Chapter Eleven
Talitha's Pov
Mahimbing ng natutulog si Wolf habang pinapanood ko siya, kakatapos ko lang pakainin at hilamusan siya at mabuti nakatulog na siya. Lumapit sa akin si Yu at nilagay ang ulo niya sa legs ko. Hinimas ko ang ulo niya at pumikit ito, natutulog narin ang dalawa pang lobo pero ako'y gising na gising pa ang diwa.
Nahiga ako sa tabi ni Wolf patagilid at tinitigan siya. Tinanggal ko ang mahabang buhok nito na tumatakip sa kabilang mukha niya. Pinadaan ko ang hintuturong daliri ko sa kilay at ilong niya, makapal ang kilay nito at may matangos na ilong. Naiwan ang mga mata ko sa labi niya, hinaplos ang bahagyang nakabukas na bibig niya at inalis agad ng gumalaw siya.
Tumagilid ito sa pagkakahiga at minulat ang mga mata, nagkasalubong ang paningin naming dalawa. Inangat nito ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko, hinaplos niya ito hanggang sa muling pumikit ang mga mata niya at muling nakatulog siya.
******
Nagising ako dahil sa sikat ng araw, nasa higaan ako ni Wolf nakaunan at naka kumot pa. Inikot ko ang paningin ko at hindi ko siya makita, lumabas ako ng kweba pero wala talaga siya.
Inis na bumalik ako sa loob at parang baliw na nagsasalitang mag isa. Hindi pa kasi siya magaling pero nasa labas na siya. Tinignan ko ang oras at nakitang alas syete na pala ng umaga, sobrang puyat ba ako kaya late na akong nagising.
Niligpit ko ang pinagtulugan ko at binalik sa dating pwesto. Nagligpit na din ako ng kalat at inayos ang mga gamit namin doon. Nang maayos ko na ang lahat ay napangiti ako. Kung kaya ko lang sigurong magbuhat ng sofa dinala ko na din dito.
Binuksan ko ang bag ko at inilabas lahat mga pagkain na dala ko. Inayos ko iyon sa plastic rack shelves na lagayan namin ng mga grocery stocks namin. May mga natitira pang pagkain ang naroroon parang hindi ginalaw ni Wolf simula noong umalis ako. Napaisip tuloy ako kung ano ang kinain nila ng mga lobo.
Nakita ko yung tablet ni Wolf kaya kinuha ko iyon, lowbat siya kaya naman kinuha ko ang wireless charger ko at chinarge iyon. Napatingin ako sa labas ng makita si Wolf kasama si Yu, authomatic na tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa dalawa.
"Saan kayo galing?" Naka pamaywang na tanong ko
"Kumuha lang kami ng isda" sagot ni Wolf at tumahol naman si Yu
"At nasaan naman ang isda?" Tanong ko habang tinitignan sila
Lumingon sila sa likuran nila at nakita sina King at Empress na naglalakad may tig isang malalaking bangus sa bibig. Napangiti naman ako ng hindi sinasadya.
"Kumusta pakiramdam mo?" Lumapit ako sa kanya at nilagay ang palad sa noo niya "mainit kapa ah" salubong na kilay na sabi ko
"Mabuti na pakiramdam ko" sagot nito at kinuha ang kamay ko na nakahawak sa noo niya at nilagay sa pisngi nito
"Mainit ka parin paano kung mabinat ka"
"Nandito ka talaga diba?" Nakangiting tanong niya at kinuha rin ang isa ko pang kamay at inilagay din sa kabilang pisngi niya
"Wala ako dito nasa planet mars ako" sarkastikong sabi ko.
Nawala ang ngiti sa labi niya na tila pinoproseso pa ng utak niya ang sinabi ko. Napangiti naman ako at diniinan ang pagkakahawak ko sa pisngi niya, nanulis naman ang nguso nito na ikinatawa ko.
"Bakit wala ka nanaman suot pang itaas? Gusto mo na talagang mamatay? Sabihin mo lang ng makaalis na ako, ayokong may makasamang bangkay dito" mahigpit na yakap mula sa likod ko ang ginawa ni Wolf, idinikit din niya ang labi nito sa ulo ko.
"Huwag ka ng umalis" bulong nito. Hinawakan ko naman ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at niluwagan iyon.
"Kung ayaw mo akong umalis dapat maging mabait ka" nakangiting sabi ko
Mabilis itong tumango.
"Magiging mabait na ako basta huwag ka ng aalis" parang batang sabi nito
"Mabait ka naman eh, pero gusto ko mas maging mabait kapa, sundin mo mga sinasabi ko at huwag matigas ang ulo" sabi ko
Tumango ulit siya.
"Mangako ka hindi kana aalis" sabi nito na hinapit ako sa katawan niya
"Pangako hindi na muna ako aalis" sabi ko na ikinangiti niya. Inilapit nito ang noo niya sa noo ko at sa huli ay niyakap niya ako.
Naging masunurin naman si Wolf at sinusunod ang mga sinasabi ko, nagsusuot na siya ng t-shirt kahit may pagkakataon na parang naiirita ito. Ayoko naman pilitin siya sa ayaw niya, inaalala ko lang na baka mabinat siya.
Ininit ko yung mga pagkain na pinabaon sa akin ni Mama. Tuwang tuwa si Wolf ng tikman niya ang asadong baboy at fried chicken. Kung gusto lang niyang lumabas sa gubat na ito pwede ko siyang dalhin kung saan may masasarap na kainan, kaso ay ayaw niya.
*********
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagsabi ako na maliligo ako. Mukhang kahit hindi ko naman sabihin ay alam niya dahil bitbit ko yung gamit pampaligo ko.
"Sasamahan na kita" sabi nito na kinuha pa yung lagayan ng sabon ko. Kinuha ko naman sa kanya ulit iyon.
"Dito ka lang alam ko kung saan ang batis" inismiran ko siya at nakakailang hakbang palang ako ay napansin kong sumusunod siya "anong ginagawa mo?" Taas kilay na tanong ko
"Ihahatid lang kita" sagot nito
"Akala mo ba aalis ako? Maliligo nga lang ako"
"Wala kang kasama-"
"Kailangan ba may kasama akong maligo?"
"Ihahatid lang kita tapos aalis din agad ako"
"Bakit ihahatid mo pa ako kung aalis ka din agad? Paano kapag uuwi na ako? Diba pareho din naman? Kaya kong pumunta ng batis mag isa" tumuloy lang ako sa paglalakad pero sumunod parin siya
"Sige sumunod ka lang pagkatapos kong maligo uuwi na ako sa amin!" Sigaw ko sa kanya na ikinahinto naman nito sa paglalakad
"Awooo!" Alulong nito. Tinignan ko naman siya ng masama, sinabi ko na kasi sa kanya na huwag aalulong dahil hindi siya lobo.
Nagsilapitan naman ang tatlong lobo sa kanya. Tumahol siya at bigla nalang lumapit sa akin yung tatlong lobo. Hindi naman siguro niya inutos na saktan ako diba?
"Sila nalang ang sasama sa'yo para mabantayan ka din nila" sabi nito. Tumingin naman ako sa tatlo, tumahol at umalulong si Yu. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Kami nalang dalawa ni Empress para maliguan ko rin siya, bawal ang mga lalaki kaya diyan lang kayo" sabi ko kay Wolf umalulong din si Empress na tila sang ayon sa sinabi ko
Umalulong si Wolf na tila may sisnasabi kay Empress.
"Mag ingat kayo gamitin mo ang pitong binigay ko sa'yo kapag may problema" sabi nito
"Ano naman magiging problema" bulong ko pa tsaka inismiran siya "opo mag iingat po kami" kumaway ako sa kanya at sabay kami ni Empress na naglakad
Nang makarating kami sa batis ay nilabas ko agad ang phone ko, naghanap ako ng signal para masend yung text message ko kay Talia. Tumuntong ako sa isang tipak na bato, napangiti ako ng may makuhang signal ang phone ko kaya mabilis na sinend ko ang text ko.
Nagreply si Talia at sasabihin daw ang sinabi ko, nagbilin din siya ng pasalubong at agad naman akong nagreply ng okay. Mag ti text din sana ako kay Mama pero nawala na naman ang signal ko. Tumingin nalang ako kay Empress na naghihintay sa akin sa baba.
Hinubad ko ang mga suot ko at itinira nalang ay underwear ko. Lumusong ako sa tubig at tinawag si Empress para sabayan ako. Lumangoy ako at sumisid bago ko naisipang mag shampoo at magsabon. Umahon din si Empress at umupo sa tipak na batong kinauupuan ko. Nilagyan ko siya ng shampoo at natuwa ito sa mga bulang ginawa ko.
Lumusong ulit ako sa batis at inenjoy ang paglalangoy, ang linaw at ang lamig ng tubig tapos may makulit pa na aso na lumalangoy din sa tabi ko. Nakipag paligsahan pa ako kay Empress sa paglangoy at tawa ako ng tawa. Mas mabilis kasi akong lumangoy sa kanya pero talo naman ako pagdating sa sisiran, pag angat kasi nito may kagat na siyang isang isda.
Pinanood ko si Empress lumangoy hanggang sa umahon ito. Kinain niya ng sariwa ang isda pero hinayaan ko, may nabasa kasi ako dati na maganda sa katawan ng mga aso lalo na kapag wild animals ang mga sariwang isda. Agad nitong naubos yung isda pero hindi na siya lumusong ulit kaya naman inenjoy ko nalang mag isa ang tubig.
Pag ahon ko ay agad kong pinunasan ang buhok at katawan ko. Kinuha ko rin yung dala kong malinis na damit at sinuot iyon.
"Balik na tayo" aya ko kay Empress pero nagtaasan mga balahibo ko ng magsilabasan ang mga pangil nito. Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin at mga lobo na labas din ang mga pangil ang nakita ko na papalabas sa dinaanan rin namin kanina.
"Awooo!" Alulong ni Empress at umalulong din yung dalawang lobo. Dahan dahan lumalapit sa amin yung apat na lobo habang yung tatlo ay nakatingin lang sa amin.
Umurong ako at kinapa ang kwintas na binigay sa akin ni Wolf. Agad ko yung hinihipan at pagkatapos ng dalawang beses na pag ihip dito ay ang pagsalakay ng isang lobo.
Natumba ako at pinrotektahan ni Empress. Sabay sabay umatake ang lobo na ang talagang purtirya ay ako. Nakagat sa leeg at paa si Empress pero hindi parin niya hinayaan makalapit sa akin yung mga lobo.
Isang pamilyar na alulong naman ang narinig ko kasabay ang pagdating ni Wolf kasama si King at Yu. Sabay sabay umatake yung limang lobo sa kanila at naawa ako kay King ng makitang may sugat na ito sa parteng leeg niya. Natumba na ni King yung isang lobo at tumakbo naman palayo ang isa.
May mga sugat sa kamay at katawan si Wolf pero patuloy parin nitong nilalabanan ang isang lobo kahit kahoy lamang ang sandata nito. Wala naman akong magawa kundi ang umiyak habang pinapanood ko silang lahat na nasasaktan.
Muling umatake ang lobo at ngayon ay kagat kagat nito ang kahoy na ginagamit ni Wolf na panangga. Malapit ng maputol ang kahoy dahil sa pwersang pagkagat ng lobo at sasalakayin sana siya ni Empress pero inatake siya ng isa pang lobo.
Narinig kong nag crack ang kahoy at nakita ang paghati nito at naging dalawa. Mataas naman tumalon si Wolf sa likuran ng lobo kasabay at tinasak ang kahoy sa likuran nito na ikinabagsak agad ng lobo.
Walang pag aalinlangan na lumusob din siya sa isa pang lobo na kinakalaban ni King. Tila isa rin itong lobo kung kumilos at kinakagat din ang mga ito. Umiyak na parang tuta yung isang lobo ng sugatang bumagsak ito at ng makita siya ng iba pang natitirang kasama niya ay kumaripas ang mga ito ng takbo.
Nang mawala na sa paningin ko ang mga lobo ay agad kong nilapitan si Empress na puno ng dugo ang balahibo. Umiiyak na tinignan ko mga sugat niya at ang ilan dito ay malalalim. Lumapit si Yu at kiniskis ang ulo nito sa braso ko.
"Okay lang siya" sabi naman ni Wolf na binuhat si Empress
Umalulong naman si King at tinignan ko rin ang sugat niya sa leeg.
"Kaya mo bang maglakad?" aya ni Wolf sa akin na ikinatango ko "uwi na tayo para makapag pahinga sila" sabi pa nito.
Hindi ko naman mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya naman lumapit si Wolf sa akin at dinilaan ang mukha ko. Ngumiti ito ng makita niyang tumigil na ako sa pag iyak. Kahit sino naman siguro ay titigil sa kahit anong ganap sa buhay kapag ginawa niya ang ginawa nito sa akin.
Gumagalaw galaw si Empress na parang gustong magpababa pero binabawalan naman ito ni Wolf. Tumatahol si Yu habang nakatingin naman kay Wolf.
"Huwag makulit magagalit si Talitha" usap ni Wolf kay Empress. Lumapit naman ako sa kanila at hinimas ang ulo ni Empress. Kumawag naman ang buntot nito.
Pagkarating namin sa kweba ay kinuha ko agad yung palanggana at nilagyan ng tubig. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila dahil may dugo akong nakikita sa kanilang lahat.
Dahil mukhang mas malala si Empress kaya inuna ko na siya. Kinuha ko yung towel ko at pinunasan siya. Kinuha ko naman yung first aid kit na dinala ko noong unang magbalik ako dito. Inilabas ko lahat ang laman ng kit at unang kinuha ang solution at binuhos sa leeg ni Empress na may sugat. Nilinis ko iyon gamit ang bulak na may alcohol. Nilagyan ko din ng iodine ang sugat niya at antibiotic ointment bago tinakpan ng gasa ang sugat niya. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang parte ng katawan niyang may sugat.
Sunod kong ginamot ay si King, ayaw pa nga nitong lumapit sa akin noong una dahil mukhang natakot ng umiyak si Empress ng makaramdam ng hapdi habang nililinis ko mga sugat niya. Mabuti nalang at napapayag siya ni Wolf kaya naman agad ko siyang nagamot. Maliit lang ang sugat nito sa leeg at galos lang ang iba kaya yung leeg nalang niya ang tinakpan ko ng gasa.
Sa kabutihang palad ay walang natamong sugat si Yu, may mga dugo sa katawan niya at mabuti nalang ay hindi galing sa katawan niya mga iyon.
Pinalitan ko ang tubig at sinabon ang towel bago ko dalhin sa loob yung palanggana. Nilinis ko mga sugat ni Wolf at ang ilan dito ay malalalim. Wala akong narinig na reklamo sa kanya kahit alam kong mahapdi kapag napahiran ng alcohol mga sugat. Pinahiran ko rin ng antibiotic ointment mga sugat niya at tinakpan ng gasa ang malalaking sugat na natamo niya.
Parang wala naman nangyari na nagsisilikot na naman sila. Ngumiti nalang ako, ibig sabihin ay okay lang sila.
********