Chapter 19
Matalim ang tingin ni Ignacio sa akin simula noong dumating ang mommy niya. Mas lalo yatang nagalit na kasama ako sa hapag-kainan habang narito ang mga magulang niya.
Nasa restaurant kami na malapit lang sa building nila, dito nila naisipang maglunch. Ayoko sanang sumama pero ayaw talaga akong tigilan ni Mrs. Pamela Baltimoore.
"Ito pa iha, masarap itong beef steak, favorite ito ng anak ko, nakatikim na ba siya nito?" tumango ako sa huling tanong ng ginang dahil kahit hindi naman niya banggitin ang pangalan ay alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Opo, nung time na hindi ko nakain kaya dinalahan ko po siya at yon po sarap na sarap naman po." nahihiya kong sabi sa kanya.
"Oh really? Sabi ko na nga mag sperm cell nga sila. Right, darling?" sabay kindat niya sa kanyang asawa, walang idea ang ama ni Ignacio pero sumasakay lang siya sa trip ng kanyang asawa.
"Yes hon." aniya sa malalim na boses. Tumikhim si Ignacio na katabi ngayon ng daddy niya.
"Anong pinag-uusapan niyong tatlo na parang kayo lang nagkakaintindihan?"
"Wala naman," sagot ng kanyang ina.
"Wala.. baka ano yang pinagsusumbong mo sa kanya mommy?" reklamo niya.
"Ikaw na bata ka, ang alam ko ang babae lang ang may regla pero ikaw parang may dalaw ka palagi, lagi kang nakasimangot, laging mainitin ang yung dalawang ulo, sa taas at baba, tapos naman ngayon, hay naku inaaway mo ako. Pakitanong nga itong anak mo Dante baka tigang lang ito! " wika ng kanyang ina na halos namula na si Ignacio dahil sa sinasabi ng mama niya.
"Honey, nasa kainan tayo. Stop arguing, the two of you." awat ni Mr. Baltimoore sa kanyang mag-iina.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng maihain na ang lahat sa lamesa. Iba't-ibang klase ng ulam ang nakahain. Alam ko na mga mahal ito dahil nabasa ko kanina ang mga prices ng menu nila kaya parang gusto ko na lang umuwi at kumain na lang ng kamatis na may toyo. Malulunok ko pa kaya ang pagkain ng mga ganyan? Lalo na ngayon na nandito na sa lamesa.
"Kailan ba ang flight niyo para sa isang business trip?" Tanong ng ama ni Ignacio. Nag-angat ako ng tingin dahil bilang secretary ay ako dapat ang sumasagot sa katanungan lalo kasama naman ako.
Pero bago ko pa ibuka ang bibig ko ay naunahan na ako ni Ignacio. "Bukas ng gabi dad,"
"Sa bahay na ba agad kayo de diretso muna o diretso na sa Batangas at doon na lang mag book ng suite?" tanong ng ginang.
"Depende sa flight mom, kung hindi delay ay baka diretso kami ng Batangas pero kung may abirya o traffic baka magbobook na lang muna kami at madaling araw na rin magbibiyahe ulit papunta roon." sagot ni Ignacio.
Ipinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko dahil usapang pang pamilya ang naririnig ko at hindi ako kabilang. Nginunguya ko ang steak dahil baka sabihin na hindi ko man lang pinapansin ang binigay nila sa akin kahit gusto ko itong itago o bibili na lang ako ulit para sa anak ko mamaya para pasalubong.
Binalingan ako ng ginang at lumapit na naman sa'kin, may ibubulong siya sa akin kaya nailapit ko ang tenga ko.
"Pagbalik niyo dapat may next apo na ako ha–ay tubig. Sorry Mica! Nabigla kaba?"
Ang sarap sabihin na biglang-bigla talaga. Hindi ko na lang na ituloy lalo at panay ubo ko dahil sa sinabi ng mama ni Ignacio.
"Are you okay?" nag-alalang tanong ni Ignacio na ngayon nasa tabi ko na pala at nakaluhod. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at tinanggap ko naman iyon pagkatapos kung kumalma.
"Thank you," ani ko. Bumalik siya sa kanyang upuan at umayos naman ako ng upo. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa nangyari bago lang.
"Okay ka lang ba iha?" nginitian ko ang ginang dahil totoong okay na ako. "Itong batang ito, kung hindi inuubo si Ms Gomeza ay hindi mo pa hihiwain yang steak na yan. Kurutin kita sa singit ay.." umaaksyon pang nanggigigil ang ginang.
"May sinabi ka siguro kaya siya inuubo kanina mommy?"
"Ay oo nga pala, half nun ay kasalanan ko, pasensya kana a baby baby abujingjing Ignacio ko." paglalambing ng mommy ni Ignacio, hindi ko alam na may pagka kalog pala ang ginang.
Pero kung makautos siya kanina na may nakita siyang kalat habang palabas sa building ay pinagsabihan niya ang staff sa kung ano ang tamang gawin at nakita ko doon ang pagiging ma awtoridad niya o silang dalawang mag-asawa.
Hindi pa nakuntento ang ginang at tinapik pa ang balikat ng kanyang anak para makipag marites, wala na sa kanyang atensyon ang pagkain kundi ang hulihin ang anak niya, "May tanong ako ulit, magkakilala na ba kayong dalawa ni Mrs. Gomeza, anak? Dati noong nag-aaral pa kayo ng.. let's say grade school, highschool or college?"
"Highschool mommy, "
"Oh really? And then naging close ba kayo? You know? Another level sa pagiging kaklase lang? May something ba sa inyo? Siya ba yung babae na sinasabi mo sa amin dati?" parang pinagsisihan ko na tuloy kung bakit pa ako sumama sa kanila at pumayag na dito kumain. Parang gusto ko na lang talagang magtago sa ilalim ng lamesa o di kaya lamunin ng lupa ngayon mismo.
"Mom! Nasa hapag kainan po tayo." ani ni Ignacio sa kanyang ina pero wala yatang pakialam ang ginang dahil malapad lang itong ngumiti sa kanyang anak.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko habang kumakain tayo, busy ka na niyan mamaya. Tapos busy din kami. Okay? Dali, sagutin mo na yung tanong ko sa'yo." pamimilit nito sa anak.
Nawalan yata ng gana si Ignacio dahil tumigil na ito sa kinakain at tinabi ang mga kutsara at tinidor. Humarap siya sa kanyang ina.
Kahit ako napatigil na rin, habang ang mag-asawa ay nag-aabang pa rin sa sasabihin ng anak. Kumakain pa rin ngayon, may mapang-asar na ngiti ang ginang.
"Kaibigan la––,"
"More than friends mom,"
Sasagot na sana ako, pero tinapos na ni Ignacio ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tatango o iiling lalo at nasa akin naman nakaabang ang mga magulang niya.
Alam na nila ang sitwasyon ko pero nagtatanong pa ulit, parang nasa hot seat ako nito isinalang, same kami ni Ignacio.
"Ah kaya pala, mabuti na lang at hindi mo sinayang ang sperm cell mo." walang preno na sabi ng mommy ni Ignacio.
"Mom," natilapon ang iniinom na tubig ni Ignacio. Napapailing na lang ito sa kanyang ina. "Mom! Seriously? Dami mo pong ganap ngayong araw. Kumain na lang po kayo ng marami, kaysa marami kayong katanungan sa love life ko." Imbis na malungkot ang ina ay hindi ito natinag sa kanyang anak.
"Alam mo, ang daddy mo hindi naman ganyan kasungit noong kaedaran mo pero ikaw, ang sungit-sungit mo. Kaya tuloy may alam ako na hindi mo alam, bleeh. Hindi ko sasabihin," sabi nito sabay kindat sa akin.
Napailing na lang si Ignacio at tumayo, "bathroom break lang po dad, mom," paalam niya sa kanyang mga magulang at tuluyan ng umalis sa lamesa namin.
"See, ang suplado nga. Kailangan lang talaga nun ng yakapsul at kissperen kaya ikaw na ang gagawa na yon sa kanya, Michaella Gomeza. Okay?
"Po?" tanong ko sa kanya. Parang gusto ko na lang yatang magbanyo para makaligtas sa ina ni Ignacio na madaldalin.
"Honey, naiilang na tuloy ang mga bata sa pinagtatanong mo," aniya ng asawa at mas lalong lumapad ang ngiti ng ginang.
"Kasi hon, gusto ko lang naman na mabuking ang anak natin na kung anong mga kalokohan ang ginawa niya sa mga nakalipas ng ilang taon. Ano iha? Kaya pa?" dalawa na kami ni sir ang umiiling sa kanyang asawa.
Natapos ang kainan namin na maraming kine kwento ni Mrs. Baltimoore, kung paano nawala sa kanila ang kanilang prinsesa at kung paano siya bumangon ulit.
Dahil sa takot kaya hindi na sila sumubok na magkaanak ulit at nakafocus na lang kay Ignacio.
"What time po ang alis mo bukas, mama? tanong ng anak ko habang nakayakap ako sa kanya. Nasa kwarto na kaming dalawa at nakahiga na sa kama para matulog.
"Gabi pa naman anak, bakit may kailangan ka ba? May katanungan kaba sa mga assignment o may ipapabili ka kay mama bukas bago ako umalis? O pasalubong pagbalik ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sinusuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
Medyo mataas ang buhok ng anak ko, hanggang balikat at sobrang straight niya at malambot kaya tinatalian ko siya kapag papasok sa school, wala talagang kawala at ang isang tao lang ang kamukha ng anak ko kahit idedeny ko pa. Malalaman at malalaman talaga.
Pinapasok ko rin siyang maging model para sa mga bata at sa school nila muna. Gusto naman niya kaya masaya na rin ako na gusto niya ring maging modelo.
Like father, like son nga, pero sa itsura lang, ewan ko na lang sa ugali kapag malaki na ang anak ko.
"Tapos na po ako sa assignment, at wala po akong ipapabili po mama. Gusto ko lang pong sabihin na mag-iingat po kayo doon, at balik po kayo agad."
"Aww, my baby. Big boy na talaga ang baby ko na yan? I love you anak."
"I love you po mama." pagkasabi niya ay agad ng bumaba ang mga talukap ng anak ko. Napangiti na lang ako na makitang mahimbing na natutulog ang prinsipe ko.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti. "You're such a blessing anak, I thank God everyday na hindi ka niya pinapabayaan at lagi kitang pinagdarasal na maging masaya, malakas at may takot sa Diyos. Mahal na mahal kita anak."
"Pa. Pa," bigla yatang tumigil ang oras ko dahil sa narinig ko sa anak ko. Hindi agad ako nakakilos at hinihintay na banggitin niya muli ang narinig ko na tinatawag ni Saul. Pero hanggang nakatulog narin ako na hindi ko na narinig ulit. Baka si papa ko lang ang tinatawag ng anak ko, nakalimutan lang ang lolo papa, yan kasi ang tawag niya at lola mama naman kay mama.
Kahit madaling araw na akong nakatulog ay pinilit ko paring bumangon para paghandaan ng pagkain ang anak ko bago pumasok sa eskwela at sasama na rin ako sa paghatid.
Gusto kong bumawi sa ilang araw at gabi na hindi ko muna siya makakasama. Susulitin ko lang ngayong umaga dahil mamayang hapon ay aalis na ako.
Nakaready na ang mga gamit ko kaya wala ng problema. Pagkahatid ko sa anak ko at sa mga kambal na kapatid ay pumunta muna ako sa grocery store malapit lang sa amin at bumili ng mga kakailanganin nila sa araw-araw para naman hindi na lalabas palagi at bibili.
Naglinis na rin ako ng bahay pag karating ko, kaya sinasaway na naman ako ni mama dahil kaya naman niya at tumutulong naman din ang mga kambal, hanggang sumapit na nga ang hapon at maya-maya laging nagba vibrate ang message tone ko dahil nagtetext para lang mag remind yung isa na may trip kami baka makalimutan ko raw. Tsk. Excited lang.
Hihintayin ko pa sana ang anak ko na dumating sa bahay pero wala na talagang oras at baka naman sermon ng ama niya ang matatanggap ko.
Pagkatapos maligo ay dali-dali akong nagbihis ng damit. Simpleng white long sleeve polo at blue high waist pants dahil kinabukasan pa naman ang meeting namin kaya ito muna ang suot ko. Nagtawag na ng taxi si papa at agad-agad naman akong nagready sa sala para go na agad.
Binilin ko na rin sa kanila na tawagan agad ako kapag may kailangan sa bahay at kung anong problema o kahit wala, basta tawagan ako o itetext. Tinext ko rin si Tuko na paki tingnan ang pamilya ko kapag may time siya at ok lang ang sagot sa chat ko. Loko yun.
"Mama, papa una na po ako, yung mga bata po, pakisabi narin lalo na po kay Saul na umalis na po ako at hindi ko na siya nahintay pa kamo dahil nagmamadali na." paalam ko sa kanina. After kong magmano sa mga magulang ko ay pumasok na ako sa taxi.
"Mag-iingat ka doon anak, bago gumawa ng pangalawang anak, dapat alam niya muna na may panganay na siya." Ngiting sabi ni mama na nagpamula sa kabilaang pisngi ko.
"Mama naman, hindi na yan mangyayari." tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay.
"Bahala kayo diyan kung ayaw n'yong maniwala," kausap ko sa sarili ko. Sana wala pa ang boss ko sa airport at baka sermon ang aabutin ko.
Mamayang gabi pa naman ang alis ng eroplano kaya lang dapat bago mag- one hour ay nandoon na raw ang mga pasahero.
First time kung makasakay ng eroplano kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, sabi naman ni Yana na parang lumilipad ka lang daw papuntang langit. Gaga na yon.
Tenext ko na agad ang boss ko na natatanaw ko na ang airport at naghihintay na raw siya sa akin sa entrance. Akala ko ba ako ang mauna, nauna na pala itong nakarating kaysa sa akin.
Ngumuso ako, baka mamaya nito masisira na naman ang araw niya na matagal ako. Kanina pa kasi niya ako inaalok na sunduin na nila ako kasama ang driver pero ako lang yung ayaw at panay text ko na papunta na kahit nasa bahay pa lang ako. Haizt.
Pagkatapos kong magbayad sa driver ay dali-dali akong bumaba ng taxi na dala ang maliit ko na maleta, dahil ilang araw lang naman kami kaya ito lang ang dinala ko. Konti lang naman ang mga make-up ko na dala kaya magaan lang siyang dalhin.
Tama nga ang tenext niya na nandito na siya. Nakatayo siya sa loob malapit sa may entrarance habang nakalagay sa tenga ang cellphone niya, maya-maya pa ay nag vibrate ang cellphone ko.
Madali ko lang napindot ang answer button dahil hawak ko lang naman sa kaliwang kamay at ang kanan naman ang nakahawak sa maleta.
"Where are you?" tanong niya sa malalim na boses. Nagpipigil kaya itong sigawan ako? Subukan niya lang at aawayin ko talaga siya sa loob ng eroplano o di kaya hindi na ako sasama sa kanya, akala niya lang.
"Malapit na po sa entrance sir, nakikita na po kita. Papasok na po." sagot ko.
"K,"
What? K lang as in k lang ang sinagot niya? Binabaan niya na ako ng tawag? What a cold billionaire.
Nasa entrance pa lang ako para tingnan ang mga gamit ko ay natatanaw ko na siya. Kahit leeg ng iba bumabaliktad kapag nasa harapan niya na.
He is wearing his plain white long sleeve and black pants at white na sapatos. Yan lang naman ang suot niya pero…basta.
Pang momodel show yata ang pupuntahan namin eh hindi business trip na tungkol sa kanilang negosyo. Tatanungin ko sana kung nagmomodel pa ba itong tao na ito pero feeling ko masasayang lang ang laway ko dahil sisinghalan niya lang ako.
Kinuha niya sa akin ang maleta pagkarating ko sa harapan n'ya. Ayoko pa naman sana dahil baka may dala siya pero wala raw dahil meron naman daw siyang mga damit sa Manila kaya wala na siyang dinala pa. Sana all na lang talaga, parang nasa kanto lang ang inuuwian at hindi na magdadala ng mga gamit.
Naghintay muna kaming mga pasahero sa waiting area. Bumili siya ng pagkain para sa aming dalawa para mamaya kahit drinks na lang ang oorderin namin.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bag. Malapit ng mag gabi, baka matutulog na ang anak ko kaya gusto na ng goodnight kiss. Basta may pasok pa sila kinabukasan ay maaga ko silang pinapatulog. Kasama naman ni Saul ang mga kapatid ko kaya kampante ako na iwan ang anak ko sa kanila.
Habang nasa restroom ako kanina ay tumawag ako sa bahay at nagtanong kung nakauwi na ba sila kaya nakapag-usap pa kaming dalawa ni Saul.
"Yes baby!" Nakita kong natigilan sa pagnguya si Ignacio ng kinakain at tumitig sa akin. Naka earphones ako kaya hindi niya maririnig kung sino o ano ang pinag-uusapan ng katawagan ko.
"Opo, wala pa. Baka in 20 minutes. Yes baby. Ok, ok. Sige bukas ulit. Matulog na kayo. Goodnight din. Ok I love you more." malambing ko na sabi, nawala sa isip ko na nandito pala si Ignacio na katabi ko. Basta sa anak ko na ang atensyon ko ay wala na akong pakialam sa paligid ko.
"Tapos kana?" tanong ko sa kanya dahil hindi na siya kumakain. May laman pa ang styrofoam niya na pagkain.
"Oh," tipid niya na sagot. Ngumuso ako.
"Ang dami pa yang nasa foam tapos hindi mo lang uubusin!" ani ko at walang magawa kundi hindi ko rin naubos ang kinakain ko dahil papasok na kami sa eroplano. Sana lang maibigay na lang ito sa mga stray dogs o pusa.
Sumunod ako sa kanya na wala na itong imik, simula ng kinausap ko ang anak ko. Dala niya pa rin ang carry bags ko kahit hindi niya ako kinakausap. Problema nito.
Dahil siya lang naman ang may alam kung saang seat number kami uupo kaya hinayaan ko na lang siya. Hinawakan niya pa ako sa wrist para makahabol ako sa paglalakad niya.
Paano kasi ang tangkad ng lalaking ito. Sino ba naman ang hindi mahuhuli kung isang lakad niya lang dalawang baitang ko na.
Pinaupo niya ako sa hindi malapit na bintana, kaso hindi ko talaga maiwasan na pumunta ang mga mata ko sa labas ng eroplano.
"Palit tayo ng upo, pwede ba yon?" tanong ko na nagmamakaawa.
Hindi pa rin niya ako kinakausap pero tumayo siya para magpalit kami ng upuan.
Pero pinagsisihan ko naman agad na magsimula ng magtake-off ang eroplano. Parang gusto kong sumigaw dahil feeling ko lahat ng hangin biglang nagsisipasukan sa aking tenga, pero yung ibang pasahero ay parang wala lang sa kanila.
Kahit ang katabi ko ay nakapikit na ang mata habang nakasandal ang likod sa upuan. Dahil sa naramdaman takot baka hindi na ako makarinig ay hinawakan ko ang kamay ni Ignacio habang nakayuko ang ulo ko at nakapikit ang mga mata.
"Are you okay?" ani niya. Dinilat ko ang mga mata ko at binalingan siya. Sinenyas ko ang tenga ko at salamat naman na naiintindihan niya ang problema ko.
Dinala nya ang mga kamay niya sa magkabilaang tenga ko para takpan.
"Humikab ka para umalis ang hangin o di kaya kunin mo ang bubble gum sa aking bulsa at nguyain mo." Sinunod ko ang sinabi niya at nagawa ko ng paraan ang problema ko.
Hanggang paglanding ay hindi parin binitawan ni Ignacio ang mga palad niya sa mukha ko.
Pagkarating mo ng Maynila ay alam mo na talaga na iba na ang pupuntahan mo. Iba ang atmosphere ng Maynila at probinsya.
"Welcome sa akin, Manila City," bulong ko.