Chapter 17
"Be careful anak madapa ka. Juskong batang ito," hindi ko alam kung bakit ko ba dinala ang anak ko dito sa mall na wala si Tuko.
Sa sobrang kulit ni Saul, nakakaligtaan ko dahil kung saan-saan pumupunta. Nasa isang boutique ako ngayon dahil mamimili sana ako ng mga damit na dadalhin this coming next week para sa out of town.
"Yes mama, sorry po." apologetic niyang sabi habang nasa tabi ko na. Nginitian ko siya.
"Stay lang diyan anak at huwag lalabas ng boutique, ok. Pakibantayan na lang ang ibang gamit natin," saad ko at tumango na lang ang anak ko na nakangiti.
Binalik ko ang tingin sa mga damit na napili. Dalawa lang kasi ang blazer ko kaya kailangang makabili ako ngayon ng bago dahil for sure malalaking tao ang makakasalamuha ko kung saan man yang business meeting ni Mr. Baltimoore sa Luzon kaya ito, dapat presentable rin akong tingnan.
Nilingon ko ulit ang anak ko na nakaupo sa mahabang silya para sa mga customers. Nalilibang na ito sa kakalaro ng rubik's cube. Isa sa mga past time niyang ginagawa lalo sa ganito na busy ako sa kakahanap ng gusto kong bilhin o ano pa.
Meron naman siyang ganyan sa bahay ngunit ngayon nagpapabili na naman kaya hinayaan ko na kasi nagagamit naman niya ang ganyang bagay na kahit ako napanganga na lang sa bilis ng kanyang kamay, na solve ang cubes sa ilang segundo lang ng paglalaro.
May nabili na ako para kay Saul. Inuna ko na muna ang gusto niyang ipapabili bago ako. Pero dahil siguro hindi naman gahaman sa pera ang anak ko o wala yata itong napili ngayon na bibilhin kaya ang rubik's cube lang ang pinabili sa akin at notebook para sa school.
Saka pa ako bibili na para sa akin at kapag may sobra ang iba ay para naman sa pang-araw araw namin na gamit sa bahay.
"Ito po madam, maganda po ang tela nitong gray blazer o blue kung may pangbaba kayo na kulay blue rin po ang kulay," ani ng sales lady. Pinag-isipan ko at dahil maganda nga 'yong tinuro niya kaya yun ang sinubukan ko sa fitting area.
Ng matapos ko ngang maisuot ang blazer ay ngumuso ako ng makita ang kabuuan ko sa salamin na ganito ang pananamit.
Formal na formal. Hindi ko akalain na maging secretary ako paggising ko isang araw pero yun nga lang dahil ang masaklap lang ay kung sino pa ang iniiwasan ko na tao na makita ay nasa harap ko lang and the bad news siya pa ang amo ko, siya pa ang nagmamay-ari mismo ng building na tinatrabahuan ko lalo na doon sa pagiging cashier ko ay sa pamilya niya rin nagmamay-ari. Naloka na.
Pagkatapos kong magdesisypn kung saan ang bibilhin ko ay lumabas na ako ng fitting room.
"Bulaga!"
"Ay kabayo ka! Baby!?" Napaigtad ako dahil ginulat ako ng anak ko pagkalabas ko. "Ikaw talaga bata ka," pero ang anak ko tumawa lang na parang nasisiyahan na nakita akong nagugulat. Pati mga sales lady natatawa na rin, mga kasabwat yata.
"Sorry... tapos na po kayo mama?" tanong ng anak ko, naiinip na talaga ito dahil nagpaparinig na kung tapos na ba ako o hindi pa.
"Ito na po, magbabayad na po. Next time 'wag mo ng gulatin si mama mo ha dahil alam mo naman na magugulatin ako," sabi ko sa kanya ng mahinahon habang nakapila kami sa cashier, dinala ko ang kanang kamay ko para haplusin ang buhok niya.
"Ok po mama, sorry po."
"That's alright, I love you. Well, pagkatapos dito saan tayo pupunta?" tanong ko kahit alam ko naman kung saan kami nito magpapalipas ng hapon.
After magsimba dito na kami dumeretso sa mall para makabili ng kakailanganin ko para hindi na sasakit ang ulo ko kapag weekdays pa ako bibili, baka hindi na kaya ng oras. Tapos na narin kaming mananghalian ng anak ko kaya maglilibang na muna kami sa timezone.
Ng makarating kami ay agad naglaro ang anak ko, minsan may sumasama ring mga bata na maglaro sa kanya at hindi naman suplado itong anak ko at namamansin naman.
Nasa gilid lang ako nakatayo at ang mga mata ko ay di ko siya nilubayan sa pagbabantay. Natutuwa ako sa anak ko na nag-eenjoy talaga siya.
Alam ko na darating talaga ang araw na hindi na ito mauulit pa kaya hangga't bata pa ang anak ko ay hayaan ko siyang maging bata. Hayaan kung gawin ang gusto niya basta desiplina lang ang kailangan para hindi siya lumaki na mawalay sa maling landas.
"Malaki na ang anak mo Mica, alam ko na ngayon pa lang naghahanap na yan ng totoong ama," naisip ko na naman ang sinabi ni mama sa akin.
Napabuntong hininga ako habang pinagcross ko ang mga balikat sa aking dibdib at ang mga mata ay na kay Saul parin.
Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang anak ko na totok na totok sa kumpletong pamilyang namamasyal.
Lalo na kapag kumakain kami sa mga fast food o carinderia na sama-sama ang pamilya.
Nasasaktan ako, kumikirot ang puso ko na naranasan ito ng anak ko na hindi na kailan man mabubuo ang pamilya namin dahil baka nga kung hindi man si Shemaia Ocampo ang nakatuluyan ni Ignacio ay baka si Eula, dahil yon ang sabi niya ilang taon na ang nakalipas. Na itinadhana na sila ni Ignacio para ikasal sa isa't-isa.
Baka noong mga oras na nawalan siya ng malay ay dumating si Ignacio para sagipin siya.
Nakapagtataka lang na hindi nila ako pinadakip sa mga pulis ngayon na nagkita na kami o ilang taon na ang nakalipas na hindi nila ako pinapahanap.
Why?
Kailangan ko talagang mag double ingat para sa kaligtasan ng aking mga pamilya. Ayoko ng magtago, lalo ngayon na ako lang ang inaasahan nila dahil nga na stroke ang papa at hindi pa totally heal kaya sa bahay lang siya muna at tanging pagbabantay ng aming munting sari-sari store.
"Are you daydreaming Miss Gomeza?" Napakurap ako dahil sa pagtawag ni Mr. Baltimoore a. k. a cold billionaire sa akin. Nasa office na ako at sa Wendesday na ang alis namin.
Pinapaayos niya lang naman sa akin ang mga reports para sa pag-alis ay wala na kaming poproblemahin at kung meron man ay minor na lang at kaya na yon ng team manager.
"Do you need anything, sir?" nasa tapat ito ng table ko at nakadungaw sa akin habang ako ay nakatingala sa kanya dahil sa tangkad niya. Hanggang dibdib lang ako.
Naka suit siya na blue at pinaresan ng puting polo long sleeves na panloob at blue na pants at black na sapatos.
"Pakisend na lang sa email ang mga natapos mo na reports and then paki lagay na lang sa table ko ang mga pepermahan," aniya sa baritong boses. Kinilabutan ako kapag ganyan siya magsalita, ibang-iba na dati na malumanay lang. "May pupuntahan lang ako ngayon, cancel my all appointments today." Aniya na ngayon ay nagmamadali na para makaalis at hindi man lang narinig yata ang pagsang-ayon ko dahil tumunog ang cellphone niya.
"Pupuntahan niyo rin ba si Shemaia sa Maynila? Pupunta rin ako ngayon… " huling narinig ko bago niya sinarado ang pinto.
Kahit nakasarado na ang pintuan ay nakatitig pa rin ako roon. "Shemaia… " napailing na lang ako habang nakangisi, anong meron sila ni Shemaia? Dahil sa tono palang ng pananalita ni Ignacio ay nag-alala siya sa dati naming kaklase.
Binalikan ko ang ginagawa ko kaya lang parang wala yata akong naiintindihan sa mga pinapagawa sa akin ng lalaking iyon.
"Mica, Mica, Mica…remember wala na kayo kaya easy ka lang, kalma." kausap ko sa sarili ko. Masakit lang isipin na nagkahiwalay kami na wala man lang closure na nangyayari. Nagkahiwalay lang kami dahil sa nakita niya akong may kahalikan raw na lalaki knowing na kahit ako ay nagulat sa pangyayari na instead na maniwala siya sakin ay sinunod niya kung ano ang nakikita ng mga mata niya kahit hindi naman buong pangyayari tapos… sa kagustuhang makausap siya sa personal ay dinala niya ako sa panganib.
Dinala niya ako sa lugar na walang tanging nakakarinig sa'yo at kung hindi ka marunong lumaban, kung hindi ako naglakas loob na nanlaban ay baka wala na ako ngayon sa mundo.
Tapos malalaman ko na lang na buntis pala ako. Maswerte na lang talaga na hindi ako sinipa ni Eula dahil kung nagkataon at sa tiyan ko yon tumama, baka hindi na kumapit si baby Saul ko at nakunan pa ako. Hindi ko yata kaya kapag nangyari yon.
Alam kong walang kasalanan ang anak ko sa kasalanang ginawa ng kanyang ama. Inosente siya para kamunghian ko.
"Anak! Ayos ka lang?" tanong ni mama pagkatapos akong magsuka sa inidoro. Nasusuka ako pero wala namang lumabas na kinain ko kagabi o ano pa.
Binalingan ko lang si mama habang pinupunasan ko ang bibig ko pagkatapos kung mag mogmog.
"Hindi ko alam mama, ilang araw na pong ito na panay suka lalo sa ganitong oras na ang aga-aga ay ginigising ako para lang sumuka pero wala namang lumalabas," saad ko sa kanya at hinarap si mama.
Nakatingin siya sa mga mata ko, naluluha.. Hinawakan niya ang dalawang braso ko.
"May tanong ako sa'yo, gusto kong malaman sa ayaw at gusto mo para malaman ko o may idea ako kung ano yang nararamdaman mo." Mahinahon na sabi ni mama.
" Ano po iyon mama?" tanong ko at nakatitig lang kami pareho sa mga mata.
" May nangyari ba sa inyo ni Ignacio? " Nagulat ako sa tanong ni mama, hindi ko alam kung paano sasagutin but realization hit me.
" Mama! Ang ibig mo pong sabihin? Na.. " halos hindi ko alam paano ma proseso sa utak ko kung totoo ang nasa isip namin ni mama.
"Hindi pa natin confirm anak. Magpapa check-up tayo mamaya para malaman natin." aniya na naiintindihan ang sitwasyon ko. Pero si papa?
"Ma, baka magalit si papa na buntis ako kung totoo man, " iyak ko na sabi sa kanya, magpoprotesta pa sana ako na hinagod na ni mama ang balikat ko.
"Nandiyan na yan, anak. Alam kong naiintindihan ka ng papa mo basta sabihin mo lang ang totoo sa kanya," si mama.
Malapit na kaming mag one month na lumipat ng bahay dito sa Talisay Cebu bago ko nalaman na buntis ako.
Nagalit si papa at gusto niya na ipaalam ko agad sa ama nito pero umiiyak lang ako sa kanila habang umiiling.
Para hindi ako ma depress ay nasabi ko na sa kanila kung ano ang nangyari sa akin, hindi nila matanggap pero nanaig ang kagustuhan ko na huwag na lang magreklamo sa barangay dahil kung totoong may nangyari kay Eula ay ako ang talo dahil ididiin ang kaso laban sa akin kung malaman nila na ako ang may gawa sa kanya nun, lalo at makapangyarihan silang pamilya, wala akong kawala. Talo pa rin kami.
Kaya minabuti ko na maging tahimik, lumayo sa lugar na wala akong katahimikan. Naiintindihan ng mga magulang ko kaya ang sabi ni papa na mas mabuti na hindi ko na lang ipaalam pero si mama iba ang gusto.
Alam kong bilang isang ina, hindi niya gustong nakikitang malungkot ang kanyang anak.
Pero, hindi pa ako tinatanong ng anak ko kaya hayaan ko muna dahil hindi pa ako handa magkwento sa kanya kung sakali.
Tulala pa rin ako sa screen ng computer, hindi ko talaga matapos-tapos ito hangga't may iniisip na di ba dapat wala na akong pakialam sa kanya kung sino o ano ang namamagitan ng mga babaeng naririnig ko sa kanya.
Lumabas ako dahil inaantok, baka kape lang ang kailangan ng utak ko o di kaya tea. Pagkarating ko sa faculty lounge ay kumuha agad ako ng tasa at tea na lang ang iinumin ko kasi nakainom na ako kanina ng kape
"Ano, maayos na ang trabaho mo? Hindi ka ba sinisigawan ng boss natin na sobrang sungit?" tanong ni Vina na ka officemate ko sa akin habang kumukuha naman siya ng cup noodles.
Nginitian ko siya bago nagsalita, "minsan kapag may mali sa mga pinapagawa niya sa akin, natataasan din ako ng boses pero ayon nga di ba na may kasabihan tayo na pasok sa kanang tenga then labas agad sa kaliwang tenga para hindi mo na dibdibin." ani ko.
"Tama ka diyan, malaki naman sila magpa sweldo kaya ayos lang. Baka nature na yon sa kanya na nagsusungit siya baka kulang lang sa kiss at yakap, sige balik na ako at wala nga ang CEO natin ngayon pero nandito ang manager baka masigawan pa tayo dito na nakipag marites na maaga pa," sabi ni Vina at agad iniwan ako pagkatapos malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles niya.
Natulala naman ako sa sinabi niya na baka nagsusungit ang amo namin dahil kulang sa kiss at yakap? Like kapag nagsusungit siya ay kailangan ko siyang yakapin o hagkan para hindi na niya ako sungitan?
Pinilig ko ang ulo ko dahil bakit ko gagawin yun sa kanya, mas mabuting magalit na lang siya sa akin ng buong araw kaysa naman araw-araw ko siyang hahalikan.
Pagkarating ko sa table ko ay nag focus na ako sa mga paper works ko at para maaga akong makauwi mamaya para makapagsimula ng mag-impaki.
3 days and 2 nights, hmm… for sure magkaiba naman kami niyan ng kwarto. Bakit sa tingin mo ba Mica na sa iisang kwarto lang kayo? Managinip ka na lang ng gising at hindi yon mangyayari.
Narinig kong nagring ang cellphone ko at number ni Tuko ang nag-appear sa screen. Ngayon lang nakabalik ang loko dahil pumunta daw ito ng Iloilo.
Pinindot ko ang green button para sagutin ang tawag. "Hey, kumusta? May pasalubong ka sa akin?," agad na tanong ko sa kanya.
"Ay aba, nagpahalataan ka talaga na hindi ka excited na makita ako kundi ang pasalubong kong dala, nakakatampo ka ng 50% Michaella Gomeza," aniya. Napahalakhak ako ng tawa.
"Atleast 50% lang, saan ka ba ngayon?"
"Secret, dadaanan kita diyan mamayang uwian mo, ayos lang ba?" tanong nito. Sa bagay pwede rin dahil wala naman yung masungit.
" Oo ba, para naman makatipid ako mamaya sa pamasahe." parinig ko sa kanya.
"Tsk, sige lang sa ngayon libre pa pero malapit na talaga kitang singilin babae ka, mahal pa naman ako maningil," natatawa na lang ako sa sinasabi niya.
"Kaya nga lubos-lubusin ko na habang libre pa. Sige text mo ako mamaya kung parating kana."
"Ok, dadaanan ko si big boy sa school niya kasama ang mga kambal, bago kita daanan para naman makapasyal na rin, ano sa tingin mo?''
"Ok sige, text na kayo kapag malapit na kayo ha?" paalala ko para makahanda na ako sa mga gamit bago pa sila makarating.
"No problem, sige… bye Mica," paalam niya sa kabilang linya. Nagpaalam na rin ako at ngayon na nakausap ko si Tuko ay gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat naman sa kanya.
Natapos ang trabaho ko na hindi pa sila nakarating. Ginugol ko muna ang natitirang oras ko sa pagliligpit ng mga kalat na files sa opisina ng amo ko.
Kung hindi approve sa kanya ang mga proposal ay kung saan-saan na lang binalibag ang mga papeles, kawawa naman.
Maya-maya ay narinig kong may tawag sa cellphone ko at agad ko itong kinuha sa table. "Si Tuko."
"Hello!"
"Hello mama… " masayang bati ng anak ko. Napangiti naman ako sa kanya.
"Hi baby, papunta na kayo dito sa office?"
"Opo mama, kasama ko po sina Tita ate Kimmy at Tito kuya Keville po." ani niya. Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa narinig.
"Sige mag-iingat kayo ha, tell your Tito Jackson na drive safely."
"Ok ma'am, noted po!" boses ni Tuko ang sumagot sa akin. Ni loudspeaker niya siguro ang phone niya.
"Sige hihintayin ko kayo dito. I love you Saul." saad ko.
" Ay akala ko sa akin yung I love you… " saad niya na nagpakunot ng noo ko.
"Asa ka.. k bye.." kaya humahalakhak naman ito ng tawa sa kabilang linya.
Dahil sinabi nila na kung saan na sila ngayon kaya bandang 30 minutes muna akong manatili dito sa opisina bago bumaba ng building.
Dino-double check ko muna lahat, yung pepermahan niya na mga papel, pinatungan ko ng makapal na libro para hindi mahanginan kahit wala namang hangin na galing sa labas ang papasok.
Pati yata swivel chair niya ay inayos ko sa tamang pwesto. Naloka na.
Dahil sa naiinis na ako sa pinanggagawa ko na inaayos pa ang opisina niya ay dali-dali akong lumabas doon. Kinuha ko na ang handbag ko at lumabas na ng office at nilock.
Hihintayin ko na lang sila sa may lobby dahil nagtext si Kimmy na 10 minutes away na daw sila.
Alas-katro na ng hapon at ang iba ay busy pa sa mga kani-kanilang trabaho, meron namang iba na umaalis na pero dahil maaga akong natapos kaya wala akong over time ngayon.
Nginitian ko lang ang mga kakilala ko na naroon at hindi na nagtagal para makipag-usap pa at lumabas na ako ng lobby habang nakatingin sa cellphone ko.
Tinawagan ko ang number ni Tuko kung nasaan na sila.
"Hello!"
"Mama, nandito na po kami, nakita na po kita. Pwede po ba akong lumabas para salubungin ka po?" paalam ng anak ko.
Sa sobrang saya ng puso ko at paglalambing nito ay sino na naman ako para humindi.
"Ayos lang baby lalo at hindi ko alam kung anong sasakyan n'yo ngayon kasi hindi sinabi ni Tito mo na yan," Parinig ko at ang loko tumawa lang sa kabilang linya.
May bago na naman itong kotse na hiniram niya sa amo nya. Malakas talaga ito sa kanila at ang swerte nitong lalaki na ito.
Wala akong alam sa mga kotse, kung mababasa ko ng malapitan ang nakatatak saka ko pa lang malaman ang pangalan.
Pagkalabas ko ng lobby ay may natanaw akong sasakyan na nakapark sa harapan ng building. Sabay silang nagbukas ng pinto ng sasakyan at unang lumabas ay ang isang lalaki at may tinitingnan sa loob ng building, ayon sa damit niya rin na pang driver ay baka may sinusundo at sa isang kotse naman na Honda ang pangalan ay doon lumabas ang anak ko na ang lapad ng ngiti ng nakita ako at kumakaway.
"Mama!" sigaw niya sa akin habang tumatakbo ang anak ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko habang hinihintay kong makalapit ang anak ko sa akin.
"Oh my God. My little Ignacio!" narinig kung sabi ng babae na hindi ko namalayan nasa tabi ko lang pala.
Nilipat ko ang paningin ko kung saan ang nagsalita at gayun na lang namilog ang mata ko na namukhaan ang dalawang mag-asawa sa harapan ko.
"Oh no… "