Chapter 27 My past
I was now here in our studio kung saan ishoshoot ang advertisement para sa isang kilalang brand and hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Javier sa kitchen.
That time, I was so close on telling him about the threat. Pansamantala ay nakalimutan ko kung bakit hindi ko dapat ipaalam sa kanya. I was so desperate to tell him na I needed him, na natatakot ako. But things really do changed when Mori showed up to stop me from dragging Javier to my problem.
"Zzz! Alaga! May good news ako sayo! Yung designer sa NYC! Interesado sila sayo!!!"
New York? Aalis ako? Paano sina dad, yung problema dito. Hindi ako pwedeng umalis.
Bakas sa mukha nila ang saya habang hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. NYC, hindi pa Paris. I know na magandang opportunity yon pero hindi ko kayang maging masaya habang alam kong baka may ibang mangyari dito.
"Ayy bongga! Maisusuot na natin yung pangwinter bakla! Yung beauty talaga nitong alaga natin ay pang- international"
"Sinabi mo pa Roxy. Syempre si Z pa ba. Alam naman nating lahat na kakabugin nito ang kanyang mudrakels. Biruin mo kahit sa kasuluksulukan ng maynila may nagpapapicture sakin. Ang lakas talaga ni Z sa mga tao"
"Ikaw Joaqy, wala bang nanghihingi ng picture sayo ni Z? Naku, sinasabi ko na, baka pati camera mo matangay"
My face was now all over the billboard here in Manila. And this advertisement, alam kong mas dadami pa ang taong makakakilala sakin. Slowly but surely I know I was now on my way to Paris project. And NYC, alam kong mas mapapadali ang pagpunta ko sa Paris kung tatanggapin ko yon.
"Teka lang mga bakla. Okay ka lang ba Z? Tatanggapin mo ba yung sa New York?. Malaking opportunity yon lalo na sayo. Madaming designer, agencies ang manonood! Baka isa ka sa mapipili papuntang Paris!!!"
Ate Jodie was right. Mas madaming opportunity kung tatanggapin ko yung sa New York. Hindi ko na kakailanganin pang lumaban para makuha ang Paris project. Because I know, kahit sa ibang agency ako dalhin basta sa Paris okay na ako.
"Don't worry Z. May binigay namang palugit si Mrs. Jones, one week dapat nakapagdesisyon kana. Pero, alaga, kailangan pa bang pagdesisyonan yan?" They were all looking at me, in my reflection in the mirror. And I know na nangako ako sa kanila na dadalhin ko sila sa ibang bansa. I promised to get Paris project. And yes, hindi pa rin nababago ang desisyon kong yon.
"Of course not Mamu. Pero kailangan ko pa ring magpaalam sa parents ko. Si Javier. Sa mga profs ko." ... and kailangan ko ding siguraduhin kung okay lang ba na umalis ako. Kung walang mangyayaring gulo.
"Ay sus, parents at prof ba talaga? O si Jose? Ilang araw lang naman tayo don Z. Sigurado naman ako na maiintindihan ka ni Jose. Diba nga palagi niyang pinapadala sakin yung sulat. Ohh aminin. Para sa pangarap"
Mamu said and wala na akong natanggap kundi pangbubully galing sa kanilang lahat. Tsk. Kung hindi pa nagsimula ang shoot ay hindi sila titigil sa pang-ookra sa akin. Javier's my friend..... .. my special and naughty friend."..... love yourself more, mag- cleansing na!"
"Perfect! Napakahusay! Cut na muna tayo dyan, tapos bukas, Z nasabi na ba sayo ng manager mo na kailangan mo ng partner. Bukas, continue natin with partner ha. Okay. Prepare for tomorrow"
Partner?! Agad akong napatingin kay mamu dahil sa sinabi ni Direct Martin. I thought yung brand na yon ay for girls only?
Kahit naguguluhan ay agad akong pumunta sa dressing room para magpalit, I also removed my makeup and nang matapos ako ay nasa labas na si Mamu.
"Ahh Z. Nakalimutan kong sabihin sayo naexcite kasi ako sa offer sa New York. Anyways, may nag audition na para sa guy. Diba yun yung kasama mo noon sa condo, yung poging atleta."
Wait. What?
"Si Tim?"
"Oo yan. Yon nga. Ang alam ko kaninang umaga nagsimula yung audition, tapos yan yung maagang pumila."
Does it means, hindi practice game yung pinuntahan niya. I thought ayaw niya pang pumasok sa industry?!
"Teka Z ha. Tinatawag lang ako ni direct. Good luck tomorrow." I immediately nodded and sinakbit ko na rin yung bag ko dahil may dadaanan pa ako bago umuwi sa condo.
Hindi na ako nagpasundo kay Mang Tonyo dahil kaya ko na namang magcommute, tsaka dadaan lang ako kina Tita Nelda para mangamusta. For once, before I distance myself to them I just want to see and have a light talk to get some advices na rin kay Tita.
Nang may tumigil na taxi sa harapan ko ay agad kong sinabi ang address ng bahay nina Javier. Medyo papahapon na rin and mabuti na lang ay hindi pa tumatawag o nagtetext sa akin si javier. He maybe busy entertaining the guys, because I heard earlier na hindi pa sila uuwi.
Wala sa sariling napatingin na lang ako sa labas ng window para pagmasdan ang papalubog na araw. I remembered Javier, how I misunderstood him about his relationship with adi. Maybe I should accept NYC's offer. Afterall plano ko din namang dumistansya muna sa kanila.
Malapit na kami sa bahay nina Javier nang biglang magring ang phone ko. It was Mori and hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil hindi naman siya madalas tumawag sakin.
"Hell----"
"Z! Listen, someone is following you!"
What?! Halos matanggal ang puso ko dahil sa kaba pero hindi ko ipinakita kay kuya'ng driver na may sumusunod sa amin. I was now observing and looking at the SUV from the rearview mirror and mula rito ay kitang kita ko kung paano ito mag-overtake sa ibang sasakyan. Damn! We just need to turn left and malapit na kami sa bahay nina Javier, but I know it was a wrong move dahil pwede nito kaming sagasaan.
"Kuya, I changed my mind, sa pinakamalapit na mall nyo na lang po ako ibaba" now I regret na hindi magpasundo kay Mang Tonyo. Nang lumiko pakanan ang taxi ay hindi ko na masyadong nakita pa ang SUV dahil na rin sa daming sasakyan na bumibyahe ngayon. I heard mori's heavy sighed sa kabilang linya and now I realized na hindi ko pa pala napapatay ang tawag mula sa kanya.
"Mori. How did you know na may sumusunod sakin?" I whispered, assuring na hindi ako mapaparinig ni kuya driver.
"I was tracking your phone. And when I saw you stepping out of your studio, I have a hint na hindi ka uuwi sa condo mo, so I followed you. Meet me inside the mall. Ako na ang bahala sa sumusunod sayo" Damn this girl! Kailan pa siya naging magaling sa panghuhula?! And to think na napredict niya agad na hindi ako uuwi, God! She's a monster.
Nang mawala sa kabilang linya si Mori ay saktong may narinig akong pagsabog sa likuran. I immediately open the taxi's window at ang tanging nakita ko na lang ay isang sasakyang umuusok, habang nasa unahan nito ang isang babae na nakasakay sa motor. The hell! Why did she blown up the SUV.
Hanggang sa makarating sa mall ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa yon ni Mori. Alam kong hindi siya nakita nang ibang byahero dahil sa laki ng usok na nagawa nito. And I think hindi niya totally pinasabog yung whole SUV dahil hindi naman ganon kalakas yung pagsabog. And of course, baka madaming madamay kung pinasabog niya man to ng tuluyan.
I just texted Mori na magkita na lang kami sa isang stall, and while waiting ay umorder na rin ako ng ice cream para mawala ang tensyon sa katawan ko. People were talking and walking passed by me. And despite the tension I was feeling ay nagawa ko pang magcelebrate dahil sa picture kong nakapaskil sa isang stall. I remembered that product, that's my first cosmetic shoot!
I was still mesmerized looking at my poster, when a hand suddenly touched my shoulder that makes me stiff. Shit! Did someone recognized me?!
"Z. Are you okay?!" Just by hearing mori's voice ay muling bumalik ang dugo ko sa katawan. Damn! Kailan pa ako naging paranoid! She's wearing a leather jacket, silk pants and a boots. Nakapony tail din ito at nakamask para siguraduhing walang makakakilala sa kanya. God! She looks like an agent!
"Hmm yah. Ikaw? How the hell did you do that?! Pinasabog mo yung SUV?" I whispered while looking sa mga taong dumaraan sa table naming dalawa. Gosh! Ang weird nang suot niya kaya madaming tumitingin sa pwesto namin ngayon. And I wished walang makakilala sa akin.
"No." Tipid na saad nito na ikinairap ko lang. Tsk! Hindi talaga siya marunong mag-explain hanggang hindi ko naitatanong. Great! So much for being a hushed person.
"No? What do you mean no?" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi palasalita si Mori. When our friendship started talagang ganyan lang siya. That's why many people misunderstood her dahil hindi naman siya mahilig mag-explain. Kung ano yung pinaniniwalaan ng iba tungkol sa kanya kahit mali ay hinahayaan niya lang. We're very opposite yet I still love her.
"I planted a fake bomb, just a small one to make a smoke. And the explosion, it's a recorded sound to make it real. Binutas ko lang yung gulong para hindi na makasunod sayo. I also see the man's face, pinatulog ko lang siya dahil dadalhin na siya ng mga tauhan ni dad sa warehouse, ako nang bahala sa kanya" oh my! She's so creepy! Kung hindi ko lang kilala si Mori ay baka tumakbo na ako palayo sa kanya. Who would have thought that she has this skills! I mean, we never know na she's a well trained fighter. All my life akala ko mas malakas at mas matatag ako kesa sa kanya. But now looking at how far Mori can do, I admired her braveness.
"Pwede ba kong sumama sa warehouse? I wanted to know who's that guy is. And who's boss he's working on" desididong tanong ko and hindi ko mapigilang ilabas ang galit na kinikimkim ko lalo na ngayong nakikita ko na kung ano ang kaya nilang gawin.
One more move with them ay hindi ako magdadalawang isip na ibalik sa kanila kung anong ginagawa nila sa akin ngayon. I just need to know who's the mastermind behind it. And everything will fall in my hands.
"No Z. It's getting late. Maghihinala si Jose kapag nagtagal ka pa. I'll call you later tungkol sa impormasyong makukuha ko. But for now, kailangan mo ng umuwi. I called Mang Tonyo, nasa labas na siya ng mall." I sighed heavily, giving up dahil wala naman akong magagawa sa ngayon kundi ang sumunod kay Mori.
Bumili na rin ako ng mga damit sa isang stall para sa acting na gagawin ko mamaya. Damn! Kung pinayagan lang ako ni Mori na sumama sa warehouse edi sana ay masusulit ko itong pagpapanggap ko na nagshopping ako sa mall.
Nasa likod ko lang si Mori habang naglalakad ako papunta sa nakaparadang sasakyan ni Mang Tonyo, and nang maisarado ko ito ay saktong pagharurot ng motor ni Mori palayo.
Habang nasa bayahe ay iniisip ko pa rin kung sino ang posibleng may kagagawan nito. If it wasn't for business issue, maybe it was personal. Having this thoughts ay biglang pumasok sa ala-ala ko ang nangyari noon sa party. The drug raid.
Hoping to find an answer ay agad kong sinabi kay Mang Tonyo na dumaan muna kami sa isang bar kung saan malimit ang mga dati kong kaklase. I know may alam sila sa nangyari noon.
I just texted Javier na may imemeet lang akong kaibigan pero hindi ko na sinabi kung saan. I also requested kay Mang Tonyo na kung magtetext or tatawag man si Javier ay wag na niyang sagutin dahil mabilis lang ako sa loob ng bar.
When we finally reached the resto bar ay nagkakagulo na sa loob ang hiyawan at kantahan ng mga tao. People were all over the venue at halos wala ng paglagyan ng tao sa loob dahil sa dami nito. My heart race when I saw familiar faces of my schoolmates before. Some of them were drunk, and yung ilan naman ay mukhang kadarating lang din.
"Whooaaa!"
"Where's the other guys?"
"They're probably in the room upstairs, you know, getting high"
The group of girls laughed habang pasimpling umupo na lang ako sa bar stool katabi ng upuan nila. I ordered a juice and I acted busy with my phone habang humahanap pa ako ng tyempo kung paano ako makakalapit sa kanila.
"Guy's andyan na si whorie! Give her some space!" Tsk. Akala mo naman ikamamatay ng queen bee nila kung sobrang crowded sa lugar. Duh! What do you expect ay sa bar siya pumunta! Hanggang ngayon mga bobita pa rin.
"Hi girls. We're late, dumaan pa kami sa garden para siguraduhing ginagawa ng mga substitute students yung mga pinapagawa ni dean. You know, baka makahalata siya na hindi talaga kami yung gumagawa ng mga punishments, gosh!" She flip her hair, in irritation and hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon ay suki pa rin siya sa guidance office. Tsk. Poor her!
"It's okay whorie. Kami na ang oorder ng drinks mo, dating gawi?"
"Hmm. Yah please. Make it more hard this time" whorie said and ramdam ko ang paglingon nito sa bar area kung saan ako nakaupo. I tightly hold my mask ensuring na hindi niya ako makikilala. Damn! I'm just here to collect some lead kung may kinalaman ba sila sa problema ko ngayon. Yet hindi pa rin nila napag-uusapan ang nangyaring drug raid noon or maybe hindi na talaga nila pinag-uusapan pa.
"Wait Karen. Who's that girl on the bar stool. That one wearing a hoodie. Ngayon ko lang siya nakita dito. She looks lonely, buy her also a drink. Tell her my treat" hindi pa rin siya nagbabago. Ohh well. Wala na nga palang kabago bago pa sa kanya. Lahat panapon.
I could feel Karen's presence in my side, so pasimpling tumagilid ako ng upo para hindi niya ako makilala. She's one of whorie's alalay, tsk, kaya lumalaki yung ulo ng babaeng yon ehh!
"Ahh miss. Here pinabibigay ni whorie. Thanks her later." She said while I remained quiet at nang hindi ako sumagot ay naglakad na rin ito palayo.
People were doing their own shits in life and feeling ko ay nag-aaksaya lang ako ng panahon dito. Maybe babalik na lang ako some other time para maghanap ng information. Mukhang wala akong mapapala sa kanila.
I was about to leave when suddenly the music stops and even the dancing light ay tumigil sa malikot na pagsayaw nito. Tumahimik rin ang buong resto bar na parang may dumaang anghel. What happened?
"Okay. Guys listen. The king of our campus were now back!" My eyes widen hearing the famous trademark of that asshole. King? Really!
"JD were back! He's here!" Whorie giggled and sakto naman ang pagtapat ng liwanag sa kinatatayuan ni JD. He's smirking and pakiramdam ko ay nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko nang may maalala akong senaryo sa naganap noon sa party. Oh god! It can't be!
~
"Hey Z, want some beer?"
I was a bit tipsy and hang over at the same time from last night's event sa business nina dad nang magkaroon kami ng party. It was a celebration sa katatapos lang na theater of a cause na ginanap sa school. And dahil madami sa section namin ang mahilig pumarty ay nagkasundo ang lahat na dito na ganapin.
No one knows na magpaparty kami even profs and parents, tanging mga kilalang tao lang from the other departments ang ininvite namin to have fun.
I was here in the bar stool alone. And my boyfriend? Matagal ko ng alam na nambabae si josh. He cheated on me not just once, actually I lost counts. Yet still, wala akong lakas na komprontahin siya dahil I know at the end of the conversation, maiiwan pa rin ako. And I can't live without him dahil siya lang yung maasahan ko sa ngayon.
I always had a fight with mom and dad, and Josh was always there to make me feel na someone can still love me, despite of my waste attitude.
"JD! What are you doing here?!" Jd's one of the heartthrob in our university. And matagal na rin niya kong kinukulit na iwan ko na si Josh dahil mas better siya kesa dito. Everyone knows him as a king of what he wants, he gets, and too bad dahil hindi ako pumapatol sa taong similar sa personality ko.
"I'm here to make you fall in love. You know, I was a nicer and better man than josh. Actually, napakaswerte mo na sakin, madaming girls dyan nagkakandarapa, at gumagawa ng efforts makuha lang ako. But look at you, ako na mismo ang lumalapit sayo" tsk! Hindi lang feeling gwapo, mayabang pa. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ng mga babae sa kanya. He's so full of himself.
I don't even know his full name. Ang tanging alam ko lang ay mas ahead siya sakin ng two years. Two years yet nasa second year pa lang siya. Imagine, hindi lang mayabang, tambay din sa guidance office!
"Please don't talk to me. At hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. I love josh. At hindi ko siya ipagpapalit sayo"
Saad ko na ikinaigting ng panga nito. Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko. God! I was saying it a multiple times now!
I rolled my eyes at him before turning back to get my drink sa waiter na dumaan.
"Tsk. Mamahalin mo pa ba yung gagong yon kung ito ang ipapakita ko sayo" he said confidently, at mabilis nitong inilabas ang litrato ni Josh na nakikipagsex sa ibang babae. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa sakit na nakikita ko. Hindi ko akalaing yung isang bagay na hindi ko maibigay sa kanya ay hahanapin niya sa iba. I immediately bottoms up the vodka I was holding at kahit yung beer na inooffer ni JD ay ininom ko na rin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ni walang luhang pumatak sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang kababuyan nila. Maybe pinapalampas ko ang pambabae niya. But this one was different, nanlalabo ang matang agad akong tumalikod para hanapin si josh. Nang makita ko siya sa gilid ng bar area ay agad akong sumugod para sampalin ito pero nang malapit na ako sa kinauupuan nito ay agad nandilim ang paningin ko. And the next thing I knew ay pinoposasan na ako ng mga pulis.