CHAPTER NINE

Talitha's Pov

Araw ng linggo at malakas parin ang ulan, wala naman akong magawa kundi panoorin nalang ito habang nakamukmok sa sala.

"Masarap talagang kumain kapag ganitong umuulan" sabi ni Talia na kumakain ng Mami. Naalala ko naman si Wolf na paborito ang noodles. Kumusta na kaya siya? Nakakakain ba siya ng maayos? May pagkain pa naman dun nung umalis ako ewan ko lang kung sasapat. Binawalan ko narin kasi siyang manghuli ng rabbit dahil kawawa sila.

"Talitha bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong naman ni Mama, napatingin naman ako sa burger at mami sa harapan ko. Nakaka guilty kasing kumain nito habang hindi ko alam kung may pagkain pa si Wolf.

"Baka gusto niyang mamaga muna ang noodles Ma" sabi naman ni Talia tsaka tumawa

"Wala akong gana sa'yo nalang" sabi ko at inusog ang mangkok na may noodles pati ang burger.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto namin.

"Napano iyon?" Dinig kong tanong ni Talia kay Mama

"Hayaan mo na kakain din yan mamaya" sagot naman ni Mama

"Ang sarap kumain kapag ganitong malamig"

"Oo na at ubusin mo lahat ng iyan"

Nahiga ako sa kama at pumikit. Sana pagkagising ko ay hindi na umuulan.

Nagising ako sa tapik ni Talia sa balikat ko.

"Gising na senyorita baka hindi ka makatulog mamaya" sabi nito na umupo sa tabi ko

"Anong oras naba?" Tanong ko tsaka umupo din

"Six thirty na senyorita at pinapagising kana ni Mama para mag hapunan" sabi nito

"Sige lalabas na ako" sabi ko

Tumayo na ako at tumingin sa labas ng bintana, napangiti ako ng tumila na ang ulan.

Dumiretyo ako sa kusina kung nasaan na sina Mama at Thalia. Tinutulungan ni Talia si Mama sa pag aayos ng mesa para makakain na. Umupo lang ako sa silya at pinanood sila.

"Ang haba ng tulog mo kumain kana" sabi ni Mama tsaka umupo ng makitang ayos na ang lahat

"Baka gusto mong ipag sandok pa kita?" Taas kilay na sabi naman ni Talia

"Huwag mo'kong umpisahan baka magsisi ka" sabi ko at ngumisi

"Tsk!" Palatak nito na nagsimula ng sumandok ng pagkain niya

Magana kaming kumain mag iina kahit wala si Papa, gabi na kasi ito nakakauwi kaya madalang lang kung makasabay namin siya sa hapunan.

Umupo ako sa sala at hinilig ang ulo kay Mama, si Talia naman ay humiga at ginawang unan ang binti ko.

"Kakatapos mo lang kumain humiga kana agad" palo ko sa kanya

"Bakit ba tinatamad ako eh" sagot nito

"Busog ka kasi" sabat naman ni Mama

"Anong kinalaman nun sa paghiga ko" bulong naman nito

"Hayaan mong lumaki ang tiyan niya Ma para halata pagiging matakaw niya" sabi ko naman

"Mahihiga lang lalaki na agad ang tiyan?" Sabi nito na umupo at tinignan pa ang tiyan nito kung lumaki nga.

Tumawa naman ksmi ni Mama.

********

Seryoso kaming nanonood ng Saw at walang gustong magbasak ng katahimikan ng biglang lumangitngit ang pintuan. Napasigaw pa kaming dalawa ni Talia at nagyakapan ng unti unting bumukas ang pintuan.

"Mama!" Sigaw naming dalawa habang tawa naman ito ng tawa

"Napaano kayo?" Tarantang tanong naman ni Papa na nagmadaling lumapit sa amin.

"Natakot sa'yo" sagot ni Mama na tumawa

"Natakot sa akin? Bakit?" Tanong ni Papa

"Ewan ko sa'yo" sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Narinig ko naman nag explain si Mama kung bakit kami natakot at nakitawa narin si Papa. Sumimangot nalang ako at kinuha ang phone ko, makatawa si Mama parang hindi nakisigaw sa amin kanina.

Mula noong biyernes sinusubukan ko ng tawagan si Wolf pero out of coverage area. Mahirap talaga ang signal sa bundok kung suswertihin ka makaka connect ka lang kapag nasa batis ka kaso pawala wala rin kaya hindi ka pwedeng makatawag. Nag text ako sa kanya at nag send naman naman yon, hindi pa siya gaanong marunong mag basa pero kaya naman nitong basahin ang pangalan ko. Kapag nakita niyang nag text ako sigurado alam niyang hindi ko siya nakakalimutan.

Pumasok na sa kwarto si Talia at nahiga sa kama niya pero wala parin akong natatanggap na reply sa kanya. Sana lang ay tulog na siya. Ala una na ng madaling araw ng makatulog ako. Pag gising ko ay agad akong tumingin sa labas. Tuyo ang daan ibig sabihin hindi na umulan. Napangiti ako at nag umpisang mag handa para pumasok sa trabaho.

Buong umaga akong nakangiti kahit makukulit ang mga estudyante ko, mas lalo akong napapangiti kapag tumitingin sa labas at nakikita ang mainit na sikat ng araw. Isang oras nalang at matatapos na ang klase ko ngayong umaga, pero bago ako pumunta sa next class ko ay coffee break ko muna.

Umupo ako sa silya ko dito sa office namin ng makita ko ang Principal, tulad ko mukhang good mood siya ngayong araw. Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap ito sa phone niya hanggang sa magkasalubong ang paningin naming dalawa. Tumayo ito at lumapit sa akin ng ibaba nito ang phone niya.

"Kumusta Ms. Sotto?" Tanong nitosa'kin

"O-Okay lang po Ma'am kayo po kumusta?" Nautal ko pang sabi

"Mabuti naman sa awa ng Diyos" sagot nito at tinitigan ako "napansin ko kanina na nakatingin ka sa'kin, may gusto ka bang sabihin?" Tanong nito

"Gusto ko po kasi sanang mag leave muna kung maaari" hindi ko alam kung saan ko napulot ang ideyang iyon at kung bakit nasabi ko iyon.

"Oh! Kailan mo balak mag leave?" Tanong nito

"B-bukas" utal at mabilis na sagot ko

"Walang problema, ilang araw ba?" Nanlaki ang mga mata ko ng pumayag ito. Hindi ako makapaniwala, yung isang kasamahan namin kasi dati hindi niya pinayagan.

"One week po sana, babalik din ako ng trabaho this monday" mabilis na sagot kp

"Emergency ba iyan? Bakit biglaan yata? Anyway, ibigay mo sa akin schedule ng class mo para maayos ko" sabi nito

Malapad ang ngiting tumango ako sa Prinsipal at nagpasalamat. Agad kong inayos class schedule ko at lumapit sa mesa ng Prinsipal at binigay sa kanya iyon.

Hindi mapagkakaila na masaya ako. Kulang nalang ay tumalon talon ako at sumayaw habang naglalakad papunta sa next class ko.

Maiingay ang mga estudyanteng naabutan ko pero tumahimik sila ng makita na ako. Ngumiti ako sa kanila at kinumusta ang weekends nila, nag ingay ulit sila dahil sa pagsagot ng sabay sabay pero iba iba. Imbes na magalit ay nakangiting pinakinggan ko nalang sila.

*********