CHAPTER TEN

Talitha's Pov

Masayang nagpaalam ako sa mga kasamahan ko sa trabaho, yung iba naiinggit daw dahil makakapag pahinga ako.

"Saan ba talaga lakad mo at ang saya saya mo?" Tanong ng kaibigan kong si Agatha na isa ring guro katulad ko

"Diyan lang" nakangiting sagot ko

"Diyan lang pala edi isama mo'ko, bakit kailangan mo pang mag leave" sabi nito

Nginitian ko lang siya.

Ayoko ng sumagot ng higit pa sa sinabi ko dahil baka masabi ko ang totoo. Wala naman talaga sa plano ko ang mag leave pero dahil nasabi ko na at pinayagan naman ako ay paninindigan ko na.

Sinabay ko na si Agatha hanggang sa sakayan pauwi sa kanila. Gusto ko sanang ihatid siya sa bahay nila pero ayaw nitong sumama sa supermarket at nagpahatid nalang sa terminal ng tricycle.

Habang namimili ng kung ano ano ay iniisip ko rin kung anong sasabihin ko sa magulang ko. Ngayon palang ay nagdarasal na ako na sana'y patawarin ako ng panginoon kung ano mang kasinungalingan ang sasabihin ko sa pamilya ko.

Nakuha ko na lahat ng gusto kong bilhin kaya pumila na ako sa counter para makapag bayad.

pagdating ko sa bahay ay inilabas ko mga pinamili ko, nagulat pa si Mama dahil ang dami daw nun. Diniretyo ko mga yun sa kwarto namin ni Talia habang nakasunod naman sa akin si Mama.

"Ano ba yang mga pinamili mo bakit napakarami naman?" Tanong ni Mama

"May seminar kasi akong pupuntahan bukas Ma at sa linggo pa ako makakauwi, natatakot akong magutom kaya dinamihan ko na binili ko" pagsisinungaling ko

"Bakit biglaan naman? Ang tagal naman one week?" Tanong ni Mama sa'kin pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya at inilabas anh trolly ko

"Matagal na naka plano Ma, nakakalimutan ko lang sabihin sa inyo"

"Dyaskeng bata ka!" Palo nito sa pwet ko na ikinatawa ko "sa susunod pagkasabi palang sa'yo sabihin mo agad sa amin ni Papa mo ng hindi kami nagugulat" sabi nito at tinulungan pa akong mag labas ng damit ko. Nakunsensya naman ako at napayakap sa kanya.

"Sorry" sambit ko

"Ano pa nga bang magagawa natin trabaho iyan, siguraduhin mo lang tumawag at mag text sa amin araw araw para hindi kami nag aalala. Saan ba yang seminar mo at napakarami mo namang baon na pagkain"

"Malayo kasi yun sa bilihan ng pagkain kaya dinamihan ko na, mahirap din ang signal kaya baka hindi ako maka tawag sa inyo. Tsaka bawal din gumamit ng gadget during seminar pero kapag lalabas ako susubukan kong mag text"

"Hindi ba delikado diyan sa pupuntahan niyo?" Nag aalalang tanong ni Mama

"Ma hindi po' malambing na sabi ko

"Paano mo nalaman nakapunta ka naba doon?" Natigilan ako sa sinabi ni Mama pero hindi nagpahalata.

"Madalas doon nag seseminar mga teachers Ma at safe daw doon at walang dapat ipag alala" sabi ko at kinagat ang pang ibabang labi.

"Sigurado ka? Basta subukan mo mag text sa amin araw araw para alam namin nangyayari sa'yo" sabi nito na tinulungan pa akong ilagay ang mga kinuha kong damit sa aparador at inilagay sa bag ko. "Bakit puro short mga dadalhin mo?"

"Magdadala din ako ng pants pinipili ko lang, tsaka Ma, parang team building yung gagawin namin doon kaya halos puro short baon ko" hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga pinagsasasabi kong kasinungalingan kay Mama.

"Kailan ba ang alis mo?"

"Ngayon na"

"Ano?! Ako ba'y pinaglololoko mo?"

"Ma ngayon talaga ang alis ko, kapag hindi ako umalis ngayon hindi ako makakahabol bukas sa seminar"

"At bakit hindi may kotse ka naman"

"Hindi ko dadalhin kotse ko Ma, didiretyo ako sa airport 7 pm ang flight namin ng mga kasama ko papuntang Cebu"

"Wala bang maagang flight bukas ng makapag paalam ka muna sa Papa mo" jusko Ma hindi mo lang alam, kaya nga ako nagmamadali para hindi na makausap pa si Papa dahil baka kung anong kasinungalingan pa masabi ko.

"Pwede naman Ma kaso sayang yung pambili ng ticket, yung ngayon kasi libre lang at kung bukas pa ako aalis sarili kong pera ipambibili ko ng ticket" sabi ko

"Sabagay. Oh sige mag ayos kana diyan at ikukuha kita ng mga pagkain sa ref na pwede mong madala" sabi nito tsaka ito lumabas

Nang maayos ko lahat mga dadalhin ko ay dumiretyo na ako sa banyo para maligo. Mabilis lang akong naligo at naghanda na para umalis. Ayokong madatnan pa ni Talia dito sa bahay, matalas kasi pang amoy nun at masyadong matanong.

"Ma alis na ako!" Malakas na sabi ko habang nasa kusina siya

"Teka itong mga pagkain mo antayin mo" sabi nito

Para naman hindi ito manghinala ay kinuha ko ang mga iyon at inilagay sa paper bag na dala ko. Hinatid ako ni Mama sa labas, gusto nga niyang ihatid ako hanggang airport pero hindi ako pumayag. Nagdahilan nalang ako na baka walang madatnan si Talia sa bahay at mag panic dahil matatakutin.

Pagsakay ko ng tricycle ay sinabi ni Mama sa driver na kakilala namin na ihatid ako sa terminal at mag ingat sa pagmamaneho niya. Dahil sa kasinungalingan na sinabi ko nagpahatid na nga ako sa terminal, at ng makaalis si Kuya Buboy ay siyang sakay ko naman ng tricycle at nagpahatid sa Mt. Isabella. Todo tago pa ako dahil baka may makakita sa akin.

Alas singko y medya ng makarating ako sa Mt. Isabella, akala ko ay hindi ako papayagan dahil maputik pa ang daan pero pinayagan naman ako at sinabihang mag ingat nalang. Dahil maganda ang gising ko at masaya ako ay binigyan ko ang mga marshall ng pang meryenda. Secret kung magkano haha.

Maputik ang daan at kaya imposibleng hindi ako maputikan. May kabigatan din ang trolly ko pero hindi ko yun iniinda dahil nga masaya ako. Excited na akong makarating sa pupuntahan ko pero tumatagal dahil sa maputik na dinadaanan ko.

Nag aagaw ang liwanag at dilim ng makarating ako sa bundok kung saan ang hangganan ko. Ang ibang kasabay ko kanina ay nagpatuloy umakyat habang ako ay nagpaiwan kasama ng iilan.

May mga tents na nakatayo sa paligid, ang iba ay kinausap pa ako at tinanong kung saan ang mga kasama ko. Sinabi ko naman na nasa baba sila at baba rin ako mamaya. Nang hindi na sila tumitingin sa akin ay pasimple akong pumasok sa bawal na daanan. Kinakabahan pa nga ako dahil baka may makakita sa akin at buti nalang ay wala.

Naglakad pa ako ng ilang hakbang ng may pansing gumagalaw sa 'di kalayuan. Uurong na sana ako pero nakita kong sumilip si Yu. Napangiti ako at tumakbo hila hila ang trolly ko hanggang sa makita ko pa sina King at Empress at si Wolf na nakaupo at nakasandal ang ulo sa malaking puno.

"Wolf" mahinang sambit ko pero narinig parin niya kaya lumingon ito.

Nakangiting mukha ang nakita ko at nagtangka itong tumayo pero nawalan ito ng balanse buti nalang ay nakahawak siya sa puno.

Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya

Kinabig naman niya ako palapit sa katawan niya at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang init sa buong katawan niya kaya naman agad akong humiwalay sa kanya at hinipo ang noo niya.

"Ang taas ng lagnat mo" sabi ko at tinignan ang katawan niya. Wala na naman itong suot na damit. Tumingin ako sa bag ko at kumuha doon ng twalya at binalot sa katawan niya. "Magpapakamatay kaba! Bakit wala kang suot na damit!" Galit na sabi ko dahil sa pag aalala

Hinawakan naman nito ang isang braso ko at hinawakan ng isang kamay niya ang baba ko at iniangat iyon. Nakangiti ang mga mata nitong nakatingin sa akin pero mahahalata mo na may sakit siya. Inilapit nito ang ulo nito sa akin at pinagdikit ang mga noo namin. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at tumingala para magdikit ang labi naming dalawa. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming nasa ganoong posisyon ang alam ko lang ay ayokong humiwalay sa kanya.

"Miss na miss kita" sambit nito ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa

"Sorry ngayon lang ako, pinagbawal kasi ang umakyat ng bundok dahil malaka-" hindi ko natuloy pa ang sasabihin ko ng muling maglapat ang labi naming dalawa, kung yung kanina ay marahan lamang ngayon ay tila naging mapaghanap.

Pikit mata at habol hininga ako ng maghiwalay ng ilang pulgada ang mga labi namin, muli kong naramdaman ang maliliit na halik nito sa labi ko at sa buong mukha ko. Umabot din ang mumunting halik niya sa leeg ko na nagpataas ng mga balahibo ko. Mahinang tinulak ko siya para tumigil ito pero nakahawak parin siya sa baywang ko.

"Kailangan mo ng magpahinga uwi na tayo" sabi ko tumango naman siya

Lumingon ako sa trolly ko at hinila iyon, inamoy amoy naman ni Yu ang paper bag ko at kinagat niya iyon upang mabuhat niya. Binuhat naman ako ni Wolf pero agad akong nagpababa, hindi ako pwedeng magpabebe ngayon dahil may sakit siya. Nang ibaba naman ako nito ay napayuko siya at napahawak pa sa kanyang ulo.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko at binalot ng maayos ang twalyang binalabal ko sa kanya

"Okay lang ako medyo nahihilo lang" sagot nito na hawak parin ang ulo nito

Napatingin naman ako sa trolly bag ko.

"Ganito nalang" kinuha ko yung bag ko at tumingin sa kanya. "Umupo ka dito hihilahin nalang kita" sabi ko at pabukakang umupo sa trolly para makita niya

Napangiti ito.

"Ikaw nalang ako manghihila sa'yo" sabi nito

Tinignan ko siya ng masama

"Ang arte mo ah! Nagmamagandang loob na nga ako" taas kilay na sabi ko at inismiran siya

Tumawa naman siya at ilang saglit lang ay sumakay na ito sa bag ko na nagpangiti sa akin.

"Tara na" sabi nito na pinalo pa ang bag ko na parang kabayo

"Hawak kang mabuti baka mahulog ka" nakangiting sabi ko

"Para akong nakasakay kay Empress" sabi pa nito at tumawa

"Sa laki mong yan sumasakay ka kay Empress? Hindi kana naawa sa aso"

"Malaki din si Empress"

Tinignan ko naman si Empress na nakasunod lang sa amin. May kalakihan nga siya at mas malaki kung ikukumpara kay King.

"Pero mas malaki ka parin" sagot ko habang naglalakad ako at hila hila siya

Sumusunod lang ako kay King na nauuna sa amin sa paglalakad. Nasa tabi ko naman si Yu at nasa likuran naman namin si Empress. Dahil malaking tao si Wolf ay nabigatan ako sa paghila sa trolly, pagod narin ako dahil kanina pa ako naglalakad at feeling ko ilang sandali nalang ay kakalas na ang mga buto ko sa kamay.

Naginhawahan naman ako bigla ng gumaan ang hinihila ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa tumingin ako sa hinihila ko. Wala doon si Wolf at nakita ko siyang nakasakay kay Empress at nakangiti pa siya sa akin.

"Grabe naman kakapalan ng mukha mo, talagang nagpabuhat kapa kay Empress hindi kaba naaawa sa kanya?" Sabi ko na nakapameywang sa kanya. Tuloy tuloy naman sa paglalakad si Empress.

"Maglalakad na nga lang dapat ako kaso pinasakay ako ni Empress" sisi pa nito sa lobo

"Sumakay ka naman" sabi ko na sinabayan sila sa paglalakad

"Kaya naman akong buhatin ni Empress" sabi nito. Tinignan ko si Empress at mukhang hindi nga ito nahihirapan. Kahit na! Animal cruelty parin ang ginagawa niya.

"Lumipat kana ulit dito hihilahin nalang kita" utos ko sa kanya

"Huwag na maglalakad nalang ako" sabi nito at bumaba nga kay Empress

"Huwag makulit sakay na' utos ko sa kanya ilang segundo pa siyang nakipag titigan sa akin hanggang sa sumuko siya at muling sumakay sa bag ko.

Habang hila hila ko ang hawakan ng bag ay hinawakan naman ni Wolf ang mga kamay ko. Tumingin pa ako sa kanya at ngumiti lang ito. Nginitian ko naman siya pabalik at tinuloy lang ang paglalakad.

Labing limang minuto rin siguro simula ng huminto kami ang nakakalipas, madilim na ang paligid at may naririnig na alulong ng mga lobo. Pagod na pagod narin ako at ng sulyapan ko si Wolf ay nakayuko lang ito. Para akong pinaparusahan dahil sa pagsisinungaling ko sa Mama ko.

AUTHOR'S NOTE: HUWAG MAGSINUNGALING!

Halos mawalan na ako ng hininga sa pagod at sakit ng mga kamay ko, mabuti nalang at natatanaw ko na ang kweba kaya kahit papaano ay nagkaroon pa ako ng lakas. Konting kembot nalang at makakarating na din kami at makakapag pahinga.

Sa wakas ay nakarating na kami sa kweba.

Tinignan ko si Wolf na nakayuko parin at hinawakan siya, ang taas parin ng lagnat niya. Inangat nito ang mukha niya at ng magka salubong naming dalawa ay siya namang pagbagsak niya.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin, nanginginig siya pero ang init ng katawan niya. Hindi ko narin makita yung dating lakas niya o yung kahit kanina lang sana.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ko sa kanya pero nakapikit lang ito habang hawak ang kamay ko. "Wait lang" natatarantang sabi ko at binuksan ang flashlight ng cellphone ko. Hinanap ko yung emergency light at binuksan iyon. Lumiwanag naman ang paligid at muling binalikan si Wolf.

"Try mong umupo at bumangon, aalalayan kita hanggang makahiga ka sa higaan mo" sabi ko at hinawakan ang kamay at likod niya. Naramdaman ko naman ang pag angat ng likod niya kaya hinila ko siya hanggang sa makaupo siya.

"Kaya mo kayang tumayo?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at bigla nitong hinawakan ang ulo niya. "Okay lang, okay lang, huwag mong pilitin" sabi ko habang yakap yakap siya.

"Sandali lang bibitawan kita, kukunin ko lang yung higaan mo at ililipat dito" sabi ko. Hindi siya sumagot pero alam ko na naiintindihan naman niya.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa kinaya nitong umupong mag isa.

Mabilis ang mga kilos na kinuha ko yung comforter at blanket niya. Inilatag ko yung comforter malapit kung nasaan siya at sinapinan ng blanket. Dahan dahan ko naman siyang pinalipat sa higaan para naman makapag pahinga na siya. Kinuha ko yung nag iisang unan niya at inilagay sa likod ng ulo niya. Binuksan ko naman ang bag ko at inilabas ang dala kong kumot at kinumutan siya.

"Wait lang magpapainit ako ng tubig para maka kain ka" sabi ko pero ayaw nitong bitawan ang kamay ko. Ako na ang kusang nagtanggal sa kamay niyang nakahawak sa akin at ipinasok ko iyon sa kumot.

**********