Chapter 23
Malapit na mag-alas dose at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng anak ko kanina pauwi ng bahay. Hindi ako mapakali sa higaan ko at iniisip ang magiging senaryo kapag magkita sila.
Ang sabi ni Saul na marami ang pumunta na mga nag tatangkaran na mga lalaki, isa sa mga charity na napili ng grupo na puntahan ay ang school nina Saul at yung sinabi ng mga kaklase nya na kamukha ng anak ko ay hindi naman sila nagkita dahil may umalis daw bigla sa kalagitnaan ng pagbibigayan ng mga school supplies.
Hindi sinabi ni Ignacio na may charity siya na pupuntahan kanina dahil wala naman ito sa schedule niya.
Pinagmasdan ko ang anak ko na mahimbing ng natutulog ngayon. Hinaplos ko ang buhok niya habang nakatitig sa kanya. "Kung magkikita man ang landas niyong dalawa anak, sana matanggap mo siya. Sana wala kang galit sa kanya. Kung ano man ang maging desisyon ng kapalaran anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng mama. Mahal kita anak ko. Yan ang lagi mong tatandaan. Kaya kitang ipaglaban kahit sa Korte pa man yan magkaabot ang mahalaga sa akin ay ilalaban kita sa abot ng makakaya ng mama kung ipipilit niya na kunin ka sa akin.
Nakatulog ako dahil sa lalim na pag-iisip. Wala na sa tabi ko ang anak ko paggising. Walang pasok ngayon kaya napasyahan ko na pumunta ng salon para mapasalonan naman ang kapatid ko at si mama. Bagong sahod ako kaya gusto naman silang bigyan ng makeover ngayon lalo at malapit na ang birthday ng anak ko. Next week na kaya sobrang excited na ako na makita ang reaction niya na iba sa nakasanayan na birthday niya.
Bumangon ako at niligpit ang tinulugan namin at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si mama na naghahanda ng almusal. Wrong timing dahil hindi pa ako nagising para sana makapag luto.
"O anak hali na kayo at mag-almusal na tayo." ani ni mama. Tinawag ko ang kapatid ko at si Saul.
"Mama, pupunta po tayo ng salon ngayon, treat ko po. Game?" tanong ko sa kanila. Hindi naman ako namimilit kung hindi papayag, ang sa akin lang ay para maiba naman nag style namin.
Si Kimmy pumapalakpak dahil masaya sa ibinalita ko. "Okay anak, magpapaganda tayo para sa nalalapit na birthday ng apo ko, di ba maganda ang Lola mama. Di ba apo?"
Bumaling si Saul sa kanyang Lola at ngumiti, "opo Lola mama, you're so pretty na po kahit wala ka ng make-up eh." sagot naman ng anak ko.
Pinanliitan siya ng mata ni mama, "sure yan ha baka makita mo yung isang Lola mo ay baka magbago ang desisyon mo." ani ni mama na hindi na pinansin ni Saul dahil siguro akala nito na hindi na siya ang kinakausap. Nagpatuloy sa pagkain ang anak ko na ang ulam ay egg at bacon at fried rice ang nasa plato niya. Nginitian ko si mama dahil alam ko na na hinuhuli niya ako.
Wala na akong naitago sa kanila ni papa at mama at nasabi ko na sa kanila na nagkita kami at nagkausap na ng lola ni Saul sa side ng father niya.
"Maganda ka po mama kaya wag kang mag-alala, pareho kayong maganda," sabi ko sabay kindat. Napailing na lang sina mama at papa.
Lunes ng maaga at maaga akong pumasok sa opisina. Lobby pa lang ay nagtataka na ako kung bakit ang mga mata ng karamihan ay napapalingon sa gawi ko. Kung iikot ko naman ang paningin ko at baka ang kasunod ko ang pinagtitinginan pero hindi naman. Lihim akong umiling dahil ang weird naman nila yata ngayon.
Nakasalubong ko si Nico na kay lapad ng ngiti, napatigil siya at napahawak pa sa kanyang palad at dinala sa kanyang bibig na kunwari nagulat. Anyare sa mga tao ngayon?
"Oh my goddess, ikaw ba yan, Michaella Gomeza? Wala na talaga, wala na ang beauty ko dahil nasayo na lahat." pangdadrama nito. Anong nangyari sa babae-lalaki na nasa harapan ko na?
"Huh? Anong nangyari sayo? Maganda ka naman talaga kahit gwapo ka," pero ang bruha hinampas lang ako sa balikat mabuti na lang at mahina lang.
"Ikaw ha, saan ka nag salon my dear? Ang ganda ng pagkagupit ng hair mo." Wika niya. Hinawakan ko ang buhok ko. Wala naman akong masyadong pinagupit sa buhok at pinagupitan ko lang at ang tawag daw nito ay collarbone cut at pinagpantay ko yung bangs ko na mahaba at pinakulayan ko na rin ng blonde para bagay daw at maiba naman kaysa black.
"Ganun ba, akala ko nga pangit tingnan eh kasi first time kung magpakulay ng buhok at ganitong klaseng paggupit kaysa yung dating mataas at kulay black lang." paliwanag ko.
"Ay basta maganda kang tinanan fresh na fresh ang dating mo girl. Swerte naman ng jowa mo niyan at panigurado akong in love na in love na sayo yun ng todo." singit pa ni Nico kaya naiilang na lang ako kung anong pinagsasabi nito.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa para papunta na sa aming mga area, ako naman ay umakyat na sa opisina ng amo ko, hindi ko alam kung maaga ba ito ngayon pumasok.
Nasa tapat ng elevator na ako at naghihintay paakyat. Nakafocus ang buong attention ko sa elevator Paghinto ko sa tapat ng elevator ay pipindotin ko na sana ang button up na may sabay kaming pumindot na kung sino mang daliri ang nasa likuran ko.
Nagulat ako at bigla kong binalingan ang kamay na kung sino mang bulto ng tao na nasa tabi ko na ngayon.
"Ignacio? I mean boss! Ikaw pala." ani ko at nginitian siya. Nakatitig lang siya ng ilang minuto sa akin. Tulala ka diyan at halos hindi na kumurap. Hinawakan ko siya sa balikat at nginitian ulit siya. "Good morning boss. Akala ko ako ang naunang dumating kaysa sayo pero hindi pala." saad ko para kasi naging awkward ngayon ang pakikitungo niya sa akin. Tumikhim siya at iginaya na ako papasok sa elevator. Pinindot niya ang number kung saan ang opisina niya. Nasa gilid lang ako at presenting nakatayo habang ganun rin ang ginagawa niya habang nakapasok ang dalawang kamay sa kanyang magkabilaang bulsa ng kanyang black slack.
Ako naman ang suot ko ngayon ay white long sleeve at black skirt na palda above the knee at black sandal na hindi naman katangkaran, yung sakto lang na nasa hanggang balikat lang ako ng boss ko.
Napalingon siya sa akin, parang may sasabihin na parang wala naman at nakatikom ulit ang mga labi. Hinayaan ko na lang siya dahil baka assuming lang ako na sasabihin niya na maganda ako kagaya ng sinasabi ng mga tao na nakakilala sa akin sa labas at loob ng building.
"Later, tell Mrs. Chavez to send me the annual report last month through my email." Napaigtad ako dahil sa bigla-bigla na lang siyang nagsalita at nasa malapit pa talaga sa tenga ko. Bigla tuloy akong nakuryente kahit hindi naman masyadong malapit ang bibig niya sa akin kanina.
" Y. yes sir, I will do it right away." Nauutal ko na sagot sa kanya. The heck Mica. Umayos ka.
"Alright, nag breakfast kana? Samahan mo ako sa baba pagkahatid mo ng mga gamit mo sa table at doon na lang tayo kakain sa next restaurant para maiba naman." Aniya.
Aangal pa sana ako na hindi na ako kakain na bigla namang tumunog ang tiyan ko. Wala na akong kawala dahil kusa na ang mga bulate ko na sa tiyan ang sumagot sa amo ko. Nakakahiya lang Mica.
Napangisi na lang ang isang 'to dahil narinig niya ang loob ng tiyan ko na nasiyahan ata na makatikim na naman ng pagkain. Di porke't tinapay lang ang kinain ko kanina at kape ay hindi pa pala sila nabusog. Umirap ako sa kawalan.
"I heard it already and your little tummy says it all." pang-aasar pa niya. "And, anyway you look beautiful and stunning with your new hair," hindi ko alam kung ilang kurap ang ginawa ko para pumasok sila sa utak ang lahat na katagang sinabi niya. "Get out Mica kung ayaw mong masaraduhan," natauhan ako dahil sa sinabi niya at dali-dali akong lumabas ng elevator.
Anong nangyayari at bakit ganito kalakas ang tambol ng puso ko?
Nilagay ko sa lamesa ang mga bitbit ko na mga gamit kanina. May nilagay din si Ignacio na papeles sa loob ng office niya. Napabuntong hininga na lamang ako ng makaalis na siya sa harapan ko. Pinakalma ko ang puso ko dahil talagang pakiramdam ko tumatakbo ako ng ilang metro ang layo at ganito magwala ang puso ko na kaharap ko na siya. Ano ba itong nararamdaman ko? Wala na akong naramdaman sa kanya, di ba? Tapos ngayon ito–
"Let's go… "
"Ay palaka—" bulalas ko dahil sa gulat. Steady na yung puso ko kanina, tapos ngayon nagkakarera na naman sila ulit dahil sa bigla-biglaang pagsulpot ng lalaking ito.
Natatawa siyang nakatingin sa akin, "Ayos ka lang Mrs. Gomeza? You look tense. Maybe we should eat our breakfast together. Baka nalipasan ka ng gutom at ganyan ka ngayon," sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung bakit ako nagkaganito loko ka.
"Ohh..'' tanging nasabi ko at sumunod sa kanya sa labas. Nakasunod lang ako sa kanya at alam ko na panay sulyap niya sa akin hanggang nakarating kami sa lobby Dala ang sling bag at wala man lang akong dalang notes sa mga kamay para kunwari na habang sumusunod ako sa boss ko ay may sinusulat kung kinakailangan.
Para tuloy kami nitong magkakilala o kasintahan at magde date sa labas. Ano na lang isipin ng mga matang nakatingin sa amin.
Pagkarating namin sa restaurant na napili niya ay agad niyang kinuha ang menu para umorder. "What do you want? May longganisa sila dito, bacon ham.. hmmm.. ano pa ba pwede for breakfast?"
"Pancake lang ako at coffee," ani ko. Sinulyapan niya ako.
"Yun lang?"
"Oh, kumain na kasi ako ng pandesal kanina bago umalis kaya Yan na lang."
"Pancake? Parang dinagdagan mo lang ang flour sa katawan mo. Same pa rin yun na puro carbohydrates ang kinain mo. How about bacon? May daing na bangus sila, you can try that too." pamimilit niya.
"Pero, I prefer pancake… " nangingiyak ko na sabi. Nagcacrave ako ngayon. Bakit pa siya namimilit sa ayaw ko namang kainin.
Pero ang loko tinawanan pa ako. "Alright.. alright, pancake then. Hanggang ngayon favorite mo pa rin ang pancake kahit na magkaiba lang ang pagluto sa kinain mo dati," pareho kaming natigilan dahil sa sinabi niya.
"May I take your order sir? Madam?" tanong ng waiter. Pareho kaming tumikhim at sinabi niya sa waiter ang mga order namin at ako naman ay nakatuon parin ang mga mata sa pancake na sinabi niya.
Naging favorite ko ito dahil binigyan niya ako dati na nag-aaral pa kami ng highschool ng pancake na baon niya kapalit sa baon ko na pritong tilapia gusto niyang matikman kung anong lasa nung nagbaon ako kaya nag-exchange kami ng pagkain. Pwede naman na magshare na lang pero pareho naming nagustuhan ang lasa kaya hindi na kami nagbigayan sa isa't-isa.
"Yun lang, thank you." aniya sa waiter at itinabi ko na ang menu list. "May upcoming meeting ba ako this week or next week?" tanong niya sa akin.
Inilabas ko ang phone ko dahil nilagay ko na sa notes ang mga meetings at ibang appointments niya.
"May meeting po kayo kay Mr. Saville this coming Monday morning next week and also kay Mr. Elizcalde na gaganapin dito sa M_I building around 4-6 in the afternoon then kay Ms. Vanessa Solano, dinner meeting uhm…bandang 6 in the evening." basa ko sa notes sa phone ko.
Bigla yatang pumait ang sistema ko na makita ko ang pangalan ng ka next meeting niya. Hindi ko ma lang namalayan na naisulat ko siya at na save ko pa talaga sa notes ko na hindi man lang inalam kung sino ang nagmamay-ari ng pangalan na yan. And so what kung may meeting sila o wala akong paki kung about yan sa trabaho o sa ibang bagay pa, paki ko, wag lang sana na nag memeeting sila na magpaplano sila kung paano ako pababagsakin.
"Excuse me ma'am," inangat ko ang ulo ko para makita ang nagsalita, ang waiter pala at nilagay na sa mesa ang mga order namin. Nagpasalamat ako.
Inayos ni Ignacio ang pinggan naming dalawa at wala ng hiyang-hiya kong inabot ang pancake at nilagay sa plato ko. Natatakam ako kasi ilang days na rin na hindi ako nakakain nito.
"Dahan-dahan lang Mica, sa'yo yan lahat then try also this salad pandagdag sa kinakain mo para naman hindi ka laging tulala sa trabaho mo," pinanliitan ko siya ng mga mata at naiinis na tiningnan siya.
"Tulala ka diyan. Hindi kaya, ikaw siguro," ani ko at ngumisi lang ang isang ito. Inirapan ko siya.
"I saw that, ang sungit. Kumain kana dahil gutom lang yan." aniya habang panay ang ngisi.
Hindi ko na siya pinansin at kumain ako ng kumain na halos hindi ko namalayan na naubos ko ang pancake at salad, pinaresan ko na rin ng bacon na nandoon at sarap na sarap ako sa kakain na hindi ko nga naisip kung pati ang kasama ko ay nakakain na ba dahil panay abot lang sa akin ng pagkain.
Nilipat ko ang mga mata ko sa plato niya at nakita ko na malinis ito at halos hindi man lang nalagyan ng pagkain o anong ulam.
Tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng tubig. "Hindi ka kumain?"
"Kumain naman ng kaunti dahil nabusog na ako sa kakatitig sayo na ganado-ganadong kumain. Kapag kasama mo lang ba ako na ganito ka ganang kumain? Tapos kay Jackson… tinapay lang ang kayang ipakain sa'yo?" saad niya na mas napakunot ng noo ko.
"Huh? Matakaw naman talaga ako kahit anong kain ko noh kahit anong nakahain sa lamesa na hindi lang dahil kasama kita. Assumero nito. Masaya naman ako kapag pandesal lang ang ibinigay ni Jackson sa akin kaya." sabi ko at nagpataas lang ng kilay niya. Bahala ka diyan, hindi ako namimilit.
"Really? Well… mabuti naman kung ganun. Dessert?" alok pa niya. Tiningnan ko ang tiyan ko kahit nakatakip naman ito ng tela ng damit ko.
Umiling ako, "no thanks, busog na ako, sobra. Baka mamaya nito masikip na ang skirt na suot ko dahil sa marami akong kinain, ikaw kasi pancakes lang inorder ko, tapos umorder kapa ng iba. Nakakainis ka na. Gusto mo ba akong tumaba? " walang preno ang bibig ko. Parang pinagalitan ko ang anak ko na may ginawang kasalanan.
"Oo, gusto kitang makitang tumaba. Wala naman akong pakialam kung magkalaman ka pa, mas gusto ko yon." saad ni Ignacio. Mabuti na lang at nakainom na ako ng tubig bago niya sabihin ang mga salita na yan baka mamaya mabilaukan ako bigla habang sumasayaw ang mga bulate sa tiyan ko.
Ngumuso ako, "ok, kakain na ako ng kakain." napangiti siya sa sinabi ko.
Tumikhim ako dahil matagal pala kaming nagkatitigan na dalawa. Sinilip ko ang phone ko na nasa gilid ng lamesa. Walang text ni sino man.
"Wait, may tanong lang ako, if you don't mind." Tumango ako.
"Ano yun?" tanong ko habang tenext si Kimmy.
"May anak na kayo ni Ja.. Jackson right? Uhm what I'm trying to say is. Saan siya nag-aaral? Meron kasi kaming charity events na dinaluhan noong Friday at naisip namin na sa school magbibigay. Pinilit ako ni mommy na pumunta kahit ayoko kaya wala na akong nagawa, kaya hindi na lang kita isinama dahil marami kang ginagawa dito, tapos hindi ka naman kasali roon kaya pinauwi na lang kita ng maaga. Sana isa sa anak mo ang nakatanggap ng gift galing sa charity na tinulungan ng company ni mommy. Kung wala naman then bibigyan kita." kwento niya.
Para yatang humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa sinabi niya na anak pero agad ding kumalma ang puso ko na na mention niya si Tuko. So, hindi talaga sila nagkita na mag-ama doon sa paaralan. Mapaglaro nga naman ang tadhana, parang ayaw yata silang patagpuin. Sumang-ayon ba at kumampi ang panahon sa akin?
Kung sasabihin ko sa kanya ngayon. Ano kaya ang maramdaman niya at ang kinatatakutan ko ay matanggap niya ba kaya ang anak ko? Paano kung hindi? Ayokong sabihin kay Saul ang tungkol sa ama niya na kung mismo ang kanyang ama ay wala naman pagpapahalaga sa kanya. Ayokong makita ang anak ko na masasaktan na hindi siya tanggap kailanman ng kanyang ama. Tama ba ako?
Sasabihin ko na sana na nakatanggap din si Saul na bigla na lang dumilim ang paningin ko na makita na kung sino ang biglang sumulpot sa harapan naming, kahit si Ignacio ay nagulat. Agad pumulupot ang kanyang mga braso sa may leeg ni Ignacio, si Eula o Vanessa.
"Hi Mica. Hi dear Ignacio, I miss you!" bati niya at hinalikan sa pisngi ang lalaking nasa harap ko. Umupo ako ng maayos at tinuon ko na lang ang sarili ko sa kakatipa ng mensahe sa mga kaibigan ko na minsan na lang din nagparamdam.
Parang gusto ko yatang yayain silang magbar mamayang gabi dahil hindi ko nagustuhan ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. Shit lang. Kalma Michaella… remember wala na kayo… pinaglaruan ka lang.
Nagulat marahil sila dahil sa biglaang kung pagtayo. Hindi ko sila tiningnan sa mga mata at baka matumba pa sila kapag nakatitig ako.
"Restroom na muna ako boss. Eula.. excuse me." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na agad sa table.
May sinabi pa si Ignacio pero hindi ko na binigyan ng pansin dahil sa naiinis ako.
Pagkarating sa banyo ng restaurant na kinakainan namin ay agad kong isinandal ang likod ko sa hamba ng pintuan pagpasok sa loob.
Hinilot ko ang sentido ko at maya-maya ay hinawakan ang dibdib ko na kanina ay tumatambol sa saya pero nung dumating lang yung isa ay agad itong naninikip. What's wrong with me? Di ba dapat wala na akong pakialam kung naglalampungan man silang dalawa sa harapan ko?
Si Saul... ayokong ganito ang maabotan niya kapag nagkataon na makilala niya ang anak ko. Ayokong sa harapan ng mga mata ng anak ko ay nakikita niya na ang kanyang ama ay pagmamay-ari na ng iba.
Si Saul nga lang ba ang dahilan Mica?