habang taas kilay na nakatitig sakin. "Kita mong may nag uusap dito, o."

Nginitian ko lang siya. 'Yong ngiting friendly na parang walang ka proble-problema kaya nagtaka sila kung ano meron sa mga ngiti kong 'yon. Wala akong ibang sinabi kundi ang ituro sa kanya 'yong papel na nilapag ko sa table niya gamit ang bibig ko.

Napatingin naman si Colleen do'n tsaka kinuha 'yong papel niya at tiningnan 'yong score niya. Ang unang nagulat ay 'yong dalawa niyang kaibigan dahil sa sobrang baba ng score niya. Pero siya e hindi gulat 'yong naging reaksyon niya kundi galit.

Galit niya akong nilingon pagkatapos tsaka nilapag 'yong papel niya sa table.

"Kaya ka ba nakangiti dahil nalalait mo 'yong score ko?"

Woah! Ako pa ngayon 'yong lumabas na masama? E, wala naman akong ginawa.

"Hindi." sagot ko. "Wala naman akong sinabi para laitin ka."

"Really? E, bakit ka nakangiti?"

"Oh my gosh, Colleen. Hindi mo ba alam ang mga pinagkakaiba ng mga ngiti, ha?" sarcastic kong sabi at napatingin kay Jonathan na partner niya sa activity na walang ginawa kundi ang ma-upo lang at ramdam ko 'yong lungkot kasi mababa 'yong nakuhang score nila ni Colleen. "Naaawa ako kay Jonathan, malas lang niya kasi ikaw ang naging partner niya."

Tumayo si Colleen sa sinabi ko sa kanya. Ang akala ko sasabunutan niya ako o ano pero nagulat ako nang bigla niyang agawin sakin 'yong papel ko at tiningnan 'yong score ko. Hinayaan ko lang siya no'n at nakita ko ang itsura niya no'ng makita 'yong score ko. Halatang hindi niya matanggap kaya niya pinunit 'yong papel namin ni Bright.

Nagulat 'yong mga ka-klase ko lalo na sina Rhian at Ashley dahilan para lapitan nila ako.

What the f! Sino nagsabi sa kanya na pwede niyang punitin ang papel namin?!

Alam kong papel lang 'yon at recorded na 'yong scores namin do'n at hindi na kailangan magalit sa ginawa niya pero nakakainis lang kasi, e. Bakit kailangan niyang punitin 'yong samin?

"Ang dapat dito, sa basura ang punta para wala ka nang ma ipag-yayabang." aniya matapos punitin ng sobrang pino 'yong papel namin ni Bright.

Biglang nandilim paningin ko sa kanya at 'di ko napigilan ang sarili ko at minura ko siya sa mismong pagmumukha niya. Nagulat ang lahat kasi napamura ako for the first time ng gano'n. At mukhang 'di nila in-expect 'yon lalong lalo na itong si Colleen.

"Ano? Galit ka? Bakit, kasi wala nang proof na mataas 'yong score na nakuha mo at hindi mo na ma ipag-yayabang sa iba? Ha?!" sigaw sakin ni Colleen matapos ko siyang murahin.

"Ang sabihin mo, naiingit ka lang!" sigaw ko. "Palibhasa, hindi mo sineryoso ang activity at talagang kinopya mo lahat sa internet." tapos tumawa ako. Ang kinalabasan no'n e para akong baliw. "Anong sumagi sa isip mo't pati link kinopya mo? Ano 'yon? Papi-pindutin mo 'yong sinulat mong link sa teacher na'tin? Mapipindot ba 'yon?" pang aasar ko.

Narinig ko pang may nag 'Hala! Totoo? Ginawa niya 'yon?' ang isa kong ka-klase at dahil do'n, napahiya si Colleen. That time, bumalik siya sa pagka-upo at tinago 'yong papel niya. Ako naman, hinila ako palabas nina Rhian at Ashley para pakalmahin.

No'ng mag start ang klase, tahimik ang buong section namin. At pagkatapos naman ng klase e kakasabi pa lang ng subject teacher namin na pwede nang umuwi 'yong mga tapos nang sagutan ang quiz nang bigla akong maka-recieved ng chat galing kay Bright.

Bright Navales

   active now•

Mag usap tayo.

Pagkabasa ko no'n, nilingon ko agad siya na nakatitig pala sakin habang hawak 'yong phone niya. Sumenyas siya sakin na mag-uusap kami sa labas kaya nauna na akong lumabas at hinintay siya ro'n.

Ang tagal niyang lumabas no'n, ang alam ko e kanina pa niya tapos sagutan 'yong quiz at napasa na rin niya 'yong papel niya pero 'di lang siya lumalabas. Umupo ako sa bench sa harap ng classroom namin habang hinihintay siya ro'n, tinanong naman ako nina Callen kung sasabay ako sa kanila ngayon pero tumanggi ako.

"Mag-uusap pa kami ni Bright." sagot ko. "Bawi na lang ako next time."

Nakita kong ngumiti si Rhian at Ashley habang si Callen naman e tumango.

"Naks! Nagka-boyfriend lang pinalit na tayong mga friend lang." sabi ni Ashley, halatang may panunuksong tono.

"Hindi ko pa siya boyfriend." paglilinaw ko.

"Ahh, oo nga pala. Nililigawan ka pa lang. Pero do'n naman papunta 'yon." sagot ni Ashley. "O siya, sige na. Alis na kami. See you tomorrow!" tapos nag-wave na siya sakin at gano'n din ako sa kanila.

Nang wala nang tao sa classroom namin tsaka lumabas si Bright at pinuntahan ako.

"Ang tagal mo naman." pag re-reklamo ko pero nakita kong ang seryoso ng mukha niya.

"'Yong kanina, 'yong inasta mo kay Colleen, hindi 'yon maganda." seryosong sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya.

Pakiramdam ko mas kampi siya kay Colleen at ako 'yong nagmukhang kuntrabida.

"Teka, ano ba 'yong ginawa ko? Nainis lang ako kanina kasi pinunit niya 'yong papel na'tin." inis kong sabi.

"Kahit na. Di mo dapat siya minura kanina at pinahiya sa buong section na'tin."

Ah, so ako talaga 'yong mali? E, siya naman talaga nauna kanina. Kung hindi niya pinunit 'yong papel namin hindi mandidilim paningin ko sa babaeng 'yon.

"E, kasi naman, e!" sigaw ko sa inis. "Naiinis na ako sa kanya! Na bwi-bwisit ako! Ano, masaya ka na?"

"Naiinis ka kasi alam mong siya ang girlfriend ng Ex mo. Alam mo bang mali 'yong ginawa mo?" kalmado niyang sabi.

Nakakabilib lang kasi kahit tinataasan ko na siya ng boses, kahit galit na ako sa kanya e ang kalmado pa rin niya.

"Oo na!" sigaw ko sa kanya. "Pero kahit hindi siya 'yong girlfriend ni Gab, naiinis pa rin ako sa kanya. Alam mo kung bakit?" tanong ko pero tahimik lang siya kaya nagpatuloy ako. "Kasi last year kaibigan ko siya, silang tatlo. Pero niloko nila ako. Pinaniwala nila akong tutulungan nila ako pagdating ng exam. Ang akala ko bibigyan nila ako ng sagot sa exam no'n kaya 'di na ako nag aral." pagk-kuwento ko. "Nagtiwala ako sa kanila, pero niloko nila ako. Kaya mababa 'yong nakuha kong score sa exam no'n at muntik na akong mapa-alis sa school na 'to. Kahit 'yong parents ko na disappoint sakin, alam mo ba 'yon?"

Nakatitig lang siya sakin at halata sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwalang nangyare sakin 'yon.

"'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit galit na galit ako kay Colleen. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nila. Tapos si Gab, bumalik sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron kay Colleen na wala ako kaya ako iniwan ni Gab." nagsimula akong maiyak sa harap niya. Alam kong nakakahiya pero 'di ko napigilan at naiyak ako bigla.

Lumapit siya sakin at niyakap ako bigla habang tinatapik-tapik ang likod ko. "I'm sorry. Hindi ko alam." mahinang sambit niya. "Ngayon naiintindihan ko na."

Umalis ako sa mga yakap niya at nagpunas ng luha saglit nang mapansin kong may tao sa likuran ko which is nakita na 'yon si Bright kung sino kasi nakaharap siya sa kung sino man 'yong nando'n. Agad naman akong napalingon para makita kung sino mga 'yon at nagulat ako nang makita si Gab tsaka si Colleen.

Ano na namang ginagawa nila rito?

Napatingin muna si Colleen kay Gab bago tumingin sakin at nagsalita, "Deyn, can we talk?"

Di ko alam kung ano pag-uusapan namin at hindi ko rin alam kung papayag ba ako sa gusto niya kaya naman napatingin ako kay Bright na tila tinatanong pa siya kung anong gagawin ko at nang tumango si Bright sakin na tila sinasabing 'sige na, para matapos na 'to' tsaka na ako um-oo kay Colleen. Pumasok kami sa loob ng classroom para do'n mag-usap samantalang si Bright at Gab naman nakatayo lang sa labas habang hinihintay kaming matapos mag-usap ni Colleen.

Nakaupo siya no'n sa mismong upuan niya, which is sa harapan mismo malapit sa board samantalang ako naman nakatayo lang at nakasandal sa teachers table habang hinihintay siyang magsalita.

"I'm sorry." panimula niya.

Di ko alam kung saan siya nag so-sorry. Sa dinami-rami ba naman kasi ng kasalanan niya sakin e 'di ko na alam kung alin do'n siya nagso-sorry.

"I'm sorry for everything." dagdag pa niya.

Ine-expect ko pa no'n e mag e-explain siya kung bakit niya nagawa 'yong mga kamaliang ginawa niya pero wala. Gano'n lang.

"Mapapatawad mo ba ako?"

Anong klaseng sorry 'to? Ngayon lang ako naka encounter ng ganito ka awkward na klase ng sitwasyon.

Pero 'di na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsalita na ako. Pero 'di ko pa siya pinapatawad. Malay ko bang arte lang 'to.

"Bakit ka nag so-sorry?"

"You know. . . kasi pinilit ako ni Gab na mag-sorry sayo." sagot naman niya.

Ayon naman pala. Napilitan lang pala siya kaya siya nagso-sorry at hindi pala talaga niya intensyon ang mag-sorry. Nang-gigigil ako sa babaeng 'to.

"Nalaman kasi niya na hate na'tin ang isa't isa. Tapos ayaw niya na nag a-away tayo. Kaya ayon, sinabi niyang mag-sorry daw ako sayo."

Ang boses pa niya no'n e parang nagpapa-awa pero 'di naman nakaka-awa. Nang-gigigil na talaga ako sa babaeng 'to. Ang plastic!

"Ngayong alam kong boyfriend mo na si Bright, siguro naman naka move on kana sa boyfriend ko, diba?"

Ang problema, mali ka. Kasi mahal ko pa rin 'yang boyfriend mo.

"Teka lang, lilinawin ko lang ha, 'di ko pa boyfriend si Bright. Nililigawan pa lang niya ako. Wag kang excited." sabat ko, halatang naiinis.

"Do'n na rin naman papunta 'yon. Hindi magtatagal, sasagutin mo rin naman siya at magiging kayo na." sagot naman niya. "Kaya panatag na ang loob ko ngayong alam kong may iba ka nang nagugustuhan. Pwede na tayong maging friends ulit kagaya ng dati."

Napa-irap ako.

"Friends? Kailan tayo naging friends?"

"Dati?" sagot niya. Pero halatang hindi sigurado.

"Sure ka? Tinuring mo ba talaga akong kaibigan noon? As in 'yong totoong kaibigan? Kasi feeling ko hindi naman, e."

Natahimik si Colleen pagkatapos.

"Alam mo, Colleen, nang-gigigil na ako sa'yo. Kung 'di lang sinabi ni Gab na mag-sorry ka sakin, alam kong 'di mo naman gagawin 'to, e. At kahit nga ngayong nag so-sorry ka, hindi naman totoong sincere."

"So hindi mo ba talaga ako mapapatawad? O baka naman nagtatanim ka ng sama ng loob sakin dahil hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa boyfriend ko?"

Sino ba naman kasing tao ang mawawala agad ang feelings sa taong minahal niya ng sobra na sa isang iglap iniwan siya nang hindi niya inasahan?

Pero dahil gusto kong isipin nila na moved on na ako kay Gab at hindi na ako affected, sige na, napipilitan na akong patawarin siya.

Tumango ako ng isang beses na para bang napipilitan lang.

"Wag mo na akong pakialaman from now on. Sa'yo na si Gab, wala na akong feelings sa kanya."

Tumayo si Colleen habang sinusuri 'yong mukha ko, "Are you sure?" paninigurado niya.

"Of course!" sagot ko at naglabas ng isang malawak na ngiti, "Alagaan mo ng mabuti 'yong taong minsan lang din akong minahal."

Nakita kong medyo na inis siya sa sinabi ko. Pero itong si Colleen hindi nagpatinag, "Sorry, pero ako na ang mahal niya ngayon. At 'yong pagmamahal niya sayo dati, nabura na 'yon sa puso niya. Pero wag kang mag-alala, may lugar ka pa naman bilang isang kaibigan sa puso niya." ngumiti sakin si Colleen at gano'n din ako sa kanya.

"Thanks for reminding me." saad ko. "Akala ko kasi stranger na lang ako sa boyfriend mo. Di ko naman alam na may lugar pa pala ako kahit kaibigan."

Nakita kong mas lalo pa siyang nainis. "Well, that's great!" lumapit ako sa kanya at bumulong, "May chance pa akong lapitan at kausapin siya."

Naramdaman kong parang sasabog si Colleen sa inis matapos kong i-bulong 'yon sa kanya at matalim niya akong tiningnan sa mata pagkatapos at tumawa naman ako. Tumawa ako para ipakita sa kanya na nagbibiro lang ako.

"Oh, don't take it seriously. Nagbibiro lang ako." paglilinaw ko. "Ito naman, ang seryoso."

That time, pumasok na si Bright at Gab sa classroom para puntahan na kami ni Colleen. At sa huling pagkakataon, nagtama ang mga tingin namin ni Gab. Alam ko sa sarili ko na na-miss ko ang mga titig niyang 'yon. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko e hindi na ako ang mahal niya. At ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko siyang pa-selosin na para bang gusto kong gumanti. At nag e-expect ako na sana nga. . . magselos siya. Kahit isang beses lang.

Napatingin ako kay Colleen bago pa man tuluyang magsalita sina Bright.

Tinapik ko siya sa braso, "Don't worry. Di ko siya aagawin sayo. I have Bright na na sobrang mahal ako." ngumiti ako, "at mahal ko rin siya. Higit pa sa kung papano ko mahalin 'yong taong una kong minahal." umalis ako sa harap ni Colleen at deretchong lumabas ng classroom. Alam kong nakasunod si Bright sa likod ko no'n pero hinayaan ko lang siya.

Badtrip lang kasi tanong siya nang tanong sakin.

"Uy, legit ba?"

Napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sa kanya, "Anong legit?"

"'Yong sinabi mo kay Colleen."

Napa-kagat labi ako sabay sabing, "Siyempre, hindi." tapos tinalikuran ko siya at nagsimula ulit maglakad at pinantayan naman niya 'yong lakad ko.

"Akala ko legit na. Pinakaba mo'ko ro'n."

"Kinabahan ka?"

Tumango siya, "Sobra."

Natawa ako kasi ang seryoso ng mukha niya.

Hindi na siya nagsalita at gano'n din ako hanggang sa makalabas kami ng campus.