Chapter 29 First Fight
"Bakit hindi mo sinabi sakin na aalis ka? At kay Tim ko pa nalaman. Damnit Z!"
"I was supposed to say it yesterday, pero nawala sa isip ko. Kung pinakinggan mo lang ako kanina sa studio, hindi na sana nagkagulo!"
"Wow! Pati pagsuntok ni Tim sakin mo sinisi. Sino ba nagsimula? Gumanti lang ak---"
"Na hindi dapat! You should stop yourself. Ikaw yung mas nakakaintindi"
I sighed heavily before sitting on the couch. I don't know what to say anymore. After their fight, walang imik na hinigit lang ako ni Javier palayo. Just like that, without saying anything sa mga co-workers ko. Even direct Martin witnessed kung anong nangyaring rambulan sa mismong dressing room ko. They ruined the night for me.
"Magpahinga kana. May tatapusin pa kong draft, bukas na lang tayo mag-usap" wala na akong nagawa pa ng tumalikod si Javier paalis. He looks exhausted yet dumagdag pa ako sa isipin niya. Ngayon ko lang napansin ang magulo nitong buhok, at uniform na halatang nagmamadali ito kanina. His bag was also open and mabuti na lang hindi nahulog ang ilang gamit nito sa loob.
I feel guilty, I shouldn't said that to him. I'll make it up to him tomorrow, I promised.
Hanggang sa makatulog ay iniisip ko pa rin kung paano ako makakabawi sa kanya. Should I make dinner for us, or sa isang resto na lang?! I was so excited to do things right, kaya nang magising ay hinanap agad ng mga mata ko si Javier. Sa isiping nasa kitchen ito ay doon agad ako nagtungo, balak ko sanang gulatin ito pero ako ang mas nagulat ng wala akong nakitang ni anino ni Javier. Everything in the kitchen seems untouched.
Dali-dali namang nagtungo ako sa room nito, hoping na naroroon siya, pero bumungad lang sa akin ang napakaayos nitong kwarto. His bed was well organized and hindi ko akalaing umalis na agad siya. Wala sa sariling napangiti na lang ako habang may ilang butil nang luhang umaagos sa mga mata ko. I can't help it, nararamdaman ko na naman yung pakiramdam na hinihintay ko na lang yung panahon na iiwan ako ng isang taong mahalaga sa akin.
~
"Pack your things Z! Ilang beses ko na tong sinasabi sayo. Nay Sabel pakitulungan yung bata, hon anong oras ng meeting sa board"
I don't want to leave. Ilang beses ko na ding sinabi kina mom na hindi na ako magbibigay ng sakit ng ulo sa kanila. My friends were here, my life was here. Tomorrow was my graduation day, hindi pwedeng wala ako don!
"Dad, just this once please give me a chance to prove that I can do better. Hindi na po ako tatakas, I'll beha---"
"Buo na ang desisyon namin ng mommy mo, mas mabuting doon ka muna sa Lolo mo sa batangas. Mas magtatanda ka don"
"Pero dad, how about my gradua---"
"We said no Z! And that's final!"
I feel like pinagkakaisahan ako that time. Their decision wasn't for me, it was for them. I know I'm such a burden, everyone na napapalapit sa akin ay umaalis dahil nabibigatan na silang kasama ako, even my own parents.
"Papa, kayo na ho ang bahala kay Z. She will do better here kung kayo ang kasama niya."
Mom said looking at me, I feel bad for myself. When they left, wala akong ginawa kundi ang umiyak. It was my first heartbreak. Realizing kung paano naggive up sa akin ang parents ko ay yon na ang pinakamasakit sa lahat. That's why I still do the things na magpapasaya sakin. Umaalis pa rin ako ng palihim sa bahay ni Lolo.
I enjoyed partying with my high school friends. And then I met Sy, she's one of my closest friend. I treated her as my sister. I thought it was now perfect, we shared experiences and nagplano na rin kami ng university na papasukan. But when my last year in high school came, dumating na ulit sina mom para kuhanin ako.
It's hard. Kung kailan nasasanay na ako ay saka naman nila ako ilalayo. That's why I learned not to engage myself more with other people. But now I break that rule I made years ago.
"Okay, turn around. Perfect! Chin up, gandaaa!."
Ate gay giggled and bakas sa mukha ng kateam mates ni Tim ang saya nang makita ako kanina. Ilang years na ring hindi nananalo ang university sa muse and I know kahit hindi nila sabihin ay umaasa silang lahat na maibabalik ko ito.
"Bok, buti napapayag mo si Z. Hindi ka ba busy sa shoot mo? Naku! Bigatin to!" Axel said and siya lang yung nakikipag usap sa akin simula kanina. I already know them, pinakilala sila kanina ni Tim. This talkative guy here is axel, katabi niya si Airo na siyang pinakamatangkad sa kanila. Tim said he's the slum dunk guy. While si Klent naman ang siyang pinakatahimik sa kanila.
Naintriga din ako sa twin brother na si Essex at Acen. They're not look the same. Essex has that naughty aura habang may sense of humor naman si Acen. Makikita na agad ang pagkakaiba nila sa taling. Dahil napakaputi nilang dalawa ay napakadami ding taling sa mukha ni Essex habang sa braso naman si Acen.
"Hi Z. Pinopormahan ka ba ni Tim? Naku, madaming babae yan"
"Hoy hindi ahh. Bawiin mo yon gago ka!" Naiiling na natawa na lang ako kay Acen at Tim na naghahabulan sa covered court. I never thought na may pagkachildish pala si Tim.
"Mukhang malakas ang tama sayo ni Tim ahh. Ej nga pala. Short for Essex Jax, ayoko kasi ng tinatawag ako sa real name ko."
"Palibhasa bok mahilig ka sa se---"
"Gago hindi ahh" Gosh! Puro mga baliw ang kasama ko ngayon. Umupo na lang muna ako sa isang monoblock habang nagpapahinga. It's so nice having this session with them, I mean hindi lang kami excuse sa klase, may mga tutor din ako sa basketball.
"Who's your team captain?" I noticed konti lang sila ngayon. And wala silang pinakikilalang team captain sa akin. Are they doing basketball without captain?!
They all looked at each other and feeling ko kasalanang banggitin ang tungkol doon.
"Actually meron, kaso nadamay siya sa isang trahedya. Malapit na din yung one year death anniversary niya. Kaya ipinangako talaga namin na hindi kami maghahanap ng ibang team captain maliban sa kanya"
"I'm sorry to hear that" hindi ko akalaing ganon kalungkot ang pinagdaanan ng grupo nila. It's really hard losing someone lalo na't nakikita ko sa kanila na mahal nila ang isa't isa
"Okay na yon. Matagal na naming natanggap." I'm still curious about their team captain pero hindi na lang ako nagtanong dahil ramdam ko ang pag-iiba ng atmosphere nang tinanong ko yon sa kanila.
Nang magsimula na ulit ang pagrampa ko ay saktong dumating din si Coach para sa practice game nila. They are all good, and makikita talaga ang dedikasyon nilang lahat sa paglalaro. It was as if they were doing this for their team captain.
I was enjoying their company nang biglang sumagi sa isip ko si Javier. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakakausap o nakikita man lang. He's probably mad at me dahil sa pagsigaw ko kagabi about sa pagsusuntukan nila ni Tim. Hindi rin nito ako tinetext kaya hindi na lang rin ako nagpadala pa ng mensahe sa kanya.
After the practice ay magkakasama na kaming lumabas sa gym para bumili ng food sa cafeteria. At hindi ko na rin mabilang kung ilang pagbubura ng text messages ang nagawa ko, na hindi ko man lang nasesend kay Javier. Balak ko sana siyang yayain magsnack pero palagi akong pinanghihinaan ng loob.
"Z, pasensya nga pala sa mga kasamahan ko. Sadyang mga makakapal lang ang mukha ng mga yon" Actually dahil sa kanila kaya hindi ako nabored, at pansamantala ko ding nakalimutan ang problema ko. It's so refreshing meeting bravest people.
"It's okay Tim. Nothing to worry, besides I enjoyed your groups company. It feels light being with your team"
Malapit na kami sa harap ng cafeteria nang makasalubong ko si Javier papasok. He's just looking at me, and I don't know why feeling ko matagal ko siyang hindi nakausap. Lalapit na sana ako para yakapin siya at humingi ng sorry nang biglang may pumulupot na kamay sa braso nito.
"Lito bakit ka ba nagmamadali, are you afraid t----... Oh hi Z. Tim. How's practice?! I bet nag-enjoy kayo, you know, it's like a date." Wala akong pakialam sa sinasabi ni adi, gusto kong makausap si javier. Why all of the sudden ay naging ganito siya kalamig?! It was just one mistake! O mistake bang matatawag na nakalimutan ko lang talaga?! Napakababaw naman niya para magalit sa napakasimpleng dahilan!
Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang hindi ako kausapin. Did he really want to end this huh?! Naiiling na agad ko silang nilampasan habang nasa likod ko pa rin si Tim. It hurts. Parang bumabalik na ulit kami sa dati na hindi magkakilala.
"Hey, you okay?! Pwede naman tayong kumain sa labas. Or in the gym, take out na lang ta---"
"No Tim. I'm okay." Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagbili ng food na kakainin ko and kina Sy na table na rin ako umupo. They were just asking me questions about Javier kung bakit hindi kami magkasama pero sinabi ko na lang na busy ako sa pagpapractice at siya sa plates. Habang tahimik lang na kumakain si Tim sa tabi ko na gaya ng iba ay nag-aalala sa friendship namin ni Javier.
I'm okay. Siguro bibigyan ko muna siya ng time pa para mag-isip. It's not that heavy naman, hindi ganon kabigat ang patawarin ako lalo na't hindi ko naman sinasadya.
"Sinong G sa night out? Let's shake all the bad vibes away. What do you think?" Bea's right, siguro kailangan ko munang maglibang ngayon. I really really need a hard drinks for this problem to back off!
"We're on it!"
"Lov-----"
"Without boys!!!"
Sy said na siyang ikinabagsak ng balikat ni Enzo at nang iba pang boys. Tsk! Really Tim and Cliff!
Nang matapos ang masayang snacks ay nagdesisyon akong magpractice pa rin kahit na pwede namang akong pumasok sa klase. I just don't want the idea of adi beside me in our seats so mas okay na dito muna ako sa gym. Umuwi na rin si ate gay kanina kaya't sariling sikap ako ngayon, but actually nanuod lang ata ako ng practice nila the whole afternoon, and sinama din nila ako sa labas ng campus para bumili ng cafe sa Starbucks.
Ngayon ko lang din nalaman na pwede palang lumabas ang mga athletes! That's why I suggested na mamaya na kami bumalik na siyang sinang-ayunan naman nilang lahat. Gosh! I can't believe na may free access na ko sa labas, by just being with them.
"Gago axel ibalik mo yan don, inubos mo na yung tissue dito" Essex said sabay tawa na akala mo ay hindi niya rin ginagawa. Tsk! Ano bang trip nila?!
"Kawatan ng tissue talaga yang si Axe at Sex, they always forgot to bring their own towel that's why yan ang pinagdidiskitahan nila"
"Hoy Airo! Ej hindi sex. Tarantado"
Hindi ko alam kung sadyang masayahin lang sila, or talagang trip lang nila ang isa't isa. I wonder, may girlfriends kaya sila?!
"Do you guys have girlfriends? I mean, a special girl?" They all give me a dead pun look, and I don't know kung bakit ganon ang reaksyon nila. What? I was just curious gosh!
"I like you Z, but no, I preferred Tim for you"
"Yah, my twin brother was right. Hindi kami naiinlove sa bebe ng iba, so, sorry pass"
"Me too"
"Same here"
What the hell! Are they for real?! Bigla na lang sumakit ang ulo ko looking how serious they are. God! They are unbelievable!
"She's pertaining to your flings. Thanks me later mga bok"
Klent said before plugging his headset again. How the hell, he can still hear us despite the music he's hearing. Natatawang tumingin lang sakin si Tim na hindi man lang ako tinulungan sa pagpapaintindi sa kanila. God! He loves seeing how idiots his friends are.
"Ito kasing si Essex pinahamak pa kami."
"Naknamputcha, gumaya na nga lang kayo ako pa sinisi nyo" hayy! Bakit kaya hindi na lang nila sagutin yung tanong ko. Gosh!
"Ako wala, si Airo naman meron sa kabilang university, si kambal madami yan iba iba kada araw----"
"Hoy Ace kapatid mo pa r---"
"... tapos si Axe wala yan halata naman siguro. Si Klent naman wala din gamer yan ehh walang time"
I can't believe na wala si axel, he looks playboy and talkative to girls. Even ace and Klent, nasa higher grade na sila ehh, sa third year. Both criminology, while si Essex naman ay medtech, at seaman naman si Axe and Airo. Their course's were all manly, except kay Tim na nasa creative design dept.
"You know what Z, from the past years that we had a muse, ikaw lang yung interesting and sister like."
"Tama si Ace, simula ngayon kapatid kana namin tapos pagbabawalan ka namin kay Tim" hayts. Halos magtinginan na saamin ang ibang tao sa loob ng Starbucks dahil sa ingay nilang lahat. Imagine having this different hunk man beside me, nagmumukha talaga akong little sister sa kanila.
Nang matapos kaming magkwentuhan at katuwaan ay hinatid na rin nila ako sa room. Ayoko na sanang magpahatid kanina kaso nagpumilit silang lahat. And ang ending sa corridor pa lang ay agaw pansin na sila ng ibang mga students.
"WAHH! Bakit nandito ang mga varsity!"
"Hinahatid siguro si Z, ang swerte naman niya!"
"Ang cute ni Essex!"
"Alam mo bang naging ex yan ng ate ko"
"Talaga?"
"First time nilang nakadaan sa creative dept ahh!"
"Oo nga ehh. Busy daw kasi sa sports game na magaganap. Tsaka diba si Acen, Essex at Klent nasa higher grade na"
Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa boys na ngumingiti lang sa mga estudyanteng napaparaan. Habang mukhang nawalan ng dugo si Essex sa narinig sa estudyanteng ex daw ang ate nito.
"You can go now boys. Gumagawa na kayo ng gulo sa department ko" taas ang kilay na saad ko habang mukhang tuwang tuwa pa sila sa atensyong nakukuha. Damn! Playboy!
"Says the one who turned the University into celebrity's house." What? Ano namang ginawa ko aber! Nang halos magsilabasan na ang mga students sa kani-kanilang room ay pabirong tinulak ko na sila paalis habang nagpaiwan naman si Tim na mukhang may balak na ring pumasok sa last subject namin sa araw na yon.
Nagulat pa ang prof namin sa Life of Rizal's subject pero pinapasok na rin kami. Hihigitin na sana ako ni Tim paupo sa tabi niya pero mas natrilled akong umupo sa tabi ni adi. She looks bitter and insecure nang makita kami kanina. And I bet hindi ganon kaganda ang trato sa kanya ni Javier. Poor her, hinding hindi siya magiging katulad ko.
"Hi adi, kamusta ang nakaw na sandali with Javier." I sweetly smiled at her, while still looking at the board. I missed her, I missed teasing her hanggang sa hindi na niya kayanin ang panunura ko.
"Actually mas okay nang wala ka. We had fun, and sad to say kailangang maend yon kanina, but I was no longer worried dahil magdidinner kami sa house." Okay. Hindi rin naman ako uuwi sa condo, so we're quits!
Gusto ko pa sanang magsalita pero mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang discussion sa unahan. At nang matapos ito ay iniligpit ko na agad ang mga notes kong pakitang tao lang kahit wala naman talaga akong naisulat.
Lalabas na sana ako ng room nang mapansin ko si Javier na nasa labas nito. Kung noon ay excited akong lalabas para salubungin siya, but today was different, hinintay ko pang makalabas si adi bago ko dahan dahang inayos muli ang naayos ko ng bag para may maidahilan ako kay Tim na nakaupo na rin sa harapan ko.
"Mauna kana Tim. Hihintayin ko pa kasi sina Sy. You already know about the night out right?"
"Yah. Are we really not allowed to come in? I mean, you girls can still do whatever you wante----"
"No Tim. Mori was there, she can handle us" I heard his heavy sighed and after kong maayos kuno yung bag ko ay lumabas na rin ako. I wasn't expecting adi and Javier sa labas nang room pero hindi ko na lang sila pinansin pa.
Tim was still following me hanggang sa labas ng university and nang makita ko na sina Sy, Hannah, Bea and Mori sa labas ay kusa na siyang tumalikod para pumunta sa sasakyan niya. I just bid him good bye, and hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Mang Tonyo para sunduin kami.
"So where's Enzo? Buti pumayag siya" knowing that guy, daig pa niya ang tuko na hindi humihiwalay kay Sy.
"We made a deal na siya yung susundo sakin so yeah, after I passed out call him for me" whoa! It's exciting. I can't wait to drink all the alcohol in that bar.
"Anyways, makikitulog na lang ako sa inyo Hannah babes. Ayokong umuwi sa condo, and Mori samahan mo ko" malapit lang naman yung house ni Hannah, and hindi naman ako pwedeng umuwi sa bahay dahil malalagot naman ako kay dad.
Huminto ang sasakyan sa condo para makapagpalit kaming lahat. Actually idea ko lang to and wala naman silang magagawa kundi ang sumang-ayon dahil hindi ko sila tatantanan.
"Really Z? Sobrang revealing nito! Magpanty at bra na lang kaya tayo!" Kill joy na nga sila sa request kong mag over night kami sa hotel and small portion of skin lang naman yung makikita!
"Wear it na girls. I promised, worth it yan. Let's gooooo!"
Nang matapos silang makapagbihis ay minake-upan ko naman sila. Damn! We all looked fresh.
"Let's go girls. Phone's up, turn off nating lahat!"
"What? Enzo will kill me"
"Hayaan mo na kantahan mo na lang." I wink at her and nang huminto muli si Mang Tonyo sa harapan namin ay sinabihan ko din siyang ioff ang phone, kahit na malalagot naman ako kay dad incase na tawagan nito si Mang Tonyo but for now ay hindi ko muna poproblemahin yon. I was here to enjoy and be free.
Habang nasa byahe ay hindi ko naman maiwasang maalala ang seryosong mukha ni Javier kanina. It was as if he's telling me not to go without him. Damn you Javier! Damn you from breaking my heart!