CHAPTER 25 THE FINAL CHAPTER
Alas siyete na ng umaga nang gisingin ako ni Mama para tanungin kung papasok ba ako o hindi dahil nga hanggang ngayon e tulog pa ako. Bumangon ako pero nakasandal lang ako sa pader ng kuwarto ko habang nakaupo sa kama ko habang nag-iisip.
Hindi ko alam kung papasok pa ba ako ngayong araw dahil una sa lahat late na rin naman ako, pangalawa wala na naman do'n si Bright. Kagaya ng sinabi ni Bryle sakin lumipat na sila ng bahay at lilipat na rin sila ng school.
Hindi na kami magkaklase ni Bright. Parang kailan lang no'ng nag transfer siya sa school namin. Tapos ngayon e mag t-transfer na naman siya sa ibang school. Ang daya talaga niya. Papano niya natitiis ang iwan ako?
Gano'n lang ba kadali sa kanya ang gawin 'yon? E papano naman ako? Papano naman 'tong nararamdaman ko para sa kanya? Alam ko namang ang pinaka maganda at mabisang paraan para makalimutan ko siya ay ang kalimutan na rin ang nararamdaman ko sa kanya. E kaso lang hindi ko alam kung kailan mangyayare ang bagay na 'yon.
Tumayo ako at pinilit ang sarili na maligo at kumain at pumasok sa skwela. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nangyayare sakin ngayon. Parang tinatamad ako na parang hindi. Para akong ewan.
Nang makabihis na ako, lumabas ako ng bahay pero bago ako tuluyang lumabas ng gate, napatingin muna ako sa halamang binigay sakin ni Bright na nakalimutan kong ilagay sa loob ng bahay.
Ito na lang 'yong ala-alang meron ako sa kanya. Kapag nawala pa 'to, mababaliw ako.
Binuhat ko 'yong pot ng halaman at pinasok ko 'yon sa loob ng bahay para ibalik sa kung saan ko siya nilalagay dati at pagkatapos no'n ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay para dumeretcho sa skwela.
That time, alam kong sobrang late na ako at pakiramdam ko nga e sarado na ang gate ng school pero nagpatuloy pa rin ako. Nagpara ako ng masasakyang tricycle papuntang school at pagdating ko, tama ngang sarado na ang gate.
"Hala shet, anong sasabihin ko kay manong guard nito para papasukin niya ako?" bulong ko sa sarili ko habang nag-iisip ng pwedeng irason.
Di ko naman pwedeng sabihing na late ako kasi broken hearted ako dahil nag transfer ng school at lumipat ng bahay 'yong taong mahal ko. Baka lalo akong pagalitan ng school guard namin dahil sa kadramahan ko.
"Ah, Basta, bahala na." dagdag ko pa tsaka ako huminga ng malalim at lumapit sa school guard namin para magmakaawang papasukin niya ako. "Good morning, Kuya. Sorry na late po ako."
Napailing naman ang school guard namin na tila walang magawa.
"Ija, kung ako lang ang tatanungin, hahayaan kitang makapasok sa loob, pero nasa rules ng school natin na bawal magpapasok ng mga late."
"Pero Kuya—"
"Pasensya kana, Ija."
Nang sabihin ni Kuya 'yon, nawalan na ako ng pag-asang papasukin pa niya ako sa loob ng campus kaya naman wala akong nagawa kundi ang tanggapin na lang at umuwi na lang ng bahay nang biglang...
"Papasukin niyo siya, Kuya." napatingin ako sa babaeng sumigaw no'n.
Si Colleen.
Kakababa lang niya ng tricycle tapos may mga malalaking plastic bag siyang hawak na hindi ko alam kung ano-ano ang mga laman.
Mukhang mabigat 'yong mga 'yon pero keri naman niya.
"Kasama ko siya." dagdag pa ni Colleen.
"Kasama mo siya? E, kakarating mo lang." sagot naman ni Manong guard kay Colleen.
Nagkatinginan muna kami ni Colleen. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya at tinutulungan niya ako ngayon.
Anong nakain ng isang 'to?
Napatingin siya kay manong guard sabay sabing,
"Pinauna ko lang siya pero kasama ko po siyang bumili nitong mga inutos ni Sir Jason." saad niya at pinakita 'yong tatlong malalaking plastic bag.
Wala naman akong nagawa kundi ang sakyan 'yong sinabi ni Colleen kay Manong guard.
"Opo, Kuya." tapos kinuha ko kay Colleen 'yong isang plastic bag para tulungan siya.
Wala namang nagawa 'yong school guard namin kundi ang papasukin kami ni Colleen pareho sa loob ng campus.
At nang makapasok na kami, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip namin at natawa nalang kami pareho nang magkatinginan kami. Natawa kami siguro dahil napaniwala namin 'yong school guard. Pagkatapos no'n, back to normal ulit. Hindi na kami nagpansinan habang naglalakad at nauna siyang naglalakad kaysa sakin.
Do'n ko lang na realized na hindi pa pala ako nakakapag thank you sa kanya.
Ma pride akong tao, pero minsan kapag kailangan gawin ang isang bagay ay nagagawa ko namang lunukin itong pride ko.
Siguro nga, panahon na rin para kalimutan itong sama ng loob ko kay Colleen. 'Yon lang ang tanging paraan para maging mapa-yapa ako.
Tsaka 'yong lamangan siya sa top list? Tingin ko, hindi ko na kailangang gawin 'yon. Kasi hindi naman pala masayang mapunta ka sa pinaka unang spot sa rankings ng school namin.
Ngayon ko lang na realized itong mga bagay na 'to. Ang importante lang naman do'n ay ang maging masaya ako. Enjoy ko lang 'tong Highschool life ko. Kasi highschool life comes only once. If I miss this chances to enjoy, maybe I'll regret it in the future.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Colleen kahit na patuloy siya sa paglalakad patungong classroom at nakatalikod siya sakin.
"Colleen," tawag ko sa kanya at napatigil naman siya sa paglalakad para lingunin ako.
"Hmm?"
"Thank you." sambit ko at naglabas ng isang maliit na ngiti na tila nahihiya pa.
Ito namang si Colleen e parang nagulat kasi sinabi ko 'yon sa kanya.
"Wait, totoo ba 'yon? Nag thank you ka sakin for the first time?"
Tumango naman ako.
"Totoo 'yon." sagot ko at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Pinantayan naman niya 'yong lakad ko pagkatapos kaya hindi namin naiwasan ang hindi mag-usap.
"So, umamin kana ba ng feelings mo kay Bright?"
Gulat ko naman siyang nilingon, "obvious ba talaga na may crush ako sa kanya?"
"Medyo. Pero balita ko nag transfer na siya sa ibang school, tama?"
Malungkot naman akong tumango, "Oo." sagot ko na may mangiyak ngiyak na itsura habang pinipigilang lumabas ang mga luha ko. "Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Alam mo, ang daya niya." Ewan, pero bigla na lang akong naiyak sa harap ni Colleen na kung tutuusin e never ko namang ginawa 'to kasi sa tuwing kaharap ko siya, hindi ko pinapakita sa kanya na mahina ako. Lagi kong pinapakita at pinaparamdam sa kanya na maangas ako, na kaya ko siyang labanan.
Pero ngayon, lumabas ang totoong nararamdaman ko at hinayaan ko 'yon na makita niya.
"I'm sorry to hear that." aniya.
Agad naman akong nagpunas ng luha nang mag sorry siya sakin.
"Nag sorry ka nga ngayon, pero 'di ka pa talaga nag so-sorry sa lahat ng ginawa mo sakin."
"Joke ba 'yon?"
Natawa ako nang sabihin niya 'yon.
"Half oo, half hindi." sagot ko.
Tapos napalunok siya, "Sorry." mahinang sambit niya. "Mag so-sorry ako hindi dahil napilitan akong mag sorry sayo. Naaawa lang ako sa pinagdadaanan mo ngayon."
Kahit kailan talaga ang taas ng pride niya.
Pero sige na nga. Tutal nag sorry na rin naman siya okay na siguro 'to para kalimutan na ang lahat ng sama ng loob na meron samin.
"Sige na nga. Apology accepted." saad ko.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng classroom. Pagdating ko, nakita ko agad si Rhian at Ashley na tahimik lang habang nakatitig sakin. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila para kausapin at humingi rin ng sorry o wag na lang muna?
Pero naisip ko lang, kung si Colleen nga nagawa kong patawarin, sila pa kaya na mga kaibigan ko.
Lalapitan ko sana sila pero tinawag sila ng mga iba naming ka-klase sa labas kaya lumabas sila saglit. Wala akong choice kundi ang bumalik na lang ulit sa upuan ko.
Hindi masyadong mag me-meet samin ang mga teachers kasi mga busy sila. May mga ginagawa kasi sila kaya 'yong iba samin ay nakatambay sa canteen, 'yong iba nasa bench pero ako nasa classroom lang habang nagbabalak na i-stalk 'yong account ni Bright. Do'n ko lang nakitang naka deactivate 'yong account niya.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'to. Kung iniiwasan niya ako, hindi naman niya kailangan i-deactivate pati account niya.
"Ehem, stalker kana pala ngayon?"
Napalingon ako sa likuran ko. Nando'n si Rhian na nakasilip sa phone ko kaya naman tinago ko ito kahit na nahuli na niya ako.
"Baliw! Kanina kapa ba d'yan?"
"Medyo." sagot niya tapos sumenyas gamit ang mga labi niya habang tinuturo si Ashley sa labas, "Makipag bati kana. Ikaw nalang 'yong hinihintay niyang lumapit kasi natatakot siya na baka hindi mo siya pansinin."
Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko si Ashley habang kausap 'yong ibang ka-klase namin.
At gaya nga ng sinabi ni Rhian, nag decide ako na makipag bati na kay Ashley. Walang mapupuntahan 'tong mga tampuhan, away at selosan namin kaya mas mabuting tapusin na rin 'to.
Tumango ako kay Rhian tsaka napabuntong hininga bago tumayo sa upuan ko at lumabas ng classroom para puntahan si Ashley.
Habang naglalakad ako iniisip ko pa kung papano ba mag sorry kay Ashley. Grabe kasi siya no'ng mga panahong naging sila ni Bright. Parang nakakatakot siya at parang hindi ko na siya kilala.
Pero nang lapitan ko siya, 'di pa nga ako nagsasalita e bigla na lang namula 'yong mukha niya at bigla nalang siyang umiyak sa harap ko at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Deyn... Sorry." sambit niya habang umiiyak. "Sorry kung naging masama akong kaibigan, sorry kung inagaw ko siya sayo. Sorry sa lahat-lahat, Deyn."
Patuloy siya sa paghikbi no'n habang nakayakap sakin. Tinapik-tapik ko naman siya sa likuran niya habang pinapatahan sa pag iyak.
"Wag kang umiyak, Ash. Naiiyak rin ako, e." saad ko. Actually, sinadya ko talagang magbiro nang gano'n kasi parang naiiyak narin ako. E, ayoko pa namang mag iyakan kami rito.
Napaalis siya sa pagyakap sakin habang pinupunasan ang luha niya.
"Nag transfer na siya, Deyn. Nang dahil sakin hindi ka man lang nagkaroon ng chance para ipakita at iparamdam sa kanya ang totoong nararamdaman mo. I'm sorry, kasalanan ko."
Umiling ako,
"No, Ash. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan 'yon."
"Gusto kong makabawi sayo, Deyn. Sa mga inasta ko sayo, sa lahat-lahat." hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin. Gagawin ko."
Siguro chance na rin 'to para kahit ngayon lang, kahit isang beses makausap ko man lang si Bright. Kahit 'yon na lang sa huling pagkakataon. Marami akong tanong sa kanya, pero kahit isa lang ang marinig ko galing sa kanya. 'Yon ay walang iba kundi ang salitang paalam.
Kahit 'yon lang. Ang magpaalam man lang siya sakin. Kahit hindi na niya ako mahalin basta pahalagahan niya 'yong friendship namin okay na 'yon.
"Pwede mo bang contact-in si Bright para sakin?"
"Deactivated na 'yong account niya. Nagpalit rin siya ng sim card, Deyn. Kaya mahihirapan tayong contact-in siya."
Nang sabihin ni Ashley 'yon, lalo akong nanghina sa kawalan ng pag-asa na ma contact ko pa si Bright. Di ko na alam kung sa anong paraan ko pa siya makakausap kapag ganito.
"Pero... Alam ko 'yong email address niya. Baka 'yon pa rin 'yong ginagamit niya, Deyn. Subukan natin."
Dahil do'n nakahinga ako ng maluwag. Agad akong tumango kay Ashley at agad naman kami nag send ng email kay Bright.
To: Brightnavales_01@gmail. com
Bright, kung mababasa mo man 'to, gusto kong malaman mo na si Danielle 'to.
Hindi ako galit sayo nang dahil sa umalis ka ng walang paalam. Gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyare, kahit matagal, o kahit mawalan ako ng pag-asa na makita kapa ulit, hihintayin parin kita hanggang dulo.
Ayoko nang pahabain pa 'to, dederetchahin na kita. MAHAL KITA, BRIGHT. At alam kong mahal mo rin ako. Wala ka lang magawa kasi alam mong malalayo ka sakin. Ngayon, naiintindihan ko na ang dahilan mo kung bakit kinailangan mo'kong saktan nang gano'n. Naiintindihan ko na, Bright.
Hindi kita pinipilit na mahalin mo rin ako. Hindi ko sinasabi sayong hintayin mo'ko kagaya sa kung papano kita hihintayin. Kasi alam ko namang unfair 'yon para sayo. Lalo na't sating dalawa ako lang ang may gusto no'n.
Pero sana. . . Makita pa rin kita in the future. Sana pagtagpuin ulit ang mga landas na'tin. Hindi man ngayon, bukas o sa susunod na araw, hindi pa rin ako mapapagod na hintayin ka. Dahil maghihintay at maghihintay ako sa pagbalik mo.
—Love, Deyn.
Matapos kong i-email 'yon sa kanya, pumasok na kami ni Ashley sa loob ng classroom nang magpaka-hawak kamay.
Kahit papano gumaan ng kunti ang pakiramdam ko dahil nawala na 'yong galit at inggit sa puso ko. Okay na kami ni Colleen at pati na rin ni Ashley.
Ang sarap pala sa pakiramdam na wala kang sama ng loob sa isang tao. Pakiramdam ko malaya ako. Nakakagaan sa pakiramdam.
***
Saktong uwian na nang hilahin ako nina Ashley at Rhian.
"Uy, ano ba?" pagrereklamo ko nang hilahin nila ang braso ko papuntang pinakadulo ng classroom.
Pina-upo nila ako sa isang upuan and without any words, naglabas si Ashley ng make-up kit sa bag niya.
"Para saan 'yan?" nagtatakang tanong ko naman.
"Humarap ka sakin." utos ni Ashley. "Make up-an kita."
"Teka, b-bakit? Ano meron?" naguguluhang tanong ko sa kanilang dalawa ni Rhian.
"Sis, makipag blind date ka nalang sa iba. 'Yon na lang ang tanging paraan para makalimutan mo si Bright." sagot ni Rhian at tumango naman si Ashley sakin.
Bigla akong nalungkot. Mahigit isang linggo na nang mag email ako sa kanya pero wala akong natanggap na response mula sa kanya. Ewan ko ba kung nabasa niya ang email kong 'yon at hindi lang niya ako ni reply o talagang hindi niya nabasa?
Kung nabasa man niya 'yon, sana nag response man lang siya kahit tuldok lang as a sign na nabasa niya. Para at least kahit papano alam ko.
Hindi 'yong pinag-iisip niya ako ngayon dito na parang tanga.
"Deyn, kung gusto mo pang maranasan ang magahal at mahalin ulit, bakit hindi mo hayaang buksan ulit ang puso mo para sa iba?"
Natahimik at napa-isip agad ako sa sinabing 'yon ni Rhian ngayon lang.
Ewan, pero kahit anong isipin ko si Bright parin ang pumapasok sa isip ko. Kakaiba talaga siya.
"Oo nga, Deyn." pagsang-ayon naman ni Ashley. "Hindi naman pwedeng habang buhay kang umasang magkikita pa kayo ni Bright. Ang laki ng pilipinas, Deyn."
"Pero kaya kong libutin ang buong pilipinas mahanap ko lang siya."
Napa-face palm silang dalawa sa sinabi ko.
"Alam mo, kung bibilangin lahat ng tanga sa mundo, kasama ka do'n. Jusko, Deyn. Tama na 'yang kadramahan. Alam kong mahirap kalimutan ang isang tao lalo na't hanggang ngayon e siya parin ang sinisigaw ng puso mo. Concerned lang kami sayo kasi baka—"
"Baka umasa ako hanggang dulo? Na kahit may iba na siya umaasa pa rin ako? Na kahit 0. 0001% na lang ang chance na bumalik siya e umaasa pa rin ako?"
Dahan-dahan naman silang tumango.
"Alam niyo, pwede ko namang gawin 'yong makipag blind date sa iba kung gugustuhin ko, e. Kaso lang, papano kung isang araw ma realize ko sa sarili ko na si Bright pa rin 'yong mahal ko? Masasaktan ko lang 'yong taong iba-blind date ko ngayon."
"Makipag blind date ka lang naman. Wala naman kaming sinabing magiging kayo agad ng taong ime-meet mo ngayon. Subukan mo lang. Kilalanin mo muna siya. Baka isang araw, matutunan mo rin siyang mahalin."
Napaisip ako saglit, wala namang masama kung susubukan kong i-meet itong taong pinapa-meet nila sakin. Malay natin, siya pala talaga 'yong taong nakatadhana sakin at naging lesson lang si Bright sa buhay ko kagaya nong samin ni Gab.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumayag na ako.
Inayusan ako ni Ashley at dinalhan naman ako ng mini-dress ni Rhian para daw suotin ko sa blind date.
Nang matapos nila akong ayusan, nakita ko 'yong tuwa sa mukha nila pareho habang pinagmamasdan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Ganda mo talaga, Deyn!" Kumento ni Rhian na may kasamang palakpak.
"O, diba! Mukha kanang anghel." Kumento naman ni Ashley.
Agad naman akong napatingin maliit na salamin ng foundation ni Ashley para makita 'yong mukha ko. Hindi ko ngalan ma picture out kung anong itsura ko sa suot kong mini-dress dahil walang malaking salamin dito. Pero tingin ko naman ayos na 'to.
Napabuntong hininga ako, "Ngayon ko na ba siya i-me-meet?"
"Yup." sagot ni Ashley.
"Ano ulit pangalan niya? Tsaka ilang taon na siya? At Sa'n siya nag-aaral?" sunod-sunod na tanong ko.
"Aron ang pangalan niya." sagot ni Ashley. "Ka-edad natin siya kasi classmate ko siya no'ng elementary. Bale close friends kami." kwento pa niya. "Nakita niya 'yong picture nating tatlo no'ng inupload ko sa Fb. Tapos bigla siyang nag chat sakin, tinatanong niya kung sino ka. No'ng sinabi ko name mo, humingi siya ng favor sakin na gusto ka daw niyang i-meet."
Grabe naman, may nakakapansin pa pala sakin. Kinilig tuloy ako ng very-very light.
Pagkatapos no'n, umalis na kami at nagtungo sa milktea shop nina Callen. Do'n ko daw kasi i-meet 'yong sinasabi ni Ashley na Aron ang pangalan.
Bale hinatid lang nila ako sa labas ng milktea shop tapos nagpara na sila ng masasakyan pa uwi at ako na raw ang bahalang kilalanin si Aron.
Alam ko naman itsura no'n kasi pinakita ni Ashley sakin 'yong litrato niya. Pogi naman siya, maputi tsaka magaling pumorma.
Pumasok ako sa loob ng milktea shop nina Callen. Nando'n pa si Tita at tinatanong kung ano meron at bihis na bihis ako. Magsinungaling pa sana ako kaso lang panira itong si Callen.
"May blind date siya ngayon, Ma." sagot ni Callen sa Mama niya.
Wala namang ibang naging reaksyon si Tita kundi ang bigyan ako ng panunuksong tingin.
"Aba! Talagang dalaga na itong pamangkin ko, nakikipag blind date na. O siya, pag may gusto ka, sabihin mo lang, ha. May gagawin pa ako."
"Sige po, Tita." sagot ko bago umalis si Tita at inasikaso 'yong ibang customers.
Nilapitan naman ako ni Callen at binigyan ng napakaseryosong tingin, "O, narinig mo 'yon? pag may gusto ka raw sabi ni Mama sabihin mo lang. Ano ba 'yong gusto mo?"
"Siya." wala sa sariling sambit ko.
"Sino?"
"Wala." inis na sagot ko at ibinaling ang tingin sa buong milktea shop para hanapin 'yong Aron. "Asan na ba si Aron?"
"Aron ba?" tumango ako. "Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming customer ngayon dito na Aron ang pangalan."
"Ha? E, sabi nina Ashley nandito raw siya."
"Walang Aron. . ."
Ano raw?
"Pano mo nasabi? E, hindi mo naman inaalalam mga pangalan ng mga customers niyo rito." saad ko tsaka ko kinuha 'yong phone ko para i-text sina Ashley kung confirm bang ime-meet talaga ako ni Aron ngayon.
Pero kakabukas ko pa lang ng phone ko nang tumambad sakin ang mensahe ni Rhian.
Rhian: Goodluck, Deyn. I hope muling mabuhayan ang puso mo.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Rhian sa mensahe niyang 'yon. Hindi naman kasi malinaw para sakin kung ano nga ba.
"Sino ka text mo?" tanong pa ni Callen sakin.
"Si Rhian. Tatanungin ko kung nandito na ba si Aron. Panira ka kasi."
"Wala ngang Aron dito. . . Pero Bright meron"
Natigilan ako saglit.
Para akong nabingi o ano nang sabihin 'yon ni Callen.
Hindi ko alam kung namali lang ba ako ng dinig. Pero parang hindi naman. Alam kong tama 'yong narinig ko. At isa pa, ang layo ng Aron sa pangalang Bright. Kaya impossible nagkamali lang ako ng dinig.
"Anong ibig mong. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang ituro ni Callen sakin gamit ang mga labi niya 'yong lalakeng nakaupo sa pinaka-dulo ng shop nila.
'Yong spot na 'yon ay 'yong spot dati kung saan kami naka-upo ni Bright sa tuwing nagpupunta kami rito. Kung saan tanaw mo 'yong sunset. Ito 'yong favorite spot ko. At nagustuhan ko 'to lalo nang makasama ko siya habang nakaupo d'yan.
Muling nanumbalik ang saya sa puso ko habang inaalala ko ang mga bagay na 'yon. At halos maiyak ako habang pinagmamasdan 'yong lalakeng naka-upo ro'n na nakatalikod sa gawi namin na may suot na black hoodie. Hindi ko makita 'yong mukha niya no'n kasi nakatalikod siya.
Tinapik ako ni Callen sa balikat. Saktong tumulo 'yong luha ko no'n sa sobrang tuwa. E, pano ba kasi, masyadong malakas 'yong pagtapik niya sakin kaya 'yong luhang naka-ipon sa mata ko bigla nalang tumulo.
"Puntahan mo na. Alam kong na miss mo siya ng sobra-sobra."
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako ngayon. Kung panaginip man 'to, masaya ako kasi kahit sa panaginip ay nakita ko man lang siya.
"Callen,"
"Hmm."
"Totoo ba 'to?"
Tumango si Callen, "Totoong-totoo."
Nang sabihin ni Callen 'yon, hindi na ako nagsayang pa ng oras at naglakad na ako patungo sa lalakeng 'yon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobrang lakas na hindi ko maipaliwanag.
At habang papalapit ako sa kanya, kinakabahan ako na parang ewan.
Kung nandito si Bright at wala 'yong Aron na sinasabi nina Ashley, ibig sabihin ba sinet-up lang nila ako? Alam ba nilang nandito si Bright kaya nila ako binihisan nang ganito? At ngayon naiintindihan ko na ang mensahe ni Rhian sakin. Ito pala 'yon. Si Bright pala ang tinutukoy niya.
At nang makalapit na ako, napatigil ako sa tabi niya. Di ko alam kung u-upo ba agad ako sa harap niya o tatawagin siya sa pangalan niya.
Pero nang lingunin niya ako, do'n na ako naiyak lalo.
"Deyn."
Muli, narinig ko ang boses niya.
Ang sarap pakinggan ng boses niyang 'yon. At sobrang namiss ko 'yon.
Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa sa mga bisig niyang 'yon.
"Namiss kita, sobra."
Lalo akong naiyak nang sabihin niya 'yon.
Naiyak ako kasi akala ko saming dalawa ako lang ang nakakamiss sa kanya. Naiyak ako kasi akala ko tuluyan na niya akong kinalimutan. Pero heto siya ngayon, yakap-yakap ako ng sobrang higpit.
"Akala ko. . . akala ko hindi na kita makikita pa. Akala ko hindi kana babalik." sambit ko habang himihikbi. Sobrang higpit ng pagkahawak ko no'n sa hoodie niya. Tipong mapupunit na sa sobrang higpit.
"Sorry, sorry kung iniwan kita saglit. Akala ko kakayanin ko. Pero nong mga araw na malayo ka sakin, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ikaw."
Patuloy parin ako sa pag hikbi habang siya naman ay patuloy sa pagsasalita.
"Sorry kung sinaktan kita. Hindi ko naman intensyong gawin 'yon. Ginawa ko lang 'yon kasi wala akong choice. Naisip ko kasi na kapag ginawa ko 'yon baka makalimutan mo'ko. Baka mawala na lang 'yang nararamdaman mo sakin at hindi na kita ma saktan pa oras na malaman mong malalayo ako sayo. Pero mali, kasi nang dahil sa ginawa ko ay mas nasaktan kita lalo."
Bumitaw ako sa pagyakap ko sa kanya at gano'n din siya sakin. Hinawakan niya 'yong mga pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pa 'yong mga mainit niyang palad na naka-dampi sa mukha ko habang nakatitig sa mata ng isa't isa.
"Kasi hindi ko kayang kalimutan ka, Bright."
"'Yon din 'yong na realized ko sa sarili ko, Deyn. Hindi ko rin kayang kalimutan ka."
"Pwede bang. . . pwede bang wag ka na lang umalis?" pakiusap ko habang patuloy pa rin sa pag hikbi.
"Nag decide na akong dito mag-aral. Babalik na ulit ako sa school na'tin, Deyn."
Parang napatalon bigla ang puso ko sa sobrang tuwa nang malamang babalik na siya sa school namin. Sa wakas, hindi na rin malalayo sakin ang taong mahal ko.
"Pero papano 'yong parents mo?"
"Ako lang 'yong bumalik dito. Pumayag naman sila na dito ako mag-aral. Uuwi lang ako sa bagong bahay namin tuwing bakasyon."
"Kung gano'n, hindi na tayo magkalayo."
Ngumiti siya at tumango, "Oo. Tama ka. Hindi na."
Muli naming niyakap ang isa't isa sa sobrang tuwa.
Pagkatapos no'n, umupo na kami at um-order ng milktea habang nag kwe-kwentuhan. Ang dami kong tanong sa kanya tungkol do'n sa mga sinabi ni Bryle sakin at pinaliwanag naman niya isa-isa sakin.
Sa sobrang dami naming napag kwentuhan, hindi namin namalayan na gabi na pala kaya nag decide kami na umuwi na.
At nang makalabas kami ng milktea shop, bigla na lang niya akong tinawag.
"Deyn."
"Bakit?"
"Kanina ko pa gustong itanong sayo 'to, 'di ko lang maisingit."
"Ano ba 'yon?"
Lumapit siya sakin. Sobrang lapit na parang hahalikan niya ako pero hindi.
"Pwede ba kitang ligawan?"
Siyempre napangiti agad ako. Kanina ko pa kasi gustong marinig sa kanya 'to 'di ko lang sinasabi.
Pero papatagalin ko pa ba 'to kung matagal naman niyang ginawa 'to sakin noon?
Napangiti ako bigla, "Papano kung sasabihin kong hindi?"
Nakita ko sa mukha niya na parang kinabahan siya do'n sa sinabi ko.
"Wala ba akong chance? Nabasa ko kasi in-email mo sakin, sabi mo mahal mo'ko."
Ewan ko ba kung matatawa ako o hindi. Para siyang Bata. Ang cute niya.
"Ah, so nabasa mo pala 'yong in-email ko sayo. Pero bakit hindi ka nag response?"
"Kung mag re-response ako, baka lalong hindi kita makalimutan."
Tapos kinuha niya 'yong dalawang kamay ko at hinawakan 'yon ng sobrang higpit at inulit 'yong tanong niya, "Pwede bang manligaw?"
Ilang Buwan rin siyang nanligaw sakin no'n no'ng mga panahong nagpanggap kami sa harap ng mga kaibigan namin. Kaya kahit walang katotohanan 'yon at laro-laro lang mas ramdam ko'yon. Kaya tingin ko. . .
Naglabas ako ng isang napakagandang ngiti. Inangat ko ang mga kamay ko at hinawakan 'yong mga pisngi niya at seryosong tinitigan siya sa mga mata niya.
"Bright, sapat na 'yong noon para sagutin ka ngayon."
Kita ko naman ang gulat sa mukha nito nang marinig ang sinabi ko.
"Ibig mong sabihin. . ." tumango ako kahit na 'di pa naman niya tuluyang nababanggit ang kung ano mang sasabihin niya. "Tayo na?"
Muli, tumango ako, "Oo. Sinasagot na kita."
Halos mapatalon siya sa tuwa no'ng mga oras na 'yon. Ako naman nakangiti lang pero sasabog na sa kilig.
Ito 'yong moment na gusto kong maramdaman at maranasan araw-araw. Parang ayoko na yatang matapos pa ang moment na 'to.
Pero kung matatapos man 'to, alam ko naman na may kasunod pa. At itong kwento naming dalawa, magwawakas man, hindi naman magwawakas ang pagmamahalan namin hanggang dulo.
At alam kong lahat tayo may kanya-kanyang kwento ng buhay. Lalo na no'ng mga panahong nagsisimula palang tayong gumawa ng pahina ng ating sariling kwento.
Hindi man tayo sigurado kung ano ang wakas nito, mauuwi pa rin naman ang lahat sa mga masasaya at magagandang ala-ala.
THE END. . .