Chapter 28 Shoot with Tim
"After the class sabay na tayo mamaya sa studio. Direct Martin said we should be on time, I'm so excited.... Z.... Hey... Are you listening to me?"
I was still clouded by the memory of that party when Tim slightly caress my cheeks na nagpabalik sa akin sa reyalidad. We were here sa cafeteria to talk about the shoot yet hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga pictures na pumapasok sa isip ko.
"A-ahm yah. Where are we?" I immediately cleared my throat to ease the tension I was feeling before plastering a sweet smile na nagpakunot sa noo ni Tim.
"Are you okay? May sakit kaba? You looked... pale" Javier also said that yesterday nang makauwi ako sa condo. Hindi na niya ko tinigilan sa mga tanong niya, yet I still managed to give reasonings na I'm just exhausted with the shoot. But I know him, hindi siya maniniwala sakin lalo na't buhay ko na ang pagngiti sa camera.
"I'm okay. Anyways going back, I didn't expect na mag-aaudition ka for male position. I thought ayaw mo pang pumasok sa industry?" He smiled shyly and I don't know but I find it cute. Who would have thought na mahiyain pala ang isang Timothy Dixon.
"It just happened na my friend called me for this audition and of course when I heard about your name ay umoo na agad ako. You know what, my mom wants to meet you. She's a fan. Palagi ka niyang tinatanong sa akin" really? I never thought that mommies would love me. I mean, products for teens lang ang ineendorse ko, but I'm grateful, at least now I know na may parents din na sumusuporta sa akin.
And Tim, hindi malabong magbloom din ang pangalan niya sa industry, he has a looks, plus he's an athlete, complete package for a well define body.
"One of these days pakisabi sa mom mo na makikidinner ako sa bahay nyo. Kung okay lang say---"
"Of course I do. That's one of my dreams. Thank you. I assure you babalikbalikan mo yung cooking skills ni mom" bakas sa mukha nito ang saya and I was amazed how simple things matters to him.
We were just talking about his childhood nang may tumikhim sa likuran ko. It was Javier and buti nakaabot pa siya dahil sobrang busy nila ngayon sa plates. Actually kanina ko pa siyang hinihintay, pero hindi naman ako nag-eexpect na darating siya dahil na rin sa nagsabi na din siyang baka hindi na siya makakarating.
"Plates done? How was it?" I hold his hand tightly na siyang ikinalingon nito sa akin. Tsk! Why is he so grumpy?! Mabilis namang nawala ang kunot sa noo nito ng panlakihan ko siya ng mata. Hayy. Someone's jealous.
"Hindi pa. Kumain kana ba?" Actually no. I haven't eaten anything yet. Kahit anong pilit sakin kanina ni Tim ay tinatamad talaga akong kumain but now he's here, I already have my appetite back.
"Hmm. Dude mauna na rin ako. Z. Kitakits mamaya." Tim wink and I know na katarantaduhan na naman ang iniisip niya. So far, mas nakikita ko na sa kanya yung similarities naming dalawa. We both had an not so enjoyable childhood. Lumaki din siyang taong bahay katulad ko. And for some reason ay nakakarelate ako sa kanya.
"Bilis ahh. Close na kayo?" What? Agad na umupo si Javier sa inuupuan kanina ni Tim sa unahan ko. Nakahalukipkip ang mga braso nito at parang ano mang oras ay babalatan ako ng buhay. Damn! He's creepy in a way na meron pa ring sex appeal. Gosh! Ang halay.
"Why? I don't see any problem about it. Besides baka nakakalimutan mong one day pa lang naging magbest friends na tayo"
"That's different. Hindi ako nakipagkaibigan sayo. Ikaw yung nagconclude na magkaibigan na tayo"
Wow. I'm done. All these months that we've been through, hindi niya pala ako kino-consider as his friend. Grabe. Kung pwede lang bigwasan si Javier ay nagawa ko na.
"Ewan ko sayo. Dyan kana nga."
"Hoy!"
"Che!"
"I'm just kidding. Sungit. Wait"
"Stop following me, bibigwasan kita"
I showed him my fist at akmang lalapit ako sa kanya na siyang ikinaurong naman nito. See? Weak!
"Sungit! I swear binibir---"
"Uy lovers quarrel. Alam mo couz patawarin mo na. Ganyan sadya kaming mga lalaki mahilig gumawa ng kasalanan tapos saka magsosorry hehe"
Tsk! Hugot galing sa experienced ba yan?! Mukhang convincing ehh. Kakamot kamot ang batok na agad na umalis si bangin nang panlakihan siya ng mata ni Javier. Hayy. Wala talagang magandang sasabihin ang isang yon.
"Gagong pinsan mo yon ahh. Pinapahamak pa ak---"
"Hi Z! Hi Jose. Anong ginagawa nyo dito sa labas ng cafeteria?"
"Let them be Hannah. Weirdo talaga ang dalawang yan"
"Love what do you want to eat--.. Oww hi pre. Z."
God! Yung totoo bakit ba lahat sila nagsusulputan?! Si cliff, Enzo, sy, Hannah, Bea, and Mori na as usual ay tahimik pa rin.
"A-ahm Wala. Ihahatid ko na si sungit sa room niya"
Just like that. Nawala na sa isip ko ang pagtatampong nararamdaman ko kay javier. They converted my feelings to something more heavy nang magtagpo ang mga mata namin ni Mori. Kagabi pa akong naghihintay ng tawag niya, her hand, and her face, bakit may sugat siya.
I was scanning mori's face and body nang mapansin ako ni Bea. Damn! Observant talaga ang babaita!
"Nakipagbasag ulo na naman siguro si Mori kaya ganyan Z. You know hindi naman yan nagsasabi. Anyways, pasok na ko sa loob nagugutom na ko"
Bea said and buti na lang sumunod na sa kanya sina Sy habang nagpaiwan naman si Mori. I know na she's waiting for a right time to interfere para magkausap kaming dalawa. And thanks god dahil may biglang tumawag sa pangalan ni Javier. It was his classmate, and sa buong duration ng pag-uusap nila ay pasimpleng tumabi muna kami ni Mori to talk also about the man yesterday.
"Do you heard any news or lead about that man's boss?" I don't know if this is the right time to talk about it, but I know na hindi ako mapapanatag lalo na't may kaunting bagay na akong naalala noon. I'm not sure kung may kinalaman ba si JD sa mga nangyayari ngayon, pero kino-consider ko na siya as one of the primary suspect to this issue.
"It's hard Z. Tikom pa rin siya sa bawat impormasyon. I tried different ways para lang mapaamin siya. We had fight. And now the only thing I can do ay bantayan ka. Hangga't hindi pa siya nagsasalita ay kailangan mong mag-ingat. Hindi natin kilala ang kalaban mo. Even our closest friends pwedeng magtraydor. Here. Magagamit mo yan, just incase mahuli ako" she handed me a make up kit and I'm confused kung paano ito makakatulong. Is she giving me this para hindi ako mabored incase mahuli nila ako?! Damn! So, good luck kit pala to.
"Every little things inside that kit could give you different form of knives. Ikaw na ang bahala kung saan mo itatago o kung ano ang gagamitin mo. Be careful, hindi yan ordinaryong make up kit. Just like the comb, kapag tinanggal mo yung handle may knives na lalabas. Same as sa lahat ng bagay na nasa loob niyan. Call me when you need me. I'm just here at your back" she smiled at me before turning back para pumasok na sa loob ng cafeteria, and sakto naman ang paglapit sa akin ni Javier na katatapos lang ding makipag-usap sa classmate niya.
"Umalis na si Mori. Ano yan? Bagong collection?" Geez! Hindi pa rin ako makapaniwala na itong hawak ko ngayon ay pwedeng makapagpawala ng buhay nang isang tao. It's cool. But of course ayokong dumating sa punto na gagamitin ko talaga to.
"Ahm yah. Just a simple gift. Anyway, may klase ka pa right? Kaya ko na namang maglakad papunta sa room ko. Don't worry" he already know na kasama ko sa shoot si Tim. Actually sinabi ko na naman sa kanya kagabi and kahit ayoko ay nagpumilit pa rin siyang dumaan mamaya sa studio. He's busy with his plates yet ako pa rin yung inaalala niya. Hayy. Konti na lang ay aakalain ko ng nafafall na sa akin si javier.
"Okay. Basta after ko mafinalize yung draft ko for plates ay pupunta na agad ako sa studio. Hintayin mo ko don"
"Oo na"
"Behave sungit. Madami akong mata don"
"Tsk! Yun talaga yung inaalala mo."
"Aba syempre dapat hindi makalamang sakin yung mokong na yon" What?. Again, he's giving me false hope. He's so serious, and kaunting push na lang ay maniniwala na ako sa kanya.
"Hoy! Joke lang ito naman seryoso agad. Gusto lang talaga kitang bantayan kay Tim. Alam mo na mahirap na baka, ishoot to kill ako ni Tito" he awkwardly laughed and I don't know kung ano bang totoo sa mga sinabi niya.
Tipid na napangiti na lang ako nang magpaalam si Javier. I was just looking at him from a far, nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko.
"Tsk tsk tsk. I never thought na you have feelings for him. For my ex" adi sarcastically said, and it's funny knowing na alam pa rin pala niya ang posisyon niya sa buhay ni Javier.
After the dinner date, we never tried to talk. Kahit na magkatabi lang kami sa seats ay parang may pareho kaming mundo. Before I thought magiging magkaibigan kami. She's kind, her outside look was so angelic. And I know na kaya lang siya ganito ay dahil umaasa pa rin siya kay Javier. Which is napakaimposible ng mangyari.
"Poor Tim. Pinapaasa mo pa kasi. Binibigyan ng atensyon, nang oras tapos sa best friend din pala ang bagsak. Alam mo, hindi na ako magtataka kung one of these days marealized ni Lito and Tim na you're just a piece of trash na eventually itatapon nila" kung siguro ako pa rin yung dating Z. Baka hindi na siya nakapagsalita dahil sa mag-asawang sampal na ibibigay ko sa kanya. And yes, she's luckily, I still respect her for she's Javier's ex before.
"Done? You know what, you don't know me adi. Pasalamat ka hindi kita pinapatulan, now get your face out off my sight kung ayaw mong magbago pa ang desisyon ko" I said with gritted teeth na hindi man lang nagpatinag sa kanya. She's brave, no wonder hanggang ngayon ipinipilit pa rin niya yung sarili niya kay Javier.
Akmang tatalikod na ako sa kanya para pumuntang room nang magsalita ito na siyang ikinatigil ko sa paglalakad.
"You're right, hindi kita kilala. And I could tell and feel na hindi ka pa rin gaanong kilala ni Lito. Just to remind you dyan din ako nanggaling noon. I hide my passion in modeling. Because kilala ko si Lito, once na nafefeel niya na you're getting your life with your own, when he feels useless, that's when he realized na hindi mo na siya kailangan. Same scenario as me, at the end, mapuputol din"
Parang sirang plakang paulit-ulit sa isipan ko ang sinabing iyon ni adi. Kaya ba Javier asked me kung nagtitiwala pa ako sa kanya? Does he feel useless? Mawawala ba siya sakin?
I was asking myself a multiple times now, nang magdismiss ang prof ko sa araw na yon. Hindi ko na rin nakita pa si adi sa classroom dahil sa pagkalutang na nararamdaman ko.
"Z! Wait. Sabay na tayo. Hayy grabe daming pa-activity ni Sir Quirino, tapos si coach nagdedemand na for a good practice. Next week nga pala practice mo na for muse"
'Because kilala ko si Lito, once na nafefeel niya na you're getting your life with your own, when he feels useless, that's when he realized na hindi mo na siya kailangan. Same scenario as me, at the end, mapuputol din'
"Hey Z. Kanina ka pang tulala ahh. May problema ba?"
Hindi dapat ako nagpapaapekto sa sinasabi ni adi, what if sinasabi niya lang to for her to make a way, para makuha ulit si javier? Ganon na ba talaga siya kadesperada!
"A-ahm nothing. Let's go. Should I call Mang Tonyo? Or do you have a car?"
"Yah. I have. This way" hanggang sa makarating sa parking lot ng school ay nakaalalay pa rin ang kamay ni Tim sa braso ko. He's so gentleman in a way na hindi ako naaawkwardan sa mga hawak niya.
Hindi rin siya yung tipo ng tao na mangugulit tungkol sa iniisip ko kanina. I wonder bakit ako yung pinag-aaksayahan niya ng panahon. Madaming iba dyan, mga babaeng handang ibigay sa kanya ang lahat.
As he open the car's door ay nakaalalay pa rin siya sakin. I really love the concept of his car. Same as his personality and habits. It feels like nanunuod lang ako sa isang game ng basketball.
"I'm nervous Z. First time kong tumanggap ng shoot advertisement and ikaw pa yung partner ko. Any tips para mamaya?" I'm sure magiging effortless lang sa kanya ang ipapagawa ni direct Martin. I saw him before sa theater room. His performance was good and I'm sure mas maeenhance pa yon sa loob ng studio.
"Just be you. Claim the product as if it was really yours. Besides, hindi ka naman pababayaan ng buong team"
I smiled at him while he's driving and I hope sana walang mangyaring aberya ngayon.
"Z, can I ask you something?" Tim said and nagulat na lang ako ng marahan nitong hinawakan ang kamay ko na parang napapaso.
"Ahm. Yah. What is it?" I don't know why bigla akong kinabahan. He's so serious, at kung ano man ang itatanong niya ay hindi pa ako handa sa kung anong maaari kong isagot.
"I just want to make it clear, for my inner peace. Magkaibigan lang kayo ni Jose diba?" He looked at me seriously, na siyang ikinaiwas ko sa kanya ng tingin. Does friends do sex? Papayag ba ko kung wala akong nararamdaman para sa kanya. Sorry Tim. I'm not really as pure as what you think.
"Sorry. I-i.. I didn't me----"
"I'm not virgin anymore Tim. Nakipagsex ako sa taong walang nararamdaman para sakin" hindi ko alam kung saang lakas ng loob ako kumapit para sabihin yon sa harapan niya. Naiisip ko pa lang kung anong magiging reaction niya ay nasasaktan na ako. He's a good friend. Wala siyang ipinakitang kahit ano kundi kabutihan, that's why he deserves to know the truth. Kailangan niyang malaman na hindi ako matinong babae na inaakala niya. Kailangan niyang lumayo sakin dahil wala akong magandang maidudulot sa kanya.
Tahimik na napaluha na lang ako nang wala akong narinig na kahit ano galing kay Tim. His silence was a proof na hindi lang ako ang nasaktan, I know na mas nasaktan ko siya.
"I-im sorry T-tim. I'm sorry I hurt---"
"Si Jose ba? That jerk... At siya pa yung walang nararamdaman para sayo?! Bullshit!" The car stopped and napapikit na lang ako sa lakas ng paghampas nito sa manibela.
I'm sorry Tim.
"I can feel it Z. Alam kong hindi mo ako gusto. At alam ko ding masasaktan lang ako."
"T-tim"
I'm sorry. I didn't mean to hurt you. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko, ikaw ang mamahalin nito.
"Pero wala ehh... I still love you. Mahal na mahal kita Z. And if loving you means hurting myself, gagawin ko. You don't deserve him. I'm here. Ako na lang ang mahalin mo"
The love Tim's offering was the love I was looking for. Yung pagmamahal na alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. Yung pagmamahal na hindi mapapagod. Yung pagmamahal na alam kong tatanggapin pa rin ako. But that love was not for me. Masasaktan ko lang siya dahil araw-araw maaalala niya na hindi ako buo. Hinding hindi ako magiging buo para sa kanya.
"Listen Z. Kahit anong magyari ipaglalaban kita. Pagbibigyan ko si Jose na patunayan ang sarili niya sayo. At kung mahalin ka niya gaya ng pagmamahal ko sayo, kahit masakit.... magpaparaya ako."
"T-tim"
"Pero kung hindi I promised kukunin kita sa kanya"
Tim.
He hugged me tightly and ramdam ko sa bawat paghigpit ng yakap niya ang sakit. I was doing this to prevent the future heartbreak. Alam kong hindi pa ganon kalalim ang pagkagusto sa akin ni Tim. And I hope someday, mahanap niya yung babaeng magmamahal sa kanya ng buo. At kapag dumating ang panahong yon, ako ang magiging pinakamasayang babae sa lahat.
Muling umandar ang sasakyan palayo, pero hindi katulad kanina ay walang imik na nakatingin lang ako sa labas. It's awkward. Now I regret saying all those words lalo na ngayong may shoot pa kaming gagawin.
Nang makarating kami sa studio ay nakahanda na ang lahat. Nagtalo pa si ate Jodie and ate Roxy dahil pareho nilang gustong ayusan si Tim, and with their funny and crazy fight ay pansamantalang nawala ang bigat sa dibdib ko.
"Hurry guy's! Magagalit na si direct Martin! Z, alam mo na ang gagawin mo. Ikaw Tim, mukhang wala namang magiging problema sayo." Mamu said, na siyang ikinatango lang ni Tim. Everyone was now doing their assigned task, and the first thing we do ay magrecord sa recording room para sa voiceover. And I'm impressed sa ipinakitang good voice and acting ni Tim. Nawala din ang pagkailang na nararamdaman ko lalo na't hindi naman ipinaramdam sa akin ni Tim na iba ako sa kanya.
All in all we both enjoyed this shoot and kahit si direct Martin ay natuwa sa chemistry na ipinakita naming dalawa.
"Good job guy's! Naku, dalang dala ako sa emosyon nyo! Kahit ako ay mapapabili sa product na yan!"
"Inspired kasi si Z mamu kaya ayan. Ganon siguro yung epekto kapag may kasama kang adonisss!"
"Hay nako Roxy! Wag mo ngang ipaalala, mas lalong napapansin na matagal ka ng bakante!"
"Bakit? Hiyang hiya sayo bakla ha!"
Here they go again. After nang shoot ay agad kong binuksan ang cellphone ko to see kung darating ba si Javier pero hindi pa siya nagtetext, so nagpalit na muna ako ng clothes and niremoved ko na rin yung make up ko para kapag dumating siya ay yayayain ko na lang siyang magdinner sa labas.
Tim was also there in my dressing room and sa bathroom na lang ako nagpalit, hindi katulad noon na okay lang kahit pumasok sina ate Roxy, ate Jodie, o Mamu sa loob, of course Tim was different.
After kong magbihis ay lumabas na rin ako para ilagay sa bag ko yung clothes na sinuot ko kanina nang magtagpo ang mata namin ni Tim. He's topless yet wala namang kaso sakin yon. I've seen different bodies na before and Tim was one of them, plain, no malicious.
"Thanks kanina sa pagbuhat sa akin sa shoot. It's really hard. I'm amazed nagagawa mo yon nang walang takes"
Habang nagbibihis siya ay umupo na muna ako para makipag-usap sa kanya. It's nice to see na walang nagbago sa pakikitungo niya sakin. I'll be forever grateful to him.
"Kapag sinasabi kong gusto ko ang isang bagay. I really mean it."
"That's why, you accepted the New York's offer?"
Wait. Paano niya nalaman yon?! I was about to ask him, kung sinong nagsabi sa kanya nang biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Javier na taimtim na nakatingin sa akin. Habang nasa likod nito si ate Jodie na mukhang kasama din nito papasok. Oh god!
"Aalis ka? At hindi mo man lang ako inalala" damn! I forgot to tell him, nawala sa isip ko kagabi. But I swear sasabihin ko naman sa kanya!
"I-i... I forgot Javier, but actually sasab----"
"Tsk. Wala ka namang obligasyon na sabihin sa kanya Z. He's just your friend. At ang kaibigan na katulad niya dapat tinuturuan ng leksyon"
"Oh my god!"
"Tim!"
I couldn't stop myself from screaming nang bigla na lang bumulagta sa sahig si Javier, at wala pang ilang minuto ay tumayo ito at nagpalitan na sila ng suntok.
Damnit, mamaya ako ang susuntok sa kanila!