Chapter 22
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nandito siya. Nandito lang sa isang conference room nagtipon-tipon ang mga tao na kung saan dahilan sa aking paglayo.
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao na nasa paligid ko. Aside kina Eula at Ignacio sino pa sa kanila ang kasama o sangkot 6 year ago? Lahat ba silang nandito ay may mga planong gawin sa akin pagkatapos. Ang daddy ni Ignacio na ngayon masayang nakikipag-usap sa daddy ni Eula. Ang mommy ni Ignacio na ngayon nakatuon ang attention kay Eula na bagong dating. May mga ngiti ang mga labi.
Para saan ang meeting? May kinalaman ba ito sa akin. Bakit ganyan sila makatingin. Umatras ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nasa hamba pa ako ng pintuan at anytime parang gusto ko na lang tumakbo at magtago. Pero bakit parang ang bigat ng mga paa ko.
"Mica,"
Hindi kaya …
"Michaella Gomeza!" Nagulat ako na biglang may humawak sa balikat ko, si Ignacio. "Are you okay, You look pale, magpahinga ka muna kaya sa office o di kaya umuwi ka na sa inyo. Namumutla ka. May masakit ba sa'yo? Pupunta tayo sa ospital para macheck ka." Aniya. Napapatitig ako sa mga mata niya.
Nagpapanggap ba siya? Sa simula't simula? Tapos ngayon, nandito na sila lahat sa isang lugar. Umiling ako, hindi ako sigurado.
"Uuwi kana? Ihahatid kita?" nag-alala niyang tanong. Binalingan ko ang mga tao na nasa loob. Yung iba ay nagtataka marahil dahil imbis na magsimula na ang meeting ay nandito pa si Ignacio sa harap ko.
Samantalang ang mommy ni Ignacio ay paminsan-minsang nakatingin sa banda namin at malapad pang ngumiti. Hindi ba nila sasawayin ang lalaking ito?
"Restroom lang ako, bumalik kana doon at nakahanda na ang lahat para sa meeting niyo Mr. Baltimoore." saad ko.
"Kaya mong pumunta? Kumain ka na rin muna bago ka bumalik dito," tumango ako, hindi makapagsalita dahil halo-halo ang nadarama ko ngayon. Ayokong magbreakdown sa harapan nila.
"Excuse me.." yan lang ang nasabi ko at agad na lumabas ng conference room. Nagmamadali akong pumunta ng restroom para naman mahimasmasan ako. Parang hindi ko yata kayang makikisalamuha sa mga taong nasa loob dahilan ng trauma ko at ngayon na naman naulit.
May binabalak ba sila ulit? Anong pa ba ang kailangan nila sa akin. Si Eula, ganun ba talaga ang totoong pangalan niya? Maghihiganti ba siya sa akin kaya inalam niya kung nasaan ako at nalaman niya na nandito ako sa Cebu? Sino nagturo sa kanya? Si Ignacio? Magkasabwat ba sila?
Kasi impossible naman na ang… bumaling ako sa pinto at pumasok si Eula. Nakangiti ito habang nakatitig sa akin. Ibang Eula ang nakikita ko ngayon. Maayos manamit at walang bahid na nag-alala o natatakot. Malalaman mo parin na mapagmataas na uring tao ang kaharap ko ngayon.
"Hi! Gagamit din ako ng cr," sabi niya sa malumanay na boses. Ibang-ibang Eula na talaga kahit sa pananalita. "Kumusta na? Matagal na palang hindi kita nakita ah, matagal ka na ba dito sa Cebu?" ngisi niya. Hindi dapat ako matakot. Naalala ko pa dati na isa siya sa mga nagsusulat ng mga salitang hindi maganda sa dingding o kung saan man ako. Siya pala ang may pakana nun.
"Anong kailangan mo!? May binabalak ka bang masama Eula?" bigla yatang namilog ang mata niya pagkabanggit ko sa totoong pangalan niya. Galit siya pero kalaunan ay ngumiti ito sa akin. Hinuhugasan niya na ngayon ang kanyang kamay kahit hindi pa naman siya gumagamit ng cubicle.
"Iyon? Wala na yon sa akin. Kasalanan ko, kaya ako nandito dahil hindi yata ako makatulog na hindi ko masabi sayo na sorry sa nangyari dati. It was my fault, you know." sabi nito na nakangiti pa rin.
Kumuha siya ng tissue paper at pinunasan niya ang mga kamay niya at itinapon sa trash bin ang nagamit na tissue.
"You know I was careless that time. Hindi ko pinag-isipan ang mga desisyon ko sa buhay. Lagi lang akong padalos-dalos para lang makahigante na hindi na inisip na pwede palang ako ang mawala sa mundo. Alam mo yun. Kaya nandito ako ngayon. We'll hindi ko naman alam na nandito kayo nakatira sa Cebu. Meron kasing business si papa na pinatayo dito kaya ako nandito sa Cebu and of course with the help of Ignacio ay nagawa ko naman and I'm happy for you na nagtatrabaho ka rin pala dito sa mga Baltimoore." mahabang paliwanag niya.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina lang para akong mahimatay dahil sa pagkikita naming dalawa sa conference room, totoo nga siguro na siya yung nakita ko sa club noong pumunta kami ng mga kaibigan ko.
"Uhm, thank you and sorry then sa nangyari. Hindi ko sinadya ang nangyari sa'yo at pag-iwan bigla. Siguro dala na rin ng takot at baka 'pag binalikan kita ay mas madali mo akong mahuli at gawan ng masama, patawad." ani ko.
"Wala yon. Na gamot din naman din agad ako pagkatapos, so…friends? Don't worry hindi naman ako namimilit kung ayaw mo." Inabot ko ang kamay niya para makipag kamayan kaming dalawa. At least ngayon napanatag bigla na wala na akong poproblemahin sa nakaraan ko. Isa na lang at ito ay si Ignacio. Gusto kong magpaliwanag siya sa akin. Gusto kong humingi siya ng tawad sa kagaguhang ginawa niya.
"Salamat Eula."
"Let's go, baka hinahanap na nila tayo." saad niya at tinapos ko ang paggamit ng banyo bago kami lumabas na magkasama. Magkasingtangkad lang kami ni Eula at tumaas lang siya dahil sa gamit na sandal na mahaba ang takong.
Pagkapasok sa loob ng conference room ay natahimik silang lahat at bumaling sa gawi namin. Bumalik si Eula sa tabi ng mommy ni Ignacio. Habang ako ay pupunta sa likuran kung saan nakaupo si Ignacio.
Pero pagkarating ko roon ay inaayos niya ang bakanteng upuan nung mahagip niya ako na doon patungo. Akala niya siguro na uupo ako doon eh dapat sa likod lang ako kasi hindi naman ako kasali sa meeting at baka mamaya, may hihingi ng kape o tubig.
Pero mapilit talaga ang lalaking ito. Pinandilatan ko siya ng mga mata para mapunta ang attention niya sa harapan na nagsasalita. Pero hindi niya talaga inalis ang matalim na panitig sa akin at pagsenyas na tumabing umupo sa kanya.
May nagsasalita sa harapan para pag-usapan ang mall na ipapatayo, tapos ang Baltimoore na ito sa akin pa talaga nakaharap habang nginunguso na doon ako tumabi.
Wala na akong magawa kundi ang sundin siya.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin, kakaupo ko pa lang at yan agad ang bungad niya sa akin. May napatingin tuloy sa malapit nakaupo sa gawi naming dalawa.
Tumango ako, "oh" pero hindi pa rin niya ibinalik ang attention niya sa nagsasalita.
"Umayos ka nga diyan, nasa harapan ang nagsasalita kaya doon ka tumingin, o di kaya diyan sa folder na inabot ko sa'yo" saad ko ng pabulong.
"Ok" sabi niya na may kasama pang ngisi. Bigla akong napaigtad na hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakalagay sa aking kandungan. Bigla yata akong nakuryente dahil sa pinaggagawa niya sa akin. Babawiin ko na sana, kaso pinigilan niya ako. Kinurot ko siya ng mahina at napatingin siya sa akin habang pinipigilan ang pagngiti.
"What can you say Mr. Ignacio Baltimoore?" Napalingon kami pareho sa nagsasalita. Kinabahan naman ako, lalo t ganito ang posisyon ko na nakababa ang isang kamay na dapat nasa ibabaw ng lamesa.
Umupo ng maayos si Ignacio at habang nagsasalita siya ay naka focus ang utak ko sa mga kamay namin na magkahugpong parin. Kunwari may sinusulat ako gamit ang kanan ko na kamay at nasa baba parin ang kaliwa at kay kay Ignacio kaliwa ang nasa nakatukod sa lamesa at kanan naman ang nasa ibaba.
Kung may magbalak na dumungaw ay malalaman na may ginagawa kami na labag sa lahat.
Napabuntong hininga ako kung bakit hindi ko siya kayang pigilan. Paano pala kung may iba na siya at tanga-tanga ko naman dahil marami akong oras para itanong sa kanya ang mga bagay na iyan ay hindi man lang kayang lumabas sa bibig ko.
Natapos na ang meeting at nagpadeliver na lang para sa lunch namin. Gusto ko pa sanang tumulong pero pinigilan ako, lalo ng mommy ni Ignacio. Gusto niya lagi akong katabi sa anak niya at naloloka naman ako sa dahilan niya. "Para malaman ng iba na may something kayong dalawa okay?" aniya habang kumakain kami at panay na naman dagdag niya ng pagkain sa plato ko habang nakangiti.
Naiilang tuloy ako dahil secretary lang ang pagmumukha ko ay naging special treatment pa, ang mas malala ay ang nag-aasikaso sa akin ay nag mamay-ari ng building na ito.
Pinapataba nya ba ako? Kasi wala namang problema yan sa akin kung mas lumaman ako basta may pagkain lang.
"Here," dagdagan pa ng isang ito. Si Ignacio. Napairap na lang ako sa isip ko. Ano kayang nakain ng dalawang ito?
"Tita, can I stay in your house tonight? May project kasi kami na napag-usapan ni Ignacio and he said that he's okay if we talk about it in your house, right Ignacio?" bigla yatang pumait itong kinain ko na steak na nginunguya ko ngayon.
"Really? We'll si Ignacio pa rin ang magdedecide niyan iha. Malaki na siya. May nabuo na nga yan eh. Kaya alam na niya ang gagawin niya," Napasinghap ako sa bulgar na sinasabi ng ginang.
"Sorry, Tita?"
"Mommy! Ano na naman yang pinagsasabi mo?"
"Huh? Oh sorry I mean. May napatayo na yan na ilang malls kaya alam ko na alam na niya ang mga bagay na yan kaya kung okay sa kanya na doon ka mamayang gabi then okay na rin sa akin. Sasama ka ba Ms. Gomeza?" inangat ko ang ulo ko para makita ang ginang at napaisip sa sinasabi niya nito lang.
"Po? Hindi po," tanong ko at baka nagkamali lang ako sa narinig.
"Why? Di ba dapat kasama ang secretary kapag may mga projects or business meeting ang boss mo? Para kung may mga I schedule o ipaparemind sa'yo ay maisulat mo." aniya. Pero hindi ako nakapag paalam sa anak ko. Wala ring binanggit si Ignacio sa akin sa tungkol niyan.
Di ba pwede na dito na lang sa office gagawin ang mga agenda nila about works kinabukasan? Bakit dadalhin pa ang trabaho sa bahay? I don't get it.
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kailangan kong makabonding ang anak ko lalo at ilang araw ko siyang hindi nakasama. Isa pa malapit na ang birthday niya. Kailangan naka focus ako sa mga gagawin ko para maging perfect ang birthday niya. Kakausapin ko pa ang magcacater na napili namin ni mama na venue. Mamayang gabi namin yun naisipan na makipag-usap for final plan dahil gabi lang ako magkakaroon ng oras tapos ngayon?
"Sorry Van pero may pupuntahan ako mamaya kaya hindi muna natin yun mapag-usapan, nag-iisip pa ako kung matutuloy pa or ipapacancel ko na lang muna." paliwanag ni Ignacio.
"What? Pero alam mo naman na sobrang importante yun sa akin. I need more investment for that project and I need your idea about it Ignacio," ani ni Eula o Vanessa.
"Alright, reschedule ko na lang ulit ang meeting about that. Sorry," saad niya. Nakita kong umikot ang mata ni Eula, marahil hindi niya nagustuhan ang sagot ni Ignacio pero ako bakit nagsasayawan ang mga bulate ko sa loob ng tiyan dahil sa narinig. Baliw na yata ako. Wala namang kami. Di ba dapat hayaan ko na lang sila. Total nagkaayos na kami ni Eula.
And I think kung ano man ang pinag-usapan nila ilang years na about sa ikakasal sana silang dalawa ay baka marahil ngayon yun matutupad, knowing na lagi pa rin siguro silang nag-uusap o baka nagkabonding ang dalawa. Sa nakaraang taon na wala akong balita sa kanilang dalawa ay baka nga marami na silang pinagsamahan. Siguro sa panahon na may nangyari kay Eula ay agad namang dumating si Ignacio para iligtas siya.
Habang ako, tumatakbo sa ilalim ng buwan papalayo sa kanila. Ilang beses ng nadapa, ilang beses bumangon para hindi nila mahabol. Hindi ko man lang namalayan na may laman na pala ang tiyan ko. Si baby Saul. My angel.
Tapos ngayon malalaman ko na naman na nandito silang dalawa sa harapan ko. Sila mismong dalawa. Ang mga taong dahilan ng trauma at pagkabalisa ko ng ilang taon. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ang mga ito kaya kailangan ko paring mag double ingat, dahil hindi ko ulit kakayanin na maulit muli ang nangyari sa akin dati.
Pumait ang buong sistema ko habang papauwi ng bahay. Nakiki-usap si Eula na ihatid ni Ignacio kaya yon hinatid naman niya. May habilin pa ang boss ko na babalik ako at para maihatid kita, che ihatid sa mukha mo, 5 minute ng lumipas wala ka parin kaya ayun umalis akong mag-isa sa opisina na nakasimangot ang mukha.
Pero agad ding nawala ng makita ko ang anak ko sa labas ng bahay na parang kanina pa may hinihintay. Hmm ako kaya ito? Ng mahagip n'ya ang sinasakyan ko na tricycle ay agad siyang kumaway ng makilala niya kung sino ang nasa loob.
"Mama!" tawag niya sa akin. Napangiti ako habang inaabot ang bayad sa driver. Pagkalabas ko sa tricycle ay agad akong lumuhod at niyakap ang anak ko na nag-aabang na sa akin sa di kalayuan ng bahay namin. Tumatakbo na ang anak ko papalapit sa akin habang umaandar ang tricycle kanina kaya hindi agad sa tapat talaga ng bahay ako bumaba.
"Namiss po kita mama! Tingnan mo mama oh my star ulit ako." pinakita niya sa akin ang braso niya na may star. Nginitian ko siya dahil sa simpleng bahay na ganito ay sobrang masaya na ang anak ko.
"Good job baby, I'm so proud of you. Always." niyakap ako ng mahigpit ng anak ko.
"I love you mama."
"Aww, I love you so much, baby Saul." sabi ko ng buong puso. " Let's go, pasok na tayo sa loob ng bahay. Nasaan si mama lola mo at papa lolo?" tanong ko sa kanya habang magkahawak kami ng kamay.
"Nasa tindahan si paa lolo at si mama lola naman nasa loob po nagluluto kasama si tita Kimmy." sagot niya.
Tama nga ang sinabi ni Saul na nagluluto na si mama kasi nasa labas pa lang kami, naaamoy ko na ang ulam na niluluto ni mama. Amoy adobo. Hindi ko lang alam kung ano.
Pumunta muna kami ni Saul sa tindahan para tulungan si papa na magsara na para maaga makapag pahinga. Nakakalakad na naman si papa pero dahan-dahan dahil nga na stroke ang kalahati niyang katawan.
Masaya ang gabi namin dahil sama-sama kaming kumain na sabay-sabay sa hapag-kainan. Kahit nagsasign language lang ang mga kapatid ko pero alam nila kung paano magbahagi ng kwento na nakakatawa. Hindi napadaan si Tuko sa bahay dahil may lakad ang amo niya.
Pagkatapos kumain ng hapunan ay nakausap ko na rin sa telephone ang may-ari ng catering na maghahanda para sa birthday party ni Saul na wala siyang idea na bongga ang magiging birthday niya. Ang alam niya lang na ipaghahanda ko siya gaya sa napagsanayan pero hindi niya alam na marami ang dadalo. Ano kaya ang maramdaman niya.
Ilang days na lang 7 years na ang baby ko. Parang kailan lang talaga na nasa sinapupunan ko pa lang siya ng 9 months pero ngayon, may minime na pero ang masaklap lang dahil hindi ako ang kamukha kundi ang ama niya.
Sobrang nakaka unfair naman talaga yata na mas kamukha niya pa ang ama niya na naglabas lang ng sperm niya samantalang ako? Ako ang nagkarga sa kanya sa tiyan ko at umire tapos grrr.. I hate you Ignacio Baltimoore!
"Michaella Gomeza!"
"Boss?" bigla yatang kumalabog ang puso ko dahil sa biglang pag tawag niya sa akin.
"File this paper then paki lagay na lang sa office table ko. May pupuntahan ako this afternoon then cancel all my meeting kung meron man. Then after that, kung maaga mong matapos ay pwede kanang makauwi ng mas maaga," paliwanag niya. Mabait yata siya ngayon. Nung isang araw lang, kamuntikan na naman akong masigawan dahil may mali lang akong na file. Minsan kapag may mali ako ay hindi naman nagagalit, tinatawanan pa nga ako dahil sa natataranta at the same time kinakabahan sa pagpapaliwanag sa kanya. Moody palagi talaga itong Baltimoore na ito. Halikan kita dyan eh.
Mica… Mica.. your brain nahawa kana sa mommy ni Ignacio.
"Y.. yes boss." ani ko. nauutal ko na sabi. Pinagmasdan niya ako at nakita ko kung paano niya titigan ang mga labi ko. Wala akong kinain kanina kaya for sure wala akong dumi sa mukha.
Mamaya, malalim itong napabuntong hininga. Lumabas ito na wala man lang paalam. Tse.
Tinapos ko ang sinabi niya para makauwi na talaga ako ng maaga. Pwede ko ring puntahan na lang ang anak ko sa school para makikain, dahil may feeding program daw ngayon at may nag sponsor na mga kilalang tao, baka pwede akong makisingit. Alam ko naman kapag makita ako ni Saul ay aabutan ako ng pagkain malamang kung meron man siya.
Dahil wala ang nagpapatibok ng mabilis ng puso ay ganadong-ganado akong magtrabaho. Lalabas lang ako para mag restroom at o di kaya magtimpla ng kape o tea.
Akala ko nga tapos na talaga ako kaso may inabot pa sa akin si Nico aka Nica na mga files kaya tuloy natapos ako bandang 4 ng hapon na akala ko 2-3 pm ay tapos na ako. Pero dahil urgent yon kaya ginawa ko na rin para kinabukasan ay wala na akong poproblemahin at iba na naman ang ibibigay sa akin. Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat ang tambak na trabaho knowing na yung isa bago umuwi talaga ay tinatapos talaga ang pagperma at pagbabasa ng mga documents. Lalo kapag proposal ang mga iyon. Sipag talaga ng cold billionaire na yon kahit bilyonaryo na.
Pagkarating ko sa paaralan ni Saul ay timing na uwian na ng mga estudyante. Pumasok ako sa loob ng school at pinuntahan ang kwarto ng anak ko.
Nagulat pa nga siya dahil paglabas niya ay timing naman na nakarating na ako, kaya ang lapad ng ngiti ng anak ko na makita niya ako na ako ang sumundo sa kanya.
"Mama!" Tawag niya.
Nagtricycle na lang kami pauwi ng bahay.
Nasa kandungan ko ang kanyang bag at may nakita ako doon na mga drawing notes. Hindi ako ang bumili nito at parang mamahalin ang mga ito.
"Sino nagbigay sayo nito anak?" tanong ko sa anak ko habang kumakain ng burger na binili ko malapit sa building namin.
"Yan po, bigay po yan nung tall guy mama para sa aming lahat. Yun po ang nagbigay sa amin ng mga pagkain kaninang lunch at mga school supplies." tumango ako dahil masaya na malaman na hindi lang pagkain ang naibahagi nila kundi mga gamit sa mga bata.
"Tapos mama, ang mga kaklase ko lagi nilang sinasabi na may kamukha daw po ako sa mga guy na pumunta sa school," nagulat ako sa sinabi ni Saul.
"Kamukha? Nag-iisa ka lang baby." ani ko.
"Sabi ko nga sa kanila pero hindi po sila naniniwala. Sabi daw po nila na kamukha ko daw po yung naka kulay black pants at puting damit hanggang kamay po dito mama."
Wait.. binanggit ba ni Ignacio kung saan siya pupunta kanina?
Kinabahan ako..
Hindi kaya…