Chapter 22: NOT ONCE BUT TWICE

Sa paglipas ng isang linggo, hindi kami nagpansinan ni Bright. Ang hirap lang para sakin na magpanggap na okay kami dahil kay Ashley. Sinikap kong magpanggap na ayos lang ako sa harap niya na kahit ang totoo ay sobrang sakit na.

At sa loob ng ilang araw, nasaksihan ko lahat ng ka-sweet-an nila. 'Yong dating paghatid-sundo sakin ni Bright na syang may hawak ng bag ko noon ay ngayon kay Ashley na niya ginagawa. At sa totoo lang, marami ang nagsasabing mas bagay sila.

Hindi na ako pinapansin ni Bright kagaya ng sinabi kong ayoko na siyang makausap pa.

Pero minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sakin. Pero umiiwas ako at ibinabaling na lang 'yong mga tingin ko sa ibang lugar kasi ayokong titigan siya ng matagal. Sinisisi rin ako ni Callen kasi ang tagal ko rin daw umamin kaya heto ako ngayon, nasasaktan.

At ngayon lang din kami nag-away ni Rhian kasi hindi na ako sumasabay sa kanila. Lagi na akong nauunang umuwi. Nakikiusap siya sakin ngayon na kahit isang beses lang sumabay naman ako sa kanila pero humindi ako. Ayoko na kasi. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang habang nakikita kong masaya siya sa iba.

"Ano ba kasi, Deyn. Kung nasasaktan ka, please naman, wag mong hayaang masira ang friendship nating tatlo!" sigaw sakin ni Rhian.

Tatlo na lang kami 'yong tao sa classroom kasi 'yong iba nagsi-uwian na. Si Callen at Bright naman umalis pero babalik din daw saglit.

"Teka, ano ba kasi ang problema mo, Deyn?" biglang tanong naman ni Ashley sakin. "Bakit parang lumalayo ka? Hindi ka na namin maintindihan."

"Well, sorry kung lumalayo ako sa inyo. Kahit naman kasi sabihin ko ang totoong dahilan, ako lang naman 'yong magmumukhang tanga rito." sagot ko kay Ashley.

Lumapit sakin si Ashley at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko siyang itulak papalayo sakin kasi naiinis ako sa pagmumukha niya pero heto ako, hindi ko magawa kasi. . . kasi kaibigan ko siya. "Deyn, hindi na kita kilala. Kung may problema ka sabihin mo samin para alam namin kung papano ka matutulungan."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Matutulungan? Kapag sinabi ko bang gusto ko si Bright, ibibigay ba niya sakin 'yon?

Napangiwi ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay, "Gusto mong malaman ang totoo, Ashley?"

Nakita ko sa mukha ni Rhian ang gulat nang mapansin niyang parang aaminin ko na kay Ashley na gusto ko rin si Bright.

"Deyn—" Pigil niya pero 'di ko siya pinansin at tanging sa mga mata ni Ashley lang ako nakatingin ngayon.

"Gusto ko si Bright, Ashley." aniko at agad ko namang nakita ang gulat sa mukha ni Ashley nang sabihin ko 'yon. "'Yon ang totoo."

Hindi siya nakapag salita sa sobrang gulat at naramdaman kong unti-unti siyang bumibitaw sa paghawak sa kamay ko.

"Ngayong alam mo na ang dahilan kung bakit parang lumalayo ako sa inyo, tatantanan mo na ba ako?"

"Pero tinanong kita ng paulit-ulit kung may gusto ka sa kanya o wala diba? Ang sabi mo wala kang gusto sa kanya."

"Nagsinungaling lang ako sayo no'n. Di ko naman kasi in-expect na nililigawan ka na pala niya."

Inalis ko ang kamay kong hawak niya na hanggang ngayon e 'di pa niya binibitawan.

"Gusto ko si Bright. At 'yon ang totoo." dagdag ko pa.

Tapos nalingon niya si Rhian sabay tanong ng, "Alam mo rin ba 'to, Rhian?"

Nilingon ko naman si Rhian habang hinihintay ang sagot niya. At nakita ko sa mukha ni Ashley ang pagka-dismaya nang tumango si Rhian sa kanya.

"I'm sorry, Ashley." tanging 'yan lang ang nasabi ni Rhian.

Hindi siya sinagot ni Ashley at muli niyang ibinaling ang mga tingin sakin. At ewan ko ba kung saan siya humugot ng lakas ng loob sa pinakita niyang tapang sakin habang taas kilay niya akong tinititigan.

"O tapos? Ano ngayon kung gusto mo siya?" mataray niyang tanong.

Siyempre hindi rin ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay bago sinagot.

"Hindi pa naman kayo e. May chance pa ako."

Napangiwi siya sa sinabi ko, "Are you serious??"

"Deyn, ikaw pa ba 'yan?" Biglang singit ni Rhian at agad ko naman siyang nilingon.

"Sorry kung ang desperada pakinggan, ha. Pero gusto ko lang ipaglaban itong nararamdaman ko para kay Bright." tapos nilingon ko si Ashley. "Mag compete tayo, Ashley." utos ko. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Ashley sa sinabi ko. "Wag mo'kong problemahin, isipin mo kung papano mo mailalayo si Bright sakin dahil gagawin ko ang lahat para makuha siya sayo."

"Are you really treating me as your competetor, Deyn?"

Tumango ako sa tanong niyang 'yon, "Oo. At maghintay ka, makukuha ko rin siya sayo."

Don ko lalo mas nakita ang mataray na itsura ni Ashley na tila hindi magpapatalo.

"Okay, fine." saad niya. "Let's compete. Babae sa babae. Pero hinay-hinay ka lang ha? Wag mong masyadong galingan, baka kasi masayang ang effort mo."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "What do you mean by that?" tanong ko.

"Remember, ako ang nililigawan niya. Isang Oo ko lang sa kanya, kami na agad. Tandaan mo 'yan."

Naiwan akong napatulala nang talikuran ako ni Ashley. Inisip ko 'yong huling sinabi niya. Mas matimbang siya kaysa sakin kasi siya 'yong nililigawan. Pero kahit gano'n, hindi parin ako susuko.

I badly wanna talk to Bright right now. Kailangan kong sabihin sa kanya at ipaintindi sa kanya kung gaano ko siya ka gusto.

At kahit hindi parehas ang nararamdaman namin, gusto kong humingi ng chance sa kanya na sana bigyan niya ako ng pagkakataong ipakita sa kanya kung gaano ko siya ka gusto.

Hinanap ko siya sa kung saang parte ng school pero wala siya ro'n. Bleachers, canteen, lobby o kahit saan chineck ko pero wala talaga siya.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya ma contact. Takbo lang ako nang takbo kahit na 'di ko alam kung saan siya hahanapin. Nang makaramdam ako ng pagod, umupo muna ako sa isang malapit na bench at nagpahinga saglit. Habang nagpapahinga, nag-iisip ako kung saan ko siya pwedeng mahanap ngayon. Si Bright 'yong tipo na tao na hindi mahilig gumala. Kaya bukod sa skwelahan, paniguradong wala na siyang ibang pupuntahan kundi deretcho uwi sa bahay nila.

Tama.

Baka nando'n lang siya sa bahay nila. At pupuntahan ko siya ngayon do'n.

Tumakbo ulit ako at nagpara ako ng tricycle na masasakyan pero nang i-check ko 'yong bulsa at bag ko, wala 'yong wallet ko. Hindi ko alam kung saan ko nailapag 'yon kanina o baka nahulog ko sa kung saan habang tumatakbo ako. Kaya naman hindi na ako sumakay at nag decide na lang ako na tumakbo na lang since wala nang oras.

5:30 pa lang no'n pero medyo madilim na.

Habang tumatakbo ako, hinihiling ko na sana nando'n nga si Bright sa bahay nila at sana magkaroon ng chance na masabi ko lahat sa kanya. Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin niya, basta gusto kong ipaalam at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya ka gusto. Bigyan lang sana niya ako ng pagkakataon.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, humugot muna ako ng lakas ng loob kung papano ko siya harapin. Bukas 'yong mga ilaw sa loob ng bahay nila kaya alam kong may tao sa loob.

Nag doorbell ako pero walang lumabas para pagbuksan ako ng gate. Siguro nakailang doorbell ako pero wala talagang may lumabas. Kaya naman kinuha ko ulit 'yong cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi niya sinagot.

Shet! Parang sinasadya niya yatang wag akong kausapin ah.

Tinext ko siya, sinabi kong nandito ako sa tapat ng bahay nila. Matapos kong i-send 'yon, naghintay ako ng mga ilang minuto, ang akala ko lalabas siya, pero hindi e. Wala.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko mismo 'yong gate nila at kusang pumasok sa loob ng bahay nila. Desperada na kung desperada, wala na akong pakialam do'n.

Nang makapasok ako sa loob, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Walang tao. Pero narinig kong may nagpapatugtog ng music sa kuwarto niya, kaya sigurado akong nando'n siya. Lumapit ako do'n at kumatok ng tatlong beses bago ko tinulak ng dahan-dahan 'yong pintong nakasarado ng kunti. At nang mabuksan ko 'yong kuwarto niya, nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at napatitig sakin.

"Bakit ka pumasok?"

Tinanong niya ako kung bakit ako pumasok. Hindi man lang siya nagulat nang makita ako. Ibig sabihin kanina pa niya alam na nasa labas ako ng bahay nila.

"Sino nagpapasok sayo?" dagdag pa niya pero hindi ko sinagot ang tanong niyang 'yon.

"Kanina pa ako nag do-doorbell paro hindi mo man lang ako pinapansin!" galit na sigaw ko. "Tinatawagan kita pero hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag at text ko."

Napatayo siya mula sa pagkaupo sa kama niya, "Ikaw na mismo ang nagsabi hindi ba? Ayaw mo na akong maging kaibigan."

Natahimik ako.

Oo nga, sinabi ko nga 'yon. Pero hindi ko naman in-expect na talagang seseryosohin niya 'yon kagaya nito ngayon.

"Bright, mag-usap tayo."

Nakita kong umiling siya, "Wala nang dapat pag-usapan, Deyn."

"Pakinggan mo muna ako." pumikit ako, "Alam kong iisipin mong selfish ako kapag sinabi ko sa'yo 'to, pero gusto ko lang malaman mo na gustong-gusto kita." dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tinitigan siya ng deretcho sa mga mata niya, "Bright, pwede ba kitang ligawan?"

Kumunot 'yong noo niya na tila nagulat sa sinabi ko, "Ano? Nahihibang ka na ba, Deyn?"

"Seryoso ako." depensa ko. "Alam kong panget pakinggan o isipin na babae 'yong mismong manliligaw sa isang lalake, pero hindi naman patas kung puro na lang lalake ang gagawa no'n. Kasi papano naman kaming mga babae? Hindi man lang ba namin pwedeng ipakita sa isang tao 'yong nararamdaman namin? Ang unfair naman no'n, hindi ba? Kaya gusto ko lang ipakita sa'yo kung gaano kita ka gusto. Kung hahayaan mo sana akong ligawan ka, Bright." Pakiusap ko.

Parang tinusok ng mga karayom ang puso ko nang makitang umiling siya.

Umiling siya hindi dahil sa hindi siya pumayag sa sinasabi ko kundi,

"Sinagot na ako ni Ashley, Deyn."

Bumagsak ang magkabilang balikat ko at biglang nanghina ang buong katawan ko sa narinig ko.

"Kami na." dagdag pa niya.

Hindi na ako magugulat sa narinig ko. Sa itsura ba naman ni Ashley kanina, halatang natatakot siyang maagaw sa kanya si Bright. Naiinis ako kasi hindi man lang niya pinatagal bago sinagot si Bright. Hindi tuloy ako nagkaroon ng chance na ligawan siya.

Ano ba naman kasi itong sumagi sa isip ko? Anong ligaw-ligaw?

Hindi ko naman aakalain na magagawa ko 'to buong buhay ko nang dahil lang isang lalake. Para akong tanga.

"I'm sorry, Deyn. Pero hindi talaga kita—"

"Hindi mo kailangan sabihin sakin 'yan nang paulit-ulit, Bright. Alam ko naman, e. Mali lang talaga ako ng inakala. Iba kasi 'yong pinapakita mo sakin kumpara d'yan sa nararamdaman mo."

"Sinabi ko na sayo. Nilinaw ko na walang ibig sabihin 'yong mga pinakita ko sayo. Gano'n ako sa lahat."

"Oo nga. Gano'n ka nga sa lahat. Kaya nga kita nagustuhan, e. Pero dibale na, hindi lang naman ikaw ang lalakeng magugustuhan ko. Tandaan mo, sa oras na mawala itong nararamdaman ko sayo, magsisi ka."

Tinalikuran ko siya at umalis ako ng bahay nila. Paglabas ko ng gate, do'n na ako humagolgol sa pag-iyak. Halos mapa-upo ako sa daan habang umiiyak no'n. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Hindi ko naman aakalain na sa pangalawang pagkakataong maiinlove ulit ako ay mas masakit pa ang naidulot nito sakin.

Muli akong humugot ng lakas ng loob para maitayo ang sarili ko at tumahan sa pag-iyak. Nagsimula ulit akong maglakad papalayo do'n sa lugar nila hanggang sa makarating ako sa isang convenience store. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok do'n para magpalamig saglit. Bumili ako ng ice cream at umupo muna sa isang bakanteng upuan. Habang kumakain ako panay punas ako ng sipon at luha ko. Nakakahiya mang aminin pero 'di pa rin ako tumatahan sa pag-iyak. Kahit nga sa pagbayad ko ng ice cream sa cashier e umiiyak ako.

Nang maubos ko na 'yong ice cream ko ay do'n na ako nag decide na lumabas ng convenience store. Napatingin ako sa relo ko no'n at napangiwi ako nang makitang mag a-alas siyete na. Grabe, gabi na pala at hindi ko man lang namalayan.

Nagsimula akong maglakad. Nagdadalawang isip pa ako no'n kung papara ako ng tricycle o wag na lang since wala akong cash dito. Gamit ko nga lang ang card ko kanina no'ng nagbayad ako ng ice cream na binili ko. E hindi naman pwedeng magbayad ako gamit ang card ko sa tricycle driver.

Kaya nag decide akong maglalakad na lang. Sobrang dilim na ng paligid no'n at naka bukas na lahat ng street lights sa daan. Tapos ang traffic pa kapag ganitong oras.

Nag short cut ako ng daan pa uwi. May alam kasi akong daan na mas malapit kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at lumiko ako pa kanan. Mas okay dito kasi bibihira lang 'yong mga dumadaang tricycle at hindi rin dumadaan dito 'yong mga bus o truck. Hindi naman kasi highway. Habang naglalakad ako, nakita ko sa may dulo na patay sindi na 'yong mga street lights do'n kaya naman hinanda ko 'yong cellphone ko para 'yon ang gamiting pang-ilaw.

Nang makarating ako sa banda ro'n kung saan naka cross road 'yong daan, may bigla na lang lumitaw na motor na sobrang bilis at nang mapansin kong masasagasaan ako ay napasigaw na lang ako sa gulat at takot.

"WAAHH!"

"Miss, tabi!" rinig kong sigaw ng lalakeng nagmamaneho ng motor.

Pero imbis na ako 'yong tumabi e hindi ko ginawa dahil natumba ako at siya naman ang nag adjust. Umilag siya at pumreno at tinigil  ang pagmamaneho saglit para i-check kung okay ako o hindi.

"Magpapakamatay kaba?!" sigaw niya sakin.

Ops, akala ko pa naman e talagang tinigil niya 'yong pagmamaneho para i-check kung okay ako. Mali pala.

Nasa likuran ko siya at alam kong galit siya sakin dahil muntik na siyang makabangga ng kagaya ko kaya naman hindi ko siya nilingon.

"Siyempre hindi." sagot ko at napahawak sa tuhod kong nagasgasan. "Sinong tao naman ang gugustuhing magpapakamatay?"

"E, bakit 'di ka tumabi? Tanga ka ba?"

Siguro nga, tanga nga ako.

"Alam ko."

"What?"

"Alam kong tanga ako." paguulit ko. "Di mo kailangang ipaalala."

"Wait, 'yong tuhod mo." tapos lumapit siya sakin para tingnan 'yong tuhod kong nagasgasan. Dahil do'n, nakita ko 'yong itsura niya.

What the!

Sa gulat ko, agad ko siyang tinulak papalayo sakin at agad akong tumayo.

"Lumayo ka!" sigaw ko habang nakaturo sa mukha niya. "Ang kapal naman ng mukha mong kausapin ako pagkatapos ng lahat-lahat ano?"

Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "What?? Wait, do I know you?" tanong niya habang nakaturo sa mukha ko.

Huwaw naman! Parang kanina lang nireject niya feelings ko tapos ngayon 'di na niya ako maalala? Amnesia lang ang peg?

Tinaasan ko siya ng kilay. Di e-epek 'tong pag a-arte niya sa harap ko, ano.

"Pwede ba, Bright magpaka matured ka naman. Hindi ka na bata para dramahan mo'ko ng ganyan."

"Bright? So kilala mo 'yong Brother ko?"

Brother?

Shems! Ano 'to? Umaarte siyang brother niya si Bright? Huh! That's impossible. Sa pgkakaalam ko, only child ang isang 'yon. Besides, kamukha niya si Bright. Kaya wag siya. Alam kong inaartehan lang niya ako.

"Tigilan mo'ko. Nag e-emote ako rito tapos muntik mo na akong mapatay. Kasalan mo na ngang umiiyak ako ngayon tapos babanggain mo pa ako. Tsaka kailan kapa natutong mag motor?" tanong ko sabay turo sa motor niya na naka park sa gilid. "Hindi ka naman marunong mag motor, ah."

"Wait," Nag hand sign siya na parang sinasabing sandali lang, "let me clear it first." tapos bumuntong hininga siya, "I think you misunderstood me." seryosong aniya.

Kumunot naman 'yong noo ko pero hinintay ko ulit siyang magsalita.

"Hindi ako si Bright. I am his Twin."

Twin?

Huwat?

Ano raw?

As far as I know, only child lang si Bright. At impossibleng magkakaroon siya ng kambal dahil wala naman siyang sinasabi sakin.

Napatitig ako sa mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga si Bright. Ang linis ng mukha, parang si Bright talaga. 'Yong tindig niya, 'yong kilay, pati 'yong buhok, kuhang-kuha talaga kaya masasabi mo talagang si Bright 'to.

"Papano ako makasiguradong hindi ikaw si Bright?"

"Oh, wait." tapos may kinuha siya sa bulsa niya which is 'yong cellphone niya at parang may hinahanap siya ro'n. Di ko alam kung ano pero maya-maya pa ay hinarap niya sakin 'yong screen ng phone niya kung saan makikita ko 'yong dalawang bright na magka-akbay sa iisang litrato lang.

Halos mapa-nganga ako sa gulat habang nakatitig sa picture na 'yon.

Hindi. Impossible.

Papanong. . .

"Kung gano'n, may kambal si Bright?"

Tinaas niya 'yong dalawang kilay niya as a sign na um-oo siya sa tanong ko.

"And that's me." tapos inangat niya 'yong left handa niya na para bang makikipag handshake siya sakin, "I'm Bryle. Bright's twin brother."

Hindi ako nakipag shakehand sa kanya at tanging nakatulala lang ako sa mukha niya habang iniisip kung totoo nga bang may kambal siya na kausap ko ngayon o baka naman nananaginip lang ako?

Hindi ako makapaniwala!

Muli niyang inangat 'yong kamay niya na para bang sinasabi niyang makipag shakehand na rin ako sa kanya pero imbis na gawin ko e pinalo ko 'yong kamay niya.

"Hindi ako naniniwala." saad ko. "Hindi sapat ang litratong 'yan para mapaniwala mo'ko sa kalokohan mo, Bright."

"Oh, grabe. Angas mo naman." tapos napakamot siya sa ulo niya habang nag-iisip kung papano ako mapaniwala hanggang sa tinuro niya 'yong motor niya. "Ikaw mismo ang nagsabi na hindi marunong magmaneho ng motor si Bright, hindi ba?"

Tama. Hindi nga siya marunong. Nagulat nga ako nang makitang nagmaneho siya ngayon lang.

"Hindi pa ba sapat na pruweba 'yan?"

Hindi ako nakapagsalita.

Grabe, talaga bang may kambal siya?

Kung gano'n, bakit ngayon ko lang nalaman? Saan galing ang isang 'to at ngayon lang siya nagpakita sa lugar na'to?

"Sabihin mo, kung talagang kambal ka niya, bakit ngayon lang kita nakita? Saang school ka nag-aaral?"

Ngumiti muna siya sakin bago nagpaliwanag. Para siyang sira. Close ba kami para ngitian niya ako nang gano'n?

"I live in my uncle's house. Do'n rin ako nag aaral sa lugar nila." Saad niya. Tapos nagulat ako nang bigla siyang magkwento. "Simula bata do'n na ako nakatira. Do'n ako lumaki sa side nila. Kaya bibihira ko lang nakakasama ang tunay kong pamilya. Pero magkasundo naman kami ng Brother ko. Buong buhay namin hindi pa kami nag-away."

Hindi ko alam kung talagang maniniwala ba ako. Pero basi sa kuwento niya, possible naman 'yon.

"E, bakit nandito ka ngayon?"

"For having a vacation just for a while." sagot niya. "Teka, dami mong tanong. Kita mong dumudugo na 'yang sugat mo." sabay turo sa sugat ko bago kinuha 'yong wrist ko at bigla na lang akong hinila papunta sa motor niya. "Sumama ka sakin."

"Uy, teka, saan mo'ko dadalhin?" tapos binawi ko 'yong wrist ko sa kanya. Malay ko ba kung saan ako dadalhin ng isang 'to.

"Saan pa ba? Edi sa ospital. Ipapagamot 'yang tuhod mo."

"Hindi na kailangan." pagtanggi ko. "Gasgas lang naman 'to. Isa pa," tapos napatingin ako sa kanya bago ko inilipat ang mga tingin ko sa motor niya, "Wala akong tiwala sayo. Baka ma aksidente pa ako dahil d'yan sa kalokohan mo."

Natawa siya sa sinabi ko. 'Yong tawa niya e gaya rin sa tawa ni Bright. Grabe, talagang kuhang-kuha ah.

"Ah, talaga? Wala ka bang tiwala sakin ha? Ipapagamot natin 'yang sugat mo, hindi naman kita ipapahamak."

"Kahit kailan hindi ako sasakay d'yan sa bulok mong motor." pang iinsulto ko pero nainis ako nang makita tumawa ulit siya. Kaya inirapan ko siya. "D'yan ka na nga." tsaka ko siya tinalikuran at tumakbo ako pa uwi ng bahay.

Grabe! Di ako makapaniwalang may kambal siya.

Ano nga ulit pangalan no'n?

Br. . . Bryle?

Wait, hindi dapat ito 'yong tanong ko e. Ang dapat na tanong ay kung bakit hindi niya sinabing may kambal siya.

Ano kaya ang tinatago ni Bright at hindi niya sinabing may kambal siya?

May hindi ba ako nalalaman tungkol sa kanya?