Chapter 18

"Hello po ma'am, sir. Magandang hapon po." Bati ko sa mag-asawang namukhaan ko nong bumili sila sa grocery store kung saan ako naging cashier pa.

"Hi! Dito ka ba nagtatrabaho?" Nakangiting tanong ng babae habang ang mga mata ay nakatuon sa aking anak na ngayon ay karga ko na at nakayakap sa akin.

"Ahh, y. yes po." sagot ko. Nilingon niya ang asawa niya na parang nag-uusap sa mata sa mata at agad naman binalik ang tingin sa akin. Hindi ko talaga maisip kung saan ko nakita ang mukha nila.

"Alright! Sige mauna na kami. Bye… "

"Michaella po," pakilala ko.

"Oh Michaella, right darling?" Akala ko ako ang darling yung asawa niya pala at balik tingin sa akin, "then this little one na karga-karga mo?

"Ahm si Saul po, anak ko po." nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkabilog dahil sa gulat?

Nagpapababa na sa akin si Saul, sinabi ko sa kanya na magpaalam na rin sa kanila dahil aalis na sila. Ayoko naman siyang maging bastos sa harapan lalo sa mga matatanda. Ang mga mata nila ay walang tigil sa kakatitig sa anak ko habang malapad na nakangiti.

"Hi po. My name is Saul Gomeza. Nice meeting you po." pakilala ni Saul. Kahit ako nabigla sa kanyang sinabi bago magmano sa mga matatanda. Napangiti ako na ganito ang anak ko na magalang.

"Oh my gosh, darling he's so cute. I like him already." Nasisiyang sabi ng ginang. Nakangiti rin ako dahil sa nakikita kong kasiyahan sa kanyang mga mata.

" Thank you po."

"Ahm Iha! Do you want some coffee, how about dinner? My treat," umiling ako habang nakangiti.

"Sorry ma'am, uhm my family dinner po kasi kami ngayon," sabi ko. Nalukot naman ang mukha ng babae.

" Honey, it's ok," pang-aalo ng lalaki sa kanyang asawa.

"Alright then, maybe next time? Bye little one," paalam nila at kumaway na lang kami sa isa't-isa.

"Good afternoon Mr. President," narinig kong bati ng ibang napadaan sa mag-asawa.

Hindi ko na lang pinansin at dumeretso na sa sasakyan na kung saan nasa likod lang din ng sasakyan ng mag-asawa.

Pagkabukas ng pinto ay pinauna ko na si Saul sa backseat kasama ang kakambal, binato nila ako through sign language at hinalikan sila sa pisngi bago ako sumakay at pumunta sa front seat.

Pagpasok ko ay narinig kong sumisipol si Tuko habang nakatingin sa akin. Masayahin ang loko ngayon ah. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Saya natin ah, anong meron?" tanong ko.

"Anong meron? Wala naman, masaya lang ako na nagkita na ang maglola at lolo. Kailan pa sila nag meet?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Pinagsasabi nito.

"Hindi kita maintindihan. Anong lola at lolo ang pinagsasabi mo?" instead na sagutin agad ako, nagawa niya pang pitikin itong noo ko kaya nahampas ko tuloy.

"Ikaw talaga, kahit kailan hindi ka talaga marunong tumingin ng tao."

"Huh?"

"See, kami nga na nasa malayo lang ay nakikita na namin ang pagkakahawig ng anak mo at sa mag-asawa lalo na yung lalaki," pabulong na sabi ni Tuko sa akin. Napaisip ako at inisip masyado ang mga mukha nila at dahil may natanto ay ako naman ang namilog ang mga mata, narinig ko kanina habang tumatakbo ang anak ko na little Ignacio.

" Oh ano? Naisip mo na?" tanong ni Tuko na ngayon pinaadar na ang sasakyan.

"B. baka magkamukha lang Tuko," kumbinse ko sa sarili ko. Pero parang tama nga ang sinabi ni Tuko. God, anong gagawin ko?

"Nahh, I don't think so, ang saya kaya nila lalo na yung nanay. So better, ihanda mo lang ang sarili mo kung ano man ang magiging kapalaran ng pagtatagpo nila muli." sabi niya. Ngayon mas nagsink-in sa utak ko na may pinakita si Ignacio ng mukha ng mga magulang niya sa phone isang beses na magjowa pa kami.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa hindi ko pag-iingat. "Kung lalayo kaya kami." wala sa sarili kong sabi. Alam kong nilingon niya ako, nakatuon lang ang mga mata ko sa mga sasakyan na umaandar.

"Di ba wala ka paring ligtas? Hayaan mo na, kapag nagkaalaman na, sabihin mo a lang ang dahilan at para maalala niya ang kagaguhan na ginagawa niya sayo dati. Kung hindi lang yan mayaman o kakilala na mayaman, matagal na nating inireklamo ang lalaking iyon pero yun at wala tayong sapat na ebidensya ay baka ikaw pa ang mababaliktad."

"Paano kung kunin niya ang anak ko?" kinakabahan na ako sa sarili kong tanong.

"Hindi pa pwede yun, dahil sa edad niya ay nasa poder pa siya dapat sa ina at wala ka namang nilabag sa batas kaya ikaw ang kakampihan nila. Pero tulad nga ng sinasabi natin na maimpluwensya sila kaya hindi natin alam kung ano ang next na mangyayari. Kung wala na talaga tayong makakapitan, may alam akong tao na makakatulong sa atin," mungkahi niya at doon natuon ang atensyon ko.

" Sino?"

"Ipapa Raffy Tulfo natin, yung sa tv. Gusto mo 'yon?" sinamangutan ko siya.

"Bakit ko naman ilalabas ang mukha ko o namin ng anak ko sa television? Pagpipiestahan pa lang kami ay ayaw ko n'on Tuko. Marami ng humihingi ng tulong sa kanila, 'wag na nating dagdagan." saad ko na nagpatawa sa lalaking ito.

"Suggestion lang naman, baka makalusot. Ayaw mo yun, malaman ng lahat na ang Bilyonaryo na si Ignacio Baltimoore ay tinaguan ng anak. See, tapos maraming media na pupunta sa inyo para magpapictures," patuloy sa pang-aasar niya sa akin kaya hinampas ko na naman siya sa braso niya habang nakatigil ang sasakyan.

"Sira ka talagang magbigay minsan ng advice." sabi ko. Ang saya ko pa 5 years ago pero ngayong gumanda ang trabaho ko ay sunod-sunod naman ang mga rebelasyon sa buhay ko.

"Let's go mama," tawag ng anak ko sa akin. Bumaba na kami ng sasakyan pagkarating agad ng bahay, nag take-out na lang kami ng pagkain para sa bahay na kakain kasama si Tuko.

Dito na naman siya matutulog dahil day-off niya kaya wala na kaming magawa, sa bagay malaking tulong niya sa pamilya namin kaya bless kami na naging kapamilya kami nito.

Para ko na kasi siyang kuya pero ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya dahil may isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan.

Mas mabuti at saka pa nasanay naman siya sa akin na Tuko ang tawag ko sa kanya.

Martes ng umaga at tambak na naman ang mga gawain ko sa opisina, gabi ang flight namin bukas kaya pwede na rin akong magtanghaling bumangon at alas dos na ng hapon akong pumunta ng airport kung saan kami magkikitang dalawa.

Sa wakas, makapunta na rin ako ng Maynila. Tapos ang saya pa kasi libre ako sa pamasahe at tutulugan ko. Pero yun nga lang may lungkot kasi hindi ko kasama ang anak ko na pumunta o kahit ang mga kambal.

Di bale na kapag makapag-ipon na talaga ako ay ipapasyal ko sila sa Maynila kung saan may makita ako doon na tuluyan naming lahat at magandang pasyalan.

Sa ngayon panggastos lang muna sa pang-araw-araw at sa pag-aaral ng mga kapatid at anak ko.

Wala pa ngayon ang cold billionaire na amo ko dahil may meeting sa ibang department. Iniwan na naman ako dito sa opisina niya. Ayos lang din na itong tambak na papeles ang kinakaabalahan ko kaysa laging nakatitig sa mukha niya at nakikinig sa boses niya kapag nagsasalita na siya. Tapos mamaya paglingon ko sa kanya pagkatapos kung isulat sa planner ko ang mga importanteng impormasyon ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

Akala ba niya na hindi ako nagsusulat kaya tinitingnan niya ako? Tsk, e di sana wala akong e rereport sa kanya kung hindi ako nagsusulat.

Narinig kong may kumatok sa labas ng office kaya tumayo ako at para mabuksan kung sino man ang nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Nico. Nasa kabilang department siya nagtatrabaho, hindi ko lang alam kung ano ang sadya niya dito at bakit siya napadpad. Palakaibigan siya kaya noong nag hi siya sa akin ay binalik ko lang din ang Hi niya hanggang tuloy-tuloy na.

"Nico, anong sa atin?" ngiting tanong ko sa kanya. "Pasok ka! Si boss po ba ang hanap nyo ngayon, wala kasi siya nasa meeting at doon na dumeretso." wika ko. Siya kasi minsan ang nagdadala ng mga files dito sa akin para mapirmahan ni boss Baltimoore.

"Ay wag na, hindi naman ako magtatagal dahil wala naman akong files na dinadala girl, oh can't you see empty ang mga kamay ko," aniya na napatawa sa akin dahil sa kilos niya na pambabae. Nico sa office. Nica kapag pupunta ng bar. Kaya kung may nakakakilala sa kanya ay hindi mo malalaman na may kilos babae ito dahil sa brusko ang pangangatawan.

"Oh kung ganun bakit ka napadpad dito? Maaga pa Nico aka Nica para makipag chichakan tayo ngayon. Baka maabutan pa tayo ni Mr. Baltimoore ay masisante pa tayo," ani ko na nagpaikot ng mga mata niya kaya natatawa na talaga ako.

"Saglit lang naman ang chika natin, baka yung taong gustong kumausap sa'yo ay mas matagal ang chikaban niyo kaya I ready mo na ang sarili mo girl, baka mamaya hindi maganda ang performance mo at masisante ka rito," panakot niya habang tinitingnan ang kanyang mga kuko, kaya masama ang tingin ko sa kanya.

"Ikaw ha, gusto mo ba talaga akong masisante?"

"Ay aba oo at hindi ang sagot ko pero isa lang alam ko, para naman ako na ang ipapalit sa'yo diyang bruha ka at buong maghapon akong nakatitig sa gwapong mukha ng boss natin. Pagtitimpla ko siya ng kape, you know. Matagal ko na kasi siyang crush at 'wag mo siyang agawin sa akin, magtatampo ako sa'yo," kaya naman pala. Natatawa ako sa isip ko dahil iba pala ang nasa isip niya. Hmmm, yun kung mangyayari yan.

"Sino ba yang tinutukoy mo?"

"Basta sumunod kana sa akin dahil kanina pa tayo nakikipag chikahan dito baka ma bagot yun at ako pa ang masisante sa company na ito." utos niya.

Dahil ayoko rin namang mawalan ng trabaho dahil sa late ako ay nagmamadali akong lumabas ng office kasama si Nico bitbit ang sling bag ko.

I'll make sure, na sarado ang pinto bago umalis. "Hindi ako nagpaalam sa boss ko kaya sana lang na totoo yang pinagsasabi mo Nica ha," sa mahina ko na boses.

"Aba'y taray, loyal tayo nyan? Don't cha worry at nandito na tayo," huminto kami sa isang opisina na may pangalan na president.

Bakit bigla na lang kumakabog ang dibdib ko na makita ang nakapaskil na president. Buntong hininga muna ako, bago sumabay sa pagpasok sa loob ng opisina kasama si Nico. Nakasunod lang ako sa may likuran niya.

"Hello madam, nandito na po si Miss Gomeza," dahil sa narinig ko na boses ni Nico kaya nilakasan ko na ang loob ko at nagpakita sa kausap niya. Nakaharang kasi ang likuran niya na medyo malapad.

Pero mas nagulat yata ako sa nakita kung sino ang nasa harapan naming dalawa ni Nico.

"Ok Nico, thank you. You may go now." ani niya kay Nico, kumaway lang si Nico sa akin at kahit magprotesta ako na gustong sumama sa kanya ay hindi ko nagawa.

"Good morning po madam, ano pong maipaglilingkod ko po sa inyo? Pinapatawag niyo raw po ako," magalang ko na sabi sa kanya.

Malapad ang ngiti niya sa akin. Itinuro niya sa akin na umupo na muna sa couch at sinunod ko naman. Tumayo siya sa kanyang swivel chair at pumunta kung saan ako.

" Kumusta iha? Do you still remember me?" ngiting tanong niya.

Naasiwas naman ako sa reaction niya kaya hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako ng malapad o ano.

"Ayos lang po madam, uhm opo naalala po kita ma'am, ikaw po yung nakausap ng anak ko sa labas ng building kahapon." sagot ko sa kanya.

"Yeah, tama ka diyan, wala ngayon ang asawa ko kasi nasa meeting kasama ang anak ko kaya I know for sure na may alam ka na kung sino talaga ako, right," tumango ako dahil sa pagsang-ayon. "Pero.. pero don't worry hindi ko naman gagamitin ang posisyon ko ngayon para malaman ang isang katotohanan. May tanong lang ako sa'yo, ayos lang ba?" hindi ko alam kung paano pa magtago dahil sa presensya ng ginang at sa itatanong niya. Para akong nasa hukuman at pilit na pinapaamin.

"A. ayos lang po madam, ano po iyon?" ngiti ko pero hindi umabot hanggang tenga.

"This is all about personal matter ang itatanong ko pero kung ayaw mo namang sagutin ay ayos lang, baka balang araw ay sasabihin mo rin. So, my question is may nakaraan ba kayo ng anak ko na ngayon ay boss mo, I mean may something ganun? Don't worry iha I won't get mad at you kung oo ang sagot mo, so meron ba kayong relasyon ng anak ko dati na si Ignacio Baltimoore?"

tanong niya.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin pero kahit anong deny ko ay talagang mabubuking ako, may idea na ako sa mga katanungan niya kaya hinayaan ko na lang, total ayon sa nakikita ko ay kanina pa siya nakangiti habang kausap ako.

Kinalma ko ang sarili ko at tinitigan siya, "Opo madam, meron po." sagot ko sa mahinang boses. Ngunit bigla na lang akong nagulat na napalakas ang pagsabi ni madam ng Yes.

"Omg, omg you mean, magjowa na kayo since high school ano, and then nagchukchakan and then 9 months lumaki ang tiyan mo and then yung bata na nakita ko kahapon ay siya ang apo ko, tama ba, tama ba iha?" Gustong gusto kong matawa sa reaction ng nanay ni Ignacio.

Ito ba ang tinatawag na excited? "Opo."

"Oh di ba sabi ko na nga ba eh, paano ba kasi iha kuhang-kuha ng anak mo ang hitsura ng anak ko noong ganyang edad niya, omg may apo na ako sa wakas, yes!" What? Anong nangyayari?

"But I feel sad kasi bakit ngayon mo lang ipinaalam, wait. Alam na ba ito ng anak ko?" tanong niya kaya napatitig agad ako sa kanyang mga mata at maya-maya ay umiling. Yumuko ako at pinagmasdan ko na lang ang mga daliri ko.

"Hindi po madam, at wala po akong planong sabihin. Maaring malaman niya po pero hindi pa po ako handa para sabihin sa kanya dahil… " ito na naman ako, ayokong bumalik ang trauma ko kaya hindi ko na tinapos ang sasabihin ko.

Lumipat siya sa mahabang sofa kung saan ako at tumabi siya sa akin. Tinaas niya ang baba ko para makita siya. May ngiti ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"Now I see, I don't have any idea what's going on between the two of you kung bakit sa tagal ng panahon ay ayaw mong ipaalam sa anak ko. Maybe one day I'll understand. Pero sa ngayon, kahit kami na lang ng lolo niya ang makakaalam, pwede ba namin siyang makausap, mamasyal o mabigyan ng regalo? Sorry kung ganito lang ako ka excited kasi first apo ko yun eh, ayos lang ba? Huwag kang mag-alala kung ayaw mo munang ipaalam sa anak ko ay kami ang bahala ng asawa ko," naluluhang pakiusap ng ginang sa akin.

Biglang lumambot ang puso ko dahil sa gaan ng pakikipag-usap naming dalawa. Akala ko sisinghalan niya ako, sasabihan ng masasamang salita pero hindi nangyari. Kasalanan ko ba kung bakit itinago ko ang anak ko ng ilang taon? Pero may rason ako, valid naman yata iyon.

"Omg, I'm so excited. Anong gusto ng apo ko. Anong brand ng sasakyan ang gusto niya may kakilala ako na pagbibilhan, how about shoes? Damit? What else pa ang gusto ng apo ko iha, omg I'm so proud grandma. Lintik na batang yun, batang-bata nyo pa, pinutok agad ang sperm cell sayo, tapos ngayon buti nga sa kanya." hindi ko alam kung ako pa ang kausap ng ginang dahil wala rito ang tao na pinaparinggan niya at anong sabi niyang brand ng sasakyan?

"Uhm, madam hind–"

"Mommy, mommy na ang itawag mo sa akin at sa asawa ko naman ay daddy, okay okay?" nasisiyahan niyang sabi.

"Pero… "

"No pero pero just call me that from now on," wala na akong nagawa dahil mapilit ang ginang.

" M. mo. my.. mommy uhmm hindi na po mahilig sa laruan na sasakyan o kahit anong laruan ang anak ko." sabi ko para hindi na bumili at masasayang lang sa bahay at pera. Books at rubik's cubes lang ay masaya na siya at sa chess.

"What? Anong laruan? Totoong sasakyan na ang gusto kong ipabili sa apo ko iha," she giggled. Ako naman ngayon ang nagulantang sa sinabi niya.

" Madam ay m. mommy six years old pa lang po si Saul. Hindi pa po niya kayang mag drive, "

"Ahh, okay… pero bibilhan ko parin siya," kindat niya sa akin. Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa mga plano niya. Ano naman kaya ang bibilhin ng lolo ni Saul. Paano pa kaya kung ang totoong daddy na niya ang makilala niya, baka kung ano-ano na lang ang ibibigay sa anak n'ya kahit hindi naman kailangan na o matagal pa bago magamit.

Goodluck na lang sa'yo Mica.

Dahil matagal na ako sa kanyang opisina kaya napagdesisyonan ko na bumalik na muna sa table ko at baka nakarating na ang cold billionaire na boss ko at ma sermonan pa ako na dapat may tatapusin pa ako na trabaho.

Pinapaalala sa akin ng mommy ni Ignacio na magkasama kaming mag tanghalian, hindi ko na matanggihan dahil namimilit.

Gumaan ang pakiramdam ko na kahapon halos wala akong maayos na tulog dahil sa kakaisip sa kalagayan ng anak ko pero ngayon mabuti na lang at naiintindihan ako ng ginang.

Dahil quarter to ten pa naman ay babalik muna ako sa office.

Napangiti na lang ako na wala pa si boss, wala pa ba? Nakababa pa kasi ang bintana niya, hmm ibigay ko kaya itong ibang pepirmahan niya baka kasi nandiyan lang siya.

Pero bago ko pa maihakbang ang paa paalis sa lamesa ko na biglang bumukas ang pinto ng opisina at nakahangos na Ignacio ang nasa pintuan. Galit itong nakatingin sa akin. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto. Lumapit siya sa at damang-dama ko ang galit. Bakit?

"Saan ka galing? Ang aga-aga Miss Gomeza wala ka sa table mo para tapusin ang trabaho mo!" singhal niyang sabi sa akin.

" M. May pinuntahan lang b. boss," napaigtad ako dahil hinampas niya ang ibabaw ng table.

"Saan? Saan kayo nagpunta ng lalaki na kasama mo kanina para masisante ko?" tanong niya, pagalit na tanong niya, tanging table lang ang naging harang naming dalawa, kinabahan ako sa mga sinasabi niya.

Pero bago pa ako makasagot ay nasubsob si Ignacio sa table ko.

"Ikaw na sperm cell ka, ako ang kausap ng secretary mo kanina, may reklamo?"

Nagulat kami pareho ni Ignacio.

" Mommy!"