CHAPTER 18 A SCRATCH PAPER

Nong weekend hindi kami nagkita-kita ng mga kaibigan ko. Panay chat lang kami sa messenger at siyempre ka-chat ko rin si Bright. Pero as usual, lagi siyang mas nauunang nag lo-log out. Naiinis na nga ako kasi ako lagi 'yong last chat saming dalawa. Pero ayos lang, siya naman kasi 'yong nag fi-first move para maka-chat ako.

Hindi ko pa rin makalimutan 'yong sinabi niyang gusto niya ang ganda ko. Kinilig ako ng sobra-sobra no'n, 'di ko lang masyadong pinahalata. Tsaka hindi rin ako makapaniwalang magka-klase pala kami no'ng grade 1.

Kahit anong pilit ko kasing alalahanin kung may ka-klase akong Bright ang pangalan noon, wala akong matandaan. Sabagay, hindi naman siya tumagal kasi lumipat agad siya sa ibang school kaya hindi ko siya maalala.

Kwinento ko 'yon kina Rhian at Ashley sa group chat namin. Kahit sila hindi rin makapaniwala. At siyempre, gaya ko, kinilig sila kasi iniisip nilang destiny talaga kami sa isa't isa kahit pa no'ng mga bata pa lang kami.

Pagkatapos ng weekend, Monday na naman ulit. And guess what? Birthday  niya ngayong araw. Gusto ko sana siyang bilhan ng gift no'ng Saturday kaso lang hindi ko alam kung ano ba 'yong gusto niya. Chinat ko si Callen para magpatulong pero ang sabi sakin ni Callen hindi ko na raw kailangan gumastos kasi alam niyang hindi naman humihingi ng mga kung anong bagay si Bright. Sabi pa ni Callen, 'yong makita lang daw ako ni Bright sa mismong araw ng birthday niya, okay na raw 'yon. Hindi ko na raw kailangan pang gumastos.

Nagplano silang pumunta sa bahay ni Bright mamaya. Actually, walang alam si Bright dito. Plano lang 'to nina Shawn at Ian tapos niyaya nila kami na sumama mamaya. At talagang bumili pa sila ng nga confetti at balloons tsaka mga pwedeng kainin mamaya pag nag celebrate kami sa bahay nina Bright. At dahil secret ito, kailangan naming mag ingat para hindi niya malaman ang plano namin.

No'ng break time, nagpunta kami sa may canteen para do'n pag-usapan 'yong mga gagawin mamaya. Kaso lang, medyo weird 'yong plano kasi. . .

"Papano na'tin siya ma su-surprise kung pagdating na'tin sa bahay nila mamaya e tsaka pa tayo maglalagay ng mga designs?" tanong ko sa kanila.

Napalingon silang lahat sakin matapos kong sabihin 'yon.

"May point si Deyn." sagot ni Ashley habang nakatango. "Edi, hindi na surprise 'yon."

"Surprise pa rin naman 'yon." depensa ni Ian. "Pag kumatok tayo mamaya sa pinto ng bahay nila, itong confetti," tapos kinuha niya 'yong confetti na nakalagay sa malaking plastic at pinakita samin sabay sabing, "Papuputukin na'tin pagbukas niya ng pinto. Tapos sabay-sabay tayong sisigaw ng surprise. At kapag nangyare 'yon, ma su-surprise siya. Tsaka na tayo maglagay ng designs pagkatapos." paliwanag ni Ian.

Medyo weird 'yong suggestions ni Ian pero pwede na rin siguro 'yon.

"Teka, alam na ba ng Mom at Dad niya na pupunta tayo sa bahay nila?" tanong naman ni Rhian na parang nag-aalala pa. "Baka hindi tayo pwede ro'n kasi alam nilang magkakalat lang tayo."

"Nagpaalam na ako sa Mom niya." sagot ni Shawn. "Tsaka, wala sila do'n mamaya kasi night shift sila pareho ng Dad ni Bright. Kaya tayo-tayo lang. Pwede tayong mag stay do'n hanggang hating gabi."

"Okay, sige. Mabuti nga 'yan." nakangiting sagot naman ni Callen.

Buti naman at nagkasundo na si Callen at Shawn pati na rin si Rhian. Isa pa, mukhang okay na naman si Callen. Parang balik na sa dating gawi sa tuwing nasa paligid niya si Rhian. Tanggap na siguro niya na hanggang friends lang talaga silang dalawa.

Ang lungkot ng kuwento nilang dalawa. Hindi ko talaga in-expect na mahahantong sila sa ganito. Akala ko pa naman sila talaga 'yong magkakatuluyan. Kinikilig pa naman ako sa kanila noon. Pero. . . siguro, hindi talaga sila ang para sa isa't-isa at wala na tayong magagawa do'n.

Pagkatapos naming pag-usapan 'yong tungkol sa plano, bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga classrooms tapos nag-start na naman ulit 'yong klase hanggang sa nagtuloy-tuloy ang klase hanggang sa mag-uwian na.

No'ng time na 'yon nilapitan ako ni Bright at niyayang samahan siyang pumunta ng library. Hi-hindi sana ako kasi pag-uusapan pa namin nina Callen kung anong oras kami pupunta sa bahay nina Bright mamaya. Kaso lang, pinilit ako nina Rhian at Ashley na samahan na lang siya since birthday naman niya gamit ang isang mapanuksong tingin. Kaya ayon, wala akong choice kundi ang samahan siya.

At sa totoo lang, hindi ko pa siya nababati ng happy Birthday simula kanina. Ni-reserved ko kasi talaga 'yong greetings ko para sa kanya mamaya.

At ayon na nga, sinamahan ko siya sa library at habang naglalakad kami patungo ro'n ay hindi niya maiwasang itanong sakin kung kamusta na 'yong feelings ko kay Gab.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa bandang stairs tsaka ko siya sinagot, "Ewan ko ba, pero feeling ko, hindi ko na siya gusto." seryosong sagot ko at gulat naman niya akong nilingon.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya at naglabas naman ako ng isang maliit na ngiti. "Papano mo nasabi?" tanong pa niya na animo'y natutuwa.

"Basta, na realize ko na lang isang araw na hindi ko na siya gusto. Alam mo 'yong feeling na parang naglaho na lang bigla 'yong feelings mo sa isang taong akala mo e mahal mo pa? Tipong sa isang iglap ma re-realized mo na lang na hindi mo na pala siya gusto." sagot ko naman.

"Kung gano'n naka-move on kana sa kanya?" paninigurado niya.

Ngumiti ako sabay tango, "Oo."

"Effective ba 'yong ginawa na'tin pagpanggap? 'Yon ba 'yong dahilan kung bakit mo siya nakalimutan?"

Napaisip ako kung 'yon nga ba, pero hindi ako sigurado kung 'yong pagpapanggap nga ba 'yong dahilan o baka siya mismo.

"Hindi ko alam." sagot ko.

Pero siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na gusto ko siya. Natatakot ako umamin kasi baka sa isang iglap masira 'yong pagkakaibigan namin once na malaman kong hindi pala parehas anv nararamdaman namin sa isa't isa. Kaya mas okay siguro kung hayaan na lang munang lumipas ang mga araw o kung hihintayin siyang maunang sabihin ang nararamdaman niya sakin kung meron man.

Hays.

"Ngayong naka-move on kana sa kanya, gusto mo pa bang ituloy ang pagpapanggap na gusto mo'ko?" seryosong tanong niya na hindi ko naman inasahan.

Ewan ko ba pero bigla akong nataranta kasi feeling ko e parang gusto na niyang tapusin 'to pero hinihintay na lang niya 'yong kung ano man ang magiging desisyon ko.

Sa totoo lang, ayoko talagang tapusin na namin 'to. Gusto kong mapanatili lang sa ganito ang lahat. Gusto kong hayaang isipin ng lahat na gusto namin ang isa't isa. Nang sa gano'n ay maging pantay ang totoong nararamdaman ko sa kanya, kahit 'yong sa kanya e akala lang ng iba. Akala lang nila na gusto niya ako samantalang ako ay totoong gusto na siya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman binalik ko sa kanya 'yong tanong.

"E, ikaw? Gusto mo pa rin bang ituloy ang pagpapanggap na gusto mo rin ako?" pabalik kong tanong.

Bago pa man niya ako sinagot ay nakita kong napa-isip muna siya. Di ko alam kung anong iniisip niya ngayon, pero isa lang ang masasabi ko at 'yon ay ang sana hindi pa matatapos dito ang lahat.

"Depende sa magiging sagot mo." sagot niya. "Kung ano 'yon sagot mo, 'yon na rin 'yong sagot ko."

Nakahinga ako ng maluwag.

Sakin pala nakasalalay 'to. Buti naman kung gano'n.

At dahil sakin nakasalalay ang magiging desisyon niya, gagawin ko ang kung ano man ang gusto ng puso ko. Siyempre, pagkakataon ko na 'to, e, sasayangin ko pa ba?

"Uhm, siguro mas okay kung ipagpatuloy." sabi ko na may kasamang kunting tawa na halatang nahihiya "isa pa, baka magulat 'yong mga kaibigan na'tin kapag nalaman nilang lahat na walang katotohanan ang lahat ng tungkol sa'tin." palusot ko.

Sana maniwala siya na 'yan talaga 'yong reason ko kung bakit gusto kong ipagpatuloy pa 'tong pagpapanggap.

No'ng hindi siya nagsalita ro'n sa sinabi ko, medyo napahiya ako kaya naman tumalikod ako at nagsimulang umakyat ng hagdan. Siguro mga nakatatlong hakbang ako nang bigla siyang magsalita.

"Tama ka." sagot niya kaya napatigil ako sa paglalakad at agad ko siyang nilingon. At pagtingin ko sa mukha niya, nakita kong nakangiti siya. "Siguro mas okay nga kung ganito tayo. 'Yong iisipin ng iba na may something sa'tin. Kahit na wala namang katotohanan."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumalikod agad ako para hindi niya makita ang abot tenga kong ngiti. Nagpatuloy ako sa pag akyat ng hagdan para hindi siya magtaka kung bakit ako tumalikod bigla. At sumunod naman siya sakin sa pag akyat ng hagdan hanggang sa makarating kami ng second floor kung nasaan 'yong library.

Humiram lang naman siya ng libro tapos umalis din kami agad. Habang naglalakad kami pabalik e may bigla siyang inabot sakin na isang piraso ng papel.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko do'n sa papel na inabot niya na mukhang nakalagay pa 'yon sa bulsa niya kasi naka fold ng maliit na talagang pinagkasya sa maliit na bulsa niya.

"Para sa'yo." sagot niya nang nakangiti mismo.

Na curious naman ako kung ano 'yon kaya kinuha ko na sa kanya. Tsaka isa pa, parang ang ganda ng ngiti niya habang inilalahad sakin 'to kaya sobrang nagtaka na ako kung ano meron sa papel na 'to.

Nang na sakin na ang papel na 'yon ay tiningnan ko kung ano ang nakasulat do'n.

Pero napatulala na lang ako sa nakita ko.

Napatulala ako hindi dahil sa gulat kundi dahil sa hindi ko maintindihan ang nakasulat do'n.

Ano 'to?

Notes? O scratch paper niya habang nag-aaral kanina?

Schrodinger Equation itong mga nakasulat dito. Grabe, nakakaloka 'to. Hindi ko alam kung papano 'to. At teka, bakit naman niya binibigay sakin 'to?

Anong gagawin ko dito?

"Uy, teka, Schrodinger Equation 'to." saad ko sabay tawa. "Hindi ako marunong mag solve nito."

Nakita kong nawala 'yong mga ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. "Teka, hindi ko naman pinapa-solve sayo 'yan." natatarantang sagot niya.

Natawa tuloy ako kasi natataranta siya.

"E, bakit mo binibigay sakin?" nagtatakang tanong ko pa pero hindi siya nakasagot at tanging napakamot lang siya sa ulo niya habang nag-iisip ng maisasagot sakin.

Siguro mga mahigit ilang segundo lang siyang nakatingin sa kung saan habang nag-iisip ng paliwanag sakin kaya naman nagsalita ulit ako, "Alam kong matalino ka, pero hindi ako kasing talino mo." saad ko tsaka binalik sa kanya 'yong papel pero hindi na niya kinuha 'yon sakin.

"Isipin mo kasi maigi." dagdag pa niya kaya napakunot ang noo ko.

"Papano ko iisipin?"

"Isipin mo, para malaman mo ang gusto kong iparating."

"Iparating?" kunot noo ko pang sabi. "Ano naman 'yon? Sabihin mo na lang." pagpupumilit ko. "Hindi ko kasi maintindihan."

Tapos napatingin siya sa ibang lugar tsaka muling napatingin sakin, "Dibale na. Tapon mo na lang 'yan." aniya tsaka tumalikod sakin bago umalis.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa isang 'yon. Hindi ko siya ma-gets ngayon. Parang galit yata siya. Bakit kaya? Dahil ba hindi ko pa siya binabati ng happy birthday? O baka dahil hindi ko na gets 'yong Schrodinger Equation na nakasulat do'n sa papel?

Napangiti ako habang nakatitig sa gawi niya habang naglalakad papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ba't ako napangiti bigla. Ewan, pero ang cute kasi niyang mainis.

Pagkatapos no'n ay bumalik na ako kina Callen na kanina pa ako hinihintay. Nakaupo sila sa bench no'n habang nakatitig sa kanya-kanya nilang cellphone at naagaw ko ang attensyon nila nang makalapit ako sa kanila.

"Uy, Sa'n ka ba galing? Ba't ang tagal mo?" tanong sakin ni Callen nang makalapit ako. "Kanina kapa namin hinihintay. Sibat na raw tayo."

"Sinamahan ko si Bright sa library." sagot ko naman. Hindi na ako umupo sa tabi nila kasi alam kong tatayo na lang din naman sila. "Tsaka," tapos pinakita ko sa kanya 'yong papel na binigay sakin ni Bright ngayon lang, "binigay niya sakin 'to. Di ko alam kung ano." tapos kinuha 'yon sakin ni Callen at tiningnan ng maigi. "Ang sabi niya isipin ko raw para maintindihan ko. E, hindi ko nga maintindihan." dagdag ko pa.

Tapos 'yong mukha ni Callen habang tinitingnan 'yong papel e parang inaalam talaga kung ano 'yong meron do'n.

"Ano sa tingin mo, Callen?" tanong ko pa nang mabasa ko sa mukha niya na parang na gets niya.

"Pambihira ka naman." tapos hinarap niya sakin 'yong papel na 'yon, "Hindi mo na gets?"

Umiling ako, "Hindi." sagot ko. "Ano ba 'yan?"

Napakamot siya sa ulo niya na tila na badtrip sakin, "Pambihira! Akala ko ba matalino ka?"

"Hindi naman ako kasing talino niya. Magkaiba naman kasi kami. Kung alam niya 'yan, pwes ako hindi." sagot ko. "Ano ba kasi 'yan?" tanong ko pa na parang naiinis na.

"Schrodinger Equation." sagot niya.

Napabuntong hininga ako sabay sabing, "Alam ko."

Napangiwi siya, "O, alam mo naman pala."

"Pero hindi ko gets." napakamot ako sa ulo ko. "Wala akong alam d'yan."

"Tungkol saan ba 'yong Schrodinger Equation?" tanong pa niya sakin kaya nag-isip ako ng sagot.

"Schrodinger Equation is about the particles?" patanong kong sabi na kung titingnan e parang hindi pa sigurado.

Pumitik siya sa ere, "Tama. Ganyan nga. And particles stands for?" tanong pa niya kaya sinagot ko ulit.

"Stands for the structure of everything?" patanong ko ulit na sagot.

Ganito talaga ako kapag hindi ako gano'n ka sigurado sa sagot ko. Sinasagot ko na parang patanong.

Pumitik ulit siya sa ere sabay sabing, "Tama. So gets mo na ba?"

Umiling ako, "Hindi pa rin."

Napa facepalm si Callen pagkatapos sabay sabing, "Kaloka ka. Ibig sabihin, He is telling you that you are the structure of his everything." sagot ni Callen at natigilan naman ako.

What?

Ganito ba ibig sabihin nito? Seriously?

Pero. . . What if hindi?

"Teka, what if hindi naman pala ganito 'yon? What if, scratch paper lang talaga niya 'to tapos pinapatapon lang sakin, gano'n?"

"Kung itatapon lang din naman 'to, bakit inutos pa niya sa'yo kung pwede namang siya mismo ang magtapon, diba?"

Natahimik ako.

May point siya.

So ibig sabihin ganito 'yong message na gusto niyang iparating? Kaya pala sinabi niyang isipin ko ng mabuti.

Sinampal ko 'yong noo ko dahil sa kabobohan ko.

"Callen, bobo na yata ako."

"Sayang, top 2 ka pa naman." pang-aasar niya.

"Hindi naman porket top student ako alam ko na agad lahat." depensa ko.

"At teka, kailan kapa natuto sa mga ganito? Hindi naman ikaw 'yong tipo na may mga alam sa mga ganitong bagay. Alam ko kung hanggang saan lang ang kaya mo."

Tumayo siya at pinindot niya 'yong noo ko, "Tinuro lang din niya sakin ang technique na'to." sagot niya. "Tsaka, effective naman." tapos kinindatan niya ako.

"Aba, teka nga, may pinopormahan ka?"

Napakibit balikat siya, "Bakit mo nasabi?"

"Kasi kung wala, bakit ka niya tinuturuan ng mga ganyan, ha?"

Tumalikod siya sabay sabing, "Secret." nagsimula siyang maglakad kaya hinabol ko siya at pinilit na sagutin 'yong tanong ko kaso lang kahit anong gawin ko e ayaw niyang umamin na may pino-pormahan siya kahit obvious naman na meron.

"Maiba lang ako." saad niya. "Hindi kaya may gusto talaga siya sa'yo?"

"Pano mo nasabi?"

Inangat niya 'yong papel na binigay sakin ni Bright na hanggang ngayon e hawak pa niya, "Binigay niya sa'yo 'to." sagot niya. Kinuha ko 'yon sa kanya at tinago 'yon sa bag ko. Hirap na baka itapon niya. "Mag co-confess siguro dapat siya sa'yo. Kaso lutang ka."

Natigilan ako at napa-isip saglit. Gano'n ba dapat 'yon? Kaya ba na badtrip siya pagkatapos kasi hindi natuloy 'yong pag-aamin niya?

Hmm. . . feeling ko. . . oo.

Di ko na naman napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa naisip ko. Sana oo. Sana may feelings din siya sakin para mutual na kami.

"Ewan." sagot ko pero deep inside e umaasa na akong. . . sana oo. Sana tama ang hinala ni Callen at ang hinala ko.

                              ***

Mga bandang alas sais kami nakarating sa tapat ng bahay nina Bright. Hawak ko 'yong mga balloons na hindi pa nalagyan ng hangin tapos na kay Callen 'yong bomba nito. Hawak naman nina Ian at Shawn 'yong mga pagkain at inumin tapos sina Ashley at Rhian sa Confetti.

Saktong napansin ko na pamilyar nga itong bahay nila. Kahit 'yong gate e pamilyar rin kaya inaalala kong maigi kung nakapunta na ba ako rito. Saktong nabanggit naman niya sakin dati na siya 'yong batang sumita sakin no'ng pinitas ko 'yong Sunflower nila. At dahil do'n, naalala kong ito nga 'yong bahay na 'yon. Tama nga siya, sa kanila 'yong bulaklak na 'yon. Nahiya tuloy ako bigla dahil sa kagagawan ko no'ng bata ako.

Habang iniisip ko lahat ng 'yon, 'di ko namalayan na nakatulala pala ako at natauhan na lang ako no'ng pinaputok na nina Rhian at Ashley 'yong confetti at sabay-sabay silang lahat simigaw ng HAPPY BIRTHDAY kay Bright. Do'n ko lang na realized na nasa tapat na pala siya ng gate nila at pinagbukas na niya kami. Ako lang talaga 'tong lutang saming anim.

Pinapsok kami ni Bright pagkatapos. Ni hindi man lang siya na surprised do'n sa pa confetti namin. Pina-upo niya kami sa sofa nila. Actually, ang ganda ng bahay nila. Walang second floor pero ang laki. Tapos ang ganda ng pagkagawa.

"Bro, sana naman nagpanggap ka man lang na na-surprised ka kahit papano." saad ni Ian. "Ang boring mo namang i-surprised. Walang reaksyon."

"Pano pa ako ma su-surprise? E, obvious kaya kayo kanina." sagot niya habang isa-isa kaming tinititigan. "Nakita ko kayong nagpa-plano sa canteen. Di niyo man lang ako sinama kaya napansin ko na baka isu-surprise niyo 'ko."

Tapos kinuha ni Shawn 'yong basong may lamang tubig sa maliit na mesang nasa harap tsaka ininom 'yon bago nagsalita, "Grabe, ang talino mo talaga, bro." puri niya kay Bright at sumang-ayon naman ako.

Tama, matalino nga siya.

Bigla ko tuloy naalala 'yong tungkol sa equation kanina. Hindi ko talaga in-expect na gano'n 'yon. Kung kailan nasa exciting part na e tsaka pa ako naging bobo para mahulaan 'yong gusto niyang iparating.

Hays.

Dibale na, marami pa namang pagkakataon. Sana may take two pa.

"Dibale na, Tama na ang chismisan. Ayusin na na'tin 'tong mga designs para makapag celebrate na tayo." biglang sabi ni Rhian kaya naman tumayo na kami at nilagyan ng hangin 'yong mga lobo tsaka dinikit 'yong mga designs sa pader para makapag picture taking kami mamaya.

At nang matapos naming gawin 'yon, nilabas na namin 'yong mga pagkain at inumin na nakalagay sa loob ng malking plastic pati na rin 'yong cake na pinag ambagan naming anim kanina. Sinindihan namin ng kandila 'yon tsaka kumanta ng happy Birthday at pagkatapos no'n, nag wish muna si Bright bago hinipan 'yong kandila ng cake niya.

"Anong wish mo, bro?" tanong sa kanya ni Callen matapos niyang hipan 'yong cake.

"Secret. Baka hindi magkatotoo." sagot naman ni Bright tsaka napatingin sakin at ngumiti.

That time, hindi ko alam kung bakit siya ngumiti sakin at kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niyang 'yon. Pero basta, ngumiti lang din ako pabalik.

"Naks! Siguro may kinalaman si Deyn sa wish mo, ano?" panunukso ni Callen dahilan para mag 'ayiee' silang lahat.

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Callen. Naisip ko kasi na baka sa sobrang daldal niya e baka madulas siya at masabi niyang may gusto ako kay Bright.

"Uuyy, Nag b-blush." tukso naman ni Shawn kay Bright habang nakaturo sa mukha ni Bright.

Ni hindi nga ako makatingin sa mukha ni Bright kasi naiilang ako. Feeling ko nga ako pa 'yong nagb-blush ngayon.

"Uy, grabe naman kayo." depensa ni Bright.

"Patay na patay ka talaga sa kanya, bro?" tanong naman ni Ian.

At imbis na si Bright ang sumagot e si Callen 'yong sumagot.

"Patay na patay 'yan kay Deyn." sagot ni Callen. Nagsitahimik naman ang lahat at pinakinggan siya. "Alam niyo, no'ng nagkasama kami sa youth camp no'ng grade 6 kami, tinanong niya sakin kung ano 'yong Facebook account ni Danielle."

Tapos nag 'ayiee' na naman sina Rhian, Ashley, Ian at Shawn samin dahil do'n sa kwinento ni Callen.

"Binigay ko naman kasi akala ko gusto lang niyang makipag friends. Di ko naman in-expect na may crush pala siya." dagdag pa ni Callen.

Ito namang si Callen. Parang lasing kung makapag kuwento. May gano'n bang sinabi si Bright sa kanya? Sinabi ba ni Bright na may crush siya sakin? Parang wala naman, ah.

"Alam niyo, obvious naman talaga na gusto niyo ang isa't isa, e." kumento naman ni Shawn habang nakaturo samin ni Bright. "Kahit pa na hindi pa kayo, para na kayong couple."

"Tama." pagsang-ayon ni Rhian.

Grabe! Mag jowa nga talaga sila. Kung ano 'yong kumento ng isa, sumasang-ayon 'yong isa.

Never ko nga lang silang nakitang sweet in public.

"Alam niyo, bagay kayo. Promise." saad naman ni Ashley. "Pang ilang beses ko na ba ulit sinabi 'to?"

"Maraming beses." sabay naming sabi ni Rhian.

"Oo nga pala. Pero promise, sobrang bagay kayo." dagdag pa ni Ashley. "Perfect couple kayo once na maging official na kayo."

"Ikaw Bright, gusto mo ba si Deyn?" paninigurado ni Ian.

Hindi nakasagot si Bright do'n at kahit ako e parang gusto nang patahimikin itong mga kaibigan namin kasi nakakailang na.

Grabe na sila. Pakiramdam ko e hirap na si Bright na sagutin 'yong mga tanong nila.

"Ha? Bakit parang hindi ka naman naniniwalang gusto ko siya?" sagot ni Bright na parang pilit na iniiba 'yong usapan at ayaw sagutin 'yong tanong ni Ian. "Kumain na nga lang tayo." tapos binuksan niya 'yong alak na nasa can at ininom 'yon ng isang lagukan lang.

Wala naman kaming choice kundi ang kumain na lang rin. Hinati ni Rhian 'yong cake tsaka binigyan kami ng isa-isang slice. Tapos kumuha ako ng juice gano'n din sina Rhian at Ashley.

Habang kumakain, siyempre hindi naming maiwasang hindi mag kuwentuhan. Worse? Tungkol na naman samin ni Bright 'yong topic.

"Handa ka bang ligawan si Deyn sa habang panahon hanggang sa handa na siyang sagutin ka, Bright?" tanong ni Shawn na parang lasing na yata. Naparami kasi 'yong pag inom niya ng alak kesa sa pagkain ng mga nakahanda rito.

"Oo naman." sagot ni Bright na may kasamang tango pa. "Kahit gaano katagal. Hindi ako mapapagod." sagot pa niya.

Feeling ko, itong isang 'to lasing na rin.

Kahit nga si Callen gano'n din. Dapat kasi hindi na sila bumili ng alak. Papano namin sila i-uuwi nito mamaya?

"Kahit walang kasiguraduhan kung sasagutin ka niya, bro?" tanong pa ni Shawn. Ang daming tanong ng isang 'to. Pa ulit-ulit na lang.

Napalingon ako kay Bright habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ni Shawn at nakita ko namang tumango siya, "Oo naman." sagot niya sabay lagok ng alak bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Kapag sinagot naman niya ako, worth it naman 'yon. Kapag hindi naman, at least masasabi kong tinry ko 'yong best ko."

Sana nga totoo na lang lahat ng mga sinasabi niya ngayon.

Kaso lang kahit anong gawin ko e obvious naman na hindi totoo lahat ng 'yan. Alam kong sinasabi lang niya 'yan dahil sa mga kaibigan namin. But I knew to myself naman kung ano talaga ang totoo.

Hays.

Hirap 'yong ganito. Mas tatanggapin ko pa siguro 'yong may low-key relationship kami tapos tinatago lang namin sa mga friends namin kasi hindi pwedeng malaman ng lahat. At least kapag gano'n e parehas kaming may feelings sa isa't isa. Kesa 'yong ganito. 'Yong fake lang at akala lang nila e may thing saming dalawa.

"E, ikaw Deyn?" biglang tanong sakin ni Rhian kaya kinabahan ako bigla kasi 'di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para sagutin ang tanong niya, "Kailangan mo ba balak sagutin si Bright?"

That time, nagkatinginan kami ni Bright. Ni hindi ko nga alam kung papano sagutin 'yong tanong ni Rhian sa harap nilang lahat.

Sa dinami-rami ng pwede niyang itanong sakin, bakit 'yon pa?

"Uy, wag niyo siyang pressure-in." saad ni Bright. Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag. "Magagalit ako kapag prinessure niyo baby ko."

Baby ko? Seryoso? Sinabi ba talaga niya 'yon?

Gosh, Deyn wag kang assuming. Kita mong lasing na 'yong tao, e.

Pero. . . Gosh, I think I'm. . . Blushing.

"Curious lang si Rhian." singit naman ni Ashley. "kahit ako na cu-curios na rin kung kailan sasagutin ni Deyn si Bright."

"Bigyan niyo na lang siya ng time para makapag-isip." sagot ni Bright. "Wag niyo siyang madaliin." tapos napatingin siya sakin, "Diba, Deyn?"

Anong diba Deyn? Wala ka kayang alam. Alam kong naglalaro ka lang ngayon. Alam kong sinasabi mo lang 'yan kasi part pa 'yan ng game na'tin.

Pero ako, sure na ako at totoo na 'to. Hindi na laro, Bright. Sana naririnig mo kung ano man 'tong sinasabi ko sa isip ko ngayon. Sana na ge-gets mo at sana alam mo na totoong mahal na kita.

"Deyn?" tawag pa niya sakin. Do'n ko lang na-realized na tulala na pala ako.

"Ha?" pag-uulit ko.

"Sabi ko, hindi mo kailangan i-pressure ang sarili mo. Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. Makakahintay ako kahit kailan pa 'yan. O kahit na gumraduate pa tayo ng college bago mo'ko sagutin ayos lang sakin?"

Talaga ba, Bright?

Naks! Wag kang ganyan, please. Baka seryosohin ko lahat ng mga sinasabi mo.

"Hindi mo'ko kailangan sagutin agad."  dagdag pa niya.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga.

I can't take this anymore.

Hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko sa kanya.

Pagod na akong makipaglaro. At lalong-lalo na, ayoko na ng basta laro lang.

Kaya buo na ang loob ko,

Gusto ko nang totohanin ang lahat.

And I hope na may sana gusto rin siya sakin pagkatapos kong umamin.

Nilapag ko 'yong juice ko sa ibabaw ng mesa at seryosong napatitig sa mga mapupungay niyang mga mata, "Tama na, Bright." agad silang napalingon sakin nang sabihin ko 'yon kay Bright, pero ang mga tingin ko naka focus lang sa mga mata ni Bright. "Ayoko na ng laro." dagdag ko pa.

'Yong mga kaibigan ko e parang nanigas at hindi man lang magawang gumalaw sa kinauupuan nila habang hinihintay 'yong kasunod ko pang sasabihin.

Naglabas ulit ako ng isang malalim na buntong hininga bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita.

"Gusto ko nang totohanin 'to."

Agad na natigilan siya sa sinabi ko at napatanong, "Anong ibig mong sabihin?"

"Tigilan mo na ang panliligaw sakin." sagot ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa basong nilapag ko sa table.

"Wag na nating patagalin pa 'to. Kasi habang tumatagal lalong lumalala itong nararamdaman ko sayo. Kaya Bright,"

Muli, naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko sinabing,

"SINASAGOT NA KITA."