Chapter 17 Furnitures

"Okay. Break! Roxy ikaw na ang bahala kay Z. Joaqy patingin ng mga shots"

We were executing the shoots kanina pa and sobrang nagugutom na ako. Imagine eating salad as my breakfast! Gosh. I'm a rice eater pa naman!

"Ahm. Ate Roxy, baka naman pwede kong makausap si sungit. Mabilis lang hindi kami magtatagal, pramis!"

What? Anong ginagawa niya dito? Bawal siya sa studio!

He was supposed to be at the back and naguguilty na ako dahil nakatingin lang siya sakin, the whole time! I know, maling mali na sinama ko pa siya yet I don't really know why I insisted na dapat andito siya. God! I'm not like this!

"Ahh sige Jose. Mabilis lang ha mamaya kakailangan na ulit si Z"

"Oo naman ate roxy. Salamat. Napakaganda mo talaga!"

"Naku nambola pa. Sige na, umalis na kayo"

What's wrong with him? Ang energetic niya ahh. Ehh kanina may pahikab-hikab pa siya.

"Hoy Javier! Saan ba tayo pupunta?"

"Shh. Wag ka ngang maingay! Dyan lang sa dressing room"

Sa pinakalikod kami dumaan ni Javier and nagtataka pa ako kung paano niya nalamang may pintuan sa likod ng studio nang bigla itong magsalita.

"Nakakabagot kasi kanina. Lumibot lang ako"

Wow! To think na hindi ko siya nakitang umalis kanina.

"Andito na tayo. Lumang bodega ata to. Ito ohh umupo ka muna"

The hell! Anong ginagawa namin dito? Sobrang daming tambak na gamit. And yung light mukhang mapupundi na. Shit! Wala bang ghost dito?!

"Bakit andito tayo Javier? Ano na namang trip mo?!"

This is not the right time for his bullshits! Kailangan ko ng tapusin yung shoot para makabili na kami ng furnitures!

"Tss. Ikaw pa talaga yung mainipin!"

Hayy. Ganito ba yung epekto kapag gutom?! Oh god! Feeling ko mabilis akong tatanda nito!

"Masungit kana nga lagi. Tapos kapag gutom mas masungit pa. Ang lakas ng topak mo"

"I know right Javier! Hindi mo na kailangan pang ipagdiinan!"

I rolled my eyes at him and gaya noon ay tinawanan niya lang ako. Tsk. If andito lang siya para asarin ako, no thanks na lang!

"Hoy sungit saan ka pupunta?"

"Aalis na ko. Wala kang kwentang kausap!"

"Hoy. Teka lang. Alam kong gutom kana. Kaya nga kita dinala dito. Ohh. Pagkain."

Food? Totoo?!

My eyes widen when I saw a paper bag his holding. Damn! I didn't expected na bibili siya ng food for me! I saw him earlier attentively looking at me! So, how did he bought these foods?

"Kilala kita. Hindi ka mabubuhay kung walang meat at rice sa katawan mo. So yan. Nagpabili ako kay Mang Tonyo"

Shit!

"Thank you Javier! Thank you!"

I couldn't help but to hug him tightly, and when I felt his arms wrapped around my waist ay agad akong humiwalay ng yakap sa kanya.

"May problema ba sungit?"

He confusedly asked, and alam kong ako lang yung nag-ooverthink dito. It was just a hug, yet, I felt a tingling sensation inside me.

"N-nothing, ahm. Let's eat. I bet sayo tong isa."

"Oo ehh, nagutom din ako"

We both laughed at that thought. And sinimulan na naming kumain sa makipot na lugar na to. Isa lang naman palagi yung pinagkakasunduan namin ni javier. When it comes to food, we're best buddies. And I loved him for that.

"God Javier! I'm so full! Thank you. You're really my best friend"

"Tss. Bayad mo?"

"W-what?!"

Here I thought it was free dahil naaawa siya sakin!

"Nag-iipon pa ko para sa furniture. Atsaka wala ng libre sa mundo. Gipit ako ngayon"

Ano pa nga bang aasahan ko kay Javier?! Noong sumabog siguro ang pagiging gentleman ay tulog na tulog siya!

"Here keep the change. Mauna na ko! Kutungero!"

"Hoy. Bakit nagagalit ka?"

"Che!"

"Thank you nga pala sa sukli! Pandagdag ko na pambiling kutsara"

Gosh! He's a great teaser!

I slam the door, hard, to shut him up and inayos ko muna ang nagusot kong damit dahil sa pakikipagtalo ko kay Javier. Damn that man! He tricked me!

"Z! Tapos na ba kayong mag usap ni Jose? Ito nga pala yung food mo, pinabibigay ni mamu."

I'm still full dahil sa food na dinala ni Javier. So nilagay ko muna yung plastic sa loob ng bag ko. I'm sure isang veggie product na naman yon.

Habang nagpapahinga pa ang lahat sa pictorial ay nagbukas muna ako ng social media accounts ko. Although mamu advised na wag muna akong gumamit ng social media's, but I really really wanted to know, what people's assumptions about me.

There were different articles consisting my shoots and other projects na hindi ko alam kung saan nila nalaman. I was just scrolling when an article caught my attention. It was a picture of our dinner, with dad's business partner na si Mr. Li. And mas lalo akong nagulat sa headline na nakalagay sa article 'Kelzy Herrera with her family and future husband'. What the hell!

Where did they get those pictures?! If my memory was right, kami lang yung tao sa restaurant. Wala akong nakitang ibang tao bukod samin nina dad unless, someone was hiding sa loob ng resto.

"Okay, magsimula na tayo! Z! Proceed na tayo sa next pose."

" Yes Mamu"

The whole shoot ay hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa article. I know na walang katotohanan yon, but the fact na nalink ako kay Drake ay yon ang hindi ko matanggap. God! Mas matatanggap ko pa kung hindi sa asshole na yon!

Should I ask dad about it? I know na may alam siya about sa pictures.

We were now doing the last shot and ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa maghapong pagtayo at pagngiti sa camera. Although mas pagod silang lahat because of different transitions.

"Hey. Tara? Ako na dyan."

I was getting my bags and hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Javier. He was smiling happily as if hindi siya nabagot kanina. I no longer see a man na mapang-asar, siguro dahil nakikita niyang pagod na rin ako physically.

"Gusto mo bang magpahinga muna sa condo?"

"No. I'm okay pa naman. Let's go. I'm excited to buy furnitures."

"Okay madam. Sabi mo ehh"

We just bid good bye kay Mamu, ate roxy, ate Jodie and kuya Joaqy na tumango lang sa aming dalawa. Looks like sanay na sila sa presensya ni Javier.

Hindi maiwasan ng ibang tao na tumingin sa direksyon namin ni Javier, but we make sure na hindi nila ako makikilala. And to make this disguise thing more convincing ay sa motor kami sasakay ngayon.

Some reporters were looking at me and bago pa nila ako mamukhaan ay agad nang pinatakbo ni Javier ang motor papalayo.

Damn! We almost got caught!

"Shit! Buti nailiko mo agad Javier!"

"HAHA. Chillax ka lang sungit. Magtiwala ka sa driver mo"

Tsk. Kung mahuhuli man ako ay pagpipyestahan din siya ng maraming tao. And I know na hindi niya gugustuhin yon.

Buti na lang we already set a schedule sa furniture and appliances business na pupuntahan namin ngayon. Yesterday, when I called them hindi sila pumayag na isara yung shop. Pero nang malaman nila ang pangalan ko ay wala pang ilang minuto ay may schedule na agad kami. You know, for their publicity.

"Pwede namang ako na lang ang bumili habang nagpapahinga ka sa bahay nyo. Sabihin mo lang kung anong g--"

"I said no, Javier. Thanks for the concern but kaya ko pa. Magsasabi ako sayo kapag inaantok na ako."

I heard his heavy sighed pero buo na ang desisyon ko. Well, I'm stubborn so wala na siyang magagawa don.

After a minute of driving ay nakarating na din kami sa shop. And hindi naman siya ganon kalayo, so keri na.

Pagkababa pa lang namin sa motor ay may lumapit nang isang babae sa amin, na sa palagay ko ay manager ng shop. I think she's in her 40's and she looks familiar. Hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita.

"Hello. Ms. Herrera. I'm so glad to finally meet you."

The way she smiles, something is up to. I remembered someone to her.

"This is Lilies Furniture and Appliances right?"

"Yes ma'a--"

"Kelzy or Z na lang po. So shall we?"

"Ahh yes. Pasok kayo"

As we followed her ay hindi mawala sa isip ko kung saan ko ba siya nakita noon. I have this feeling na kilalang kilala ko siya.

"Sungit, baka matunaw sa kakatitig mo"

"Tss. Shut up Javier. She looks familiar."

"Oo nga ehh. Pansin ko din, kamukha ni Sy"

He laughed and agad nanlaki ang mga mata ko. Oh my god! That's why I know her, she's Sy's mother for god sake!

"So here's our sofa bed, if you want nagcucustomized din kami ng sofa base sa design na gusto nyo"

We entered a room, full of different classy sofas and I was amazed dahil lahat ng design ay magaganda. Gosh! I can't decide what to pick.

"You can check each sofa, maiwan ko muna kayo"

Tita Lilian said and I don't know kung kilala niya ako. Or she's just pretending to be a stranger.

As she walked through the room's door ay nakamasid pa rin ako sa kanya. She looks fragile.

"Ma'am Lilly ito na po ang gamot niyo"

A petite girl came and tipid lang na ngumiti si Tita Lilian na mukhang ayaw iparinig ang usapan nila.

"Trisha, please accommodate them."

"Yes ma'am. Hello, Miss. Kelzy, here's the design po for the sofa"

She offered us a book full of different designs, and agad itong kinuha ni Javier.

"Ito ohh sungit. Bagay to sa living room"

"Tsk. Wag yan. Gray? Really Javier! I want a black one."

"Wag ka munang magdecide. Ahh miss meron ba kayong stock nitong black and gray"

He shows the L shape sofa na black and gray. Actually maganda rin naman ang gray, but I preferred a black one dahil alam kong tamad kami parehas. Baka madumihan lang ang sofa and ang ending baka magmukhang basurahan ang condo.

"Ahh yes sir. This way po."

This room was really huge and I didn't expect na meron pang daan ito sa gilid which is puro sofa bed din.

"Here's the L shape sofa gray and black. Maganda po yan ma'am and sir lalo na kung ang hanap niyo ay suited for a classy house."

Oww. They added a diamond on it. Looks so comfy. And take note pwedeng pwede siyang higaan kapag may lasing or what.

"Pwede bang upuan? Papakiramdaman lang namin kung alin yung bibilhin namin"

What? Nakakahiya!

"Pwede naman po sir."

Nakangiting sagot ni ate, and ako pa yung nahihiya para kay Javier!

"Sakto. Sungit upo ka dito."

"Ayoko!"

I rolled my eyes at him when he open his camera and I know na kung anong binabalak niya.

No! The hell! I won't do that! At sa harap pa ni ate girl!

"Dali na sungit. Upo ka dito tapos ako dito"

"Ayoko Javier! Nakakahiya!"

"Psh. Meron ka non?"

"Nilulugar kasi yon Javier!"

"Hayy. Ang arte naman, uupo ka lang ohh"

"I said n---"

"Ahh excuse me ma'am, sir. Ang sweet nyo naman po. Pero wag ka pong mag-alala Miss Kelzy, hindi ko po ipagkakalat"

S-sweet?! Ako at si Javier? The hell! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa fat bone na to! And he's just my best friend! Duh!

"Ahh ate. Kuhanin na lang ho namin yung black. Tara dito naman tayo sa kabila. May table ho kayo"

Shit, his face! Mukha siyang matatae na ewan.

"Ahm. Tama si ate. Bakit ang sweet mo Javier? Siguro.. siguro may crush ka sakin noh? Aminin"

I teased him and hindi ko na napigilan pa ang humalakhak nang makita ko kung gaano kapula ang tenga niya. Damn! Is he blushing?!

"Javier you're so cute! Nagbablush ka talaga?"

I was about to touch his ear nang bigla itong tumakbo palabas. What?! Na-offend ko ba siya? I thought we were having fun? Or it just me?!

"Naku ma'am. Mukhang nahiya na ho sayo yung boyfriend niyo. Alam niyo ho bagay kayo. Ampogi din ni kuya, chubby lang hihi"

"He's not my boyfriend. Magkaibigan lang kami. Excuse me"

Bakas sa mukha ni ate girl ang pagkapahiya but it wasn't my intention for her to feel that. I was just correcting her. And for Javier na din, I'm too dense to feel na meron nga pala siyang girlfriend na masasaktan. Gosh!

I was walking sa pathway ng shop when I saw Javier holding a oven and a toaster. Shit! I thought iniwan na niya ko!

"Sungit, what do you think? Alam mo, hindi mo naitatanong mahilig akong gumawa ng pastry foods"

"Really? Kaya siguro culinary yung sinabi ko sayo noon"

"Tsk. At naalala mo pa yon."

"Of course. That's the best mistake I ever did."

I winked at him, and sa kabilang side naman ako naghanap ng fork and other kitchen utensils.

So far ay nakompleto na namin yung mga gamit na kakailanganin namin sa kitchen. We also bought fridge, yung small lang dahil pinakaimportante to sa lahat. If wala nito, baka the whole month, year ay puro delata kami ni Javier.

"Pabalato mo na sakin to sungit. Ikaw na yung nasunod sa sofa. Sa table at chair, ako naman"

Well. As long as mauupuan at makakainan, okay na sakin.

"Sir, ma'am. Madami ho ditong maganda, affordable at makalidad na tables and chairs. As you can see, madami ho kaming iba't ibang design. At lahat ho yan, made from narra trees."

"So kahit ho ba ibato sakin tong upuan hindi pa rin masisira?"

"Yes sir. Depende ho sa galit ni ma'am hihi"

What? At bakit nasasali ako sa usapan. Ang bait bait ko na nga dito ohh. So relaxing!

"Ayon sakto. Ito hong dark brown yung kukunin namin. Ganda ohh. Malambot pa yung upuan sungit!"

Yah. I like that one too. I guess pareho kami ng gusto.

"Saan na tayo sungit? Tv?"

"No need. Cliff texted me earlier, sagot na daw niya yung tv. And sa girls naman, some sheets ata for bed, and pillows."

"Mabuti naman. Nanginginig na yung credit card ko ohh."

"I can pay all the furnitures and some appliances na nabili na natin. And then saka mo na lang ako bayaran"

My TF for my past Bora shoot was really huge. As in nawindang ako sa digits, but Mamu said na maliit pa daw yon. Pero masaya na rin ako dahil first time kong nakatanggap ng ganong halaga sa shoot.

And I can spend it all sa condo. I'm not that greedy naman pagdating sa money. Besides mauubos din naman yon, at least sa mahalagang bagay ko nagastos.

"Wag na. Unang sahod mo yan ehh. Kapag kinulang na lang, saka ako uutang"

Hayy. His ego strikes again.

It was already 5 pm when we finished buying all the stuffs we needed. Finill-upan lang namin yung ilang details para sa delivery. And after we take pictures ay umalis na rin kami para humanap ng restaurant na makakainan.

Although sobrang nakakapagod yung pag-uuli sa shop ay naenjoy ko naman ang pagtingin tingin sa mga appliances, na halos lahat ay recommended ni Javier. He's the condo's chef, so wala akong naging silbi kanina.

"You okay? Pagod kana?"

"Yeah a little bit. Pero kaya ko pa naman Javier. Anyways, ngayon yung deliver nang mga binili natin right?"

"Oo, ako nang bahala don. Ihahatid muna kita sa bahay niyo"

What? No! That's the most exciting part pa naman and I won't missed it!

"I will help you."

"Magpahinga kana sungit, pagod kana sa shoo--"

".... And that's final"

I cut him off, before digging in my food again. I know na asar na asar na siya sakin kanina pa, too bad hindi ako tumatanggap ng pagkatalo ehh. Besides hindi ako katulad ng ibang babae. What Kelzy wants, Kelzy gets.

"Excuse me po. Ikaw po ba si miss Kelzy?!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumapit ang grupo ng mga kalalakihan at kababaihan sa table namin ni Javier. Oh god! They noticed me!

"Ahh. Nagkakamali ata kayo. Wala kaming kilalang Kelzy ehh. Tsaka first anniversary kasi namin ng asawa ko. Diba hon?"

He squeeze my hand and I don't know what to do as I covered myself with my hoodie. Damn! Bakit ko ba naman kasi tinanggal pa yung face mask!

"Ahh yes."

"Wehh? Kamukha mo to ohh. Yung sikat na modelo."

One of the boys member shows my picture and ang creepy lang dahil para akong missing or wanted. God!

"Ahh, maganda talaga tong asawa ko! Teka yan ba yung Kelzy? Itsura pa lang maarte na ahh."

Huh? Iniinsulto niya ba ko?!

I pinched his hand so hard and I can feel na naweweirduhan na sila sa aming dalawa. Duh! Mukha ba kaming mag-asawa?

"Mauna na kami. Nakakaabala na kayo sa date namin ni misis ehh. Tara na"

"Jess akala ko ba nakita mo si Miss Kelzy dito?"

"Oo nga, hindi ako pwedeng magkamali nakita ko siya kanina"

"Namamalikmata ka lang ata ehh"

"Oo nga. Nakaabala pa tuloy tayo sa mag-asawa"

"Tara na, wala nga ata dito"

Damn! They really believed na mag-asawa kami? Kung ako siguro yon, pagdududahan ko si Javier. Halatang halata na pinagtatawanan niya lang ako!

"Isang thank you naman dyan, misis ko"

He laughed and sa halip na matuwa ay mas lalo akong nainis sa kanya. May nakakatawa ba sa pictures ko?!

"Tara na. Nagtext na sakin yung shop nadeliver na daw nila"

Really? WAHH! I'm so excited!

My mood instantly diverted into excitement when we reached the condo's floor. Nasa labas na ang mga delivery boy and buti na lang nakarating na agad kami.

Nang maipasok na nila ang mga kahon kahon at plastic na mga gamit ay sinimulan na naming buksan ang mga ito. Shit! Kahit kami na yung bumili naeexcite pa rin akong makita. They're all worth buying for!

"Pantay ba?"

"Move a little, more. Yan. Left. Perfect!"

"Next stop sungit?"

"Sa kitchen"

"Kaya mo pa?"

"Of course! Let's do this!"

We consumed half an hour sa pag-aayos ng sofa and sa pag-aalined nito. God! I didn't imagine na mas sobrang nakakapagod pa to!

"Saan tong ref?"

"Here. Para pag pasok ng kitchen, fridge agad yung bubungad"

"Copy madam"

I was now holding a drill na hiniram namin kanina kay kuya'ng worker sa baba. Binubutasan kasi namin yung pader para sabitan ng mga kitchen utensils. Nabutasan na ni Javier yung right side and I requested na ako na yung magbubutas sa kabila.

"Diinan mo para mabutas"

"Shh. Wag kang maingay Javier! Nagco-concentrate ako!"

"Tsk. Ako na nga dyan. Ilang minuto ka ng nakatitig!"

"Fine!"

Ang ingay kasi nong drill! I was afraid na baka mabitawan ko or mapahamak pa ako kapag pinilit ko, so umupo na lang ako sa sofa, dahil yon na naman yung last na gagawin namin ni Javier.

God! It was a tiring day!

I don't think makakayanan ko pang matulog sa bahay so nagpadala na lang ako kay Mang Tonyo ng mga damit na susuotin ko bukas. I also texted mom and dad na hindi na ako makakauwi and luckily ay pumayag naman sila.

I close my eyes for a bit, when I felt someone's heavy breathing on my side. Nang lumingon ako sa aking tabi, ay nakapikit na din si Javier. Why do I feel like my heart beats so fast everytime he's near. Ano bang meron sayo Javier?

"Hoy! Nakakatunaw yang tingin mo ahh! Uy baka ikaw may crush sakin"

"A-ano?"

"Nauutal pa! Hayaan mo sungit, kapag crush na kita sasabih--"

"Ang kapal mo! Nakatingin lang ako kasi..."

"Kasi ano? Misis ko?"

"Argh! Kasi ang pangit mo!"

Damnit! Bakit ba ako nakatingin?! WAHH! What's wrong with you Z!

"Grabe ka naman. Hindi mo lang natatanong, habulin to!"

"Psh. Wag ka kasing tumakbo para hindi ka habulin"

"Joke ba yan sungit?! Nakakatawa ahh"

He laughed fakely and hindi ko napigilang ihampas sa kanya yung pillow na hawak ko. Damn this man!

"Aray! Sadista ka talaga!"

"Serves you!"

"Ohh awat na. Maiba tayo, ang ganda na ng condo ohh. Bagay na bagay yung mga nabili natin"

"Yeah. You're right. And I'm looking forward sa next shopping natin."

I can't believe na lilipat na kami bukas sa condo. We can now live on our own. And I'm very thankful dahil sinamahan ako ni Javier. Lahat to hindi magiging posible kung wala siya.

And I promise na hindi kami maghihiwalay, as long as hindi pa dumarating ang lalaking para sakin at ang babaeng para sa kanya.