CHAPTER 20 THE TRUTH

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagpapa ulit-ulit sa tenga ko 'yong sinabi niya ngayon lang.

Gusto niya ako.

'Yan ang lumabas sa mismong bibig niya ngayon.

Ibig sabihin parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa. At ngayong sinabi na niya, ibig bang sabihin nito kailangan ko na ring umamin? Aaminin ko na rin bang gusto ko rin siya?

Lumapit ulit siya sakin habang ako naman napapalunok ng laway.

"Gusto kita." pag-uulit niya. "Sino naglagay niyan dito?"

Nagtaka ako sa sinabi niyang 'yon. Anong sino ang naglagay? Pinagsasasabi ng isang 'to?

"Ha?" tanging 'yan lang ang nasabi ko.

"Ito." tapos may tinuro siya which is nasa likuran ko at hindi naman ako nagdalawang isip na lingunin 'yon para makita kung ano meron.

Do'n ko lang nakitang may nakasulat pala sa pader na 'Gusto kita' gamit ang kulay pulang pintura. Actually, marami pang ibang mga nakasulat do'n pero 'yong salitang 'Gusto kita' lang 'yong pinakamalaking sulat kaya 'yon agad 'yong magbabasa mo kapag mapatingin ka sa pader.

Anak ng— ibig sabihin hindi talaga niya sinabi 'yon sakin kundi binasa lang niya dahil nakasulat 'yon sa pader. Akala ko pa naman gusto na niya ako.

Pambihira naman. Akala ko mutual na 'yong feelings namin sa isa't isa, hindi pala.

"Anong masasabi mo rito, Deyn?" tanong niya at lumapit sa pader at napahawak do'n sa mismong may sulat. "Diba bawal magsulat dito?"

Tumango naman ako. No choice. Ayoko namang may isipin siyang iba. Ayokong mahalata niyang akala ko e talagang sinabihan niya akong gusto niya ako. Kaya dapat galingan kong umarte na parang normal lang, "Oo." walang ganang sagot ko. "Pero problema na nila 'yan. Labas na tayo d'yan." dagdag ko pa.

"Sino naman kaya nagsulat nito?" sabay turo ulit do'n sa sulat na 'Gusto kita', "Siguro para sa crush niya 'to."

No'ng sinabi niya 'yon, tanging isa lang ang pumasok sa isip ko. 'Yon ay sana gano'n din siya. Sana magsulat din siya nang gano'n o 'di kaya aminin din niya sakin na gusto niya ako. 'Yon ay kung may gusto nga rin siya sakin.

Pero natapos lang ang usapan namin nang walang goodnews. Actually, walang sense lahat ng pinagusapan namin. Pagkatapos no'n, bumalik na kami ng classroom. That time, nag video call ako kay Genevieve gamit 'yong cellphone ni Callen para mag sorry. Buti na lang at mabait rin pala itong si Genevieve at nagawa niya akong patawarin. Hindi kagaya nitong si Colleen. Pakiramdam ko nga, habang buhay na kaming mag-aaway nito, e.

Nag start ang klase namin hanggang sa sumapit ang uwian. Hindi pa ako umuwi no'n kasi inutusan pa ako ng subject teacher namin kanina na i-collect 'yong mga assignments namin at dalhin sa faculty. Sina Rhian, Ashley, Callen at Bright hinihintay ako sa may lobby kasi may lakad kami ngayon. Pupunta lang naman kaming plaza para gumala saglit at kumain ng street foods bago umuwi. Matapos kong dalhin 'yong mga assignments namin sa faculty ay bumalik na ako ng classroom para kunin 'yong bag ko. Saktong nakasabay ko no'n si Gab tapos kinausap niya ako habang naglalakad kami.

"Kamusta ka?" biglang tanong niya sakin.

"Ayos lang." sagot ko naman. Saktong may hawak siyang parang shopping bag no'n kaya natanong ko kung ano laman no'n. "Ano 'yang dala mo?"

"Ah, ito ba?" tapos inangat niya 'yong shopping bag. "Para kay Colleen. Ibibigay ko sana sa kanya. Nando'n pa ba siya sa room niyo?"

"Nando'n pa. Mukhang hinihintay ka nga, e." sagot ko naman. "Kamusta na pala kayo? Balita ko nag-away kayo no'ng nakaraan."

Tsismosa na kung tisismosa pero oo. Alam ko lahat ng ganap sa kanilang dalawa. Hindi rin naman kasi maiwasan. Mapa social media man o personal lagi akong updated sa kanila.

"Kunting tampohan lang." sagot niya at tumawa ng kunti. "Selosa kasi siya."

"Selosa din naman ako noon, ah." biglang sabi ko. Walang ibig sabihin 'yon, gusto ko lang siyang i-remind na selosa rin naman talaga ako noon. Pero siyempre, hindi kami nag-aaway kasi iniintindi namin ang isa't isa. Pero sa huli, hindi rin naman keneri kasi iniwan niya ako. Kaya naging useless ang lahat.

Pero okay na naman ako ngayon. Naka-moved on na ako sa kanya. Nagagawa ko na nga siyang kausapin ngayon at titigan sa mata na kung dati ay hindi ko kayang gawin at hirap akong gawin.

Lahat ng 'to ay dahil kay Bright. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ko nakalimutan 'yong Ex ko. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

Natawa si Gab sa sinabi ko at pinitik ako sa noo sabay sabing, "Oo na, selosa ka rin."

"So sino samin 'yong mas selosa?" tanong ko pa habang natatawa. Curios lang ako at gusto ko lang malaman kung sino samin ni Colleen.

"Si Colleen." sagot naman ni Gab. "Mas selosa siya compared sa'yo. Tapos ang hirap pa niyang suyuin."

Natawa ako sa sinabi niya, "Siyempre, mahirap talagang suyuin ang isang 'yon. Halata naman, e."

Natawa ulit ako at gano'n din siya. Saktong nasa tapat na kami ng classroom no'n at nando'n si Colleen sa may mismong pinto nakatayo habang kunot noong nakatitig samin pareho ni Gab.

"Why are you guys laughing?" seryosong tanong niya samin.

Siyempre, hindi naman namin pwedeng sabihin ni Gab na kaya kami natatawa dahil sa kanya. Baka magalit pa siya kapag nalaman niyang siya ang dahilan kung bakit kami tumatawa.

"Ah, wala. Si Deyn kasi may kuwinentong nakakatawa." pagsisinungaling ni Gab at tumango naman ako bilang pagsang-ayon bago ako pumasok sa loob ng classroom at hinayaan silang dalawa.

Pagpasok ko sa loob, nakatingin sakin sina Ashley. Alam ko kasing nakita rin nila kung papano kami magtawanan ni Gab.

Kinuha ko na 'yong bag ko para umalis na sana. E, hindi ko naman in-expect na tatanungin rin nila ako kagaya ng tanong ni Colleen.

"Bakit kayo nakatawa kanina?" tanong ni Ashley sakin.

"Nag kuwi-kuwentuhan lang." sagot ko. "Nakakatawang usapan, gano'n." Paglilinaw ko pa.

Tapos bumuntong hininga ako habang pinapaniwala ang sarili ko na sana naniwala sila ro'n.

"Kuwentuhan? Pero 'yong tawanan e parang iba." singit naman ni Rhian.

"Anong iba?" kunot noong tanong ko.

"Para kasing masaya kayo na kausap niyo ang isa't isa. Tipong, excited kayo kasi nakausap niyo ulit ang isa't isa, gano'n. Ewan ko lang kung ako lang ang nakaka-feel no'n kanina habang pinagmamasdan kayo."

Tapos biglang sumang-ayon si Ashley sa sinabi ni Rhian, "Ako rin. Na fe-feel ko rin."

"Umamin nga kayo, may something ba sa inyo ng ex mo?" biglang tanong ni Callen. Alam kong hindi niya sinasadyang itanong 'yon at nadulas lang siya kasi agad siyang napatakip ng bibig at nag peace sign sakin pagkatapos. Pero itong sina Rhian at Ashley e nagtaka kung bakit naitanong 'yon ni Callen sakin.

"Something?" biglang singit ni Rhian. "Pano mo nasabi 'yan? E, diba may boyfriend na si Deyn? Sila na ni Bright, remember?"

"Oo nga," Pagsang-ayon naman ni Ashely sa sinabi ni Rhian. "Impossible namang may feelings pa si Deyn sa Ex niya."

Nilingon ni Callen si Bright sabay sabinq, "Uy, bro." tapos inakbayan ni Callen si Bright. "Wag kang mag-selos. Joke lang 'yon."

"Hindi. Ayos lang." malamig na sagot ni Bright at tinanggal 'yong akbay ni Callen sa balikat niya.

Biglang natahimik sina Rhian at Ashley dahil sa malamig na naging sagot ni Bright. Inakala siguro nilang nagseselos si Bright dahil do'n. Pero kahit ako, iniisip ko rin na nagseselos siya basi sa reaksyon niyang 'yon. Kaso lang, hindi naman ako sigurado kung nagselos nga ba.

Nang maka-alis na si Gab ay nakita kong hawak na ni Colleen 'yong shopping bag habang naglalakad papalapit sa gawi namin ng mga kaibigan ko.

At nang tumigil siya sa harap ko, mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya.

"Tapatin mo nga ako, Danielle." biglang sabi niya. "Ano 'yong pinag-usapan niyo ni Gab? Alam kong kasinungalingan 'yong sagot niya. Kaya hindi ako naniniwala."

Tama nga si Gab, selosa nga talaga siya. Lahat na lang talaga binibigyan niya ng malisya.

"Alam mo naman palang kasinungalingan 'yong sinabi niya, bakit hindi siya ang tanungin mo? Magka-usap kayo ngayon lang, bakit 'di mo siya tinanong?" taas kilay kong sabi.

"Because I want you to answer it." sagot niya. "Kasi alam kong kahit anong gawin ko hindi niya sasabihin sakin kung ano 'yong pinag-uusapan niyo."

Napangiwi ako sa sinabi niya,

"At sa tingin mo sasabihin ko sa'yo?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "At bakit? Ise-secreto mo rin?" tapos napatingin siya kay Bright bago ulit napatingin sakin, "May boyfriend kana pero pilit ka pa ring dumidikit kay Gab!" sabi niya nang may mataas na boses.

Biglang nagtahimik ang paligid. Kahit ako biglang natahimik rin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Ops, teka lang, hindi mo pala siya boyfriend, ano?" dagdag ni Colleen dahilan para magulat ako ng sobra.

Wait, how did she. . .

Halos lumuwa ang mga mata ko habang tinatanong ang sarili ko kung papano niya nalaman.

Gulat naman akong nilingon nina Rhian at Ashley na mukhang naghihintay ng sasabihin ko.

This can't be. Papano niya nalaman na hindi ko boyfriend si Bright?

Bukod kay Callen wala namang ibang nakakaalan. Kaya papano niya—shets! Oo nga pala, sa kanya 'yong ballpen na napulot ko no'ng mga nakaraang araw sa tapat ng classroom no'ng ni-locked kami nina Callen do'n para magkaroon ng chance na magka-usap kami ni Bright.

This can't be. So confirmed na siya nga 'yon at narinig niya ang sinabi ni Bright no'ng nag-uusap kami.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kinakabahan ako kasi malalantad na 'yong secreto namin ni Bright. Hindi lang ako at ang mga kaibigan ko ang nasa classroom ngayon. May mga nakarinig ng sinabi ni Colleen na mga ka-klase rin namin kaya any moment kakalat ito sa buong school o baka pati sa social media.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot, Deyn?" mataray na tanong ni Colleen.

"Anong ibig mong sabihin?" biglang tanong ni Rhian kay Colleen pero hindi siya sinagot ni Colleen at tanging sakin lang siya nakatingin.

"Ah! So walang alam ang mga friends mo rito?" tapos napatingin siya kay Bright, "Bakit hindi natin tanungin si Bright?"

Agad akong napalingon kay Bright no'n para bigyan siya ng sign na wag sabihin ang totoo. Pero hindi siya nakatingin sakin at tanging sa baba lang siya nakatingin.

"Totoo bang hindi mo girlfriend si Deyn, Bright?" tanong ni Ashley sa kanya.

Napabuntong hininga naman ako habang hinihintay ang sasabihin niya. Kinakabahan ako pero may tiwala ako kay Bright. Alam kong hindi niya sasabihin ang totoo na wala talagang kami. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong malaman ng lahat na wala talagang kami at laro lang ang lahat ng ito. Siguro kasi natatakot talaga ako na kapag nalaman nila ang totoo, may magbabago.

At nang magsalita si Bright, dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ko.

Dahan-dahan ko siyang nilingon habang binibigyan ng tingin kung bakit niya inamin ang totoo.

"Sorry kung nagsinungaling kami." sagot niya. "Totoong walang kami at laro lang ang lahat ng 'yon. Ginawa ko lang 'yon para tulungan si Deyn na maka-moved on sa Ex niya."

Hindi ako nakasagot. Nasaktan ako kasi inamin niya ang totoo. Nasaktan ako ng sobra. Pakiramdam ko binigo ako ni Bright.

At hindi ko kayang harapin ngayon ang mga kaibigan ko kasi hindi ko alam kung papano ako mag e-explain sa kanila.

"Totoo ba 'yon, Deyn?" tanong sakin ni Ashley. At para matapos na 'to, tumango na lang rin ako para aminin ang totoo.

Wala akong choice.

"Oo." sagot ko. Naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko at mas lalo kong naramdaman ang kirot sa puso ko. Sinubukan kong pigilang tumulo ang mga luha ko kasi ayoko namang magpaliwanag sa kanilang nang umiiyak.  "Totoo 'yong sinabi ni Bright." pagpapatuloy ko. "Walang kami. Nagkunware lang kami para ipakitang okay ako at naka-move on na ako sa Ex ko kahit na hindi pa naman pala talaga."

Nang maramdaman kong tutulo na 'yong luha ko ay agad kong pinunasan 'yon bago ako muling nagsalita.

"No'ng time na 'yon, hindi ko alam kung bakit ko naisipang sabihin sa inyong lahat na may gusto ako kay Bright, na gusto namin ang isa't isa. Siguro kasi, gusto kong makita kung magseselos ba si Gab kapag nalaman niyang may iba na ako, pero ayon wala, e."  Natawa ako ng kunti na parang baliw pero naiiyak pa rin.

"Kasi kahit anong gawin ko, si Colleen pa rin ang gusto niya. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kanya na wala ako at kung bakit siya binalikan at ako 'yong iniwan? Pero no'ng dumating si Bright at naisipan naming magpanggap, habang tumatagal unti-unti ko na lang na re-realized na nawawala na pala 'yong feelings ko kay Gab."

Nilingon ko si Bright na nakatitig sakin habang nagku-kuwento ako, "Kaya sobrang thankful ako sa kanya kasi tinulungan niya ako. Kahit walang kapalit ang lahat ng 'yon, sobrang saya ko kasi nand'yan siya." nagpunas ako ng luha saglit bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Kaya ngayong okay na ako, naka moved on na ako, gusto ko lang mag thank you sa kanya sa lahat-lahat."

Magsasalita pa sana ako pero lalo pa akong naiyak kaya nagpunas na lang ako ng luha at kinuha 'yong bag ko. Hindi ko alam kung papano ako magpapaalam sa kanila. Kaya ang ginagawa ko ay tumakbo na lang palabas ng classroom.

Habang naglalakad ako palabas ng campus, hindi pa rin ako tumatahan sa pag-iyak. Malungkot lang talaga ako kasi nalaman na ng lahat na walang kami at friends lang talaga kami. Naaawa ako sa sarili ko kasi gusto ko na siya. Nagustuhan ko siya kung kailan tapos na ang pagpapanggap. At nalulungkot ako kasi inamin niya ang totoo kung kailan ayoko pa sana.

                               ***

Nakahiga ako sa Kama ko nang biglang tumunog 'yong messenger ko kaya naman agad akong bumangon para tingnan kung sino 'yong nag-chat sakin.

Your Bright✧

active now•

Deyn, okay ka lang ba?

Sorry kung sinabi ko ang totoo kanina.

Nalaman tuloy nila na walang tayo.

Gusto kong magalit kay Bright pero anong magagawa ko kung alam kong walang sense kung magalit ako sa kanya. Isa pa, wala naman akong dapat ika-gagalit kasi totoo naman talagang walang kami. Ako lang 'yong may ayaw na sabihin niya 'yon kasi hindi ako handa.

Hindi ko rin naman siya matiiis, kaya kahit anong sama ng loob ang nararamdaman ko, re-replyan ko pa rin siya.

Baby Deyn♡

active now•

Ano ka ba, okay lang naman ako.

Hindi mo naman kailangan mag sorry.

Tsaka, gusto ko lang mag thank you sa'yo sa lahat ng naitulong mo sakin.

Your Bright✧

active now•

Wala 'yon, Deyn.

Ginusto kong tulungan ka kasi malakas ka

sakin.

Pero ngayong alam na nilang walang tayo,

Friends pa rin naman tayo, hindi ba?

"Friends lang? Pano kung gusto ko more than friends? Papayag ka ba?" sabi ko habang nakatitig sa chat niya.

Baby Deyn♡

active now•

Oo naman.

Kung gusto mo more than friends pa, e

CHARR! HAHA.

Your Bright✧

active now•

Wag mo'kong hamunin, Deyn.

Baka totohanin ko 'yang sinabi mo,

sige ka.

Nakangiti ako habang binabasa 'yong chat niya. Actually, kinikilig  ako ngayon. Hindi ko naman kasi inakalang ito pala 'yong ire-reply niya. Akala ko kasi change topic siya o kaya tatawa lang, gano'n.

Baby Deyn♡

active now•

Asus. Wag kang ganyan.

Baka umasa akong totohanin mo.

Pagka-send ko no'n, as usual, kagaya nang nakasanayan, nag log out na naman siya. Nainis na naman ako kasi kung kailan nakakakilig na 'yong convo namin e bigla siyang nag lo-log out. Ewan ko ba kung sinasadya niya 'to o talagang hindi?

Hays.

No'ng sumunod na araw, kinausap ako nina Rhian at Ashley. As usual, tinanong nila ako tungkol sa amin ni Bright. Hindi kasi sila makapaniwalang wala talaga kaming gusto sa isa't isa at laro-laro lang ang lahat.

"Seryoso ka, Deyn? Wala talagang kayo ni Bright? Ginawa niyo lang 'yon kasi gusto mong malaman kung magseselos si Gab at para ipakitang moved on ka na sa kanya?" sunod-sunod na tanong sakin ni Rhian.

"Oo." sagot ko naman. "Wala talagang something samin. Laro lang ang lahat."

"Pero totoong fully healed kana sa Ex mo?" Paglilinaw ni Ashley na halatang may pag-aalala sa boses.

"Oo. Fully healed na ako sa kanya. Nagagawa ko na nga siyang kausapin at titigan sa mata. Okay na ako," tapos inangat ko ang right hand ko, "promise."

Nakahinga ng maluwag si Ashley sa sinabi ko. "Buti naman kung gano'n."

"Unfair lang kasi alam ni Callen 'yong totoo na walang kayo ni Bright samantalang kami ni Ashley walang ka ide-ideya tungkol sa totoong nangyare." biglang sabi ni Rhian. Ramdam ko naman 'yong lungkot sa boses niya.

"Sinabi ni Callen 'yan sa inyo?" tanong ko at tumango silang dalawa.

"Oo, kahapon." sagot ni Ashley. "Nalungkot kami no'ng nalaman naming alam niya samantalang kami ni Rhian hindi. Pakiramdam tuloy namin hindi kami mahalaga sayo."

"Sorry, guys. Ayoko ko lang kasing mag-alala kayo sakin. Tsaka, nalaman lang rin ni Callen 'yon no'ng mga araw na nagalit ako kay Bright kasi nalamangan niya ako sa klase." pagpapaliwanag ko at tumango naman si Rhian.

"Alam namin." sagot ni Rhian. "Na kuwento niya samin 'yan."

"Sorry talaga." sabi ko at niyakap naman nila ako pareho.

"Okay lang, Deyn. Ang importante, alam naming okay kana talaga." saad ni Ashley habang yakap nila ako pareho.

Nang kumawala na kami sa yakap naming tatlo, biglang nagtanong sakin si Rhian.

"Pero wala ka ba talagang gusto kay Bright?"

Ang tanong na 'yon ni Rhian ang nagpatahimik sakin. Hindi ko ko alam kung papano ko 'yon sagutin. Gusto kong aminin ang totoo na gusto ko na siya. Kaso lang, kapag tinanong nila ako kung papano ko siya nagustuhan anong isasagot ko? Na na-fall ako dahil sa mga pinapakita niyang kabaitan sakin, gano'n?

Hays.

Ang hirap naman nito.

"Bakit mo naman natanong sa kanya 'yan, Rhian?" biglang tanong ni Ashley kay Rhian.

Tapos itong si Rhian nag explain, "E, kasi kadalasan sa mga napapanood ko sa mga telenobela e nagkakatotoo 'yong feelings nila sa isa't isa sa huli."

"E, hindi naman lahat gano'n. Malay mo ba kung iba 'yong kina Bright at Deyn."

Tapos napatingin sakin si Ashley at Rhian habang hinihintay 'yong sagot ko sa tanong niya kung wala nga ba talaga akong gusto kay Bright. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita.

"Hindi ko siya gusto." sagot ko. "Wala akong gusto sa kay Bright, okay." paglilinaw ko.

"Ehem!"

Dahil sa ubo na 'yon na halata namang fake lang e napalingon ako sa likuran namin. At pagtingin ko, nando'n si Callen, worse, kasama niya si Bright at narinig nila pareho 'yong sinabi kong wala akong gusto sa kanya.

At argg! Naiinis na naman ako sa sarili ko kasi sinabi kong wala akong gusto sa kanya tapos narinig niya. Baka isipin tuloy talaga niya na wala akong gusto sa kanya. Kainis naman.

"Uy, nandito pala kayo." nakangiting sabi ni Rhian kina Bright.

"Kakarating lang." sagot naman ni Callen. "Ano 'yong pinag-uusapan niyo?" tanong niya. Kunware hindi niya narinig 'yong pinag-uusapan namin pero obvious naman na narinig nila pareho.

Napatingin ako kay Bright na biglang umiwas nang tingin nang magtama ang mga tingin namin. That time, naiilang ako kasi sinabi ko 'yon without knowing na nasa likod na pala sila namin.

"Kuwentuhan lang." sagot ni ko at biglang iniba 'yong usapan. "O siya, labas lang ako saglit." paalam ko sa kanila bago ako lumabas ng classroom at sinampal sampal 'yong sarili ko.

Nong mag-start 'yong klase, naging normal ang lahat. As usual, may short quiz kami pero mababa pa sa mababa 'yong nakuha kong score. Distracted kasi ako. Hindi ko maalis sa isip ko kung ano 'yong naramdaman ni Bright no'ng marinig niya kanina 'yong sinabi kong hindi ko siya gusto. Kaya ayon, habang nag di-discuss 'yong teacher namin kanina e hindi ako makapag focus.

No'ng uwian, pinansin naman niya ako. Akala ko e iiwas na siya kasi kanina no'ng magtama ang mga tingin namin umiwas siya. Pero no'ng kinausap niya ako, do'n ko napagtanto na hindi siya galit sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya. That time, sout ko na 'yong bag ko na tila paalis na ng classroom para umuwi.

Tumango ako sa tanong niya, "Oo." sagot ko. "Ikaw?" pabalik kong tanong.

"Uuwi na rin." nakangiting sagot niya. "Pero bago 'yon," tapos nag offer siya ng kamay. Akala ko makikipag shake hands siya sakin o 'di kaya mag ho-holding hands kami pero. . ."Akin na bag mo. Hatid kita pa uwi."

"Uy, hindi na." pagtanggi ko. "Isa pa, hindi na tayo couple sa mata ng iba."

"Bakit, bawal bang ihatid ang isang kaibigan pa-uwi?"

Hmm. . . May point siya. Wala namang masama kung ihahatid niya ako bilang kaibigan. Bakit, kailangan ba may label muna bago niya ako i-hatid sa bahay pa-uwi?—pero. . . hindi naman ako lampa o ano na kailangan pang magpahatid. Okay naman ako, so bakit pa ako magpapahatid, diba?

Pero chance ko na 'to. Ihahatid ako ng taong gusto ko, papalampasin ko ba pa ba 'to?

Hays.

Ano ba 'yan. Hirap mag decide kapag 50-50 lagi ang sagot.

Pero sige na nga.

"Sige, Tara." sabi ko at nagsimulang maglakad pero napatigil ako nang hawakan niya 'yong bag ko.

"Akin na bag mo. Ako na magdadala nito."

"Hindi na. Kaya ko namang dalhin 'to."

Umiling siya, "Wag nang maraming sinasabi. Akin na." tapos kinuha niya sakin 'yong bag ko at siya 'yong nagdala no'n.

Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya.

Habang naglalakad kami, nag-uusap kami. Tapos bigla kong naalala 'yong sinabi ko kanina na hindi ko siya gusto at alam kong narinig niya 'yon kaya naman bigla kong nasingit 'yon sa usapan.

"Ah, Bright, tungkol do'n sa sinabi ko kanina, narinig mo ba 'yon?"

"'Yong alin?" tanong niya. "'Yong hindi mo'ko gusto?"

Ops! Binanggit talaga niya.

Tumango naman ako ng dahan-dahan, "Sorry kung nasabi ko 'yon—"

"Uy, 'di mo kailangan mag Sorry." biglang sabi niya. "Ayos lang naman sakin kung hindi mo'ko gusto, Deyn."

Napayuko ako bigla.

Ayos lang daw sa kanya. E, pano naman ako? Pano naman ako na gustong gusto na siya? Mali kasi siya, e. Akala lang niya na wala akong gusto sa kanya pero meron.

Biglang nagtahimik ang paligid at ni isa samin walang nagsalita pagkatapos no'n. E, ano pa ba kasi sasabihin ko e nasasaktan ako ngayon.

Tahimik na lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kaya naman hinarap ko na siya para magpa-alam na.

"Dito na ako. Ingat ka." saad ko at tumango naman siya.

"Siya nga pala, 'yong ZZ plant ko ba na binigay sayo buhay pa?"

"Wow naman. Akala mo ba sakin pinapabayaan ko 'yon?"

"Last time kasi 'yong binigay sa'yo ni Gab pinabayaan mo."

"So sa tingin mo gano'n din 'yong ginawa ko?"

Nagkibit balikat siya, "Ewan." sagot niya.

"Siyempre buhay pa 'yon. Gusto mong makita?" binuksan ko 'yong gate kasi akala ko oo ang sagot niya.

"Next time." sagot niya. "Thank you pala kasi hindi mo pinabayaan. Alagaan mo 'yon, ah." tapos kinindatan niya ako.

Napangiti tuloy ako kasi ang cute niya.

"Oo na po." sagot ko na parang nagpapa-cute.

Sana lang cute nga ako.

"Sige na, una na ako." paalam niya at tumango naman ako.

Tapos nag wave muna siya sakin at gano'n din ako bago siya tumalikod sakin at nagsimulang maglakad.

"Ah, bright." tawag ko pa sa kanya at napatigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Bakit?"

Tinuro ko 'yong bag kong dala niya na nakalimutan niyang ibalik sakin.

"'Yong bag ko."

Tapos napatingin siya sa bag kong hawak niya at natawa kami pareho dahil muntik na naming makalimutan 'yon.

"Oo nga pala." tapos naglakad ulit siya papalapit sakin para ibigay 'yong bag ko. "Sorry, nakalimutan ko."

"Ayos lang." natatawa kong sabi. "Kahit ako muntik ko na ring makalimutan."

Pagkatapos no'n, nagpaalam na talaga siya sakin at umalis na. Ako naman pumasok na sa loob ng gate at do'n ko nilabas 'yong mga ngiti kong hindi ko nailabas no'ng nakaharap ko siya.