Chapter 19 Meeting the secretary
"How's Tita Nelda? Stef, otep?"
Now that we had a condo, parang kinuha ko na rin ang buong oras ni Javier na dapat sana'y inilalaan niya kayna Tita.
I realized na hindi ko pa nakukuha ang approval ni Tita Nelda sa paglipat ni Javier. Siguro dahil sobrang naexcite lang ako sa pag-alis. I admit, hindi ko na naisip ang sasabihin ng pamilya niya.
"Ah okay naman. Uuwi din naman ako sa bahay kapag katapos ko sa sideline. Tapos magtext kana lang sakin kapag uuwi kana sa condo para sabay na tayo"
Do I really need Jose here? Pero pano na ang kasunduan nila ni dad. Kaya ko bang bitawan ang condo, para makabalik na siya sa pamilya niya? Kakayanin ko bang magstay pa ng ilang years sa mansyon?!
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ahh! Ano bang iniisip mo? Si nanay?"
Hayy. Mas lalo lang gumalo ang lahat. Bakit ba hindi ko narealized na darating ako sa punto na to! Gosh Z! You're so stupid!
"Okay lang ba kayna Tita na dito kana magsstay?"
Duh! Anong tanong yan Z! Of course not! Sino bang matinong magulang ang gustong mawalay ang anak nila sa kanya?!
"Ahm. Nevermind. Can I.... Can I go, kukuha lang ako ng foods pa"
I could see the confusion written all over his face nang magsimula akong maglakad palayo. Damn! Madami pa pala akong pagkain sa plato! Shit! Grabeng kahihiyan na to Z!!
Ano pa bang katangahan ang magagawa ko?!
"Hey couz mukhang lutang ka ahh. Halika dito, i-shot mo na lang yan para naman mabuhayan ka"
"Hep hep hep pogi! Hindi porket yummy ka ehh hahayaan ko na si Z sayo. Bawal siyang uminom. May shoot siya bukas"
I was just looking at ate Roxy na may malagkit na tingin kay cliff. Habang hindi naman maipinta ang mukha ni cliff na parang gusto ng umalis. Hayy! Why the hell he's so scared to gays?
"A-ahh. Ganon ba. Sige nex----"
"Ako pogi, hindi mo aalukin? Sayang, free pa naman kami ni Jodie. Tsaka magaling din kaming uminom"
She bite her lips and I don't know kung matatawa ako sa reaction ni cliff o maaawa dahil siya na naman ang napagtripan ngayon.
"A-ahh, e-hh...."
"You can join, para naman sa lahat to. Here. Dito na kayo umupo"
Tim showed up with a grin smile on his face. Gosh! This two was really a bully.
"Talaga? Salamat pogi hihi! Tara Jodie!"
"Hoy bakla mahiya ka naman."
"Ano kaba chance na to. Tara"
Nahihiya pang umupo si ate Jodie, before they grab a red cup full of a beer.
"Ikaw Z? Are you free today? Can I talk to you?"
Free? Bakit mukha ba kong busy?!
Tim was smiling from ear to ear, and I don't know kung lasing na ba siya dahil sa ikinikilos niya ngayon.
"Ahm. Sure. Let's just sit here"
"If you don't mind, can we talk to a private place?"
What's wrong with talking it here, right? I mean ganon na ba kaimportante ang pag-uusapan naming dalawa.
"Sure. Sa veranda na lang tayo"
Javier was just intensely looking at me as we pass by at his table. Hindi naman niya ako pinigilan o tinanong, kaya nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. I know Javier, hindi niya hahayaang mapahamak ako.
"Your condo was really huge huh. Hindi ka ba naiilang na kayo lang dalawa ni Jose?"
So, interesado na pala siya sa buhay namin ni Javier.
"Ahm. No. Malinis naman ang intensyon namin sa isa't isa, so walang rason para magka-ilangan kaming dalawa"
Why bothering about it Tim? You were my cousin's best friend, and i don't think may issue sayo ang paglipat namin ni Javier.
"You're right. Anyways, here's your drink."
He's acting strange, I know na hindi naman kami totally close, but I also counted him as my friend.
"Ano bang pag-uusapan natin Tim? Is it about Javier?"
I was just looking at him, as he sit on the table while tapping his foot to the ground.
Ngayon ko lang nakita ang ganda ng syudad, dahil sa liwanag na nanggagaling sa ibaba. It was indeed a beautiful night for me.
"No. It's about you"
Isang malalim na paghinga ang namutawi sa kanyang bigbig. And I could feel the heavy sighed he make. Do I did something wrong to him?
"May problema ba?"
Hindi mawala ang pagtitig ko sa kanya nang bigla itong tumayo. He was now smiling at me, and feeling ko anumang oras ay lalabas na ang puso ko dahil sa kaba. Gosh! Ang creepy niya!
"Nothing. Forget it. Sorry natakot ba kita?"
Damn! Anong klaseng tanong yan! Pinapunta niya ko dito para sa wala? Haler kelan pa siya naging VIP?!
"Ano bang trip mo Tim? You were enjoying kanina, then now you acted creepy. What the hell was going on?"
Mas lalo lang akong naasar nang bigla itong tumawa ng malakas. Fuck! I knew it, pinagtitripan niya lang ako!
"Gago ka ba? Ilang cocaine nahits mo? Kinulang ka ba sa babaeng mapagtitripan kaya ako yung nakita mo? Alam mo bang hindi nasasayang yung oras ko sa mga kwentang bagay unless---"
"Unless nalalate ako"
What?!
My heart beats so fast as I heard that baritone voice. A-anong?!
"Dude! Galing ng acting skills mo ahh. Pang famas."
"Tss. Finish it Jose. You ruined my drinking life"
May pagpalak-pak pang nalalaman si cliff na animong nanunuod sa sinehan. What's going on? At bakit nasa veranda na silang lahat?!
"Yun ohh. Kinikilig si couz. Sige na Jose magsalita kana"
Ano bang meron? Nakahits ba silang lahat? Naumpog yung ulo?
"Magbest friend ba talaga kayong dalawa, Z, Jose?"
"Shh! Wag ka ngang magulo Bea!"
"Naku. Sinasabi ko na sa alaga ko!"
"Mamu, pano ba yan mukhang kailangan na natin humanap ng jowabels!"
I don't know how to talk when I saw Javier, looking at me. Wala namang nagbago sa tindig at ayos niya except sa nakangiti nitong mukha. He's so masculine in his body hugging shirt. Lately, napapansin ko na ang paglolose niya ng weight. And I'm a bit nervous everytime I saw him turning into a prince every girls dreams of.
"Hey. Sungit. Sorry nalate ako kanina. Last minute ko na nalaman kay Enzo na mag isa mong prinepare to, kaya naguilty ako. Ito ohh peace offering"
Psh. Wala man lang kaeffort effort yung paghingi niya ng sorry! Imagine, hinagis niya lang sakin yung paper flower na dala-dala niya! Tsk!
To think na sinama niya pa si Tim sa kabaduyan niya!
"Oh? Bakit ganyan yung reaction mo? Hindi ka naman napagod sa pagpapantay ng tupperware sa mesa ahh"
Wow! Great. Hindi talaga bagay sa kanya ang maging mabait. Siguro 1% nang kabaitan lang ang namana niya kay Tita Nelda.
"Shut up Javier. And don't talk to me"
Hindi pa man kami nagtatagal sa condo ay inaasar na niya ko! What more pa kaya kung makita niya yung mga flaws ko?!
"Hoy. Ang weird mo. Kanina iniwan mo ko sa kitchen. Tapos ngayon ang arte arte mo."
Tsk. Here we go again. I thought hindi na kami babalik sa pagiging friendsnemy. But looked at him now, the Joselito Javier Jr I knew, that I unfortunately dragged in a Starbucks.
"Let's go girls. LQ na yan"
"Una na kayo. Ang sarap ng hangin dito e-- Ouch!.. Mori! Ang kj mo!"
"Tss. Papasok ka sa loob. O kakaladkarin kita papasok?"
"Hayts! Mori naman eh! Kelan ka pa naging basagulera!"
"Hayy. Kawawang Beatrice napalo ng nanay! Ops. Peaceyow!"
They were like a kids, running though the condo's living room, dahil sa pakikialam ni cliff sa dalawang amazona. Gosh! Bea plus Mori! Kawawang cliff! If I were him mananahimik na lang ako sa isang tabi.
"Siguro. Kailangan na nating bumili ng extra couch dito. Ang hirap umupo sa mesa ehh. Akala mo naman sayo lang tong veranda"
For once! Kailan ba tatahimik si Javier! I said don't talk to me yet, ang daldal pa rin niya!
"You can sit on the floor naman"
I sarcastically said, before walking in to the couch near the table. While he's leaning infront of me. And I could clearly hear his heart beat pumping like a melody.
"Sa floor? Tapos ikaw maglalaba ng mga shorts ko"
Duh! What am I? A maid? At sino namang poncio pilato ang nagsabi sa kanya na lalabhan ko ang mga damit niya?!
"Fyi Mr. Javier. I already made rules, for me. For my things and household chores! My do's and don'ts"
I smiled widely at him, na siyang ikinalapit ng mukha nito. Damn! I'm addicted to his perfume!
"Go on. Siguraduhin mo lang na matutuwa ako, dahil kung hindi...."
Shit! We were both staring at each other's eyes. And I could see my reflection to it. Gosh! How did this man have those beautiful eyes?
"Kung hindi ano?"
I bravely said kahit na mapupugto na ang paghinga ko dahil sa malalim nitong pagtitig. We're just inch away, at isang maling galaw ay pwedeng mahalikan niya ako.
No wonder, may iilang students din akong naririnig na nagkakainterest sa kanya. He's handsome. Mabait, may sense of humor, family oriented. Mas may mataas na pangarap pa siya kesa sakin. A man like him, deserves to be loved. To be loved with a girl like him. And hindi ako yon.
"Hmm. Let's go back. Baka hinihintay na nila tayo"
I'm afraid. Takot akong maisama siya sa kamiserablehan ng buhay ko.
I don't know what to do as he stared at me, as if he's telling me na walang mali sa nararamdaman ko. But that's the problem. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko para kay Javier.
"Mauna na ko. Pumasok ka na rin sa loob, medyo marami na ding mosquito dito"
Damn! Bakit ba ko kinakabahan? Nanginginig? Si Javier lang yan. He's just a nobody in school that turns out to be my friend! Yun lang, wala na.
I was about to open the veranda's door, when I heard him calling my name.
"Z"
Shit! What's with that name?! It feels special, when it comes to him.
Oh my puso! Kalmahan mo lang!
Unti-unti akong lumingon sa kinauupuan ni Javier. And I acted normal even though gusto ko ng tumakbo palabas. The hell! Nahihibang na ba ako?!
"Yes? May kailangan ka pa ba?"
WAHH! Naiihi ako na ewan!
"Ahm. Nothing. Bukas mo na lang idiscuss yung do's and don'ts mo. Mukhang nakalimutan mo na ata"
Kakamot kamot pa sa ulo na saad nito, habang gusto ko na lang magpalamon sa sahig pababa. Fuck! Kelan pa ako napahiya sa harapan ng isang tao?! This was the first time ever in my life na wala na lang akong nagawa kundi ang tumango.
What's wrong with me?! Ganito ba sadya ang epekto ni Javier?!
"Yo. Couz. Tulala ka na naman. Ohh. Shot ka muna"
One, two, three shots of that hard drinks ay feeling ko pa rin ay nakalutang ako. I don't know kung dahil pa ba to sa alak or nahihiya pa rin ako kay Javier. To think na nagagalit kuno pa ako sa kanya. And then after a minute of talking sa veranda ay bigla na lang akong natahimik.
I used to be loud, I'm a bitch in town yet this night was different. Hindi ko magawang mag-inarte dahil alam kong nakatingin sa akin si Javier. That stares makes me weak. And I don't know kung healthy ba to o hindi. But one thing is for sure. Hindi ko na mapipigilan pa to.
"HELLO. MGA WARKANG NILALANG. BEFORE THIS NIGHT'S END. NAIS KO LANG IPAKILALA ANG ISA SA MAGIGING KASAPI SA GRUPONG ROAD TO PARIS!"
Mamu was there near the tv while she's holding the mic, and feeling ko, a minute or so ay papasukin na kami ng guard, dahil sa ingay nilang lahat. Damn! Ayoko pang mawalan ng matitirhan!
"MY ALAGA HERE. KELZY. KAILANGAN MO NANG TAONG IINTINDI SA MAGULO MONG UTAK. AT DAHIL MAGIGING BUSY NA AKO SA PAG AAYOS NG MGA MAGIGING GUSOT MO PA"
Psh. Kailangan bang ipangalandakan yon? What if my fans pala ako sa ibang room. Edi baka pati sila maniwala.
"Hindi lang pala kami ang nagtatyaga sayo"
Bea murmured, and I just rolled my eyes at her dahil tinatamad akong patulan siya ngayon. I'm just too weak to decide which part of her body, was best to destroy.
"BABAITA PASOK!"
Babaita? A girl or a gay?
I was just looking at the condo's door when a girl came out. She has that bubbly aura, and I think she's okay naman for the position.
"HALIKA. MAGPAKILALA KA SA ALAGA KO!"
Ayts. Kailangan pa ba talaga ng mic?
Ang weird lang ng suot ni ate girl. A polcadots blouse, skirt and a spec. She looks like a typical studious girl, na palaging tambay sa library. But she also looks like a bar queen. I just hope na masabayan niya ang kabaliwan ko.
"AHM. HELLO PO HEHE. AKO NGA PALA SI JANE LOUGHTY. I'M APPLYING FOR MISS KELZY'S SECRETARY. ACTUALLY, NAGING SECRETARY NA DIN AKO, ALMOST 3 YEARS IN A COMPANY. BY THE WAY HERE'S MY RESUME. WAHH! ANG GANDA MO MA'AM KELZY!"
Shit! She's loud. I mean, I didn't expect na she's also a war freak!
"Nice to meet you Jane."
I offered my hand at her, and I don't know kung anong ginagawa niya, but after she wiped her hand for 10 times ay inaccept na rin niya ang kamay ko. God! Did she think na ganon ako kaarte?
"Hehe sorry, pasmado ako ma'am eh"
"Ahh. No. It's okay. I don't mind. Besides, may friend din akong pasmado, so I'm used to it na"
She may be a weird person but I can see na she's the perfect one for the position.
"So, ma'am. Tanggap na po ba ako?"
I could feel the tension she's feeling right now. While I was browsing to her resume. So she's a four year course graduate. I wonder, bakit mas pinili niyang mag-apply bilang assistant ko? She's really weird.
"Bukas na lang yan couz. Jane right?"
Tsk. Spell epal? C-L-I-F-F!
"A-ahh. Yes s-sir."
The hell! At kelan pa naging kagalang-galang si bangin!
I heard Enzo's and Tim's laugh at the back na siyang ikinataas ng kilay ko sa kanila.
"Wag mo na akong tawaging sir. Cliff, yun ang pangalan ko. Teka, umiinom kaba? Baka gusto mo?"
Oh my god! We were discussing a serious matter here! At nakakahiya kay Jane! Gosh!
"A-ahh, hindi ako umiinom. Pasensya na"
God! Ako yung nahihiya para kay cliff!
"Ganun ba? Oks lang yan. Next time na lang. Oy couz, tanggapin mo na to."
Hayy! Maaga ata akong tatanda nito!
"Let's go Jane. Sa room na lang tayo mag-usap"
"Yes miss. Excuse me po"
I immediately walk to my room, habang nasa likod ko si Jane. Dadalhin ko pa sana siya sa veranda, nang makita ko si Javier na tahimik lang na umiinom sa loob. So hindi talaga siya umalis.
"You can seat here Jane. Sorry kanina, he's my cousin, cliff. And mga friends ko yung nasa couch. But don't worry I assure you na mababait silang lahat"
Buti na lang nagpalagay ako ng table sa loob ng room ko and a swivel chair, incase of unexpected meetings. Anyways, late na rin, bakit hindi na lang niya ipinagpabukas? Need na need na ba niya ng work?
"Jane. Sorry to ask this but, why do you want to be part of my team? I mean, mas ahead ka sakin, obviously. Yet mas pinili mo pa ring mag-apply, under me. Which I found weird"
Base sa resume niya, she has a skills and experience. And to think na overqualified na siya sa position, who am I to say no?
"I just really wanted to be part of your team ma'am. I can do everything. I can cook, I can clean your stuff, I can guard you from anyon---"
"Silly Jane. You're my secretary not a full time maid. And yes. Tanggap kana. Welcome to our team."
I shouted happily and feeling ko ako yung natanggap sa trabaho.
"Talaga ma'am? WAHH! Salamat po"
She was jumping in so much joy, and feeling ko magkasing age lang kami.
"Walang anuman Jane. Tomorrow pwede ka ng magsimula. Ask Mamu about my schedule, and please cut the formality. You can call me Z."
"Hmm. Sorry ma'am pero, nasanay na kasi ako sa ganon."
Hayy. Looks like wala na akong magagawa.
"Okay. Anyways, do you want to eat?"
"Ahm. Hindi na po Ma'am. Dumaan lang talaga ako dito dahil sinabi ni Mamu. Kapit bahay ko siya dyan lang din sa Makati. Mauuna na po ako"
Uuwi na siya without someone with her? She's brave!
"Z! Uuwi na din kami nina bakla! Naku, maaga pa tayo bukas"
Mamu said, and she's right dahil nakatulog na din sina ate Roxy and ate Jodie sa sahig. Buti na lang, okay pa sina mamu at kuya Joaqy, so sila na ang nag-akay kayna ate Roxy palabas.
"Bye Mamu, kuya Joaqy, Jane. Take care"
I wave my hand to them as they walked through the building's elevator.
Papasok pa lang ako sa condo ay nasa labas na din sina Enzo, Tim, cliff, sy, hannah, Mori and Bea. The girls were all okay, habang mga tipsy na ang boys.
"Z, mauuna na din kami. Kami na ang bahala sa boys"
Hannah babes said and I know naman na marunong naman silang magdrive, so I felt relieved.
"Okay. Chat me kapag nakauwi na kayo. Take care."
"Sige Z. Gotta go na. Bye"
"Bye. Thank you girls"
After I kissed them goodbye, ay bumukas na rin ang elevator na maghahatid sa kanila, pababa. Siguro ay nasa veranda pa rin si Javier, or nakatulog na ito duon. Oh my! Ang daming kalat!
Sa living room pa lang hanggang kitchen ay nagkalat na ang mga red cups at balat ng mga snacks. I also turn off the TV, and kinolekta ko na rin yung mga bottles para ilagay sa box nito.
This was my first time cleaning the mess after party. And honestly, ang hirap maglinis lalo na't pagod na rin ako.
"Hey. Ako na dyan. Matulog kana"
"AYY BUTIKI! Tsk! Bakit ka ba nanggugulat?!"
Damn! I thought he's asleep?!
"Kanina pa akong nakatitig sayo. Nakakaawa kang tingnan. Hindi bagay sayo ang maglinis. Ako na dyan. Magpahinga kana."
Bakit, kahit sa mga simpleng salita niya. Natutuwa ako. He's different. Very different from other boys I've met.
"You sure?"
"Oo nga sungit, ako na. Kanina, habang pinagmamasdan kita, kumikinang ka. You know why?"
*Dug* *Dug* *Dug*
"Why?"
"Because you're like a gem, I want to keep forever."