CHAPTER 23 BLACKMAIL
Umagang-umaga na bwisit ako kay Callen. E, pano ba kasi 'yan, tinawanan ba naman ako at sinabihang nababaliw na nang sabihin ko sa kanya na may kambal si Bright.
Ilang beses kong ipinaliwanag 'yong mga nangyare kahapon kung papano ko nakasalamuha 'yong kambal ni Bright na muntik na akong masagasaan ng motor niya pero itong si Callen ayaw talagang maniwala.
Kaya ko nga sinabi sa kanya 'to kasi baka alam niyang may kambal nga si Bright. Bukod kasi sakin, siya lang din 'yong close friend ni Bright. Kaya possibleng sinabi 'yon sa kanya ni Bright at alam niya. Pero heto siya ngayon, ayaw maniwala. Meaning, hindi rin na kwento sa kanya ni Bright ang tungkol sa kambal niyang si Bryle.
"Nababaliw kana ba, Deyn? 'Yan ba naidulot sayo ng pag friend zoned niya sayo?" natatawa niyang sabi habang pinupunasan 'yong gilid ng mata niya na tila naluluha na sa sobrang tawa.
Sira talaga siya.
Kailangan ba talaga niyang ipaalala sakin ang salitang friend zone? Grabeng realtalk 'yon, ah. Tagos sa puso.
Napairap naman ako nang sabihin niya 'yon.
"Pwede ba, maniwala ka naman sakin. Nakita ko mismo. Malinaw sakin 'yon. Nakausap ko pa nga, e." dagdag ko pa na halatang naiinis na.
Pa ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. Kanina pa ako nagsasabi ng totoo dito pero tinatawanan lang niya ako. Para na tuloy akong tanga rito.
"Malay mo, pina-prank ka lang ni Bright. Ginawa lang niya 'yon para utuin ka. Bagong content din 'yon, ah."
Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis.
Argh!
"Alam mo, kahit ako hindi rin ako makapaniwalang may kambal siya. Pero pinakita sakin ng kambal niya 'yong picture nilang dalawa ni Bright na magkasama."
"Malay mo, edited lang 'yong picture na 'yon. Madali lang gawin 'yon, Deyn."
Inirapan ko ulit siya, "panira ka talaga." tapos bumalik ako sa upuan ko at umupo ro'n. Di ko naman in-expect na susundan niya ako para kausapin ulit.
"Okay, sige. Sabihin na nating may kambal nga siya." tapos nag bend siya sa harap ko, "e, ano? Crush mo ba?"
Anak ng!
Di ko inasahan ang tanong niyang 'yon.
Ako? Magkaka-crush do'n? No way! Hindi porket magkamukha sila ni Bright ay gu-gustuhin ko na rin siya. Hindi itsura ang basehan kung bakit ko nagustuhan si Bright. Ugali niya 'yong nagustuhan kaya hindi gano'n kadaling magkagusto ako sa kambal niya kasi hindi ko pa siya kilala.
Pero base sa kung papano niya ako tratuhin, titigan at kausapin kahapon para namang hindi siya nagka-love at first sight sakin. Wala rin naman akong nakikitang kakaiba sa mga mata niya. Tapos wala rin akong naramdamang spark no'ng hawakan niya ang kamay ko no'ng hinila niya ako papunta sa motor niya.
Kaya. . .
"Mukha namang 'di ako type ng isang 'yon." sagot ko.
Tapos ngumisi si Callen sabay sabing, "Aakalain mo 'yon? Dala-dalawa na 'yong Bright sa mundo, 'di ka pa rin pinipili."
Aray ko naman. Tagos ulit 'yon ah.
At dahil napikon ako sa sinabi niya at deep inside e parang nasaktan ako kasi parang tinamaan ako sa sinabi ni Callen e gumanti ako sa kanya. Sinuntok ko lang naman siya sa braso kaya napahawak siya sa braso kung saan banda ko siya sinuntok.
"Uy, ba't nanununtok? Tinamaan ka ba? Actually, biro lang naman dapat 'yon."
"Sumusobra kana, ha. Di na nakakatuwa mga jokes mo. At tatamaan ka talaga ulit sakin kapag hindi ka umalis sa harap ko ngayon."
Agad naman siya umayos ng tayo tsaka bumalik sa upuan niya.
Nang mag start 'yong klase, saktong dumating si Bright. Late siya pero 'di siya pinagalitan ng teacher namin. Feeling ko nga minsan favorite student nitong math teacher namin si Bright, e. Sabagay, iba talaga kapag matalino ka.
At ayon na nga, nag assign 'yong teacher namin ng groupings para sa assignment na gagawin namin mamaya at ipapasa agad bukas. Badtrip lang kasi kasama ko sa group sina Bright at Ashley. Worse? Kasama ko rin si Colleen. Hanep, bakit ba kasi lagi na lang ako napupunta sa groupo ng mga taong gusto kong iwasan?
Pero wala naman akong choice kundi ang sumunod na lang sa agos.
No'ng hapon, nag decide sila na gawin na 'yong assignment since bukas na ito ipapasa. Wala naman akong choice kundi ang um-oo. Tanging puro tango nga lang 'yong mga nagiging sagot ko no'ng tinanong ako ng isa sa mga kasamahan namin. Wala ako sa mood kaya gano'n.
Napagplanuhan rin nila na gawin 'yong assignment sa bahay nina Colleen. Wala rin akong choice kundi ang sumama sa bahay nila. Well, buong araw akong lutang at wala sa mood kaya sila na 'yong gumagawa ng assignment at sumasang-ayon na lang ako sa mga desisyon nila. Isa pa, hindi kami nagkikibuan nina Ashley at Bright kahit na magkakatabi naman kami sa upuan no'n. Hinihintay ko pa siyang i-approach ako no'n para matanong ko sa kanya kung totoo nga bang may kambal siya pero 'di man lang niya ako sinubukang kausapin kaya nagtampo ako lalo.
Hays. Ano ba 'tong nangyayare sakin? Ako na mismo ang nagsabi na ayaw ko na siyang kausap, pero heto ako ngayon, hinihintay siyang kausapin ako.
"Deyn." tawag sakin ni Kim. Isa sa mga kasamahan namin. Do'n ko lang napagtanto na nakatitig silang lahat sakin at na realized ko ring nakatulala lang ako sa kung saan.
"Oh?" tanging 'yon lang ang nasabi ko at isa-isa silang tinitigan habang binibigyan ng nagtatanong na tingin.
"Bakit lutang ka yata? Kanina pa kita tinatanong if ano 'yong masasabi mo sa assignment natin." saad ni Colleen habang naka pa meywang.
At dahil wala ako sa sarili at 'di ko alam kung anong sasabihin since hindi ko naman alam kung ano 'yong mga sinagot nila do'n sa assignment namin, tumango na lang ako sabay sabing, "pwede na 'yan."
Pero itong si Colleen e parang nagulat sa naging sagot ko, "Wait, himala yatang hindi ka kumuntra. Kadalasan naman e lagi kang pabida. Pero ngayon hindi. Anong nakain mo?"
Sarap buhusan ng tubig ang isang 'to.
Ako pa talaga 'yong pabida. Pasalamat nga dapat siya kasi hindi ako kumuntra ngayon.
Hindi ko na siya pinatulan pa at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang lugar kaya naman si Ashley 'yong sumagot do'n sa tanong sakin kanina.
"Para sakin okay na 'to." sagot ni Ashley. "Ilang beses na nating chineck 'to at mukhang ayos naman. Kaya feeling ko ayos na 'to."
Taas kilay ko naman siyang nilingon pagkatapos. Itong isang 'to, siya ang pabida.
"Buti pa si Ashley attentive." puri sa kanya ni Colleen tsaka ibinaling ang tingin sakin. "Anong nangyare sayo Danielle at parang wala ka sa sarili ngayon?"
Binigyan ko naman siya ng sarcastic na ngiti sabay sabing, "Pwede ba, mind your own business na lang, Colleen? Dami ko na ngang problema dumagdag kapa."
"Anong klaseng problema na naman ba 'yan?" tanong niya pero 'di ko siya sinagot. "Teka, ano nga pala masasabi mo sa relationship nitong dalawa mong best friend?" dagdag pa niya sabay turo kina Bright at Ashley.
Bini-bwisit talaga ako ng isang 'to. Alam kong tinatanong niya ako ngayon kasi alam kong may idea siya na ito ang isa sa mga problema ko ngayon.
"Are you happy for them? O baka naman—" 'di ko na siya pinatapos pa at nagsalita na ako.
"Masaya ako para sa kanila." saad ko. "Hindi mo'ko kailangan problemahin. Problemahin mo sarili mo."
"Ba't nagagalit ka? Tinatanong ka lang niya." singit naman ni Ashley.
Pakiramdam ko parang pinagkakaisahan nila ako pareho. Nakakainis sila.
Nilingon ko naman si Ashley at binigyan ng masamang tingin pagkatapos.
"Wag kang sumagot, Ashley. Hindi ikaw ang kausap niya."
"Para kasing ang rude mo sa kanya. Tinatanong ka lang niya."
"I know." inis kong sabi. "Pero 'di mo kailangan i-remind sakin 'yon kasi may sariili rin akong pag-iisip. Alam ko 'yon, Ashley. Hindi ako tanga." sabi ko habang pilit na pinapaintindi sa kanya 'yon. "Alam ko rin naman na sinagot mo agad si Bright dahil natatakot ka na baka kapag nagkaroon ako ng chance na iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal e bigla siyang mawala sayo."
Nakita ko sa mukha ni Ashley na tila na pikon ito sa sinabi ko. Pero iniba niya 'yong usapan para makalusot.
"Bakit, Deyn. Nagagalit ka ba kasi tinanong niya kung masaya ka para samin ni Bright na kahit obvious naman na hindi ka talaga masaya?!"
"Oo." sagot ko. "Hindi nga ako masaya para sa inyo. Sorry ha, pero ayokong magpaka plastic. Honest talaga akong tao."
"Woah, honest?" kumento naman ni Colleen. "Ngayon lang ako nakakita ng honest pero cheater."
What the f!
Cheater? Sino? Ako? Huh! Kailan pa? Sira-ulo ba ang isang 'to? Lagi nalang niya ako pinag bibintangang cheater. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako nag cheat. Pinapa-kulo talaga niya ang dugo ko.
"Lasing kaba, Colleen? Anong cheater ang pinagsasasabi mo d'yan? Kailan ako nag cheat ha?"
"Aba Malay ko. Iniwan ka nga ni Gab at na friendzoned ka ni Bright. Isn't that enough reason para masabing baka cheater ka talaga?"
Kunti na lang talaga at mapupunta na 'tong palad ko sa mukha ng Colleen na'to.
"Kawawa ka naman. Na friendzoned." Pang aasar pa niya.
Pag nilandi ko boyfriend ng isang 'to at bumalik sakin, iiyak 'to. Bwisit.
Biglang tumayo si Bright at nakasunod naman 'yong tingin ni Ashley sa kanya sabay tanong, "Sa'n ka pupunta?"
"Uuwi na." walang ganang sagot ni Bright. "Tapos na nating gawin 'yong assignment. Tigilan niyo na si Deyn. Hindi nakakatuwa."
Imbis na matuwa ako o magpasalamat dahil sinabi niya 'yon e mas nagalit ako lalo. Ewan, galit ako kasi ang bait niya ngayon. Pinagtanggol niya ako. Pero hindi niya dapat gawin 'to. Kasi kapag ganito, lalo akong naguguluhan kung ano nga ba ang dahilan at bakit ang bait niya sakin. Hindi sapat ang salitang kaibigan para sakin para i-describe kung papano niya ako tratuhin. Nararamdaman ko kasing mas higit pa sa kaibigan ang lahat.
Pero siya na mismo ang nagsabi na walang ibig sabihin ang lahat ng 'yon. Para sa kanya, isa lang akong kaibigan.
"Wait, hindi naman namin siya inaano, ah." sabat ni Ashley habang nakakunot ang noo na kunware inosente.
Pa victim na naman. Parehas talaga sila ni Colleen. Sarap nilang pag untugin pareho.
Hays, kung meron man akong pinagsisihan buong buhay ko, 'yon ay ang naging kaibigan ko silang dalawa. Parehas naman pala silang mga traydor.
Niligpit ko 'yong mga gamit ko. Wala nang rason pa para tumagal ako dito or else baka mag-away lang kaming lahat dito. Tsaka, gusto kong maunang umuwi sa kanilang lahat. Ayoko kasing nakikitang magkaholding hands habang palabas ng bahay nina Colleen sina Ashley at Bright. Masakit sa mata 'yon.
Nang mailigpit ko na ang notebook at libro ko, tumayo na ako para umalis. Pero bago 'yon, nagpaalam muna ako sa ibang kasamahan namin.
"Mauna na ako." malamig na sambit ko.
Ni hindi ko na rin sila hinintay na magsalita at umalis na ako sa harap nila at lumabas ng bahay nina Colleen nang makita ko sa labas ng gate 'yong kamukha este—kambal ni Bright na nakasandal sa motor niya na tila may hinihintay at kita ko ang gulat sa mukha nito nang makitang lumabas ako.
Umayos siya ng tayo no'n at tinitigan akong maigi sabay sabing, "Ikaw?" sabay turo sakin.
"Ako nga." sagot ko naman nang may malamig na boses. "Bakit nandito ka? Hanap mo si Bright?"
Umiling siya.
Kung hindi si Bright ang hanap niya, Sino?
Wait, don't tell me...
"Hanap mo'ko?" tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.
Na badtrip naman ako nang bigla siyang ngumisi.
"Assuming ka rin ano? Ba't naman kita hahanapin." tapos tumalikod siya at may kinuhang shopping bag na nakasabit sa motor niya at muling humarap sakin. "Hanap ko 'yong girlfriend ni Bright. Si Ashley. Isusuli ko lang 'tong naiwan niyang gamit no'ng nagpunta siya sa bahay."
Wow naman. Kilala niya si Ashley. Samantalang ako na best friend ni Bright, hindi. Sabagay, anong laban ng girlfriend sa friend lang, diba?
"Anong gamit 'yan?" seryosong tanong ko habang nakatitig sa puting shopping bag na hawak niya.
Curious lang akong malaman kung ano 'yon. Malay ko ba kung ano 'yon.
"Secret. Wag na maraming tanong. Tawagin mo nga siya sa loob."
Napangiwi ako.
Inutusan pa talaga niya ako.
"Ano muna 'yan?" tanong ko pa.
Napakamot naman siya sa ulo niya na tila nakukulitan sakin, "Kulit mo. Sinabi nang secret eh."
"Edi, bahala ka." tapos nagkunware ako na parang walang pake. Umayos ako ng tayo at umakto na parang hindi na ako interesadong malaman kung anong klaseng gamit ni Ashley 'yong nasa loob ng shopping bag na 'yon. Pero 'yong totoo, bume-bwelo lang talaga ako at nag-iisip ng paraan kung papano ko hablutin 'yon sa kanya.
Napailing naman siya, "Di paba kayo tapos?"
"Tapos na." sagot ko. "Tawagan mo nalang kaya."
"Teka, tawagan ko." Tapos kinuha niya 'yong phone niya sa bulsa niya at hinanap 'yong phone number ni Ashley. At habang ginagawa niya 'yon ay nagkaroon ako ng chance na mahablot sa kanya 'yong shopping bag na 'yon.
"Huli ka!" sigaw ko nang mahablot ko 'yon.
Nagulat naman siya sa ginawa ko. Ni hindi na nga niya natuloy tawagan si Ashley.
"Uy, anong ginagawa mo? Akin na nga 'yan."
Lumayo ako nang subukan niyang kunin sakin 'yon.
"Titingnan ko lang naman, e." sabi ko habang niyayakap ng sobrang higpit 'yong shopping bag na 'yon para hindi niya makuha sakin.
Pero nagulat ako nang hablutin niya 'yong braso ko at hinila ako papunta sa kanya tsaka kinulong sa isang braso niya habang ang isang kamay naman niya ay pilit na kinukuha 'yong shopping bag sakin.
"Hoy, Danielle ibalik mo nga sakin 'yan."
Agad na nanlalaki ang mga mata ko.
Natigilan ako at halos mabitawan ko 'yong shopping bag na hawak ko nang marinig ng mismong dalawang tenga ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko.
Agad ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatanong na tingin. Kita ko naman sa mukha nito ang gulat nang mapagtanto 'yong sinabi niya at bigla na lang umiwas ng tingin sakin.
"Kilala mo'ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya naman tinapik ko siya sa braso niya.
"Sagutin mo'ko."
Nilingon niya ako sabay sabing, "Hindi."
Hindi?
"Tinawag mo'ko sa pangalan ko. Kaya impossibleng hindi mo'ko kilala."
Ilang segundo siyang tahimik. Pakiramdam ko nag-iisip siya ng palusot no'n. Hindi man ako sigurado pero parang gano'n. Alam kong kilala niya ako. Baka na kwento ako sa kanya ni Bright kaya alam niya ang pangalan ko. Ang nakakapagtaka lang ay ang tinatanggi niyang hindi niya ako kilala.
"Bryle—" tawag ko sa kanya pero natahimik agad ako nang bigla siyang magsalita.
"Ah, Danielle ba pangalan mo? Di ko alam 'yon ah. Hinulaan ko lang at saktong tumama naman."
"Hindi ako naniniwala." seryoso kong sabi. "Kilala mo'ko, hindi ba? Bakit mo'ko kilala? Ano ang sinabi ni Bright sayo?"
Hindi siya sumagot. Ilang beses kong inulit ang tanong na 'yon pero ang dami niyang palusot hanggang sa bumukas 'yong gate nina Colleen at nakita namin pareho na lumabas sina Bright at Ashley kaya naman nagsi-tahimik kami. Kinuha ni Bryle 'yong shopping bag na nahulog ko kanina at binigay 'yon kay Ashley.
"Naiwan mo."
"Oh, thanks Bryle." tapos kinuha ni Ashley 'yon sa kanya.
Nagsilabasan naman ng gate sina Callen at ang iba pa naming ka groupmates. Nang makita nilang lahat si Bright at Bryle, halos parehas ang mga naging reaksyon nila. 'Yon ay walang iba kundi ang magulat.
"So tama nga 'yong sinabi ni Deyn, may kambal ka." hindi makapaniwalang saad ni Callen.
Nahiya ako no'ng time na 'yon kay Bright kasi baka isipin niya na kweni-kwento ko pa rin siya kay Callen, mga gano'n?
Hays. Ano ba 'yan.
E, ano naman? Wala namang masama kung i-kwento kong may kambal siya, e. Tsaka, kasalanan niyang hindi niya sinabi sakin ang tungkol dito.
Hindi nagsalita si Bright no'ng time na 'yon. Tipong parang ayaw niyang mag kwento kaya hinayaan na lang siya nina Callen at ng mga kasamahan namin.
"Oh siya, sige na. Mauna na kami." Paalam ni Callen kina Bright tsaka tumingin sakin, "Deyn, sama ka na lang kina Bright pa-uwi ah, wala na kasing bakante sa loob ng kotse."
Nagulat ako sa sinabi ni Callen. Papanong wala nang bakante e kanina nakasakay ako do'n kasama nila kasya naman kaming lahat.
"Anong wala na? Do'n ako nakasakay kanina kasama niyo e. Impossibleng wala nang bakante."
"Kanina pa 'yon." sagot ni Callen. "Nandito si Daryl. Sasabay siya samin. Tsaka, 'di pa agad kami de-deretcho ng uwi. Iinom pa kami."
Ang malas naman, oh. Bakit pa kasi sasabay si Daryl sa kanila. Wala na tuloy akong pwesto. Ayoko namang kasabay itong sina Bright at Ashley 'no. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa makasabay sila.
"O siya, alis na kami." paalam ulit ni Callen tsaka tinapik si Bright sa balikat sabay bulong ng, "Kausapin mo na siya para maging okay na."
Mahina lang pagkasabi niya no'n pero talagang narinig ko. At hindi lang 'yon, nagsi-tayuan pa mga balahibo ko pagkatapos.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng bulong na 'yon ni Callen kay Bright. Pero isa lang ang masasabi ko, ayoko. Ayoko siyang makausap. 'Yon lang.
Nang makaalis sina Callen, naiwan kaming apat sa labas ng bahay nina Colleen. Hindi kami nagkikibuan no'n. Kahit si Ashley hindi rin nagsasalita. Nakakailang at parang gusto ko nalang maghalo ngayon dito sa kinatatayuan ko sa sobrang ilang.
"Uhm, Bryle," tawag ni Ashley kay Bryle. "Bright and i we're going to department store, wanna come with us?"
"Sorry Ash, may dadaanan pa kasi ako." pagtanggi ni Bryle sa kanya.
Tapos nagsitahimik ulit sila. Ako naman nag-iisip kung papano ako makakaalis dito hanggang sa nilingon ako ni Bryle para tanungin, "Wanna go with me?"
Bakit ba sila nag e-english dito e hindi naman required.
Tatanggi sana ako nang maisip ko na ito lang ang tanging paraan para makalayo ako sa dalawang 'to.
Mas okay na lang na sumama ako kay Bryle kahit na 'di ko naman talaga alam kung saan siya pupunta.
"Sige." sagot ko.
Tapos biglang sumingit si Bright, "Teka, magkakilala na kayo?"
"We've met yesterday. Di ko rin in-expect na kilala mo pala siya." sagot ni Bryle sa kanya.
Tapos itong si Ashley may sinabi pero 'di ko masyado narinig kasi biglang tumunog phone ko. Tumatawag sakin si Mama kaya sinagot ko 'yon saglit. Tinanong lang naman niya kung anong oras ako uuwi at sinabing ako na raw bahalang bumili ng dinner ko mamaya dahil papunta na siyang trabaho.
"Sino 'yong tumawag?" tanong sakin ni Bryle matapos kong ibaba 'yong tawag.
"Si Mama. Pinapauwi na ako." sagot ko naman. Nagsinungaling ako ng kunti. Kunti lang naman. Di naman talaga ako pinapa-uwi ni Mama kasi nga tinatanong lang niya kung nasan na ako. Sinabi ko lang 'yon kasi gusto ko nang umuwi.
"I think, hindi sila sasama sa'tin. Kaya tara na." sabi ni Ashley kay Bright at nauna itong maglakad tungo sa kotse nila.
Si Bright naman naiwan paring nakatayo na parang walang balak sumunod kay Ashley hanggang sa tawagin niya ulit ito kaya naman nagpaalam na si Bright samin.
Ako naman inis na napatingin kay Bryle nang sabihin niyang, "Ano pa ang hinihintay mo? Maghanap kana ng masasakyan mo pa uwi."
Anak ng, sira-ulo ba siya?!
"Hoy! Tinanong moko kanina kung sasabay ako sayo diba?"
Tumango siya, "oo nga. E, ano naman?"
"Um-oo ako. Kaya ihatid mo'ko pa-uwi."
Napangisi siya, "Akala mo nakalimutan ko na 'yong sinabi mo kahapon na 'di ka sasakay sa bulok kong motor?"
Napapikit ako sa sobrang hiya. Oo nga pala, sinabi ko pala 'yon sa kanya. Ito naman kasing bibig ko e. Walang ka preno-preno.
Dibale, nasabi ko na 'yon, e. Ang tanging paraan nalang para ihatid niya ako ay ang magmakaawa sa kanya. Isa pa, kapag makasama ko siya ng matagal ngayon, baka sagutin pa niya 'yong tanong na kanina ko pa tinatanong sa kanya. 'Yon ay ang kung papano niya alam ang pangalan ko. 'Yon lang, simpleng tanong pero gusto kong malaman ang sagot.
Binigyan ko siya ng isang cute na ngiti sabay sabing, "Sorry na. Joke lang naman 'yon, e." tapos lumapit ako sa motor niya at hinawakan ito, "Ang totoo niyan, insecure lang ako dito sa motor mo. Ganda kasi. Tsaka, 'di pa ako nakasakay sa mga ganito."
"Tama na 'yan." tapos lumapit siya sakin at inalis 'yong kamay ko sa motor niya, "Alam ko namang 'di totoo 'yang mga sinasabi mo. Tsaka, sinabi ko lang na isasabay kita kanina dahil obvious na obvious sa itsura mo na ayaw mong makasabay ang brother ko at ang girlfriend niya."
Wow naman. Talagang nahulaan niya ah.
"Kaya kung talagang ayaw mong sumakay dito, 'di naman kita pinipilit. Tinulungan lang kita." dagdag pa niya.
"Mali ka. Gusto kong sumakay dito. Kaya ihatid mo na ako pa uwi."
Wala naman siyang nagawa kasi ilang beses kong sinabi 'yon sa kanya kaya hinayaan niya akong umangkas sa motor niya. Kinakabahan pa ako no'n habang nagmamaneho siya kasi 'di naman talaga ako sumasakay sa mga ganito pero inisip ko na lang na may tiwala ako sa isang 'to.
Gaya ng sinabi niya kanina, may dinaanan muna kami bago niya ako tuluyang ihatid ng bahay. Dumaan kami sa repair shop ng mga phone. Pinaayos daw kasi niya 'yong phone niya dito kahapon at ngayon na niya makukuha 'yon. Hinintay ko lang siya sa labas kasi nahiya akong pumasok sa loob. Siguro mga halos 20 minutes siya sa loob at sobrang nainip na ako kakahintay sa kanya. Nagsisisi na akong sumama pa ako rito.
Nang lumabas na siya, kita ko nang may hawak siyang cellphone. Mukhang 'yon na 'yong phone na pinaayos niya. Tapos sa isang kamay niya may hawak siyang bottled water at inabot niya 'yon sakin.
"Inom ka muna." aniya nang iabot niya sakin 'yon.
"Buti naman at naalala mong may kasama kang naghihintay rito." pagrereklamo ko bago kinuha 'yong tubig sa kanya at walang alinlangang ininom 'yon.
"Sorry. Nakalimutan kong kasama pala kita. Naaliw akong ka kwentuhan si mang Anding." tapos pinakita niya sakin 'yong phone niya, "Siya umayos nito."
"Anong sira?"
"Lcd." sagot niya at sumenyas na umalis na kami pero pinigilan ko muna siya.
"Teka lang, may gusto pa akong malaman tungkol sa'yo."
"Crush mo'ko?"
Wow ah, assuming.
"Sorry, may gf na ako." dagdag pa niya.
"Sira! Hindi gano'n. Gusto ko lang itanong kung bakit mo alam ang pangalan ko." Nang tanungin ko 'yon ay umiwas na naman siya ng tingin. Na cu-curious na tuloy ako kung bakit siya ganito sa tuwing nababanggit ko 'to. "Lagi ba akong kwine-kwento sayo ni Bright?"
Ang akala ko iiwasan na lang niya ako ng tingin at hindi na sasagutin pa ang tanong ko. Pero hindi, kasi nagsalita siya.
"Oo na. Kwinento ka niya." sagot niya.
Di ko alam pero parang natuwa ng kunti 'yong puso ko nang aminin ni Bryle na kwinento ako ni Bright sa kanya
"Pero speaking of lagi, hindi ikaw 'yon. Si Ashley 'yong lagi niyang kwine-kwento. Mapa umaga man, si Ashley. Mapa-gabi, si Ashley pa rin. Buong magdamag na niyang bukang bibig si Ashley."
'Yong kunting tuwa na nararamdaman ko sa puso ko ngayon ay nabawi rin nang sabihin ni Bryle 'yon.
"Alam mo, swerte ng brother ko kay Ash. Bagay sila. Kung ako, si Ashley rin 'yong babaeng matitipuhan ko."
Hindi ako nakapagsalita at tanging sa baba lang ako nakatingin.
"Alam kong gusto mo 'yong Brother ko." napa-angat naman ako ng tingin nang sabihin niya 'yon. Nagulat lang ako kasi alam niya. Pero 'di ako nagsalita at hinintay ko siyang matapos. "Pero kung ako sayo, mag move on ka nalang."
Grabe siya. Ang pranka niya.
Hindi na ako kumuntra pa do'n sa sinabi niya hanggang sa ihatid niya ako ng bahay. Ni kahit nga mag thank you sa kanya nang ibaba niya ako e nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko 'yon sa kanya o hindi. Kainis kasi siya, e. Pero nag thank you parin naman ako kahit napilitan lang.
Pagpasok ko ng bahay, agad na nakita ko 'yong Zz plant na binigay niya sakin. Dahil do'n, naalala ko na naman siya. Lumapit ako sa Zz plant na 'yon at inalis ko 'yon sa ibabaw ng mesa tsaka ko 'yon dinala sa labas ng bahay.
Pero 'di pa ako nakuntento na basta-basta ko lang nilabas 'yon. Kasi naisip ko na mas okay kung isuli ko na lang 'to sa kanya.
Tutal, 'di ko na naman maaalagaan 'to, e. Nawalan na ako ng gana.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nagpalit ng damit. Habang nagpapalit ako, biglang sumagi sa isip ko 'yong sinabi sakin ni Bryle kanina na mag move on na lang daw ako. Tama siya, tutal wala na naman akong chance, e.
Bumiyahe ako papuntang bahay nila dala-dala ang zz plant na 'yon. At nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, 'di ko na naisipan pang mag doorbell at basta-basta ko nalang iniwan ang zz plant sa tapat ng gate nila.
I hope na maalagaan niya 'tong tanim na 'to kagaya sa kung papano ko inalagaan 'to.
Tumalikod na ako at nagpara ng masasakyan pa uwi ng bahay.
***
Masama ang pakiramdam ko ngayong araw pero pumasok pa rin ako kasi in two days, exam na namin. Kailangan ko pa namang makakuha ng mataas na score para malamangan ko siya sa rankings. Nang sa gano'n ay makaganti man lang ako sa kanya. Kahit 'yon na lang, basta, makaganti ako sa ginawa niya sakin.
No'ng first period kinaya pa naman ng katawan ko. Though sobrang init ng buong katawan ko at ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko at ilang beses na akong sinabihan ni Callen na umuwi na lang o pumunta ng clinic pero 'di ko ginawa.
No'ng second period, do'n na ako nakaramdam ng sobrang panghihina at parang gusto ko na lang matulog. Ang init ng ilalim ng mata ko at medyo nahihilo ako kaya nag decide akong pumunta ng clinic.
Hindi ko na inabala pa sina Callen para ihatid akong clinic at ako na mismo mag isa ang naglakad patungo ro'n. Habang naglalakad ako sa hallway, napatigil ako nang bigla niya akong tawagin.
"Deyn."
Di ko alam kung lilingunin ko ba siya o magkukunware na lang ako na parang hindi ko siya narinig.
Napapikit ako.
Kagabi pa ako nakapag decide. At sigurado na akong kakalimutan ko na siya.
Nagsimula ulit akong maglakad pero sa pangalawang pagkakataon ay muli niya akong tinawag.
"Deyn, mag usap tayo."
"Wala na tayong dapat pag usapan." sagot ko nang hindi siya nililingon.
"Bakit mo ibalik sakin 'yon?"
Hindi man niya sabihin, alam kong 'yong halaman 'yong tinutukoy niya.
"Wala nang dahilan para alagaan ko 'yon. Busy ako Bright. Kaya ikaw na ang bahala do'n. Sa'yo naman talaga 'yon, e. Wala na akong pakialam do'n."
"So gano'n na lang 'yon, Deyn? Hahayaan mo na lang? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ng isang halaman kapag hinayaan mo siya?"
"E, ikaw Bright? Naisip mo rin ba ang nararamdaman no'ng hinayaan mo'ko?"
Hindi siya nakapagsalita kaya naiyak ako.
"Ang tao at ang mga halaman ay parehas na may pakiramdam. Kaya sana naisip mo rin 'yon sakin, Bright. Palibhasa kasi sarili mo lang ang iniisip mo, e." dagdag ko pa.
"Deyn, hindi mo kasi naiintindihan."
Agad ko naman siyang nilingon, "Ano ba kasi 'yon Bright? Explain mo nga sakin para maintindihan ko."
Lumapit sakin si Bright. No'ng time na 'yon naisip ko na baka mag e-explain na siya nang biglang,
"Bright!" tawag sa kanya ni Ashley.
No'ng time na 'yon, nailipat ang attensyon ni Bright kay Ashley kaya naman nag decide ako na umalis na kasi sa tuwing nandito si Ashley, nakakalimutan ako ni Bright.
Pero napatigil ulit ako sa paglalakad nang tawagin pa niya ako.
"Deyn."
"Bright, stop calling her!" galit na sigaw ni Ashley. "Kapag tinawag mo pa siya, tapos na tayo."
Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Ashley dahil binlock mail niya si Bright.
Nagsimula ulit ako maglakad. Pero sa bawat hakbang ko, hinihiling ko na sana tawagin pa ulit niya ako.
Pero hindi.
Hindi niya ginawa. Ibig sabihin mahal nga talaga niya si Ashley.
Nang makarating ako sa tapat ng clinic, bigla akong nakaramdam ng pagka hilo at muntik na akong matumba pero ang nakakagulat ay ang may sumalo sakin.
Pagtingin ko kung sino 'yon, do'n ko nakitang siya pala 'yon.
"Bright."
Umiling siya.
"Si Bryle 'to."
Napatingin ako sa suot niya. Hindi siya nakauniform. Nakasuot siya ng varsity jacket na kulay black at hindi ko alam kung ano 'yong inner niya. Ine-expect ko pa naman na uniform 'yong suot niya tapos naka jacket lang siya kaya gano'n. Kasi kahit 'yong amoy niyang pang baby cologne e parang si Bright talaga.
"Anong ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko habang inaayos ang tayo.
"Hanap ko 'yong brother ko." sagot naman niya tsaka dinikit ang kamay niya sa noo ko nang mapagtantong mainit ang katawan ko. "Teka, okay ka lang ba? Ang init mo." Bigla siyang nataranta at hindi alam ang gagawin. "Teka, pahinga ka muna saglit." tapos binuksan niya 'yong pinto ng clinic at inalalayan ako papasok do'n.
Umupo ako sa may kama habang siya naman kinakausap 'yong nurse na naka assign do'n. That time, ubos na 'yong gamot sa clinic kaya kinailangan pa niyang umalis papuntang Mercury drug store para bumili ng gamot. Ako naman humiga ako at nagpahinga saglit habang hinihintay na makabalik siya.
Nang bumukas ang pinto, nakabalik na siya hawak-hawak 'yong paper bag na may lamang gamot at bottled water. Inabot niya 'yon sakin sabay sabing.
"Inomin mo'to." kinuha ko naman 'yon sa kanya. "Hindi na ako magtatagal." tapos ginulo niya 'yong buhok ko, "paggaling ka, Deyn."
Naiwan naman akong napatulala no'ng time na 'yon.
Pati 'yong paggulo niya sa subong ko na dati ay gawain ni Bright, ngayon gawain narin niya.