Chapter 21
Bumungad sa akin ang malaking hagdanan na kulay ginto papunta sa pangalawang palapag pagkabukas pa lang ng pinto ng entrance. Halos nakakalola ang mga kagamitan na makikita ko, from curtains na puting-puti hanggang sa carpet na hindi ko alam kung tatapakan mo ba o gagawing pang display lamang.
Tapos ang flat screen ay malaki rin na parang nasa cinema ka na nanood nito. Binalingan ko ang boss ko na papunta sa kusina ngayon. Tinawagan niya na raw ang nag-aasikaso sa bahay niya kapag wala siya. Bahay niya? May bahay naman sila pero bakit pa siya nagpatayo ng bahay dito sa Tagaytay?
"Tanga ka ba Mica, syempre para sa magiging pamilya niya." maktol ko sa sarili ko. Sa bagay, swerte naman ang magiging mga anak at asawa niya kapag dito nakatira. Malamig ang klima minsan dito sa Tagaytay. Pwede silang maglaro kahit saang sulok ng bahay na hindi mag-alala. Ako kasi kapag maglalaro si Saul sa kanyang mga kaibigan na kapitbahay lang namin ay talagang gusto ko nakatuon ang mga mata ng mga magulang ko o ang mga kambal sa pagbabantay sa kanya dahil baka pumunta sa kalsada at baka may mga dumadaan na sasakyan. Wag naman sana.
Bilang nanay, nakaka trauma yon na baka anong mangyari sa anak mo.
"Let's eat," narinig kong tawag ni Ignacio. Nakaupo ako sa sofa at tumayo agad nung tinawag ang pangalan ko, nilagay ko muna ang bag ko sa tabi. Naghihintay lang siya sa akin.
Nauna na siyang pumunta ng kusina at sumunod ako. Malapad din ang kanilang dining table na nasa 12 seats. Napatingin ako sa mga pagkain na nakahain. Nasa anim na serve at iba't-ibang putahe.
Akala ko uupo na siya sa dulo ng lamesa pero hindi naman, doon niya ako balak na paupuin. Napalingon ako sa kanya at giniya niya ako na doon talaga ako. Hindi na ako nakipag-argumento at umupo na lang. Pagkatapos niyang naiayos ang silya ko ay umupo na siya sa may gilid, wait baliktad ata, di ba dapat siya ang nandito? Itatanong ko pa sana pero inumpisahan na niyang lagyan ang pinggan ko ng ulam.
"Wait, kahit mamaya na tayo kumain, hintayin na muna natin ang bisita mo o kung sino ang sasabay sa atin. Baka sabihin nila na patay gutom ako at ako pa talaga ang unang kumain sa mga inihanda sa lamesa." wika ko sa kanya. Pero ang loko nakangisi lang.
"Bakit ka natatawa? Hindi ako matakaw Mr. Baltimoore!" inis ko na sabi sa kanya.
"Kalma Michaella para sa atin itong dalawa. Tayong dalawa lang ang kakain." sagot niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Ang dami nito, paano natin ito mauubos?"
"Basta uubusin natin, hindi naman niyan sobrang marami. Kain ka na baka wala talaga tayong mauubos na ulam dahil sa nagbabangayan lang tayong dalawa," sabi niya.
Wala na talaga akong kawala nito. How I wish na nandito rin o ganito ang kinakain ni baby Saul. Gaganahan yung kumain.
"What's wrong? Hindi ba masarap? Magpapadeliver ako ulit," ngumuso ako sa kanya.
"Sira! Bakit ka pa bibili ng marami na 'tong nakahain at saka pa masarap lahat naaalala ko lang ang anak ko, na sana ganito rin ang kinakain niya," walang preno ko na sabi. Naiiyak na. Marahil namimiss ko na rin ang baby Saul ko. Lalo ko siyang namimiss kong ang carbon copy niya ay nandito sa harapan ko.
"Gano'n ba? Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala, okay? Kumain ka lang, sayang naman ang mga ito kung itatapon lang natin kung masarap naman."ani niya na may kasamang ngisi. Sarap batukan eh. Nag-eemote na ako dito.
"Bakit kasi marami ang pina order mo at may pinaluto ka pa na ibang ulam. Akala mo siguro isang beses lang akong kakain at last meal ko na ito." bulong ko habang kumakain, naiinis sa lalaking ito na wala ng ibang ginawa kundi ang tumawa.
"So cute.." ani niya pero narinig ko naman. "next time isasama na natin ang anak mo. Isama mo na rin si Jackson na asawa mo para hindi iyon magtampo Mrs. Gomeza." ani nito. Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. So, akala niya talaga na si Tuko ang nakatuluyan ko? Kaya wala man lang siyang pakialam nung nalaman niya na may anak ako. Dahil ang nasa isip niya ay ako at si Jackson ay mag-asawa ha.
Sasagutin ko na sana siya na biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me, si mommy tumawag lang." tumango ako bago siya tumayo para umalis sana pero, "What? Oh.. opo.. nandito po. Sige.." bumalik si Ignacio sa pag-upo at nilagay sa loudspeaker ang cellphone niya para marinig ko rin.
"Mica, darling hello." napangiti ako dahil sa nanay ni Ignacio.
"Yes po, kumusta po ma'am?
"Ma'am? Anong sabi ko sa'yo na itatawag mo sa akin? "
" Ahm, ano po.. "
" Mommy! Ayaw niya yatang sabihin ang itatawag sa'yo, wag mo nang pilitin, pinapahirapan mo ang tao," sabay ni Ignacio.
"Tumahik kang sperm cell ka. I'm not talking to you. I love you but sperm cell ka, kaya tsupe ka muna. Iha anak, nandyan ka pa ba?" tawag ni ma'am sa akin.
Tumikhim ako para malaman niya na narito pa rin ako.
"Hi po ma' I mean mom!" Sabay baling ko kay Ignacio, wala naman siyang reaction at ipinagpatuloy ang paglagay ng pagkain. Kinabahan ako. Baka kasi bigla niyang mamention ang anak ko.
"There you are, kumusta kana at ang ano mo? Yung mga itinuro ko sa'yo na iba't-ibang posisyon, na aaply mo na ba o nagawa niyo ba? May second heir na ba kaming hihintayin?" sunod-sunod na tanong ni madam at sunod-sunod din akong inuubo. Grabe walang talagang preno ang bibig ng mommy ni Ignacio.
"Mommy, what kind of question is that? Kayo lang nagkakaintindihan, samantalang ako wala man lang akong nakuha sa mga tinatanong mo kay Mrs. Gomeza." reklamo ni Ignacio. Tumawa sa kabilang linya ang nanay niya at naiiling na lang si Ignacio. "Weird"
"Ang hina mo talagang bata ka. Pasalamat ka mahal kita eh. Tawagan mo nga si Shemaia at sabihin mo na dito na muna siya sa bahay magstay bago siya ikasal sa Italiano niyang boyfriend, ok anak? Namimiss ko na ang baby ko na yon!" pangdadrama ni Mrs. Baltimoore.
"Okay mom, tatawagan ko po. Anyway cancel ang meeting ko, kaya baka mapaaga ang uwi namin sa Cebu." si Ignacio.
"Oh, alright. Enjoy muna kayo diyan. Gusto niyo I book ko kayo ng hotel o di kaya magandang villa na kayong dalawa lang para sa advance honeymoon niyo?"
"Mommy!"
"Mom!" sabay namin na sabi ni Ignacio.
"Mom napapansin ko na ganyan ka na this few weeks, anong nakain nyo? Weird na po yang mga kinikilos mo."
"Weird ka diyan, wala ka kasing alam bleeh. Sige bye na, baka hindi ka maka diskarte sa mahal mo." saad ni Mrs. Baltimoore.
Pareho kaming napapailing ni Ignacio. "Kumain ka pa huwag mo ng pansinin ang mga sinasabi ni mommy."
"Oh," alam kong pinagmasdan niya ako. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang kinakain. Dahil sa pinagsasabi ni mom ay talagang nagutom tuloy ako.
Hanggang hindi ko namalayan na marami pala akong nakain kaysa sa aming dalawa ni Ignacio. Binalingan ko ang plato niya at halos wala man lang itong nakikitang nilagyan niya ng ulam man lang.
"Kumain ka ba? Pasensya na hindi ko napansin dahil tutok na tutok ako sa kinakain ko, gutom pala talaga ako." saad ko habang malapad na nakangiti.
Nginitian niya ako at dinala ang table napkin sa bibig ko para punasan ang sauce sa gilid ng labi ko. Yumuko ako dahil hindi ko man lang napansin na may lumampas na pala na kung ano sa kinakain ko.
Bigla yata akong nahiya pero ang isang ito inangat pa lalo ang mukha ko para tingnan niya kung meron pa.
"Meron pa?" tanong ko.
"Wala na," sagot nito sa paos na boses. Tumikhim ako at iniwas ang mukha ko sa kanya. Binalik ko ang mga mata sa plato ko na nandoon ang shell ng crab at shrimp. Meron ding piniritong liempo at pritong isda at gulay na pinakbet. Akala ko hindi ko kayang umubos ng ganito karami. Pwede naman pala.
Pagkatapos naming kumain ay nasa sala muna kami dahil nagtatrabaho ulit. May tumatawag pa rin sa kanya kahit malapit na ang gabi. Wala kaming ibang ginawa kundi trabaho sa buong maghapon. Tinitingnan ko kung may email ba siya o may naka schedule na meeting.
"May board meeting this coming Wednesday boss sa M_I building, around 9 to 12 in the morning." Remind ko sa kanya habang nasa mood pa ang lalaking ito.
"Thanks, remind me again." sagot niya at tumango lang ako.
Hanggang sumapit ang gabi ay ganado parin akong kumain. Wala na akong pakialam kung pinagtinginan ulit ako ni Ignacio at kung ano na kaya ang pinagsasabi ng utak niya tungkol sa akin.
Matakaw na matakaw pala ako sa pagkain. Feeling ko nga tataba na ako nito kung laging may pagkain akong kinakain tapos ang sasarap pa. Bahala sila, eh sarap kumain, mahilig pa naman ang iba na feeling rich kid mag-aksaya ng pagkain kaya ako hangga't may pagkain ay kain ng kain.
Mabuti na lang at pinayagan niya ako na dito sa guest room matutulog ngayong gabi. Akala ko ba sa kwarto na naman niya. Baka mamaya ay hindi na talaga ako nito makahinga kapag lagi kaming magkatabi.
Isa pa, tatawagan ko rin ang baby Saul ko. Gusto kong kumalma kapag marinig ko ang boses niya dahil kapag nasa harapan ko na ang papa niya ay lakas ng kalabog ng puso ko.
"Mama! Mama!" tawag ng baby sa akin. Kinawayan ko siya sa screen at ganun din ang ginawa niya. Bagong ligo yata ang baby ko dahil nagbibihis na ito ng pambahay na damit. "Mama, kailan ka po uuwi? Namimiss ko na po kayo mama," dahil sa sinabi ng anak ko ay magsisimula na namang tumulo ang mga luha ko.
"Namimiss din kita ng sobra baby ko. Huwag kang mag-alala baka bukas ng gabi ay nandiyan na si mama. Marami akong binili para sa'yo na toys and food na gusto mong kainin, baby. Happy kaba doon?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay na siya ng kanyang buhok. Responsible na talaga siya sa halos lahat ng bagay. Ang pag-iipon din ng pera ay alam niya.
"Opo mama, pero mas masaya po ako kapag nandito kana po at safe ka pong nakarating. I love you mama."
"Aww… I love you too anak. Sobrang namimiss kana rin ni mama. Kaya hintayin mo ako sa bahay ha. Uuwi si mama bukas, okay?"
"Okay po mama. I will pray for your safety po and the guy na kasama nyo po. I love you mama!" alam ko na iiyak na ang anak ko pero dahil alam niya na mas malulungkot ako, kaya pinigilan niya ang sarili niya na umiyak.
"Natapos mo na ba ang assignment mo?" Tanong ko sa kanya.
"Opo mama, may star po ako ulit," pinakita niya sa akin sa screen ang notebook na sa tingin ko ay assignment niya at ang star na nilagay ng teacher niya. Nasa tabi na si Kimmy at inaasikaso ang higaan ng kanyang pamangkin at kumaway sa akin.
Nagpasalamat ako gamit ang sign language sa kapatid ko dahil sa pag-aalaga nila sa anak ko. Kalaunan nagpaalam na rin ako sa kanila para makatulog na ang anak ko ng maaga dahil may pasok pa bukas lalo ngayon na kakahiga lang ay nakapikit na ang mga mata. Suminyas si Kimmy na tulog na raw kaya nagbabye at pinatay na ang tawag.
"Mag-ama nga sila," bulong ko.
"Are you done?"
"Ay palaka– I. ignacio! I mean boss? Kanina kapa diyan?" tanong ko. Bigla yatang nagsisi akyatan ang dugo ko sa papunta sa puso at lumayas ang kaluluwa ko dahil sa pagsulpot ni Ignacio sa likuran ko. Narinig niya kaya ang pakikipag-usap ko sa anak namin? Patay. Nakalimutan ko bang isarado ang pinto?
"Medyo.. nakalimutan mong isarado ang kwarto mo at tinawag kita pero hindi mo yata ako naririnig kaya pumasok na ako." sagot niya sa malamig na boses. Nakatutok lang ito sa akin at ganun din ang ginawa ko. Naka sando ito na kulay black at kitang-kita ko ang muscles niya. Mabuti naman at nakapajama ang isang to na kulay black din.
Nakatuon ang mga mata niya sa binti ko na hindi ko man lang naisipang tabunan ng kumot. Nakadapa kasi ako habang kinakausap ko ang anak ko sa tablet na dala ko habang nakayakap sa unan at hindi pa naman ako nagpapa aircon kaya hindi pa ako naka kumot.
Umupo ako at isinandal ang likod sa headboard at itinago ang kalahating katawan ko ng kumot dahil naka short lang ako at mahabang t-shirt. Nilingon ko siya at saka palang niya binalik ang mga mata sa akin.
"Uhm, ma. may kailangan ka?"
"Yeah," sabi niya.
"Ano yun? May nakalimutan ba akong sabihin kanina o schedule na hindi ko nasabi sayo?" tanong ko.
"Can I sleep here?"nagulat ako sa sinabi niya. Ano raw?
"Why?
"Gusto ko lang… can I?" tanong ulit niya, kaya pala may yakap siya na unan kanina pa. Nilibot ko ang paningin ko sa kama at sa pintuan. Lalo sa kama dito sa guestroom nila.
"Bakit nga? Malaki naman siguro ang kama mo? May dumi ba o alikabok? Papalitan ko." tatanggalin ko na sana ang kumot para makababa sa kama pero pinigilan niya ako at agad siyang humiga sa kama.
"Kung may magagalit sabihin mo na nakitulog lang ako at wala tayong ginagawang masama o labag sa batas, okay Mrs. Gomeza? I'm sleepy kaya goodnight." napanganga na lang ako habang nakatitig sa kanya na nakahiga na sa kama at kahit siguro itulak ko ito ay hindi ko kaya. Ako kaya ang lilipat?
"Wag kang magtangkang lumipat, baka may tumabi sa'yo na ipis. Takot ka pa naman doon," akala ko ba tulog na siya, bakit nagsasalita pa?
Dahil sa sinabi niyang ipis ay agad akong sumampa sa kama.
"Sure ka na may ipis ka dito? Ganito na kalinis ang paligid may ipis pa na nakatago dito?" bulong ko sa kanya. Habang niyugyug ko ang balikat niya.
"Oh, mga alaga ko sila kaya wag mo silang sasaktan at papatayin, mas lalo silang dadami." sabi niya ulit at agad napatili ako kahit wala naman akong nakikita. Tumayo ako sa kama at pinagpag ang kumot ko dahil baka nandoon. Naiimagine ko pa lang na nasa harapan ko na ang maraming ipis ay hindi ko na kaya, isa nga para na akong nahihilo. Paano pa kaya kung marami.
"Omg, Ignacio, tulungan mo ako. Baka nga nandito lang sa kama ko… wahh!" hindi ko mapigilan na hindi tumili dahil kinakabahan ako. Hindi naman ako ganito dati. Pero hanggang lumaki ako ay takot na takot ako sa mga ipis kapag nakakita.
"Kalma Mica, walang ipis." aniya. Nakatihaya na siya at nilagay niya sa uluhan at ginawang unan ang mga braso niya habang nakatitig sa akin.
"Sabi mo meron, Ignacio help." patuloy pa rin ako sa paghahanap.
"Wala nga, sige na matulog na tayo."
"Ayoko na dito matulog!" ani ko.
"Alright, malapad ang kama ko, doon na lang tayo matulog!" alok niya.
"Okay… " sabi ko at walang pasabi na tumakbo palabas ng guestroom na wala man lang bitbit ni isa at umakyat sa pangalawang palapag. Nakabukas ang pinto at alam ko na sa kanya siguro iyon. Sure ako.
Agad akong pumasok at nilock ang pinto.
"Mica! How about me?" ayyy may isa pa palang naiwan. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad pinapasok.
"Sorry," hingi ko ng tawad at ang isang ito panay lang ng tawa. Nakakainis na. Seryoso ako sa problema ko tapos siya tumatawa lang.
"Really Mica! Ganun ka na takot sa ipis? Akala ko ba takot ka lang sa ahas bakit pati ipis." tanong niya at hindi ko siya pinansin. Inirapan ko na lang. Kaya yan naman siya sa walang humpay na tawa niya. Hinampas ko tuloy sa balikat niya.
Minsan tumatawa itong lalaking ito, minsan naman malamig pa sa yelo kung makapag-usap sa akin.
Mabuti na lang at nakatulog naman agad ako ng mahimbing kahit na kasama ko pa si Ignacio. Kaya nga lang paggising ko nakadagan ang isang binti niya sa paahan ko at kinukulong habang ako naman ay nakayakap sa kanya. The heck. Agad akong humiwalay sa kanya habang tulog pa siya ng mahimbing.
Bumalik kami sa Cebu na wala man lang achievement ang business meeting daw sana namin. Pero kay Ignacio ay ayos lang daw sa kanya. May magandang alaala naman daw siyang baon? Itatanong ko pa sana kung ano yon pero parang chismosa ko na yata kapag marami pa akong katanungan.
Walang humpay ang saya ko na makita ang anak ko, mas excited pa nga siyang makita ako kaysa sa mga regalo na pasalubong ko sa kanya. May pasalubong din si Ignacio sa kanya na malaking toys at mga libro. Kaya iyon tuwang-tuwa ang anak ko. Akala niya siguro na ako rin ang bumili n'on. Nakokonsensya ako pero hangga't maaari ayoko munang malaman niya. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.
Busy sa opisina lalo at may mall na naman sila na balak na ipatayo. Kaya maya-maya ang meeting o paper works ko then remind sa kanya kung anong oras siya pupunta sa meeting place na napag-usapan. Minsan kasama ako, minsan nasa opisina lang at nagpafile ng documents.
Araw ng Wednesday at ngayon ang araw ng kanilang board meeting. Nasa conference rooms na ang ibang members na dadalo at may hinihintay pa. Nasa loob narin si Ignacio at nandoon din ang mga magulang ni Ignacio na sobrang malapad ang ngiti. Pero nung binulong niya sa akin kung may nangyari ba sa amin ni Ignacio at umiling ako ay kamuntikan akong makurot sa singit.
"Ang hina naman pala ng anak ko, jusmiyo,"
"May iba na po kasi siya,"
"Hephep, hindi ako papayag, unless kung may anak din siya sa iba ay diyan pa lang kailangan niyong mag-usap at makialam kami ng asawa ko pero hangga't wala pa then next time, okay?" ani ng ginang sabay kindat at umalis na sa harapan ko. Nakatayo ako malapit sa pintuan para to welcome sa mga bisita at kung ano pa ang kailangan.
Nasa unahan si Ignacio at doon din nakaupo ang mga magulang niya. May isa pang kulang sa board members at ito si Ms. Vanessa Solano. Wala siyang profile picture sa email niya o social media account kaya wala akong idea kung sino siya.
Tunog ng mabibigat na takong ang naririnig namin na papasok na sa loob at ng buksan na ang pintuan sa conference room ay laking gulat ko sa familiar na tao.
Wearing her black dress na hapit sa kanyang katawan at high heels na mataas ang takong at nandito ngayon sa loob.
Nahagip niya ang paningin ko at agad siyang lumapit. Tatakbo na sana ako pero wala akong magawa at parang hindi ako makagalaw sa sobrang gulat.
Ngumiti siya sa akin habang nakadungaw.
"Hello Michaella Gomeza… "
"Eula?"