CHAPTER 21 REALITY

Ang aga-aga e biglang nagtanong sakin si Rhian tungkol samin ni Bright kung bakit daw ako hinatid ni Bright pa-uwi kahapon e friends lang naman 'yong status naming dalawa.

Ang totoo kasi niyan, may mga nakakitang taga ibang year level na ka schoolmate namin na siyang admin sa isang Facebook page na related sa school namin. Ang alam ko mga grade 10 students sila pero hindi namin alam kung sino sila. Basta, sila 'yong nangunguha ng mga litrato ng mga couples o students na gusto nilang i-ship gano'n. At nando'n 'yong mukha namin ni Bright na naka post sa page na 'yon kung kailan hinatid niya ako pa uwi kahapon. Kumalat tuloy sa buong campus.

"Akala ko ba friends lang kayo? Ang magkaibigan hindi ganyan ka sweet." Paalala ni Rhian habang nakatitig sa phone niya kung saan nando'n ang litrato namin ni Bright.

"Friends lang naman talaga kami." paglilinaw ko. "Masama na ba ngayong ihatid ang isang kaibigan lang? Lahat na lang may issue."

"Hindi naman gano'n, ang sakin lang, kung talagang friends lang ang turing niyo sa isa't isa, bakit kailangan siya magdadala ng bag mo?"

E kasi mapilit siya.

"E, kasi nga friends kami." depensa ko. "Masama na ba ngayong dalhin ang bag ng isang kaibigan?"

"Hindi ako naniniwalang friends lang ang turing niyo sa isa't isa, feeling ko may feelings 'yon sayo."

Natuwa ako sa sinabi ni Rhian. Hindi ako literal na nakangiti pero sa puso ko, sobrang natutuwa ako knowing na kahit siya e na fe-feel na may feelings sakin si Bright.

"Hindi ako sigurado d'yan." sagot ko. Kunware wala akong pake.

"Pero nararamdaman ko. Ikaw? Hindi mo ba nararamdaman?"

Nararamdaman ko rin. Kaso lang, hindi naman niya sinasabi. Kaya hindi pa ako gano'n ka sure.

Umiling lang ako sa sinabi ni Rhian.

"E, ikaw? Sigurado ka bang hindi mo talaga siya gusto?" tanong pa niya.

"Sira, wala akong gusto ro'n." sagot ko. Di ko alam kung bakit pilit kong dine-deny sa kanya na wala akong gusto kay Bright.  Hindi ko man lang magawang aminin ang totoo sa kanya. Kaibigan ko siya pero heto ako, hindi ko kayang magsabi ng sekreto sa kanya.

"Sayang naman. Green flag pa naman siya. Tsaka botong-boto ako sa kanya para sa'yo."

This time, hindi ko na napigilan 'yong ngiti ko at nailabas ko na 'yon sa mismong harap ni Rhian dahilan para mahuli niya ako.

"O, ba't ka nakangiti? Ano ibig sabihin ng mga ngiting 'yan, ha?" tanong niya na parang tinutukso ako base sa boses niya.

"Wala." pagde-deny ko.

"Naks! Umamin ka nga," tapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at seryosong tinitigan sa mata, "may gusto ka kay Bright, tama ba?"

Ano ba 'yan, hindi pa naman ako marunong magsinungaling kapag tinititigan ako ng isang Tao sa mata na parang sinusuri ang magiging sagot ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Rhian—"

"Wag ka nang magsinungaling sakin, Deyn. Obvious kaya na may gusto ka sa kanya."

Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi ni Rhian. Kung gano'n, hindi lang si Callen ang nakakapansin na may pagtingin ako kay Bright, kundi pati si Rhian?

"Kung gano'n, alam mo palang may gusto ako sa kanya, bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ayon!" tapos pumitik siya sa hangin, "So inamin mo rin."

"Wait, ano ba talaga, obvious ba ako o sinabi mo lang 'yon para mahuli ako na may gusto ako sa kanya?"

"Obvious ka talaga." sagot niya. "Actually, no'ng nakaraan ko pa napapansin pero 'di lang kita tinatanong kasi kahit tanungin ka namin ng pa ulit-ulit, ayaw mo namang aminin."

Nag beautiful eyes ako sa kanya. Ginawa ko 'yon as a sign na nagso-sorry ako kasi nag secret ako sa kanya.

"Pero Rhian, may favor ako." sabi ko at tumango naman niya. "Pwede bang, atin lang muna 'to. Ayoko kasing malaman nina Ashley at Bright. Kayo pa lang ni Callen ang nakakaalam—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumingit.

"Wait, alam ni Callen na may gusto ka kay Bright?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako, "Oo. Actually, kagaya mo, napansin din niyang may gusto ako kay Bright."

"Naks naman. Ang unfair, alam pala ni Callen pero kami ni Ashley hindi ulit alam." tapos umakto siya na parang nagtatampo.

Nag peace sign naman ako sa kanya.

"Sorry na."

"Ano pang sekreto mo ang hindi ko alam na alam ni Callen? Pa share naman."

Natawa ako sa sinabi niya saglit bago ako umiling, "Wala na. 'Yon lang." Natatawang sagot ko.

"Pero bakit hindi na'tin kailangan ipaalam kay Ashley? E, friends naman natin siya?" tanong pa niya.

Actually, may point siya. Bakit nga ba hindi?

"Kaso lang, kapag nalaman niya, tatlo na kayong nakakaalam no'n. Ayoko lang na maraming may makaalam." pagpapaliwanag ko. "Hindi naman sa wala akong tiwala kay Ashley. Siguro, tsaka ko na lang ipapaalam sa kanya kung. . ." natahimik ako saglit habang pinag-iisipan kung ano nga ba ang idudugtong ko ro'n sa sinabi ko.

Kung kami na ni Bright? Gano'n ba 'yon?

Ayoko namang mag assume na magkaroon ng KAMI sa dulo, pero nag e-expect talaga ako na sana meron.

"Kung kayo na?" biglang sabi ni Rhian bilang pagdudugtong do'n sa sinabi ko.

Tatanggi sana ako sa sinabi niya pero binigyan na niya ako ng panunuksong tingin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kiligin at aminin na 'yon nga 'yon.

"Oo na." kinikilig kong sabi at tinusok-tusok naman niya ako sa tagiliran habang tinutukso.

No'ng malapit na 'yong uwian, nag-iwan ng reminder samin 'yong homeroom namin na kailangan na naman naming mag handa para sa nalalapit na exam for the second quarter. Siyempre, nag-aral ako no'ng vacant time namin kasi sayang 'yong oras kaya imbis na makipag daldalan ako e nagbasa-basa na lang ako ng notes ko nang bigla akong tabihan ni Bright sa upuan.

"Sipag naman mag-aral." pabungad niya.

Sinara ko naman ang notes ko at nilingon siya nang nakangiti. Ewan, pero automatic akong napapangiti kapag nasa paligid ko siya.

"Naman!" sagot ko. "Tatalunin talaga kita. Sisiguraduhin kong mas mataas ang makukuha kong scores sa exam."

Tapos ngumiti siya. Na badtrip ako kasi nagyayabang ako ngayon pero siya e parang chini-cheer pa ako.

Ginulo niya 'yong buhok ko sabay sabing, "Sige. Mas mabuti 'yan. Gawin mo'kong competitor para ma motivate ka lalong mag-aral." matapos niyang sabihin 'yon ay tsaka lang niya inalis 'yong kamay niya sa ulo ko.

"Sige na, mag-aral ka na d'yan." tapos tinuro niya 'yong notebook ko gamit ang mga labi niya. "Hindi na kita i-istorbohin." tatayo na sana siya para umalis do'n sa inuupuan niya nang hawak ko ang kamay niya para pigilan ko siya.

At 'yon ang pinakanakakahiyang bagay na ginawa ko ngayong araw. Ang awkward tuloy. Lalo na no'ng napatingin siya sakin na parang tinatanong kung bakit tapos napatingin siya ro'n sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.

Pero para hindi maging awkward ang moment na 'to, kailangan kong mag-isip ng sasabihin sa kanya. 'Yong importanteng sasabihin para hindi masyadong awkward.

"Sandali lang, paturo naman ako sa math." saad ko at nakahinga ng maluwag dahil mukhang nag work 'yong sinabi ko.

Binitawan ko 'yong kamay niya at bumalik siya sa pagka-upo tsaka ko pinakita sa kanya 'yong equation sa math na kunware magpapatulong ako kahit na 'yong totoo e gets ko naman talaga 'yon.

"Ito oh," sabay turo sa notes ko. "Di ko kasi maintindihan."

"Madali lang naman 'to." sabi niya at in-explain 'yon sakin.

Habang nagsasalita siya para mag explain e sa mukha lang niya ako nakatitig habang siya naman e nagsusulat sa notebook ko para klaruhin sakin 'yong tinuturo niya.

Pagkatapos niyang i-explain 'yon e tinanong niya ako kung na gets ko ba at tumango lang ako. Wala namang problema sakin kahit naka-focus lang ako sa mukha niya dahil alam ko naman talaga kung papano i-solve 'yon.

Nang matapos niyang ituro sakin 'yon, bigla kong naisip na kung papano kaya kung kausapin ko siya bukas? Tapos aminin ko nang gusto ko siya. Lagi akong nagpa-plano pero hindi naman natutupad. Pero bukas, siguraduhin ko na talagang masasabi ko na sa kanya itong nararamdaman ko.

"Ah Bright, pwede ba tayong mag usap bukas?"

"Tungkol saan?"

"Meron lang akong sasabihin sayo. Okay lang ba?"

"Anong oras ba 'yan? A-absent kasi ako bukas."

A-absent siya bukas? Bakit naman kaya? Dibale na. Di na importante 'yon.

"5:00 pm. Okay lang ba?" natuwa naman ako nang tumango siya.

"Sige. Hahabol ako."

Pagkatapos no'n, bumalik na siya sa upuan niya at ako naman e nagpatuloy sa pagbabasa ng notes ko hanggang sa mag-uwian na. Kasama ko no'n sina Ashley at Rhian. Tapos itong si Ashley panay tanong sakin kung may gusto ba ako kay Bright o wala. Siyempre tudo deny naman ako kasi wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo kay Ashley. Pero mapilit siyang tao at ayaw niya akong tantanan sa kakatanong niya sakin.

"Wala ka ba talagang gusto sa kanya, Deyn??"

"Wala, Ashley. Promise." pagsisinungaling ko.

"Wee?? As in wala talaga?? Kahit kunti?"

Umiling ako, "Wala."

Tapos ayon, tinantanan na niya ako sa kakatanong.

"Uhm, bukas meron akong sasabihin sa inyo."

Nagkatinginan naman kami ni Rhian nang sabihin 'yon ni Ashley. Sounds like parang may maganda siyang ibabalita samin kaya na excite kami pareho.

Pagkatapos naming mag usap, sumakay na kami ng tricycle pa uwi.

                                ***

Kinabukasan, absent si Bright kagaya ng sinabi niya kahapon. Hindi ko alam kung bakit siya absent kasi hindi ko naman siya natanong kahapon. Baka may pinuntahan lang or something kaya siya wala ngayon.

Nang dumating si Ashley, do'n ko na siya ni-remind tungkol sa sasabihin niya samin ni Rhian.

"May sasabihin ka pa samin diba?" Paalala ko sa kanya at napangiti naman siya pagkatapos.

"Oo." sagot niya. "Tara sa labas." tapos hinila niya kami ni Rhian. Wala naman akong choice kundi sunama. E, hila-hila niya 'yong kamay ko, e.

Paglabas namin ng classroom do'n na niya sinabi samin ang gusto niyang sabihin.

"Wag kayong nagugulat, ha." tapos nag enhale tsaka nag exhale muna siya. Na curious naman kami ni Rhian sa kung ano nga ba itong sasabihin niya samin kaya nagkatinginan kami.

"Ano ba, Ashley. Pinapakaba mo kami." sabay naming sabi ni Rhian at nakita naman naming tumawa si Ashley.

"Ano ba kayo. Goodnews 'to." sagot niya.

Tumango naman ako as a sign na sabihin na niya. "Sige na, sabihin mo na."

"Ang totoo kasi niyan, nililigawan ako ni Bright."

Natahimik ako.

Na blanko bigla ang isip ko at napatulala ako sa kung saan nang marinig ko ang sinabi niya.

Pilit kong inaabsorb sa utak ko ang sinabi ni Ashley pero sa loob-loob ko, parang ayokong isipin 'yon. Ayokong intindihin kahit na unti-unti ko namang naiintindihan. Gusto ko lang talagang ideny 'yon. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na sana nagbibiro lang siya ngayon.

Pakiramdam ko tinraydor ako ng sarili kong kaibigan kahit na alam ko namang wala siyang ginawang masama.

Wala akong kahit isang letrang na sabi pero si Rhian meron. At alam kong gulat na gulat rin siya ngayon.

"Ha? Ano?! Nililigawan ka ni Bright?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tapos nilingon niya ako.

Alam kong sa mga tingin na 'yon ni Rhian ay tinatanong niya ako kung totoo ba 'yong sinabi ni Ashley. Pero kahit ako e hindi ko rin alam. Kasi sa ngayon, isa lang ang masasabi ko, 'yon ay ang sakit. Ang sakit-sakit na marinig itong nalaman ko ngayon lang.

"Oo. Nililigawan niya ako." nakangiting sagot ni Ashley na tila kinikilig pa.

"Teka, papanong ikaw? E, diba si Deyn—" bago pa banggitin ni Rhian ang kasunod ng sasabihin niya ay pinutol ko na ang kung ano man ang sasabihin niyang 'yon.

"Mabuti naman kung gano'n." sabi ko at ngumiti ng pilit sa harap ni Ashley.

Tapos hinawakan ako ni Ashley sa magkabilang balikat sabay tanong ng isang tanong na kahapon pa niya paulit-ulit na tinatanong, "Wala ka namang gusto kay Bright, hindi ba?" paninigurado niya.

Gusto kong sabihin ang totoo na may gusto ako kay Bright. Kaso lang, alam ko namang kahit sabihin kong gusto ko siya, wala na rin naman akong magagawa. "Wala." tipid kong sagot.

Nakita ko sa mukha ni Rhian na alam niyang nagsisinungaling ako kay Ashley sa sinabi ko. Pero gaya ko, nagkunware na lang din siya sa harap ni Ashley na masaya para hindi magtaka samin si Ashley.

"Papano ka niya nagustuhan? Kailan siya umamin?" tanong ko pa. Gusto ko lang magkaroon ng maraming alam tungkol sa kung papano niya nagustuhan si Ashley.

E, hindi naman kasi ako nagkaroon ng idea na may crush siya kay Ashley.

"Hindi niya sinabi sakin kung kailan niya ako nagustuhan. Pero umamin siya sakin no'ng nakaraan."

No'ng nakaraan? Kung gano'n, kung si Ashley pala ang gusto niya, bakit pinaramdam pa niya sakin na espesyal ako para sa kanya?

Bakit gano'n?? Bakit sakin niya pinaramdam ang bagay na 'yon kung hindi naman pala ako?

"Teka, e ikaw Ashley, may gusto ka ba kay Bright?" natauhan ako sa tanong na 'yon ni Rhian.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ko 'yong magiging sagot niya. Pero lalong bumagsak ang mga balikat ko nang um-oo siya.

"Gusto ko rin siya." sagot niya. "Hindi naman siya mahirap gustuhin. Mabait siya at maalaga." tapos napatingin siya sakin, "Lalo na sayo, Deyn. Kaya naiinggit ako sayo noon kasi meron kang Bright na sobrang maalaga. Minsan, hinihiling ko na sana ako rin."

Hindi ko siya sinagot o kahit ngiti man lang do'n sa sinabi niya ay hindi ko ginawa.

Pagkatapos naming tatlo mag usap, bumalik si Ashley sa upuan niya. Ako naman nag stay sa labas habang nagpapahangin. Si Rhian naman tinabihan ako. At alam kong kakausapin niya ako ngayon tungkol kay Bright.

No'ng nilingon ko siya, kita ko sa mukha niya na nag aalala siya sakin. Hindi pa naman ako sanay na may nag-aalala sakin.

"Wag mo'kong titigan ng ganyan. Okay lang ako." sabi ko at tumawa ng labas sa ilong para ipakitang ayos lang ako.

"Hindi ka okay." sabi niya kaya umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya 'yong magkabilang pisngi ko at hinarap 'yon sa kanya. "Hindi ko maintindihan. Papanong nililigawan siya ni Bright? Papano nangyare 'yon?"

Kahit ako hindi ko rin maintindihan. Pero anong magagawa ko, e siya 'yong gusto, e. Alangan namang pilitin ko si Bright na kalimutan ang nararamdaman niya kay Ashley para lang mahalin din ako. Ang selfish ko naman kapag gano'n.

Umiling ako, "Hindi ko alam."

"E, bakit ba kasi hindi ka umamin ng feelings? Ayan tuloy, naunahan ka."

Tama siya. Bakit ba kasi laging nauudlot ang pag-amin kosa kanya? Bakit gano'n??

"Rhian, anong gagawin ko? Sinabi ko pa naman sa kanya na may sasabihin ako sa kanya bukas pag nag usap kami."

"Aaminin mo na ba dapat?"

Tumango ako, "Sana. E, kaso lang nalaman natin ngayon lang na nililigawan na niya si Ashley. Worse, kaibigan ko pa talaga. At hindi sinabi ni Bright sakin na may gusto pala siya kay Ashley."

"Walang kasalanan si Ashley dito. Hindi naman niya alam na may gusto ka kay Bright kasi 'di mo sinabi sa kanya."

"Alam ko. 'Yon na nga 'yong problema, e. Hindi ko alam kung anong gagawin."

"Ba't 'di mo pa rin subukang umamin?" Suggest niya.

Susubukan ko pa rin ba kahit na alam ko nang walang chance?

"Pero Rhian—"

"Para at least maliwanagan ka."

Natahimik ako nang marealize kong may point siya. Para naman sakin 'to e. Kaya kahit na alam kong masasaktan ako, aaminin ko pa rin sa kanya na gusto ko siya.

Tumango ako sa sinabi ni Rhian.

Buo na ang loob ko, aaminin ko na sa kanya na gusto ko siya.

Pag sapit ng alas singko ng hapon, hinintay ko si Bright sa school. Ang akala ko kasi makakarating siya. Pero nalungkot ako nang makatanggap ako ng text na baka 'di raw siya makapunta kaya nag decide ako na umuwi na lang ng bahay.

Ang sabi ni Ashley kanina nagpunta silang airport kasama ng Mama at Papa niya dahil may sinundo sila. Hindi ko alam kung sino 'yong sinundo nila at isa pa hindi na ako interesadong malaman kung sino 'yon. Ang sakin lang, ang unfair kasi alam ni Ashley kung saan siya pumunta at kung sino 'yong sinundo nila samantalang ako hindi man lang niya in-update.

Sabagay, iba talaga kapag hindi na ikaw 'yong priority.

Nakahiga lang ako buong magdamag sa kuwarto ko habang iniisip siya. Inisip ko rin kung anong mararamdaman ko oras na maging official na silang dalawa ni Ashley. Natatakot ako kapag dumating na ang araw na 'yon. Kasi pano naman ako, diba?

Naramdaman kong nag vibrate 'yong cellphone ko na nasa tabi ko kaya naman kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino 'yong nag message at ayon, si Bright 'yong nag message sakin. Hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa kahit kunti. Ang sabi niya nasa tapat daw siya ng bahay namin. Hindi ko pinansin 'yong message niyang 'yon at wala akong pakialam kahit na nasa tapat siya ng bahay. Basta, ayoko siyang makita at makausap ngayon. Masyadong masakit 'yong tungkol sa nalaman ko kanina.

At nag mag message ulit siya at sinabing may ibibigay raw siya, do'n na ako na kumbinsi na lumabas ng bahay. Lumabas ako kasi akala ko kung ano 'yong ibibigay niya, chocolates pala.

Inabot niya 'yon sakin sabay sabing, "Pasalubong galing sa pinakamamahal kong kadugo."

Nagdalawang isip pa akong kunin 'yon pero after a second kinuha ko pa rin. Sayang naman kasi.

"Salamat. Galing ba 'to sa sinundo niyo kanina sa airport?" tanong ko at tumango naman siya. "Relatives niyo?" dagdag ko pa.

"Mas higit pa ro'n." sagot niya.

Itatanong ko pa sana kung sino, kaso lang napansin kong dumidilim na 'yong langit, hindi dahil sa pagabi na, kundi parang uulan yata. And I don't want to waste time kasi baka mamaya hindi na naman matuloy ang pag amin ko.

"Siya nga pala, may sasabihin ka hindi ba?"

"Oo." sagot ko.

"Ako rin, meron."

Feeling ko, alam ko na kung ano 'yong sasabihin niya. Pero bago niya sabihin sakin 'yon, gusto kong ako muna.

"Okay lang ba kung ako ang mauna?" pakiusap ko.

Tumawa siya sa tanong ko 'yon, "Ano ka ba, oo naman siyempre. Walang poblema."

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saglit. Nangingibabaw sakin ang kaba ngayon. Pero kailangan kong sabihin sa kanya 'to kasi kapag hindi ngayon, kailan? Hanggang kailan ko itatago itong nararamdaman ko sa kanya?

Huminga ako ng malalim, "Wag kang mabibigla, ha." tumango naman siya, "No'ng una, alam naman na'tin pareho na laro lang, hindi ba?"

Nakita ko sa mukha niya na medyo naguluhan siya sa sinabi ko.

"Laro lang 'yon no'ng una. Nagpapanggap lang tayo na gusto natin ang isa't isa para makalimutan ko 'yong taong dumurog ng puso ko."

"Tama."

"At nag work nga 'yon. Dahil sayo naka-move on ako sa ex ko. Dahil sayo nawala 'yong nararamdaman ko sa kanya. Sabi nga nila, you can't unlove a person that once you loved. Only love can replace it. Your love towards your new love should be greater than the past in order to heal the broken heart."

"Anong ibig mong sabihin, Deyn?"

Pumikit ako, "Gusto kita, Bright." dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niya. "Gustong gusto kita."

Sa wakas, nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ang sarap pala sa pakiramdam na nailabas ko 'yon.

"No'ng una, hindi pa ako gano'n ka sigurado kung itong tibok ng puso ko ba ay dahil sa kaba lang ba o baka dahil totoong gusto na kita. Hindi ko rin alam kung bakit minsan sa tuwing tinititigan kita, umaasa ako na sana nakatingin ka rin sakin."

Biglang humangin ng malakas. Sobrang lakas na tipong pati kami e tatangayin na ng hangin. Alam kong malapit nang bumuhos ang malakas na ulan, pero itong moment na 'to, hindi basta-basta mauudlot nang dahil lang do'n.

"'Yong mga ngiti ko, ikaw na rin ang nagiging dahilan ng mga ito. Hindi na rin kumpleto ang gabi ko hangga't hindi kita nakakausap sa chat. Na kahit lagi kang nauunang mag log out sa kalagitnaan ng pag-uusap natin, nagagawa ko pa ring ngumiti kahit na nag ba-backread na lang ako ng mga convo's na'tin sa messenger."

Biglang kumidlat at kasunod no'n ang pagkulog ng sobrang lakas. Pero hindi pa rin kami umaalis sa kinatatayuan namin kahit alam naming pa ulan na.

"Para bang isang araw, naguguluhan na lang ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang tingin ko sayo o baka naman mas higit pa ro'n at hindi lang ako aware. Minsan, naguguluhan na rin ako kung ano ba 'tong nararamdaman ko sayo, nakakapanibago kasi."

"Deyn—" napatigil siya at pareho kaming napatingin sa kalangitan nang bumuhos ang napakalakas na ulan. "Kailangan mo nang pumasok sa loob, mababasa ka."

Tumalikod siya para umalis na nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Napaharap naman agad siya sakin. No'ng time na 'yon, unti-unti na kaming nababasa ng ulan, alam kong magkakasakit kami dahil dito, pero ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi man lang narinig ang sagot niya sa sinabi ko.

"Pumasok ka na. Ang lakas ng ulan—" hindi ko siya pinakinggan kasi ayoko nang magsayang pa ng oras.

"Ikaw Bright? Gusto mo rin ba ako?"

Natahimik at natigilan siya sa tanong kong 'yon.

Habang hinihintay ko ang sagot niya, napahilamos ako ng mukha dahil sa tubig na dumadaloy sa mukha ko.

"Deyn, bukas na lang tayo—"

"Yes or no?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at seryosong tinitigan sa mata, "Ayokong magkasakit ka, kaya please, sumunod ka na lang."

Imbis na sundin ko siya ay nagmatigas ako. Simpleng yes or no lang naman kasi hindi pa niya magawang sabihin.

"Does this mean, am i rejected?"

"Deyn—"

"Bright, sagutin mo'ko." pagmamakaawa ko. "Gusto mo rin ba ako?"

Unti-unti niyang binitawan 'yong braso ko.

Dahil do'n, bigla akong nanghina.

Napailing ako. No, this can't be.

Alam kong mali itong iniisip ko. Kaya please, sana ma reach nito ang expectations ko.

"I'm sorry."

Para akong binuhusan ng balde baldeng tubig ng ulan nang sabihin niya 'yon.

Naramdaman kong kumirot ang puso ko. Kahit pa na hindi niya sabihin nang deretchahan, alam kong sa simpleng sorry, alam ko na kaagad ang sagot niya.

"Hindi kita gusto." dagdag pa niya.

Biglang nag init ang gilid ng mata ko at unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

"Papano nangyare 'yon? Papanong hindi mo'ko gusto, Bright? Bakit?"

Hindi siya nagsalita kaya naiyak ako lalo.

"Bakit gano'n? Ang bait-bait mo sakin. Lagi mo'kong tinutulungan sa lahat ng bagay, mapa lovelife man 'yan o sa pag-aaral. Lagi kang sweet sakin at alam kong sakin ka lang gano'n, kaya papanong hindi mo'ko gusto?"

Lumapit siya sakin at hinawakan 'yong mukha ko, "Teka, laro lang naman 'yon, e. Bakit sineryoso mo?"

Para akong tinusok ng karayom nang sabihin niya 'yon. Alam ko namang laro lang 'yon, pero bakit gano'n? Bakit parang totoo?

"Aware ako na laro lang 'yon. Pero sakin ka lang gano'n at hindi sa iba, ano sa tingin mo ang iisipin ko, Bright?"

"Sa'yo lang ako gano'n kasi kailangan." paglilinaw niya. "Kung pati sa iba gano'n ang ugali na pinapakita ko, hindi sila naniniwalang may something sating dalawa."

Ito ba talaga 'yon?

Hindi ba talaga niya ako gusto?

"To tell you the truth. Hindi ikaw, Deyn kundi si Ashley. . ."

I knew it.

"Nililigawan ko na siya." dagdag pa niya.

Lalo pa akong naiyak nang marinig ko 'yon mismo sa kanya.

"Sabihin mo sakin kung kailan mo siya nagustuhan?" mangiyak ngiyak na sambit ko.

"No'ng mga panahong naghiwalay sila ng boyfriend niya." sagot niya dahilan para mapaiyak ako lalo.

"Kinumfort ko siya no'n," Pagpapatuloy niya. "nagkikita kami minsan, tapos sinasabi niya sakin lahat ng problema niya at pinapakinggan ko naman siya sa lahat ng problemang meron siya. Hinahayaan ko siyang mag kuwento hanggang sa na realized ko na lang isang araw na nagiging malapit na ako sa kanya."

'Yong akala ko sakin lang siya mabait, hindi pala. Mali ako. Akala ko lang pala 'yon. Kasi gano'n din pala siya sa best friend ko. At hindi ako aware na nag me-meet sila secretly.

This is bullshit! Dahil lang do'n nahulog ang loob niya kay Ashley? Sira-ulo ba siya? E, sakin? Hindi ba siya na fall kahit kunti?

Ano bang meron kay Ashley na wala sakin?

Itong tanong na 'to, natanong ko na rin sa sarili ko no'ng mga panahong iniwan ako at pinalit kay Colleen.

Fuck! Bakit ba lagi ko na lang kinukumpara ang sarili ko sa mga nagugustuhan ng taong gusto ko?

Ano bang kulang sakin? Bakit ba lagi na lang hindi ako 'yong pinipili? Hindi ba pwedeng ako naman?

"Kung nagustuhan mo na pala siya no'ng mga panahong 'yon, bakit hindi mo sinasabi sakin?!" Sigaw ko.

"I'm sorry. Hindi ko kasi alam kung papano sabihin 'yon sa'yo. Kaya pinili kong itago." aniya. "Isa pa, alam ng lahat na may thing satin no'n, at ayokong masira 'yong plano natin—"

"So kasalanan ko?"

"Hindi gano'n 'yong ibig kong sabihin, Deyn."

"E, ano?"

"Intensyon ko naman ang tulungan ka. Kaya nga mas pinili kong itago na may gusto ako kay Ashley para sayo."

"Wow! Thank you, ha. Thank you kasi mas pinili mong tulungan ako." sarcastic kong sabi. "Pero kung alam ko lang 'to noon, hindi na sana ako pumayag na tulungan mo'ko."

"I'm sorry."

"Bakit ka ba kasi gano'n? Binigyan mo'ko ng scratch paper na may kakaibang meaning, ang bait-bait mo sakin, ang sabi mo gusto mo 'yong ganda ko tapos hinihintay mo lagi 'yong chat ko. Do'n ako umasang may gusto ka sakin, Bright."

Nakita ko 'yong gulat sa mga mata niya. Pero hindi ko alam kung alin do'n sa sinabi ko siya mas nagulat.

"Alam mo 'yong meaning do'n sa binigay kong scratch paper sayo?"

"No'ng una, hindi." sagot ko. "Pero sinabi sakin ni Callen 'yong gusto mong iparating do'n sa scratch paper na 'yon. Kaya kung tatanungin kita ngayon, kung hindi mo pala ako gusto, bakit mo 'yon binigay sakin?"

Napaiwas siya ng tingin bago niya sinagot 'yong tanong ko, "Ang totoo kasi niyan, medyo confused ako kung sino sa inyo ni Ashley ang gusto ko."

Natahimik ako sa sinabi niya.

Ibig sabihin, nagustuhan din niya ako? Gano'n?

"Inaamin kong nagka-crush ako sayo. Pero na realized ko na hanggang do'n lang 'yon. Kasi 'yong nararamdaman ko sayo ay mas nahigitan ng nararamdaman ko para kay Ashley."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit.

"At 'yong mga pinapakita ko sayo, hindi lang ako sayo gano'n, Deyn. Kasi gano'n ako sa lahat."

Now, I can say na hindi na siya naging green flag sa paningin ko. Naiinis na ako sa kanya. Kung hindi niya ako gusto, mas mabuti pa sigurong matapos na rin ang friendship naming dalawa.

Tumalikod ako kasi gusto ko nang matapos ang usapan na 'to at ayoko nang makita ang pagmumukha niya nang bigla niya akong tawagin.

"Deyn."

Napatigil ako. Pero hindi ko siya hinarap. Tanging hinihintay ko lang kung ano 'yong sasabihin niya.

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo 'to. Sorry kung nag secret ako sayo. Kilala mo naman ako diba? Hindi ako 'yong tipo na sinasabi lahat ng tungkol sakin. Kaya sana. . . sana maintindihan mo."

Hindi ko pa rin maintindihan, Bright. Ang gulo pa rin. Naguguluhan pa rin ako sa pinapakita mo sakin. Alam mo namang marupok akong tao, kaya sana hindi gano'n 'yong pinakita mo sakin para hindi nahulog itong loob ko sayo.

"Next time stop giving me a mixed signal kung hindi ka naman pala sigurado." Inis kong sabi.

Sa ngayon, gusto ko munang matapos 'tong gabing 'to. Masyado akong napagod ngayong araw lalo na no'ng nalaman kong nililigawan niya ang kaibigan ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay nang hindi siya nilingon para magpaalam. Umakyat ako sa kuwarto ko nang basang-basa habang umiiyak at umupo sa may isang sulok habang yakap-yakap ang sarili ko.

Pagkatapos ng halos kalahating oras, pumasok ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag online ako para i-chat siya.

Baby Deyn♡

active now•

Thank you for being honest with your feelings.

Gusto ko ring maging honest sayo ngayon.

I want to end our friendship.                                  

You're Bright✧

active now•

No, Deyn.

Ayokong matapos ang friendship natin.

Please, nakikiusap ako sayo.

Ayokong mawala ka.

Kasi ikaw lang 'yong kaibigang iba sa lahat

na naging meron ako boung buhay ko.

Baby Deyn♡

active now•

Wag kag slfish Bright.

Kung talagang kaibigan kita, hahayaan mong mawala itong nararamdaman ko sayo.

At ang tanging paraan lang para makalimutan kita ay ang tapusin ang pagkakaibigan natin.

Matapos kong i-send 'yon, nakitang kong na-seen agad niya. Hindi ko na rin hinintay 'yong reply niya. Gusto ko na lang matapos lahat.

While I was looking at his name, do'n ko lang na realized na may nickname pa palang dapat burahin.

Kaya hindi na ako nagsayang ng segundo at binura ko na 'yon.

    You cleared your own Nickname

And after a second matapos kong burahin 'yong nickname ko, aksidente kong nabasa 'yong response niya.

Your Bright✧

active now•

Kung 'yan ang gusto mo, sige.

Goodluck to your journey, Deyn.

At ang pinaka worst na hindi ko naman talaga inasahang gagawin din niya ay ginawa niya.

      Your Bright✧ cleared his own     

                        Nickname