CHAPTER 24 LETTER B
Ngayong araw na 'yong exam. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko ngayon dahil kay Bryle. Ni hindi pa nga ako nakapag pasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang tulong sakin no'ng isang araw. Kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon e medyo masama pa rin ang nararamdaman ko.
Handa narin akong mag take ng exams ngayong araw. Sana lang ma-perfect ko lahat ng exams kasi inilaan ko talaga ang buong oras ko para lang mag-aral at ma-perfect 'yong exams. Pero kung hindi ko naman ma-perfect, sana ako pa rin 'yong makakuha ng pinakamataas na score sa buong klase.
No'ng nag start na 'yong exams, panay tingin ako kay Bright. Hindi ko naman siya lilingunin kung hindi siya mukhang problemado ngayon.
Ewan, para siyang may sakit at base sa itsura niya. Parang buong gabi siyang umiyak. Di ko alam kung tama nga ba itong pinag-iisip ko. Kitang-kita ko 'yong itim sa ilalim ng mata niya na parang 'di masyadong nakatulog kagabi. Ano ba ang nangyare sa isang 'to?
Habang sinasagutan ko 'yon exam, hindi ko maiwasang isipin kung okay lang ba siya o hindi. Ilang beses kong pinapagalitan sa isip ko ang sarili ko dahil sa gitna ng mga ginawa niya, nagawa ko pa ring mag alala ngayon sa kanya.
Kung meron mang dapat mag-alala dito, si Ashley 'yon at hindi ako. Siya lang ang mas may karapatan kasi siya 'yong girlfriend at alam kong alam niya kung ano ang pinagdadaanan ni Bright ngayon at kung bakit siya nagkakagano'n. Bahala na siya sa buhay niya.
Muli akong nag focus sa exam para sagutan 'yon. Pero ang nakakagulat ay wala pang 10 minutes no'ng mag start 'yong exam namin ay tumayo na si Bright at pinasa 'yong papel niya na tila tapos na siyang sagutan ang exams.
Do'n ako napahanga kasi nasagutan niya lahat ng items in less than 10 minutes. Na kahit ako e 'di ko 'yon magagawa. Siguro mga 20 minutes keri ko pa. Pero 'yong 10 minutes? Impossible.
Dahil do'n, na pressured ako bigla. Ang bilis niyang natapos 'yong exam. Naisip ko na what if siya ulit 'yong mapunta sa rank 1? Papano na ako? Pangalawa lang ba ulit ako? O mapupunta sa pangatlo o mas mababa pa do'n?
Napailing na lang ako sa naisip ko.
Muli akong bumalik sa pag focus sa pagsagot ng exam. Si Bright naman ay lumabas na ng classroom kasi kapag tapos kana, pwede ka nang lumabas. Ako 'yong pangalawang nakatapos sa klase namin at sunod naman 'yong iba.
Pagkatapos ng exam, 'di ko na siya nakita. Siguro umuwi na siya. Ang aga naman niyang umuwi ngayong araw. Ni hindi man lang niya hinintay si Ashley. Di ko alam kung nag-away ba silang dalawa kagabi kaya gano'n si Bright kanina.
No'ng sumunod na araw, pinapatawag ng teacher namin sa faculty si Bright. That time, absent siya. Di ko alam kung anong dahilan at absent siya. Pero sabi ng teacher namin, may problema daw sa mga result's ng exams niya. Mababa daw kasi. That time, 'di lang ako ang nagulat kundi kaming lahat. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang makakakuha siyang ng mababang score?
No'ng nag announced ng rankings, hindi siya nakasama. Sa katunayan nga, siya 'yong nasa pinakadulo. Tap 20 siya sa buong buong klase at ako naman ang nasa top 1.
Oo, top 1 ako ngayon. Pero bakit hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa? Tipong parang wala lang sakin na napunta ako sa top 1 kasi iniisip ko ay si Bright. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya at hinayaan niyang maagaw ko sa kanya ang spot na 'yon. At talagang parang sinadya niyang balewalain 'yong exams kasi no'ng binalik samin 'yong mga test papers namin, nakita ko 'yong test paper niya at nakita kong puro letter B ang lahat ng sagot niya. Multiple choice lang naman kasi 'yong exams namin. Mula A hanggang D naman 'yong choices pero bakit puro B ang sagot niya?
Anong meron sa letter B at ganito lahat ng sagot niya? E, kunti lang 'yong tamang sagot na letter B sa questions kaya talagang mababa 'yong score niya.
Halos napatulala ako habang nakatitig sa test paper niyang 'yon nang lapitan ako ni Callen.
"Nasisiraan na siya ng bait." saad ni Callen. "Tingin ko, sinadya niya 'yan dahil sayo."
Inalis ko naman ang mga tingin ko sa test paper na 'yon at ibinaling ang mga tingin kay Callen.
"Dahil ba gusto niya akong maging top 1?"
"Mali ka."
Mali ako?
E, ano ang dahilan?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi mahal ka niya." sagot niya.
"Baliw, ang layo naman ng dahilan na 'yan—" napatigil ako sa pagsasalita ng agawin sakin ni Callen 'yong test paper ni Bright na hawak ko.
"Hindi mo ba nakikitang puro B ang sagot niya."
"Nakikita ko. Pero ano naman?"
Napakamot siya sa ulo niya na tila na badtrip, "Ang slow mo naman. Top 1 ka pa naman." tapos inexplain niya sakin kung bakit nga ba puro letter B ang sagot ni Bright. "B means Broken. At mahal ka ni Bright. Pero dahil hindi na kayo gano'n ka close kagaya no'ng dati, bigla siyang na broken hearted. Broken si Bright, Deyn. Di lang niya masabi sayo pero halatang Broken siya."
Ano raw?
Ang gulo naman nitong si Callen.
"Alam kong weird 'to pakinggan at 'di ka maniniwala. Pero malakas ang kutob ko na sa inyong dalawa ni Ashley, lamang ka."
"Teka, hindi kita maintindihan, bakit mo sinasabi sakin 'to, Callen? Lalo mo'kong pinapaasang may pag-asa ako kay Bright."
"Wala siyang sinabi sakin, pero sa tuwing kasama ko si Bright, ikaw naman talaga lagi ang iniisip niya at hindi si Ashley. At bilang lalake, alam ko kung anong ibig sabihin no'n. Maniwala ka sakin, Deyn. Malakas ang kutob ko na ikaw ang gusto niya."
Halos hindi ako makatulog sa sinabing 'yon ni Callen. No'ng time na 'yon, muling nabuhayan ang puso ko na umasang kahit kunti ay may nararamdan din sakin si Bright.
No'ng mga araw na 'yon, lagi ko nang inaabangan 'yong pagbalik niya sa school. Pero lumipas ang apat na araw, hindi siya pumasok. Ni hindi ko na rin siya ma contact. Wala akong update tungkol sa nangyayare sa kanya. Kahit si Callen o kahit si Ashley rin mismo ay hindi alam kung nasan siya ngayon. Kasi no'ng inutusan ko si Callen na puntahan si Bright sa bahay nila, ang sabi ni Callen walang tao sa bahay nila.
Nalaman ko na rin na Break na silang dalawa ni Ashley. Tinanong ko si Rhian kung ano ang dahilan ng break up ni Ashley at Bright pero hindi alam ni Rhian ang dahilan.
No'ng time na 'yon, panay iyak lang si Ashley habang kinu-comfort siya ni Rhian. Ako naman, nakatitig lang sa kawalan habang pilit na pinipigilang bumagsak ang mga luha ko.
I was hurt too, and no one was there for me.
But it's okay.
***
Pag uwi ko ng bahay, nakita ko 'yong Zz plant sa labas ng gate namin. Sa sobrang gulat ko kung bakit nandito 'yon ay nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid para hanapin kung sino ang nagbalik no'n dito. Pero iisang tao lang naman ang pwedeng gumawa no'n.
Si Bright.
Muli akong napatingin sa Zz plant at nang makita kong may nakapatong na envelope sa pot ay napaluhod ako para kunin at basahin kung ano ang nakasulat do'n. Pero bago ko binasa 'yon ay muli akong napatingin sa paligid ko.
Nagbabakasakali akong baka makita ko siya rito. Pero wala kaya muli kong ibinaling ang paningin ko sa sulat at nagsimulang basahin 'to.
"Just like plants, I want you to grow confidently. The one who could give people's smiles, and shares a good vibes. I love you as always."
—Sunflower
Sunflower??
Anong ibig sabihin nito??
Siya ba si Sunflower na admin ng writers love na sobrang hinahanggan ko dahil sa mga tulang sinusulat niya?
Impossible.
Kung siya si Sunflower, bakit hindi niya sinabi sakin? Alam niyang fan na fan niya ako pero bakit tinago niya?
"My brother loves you that much."
Napalingon ako sa likuran ko. Nang makita ko ang isang familiar na itsura, si Bright agad ang nasa isip ko. Pero hindi siya 'to kasi kakabanggit lang niya ng salitang 'Brother'.
"Si Bryle 'to." dagdag pa niya.
"Di naman ako nagtanong."
"Nakita ko sa mukha mo na na co-confuse ka kaya sinagot ko na."
"Advance ka rin, e 'no." mahinang sambit ko pero parang narinig ata niya 'di lang siya nag react.
"I came here to tell you this," tapos huminga siya ng malalim bago nagsalita, "Mag ingat ka lagi sabi ng brother ko. Alagaan mo sarili mo at—"
"Teka," pigil ko. "bakit mo sinasabi 'yang mga ganyan? Parang nagpapaalam."
"Patapusin mo muna ako." pakiusap niya kaya tumango naman ako. "Mahal ka niya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon.
Bukod kay Callen si Bryle lang din ang nagsasabi nito. Di ko na alam kung maniniwala na ba talaga ako o baka pinaglololoko lang nila ako.
Maniniwala lang naman kasi ako kung si Bright talaga ang magsasabi sakin nito.
"Nagsinungaling ako no'ng sinabi ko sayo na si Ashley 'yong laging bukang bibig niya." pagpapatuloy niya. "Because the truth is ikaw naman talaga." aniya na ngayon e hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi. "That's the reason kung bakit ko alam ang pangalan mo kahit na hindi ka naman nagpakilala sakin no'n."
Shet! Sabi ko na nga ba, e.
"Sa umaga puro Danielle, sa gabi Danielle pa rin." napangisi siya bigla pero tinuloy pa rin niya 'yong sinasabi niya, "Halos wala na siyang ibang bukambibig kundi pangalan mo."
Di ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Basta, naguguluhan ako ngayon.
Bakit ba sinasabi sakin ni Bryle 'to? Para sa'n ba 'to?
"Kung gusto niya ako, bakit niya sinabing si Ashley ang mahal niya at hindi ako?"
"My brother has his reason kung bakit niya binaliktad ang lahat."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Binaliktad??"
"Ang totoo kasi niyan, bumili ng bahay at lupa si Daddy sa ibang lugar. At ang lugar na 'yon ay malayong-malayo mula rito sa lugar na 'to, Danielle."
"At tapos?"
"No'ng time na 'yon, magtatapat na sana ng feelings sayo ang brother ko. Pero nalaman agad niya na hindi magtatagal at lilipat na kami ng bahay. Kaya naisip niya na wag nang ituloy ang pag amin niya ng feelings at nag decide siyang kalimutan ka."
Hindi ako makapaniwala. Ang buong akala ko hindi talaga niya ako mahal. Ilang beses akong nagalit kasi ang buong akala ko ay si Ashley talaga ang mahal niya.
"Pero bakit kailangan niyang gamitin si Ashley para kalimutan ako?"
"Hindi niya ginamit si Ashley." paglilinaw niya. "Sinubukan niyang mahalin si Ashley dahil nagbabakasakali siyang pag nangyare 'yon ay makalimutan ka niya."
Napa-iling ako, "Hindi ko ma gets. Bakit si Ashley sinubukan niyang mahalin kahit alam niyang lilipat na kayo ng bahay?" naguguluhang tanong ko. "Tsaka, e ano naman kung lilipat na kayo? Marami namang paraan para ma contact namin ang isa't isa kahit na magkalayo kami, hindi ba?"
"Naisip kasi niya na kapag minahal ka niya, baka masaktan ka lang niya. And my brother doesn't want you to get hurted again lalo na't do'n ka nanggaling no'ng mga panahong nakilala ka niya."
Bigla akong napa-hagolgol sa pag-iyak nang sabihin 'yon ni Bryle.
Hindi ko in-expect na nag-aalala parin pala siya sa nararamdaman ko. Hindi ko in-expect na ganito siya ka caring. Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong klase ng tao. Bibihira lang ang mga gaya niya. Ang buong akala ko nagbago na 'yong Bright na nakilala ko noon. Hindi pa pala. Kasi hindi man niya pinakita sakin kung papano siya mag-alala, ngayon ramdam na ramdam ko na.
"Sinabi niya sakin ang lahat ng 'to. Tsaka may dapat kang malaman tungkol sakin."
Natahimik ako sa pag iyak at pinakinggan 'yong dapat kong malaman tungkol sa kanya.
"The one who took the exam two months ago was not him. It was me, Deyn."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang malaman ko ang katotohanan.
No'ng first quarter ay hindi si Bright at pumasok sa school para mag take ng exam kundi si Bryle?
Grabe! Hindi ako makapaniwala.
"Nagpanggap akong si Bright kasi no'ng time na 'yon nag swap kami ng buhay. I pretended to be him while he pretended to be me."
Halos mapatulala ako sa gulat nang malaman ko ito.
Hindi ko alam na nangyayare rin pala ang mga bagay na 'to na akala ko ay sa mga movie ko lang mapapanood.
"Hindi ko naman in-expect na kapag ma perfect 'yong mga exams niya ay siya 'yong mapupunta sa top list ng section ninyo. Nagalit ka raw sa kanya no'ng time na 'yon. Pero hindi mo siya dapat sisihin kasi ako talaga 'yon. Kasalanan ko, Deyn."
Buong akala ko si Bright 'yon. Nagalit pa ako sa kanya no'ng time na 'yon at halos kamuhian ko siya pero ngayon malalaman ko na lang na si Bryle pala 'yon.
Bakit ba kasi kailangan niyang itago sakin na may kambal siya? Hindi ko tuloy alam ang mga nangyayare sa kanya.
"At 'yong lalakeng nagdala sayo sa clinic at bumili ng gamot mo nong isang araw, hindi ako 'yon."
Muli, gulat na naman ang naging reaksyon ko sa narinig ko.
"Si Bright 'yon. He borrowed my jacket at kinailangan niyang magpanggap na ako kasi mag-aaway sila ni Ashley kapag nilapitan at kausapin kapa niya."
So no'ng isang araw, 'yong lalakeng sumalo sakin no'ng nahilo ako at muntikan nang matumba ay si Bright? Nagpanggap lang siyang si Bryle dahil kay Ashley.
Kaya pala ang lakas ng kutob ko na siya 'yon kasi siya naman talaga 'yon.
"At Deyn, gusto rin niyang aminin sayo na siya 'yong isa sa mga admin ng page."
"Siya si sunflower, tama?"
Dahan-dahang tumango si Bryle.
Grabe. Isa pa 'to. Bakit ang daming revelations? Hindi ko na keri 'to.
"Gusto ko siyang makita at makausap. Nasan siya?"
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Bryle at napayuko. "Wala na siya dito, Deyn. Umalis na siya kasama nina Mommy at Daddy sa bagong bahay namin no'ng nakaraang araw pa. And maybe, this is the last time na makakausap kita kasi bukas uuwi na rin ako do'n."
No, this can't be. Hindi pwede 'yon.
"Papuntahin mo siya rito. Ilang araw siyang hindi nagpakita sakin. Tapos ngayon ikaw ang nagsasabi sakin ng lahat ng 'to na kung sa katunayan naman ay siya ang dapat sa magsabi nito sakin. Ano? Naduduwag ba siya?!" Sigaw ko.
"Deyn, kalimutan mo na siya. Kasi sinusubukan na rin niyang kalimutan ka."
Napa-iling ako, "Hindi. Bakit kailangan niya akong kalimutan? Kung mahal niya ako edi ipaglaban niya ako. Ano naman kung magkalayo kami, diba? Marami namang paraan para ma contact namin ang isa't isa. Distance isn't the problem if we really loved each other. At kung pwedeng puntahan ko siya kahit gaano pa kalayo 'yong lugar na nilipatan niyo gagawin ko."
"Hindi 'yon gano'n kadali, Deyn."
Natahimik ako at nagpatuloy na lang sa pag iyak.
"Madali lang sabihin 'yan pero sa totoo lang mahirap gawin. Sobrang hirap. Mapapagod ka lang at—"
"Hindi ako mapapagod, Bryle. Hindi ako mapapagod mahalin ang taong mahal ko."
"Pero iba na ngayon. Hindi na tayo nakakasigurado kung hanggang kailan tatagal 'yang nararamdaman mo sa kanya at kung hanggang kailan tatagal 'yong nararamdaman niya ngayon sayo."
Natahimik ako habang iniisip 'yong sinasabi ni Bryle.
Hindi nga ako nakakasigurado kung hanggang kailan magtatagal itong nararamdaman ko sa kanya at 'yong nararamdaman ni Bright sakin. Pero ano naman? Bakit kailangan problemahin ang mga bagay na 'yon kung pwede namang mag focus muna sa kung ano 'yong ngayon.
"Maybe, mahal niyo nga ang isa't isa ngayon. Pero pano kung bukas, o sa makalawa hindi na? Papano pag bigla na lang magbago ang lahat? Masasayang lang ang oras mo, Deyn."
Fvck! Bakit ba kasi ganito ka hirap ang sitwasyon naming dalawa?! Bakit kailangan sakin mangyare 'to? Bakit lagi na lang pinagkakait sakin ang taong mahal ko? Bakit ganon?!
"Deyn, you need to move on. Kalimutan mo na ang brother ko. I want you to start a new life. Baka hindi talaga siya ang para sayo. And maybe, you deserved someone better."
Niyakap ako ni Bryle habang humagolgol ako sa pag iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon. Pero ang bigat sa pakiramdam at ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung papano mawala itong sakit na nararamdaman ko ngayon.
It wouldn't be this painful if my feelings for him is not real.