Chapter 18 Last day in the mansion

"Z, kailangan mo ba talagang umalis? Our house was huge, if you want si Jose na lang ang mag-momove dito"

For the tenth time, my mom wouldn't stop scolding me, while I was packing my things. I just want to be independent at labas na si Javier don.

"Mom, Javier was with me because dad approved it. And I know na hindi rin kayo papayag if ako lang mag-isa sa condo"

"Jose was still a guy!. Who knows kung anong p--"

"Stop it mom! Wala hong ginagawang masama si Javier. Even me, do you think itotolerate ko yung ganong actions?"

God! I can't believe na sasabihin yon ni mom! Javier was different from other guys I've met before. And by now dapat kilala na ni mom si Javier. He's not that kind of person!

"Inaalala ko lang ang magiging buhay mo sa condo. Kung maaalagaan kaba ni Jose? How will you so sure na kaya mo nang maging independent?"

"Mom, I can! Just please, just this once. Kung hindi ko ho kaya, uuwi ako"

I didn't expect na ganito ang bubungad sa akin, pagkapasok ko pa lang sa room ko. I thought dad already talked to her. Mabuti na lamang at hindi ko sinama si Javier.

"You're really stubborn."

I heard mom's heavy sighed, while I was busy getting my clothes.

"Lolo said it too, na sayo ako nagmana"

I'm proud, siguro nasa dugo na talaga namin ang pagiging matigas ang ulo. Just like cliff. Pero mas malala naman yung sa kanya.

"I'll go with you. Gusto kong makita ang tutuluyan mo"

What?! I mean, wala ba siyang work today?

"Fine."

"Magpapahanda ako ng food kay Nay Sabel. Hintayin mo ko sa living room, I'll just take a shower"

I just nodded and umalis na rin si mom. Actually hindi ko naman dadalhin lahat ng gamit ko. Of course magtitira pa rin ako ng ilang clothes just incase may family gathering sa bahay.

After I've packed all my clothes and such ay bumaba na rin ako sa hagdan para tawagin si Mang Tonyo sa garahe.

He's busy talking to his phone and I think kausap niya yung family niya, so hinintay ko munang mag-end yung call, bago ako lumapit sa direksyon niya.

"Ahm. Mang Tonyo, tapos na po akong mag-impake. Pakilagay na lang po sa kotse yung mga gamit ko"

I politely said, and bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa biglaang pagsulpot ko. Oh my! Did I scared him?

"Ahh sige po ma'am."

Mang Tonyo, opened the main door for me, before we parted our ways. Dumaan muna ako sa kitchen to look after Nay Sabel na busy na ngayon sa pagluluto. She's my nanny for years now and leaving her here makes my heart in pain.

Mas close pa ako sa kanya kesa kay mom and dad. She knows everything about me. And surely, siya ang isa sa mamimiss ko.

"Iha! Andyan ka pala. Anong gusto mo ipaghahain kita?"

"Wala po nay. I just wanted to see you. Besides, aalis na rin po ako mamaya."

By just saying those words, her tears began to flow. Napakababa talaga ng luha ni Nay Sabel. Even small things can make her cry. But now, this thing was bigger and deeper than what I expected.

"P-pasensya na i-iha. Hindi ko lang inaasahan na aalis kana pala sa mansyon"

Before, I thought ideal life na ang pagkakaroon ng luxurious na buhay. That because I'm a Herrera, I can do everything. But I realized na hanggang ngayon andito pa rin ako. I was hiding in my parent's shadow.

Herrera ako. Herrera lang. I don't have any title, it was just me, simple, a shit, a bitch. That's why, people think na pagiging maarte, mataray, pranka, at gulo lang ang alam ko.

"I can visit you naman po Nay Sabel. Or once a week ipagluto nyo po ako sa condo. You know Javier, baka tamarin ang isang yon"

"Buti nasabi mo. Ipinagluluto ko kayo ng hapunan. Pero sa susunod, ako na mismo ang magluluto sa inyo sa condo"

"Aasahan ko po yan Nay. Anyways, puntahan ko lang po si dad. He still didn't know na nasa bahay ho ako"

When I arrived earlier, tulog pa si dad. Mom said na he's dealing with a tough day now, because of his business.

"Sige iha. Medyo mainit nga din ang ulo ng dad mo"

Yah. After my bora shoot, hindi ko na nakikita si dad sa house. Or maybe busy lang kami parehas.

"May alam ka po ba Nay sa problem ni dad?"

Don't get me wrong, hindi naman talaga maiiwasang malaman ni Nay Sabel yung problem namin sa bahay. Actually, she's the referee in the house.

"Wala iha ehh. Hindi na nagsasabi ang dad mo. Siguro dahil kaya na niya. Kilala mo naman ang dad mo, hindi yan magsasabi hangga't kaya pa niya. Noong nanilbihan ang pamilya ko sa mga Herrera, sadyang ganyan na ang pag-uugali nila, na sa palagay ko ehh namana mo rin."

She giggled, and I think naalala niya siguro ang mga uncle ni dad. I remembered the last time we talked about Lolo Jimmie, dad's uncle. Bata pa daw noon si nay sabel nang magkagusto sya kay Lolo Jimmie. Pero hindi sila nagkatuluyan dahil mas matanda si Lolo Jimmie kesa sa kanya. But for me, age does not define kung sinong mamahalin natin. As long as we loved the person truly, walang exemptions.

"Ikaw iha. Kagaya ka rin ba ng mga Herrera na mapagmahal?"

What? Kailan pa naging cheesy si Nay Sabel?!

"Nay. Ang hot seat ng tanong mo. Daig mo pa yung mga reporter na sunod ng sunod sakin"

"Bakit? Tinatanong ko lang naman, kung paano ka magmahal. Wala ka pang ipinapakilala sa akin, maliban kay jose"

Did she just assumed na kami ni Javier? What the hell! Magugunaw na ba ang mundo? Kukunin na ba kami ng mga alien?!

"Nay ang issue mo! Javier was just my friend. A very special friend. Bawal na po bang maging kaibigan ko yung guy?"

"Yon ang tanong iha. Bawal bang maging magkasintahan ang magkaibigan?"

Geez! Ang daming alam ni Nay Sabel. Siguro that's the peak of having a unfinished relationship.

"Bye Nay. Mamaya nyo na po ako ihot seat"

"Siya sige. Basta alagaan nyo ang isa't isa ni Jose. Alam kong nasa mabuti kang pangangalaga"

I just smiled at Nay Sabel before I leave. Siguro if my little brother or sister lang ako, hindi ko pipiliing umalis. I will chose to stay even if it hurts to be with my parents.

"Ivy! You need to be there. Magmumukha akong tanga don!"

"I'm done with this conversation Jill!"

I was about to go upstairs, nang marinig ko ang nagtatalong boses nina mom and dad. Hindi ito ang unang beses na narinig ko silang nag-away dahil sa negosyo. But this was the first time na nagsigawan sila, to the point na sa buong kabahayan ay rinig na rinig ang pagtatalo nila.

"Konti na lang ivy, makakapag-export na tayo ng langis sa ibang bansa."

"I'll support you hon. But please stop contacting Mr. Li for that."

"We're business partner! Napag-usapan na natin to diba?"

Gosh! This two wouldn't stop argumenting until someone loosen up. So I just acted like I didn't heard their conversation as I walk upstairs.

I could feel the tension between them as my mom run towards their room as well as dad na hindi man lang ako nilingon. Damn! What a scene!

Dumiretso na lang ako sa room ko, to check if may maiiwan pa akong mahahalagang gamit. And buti na lang namoved pa ni mamu yung shoot ko na dapat ay ngayon gaganapin.

After few weeks ay babalik na ulit kami sa klase. And I'm getting used na sa modeling. But of course, hindi ko pwedeng bitawan ang pag-aaral dahil malalagot ako kay dad at Javier.

And bago magpasukan ay magkakaroon ako ng interview with the press. So I need to compose myself kahit na puro negative comments na ngayon ang nababasa ko sa social media. They called me a fame digger, an outsider. I received different hurtful words, a traumatizing one. Pero mas mataas ang pangarap ko kesa sa sinasabi ng iba.

"Z. Nasaan ka ngayon? Kumakalat na ang issue mo with Drake. Kalurkey! Madami na ang nagsusulputang pictures nyo ng magkasama! Magtapat ka nga sakin. Kayo ba nitong poging mukhang mayabang na to?"

What? Mamu called me after I've checked my room and naisipan ko na lang munang magpahinga. She informed me about this dinner date na nangyari months ago pa! For god sake, makagawa lang ng rumors pati photos na naiinis ako kay Drake kasama sa hinabi nilang storya!

"No Mamu! What the hell! Drake was dad's business partner's son! And school mates lang kami"

"Ayon nga. Nagkikita pa ba kayo?"

"Of course not! Bakit naman ako magpapakita sa gagong yon?!"

And after the incident na iniwan niya ko sa street ay hindi ko na gugustuhin pang magtagpo kaming muli! Never!

"Hayy. Hayaan na natin ang rumors na ito. Tumawag nga pala ako para sabihing, pupunta kami mamaya sa lipat party sa condo niyo. Kasama ko ang buong team. At may ipapakilala pa ako sayong isa."

Isa? New member?

"Bye alaga. See you mamaya. Damihan mo ang handa dahil gutom ang mga bakla"

"Yes Mamu. Bye"

New member? Not bad. As long as makakayanan niyang tagalan ang ugali ko, magkakasundo kaming dalawa.

Speaking of party, Javier and I decided to have an exclusive party wherein mga close friends and family lang yung ininvite namin for the sake of their privacy. And hindi ko na sinabihan pa sina mom and dad about it dahil baka isipin nilang pag-paparty lang ang gagawin ko sa condo. Which is not. Pero dahil si mom na mismo yung nagpresintang sumama. Mahabang explanation na naman ang kailangan kong sabihin sa kanya.

I was about to go outside when my room open and iniluwa nito si dad na malawak na nakangiti sa akin. He has that aura na ngayon ko lang nakita ulit.

"Z. You're here. How's the condo?"

"Okay naman po dad. Everything was settled na"

Except for your business. I wanted to add, but I don't have the strength to say those words. I'm afraid to start a commotion here, lalo pa't nagsisimula pa lang ako sa industry.

"That's good to hear. Anyways, your mom couldn't go tonight. May mahalagang business meeting kami sa negosyo. I know na naiintindihan mo naman yon right? Iha"

Yah. I always understand. Besides hindi na naman nila kailangang magpaliwanag pa. I'm used to it.

"Ahm. Okay. Take care then, marami pa naman pong next time"

"Yeah. We need to go now. Pahatid kana lang kay Mang Tonyo"

Dad kissed my cheeks before he close the doors again. Hayy. Hindi man lang nagpaalam sa akin si mom. Gosh! Kaya ka nasasaktan Z ehh! Umaasa kana naman!

When I heard a car beep, the sign na tuluyan ng umalis sina dad ay bumaba na rin ako para magpahatid na sa condo. But before that ay dumaan muna ako sa kitchen para magpaalam kay Nay Sabel.

"Nay. Aalis na rin po ako. I have party pa po sa house ehh."

She look at me teary eyes, and I don't think makakayanan ko pang tagalan ang nalulungkot na mukha ni Nay Sabel. Damn! Ito ang isang bagay na hindi ko nakita kayna dad. Their efforts wasn't enough to make me stay.

"Nay, babalik pa naman po ako. You see, hindi niyo po mamamalayan na nasa magkabilang bahay tayo. Bibisitahin ko po kayo, I promised"

"Naku iha. Mamimiss kita. Sayang lamang at umalis na sina Jill at Ivy. May inihanda pa naman akong salo-salo para sa ating lahat"

Malungkot na saad nito pero alam namin kung anong mas mahalaga kayna dad. We can't change the fact na hindi naman talaga ako yung priority nila.

"It's okay Nay. Marami pa pong next time. But for now, kailangan ko na pong umalis."

I hugged her tightly for the last time, and hinatid niya rin ako sa kotse kung saan nakalagay na ang mga gamit at pagkain na hinanda ni Nay Sabel.

Hayy. Finally, I was free. Hindi ko na kailangang magpanggap na malakas at matapang everytime they talked about my failures.

"Ma'am. Mag iingat ho kayo. Sa condo lang kayo nakatira pero yung serbisyo ko ho ehh 24/7. Pwede nyo ho akong tawagan o itext kung kailangan nyo ho ng masasakyan. Kahit naman ho andyan si Jose ay mapapakinabangan nyo pa rin ako"

"Of course Mang Tonyo. Para ko na rin po kayong tatay. And distance wasn't really a problem, kailangan ko pa rin po kayo ni Nay Sabel"

I politely said, and hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa condo. Javier wasn't here dahil umuwi din siya sa kanila para magpaalam kay Tita Nelda, Otep and Stef.

Mang Tonyo helped me sa pagdadala ng mga gamit ko sa taas. And I also chatted the girls na magdrop by muna sa condo dahil mag-isa lang ako. Duh! I don't want the feeling of being alone, and luckily ay pumayag naman silang lahat.

"Okay ba talaga ma'am na maiwan ka dito?"

"Yes Mang Tonyo. Mamaya rin po ay darating na sina Sy, so don't worry po. Mag iingat po kayo and salamat sa paghatid"

"Sige ma'am. Aalis na ho ako"

I just nodded at Mang Tonyo and nilock ko na rin muna ang condo, to make sure na walang makakapasok na ibang tao.

Hayy. Napaaga ako ng balik, siguro mamaya pa darating si Javier dahil may sinet naman kaming oras kanina bago kami naghiwalay. And dahil maaga akong nakabalik ay nilipat ko na rin yung mga gamit ko sa cabinet. I was organizing it properly as if hindi ko siya magugulo. Gosh! After a week or months, I know na magulo na ulit ang pagkakapatas nito. But for now, let's make an effort to this one.

Nag half bath na rin ako, and ngayon ko lang narealized yung mga food na pinadala ni Nay Sabel, so inayos ko pa yon sa kitchen. Buti na lang may mga nakalagay na siya sa tupperware dahil kung hindi ay wala akong paglalagyan nito. I also take note na bumili ng tupperware sa free time ko or di kaya ay magpabili na lang ako kay Javier.

"Perfect!"

I smiled after kong maayos ang pagkakasunod-sunod nang mga pagkain sa mesa. Iba talaga kapag ikaw mismo yung nagpagod na magpatas, feeling ko certified chef na ko sa lagay na to.

Each sides ay tinitingnan ko talaga kung magkakasukat yung mga tupperware, nang biglang tumunog ang door bell hudyat na dumating na sila, so I excitedly run through the condo's door. And I was shocked ng makitang kompleto na silang lahat. I thought mamaya pa ang boys?!

"Hey couz! Eto na nga pala yung tv. Ambag ko"

"Nakapakuripot ng pinsan mo Z. Akala mo ikinahirap ng mga Marquez ang dala-dala niya"

"Hoy Bea! Basher ka talaga. Bakit? Ano bang ambag mo?"

"Entertainment, bakit? Ako lang naman yung magsasayaw dito. See? mahal TF ko."

"Naknang putcha. Baka magsialisan pa lahat ng bisita dahil sayo"

Hayy. Simula ng paiyakin ni Clifford si Hannah, hindi na sila nagkaayos. Well kahit ako, hindi ko palalampasin ang kagaguhan ni bangin!

"You two shut up. Kung ayaw nyong sipain ko kayo palabas. Anyways, pasok kayo."

"Tss. Napaka mapagmahal mo talaga insan. Enzo samahan mo nga akong ikabit to"

Naiiling na lang ako sa kakapalan ng mukha ni bangin, nang higitin nito si Enzo papunta sa living room. Ikakabit ata yung tv. Pasikat talaga dapat sa tauhan ng shop yan pinakakabit diba? Hayy. Whatever!

"Hi Z. May gamit na pala kayo. In fairness, para kang ulirang asawa"

What? Ulirang asawa? Ako? Baka siya pa yung papasang maging may bahay.

"Baka ikaw Sy pwede pa. Wait wala pa ba kayong balak na bumili ng condo?"

If I know ay kulang na lang ay magsama sila sa iisang bubong. Yung katagang 'Mababaliw ako kapag nawala ka sakin' . Geez! Lakas makajejemon!

"Nah. Baka magkasala kami parehas."

Sy said and we looked at her confused. The hell! Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naintindihan ang sinabi niya. Kaya hindi ko na napigilang hampasin siya ng mag-asawang sampal with sabunot. God! Never in my entire life, na pumasok sa isip ko ang scenario na yon! And now, I don't think makakalimutan ko pa yung sinabi niya.

"Pavirgin Z?! Yan ba yung dulot ni Jose"

Bea teased and biglang nanlaki ang mata ko nang mapalingon ako kay tim. Damn! They're with Tim nga pala!

"Ahh girls. Excuse me, pupuntahan ko muna sina cliff"

He awkwardly said and ngayon lang ako nakaramdam ng pagkapahiya. Shit! Ang kalat ng bibig ni Bea!

"Usap-usapan na sa business world ang partnership ng dad mo at ni Mr. Li. Did your dad open something?"

Mori asked and I don't know kung may dapat ba akong ikabahala. She seems serious about it, but I know na kung may mali man ay sasabihin ito ni Mori sa akin.

"May.... May problema ba Mori?"

I looked at her pleadingly dahil kung hindi man ito masabi sa akin ni dad. I know mori's gonna do something about it.

"Nothing. They're both had the strong partnership. Forget it. Anyways, saan ang bathroom nyo?"

Hindi ko masabi kung may problema ba talaga sa negosyo ni dad dahil wala namang kahina-hinala sa kinikilos ni Mori. She looks the same, quiet, chill, and cold.

"Ahh yah. This way."

She smiled at me and hanggang sa makapasok siya sa bathroom ay nakatingin pa rin ako sa kanya. What's with your question Mori? It bothered me.

"Ikaw ha Roxy nakita ko yon. Pati taxi driver hindi nakatawid sayo. Hay nako bakla. Sinasabi ko sayo kalat na ang aids!"

"Shut up na Jodielang monstalela! Bokya ka lang sa boylet. Z!!! Hello. Ay Jodie. Nakikita mo ba ang nakikita ko?!"

Isa-isang pumasok sa loob ng condo si ate Jodie and ate Roxy na nagtatalo pa. They were both holding a case of beer and nasa likod naman nila si Mamu at kuya Joaqy.

"Ano ba Roxy! Party to hindi halloween!"

"Tanga bakla! Ayun ohh. Ang daming gwapoooo!"

Ow. Lagot na naman si bangin. Wag sana siyang himatayin, this time.

"Mamu. Mga friends ko nga po pala, this is Sy"

"Hello mamu! Nice to meet you"

"... Hannah"

"Hi po sa inyo."

"... Bea"

"I'm Z's closest friend nga pala. Kung sa aso't pusa. Siya yung unggoy"

What? At saan nanggaling yung unggoy?! Damn you Beatrice!, mamaya ka sakin!

"Ahh. Hello sa inyo. Naku, kagaganda naman pala ng mga kaibigan ni Z."

"Wala ho yon sanayan lang"

Bea laughed and siya lang yung natawa sa aming lahat. Gosh! Konti na lang makikick ko na siya palabas.

"Teka Z. Ehh sino naman yung tatlong adonis na yon? Kaibigan mo rin?"

Ate Roxy pointed out the three boys na busy pa rin sa pagkakabit ng tv.

"The guy with blue polo was my cousin, his name was cliff. Unfortunately, pinsan ko siya sa mother side."

"Talaga? Bakit hindi mo naman sinabi na may pogi ka palang pinsan. Naku. Panahon na ata para maging magpinsan tayo!"

"Hoy bakla. Ikalma mo yan"

Ate Jodie said and I wonder kung hindi ba siya napapagod manaway kay ate Roxy. But in fairness kapag sa shoot ay nagkakasundo sila.

"Yung naka denim jacket ay si Tim. He's one of our school's varsity player. Kaibigan siya ni cliff and lastly yung naka t-shirt naman ay si Enzo. Sy's boyfriend"

"Ayy. Pass sa may jowa. Pasintabi na lang sy. Teka. Nasan si Jose? Wala ba siya dito?"

Oh my! Speaking of Javier, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?!

"Ahm. Excuse me. Tatawagan ko lang si Javier."

Damn! Bakit ngayon pa siya nagpalate. I started contacting his phone and nakailang ring na ang dumaan ay hindi pa rin niya sinasagot. Shit! What happened?!

I was busy trying to call him habang inaayos na nila ang set ng table. Yung mga foods and they also turned the TV into videoke vibe.

"Z. Ilalagay muna namin yung mga beer sa ref. Wala pa si Jose?"

"Ahm. Hindi pa siya sumasagot sa tawag ko ehh. But I know na for sure pabalik na rin yon. Thanks Enzo"

Tsk! What's going on with you Javier?! May usapan tayo kanina!

"HEY GUYS! Sorry nalate. May dinaanan lang. Uyy sakto gutom na nga ako!"

Finally! At least may gana pa pala siyang dumating.

"Jose pare. Lagot ka kay couz, mukhang bad trip na naman."

Cliff said na siyang ikinalingon ni Javier sa kinatatayuan ko. Ow. He looks happy. May nakakatawa ba sa pagiging late?!

"Yo sungit. Pasensya na. May dinaanan lang. Tara, kumain na tayo."

Why the hell mukha siyang basahan ngayon?!

"Nadapa kaba? Natisod? O nagpagulong gulong ka lang talaga sa daan? Bakit ang dumi ng shirt mo? And may galos ka pa sa arms mo ohh"

"Ahh eto? Alam mo naman sa amin sa may tondo may mga posteng hindi na gumagana. Ayun, nagkamali lang ng pagliko. Pero wala to, magbibihis lang ako wala na to"

"Are you sure?"

I looked at him seriously, and I don't know why I have this feeling na may mali sa kanya.

"Oo naman. You're my home now, at walang makakapagbago non, sungit! Kahit na napakadilim na daan pa yan"