CHAPTER 17 A PENCIL

Ngayong alam ko na sa sarili ko na gusto ko siya, nalugi ako ng limang daang piso dahil sa pustahan namin ni Callen. Pero tama nga siya, gusto ko nga si Bright. Siguro napapansin niya sa kinikilos ko samantalang ako hindi lang aware na may gusto na pala ako kay Bright.

Ngayon, malinaw na sakin na wala na akong gusto kay Gab. Hindi ko na siya mahal at nagtagumpay kami ni Bright sa plano dahil naka-move on na ako sa kanya.

At ayon na nga. . . Naka-move on nga ako, pero 'yong feelings ko na dapat kay Gab ay biglang lumipat kay Bright. Ang weird, pero tama 'yon.

Sabi nga kasi nila, you can't unlove a person that once you loved because only love can replace it.

Since alam na ni Callen na gusto ko si Bright, sinabihan ko siyang secret lang muna namin 'to. Sa totoo lang, 'di ko alam kung aamin ba ako o hindi. Hindi ko kasi alam kung papano ko sasabihin sa kanya na may gusto na ako sa kanya. Baka kasi hindi siya maniwala o baka isipin niyang nagbibiro lang ako. At isa pa, nahihiya ako kasi baka isipin niya na laro lang naman dapat tapos itong feelings ko nagkatotoo bigla which is parang ang rupok? Baka pagtawanan pa nga ako no'n kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya.

No'ng sumunod na araw, pumasok na si Bright. Magaling na siya. Pero hindi pa kami nagkakausap. Dahil pa rin do'n sa nakita niya sa birthday ni Gab. Hindi ko rin naman kasi in-expect na pupunta siya ro'n. Nag promise pa naman ako sa kanya na hindi ako pupunta tapos mahuhuli niya akong hawak kamay 'yong Ex ko. Ang nakakagulat e, bumitaw ako sa paghawak ng kamay sakin ng Ex ko para lang habulin siya no'ng time na 'yon. Kahit ako sobrang nagulat do'n sa inasta ko. Pero wala namang may nakakita sa kanya no'ng time na 'yon dahil na samin ni Gab 'yong attensyon nilang lahat.

Kahit nga si Callen hindi niya nakita si Bright no'n.

No'ng breaktime, kinausap ako ni Callen. Sinabihan niya ako na kauspin ko raw si Bright. Kaso lang hindi ko kayang gawin 'yon. Nahihiya ako. At isa pa, baka bigla niya akong sigawan dahil nga obvious na obvious na hanggang ngayon e galit pa rin siya sakin.

"Ayoko. Mamaya na lang. Pag medyo okay na."

"Anong mamaya kapag medyo okay na? Gawin mo na ngayon." pagpupumilit sakin ni Callen.

"Baliw! Pano pag-nagalit sakin 'yan? Kakagaling lang niyan sa lagnat."

"Ano konek?" tapos napalingon siya sa gawi ni Bright na nakatalikod samin, "Si Bright lang naman 'yan, e. Mabait 'yan. Alam na'tin 'yon."

"Oo alam ko." sagot ko habang nakatitig sa gawi ni Bright. "Kaso lang, hindi ko kaya. Anong sasabihin ko kapag kinausap ko siya? Mag so-sorry ba ako? At teka. . . bakit ko gagawin 'yon? Wala naman akong kasalanan."

Pinalo ni Callen 'yong arm ng chair ko, "Meron." sagot niya. "Nagsinungaling ka. Sabi mo sa kanya 'di ka pupunta."

"E, ano naman? Bigdeal ba sa kanya kung pumunta ako sa birthday ng Ex ko? E, hindi ko naman siya boyfriend, ah."

Nakita kong ngumiti si Callen. 'Yong ngiting parang tinutukso ako sabay sabing, "Malay mo, gusto ka na rin pala ng isang 'yon. Tapos nagtampo siya sa'yo kasi pumunta ka sa birthday ng Ex mo."

Ops!

True kaya 'tong sinasabi sakin ni Callen? May gusto rin sakin si Bright?

Hmm. Parang ang labo? Pero. . . possible rin? Kasi ang bait-bait niya sakin. Tinutulungan niya ako, tapos 'yong mga ngiti niya kapag kasama niya ako abot hanggang tenga, tapos lagi siyang excited kapag alam niyang magcha-chat kami.

Ang tanong, may gusto rin kaya siya sakin?

"O? Naka smile ka d'yan? Iniisip mo kung may gusto siya sayo, 'no?" panunukso pa sakin ni Callen.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Tigilan mo kakapanukso sakin, Callen. Kapag narinig ka niya dahil d'yan sa bunganga mo, lagot ka talaga sakin."

Pero si Callen tumawa lang.

"Bakit, anong gagawin mo?" tanong niya dahilan para maasar ako. Hindi ko na lang siya pinansin pagkatapos kasi alam kong inaasar lang niya ako. Walang sense kung patuloy ko siyang sasagutin.

No'ng uwian, lalapitan ko sana siya para kausapin. Ayoko naman kasing matapos ang araw na 'to nang hindi kami nag-uusap. Baka kasi magtuloy-tuloy hanggang sa masanay siyang hindi na ako nakakausap. Kaya naman huminga ako ng malalim bago ako bumuntong hininga tsaka tumayo mula sa kinauupuan ko para lapitan siya nang biglang tumayo rin si Colleen para lapitan si Bright. Hindi ko na nagawang lapitan si Bright no'ng time na 'yon. Tanging pinagmasdan ko na lang si Colleen at pinakinggan sa kung anong sasabihin niya kay Bright.

"Uy, libre ka ba ulit mamaya?" tanong niya kay Bright. "Pwedeng chat ulit tayo? Turuan mo naman ako sa math."

Napatingin ako ka Bright at nakita kong tumango siya kay Colleen sabay sabing, "Sige ba."

Nagulat ako kasi ang dali niyang um-oo. Ang sakit kaya na um-oo siya sa iba. Alam kong OA itong nararamdaman ko, pero ito kasi talaga ang nararamdaman ko. Nasasaktan akong nakikita silang ganito. Parang gusto kong hilahin si Bright papalayo kay Colleen. Ayoko ring nakikitang nagkatitigan sila. Gusto ko sakin lang siya nakatingin.

"Ano pang hinihintay mo? Hamunin mo na siya ng sabunutan." bulong sakin ni Rhian na hindi ko namalayan napansin na pala niya akong nakatitig kay Colleen at Bright.

Bumuntong hininga na lang ako at tsaka kinuha 'yong bag ko tsaka lumabas ng classroom. Si Rhian kasi susunduin siya ni Shawn dito. Si Ashley naman pumuntang canteen kasi may binili, pero nakasalubong ko siya sa may hallway at nakapaskil sa mukha niya 'yong ngiti niya na parang may naisip na bright idea.

"O, Ashley, anong meron?"

Tapos hinila niya ako at dinala sa may pinakadulo ng hallway tsaka sinabi 'yong bright idea na naisip niya.

"Ganito kasi 'yan, kagabi hinamon ko si Rhian na makipag-bati kay Callen. Tapos sabi niya wala siyang paki. Gawin ko raw kung ano 'yong gusto ko. Kaya naisip ko na pagbatiin natin sila ngayon."

"Ha? Papano natin gagawin 'yon? Asan ba si Callen? Baka umuwi na 'yon." sagot ko at umiling naman si Ashley.

"Nasa may canteen. Mukhang pabalik na siya rito." sagot niya. "May tao pa ba sa room?"

Sino pa ba tao sa classroom namin? Si Colleen, Bright at Rhian. Nando'n pa si Colleen. Kaya nga ako lumabas, e.

"Meron pa."

"Sino?"

"Si Colleen at Bright tsaka si Rhian."

"O, e palabasin mo 'yong dalawa." utos sakin ni Ashley at napalaki naman 'yong mata ko.

"Hala! Papano ko gagawin 'yon? Anong sasabihin ko sa kanila?"

"Gawan mo na lang ng paraan." tapos napalingon kami sa likod naming which is sa medyo malayuan e nando'n si Callen naglalakad na mukhang pabalik ng classroom kaya nagpanic kami. "Sige na. Gawan mo na ng paraan. Ako bahala kay Callen."

"Ano ba gagawin?"

"Palabasin mo si Colleen at Bright sa classroom tapos i lo-lock na'tin si Callen at Rhian do'n." Matapos sabihin ni Ashley 'yon ay hindi na ako nakapag-isip at tumakbo na ako pabalik ng classroom. Bahala na kung anong masabi ko kay Colleen at Bright para palabasin sila ng classroom. Pagdating ko ng classroom, nagulat silang tatlo sakin kasi kaka-preno ko lang sa sarili ko no'n kasi tumakbo ako at agad na dumaretcho kay Colleen na kausap pa si Bright.

"Colleen," tawag ko sa kanya. "Tawag ka ng boyfriend mo."

"Asan siya?" tanong sakin ni Colleen.

Siyempre nag-isip naman ako ng maisasagot kahit na nag i-imbento lang naman talaga ako ng kuwento.

"Nasa classroom nila." sagot ko at tumayo naman si Colleen at nagpaalam kay Bright bago lumabas ng classroom.

No'ng makalabas si Colleen, nagtama ang mga tingin namin ni Bright.

Ang awkward no'n pero nilakasan ko pa rin ang loob ko para makausap siya.

"Ano kasi . . ." napakamot ako sa ulo habang nag-iisip kung papano ko i-explain sa kanya 'to. "Uhm, labas ka muna. Tsaka ko na lang ipapaliwanag sa'yo mamaya." at dahil wala nang oras, kinuha ko na lang 'yong braso niya para sana hilahin siya palabas ng classroom pero nagulat ako nang makita kong wala na si Rhian sa classroom kaya napatigil ako. "Asan si Rhian?" tanong ko sa kanya.

"Kakalabas lang." sagot ni Bright. "Bakit, ano ba meron?"

Hindi ko siya sinagot at na badtrip ako kasi lumabas si Rhian. Edi, sira na 'yong plano namin ni Ashley na pagbatiin sila ni Callen.

Muli kong nilingon si Bright, "Wala na. Sira na 'yong plano."

"Ha?" kunot noong tanong niya. "Anong plano?"

Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang biglang marinig namin ang pagsara ng dalawang pinto ng classroom. As in sabay pang nagsara. Tapos may narinig akong tawanan sa labas na parang boses ni Rhian at Ashley.

Sa gulat namin ni Bright ay nagkatinginan na lang kami na tila tinatanong ang isa't isa kung anong nangyayare.

Agad akong tumakbo papunta sa may bandang pinto at kinatok 'yon, "Hoy! Rhian, Ashley!" sigaw ko. "Alam kong kayo 'yan. Buksan niyo 'to!" sigaw ko habang pinapalo ng malakas 'yong pinto.

"Sorry, Deyn." rinig kong sabi ni Ashley sa labas. "Na utusan lang ako."

"Akala mo, ha!" sigaw naman ni Rhian.

"Hoy! Di ko kayo gets." sagot ko. "Ashley, ano ba 'to? Akala ko ba si Rhian at Callen ang pagbabatiin na'tin."

"Hindi na kailangan!" sagot ni Callen.

Nagulat ako kasi nando'n din siya at kasabwat siya nina Rhian at Ashley.

"Bati na silang dalawa, Deyn. Kayo na lang ni Bright ang hindi." sagot pa ni Ashley.

Gosh!

Napasandal ako sa pinto.

Naloko ako ni Ashley. Talagang paniwalang paniwala niya ako kanina sa plano niya tapos ako lang rin naman pala 'yong target?

Anong gagawin ko ngayon? Kasama ko si Bright sa classroom nang kaming dalawa lang. Tapos mukhang malabong pagbubuksan kami ng mga kaibigan namin hangga't hindi kami nagkakaayos.

"Magbati na kayo, ha." dagdag pa ni Callen. "Babalikan namin kayo after one hour." sagot pa niya bago ako nakarinig ng footsteps nila na mukhang umalis na.

At dahil nahihiya akong harapin si Bright, nagkunware akong hindi alam na umalis na sina Callen at panay palo pa rin ako sa pinto sabay sigaw ng "Hoy, Buksan niyo ang pinto! Uuwi na kami!" kahit na alam kong wala na sila ro'n.

"Tama na 'yan." biglang sabi ni Bright kaya nilingon ko siya.

Bumuntong hininga ako, "Sige na nga. Mag so-sorry na ako sayo. Alam ko kasing ginagawa nila 'to kasi gusto nilang magkabati tayo. Narinig mo naman 'yon kanina, hindi ba?"

Lumapit siya sakin, ako naman umiwas ng tingin. Ewan, pero parang 'di ko siya kayang titigan sa mata ng malapitan.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Wala ka namang kasalanan." sagot niya, nakangiti.

Nakangiti siya na parang okay na talaga kami.

"Hindi. Kasi nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong hindi ako pupunta pero 'yong totoo e pumunta ako."

"Desisyon mo 'yon, wala naman akong karapatang pigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin. Isa pa, hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa. Alam na'tin 'yon pareho."

Mali siya. Kasi ako gusto ko na siya.

At ewan ko ba, pero parang bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya.

Natigilan kami pareho nang may narinig kaming bagay na nahulog sa labas ng classroom tapos footsteps na parang tumakbo palayo kaya naman nanlalaki ang mga mata ko dahil pakiramdam ko may nakarinig sa sinabi ni Bright.

"May tao ba sa labas?" kabadong tanong ko. Gusto ko sanang i-check kaso na lock kami rito sa loob kaya hindi namin nagawang i-check 'yon.

"Hayaan mo na." sagot niya. "Kung sino man 'yon, wala na siyang paki ro'n." tapos bumuntong hininga siya ng sobrang lalim. "Text ko na ba si Callen na ilabas tayo rito?"

Tumango ako. Pero sa totoo lang, napipilitan lang akong tumango. Kasi ang totoo niyan e parang ayoko pang umalis kami rito. Parang gusto ko pa ng maraming oras na kasama at kausap ko siya. Ewan ko ba, parang namamalimos ako ngayon ng oras na makasama ko siya. Pero anong magagawa ko? E, gusto na niyang umalis dito, e.

At ayon, tinext nga niya si Callen. Ayaw pang maniwala ni Callen na nagkaayos na kami at kinailangan pa niya kaming i-video call para makitang bati na nga kami. Pagkatapos no'n, pinagbuksan niya kami ng pinto.

At saktong paglabas namin nang may makita akong ballpen sa labas ng classroom. Ito siguro 'yong nahulog kanina ng taong nakarinig sa usapan namin ni Bright. O kung narinig nga ba niya 'yon. Malay ko bang may sout na earphones 'yon tapos 'di niya narinig ang usapan namin. Pati nga ballpen niya na nahulog parang hindi niya napansin.

Pinulot ko 'yong ballpen pero muli kong nabitawan 'yon nang magsalita si Bright.

"Kay Colleen 'yan, ah." sabay turo do'n sa ballpen.

What the F! Nahawakan ko 'yong ballpen ng taong pinakanaiinisan ko.

Gulat kong nilingon si Bright no'ng sinabi niyang kay Colleen ang ballpen na 'to.

"Kung kay Colleen 'to, ibig sabihin. . . siya 'yong nakarinig no'ng sinabi mo kanina."

Natahimik si Bright. Kita ko sa mukha niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

Tapos lumapit siya sakin para sana kunin 'yong ballpen, "Akin na. Ako na magsusuli."

Pero kinuha ko 'yong ballpen na 'yon at hindi binigay sa kanya. "Akin na 'to." sabi ko. "Nahulog na no'ng may ari kaya akin na 'to." inis kong sabi.

"Uy, para ballpen lang pinag-aagawan niyo. Magkano ba 'yan?" singit ni Callen pero sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka ko tinago 'yong ballpen ni Colleen sa bag ko at nagsimulang maglakad paalis.

                              ***

No'ng sumunod na araw, na perfect ni Colleen 'yong quiz sa Math samantalang ako naka-anim na mali.

Nainis na naman ako kasi lamang na namin siya sakin. No'ng time na 'yon, nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko masyadong sineryoso 'yong quiz kaya ayon, nakalamang na naman siya sakin.

Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim habang nakatitig sa score ko.

"Ayos lang 'yan." saad ni Rhian at tinapik ako sa likod ko.

Nilingon ko naman siya no'n kasi napagtanto ko 'yong sinabi nila kahapon na bati na sila ni Callen kaya napatanong ako.

"Pano kayo nagbati ni Callen?"

"Sa chat." sagot niya. "Chinat ko siya gamit 'yong account ni Shawn since binlock niya ako sa account ko."

"Tapos nagkabati na kayo pagkatapos?"

Tumango siya, "Oo. Okay na kami ngayon. Nagkakausap na kami pero hindi na nga lang siya kagaya no'ng dati."

Ramdam ko sa boses ni Rhian 'yong lungkot. Alam kong nalulungkot siya kasi hindi na kagaya ng dati ang lahat. Medyo iba na ngayon kasi naging kumplikado ang lahat no'ng mga nakaraan. Pero ayos na rin siguro 'yong ganito. At least okay na sila.

Pero ako kaya? Kapag umamin ba ako kay Bright na gusto ko siya, may magbabago kaya? Magbabago kaya 'yong friendship namin?

Hays.

Bakit ko ba 'to tinatanong sa sarili ko e hindi ko nga maisasagot 'to.

Sinandal ko 'yong likod ko at napatingin sa babaeng nasa harap ko na ngayon. Walang iba kundi si Colleen.

"Perfect score ako." aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay pagkatapos.

"Hindi naman ako nagtanong kung ilan 'yong nakuha mong score." sagot ko.

Narinig kong tumawa sina Rhian at Ashley sa sinabi ko at napa-irap naman sa kanila si Colleen bago ako sinagot.

"Sinasabi ko lang, baka kasi isipin mo na naman na nag-cheat ako." tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Judgemental ka pa naman."

Narinig kong nag 'ohh' 'yong dalawang kaibigan ni Colleen.

Imbis na mainis ako, tinanggap ko 'yong sinabi niya. Kasi oo, alam ko sa sarili ko na judgmental ako lalo na pagdating sa kanya. Sa kanya lang ako gano'n kasi mukhang hindi naman talaga siya mapagkatiwalaan.

Tumayo ako para mapantayan 'yong mukha niya. Pinigilan pa ako nina Rhian kasi akala nila may gagawin ako kay Colleen pero binigyan ko sila ng tingin na parang sinasabing 'ako na bahala, kaya ko 'to' bago ko muling nilingon si Colleen.

"Alam mo kasi, tama ka naman, e." mataray kong sabi habang mariin siyang tinititigan sa mata. "Judgemental nga ako at aware ako do'n. Pero ikaw? Aware ka ba na cheater ka? Tanggap mo ba 'yon sa sarili mo na gano'n ka?"

Biglang nag 'ohh' sina Rhian at Ashley at tahimik naman 'yong mga kaibigan ni Colleen.

Pero siyempre dahil isang dakilang maldita itong si Colleen at ayaw niya na natatalo siya, hindi pa nagtatapos do'n ang lahat.

"Bakit ba lagi mo na lang akong pinagbibintangang cheater? E, wala ka namang proof?! Even our teacher's never caught me."

"'Cause I know that top students like you could cheat too. And you did it pretty well."

"Fine! Cheater na kung cheater!" sigaw niya. "Bakit? Naiinggit ka? Kahayahin mo kung gusto mo." panghahamon niya.

"Oh, sorry. Pero hindi ko gagawin 'yon. Kasi ako? Patas ako kung lumaban, e. Alam ko kasi 'yong masama at hindi at 'yong tama at mali."

"Oh, Really?" inis na sabi ni Colleen. "E, kung ilabas ko kaya 'yong baho mo ngayon?"

Lalo ko siyang tinaasan ng kilay. Pero bago ko pa man siya hamunin do'n sa sinasabi niya ay natahimik kami pareho nang biglang pumagitna samin si Bright.

"Tama na 'yan. Break time na. Hindi pa ba kayo nagugutom?" tanong niya samin ni Colleen.

Do'n lang namin na realize na break time na pala. 'Yong mga kaklase namin e nagsitayuan na at lumabas ng classroom para bumili ng pagkain. At dahil do'n, naudlot 'yong pagtatalo namin ni Colleen.

No'ng uwian naman, tsaka ako kinausap ni Bright tungkol sa score ko kanina sa Math at sa score ni Colleen.

"Tanggapin mo na lang 'yang score mo. Isipin mo na lang na 'yan lang ang kaya ng utak mo ngayon. Pero 'di ibig sabihin na hindi mo na kayang ma perfect 'yong mga susunod na quiz sa math. Alam kong kaya mo naman."

"Alam ko. Pero nakakainis si Colleen, e."

"Na perfect niya 'yon kasi nag-aral siya ng maigi. Tsaka, nagpapaturo siya sakin lagi."

Wow naman!

"Edi mabuti. Siya tinuturuan mo pero ako hindi." inis kong sabi at gulat naman niya akong nilingon.

"Teka, nagseselos ka?"

Ayokong sabihing oo kahit na nagseselos nga talaga ako.

Kaya naman inibi ko 'yong usapan.

"Bakit ka ba kasi umepal kanina?"

Alam kong gusto niyang sagutin ko 'yong tanong niya kung nagseselos ako kay Colleen pero wala siyang choice at sinagot na lang niya 'yong walang kwentang tanong ko.

"Sinabi niya kanina na ilalabas niya 'yong baho mo. Hindi kaya 'yon 'yong tungkol satin?"

Kumunot 'yong noo ko, "Ha? Anong satin?"

"'Yong narinig niya. Baka siya talaga 'yon tapos narinig niya 'yong sinabi kong hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa."

May point siya.

Baka 'yon nga 'yong tinutukoy ni Colleen.

Kinuha ko 'yong ballpen niya sa bag ko at tinitigan 'yon.

"Kay Colleen nga ba 'to? O hindi?" tanong ko habang seryosong nakatitig sa ballpen. "Pero kung siya nga 'yong nagmamay-ari nitong ballpen at narinig niya 'yong sinabi mo, bakit hindi niya pinagkalat agad?" tanong ko pa.

"Siguro kasi hinayaan na lang niya para tuluyan ka nang hindi bumalik sa ex mo."

May point na naman siya. Bakit kaya ganito siya kung mag isip? Ang dali niyang makapag isip ng mga possibleng bagay.

Feeling ko tuloy gustong gusto ko na siya.

"Okay na rin 'yong hindi niya pinagkalat." dagdag pa niya bago siya sumandal sa likod ng upuan niya.

"Bakit, ayaw mo bang malaman ng lahat na hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa?" seryosong tanong ko.

"Oo." sagot niya dahilan para mapangiti ako bigla.

As in napangiti ako sa sobrang tuwa at hindi ko alam kung papano pa alisin ang mga ngiti ko ngayon sa labi ko habang nakatitig sa kanya.

Alam kong hindi dapat ako ngumi-ngiti sa kanya kasi baka isipin niyang kinikilig ako pero—shets, hindi ko mapigilan.

Maya maya pa ay tumahimik ang buong paligid. Wala akong ibang naririnig sa classroom kundi boses ng mga iilan sa mga ka-klase ko na naka-upo sa harap.

Tapos may dumating na taga ibang section. Uwian na rin naman kasi kaya pwede na silang pumasok sa classroom namin at niyaya nila 'yong mga kaibigan nilang nasa section namin na umuwi na kaya nagsi-alis na sila at kaming dalawa na lang ni Bright 'yong naiwan dito.

Gusto ko nang umuwi para mabasag 'yong katahimikan namin kaso lang parang ayoko pang matapos ang araw na 'to.

Nilingon ko siya, no'ng time na 'yon may binabasa siyang magazine. Ewan ko lang kung ano 'yon kasi hindi naman ako interesado. Tapos napatingin siya sakin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Iiwas sana ako ng tingin nang bigla siyang magsalita kaya nag stay 'yong mga titig ko sa kanya.

"Siya nga pala, hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya na ipinagtaka ko.

Ang random kasi ng tanong niyang 'yon tsaka sa pagkakaalala ko, parang hindi ko naman siya kilala before. Nitong nag-transfer lang siya rito nang makilala ko siya.

"Bakit, nagkita na ba tayo dati? Dahil ba sa Mommy mo at sa Mama ko?" tanong ko habang hinuhulaan kung ano pa 'yong mga possibleng dahilan kung papano kami nagkakilala.

"Hindi." sagot niya na may kasamang iling at sinara 'yong magazine na binabasa niya. Tapos may kinuha siya sa bag niya tsaka pinakita 'yon sakin.

Nagulat ako kasi 'yon 'yong lapis na nakita ko sa pencil case niya dati. 'Yong lapis na Barbie 'yong design.

"Ano 'yan?" tanong ko don sa lapis kaya binigay niya 'yon sakin.

"Tingnan mo maigi para malaman mo." sagot niya at kinuha ko naman 'yon sa kanya at tiningnan maigi 'yong lapis.

May pangalan na nakalagay do'n at inikot ko 'yong lapis para mabasa ko kung ano 'yong pangalan at nagulat ako sa nabasa ko.

Danielle Legaspi Grade 1 Camia

Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sakin 'yong lapis na 'yon at gulat ko naman siyang nilingon. Nakangiti siya no'n knowing na alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng lapis na hawak ko.

"Sakin 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya.

"Sinabi mo no'ng nakita mo 'yan na meron ka ring ganyan dati, hindi ba?" tanong niya at tumango naman ako.

"Pero hindi ko naman in-expect na ito 'yon."

"'Yan nga 'yan." sagot niya.

Hindi ako makapaniwala.

Kung sakin 'to, bakit nasa kanya?

"Naalala mo no'ng grade 1 tayo?" tanong niya pero umiling ako. Nakalimutan ko na kasi. Ni hindi ko nga maalala na naging ka-klase ko siya no'ng grade 1. Para lang akong nagka-amnesya at biglang nakalimutang ka-klase ko pala siya. "Magka-klase tayo." pagpapatuloy niya. "Hiniram ko sayo 'yong lapis na 'yan kasi nabali 'yong lapis ko at wala akong sharpener no'ng time na 'yon kaya nanghiram ako sayo." kuwento niya.

Muli akong napatitig sa lapis na hawak ko. Ang galing. Halos pitong taon na rin ang nakalipas tapos itong lapis ko e nandito pa. At talagang tinago niya sa loob ng pitong taon.

"No'ng grade 1, hindi ka masyadong palakibong tao no'n kaya hindi kita kinakausap. Naisip ko kasi na baka deadmahin mo ako." dagdag pa niya.

"Pero hindi kita naaalala. Ni hindi ko na nga matandaan na nanghiram ka sakin ng lapis tapos tinago mo pa sa loob ng halos pitong taon." sabi ko at nakita ko namang medyo natawa siya.

"Ang totoo kasi niyan, nag transfer agad ako ako pagkatapos ng isang linggo."

"Nag transfer ka? Bakit?"

"Nilipat ako ni Mama sa private school. Kaya hindi ko na nagawang isuli sa'yo 'yan." sabi niya sabay turo sa lapis na hawak ko. "At ngayong nagkita na ulit tayo, gusto kong isuli sa'yo 'yan."

Napangiti ako. Ang cute kasi.

"Kung gano'n, bakit ngayon mo lang sinulit? E, halos dalawang buwan na tayong magkaibigan."

Tapos napakamot siya sa ulo niya, "Nahiya kasi ako." nahihiya niyang sabi.

Natawa ako. Hindi dahil nakakatawa siya. Ang cute lang kasi talaga niya.

"Kung gano'n, hindi mo nakalimutan 'yong pangalan ko kahit na nag-transfer ka ng school?"

"Hindi naman." sagot niya. "Nakatatak na rin sa isip ko 'yong pangalan mo." tapos tinuro niya 'yong lapis, "Lalo na't nakalagay 'yan d'yan."

Napatingin ako sa lapis. Do'n ko lang napagtanto na nandito nga pala nakalagay 'yong pangalan ko at may kasamang year at section pa.

"Naalala mo 'yong Sunflower na pinitas mo? 'Yong kwinento ni Callen?" tanong pa niya.

Bigla akong nakaramdam ng hiya no'ng binanggit niya 'yon.

"Uy, ano ka ba. Wag mo nang balikan 'yong nakaraan. Nakakahiya kaya 'yon. Isa pa, bata pa ako no'n. Lahat naman tayo nakakagawa ng mali no'ng mga bata tayo."

Dahil do'n, tumawa siya.

"Ang totoo kasi niyan." tapos tumawa siya ulit. Gusto ko sanang mapikon kaso ang cute niya. Ganito pala kapag crush o gusto mo 'yong isang tao, ano? Imbis na mapikon o maasar ka e hindi natutuloy. "Samin 'yong bulaklak na 'yon." kuwento niya dahilan para matigilan ako sa sobrang gulat.

This can't be.

"Hoy, seryoso ka?"

"Oo nga." sagot niya tapos tumawa ulit. "Ako 'yong sumita sayo. Nasa second floor ako no'n kaya kitang kita kita no'n."

Anak ng!

Papanong siya 'yon?

"Kung ikaw 'yon, bakit hindi mo agad sinabi?"

"Ayoko lang na mapahiya ka kaya hindi ko na lang sinabi. Tsaka. . ." napatingin siya sa ibang lugar at nakita kong ngumiti siya. 'Yong ngiting parang kinikilig ba 'to o hindi? Basta, ngumiti siya bago ako muling nilingon, "nag sent ako sa'yo ng friend request no'ng grade 6 pero 'di mo'ko inaccept."

Bigla kong naalala na bago ko pa man siya naging friend sa social media e 2 years ago na 'yong friend request niya sakin. Tama siya, in-add nga niya ako no'ng grade 6.

"Actually, alam ni Callen 'yon. Kasi no'ng nag youth camp kami, sa kanya ko tinanong 'yong facebook account mo."

"Pero hindi ko napansin 'yong friend request mo no'n. Sorry."

Nakita kong naglabas siya ng maliit na ngiti, "Gano'n ba? Akala ko kasi ayaw mo'kong maging friends."

"Uy, hindi ah. Hindi ko lang talaga napansin."

Tapos tumayo na kami pareho at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. Pero bago pa man mawala sa isip ko 'yong kanina ko pa gustong itanong sa kanya at naglakas loob na akong itanong sa kanya 'yon.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya kaya napatigil rin siya sa paglalakad.

"May itatanong ako sa'yo."

Tumango siya, "Sige."

"Sino 'yong mas maganda, ako o si Colleen?"

Nakita ko sa mukha niya na hindi niya inasahang itatanong ko 'yon sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan."

"Sagutin mo na lang."

Lumunok siya ng laway saglit bago napilitang sagutin 'yong tanong ko.

"Si Colleen." sagot niya.

"So panget ako?" sabay turo sa sarili ko.

Tapos nag-explain siya. At talagang nag-explain pa siya, ah.

"Si Colleen kasi siya 'yong tipo na ideal girl ng Karamihan. Lahat sila gusto 'yong ganda niya." sagot niya at wala hindi naman ako nagkapagsalita.

Tatalikod na sana ako para magsimula ulit maglakad nang mapagtanto kong hindi pa siya tapos magsalita.

"Tapos ikaw. . . gusto ko." dagdag pa niya.

Wait, ano raw?

"Gusto mo'ko?" gulat na tanong ko.

Tumango siya, pero iba 'yong sinabi niya. "Gusto ko 'yong ganda mo."

Ano ba talaga 'yong gusto niya? 'Yong ganda ko o ako?

Pero dibale na, nakangiti nga ako ngayon, e.

Pero bago pa man niya malaman sa sarili ko na nakangiti ako dahil kinikilig ako ay tumalikod na ako para hindi niya makita 'yong namumula kong mukha.

Nagsimula akong maglakad at alam kong nakasunod siya sa likod ko. At habang naglalakad ako, hindi ko maalis-alis ang mga ngiti ko sa labi ko habang iniisip 'yong sinabi niya sakin noon na may crush siya since grade 1 na hanggang ngayon e crush pa rin niya.

At dahil do'n, hindi ko mapigilang hindi isipin na possibleng ako 'yong crush niya na tinutukoy niya.