Chapter 20
Dahil gabi na at ma traffic daw kapag dumiretso kami sa Batangas kaya naisipan na lang ni Ignacio na bukas na lang bumiyahe dahil na move naman sa hapon ang schedule ng meeting.
"Matulog ka muna Mrs. Gomeza. Gigisingin na lang kita mamaya pagbalik ko." wika ni Ignacio na ngayon papunta na ng banyo para yata maligo. Misis ka diyan. Simula talaga kahapon na nakausap ko ang anak ko, no.. anak namin ay kasing lamig at tigas na talaga siya ng yelo, ganyan na ang tawag niya sa akin. Pinaglihi yata ito sa freezer.
Akala niya siguro kasal na ako? Dahil ba doon sa pagkikita nila ni Tuko o dahil sa lagi kong kausap ang anak ko?
Ang mas malala pa, nasa iisang kwarto lang kami ngayon matutulog, fully booked na lahat na hotel na napuntahan namin dito sa Makati, kahit saan kami pupunta ay ganun ang rason ng mga receptionist na isang kwarto na lang available dahil marami ang nagchecheck-in ngayong gabi, at dahil ma traffic sa labas at kailangan na rin na makapag book na kami at baka raw ma puno pa lahat ng room ay baka sa kotse kami nito matutulog. Mas ayaw ko naman siguro iyon.
Pero kung tutuusin ay marami naman talagang pwedeng matutulugan. Pwede naman sa maliit na apartment. Pero naaalala ko na may allergy pala ito sa alikabok, baka mamaya ang marentahan namin ay hindi masyadong nalilinisan baka mangangati pa ito, ako pa ang sisihin.
The same sila ni Saul kaya kahit na ayoko naman siyang paglalaruin sa labas ay hindi ko naman mapigilan dahil masaya siya, kaya kapag natapos agad sa paglalaro, pinapabihis ko na agad ng bagong damit. Mag tatay nga ang dalawa.
Gustuhin ko mang magreklamo na dapat mag hiwalay kami ng kwarto ay wala talaga akong magagawa. Hindi naman ako ang nagbabayad kundi siya o company ba.
Nakatitig lang ako sa banyo na pinasukan niya. Iniisip ko muna kong may naiwan ako doon na gamit o damit pero wala naman yata, baka may mga nalalagas na buhok sa shower? Pero na double check ko naman yun kanina, sana wala lang.
Dahil yata napagod ako sa biyahe kaya nakaramdam ako ng antok. Hindi pa naman ako gutom dahil marami naman siyang pinakain sa akin sa airport.
Binalingan ko ang kama na tutulugan namin. Hindi ko yata kayang matulog na kasama siya. Baka mamaya niyan imbis na matulog ay makalimutan ko pang huminga dahil katabi ko sya.
Nilipat ko ang mga mata sa couch na nasa kwarto, kulay itim ito at sa tingin ko ay kasya naman ako. Lumapit ako at doon na humiga, at ang maliit na unan doon ay yon na lang ang ginamit ko na unan at hindi na ako nag-abala na kumuha ng kumot dahil hindi pa naman masyadong malamig.
Dahil talagang napagod ako sa biyahe namin lalo kanina na nasa eroplano palang kami na wala yata akong nagawa na maayos kundi ang nararamdaman ng tenga ko na parang nagsisipasukan ang mga hangin sa loob. Yung iba kalmado lang sa loob ng eroplano pero ako buong sistema ko yata ang nagwawala.
Naalimpungatan ako, dinilat ko ang mga mata ko at naabutan ang sarili ko na nasa kama? Kanina lang, nasa couch ako. Wala akong katabi ngayon. Inangat ko ang paningin ko at sinilip ang couch pero walang tao. So, binuhat niya ako para dalhin sa kama na hindi ko man lang naramdaman. Hindi ba siya natulog at agad umalis muna kanina dahil may kikitain siya na kaibigan, natuloy siguro. Saan na kaya siya?
Inangat ko ang sarili ko at umupo sa headboard ng kama.
Biglang bumukas ang pinto at mukha ni Ignacio ang sumalubong sa akin. Umayos ako ng upo sa kama at inayos ang mga buhok ko na kung saan-saan na pumupunta.
"Hey, are you hungry? Dinala ko na lang ang pagkain natin dito. Para hindi na tayo bumaba." Lumapit siya sa akin pagkatapos ilapag sa maliit na table ang dala niya na supot, ng nasa harapan ko na siya ay walang pasabi na dinala niya ang mga daliri niya sa buhok ko para tulungan akong isuklay ang mga ito.
Ganitong-ganito siya dati at hanggang ngayon ginagawa niya pa rin. Tumikhim ako dahil nakalimutan ko yatang gumalaw simula na dumating siya.
"Sana ginising mo na lang ako para sabay na tayong kumain sa labas, nag-abala ka pa tuloy na dalhin dito, hindi kita tuloy natulungan." ani ko. Nakatitig lang siya sa akin.
Imbis na sagutin ako ay inangat niya ang mga kamay ko para tulungan akong bumaba na sa kama. Sa bagay naaamoy ko pa lang ang ulam kahit hindi pa ito binubuksan sa supot ay mas lalong naramdaman ko na nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.
Umupo na agad kami sa couch at tinulungan ko na siyang ilabas ang lahat na nabili niya. Inabot niya sa akin ang kutsara at tinidor. Nagsimula kaming kumain na tahimik, hanggang napag-usapan na namin kung anong oras kami aalis bukas at kung ano ang mga gagawin lalo na tungkol sa aking maging trabaho. Lagi daw akong nakabuntot sa kanya para maisulat ko ang mga dapat na isulat.
Tango at yes sir lang ang naisagot ko sa kanya. Ganito naman palagi basta nasa usapang trabaho na kami, pero kung wala ng trabaho ay hindi ko alam kung magyeyes sir pa ba ako sa kanya.
Pagkatapos ng mga habilin niya sa akin ay ang natapos din kaming kumain. Ako na ang nagpresinta na linisin ang mga kalat namin. Alam kong nakasunod palagi ang mga mata niya sa akin. Hinayaan ko na dahil baka abutin pa ako nito na ilang oras kung papansinin ko pa ang mga panitig niya. Nasa couch siya at naka de kwatro ang mga paa.
Pagkatapos kung magligpit at nakapag toothbrush narin ay hindi ko na alam ang gagawin. Nanood na ngayon si Ignacio ng movie. Dahil bagong kain at sipilyo ay naisipan ko na ring manood muna ng tv, tulog na ang anak ko, namin pala ni Ignacio, kaya hindi ko na siya pwedeng tawagan kahit mga kapatid at mga magulang ko para sana may kausap ako ngayon bago matulog ulit.
Hindi ko na rin pwedeng tawagan ang mga kaibigan ko dahil gabi na nga. Itinutok ko na lang ang mga mata ko sa panonood ng tv.
Dahil documentary and pinanood ng kasama ko ngayon kaya na enjoy ko na rin ang panonood. Tutok na tutok ang mga mata ko, nakalimutan ko na lang na may kasama pala ako.
Hindi na kami nag-uusap pagkatapos naming kumain. Hindi na ako nakatiis kaya bumaling ako sa kanya. Pero nagulat na lamang ako na biglang bumagsak ang katawan niya at diretso sa mga hita ko ang bagsak ng ulo niya. Muntik na akong mabuwal dahil sa pagkabigla. Naka short lang ako ngayon na pang-ibaba hanggang tuhod pero hindi naman malaswang tingnan lalo at malaking t-shirt naman ang suot ko.
"Hey! Gising na at umayos ka na ng higa sa kama kaysa dito ka pa matulog sa sofa, for sure hindi ka kasya dito, sa tangkad mong 'yan," ani ko pero ang lalaking ito hindi man lang nagising kahit anong tapik ko sa balikat niya. Nanonood ba siya kanina o natutulog habang nakaupo?
"Ignacio, sir, hoy, Baltimoore Ignacio… gising na! Ano ba yan. Hindi ka pa rin nagbabago ha, nakakatulog ka parin kahit saan."
Yumuko ako para makita siya ng lubusan. Mas lalong gumagwapo yata ang loko na ito lalo at may konting balbas na paikot sa kanyang panga. Kung ako asawa nito ay hahaitin ko talaga ang mga ito dahil nakakakiliti kaya.
Sarado ang mga mata n'ya, so ibig sabihin na tulog talaga ito? Ang bilis naman, akala ko nagbago kana pero ito, hindi pa pala. Kung malapit lang ang bag sa tabi ko ay baka na iguhit na kita tulad ng ginagawa ko dati.
"Masaya ka ba ngayon sa bago mo? Masaya ka ba sa nangyayari sa buhay mo? Masaya ka ba ngayon sa tunay mong mahal? Masaya ka kaya o gaano ka kasaya sa ginawa niyo sa akin 6 years ago? Ano yung pakiramdam na ako ang nag-agaw buhay sa mga panahon na iyon? Mas hindi ko yata masisisi ang sarili ko kapag nalaman kong nakunan ako, mas lalo akong magagalit sa'yo o di kaya mas kamunghian pa kita sa buong buhay ko. Sa isang iglap lang binago mo ang buhay ko sa ganung paraan pa. Dahil lang sa maling nakita mo mas grabe naman ka triple ang balik mo sa akin. Sobrang sakit lang. Sobrang sakit, sakit lang. Alam mo ba yun ha?"
Hindi ko namamalayan na pinagsasampal ko na pala ang lalaking ito. Kung hindi lang niya hinawakan ang pulsuhan ko ay hindi ko namalayan na gising na ito. Bigla siyang umupo sa couch habang hawak pa rin ang dalawang pulsuhan ko.
"What's wrong? Gigisingin mo lang ako bakit may kasama pang pananampal?" tanong niya sa malamig na boses, pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin at agad-agad siyang pinagsasampal ulit. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako, bigla yata akong na trigger at bumalik na naman ang sakit. Hindi na ako uminom ng gamot sa pampakalma dahil akala ko hindi na babalik ang sakit ko at matapang na ako pero sa ngayon hinding-hindi ko yata kayang walang gamot na iniinom.
"I hate you. I hate you!" Sigaw ko sa harapan niya. Nakakunot naman ang noo niya dahil sa nakikitang pagwawala ko, I hate you literal.
"Shhh.. shhh… sorry… sorry. You hate me. You hate me that much ha. Yeah? Continue hating me as long as you can. Then continue hitting me as long as you are satisfied."
"Why? Bakit mo ginawa yun! Bakit ha, bakit? " ani ko habang nag patigil yata sa kanya sa paghawak sa akin. Wala ring tigil ang mga pagluha ko sa mga mata ko.
"What? What are you talking about? Anong ginawa ko sa'yo? Di ba ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa? Why are you blaming me, Gomeza?" hindi na siya nakahawak sa akin ngayon at nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamewang.
Tumayo rin ako at pumantay sa kanya kahit may katangkaran ang walang hiyang lalaking ito. Hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya. "I hate you. I. hate. you, naririnig mo ba? I hate you!" sigaw ko sa kanya habang pinagsusuntok ko siya sa kanyang dibdib. "I hate you, I hate you Ignacio. I hate you!"
"Mica.. Mica… hey wake up…Michaella Gomeza! " Bigla akong nagising dahil sa may tumatawag sa pangalan ko.
"Hey, are you okay? Nanaginip ka kaya kita ginising. Are you alright? " tanong nito habang pinagmamasdan ako.
Panaginip, panaginip lang pala yon lahat? Sa kakatitig sa kanya ay nakatulog ako at nanagip lang ng ganun? Bumangon ako sa pagkahiga at umupo sa kama. "Dito ka natulog, s. sa ka.. ma?" hindi ko maitanong dahil baka ano na lang isipin niya.
"Yes, nakatulog tayo pareho sa couch kaya noong paggising ko ng madaling araw ay binuhat kita ulit sa kama para comfortable tayong makatulog. You need water? Kukuha ako." pero bago pa ako magprotesta na ako na lang ay umalis na siya sa kama.
Napapikit na lang ako ng mata na maalala ang panaginip ko, hindi man detalyado lahat pero nararamdaman ko ang galit sa kanya.
"Here," sabay abot niya sa akin ng tubig na nasa bottle. Tinabihan niya ako.
"Salamat."
"Ayos ka lang? Do you need anything? " umiling lang ako. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata."Alright, marami pa tayong oras para matulog ulit. Matulog muna tayo, okay?" tumango lang ako.
Pinagmasdan n'ya lang ako at maya-maya umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa couch at doon s'ya nahiga. Gustuhin ko man siyang sabihin na sa kama na siya matulog ay wala namang lumalabas sa bibig ko hanggang nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa kanya.
Nagising kami pareho sa alarm clock at alas otso palang ay babyahe na kami. Alam kong nakamasid lang siya sa akin at hindi masyadong nagsalita dahil sa biglaang pananahimik ko.
Hindi naman daw masyadong ma traffic kung meron man ay hindi naman sobrang tagal sa kahihintay na umusad ang sasakyan ayon sa Waze daw ang tawag ng app. Wala pang lunch ay nasa Batangas na raw kami. May resort kaming pupuntahan at doon daw ang kanyang meeting.
"Let's go," dala niya pa rin ang maleta ko at hindi niya iyon binigay sa akin para ako na ang magbitbit. Baka may makakilala sa kanya at baka sabihin na pinagdala ko lang ang boss nila ng kulay pink na maleta. Gagong Tuko na yon, sa daming kulay na pwedeng piliin iyan pa talagang light color na hindi bagay sa mga kulay na sinusuot ko. Ok lang sana kung black, gray, o white kung meron. Pero dahil wala na akong pambili at hindi naman talaga ako pumupunta sa malalayo kaya hindi na rin ako nag-abalang bumili ng maleta para sa akin.
Ayon sa map na nakalagay sa cp niya dahil nakikita ko naman ay ilang minuto na lang ay liliko na ang sasakyan niya kung saan ang ruta papuntang Batangas.
Biglang may tumawag sa cellphone niya kaya pinarada niya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada para sagutin ito.
"Si Dinnes," bumaling ako sa kanya. Nilagay niya sa loudspeaker ang tawag, hinayaan ko lang dahil busy rin ako sa kakatext sa mga kaibigan ko at kay mama, "Hello pre. Napatawag ka!"
"Pre, nasa Batangas na ba kayo?" tanong sa kabilang linya.
"Wala pa naman, malayo pa. Why?"
"Cancel muna ang meeting pinapasabi ni Samson kasi manganganak na ang asawa niya kaya ayon nasa ospital at ang gago kamuntikan na niyang makalimutan ang meeting niyo kaya binilin na lang muna sa akin." ayon sa pangalang Dinnes.
"Ganun ba? Ayos lang. Mabuti at wala pa kami doon, pero malapit na kami sa Tagaytay dadaan siguro kami doon."
"Mabuti at naisipan mo ring bisitahin yun. Alam na ba niya at doon na ang honeymoon niyo?" tanong ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung para saan ang pinag-uusapan nila. Ayon sa aking peripheral vision na kinuha ni Ignacio ang kanyang cellphone at pinatay ang loudspeaker.
Bahala ka diyan, paki ko sa pinag-uusapan niyong dalawa.
"Gago, hindi pa, baka masabi ko sa kanya pag nakarating na kami doon. Sa ngayon hindi pa, wala sa mood eh. Huwag mo akong itulad sa'yo. Ok, wala pang tinawag si Shemaia sa akin. Ok sige pre. Mabuti pa kayo, nauna niyo pang nalaman pero ako hindi man lang niya binanggit sa akin." hindi ko alam kung bakit napabilis ang pag scroll down ko sa social account ko. May narinig lang ako na pangalan parang gusto ko na lang bumaba at maglakad ng mag-isa.
"Sige, ikumusta mo ako kina Samson. Pupunta ako kamo this week. Sige. Thank you." paalam nito at pinatay na ang tawag. Matalim pa rin ang titig ko sa cellphone.
"Pupunta tayo sa Tagaytay then–" nagulat yata siya sa reaction ko dahil matalim ko siyang nilingon. "Uhm, doon na tayo kakain. Cancel yung meeting natin sa Batangas. Ok lang ba sayo?" sabi nito sa mahinahon na boses.
"Oh," sagot ko at inirapan siya. Ang sarap sampalin tong mukha ko dahil sa kinikilos ko ngayong araw.
"What's wrong? Kagabi ka pang tahimik and then ngayon parang gusto mo akong balatan gamit yang mata mo. Meron ba sayo ngayon?" natatawa niyang sabi. Mas lalo akong nanggigigil. Naloka na siguro ako.
"Wala, gutom ako kaya tumahimik ka," wika ko kahit hindi naman ako gutom.
"Kanina ka pa palang nagugutom kahit kakatapos palang nating kumain. Sana sinabi mo agad at mabilhan kita ng maraming pagkain na makikita natin na restaurant." aniya at mas lalong ngumuso ako dahil hindi naman talaga ako gutom.
"Ang cute mo talaga basta nakasimangot ka," pang-aasar pa niya. Hinampas ko siya sa balikat niya dahil naiinis na ako sa kakatawa niya. "Lahat ba ng pagkain ay gusto mong kainin ngayon?"
"Oo lahat, kaya tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang uunahin kong kainin!" singhal ko. Ewan kung bakit naiinis talaga ako ngayon. Shemaia pala ha.
"Michaella Gomeza, willing akong magpakain." ngisi niya. Dahil sa sinabi ng lalaking ito ay natanto ko kung ano ang pinagsasabi ko.
Lumingon ako sa kanya at hinampas ang braso niya. "Bastos, pagkain ang gusto ko Ignacio hindi yang katawan mo!" inis ko na sabi sabay tingin sa ibaba niya. Shit lang Michaella ang utak mo.
"Really? Pero iba ang sinasabi ng mga kinikilos mo ouch—," sabay bawi niya sa braso niya dahil kinagat ko bigla.
May sasabihin pa sana siya na nakarinig kami ng malakas na bosena ng sasakyan. Pagtingin namin sa likuran ay may malaking truck na papasok sa… what the hell.
"Nagpark ka hindi mo man lang tiningnan na naka harang kana sa malaking gate," saway ko sa lalaking ito dahil nasa isang construction yata na kaparada ang sasakyan namin.
Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan at habang nasa biyahe papuntang hindi ko alam ay panay naman niyang lingon sa akin habang nagdadrive.
"Sa kalsada ang tingin boss at baka mabangga o makabangga pa tayo. Wala sa akin ang direction, sinasabi ko sa'yo." sabi ko na alam ko nakangisi lang ang lalaking ito. Napapailing na lang ako sa hindi ko ma lamang na dahilan.
"I miss you," narinig ko na sabi niya kahit mahina naman ito. Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nakatingin lang sa kalsada ang mga mata ko. "Pero may mahal kana. May pamilya na rin, samantalang…" buntong hininga niya na lang ang maririnig ko, bigla yatang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa huling sinabi niya.
Gayunpaman hindi pa rin ako lumingon o sumagot sa sinasabi n'ya. Hanggang nakarating kaming dalawa sa malawak na subdivision dito sa Tagaytay.
"Nandito ang bahay ng mga magulang mo?" tanong ko na nakapasok na kami sa loob ng subdivision.
"Iba ang bahay nila Mica,"
"Oh! So bahay mo?" bakit naging interesado ka Michaella? Saway ng utak ko.
"Sa ating dal– I mean y. yeah. Bahay ko." Tumango ako dahil sa sinabi niya. Halos lahat ng bahay dito ay malalaki at nasa dalawang palapag, wala man lang 3rd floor o hanggang 24 floor? Bakit kaya. May nakita rin akong malawak na pang golf ayon sa nabasa ko. Meron ding court at park garden na pangalan.
Mapapa Wow ka na lang talaga. May sinasabi si Ignacio pero nakatuon lang yata ang mga mata ko sa paligid.
For sure mayayaman lang ang maka afford dito. Hindi na ako magugulat kung pati itong si Baltimoore ay may bahay dito dahil sa hindi naman talaga kataka-taka na negosyante ang mga magulang niya. Dahil ba na may lahi silang Chinese? No.. no hindi naman siguro nababasi ang narating mo sa buhay kung anong lahi ka pa.
Pinark niya ang sasakyan sa hindi kalayuan lang ng gate. Ang labas ay kulay cream at nasa dalawang palapag din.
"Let's go Mica. Gutom na rin ako at baka ikaw pa ang makain ko." sabi niya na malapad ang ngisi habang tinutulungan niya akong tanggalin ang seatbelt.