Chapter 4: CLOSURE
Monday~
Maaga akong pumasok sa eskwela kasi balak kong makausap ngayon si Gab. Pero lunes na lunes e na bwisit agad ako. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa nabalitaan ko o manggagalaiti ako sa galit.
Parang lalabas ang kaluluwa ko sa katawan ko no'ng nabalitaan kong si Gab at si Colleen ay nagkabalikan na.
At ang nakakainis do'n e sinasadya nilang pa-selosin ako. Kaninang umaga nag-send siya ng picture nila ni Gab sa GC ng section namin kung saan 'di kasali 'yong homeroom namin. Tapos sinabi lang niya na na-wrong send siya pero 'di niya 'yon ni-removed sa GC.
Tapos pagdating ko sa classroom e bubungad sakin ang nakalagay sa backboard na "Congrats for the new couple". Alam kong sinadya nila 'yon kasi nilikop talaga nila ang buong blackboard para lang do'n. Tapos itong si Colleen nagpaparinig pa.
"Omg, Girls! Sabi ko na nga ba at mahal pa ako ni Gab." sabi ni Colleen nang malakas na talagang sinadya para marinig ko.
"Oo nga, e. Sobrang gulat kami girl! Siguro kahit no'ng iba na girlfriend niya e ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso niya." sabat ni Jennifer, kaibigan ni Colleen.
"Naku! Kung alam ko lang na ako pa rin pala ang mahal niya, gusto kong mag-sorry kay Danielle," nilingon ko sila no'ng binanggit ni Colleen pangalan ko at nilingon niya rin ako, "Naaawa ako sa kanya." dagdag pa niya.
Dahil do'n, 'di na ako nakapag pigil at tumayo na ako para sugurin sila sana nang bigla akong pigilan ni Callen.
"Wag mo silang pansin. Kapag pinatulan mo sila, baka magkagulo lang at ma-guidance pa kayo. Wag mo nang hintaying ipapatawag parents mo at malaman nilang may boyfriend ka na siyang dahilan ng away niyo ni Colleen."
Dahil sa sinabing 'yon ni Callen ay kinalma ko sarili ko.
Tama siya, baka ipatawag pa sina Mama dahil lang dito.
Pasalamat siya at weakness ko ang malaman ng parents ko na nagka-boyfriend ako. Dahil kung hindi, baka tanggal na 'yang buhok niya sa anit niya kakasabunot ko sa kanya.
"Kung gusto mong gumanti, talunin mo na lang siya sa academics" dagdag pa ni Callen dahilan para kumalma ako lalo.
Bumalik ako sa pagkaupo at kinalma ang sarili. Nagkunware rin akong walang may naririnig sa iba pang mga sinabi ni Colleen at ng mga kaibigan niya.
No'ng mag start 'yong klase, napatingin ako sa blankong upuan ni Bright. Absent siya ngayon. Di ko alam
kong anong mangyare sa kanya. Di ko rin kasi siya nakausap no'ng sabado at kahapon. Since na sa'kin lang din naman 'yong activity sheets namin e ako na nagpasa sa subject teacher namin.
Pagkatapos ng buong klase, do'n na naman ulit nagsimulang magparinig si Colleen.
Saktong nagliligpit pa lang ako ng mga gamit no'n nang bigla siyang magsalita. Di ko alam kung sino kausap. Pero obvious naman na ako pinaparinggan niya.
"See you tomorrow, guys. Nga pala, labas ako saglit, pagpinuntahan ako ni Gab dito, pakisabi lumabas ako. Wag kayong ma confused ha, ako 'yong girlfriend. Hindi 'yong iba d'yan." napatingin siya sakin pagkatapos niyang sabihin 'yon at inirapan ako bigla.
"Alam niyo, pigilan niyo 'ko baka makapatay ako." mahinang sambit ko na siniguradong si Rhian at Ashley lang makakarinig.
"Nagpaparinig na naman. Yabang!" sabat ni Ashley.
"Akala mo naman kung sino. E, siya nga 'tong unang nag cheat." sabat naman ni Rhian.
Tapos biglang tumunog mga messenger namin. Agad naman kaming napatingin do'n kasi akala namin may announcement 'yong teacher namin sa GC pero gulat ako nang makitang GC 'to ng section namin kung saan 'di kasali 'yong homeroom namin.
Nag send si Colleen ng picture nila ni Gab kanina sa may canteen. Ang sweet nilang tingnan sa picture tapos 'yong ngiti ni Colleen e abot hanggang tenga.
"Hindi na 'to normal, nananadya na talaga siya." sabi ni Rhian pagkatapos makita sa GC 'yong sinend ni Colleen.
Inis na inis at selos na selos na ako no'n pero ano nga ba magagawa ko? E, sa mata ng lahat, wala na akong karapatang awayin si Colleen kasi Ex na ako ni Gab at siya na ngayon ang bagong girlfriend. Wala rin akong karapatang magselos kasi sino ba naman ako?
Nainis ako lalo nang magparinig 'yong dalawa niyang kaibigan.
"Mas bagay kayo! Alam mo, solid fan ako ng tandem ninyong dalawa!!" ani Jennifer.
"Ako rin, Bagay kayo. Di gaya ng iba d'yan." sabat naman ni Marian with emphasis sa 'iba d'yan' na alam ko namang kahit 'di niya pangalanan e obvious na obvious na ako 'yon.
"Kasi naman Cheater 'yong iba d'yan!" biglang sabi ni Colleen.
Sa inis ko ay hindi na ako nakapagpigil at sinugod ko siya.
"Ah, cheater pala, ah!" sigaw ko at bigla na lang hinablot 'yong rebonded niyang buhok at sinabunutan siya sa sobrang galit.
Gulat na gulat lahat ng mga ka-klase namin sa ginawa ko kay Colleen pero itong si Colleen e 'di rin nagpatalo at hinablot rin 'yong buhok ko para sabunutan ako. Kung gaano ka sakit 'yong pagsabunot ko sa kanya ay gano'n din ang ginagawa niya sa buhok ko. Ang sakit na no'n, tipong pakiramdam ko e sasama pati anit ko once natanggal itong mga buhok ko dahil sa grabe 'yong puwersa ni Colleen pero siyempre 'di rin ako papatinag at sinisigurado kong masasaktan din siya sa ginagawa kong pagsabunot sa kanya hanggang sa may umawat samin.
No'ng una, akala ko may teacher na. Pero no'ng nilibot ko paningin ko sa paligid, wala. Si Callen 'yong may hawak sakin ngayon tapos 'yong class president na si Richard naman 'yong may hawak kay Colleen at sinigurado nila pareho na 'di na namin abot ang isa't isa at baka magsabunutan ulit kami.
"Walang hiya ka! Sino ka para sabunutan ako, ha?!" galit na galit na sigaw ni Colleen habang matalim na nakatitig sakin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay pagkatapos.
Buti nga sa kanya.
"Magpa rebond ka na lang ulit." sagot ko. "Tingnan mo buhok mo, o." sabay turo sa buhok niya, "Ang gulo."
"Ah, magulo pala ah." sabi niya habang pilit na pumapalag sa paghawak sa kanya ni Richard. "Ang sabihin mo, naiinggit ka lang."
"Ako?" sabay turo sa sarili ko. "Bakit naman ako maiinggit sa buhok mo? E, mas maganda naman 'tong buhok ko. Walang halong kemikal, 'di gaya ng buhok mo."
Narinig kong nagtawanan ang iba sa sinabi ko dahilan para mainis lalo si Colleen at isingit niya 'yong tungkol sa kanila ni Gab, para ako na naman 'yong manahimik.
"Bwisit ka! Kaya ka iniwan ni Gab kasi malandi ka." sabi niya sa mismong pagmumukha ko. Ramdam ko pang tumalsik 'yong laway niya sa mukha ko. Kadiri.
"Hoy! Pwede ba pag sumigaw ka siguraduhin mong 'di tatalsik 'yang laway mo sakin. Baka mahawaan ako ng virus mo sa pagiging cheater!"
"What?"
Napa irap ako bigla.
Bingi ba 'to? Mahal siguro cotton buds sa lugar nila't 'di niya narinig sinabi ko. Kainis tuloy, kailangan ko pang ulitin.
"Sabi ko Cheater!" sigaw ko, siniguradong maririnig na niya.
"Hindi ka lang cheater sa Academics, cheater ka rin pagdating sa Relationship!"
Nakita kong lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Pati mga kaibigan niya e ang tatalim na rin ng mga titig sakin.
"How dare you! Sino ka para sabihing cheater ako? E, wala ka namang proof!"
"Ah, so need mo pa pala ng proof? Jusko, dai! E, kahit ikaw alam mo na 'yan sa sarili mo."
"Wag kang mag imbento ng kuwento. Walang naniniwala sa'yo."
"Really?" tapos napatingin ako kina Ashley at Rhian na nakatayo sa tabi ko. "E, ano sila?" tanong ko kay Colleen habang nakaturo kay Rhian at Ashley.
Napa irap naman si Colleen, "Malay ko ba kung anong kuwento ang inimbento mo at napaniwala mo sila."
"Hoy!" biglang sabat ni Rhian at nakaturo pa kay Colleen, "Hindi siya nag i-imbento ng kuwento. Nakalimutan mo na bang magkaklase tayo no'ng elementary? Alam na namin 'yang mga tinatago mong baho, Colleen!"
Biglang nag step forward 'yong isa sa mga kaibigan ni Colleen na si Marian sabay sabi kay Rhian ng, "Hindi ka ka sali rito kaya manahimik ka."
Pero itong si Rhian e palaban. Ayaw ba naman magpatalo, "E, ikaw? Di ka din naman kasali ah. Ikaw 'tong manahimik dito. Kulang ka sa pansin."
Hindi natuwa si Marian sa sinabi ni Rhian at nag-akma siyang sasampalin sana si Rhian nang biglang hawakan ni Callen ang kamay niya para pigilan siya sa gagawin niya.
"Hoy! Dumistansya ka sa girlfriend mo kung gusto mo pang mabawi itong kamay mo!" galit na sabi ni Callen kay Marian.
Kinilig ang iba dahil sa pinagtanggol ni Callen si Rhian. Pero ako, nagulat ako kasi nabanggit niya 'yong salitang girlfriend kahit na hindi pa naman sila.
Inis na binawi ni Marian ang kamay ni kay Callen at nag-tago ito sa likod ni Colleen.
Magsasalita pa sana si Colleen nang biglang tinapos ni Richard 'yong eksinang nangyayare ngayon.
"Tumigil na kayo, kung ayaw niyong mag-sumbong ako sa homeroom na'tin." ani Richard dahilan para magsi-alisan ang lahat at bumalik sa kanya kanyang ginagawa.
Ako naman e hinila na nina Rhian at Ashley para matigil na kami ni Colleen. Samantalang si Colleen at ang mga kaibigan niya naman e lumabas muna para magpalamig.
Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim habang tinatapik tapik ako ni Rhian sa braso.
"Okay ka lang, Deyn?" tanong ni Rhian at tumango naman ako.
"Deserved niya 'yong pagsabunot mo sa kanya kanina. Dapat lang 'yon sa kanya. Sumusobra na siya, e." sabat naman ni Ashley.
Lumapit sakin si Callen bigla na parang may gustong sabihin. Tinaasan ko naman siya ng kilay na tila tinatanong kung bakit.
"Alam mo, para matapos na 'to, kausapin mo na lang si Gab. 'Yon lang naman 'yon, e. Kailangan mo ng closure. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. At para na rin maliwanagan ka."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Callen. Sa ngayon kasi, parang ayokong harapin at kausapin si Gab. Baka kasi masaktan lang ako lalo kapag nilinaw niya sakin ni hindi na talaga ako ang mahal niya.
"Tama si Callen. Alam naming kailangan mo ng closure." pagsang-ayon ni Rhian. Gusto ko sana silang tuskuhin ngayon dahil sa sinabing 'girlfriend' ni Callen kanina kaso lang wala ako sa mood para d'yan. Maybe, next time.
"Oo nga." pagsang-ayon din ni Ashley. "Kausapin mo na lang siya. Kung si Colleen talaga ang mahal niya, edi okay. Nandito lang kami, tutulungan ka naming mag moved on."
Napabuntong hininga na lang ako. Since tatlo silang sang-ayon na makausap ko si Gab, siguro wala namang masama kung kakausapin ko nga siya.
"Pero ang tanong, paano ko siya makakausap?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ako ang bahala." sagot ni Rhian. "Pupuntahan ko siya sa room nila. Dito ka lang." tapos lumabas siya ng classroom at pumunta sa pinakadulong classroom which is 'yong classroom nina Gab.
Naiwan naman kaming tatlo nina Ashley at Callen. That time, tatlo na lang kami sa Classroom kasi nagsi-alisan na mga ka-klase namin para umuwi na. Sina Colleen naman e 'di na bumalik. No'ng lumabas kasi sila kanina e dala na nila mga bag nila. And I'm sure 'di na sila babalik dito kasi wala na silang gamit na babalikan dito.
No'ng bumalik si Rhian kasama na niya si Gab. That time, biglang lumakas kabog ng dibdib ko nang makita ko si Gab na nakasunod sa likod ni Rhian. Di ko alam kung papano siya na convince ni Rhian na kausapin ako ngayon. Pero 'di na importante 'yon. Dahil ang importante ay nandito siya ngayon.
Bago pa man kami mag-usap ni Gab ay iniwan na kami nina Rhian sa classroom. Chat na lang daw ako mamaya sa kanila pag uwi ko. Paglabas nila, ang awkward kasi walang ni isang naunang magsalita samin ni Gab. Dati, hindi naman ganito ka awkward. Di ko naman na feel 'yong ganito kasi nasanay ako na lagi siyang nag a-adjust. Pero ngayon hindi na.
Iba talaga kapag hindi na ikaw.
Siguro mga halos mahigit isang minuto rin kaming tahimik lang hanggang sa ako na 'yong naunang magsalita.
"Si Colleen. . . kayo na, diba?" nilingon niya ako pagkatapos kong itanong 'yon sa kanya at nagbigay ng maliit na tango. "Bakit gano'n, kayo na agad? E, kaka-break lang na'tin no'ng saturday."
Gusto ko pa sanang idugtong ang 'hindi naman ako sumang-ayon sa break up. Bakit nagdesisyon kang mag-isa?'
Hays.
"Nasabi ko na sayo, nilinaw ko na. Pagod na ako sa relationship na'tin." sagot niya.
"Ah, so sa'tin pagod ka na. Pero sa inyo ni Colleen, hindi?" sa inis ko ay napalakas boses ko pagkasabi ko no'n dahilan para matahimik si Gab. "Gab, anong nagawa kong mali? Sabihin mo, hindi ko kasi maintindihan, e. Hindi ko ma gets kung bakit bigla kang napagod."
"Hindi mo rin kasi naiintindihan." halatang naiinis niyang sabi. "Tsaka, diba may something na sa inyo ng transferee na 'yon? Ba't 'di ka na lang sa kanya?"
Sinamaan ko siya ng tingin matapos malaman na parang pinagtutulakan niya ako kay Bright.
"Bakit mo ba dinadamay si Bright dito? Wala siyang alam dito. Kung ano 'yong mga pinagsasasabi sa'yo ni Colleen wag mo siyang paniwalaan. Kasi sinisiraan lang niya ako sa'yo." pagpapaliwanag ko.
Natahimik ako saglit habang pilit na kinakalma ang sarili. Hanggang sa magsalita ulit ako, "Pwede ba, makinig ka naman sakin. Wag kang makinig kay Colleen, kasi kilala mo naman siya diba? Niloko ka niya dati, hindi mo man lang ba naisip na kaya ka niyang lokohin ulit?"
Napa iwas ng tingin si Gab at ibinaling niya 'yon sa labas ng bintana. Gusto kong hawakan 'yong mukha niya para iharap 'yon sakin sakin pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin 'yon.
Ayoko pang matapos ang usapan namin sa ganito. Kasi sa totoo lang, gusto kong magkaayos pa kami ni Gab. Gusto kong balikan niya ako kasi 'di ko kayang wala siya.
Parang gusto ko nang maiyak sa harap niya pero pinipigilan ko lang kasi baka isipin niya na iyakain ako.
Napatingin ako sa baba habang humuhugot ng lakas ng loob na magsalita.
"Gab, pwede bang bumalik tayo sa dating tayo?" pagmamakaawa ko.
Nilingon naman niya ako. Pero wala sa reaksyon niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ko.
"Please naman. Ako na lang, kaya din naman kitang mahalin. Sabihin mo lang kung kulang, pupunuin ko. Bumalik ka lang sakin."
Umiling si Gab, "I'm sorry, Deyn. Pero mahal ko si Colleen." lumapit siya sakin at niyakap ako. Bigla akong naiyak kasi alam kong ito na 'yong huling beses na yakap niya ako. "Na fall out lang talaga ako. At na realized ko na si Colleen pa rin pala." nang bumitaw na siya sa yakap sakin ay tinapik niya ako sa balikat. Pero kinuha ko 'yong kamay niyang 'yon at hinawakan ng sobrang higpit.
"Gab, sabihin mo, minahal mo ba ako?"
Tinanong ko 'yon kasi gusto kong malaman kung minahal din ba niya ako sa loob ng tatlong buwan na naging kami o baka naman hindi siya sigurado at sinubukan lang niya akong mahalin.
Tumango si Gab, "Dati." sagot niya. "Pero 'di na ngayon. Kasi si Colleen na ang mahal ko."
Unti unti kong nabitawan ang kamay niya at dahan dahan akong umatras papalayo sa kanya.
Kung 'yong naramdaman ko no'ng nakaraan e 'yong parang tinutusok ng karayom 'yong puso ko, ngayon hindi na basta karayom lang, kasi parang binabaril na 'yong puso ko sa sobrang sakit ng sinabi niya.
Ang sakit palang marinig ang katotohanan. Lalo na 'yong bagay na alam mo pero hindi mo lang matanggap kaya ka nagkukunwareng bulag-bulagan at bingi-bingihan.
Mas matatanggap ko pa kung sasabihin niyang mahal pa rin niya ako ngayon, pero mas mahal lang niya si Colleen. Hindi 'yong mahal lang niya ako dati pero na fall out siya at bigla niyang na realized na si Colleen pa pala talaga ang sinisigaw ng puso niya.
Umalis si Gab at naiwan naman akong mag isa sa classroom. Sa totoo lang, parang gusto ko siyang habulin at sampalin para at least makaganti man lang ako sa ginawa niya. Nasaktan ako ng sobra at hindi ko alam kung papano ko malalagpasan itong pagiging broken ko.
Nagulat ako nang may pumasok sa classroom. Sa isang pinto siya dumaan which is sa pinto kung saan nakatalikod ako kaya 'di ko nakita kung sino. At wala naman akong balak alamin kung sino 'yon kasi obvious naman na ka-klase ko 'yon na baka may naiwang gamit dito sa classroom kaya niya binalikan.
Nagpunas ako ng luha at inayos ang sarili ko nang biglang magsalita 'yong ka-klase kong pumasok.
"Late na ba ako?"
Agad akong napalingon sa kanya no'ng marinig ko ang pamilyar niyang boses.
"Bright?" gulat kong sabi.
Napatingin amo sa sout niya, naka t-shirt na plain na kulay brown siya no'n tapos naka short na panglalake. Napatingin pa ako sa hawak niyang Zz plant na kung hindi ako nagkamali 'yon 'yong Zz plant na tinitinda sa pinuntahan namin tindahan ng mga halaman no'ng friday. "Anong ginagawa mo rito?"
Abot hanggang tenga 'yong ngiti niya no'n samantalang ako e gulat na gulat nang makita siya rito.
Lumapit siya sakin dala 'yong halaman niya.
"Tinext ako ni Callen. May problema ka raw. Kaya pumunta ako rito." sagot niya at nilapag ang halamang dala niya sa ibabaw ng armchair ng upuan at umupo siya ro'n tapos pinalo niya 'yong puwet ng isang upuang katabi ng inuupuan niya sabay sabing, "Dito ka."
Di naman ako nagdalawang isip at umupo na ako. Ang itsura ko pa naman ngayon e pinapaligiran ng pawis ang buong mukha at halatang kakagaling lang sa iyak.
"Kanina ka pa ba nandito?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Naisip ko kasi na baka kanina pa nga siya nandito pero 'di lang pumasok. At napatunayan 'yon nang tumango siya.
"Actually, narinig ko usapan niyo. Sorry."
Napayuko ako bigla nang maramdaman kong tutulo na naman 'yong mga luha ko. Kainis! Bakit ba kasi ang babaw nitong mga luha ko?
Sa palda ko lang ako nakatingin no'n kasi ayokong makita niyang iiyak ako. Pero nagulat ako nang mag-offer siya sakin ng tissue na 'di ko alam kung saan niya kinuha o baka sadyang binaon niya kasi expected niya 'to?
Agad ko namang kinuha 'yong tissue at nag thank you sa kanya. Sa totoo lang, 'di ko dapat kukunin 'to kaso lang 'di ako marunong tumanggi. Para bang, nahihiya ako kaya lagi na lang akong napapa-oo. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito.
Habang pinupunasan ko ang mga luha ko pinapakinggan ko siya sa mga sinasabi niya.
"Wag kang mag habol sa taong 'di ikaw ang habol. Mahihirapan ka lang habulin siya. Lalo na't 'di na ikaw ang habol niya."
Di ako makatingin sa kanya no'n kasi 'di ko alam kung ano sasabihin ko.
"Kung alam mong 'di na ikaw, wag mo nang pilitin. Kasi ikaw lang din ang masasaktan, samantalang siya masaya na sa iba." dagdag pa niya.
Narinig ko pang napabuntong hininga siya bago ulit nagsalita.
"Alam mo, kung ayaw niyang makinig sa paliwanag mo, wag ka nang mag explain, kasi ibig sabihin no'n, hindi na talaga siya interesado sa'yo. Hindi dahil sa nagkamali ka or may nagawa ka kaya siya nagalit sa'yo. Kasi kung mahal ka niya, papakinggan ka niya, papaniwalaan ka niya at sa'yo lang siya papanig kahit ano pa ang sabihin ng iba. . . Pero dahil hindi na ikaw, wala na siyang pakialaman sa mga dahilan mo."
Dahan dahan ko siyang nilingon. Nakakabilib 'yong mga sinasabi niya. Kumbaga, parang nasasabi ko na itong lalakeng 'to e baka naranasan na rin ang mga ganitong klaseng problema sa love at ang galing niya sa mga sinasabi niya. Para bang expert na siya sa mga ganito. Siguro grabe 'yong napagdaanan niya sa past life niya kaya siya ganito. Ewan ko ba.
"Uy, okay ka lang?" sabi ko nang mapagtanto kong ang seryoso niya. Tipong parang siya pa 'tong nasa posisyon ko.
"Iniisip lang kita." sagot niya. "Worried ako sayo. Isa pa, naiinis kasi ako kapag may mga ganito akong na e-encounter."
Biglang gumaan pakiramdam ko pagkatapos niya sabihin 'yon. Di ko alam kung bakit pero nakakagaan pala sa pakiramdam kapag alam mong may taong iniisip ka at nag aalala sayo, 'no?
Pero bakit parang ang OA naman yata nitong si Bright? Pinuntahan pa talaga ako rito dahil lang sa tinext siya ni Callen samantalang absent siya kanina sa klase. Di ko tuloy napigilan sarili ko at napatanong ako sa kanya kung bakit siya absent kanina. E, mukhang wala naman siyang sakit.
"Ba't absent ka kanina?"
Alam kong ang random ng tanong ko. Pero ngumiti siya bigla. Tipong parang tinutukso ako.
"O? Na miss mo'ko?" sabi niya na may panunuskong tono.
Napa irap naman agad ako.
"Kainis ka. Seryoso ako."
"Sorry na. Ito naman, 'di mabiro." tapos nag seryoso siya, "May pinuntahan kami ng family ko. Alas tres na kami nakauwi. Tapos biglang text sakin si Callen."
"Kaya pinuntahan mo ako agad dito?"
"Ay hindi, si Callen." sarcastic niyang sabi kaya inirapan ko ulit siya. Tapos tumawa siya sabay sabing, "Oo na, ikaw na pinuntahan ko. Ano, masaya ka na?"
Sa totoo lang, napangiti ako bigla. Maliit na ngiti lang kasi sinusubukan kong wag ngumiti ng tudo baka lumaki ulo ng isang 'to.
Bigla siyang tumayo at binigay sakin 'yong Zz plant, "O, regalo ko sayo. Bagong aalagaan kapalit do'n sa bigay sa'yo ng Ex mo."
Napatingin ako sa Zz plant. Na excite tuloy akong alagaan 'to.
"Binili mo talaga 'to para sakin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya, "Pansin ko kasi na parang gusto mong bilhin 'to no'ng nando'n tayo. Kaya naisip ko na bilhin na lang para sayo."
'Yong kaninang nagpipigil na ngiti e biglang 'di ko napigilan at umabot na hanggang tenga dahil sa tuwa.
"Wag kang mag alala, low maintenance lang 'yan. Sakto 'yan sa kagaya mong nakakalimot magdilig ng halaman."
Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti matapos niyang sabihin 'yon sabay sabing, "Wow, ha! Pero thank you!"
"Wala 'yon. Sana maka move on ka na rin d'yan sa walang puso mong Ex."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Uy, ang harsh mo. May puso rin 'yon."
"Ito naman. Ang defensive. Kaya hirap kang maka move on, e."
Tama siya.
Mahihirapan talaga akong maka move on. Ni 'di ko nga alam kung kakayanin ko bang makita sila ni Colleen lagi na magkasama. Baka ikamatay ng puso ko 'yon.
Napayuko ako bigla, "Hindi ko alam kung kakayanin kong mag move on. Kung pwede lang sanang utusan ang puso, siguro nagawa ko na ngayon."
Hinawakan ko 'yong pot na kulay puti ng Zz plant habang nakatitig lang do'n.
"Ang unfair 'no? bakit ba kasi sa huli hindi na parehas ang nararamdaman ng puso ng dalawang tao? Tipong, sabay naman kayong na inlove, parehas ang tinitibok ng puso niyo, pero bakit may isang napapagod? May nawawalan ng feelings at biglang fall out? Tipong siya pa 'yong gusto ng puso mo pero 'yong puso niya iba na ang gusto."
Hindi siya nakapagsalita no'n. Isang malalim na buntong hininga na lang ang ginawa ko at nilingon siya.
"Ikaw, ano sa tingin mo?"
Tapos nakita kong parang 'di niya inexpect na itatanong ko 'yon sa kanya. Pero wala siyang choice kundi ang sagutin ang tanong ko.
Napalunok muna siya bago nagsalita.
"Hindi ko alam." sagot niya. "Basta, ang alam ko lang, ibang klase ang mga babaeng gaya mo."
Hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Ang random kasi kaya napatanong ako kung anong ibig niyang sabihin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang mga babaeng kagaya mo, malalambot ang puso tapos napaka sensitive. Kumbaga, binibigay niyo lahat ng tiwala at pagmamahal niyo sa isang tao. Grabe kayo kung magmahal, pero grabe rin kung masaktan." tapos napakamot siya sa ulo niya sabay sabing, "Di gaya ng ibang mga babaeng kayang i-handle ang sarili kapag na sangkot sa break up."
Natameme lang ako sa kanya habang pinapakinggan siya sa sinasabi niya.
Sa totoo lang, nakakabilib siya kasi may sense ang mga sinasabi niya. Siya lang ang kilala kong ganito.
Napatingin ako sa buong mukha niya. Do'n ko na realize na cute pala siya kung titigan ng maigi. Na attract ako sa mapuputi niyang ngipin kapag nagsasalita siya. Lalo na 'yong dalawa sa gitna na parang bunny. Ang cute lang.
No'ng time na 'yon, may tinanong siya sakin. Pero 'di ko narinig kung ano 'yon kasi naka focus ako sa dalawang ngipin niyang nasa gitna. Hindi ko na rin pinaulit sa kanya 'yong tanong niya kasi baka sabihin niyang 'di ako nakikinig sa sinasabi niya kahit na nakatitig ako sa mukha niya. Kaya ang ginawa ko na lang e ang tumango kahit na 'di ko alam kung ano 'yong tanong niya. Basta, tumango lang ako.
Tapos tinapik niya ako sa braso sabay sabing, "If you don't have anyone else, remember you have yourself."
Tapos nagpaalam na siya sakin kasi marami pa raw siyang gagawin sa bahay nila. Tumango lang ako sa kanya as a sign of 'okay'.
Pero bago siya umalis palabas ng pinto e nilingon muna niya ako. Nando'n na siya sa mismong pinto no'n na tila pa alis na pero sadyang tumigil dahil lang sa may sasabihin siya sakin.
Basta, para lang akong nanigas no'n at 'di alam ang naramdaman no'ng sinabi niyang,
"Basta, kung kailangan mo ng fake boyfriend para maka move on, nandito lang ako."