Chapter 16 House peek
"Ma'am. Madami hong naghihintay na fans sa labas pati mga reporters."
Oh my! Kalalapag lang namin sa airport, and I didn't expect na madaming nakakaalam na ngayon ang balik ko ng manila.
It was a private information between my team and the clothing lines.
"Ayan na nga ang sinasabi ko bakla! Sikat na tayoo!"
"Tumigil ka nga Roxy. Ang alalahanin mo ay kung paano tayo makakaalis. Siguradong haggardo versoza na naman ang lola mo!"
Even nakahat, hoddie and glasses pa ako. I know na makikilala at makikilala pa rin nila ako.
"Kailangan mo silang harapin Z. Talk less. Kung may itatanong man sila yung mga basic info lang ang sagutin mo. Let's go"
Mamu said so we all agreed, besides wala namang ibang way para makaalis kami sa airport.
"Kuya Roger, pakisecure ng safety ni Z."
"Oo mamita makakaasa ho kayo"
The two baklitas at my back, ate Jodie and ate Roxy laughed, because of kuya Roger's way of saying mamita. Gosh. Feeling ko kahit ako ay maiilang kapag may tumawag na mamita kay Mamu. Sounds like a sugar mommy.
"Shut up mga bakla! Wag nyong kalimutang bokya din kayo pagdating sa mga adonis"
Matagal ng magkakilala sina Mamu, ate Jodie and ate Roxy. They said na sa pageant sa beki ng bayan sila nagkakilala noon. Ang kinaibahan lang ni ate Roxy kay Mamu and ate Jodie, is that she has a long hair. While Mamu and ate Jodie remained the boy cut, if hindi ko lang sila kilala ngayon, baka napagkamalan ko silang mga tunay na lalaki. Ang laki kaya ng tummy nila, except kay ate Roxy na may payat na katawan.
Kuya Roger and his team was now standing infront of us, kahit sa malayo ay kita ko na ang mga nagsisik-sikang mga tao and yung mga reporters na gustong makalapit sa akin.
I felt the tension and nervous when I've reached the airport's exit. Kulang na lang ay mapaurong ako dahil sa pagtutulakan ng mga tao sa labas. Some of them were holding a banner with my pictures and a letters na kinukuha ko naman sa kanila. WAHH! They're so sweet!
"Miss Kelzy. Tunay ba ang bali-balitang dahil sa business ng mga magulang mo kaya mo pinasok ang mundo ng pagmomodelo?"
"Miss Kelzy. Anong nararamdaman mo ngayon na sikat kana din katulad ng iyong mga magulang?"
"May pag-asa bang pasukin mo din ang pag-aartista?"
"Meron na bang nagpapatibok sa iyong puso?"
Shit! Why the hell sunod sunod yung mga questions nila. Nakakahilo.
"No, my family's business had nothing to do with my career. And hindi ko pa napagpaplanuhang maging artista. Besides I was enjoying my shoots, career in modeling. Also okay pa po ang aking puso. I was in love with the camera"
"Kelzy!!!! WAHH!"
"WE LOVE YOU KELZY HERRERA!"
"Kyahh!"
"Anong masasabi mo sa biglaang pagsikat ng pangalan mo"
"Tunay ba na--"
"Sorry pero wala nang tatanggapin pang tanong si Kelzy. Hintayin nyo na lang ho ang pormal na interview sa kanya. Maraming salamat"
"Pero Miss Kelzy--"
Kuya Roger secured na walang makakalapit sa akin, although grabe na yung pagtutulakan ng mga tao. But, we still make it na makarating sa van ng agency.
"Grabe na Z yung mga fans mo, kalurkey! Buti na lang andyan si papa roge!"
Ate Jodie said nang makapasok kami sa loob ng van. Actually meron ding ilang guards na pinadala ang agency and now ay doon ang last destination namin bago magpahinga. Gosh. Parang gusto nang pumikit ng mga mata ko.
"Z, tommorow you have shoot and then the next day, ishoshoot mo naman yung cosmetic product nang Angel's Cosmetic"
Shit! This shoots excites me more. I was looking forward to meet beautiful people and of course sa magiging venue ng lugar.
Habang nasa byahe ay hindi na namin nalabanan pa ang antok. Coz, we woke up early this morning to execute the last shoot and to prepare for the flight back to manila.
I don't know kung ilang oras o minuto na akong nakakatulog when a cold hand touches my cheeks. The person was tapping it as if, he/she was afraid to wake me up but still doing it.
"Hmm"
I tilted my head to shake off the naughty hand of that person. And I thought nawala na siya nang biglang may humatak sa head and legs ko pataas.
"Oh my god!"
Damn this jerk! Bakit niya ko binuhat!
"JAVIERRRR! PUT ME DOWN! ANONG GINAGAWA MO DITO? BAKI--"
"Wag ka ngang maingay sungit!"
"IBABA MO KO. GAGO KA. JAVIE--... Aray!"
Shit! Nabali ata yung bones ko sa waist! Gosh! I said ibaba niya ko, hindi ihulog!
"Aray! Bakit mo ko hinulog?!"
Ouch! Grabeng pagtulog to! Ang pangit ng bumungad!
"Sabi mo ibaba kita eh. So yan. Nahulog ka tuloy"
"Tss. So ako pa yung may kasalanan?"
"Buti nga ginising pa kita ehh. Mukhang nauom kana ahh"
"I'm not dead! And ano bang ginagawa mo dito? You missed me."
"Wow. Baka ikaw yon. Namiss mo ko? Oh. Wag mo ng itanggi, halata sungit"
Damn! Ang lakas niya mang-asar!
"Che! What are you doing here? Nasan sina mam---.. Oh my gosh! Shit! Nasa agency na ba--"
My eyes widen, when I saw the empty place I was in. Where the hell am I?!
Habang nililibot ko ang bahay ay nakahalukipkip lang na nakatingin sa akin si Javier. Why is he here? Don't tell me, akyat bahay kami?!
"Ohh? Wag mo nga akong tingnan ng ganyan--"
"Let's go! Ayokong makulong"
"Ano? Sabog ka ba sungit?"
Tss. The hell with this guy! Hindi ba niya nakikita? These rooms was not familiar! Trespassing kami!
"Hoy, teka nga. Ano bang iniisip mo?"
"I didn't expect na dinala mo talaga ako dito! Nasaan sina Mamu?! Yung agency!"
Fuck! May meeting pa ako with the president!
"Sungit! Condo natin to! Condo mo! Humithit ka ba ng katol sa Boracay"
WHATTT! C-condo? How come..
"Pagkatapos naming mag-usap ng dad mo, naghanap na agad ako ng bakanteng condo. Sa nakikita mo, dalawang kwarto to. Isa sayo at syempre yung sakin. Wala pang furniture hinihinta---"
WAHH! I couldn't help but to hug him tightly as I screamed because of happiness.
Bakit naman hindi niya agad sinabi. I concluded worst thing pa naman!
"Ohh? Umiiyak ka ba? Hoy sungit! Wag mo nga akong artehan"
"Tss. Ang kj mo Javier! Sa atin na talaga to? WAHH! I can't believe, pumayag na talaga si dad"
"Oo. Pasalamat ka sakin."
"Edi thank you Joselito Javier Jr."
"Tsk."
Seryoso samin na talaga to! Sobrang spacious ng lugar, siguro kapag nagbatuhan kami ni Javier, hindi niya ako matatamaan.
"We can put a sofa here. Then a flat screen TV! What do you think?"
"Pwede. Tapos ikakabit natin yung mga paintings mo sa pader."
"No! Saka na, kapag natapos ko na"
"Damot"
If I know ay gusto niya lang makita yung mga painting ko. Duh! I'm way smarter than him!
"One cr lang Javier?! Paano yung privacy ko?"
"Akala mo naman bobosohan! Schedule na lang para pantay!"
I was just roaming around while he's still at my back, giving opinions but sometimes puro kaepalan at walang kabuluhan lang ang sinasabi niya.
"Table, chairs, fridge, stove, oven, utensils, stocks. Gosh! I don't think we can able to buy that pricey items!"
"Kailangan muna nating pag-ipunan. Masyado nang mahal ang condo para humingi pa tayo sa dad mo at kay tatay"
"You're right. But don't worry madami pa akong shoot this vacay. Makakapag-ipon pa tayo bago magpasukan"
"Tumanggap nga pala ako ng sideline bilang photographer nang mga events. Half half rules pa rin."
Wow! So he still pursue photography.
"Ano nga pa lang ginagawa natin dito? Where's Mamu? My team? Don't tell me binuhat mo ko papunta dito!"
By the way, he looks different today. His shirts seems small, naglose siya ng weight?!
"Tinawagan ako ni mamu. Hindi kana niya ginising pa dahil madaming fans mo ang naghihintay sa agency. Iuuwi sana kita sa bahay niyo kaso madami na ding nakakaalam kung taga saan ka. Kaya dinala kita dito. Ginising kita kanina dahil kanina pang tumatawag si Ms. Tine. Sa clothing lines yon diba?"
Oh my god! I forgot the dinner! Mukhang araw araw na ata akong malalate kapag si Javier ang kasama ko! Hindi niya kasi sinasabi agad. Gosh!
"Pero wag ka ng mag-alala. Sinabi ko nang pagod ka at kailangan mo ng pahinga. Sina Mamu na lang ang pumunta"
On the other hand, he's not that bad naman. I think, mas magkakasundo kaming dalawa.
"Thanks. Anyway, which room do you want to occupy?"
"Kahit ano. Ikaw lang naman yung maarte"
"Tss. I will take the left side. Gusto ko after a tiring shoots ay bubungad sakin yung balcony. I'm loving the sunsets and sunrise na"
"So, mahal mo na rin yung mga mahal ko?"
He's seriously looking at me and I don't think kaya ko pang tagalan ang pagiging seryoso niya. Duh! Mas komportable ako sa mapang-asar niyang mukha.
"Y-yeah. Why? I mean madali namang mahalin yung mga mahal mo"
God! It's still about the sunset and sunrise right?
"Ito nga pala yung isa pang susi. Pina-duplicate ko. Maaga pa, magpahinga ka na muna. Bibili lang ako ng pagkain sa labas"
"No. I'm okay. I'll wait you na lang."
"Sige. Mabilis lang ako"
I immediately locked the door nang mawala na siya sa hallway. And while waiting ay nagsscroll lang ako sa ig. I was now enjoying reading praises and greetings nang bumukas ang pinto ng condo. Hindi ko na nilingon pa si Javier na mabilis na nagtungo sa kusina.
I also enjoyed taking pictures of me sa condo and I just send it sa girls to inform them about my new house slash hideout. And dahil mga chismosa sila, I know na magkukumahog sila papunta dito.
"Sungit. Nahanda ko na ang mga pagkain. Tara"
Javier said so I just followed him papunta sa kitchen and dahil wala pang table ay sa chairs niya sinet-up yung mga foods. And of course may mat lang sa baba.
I was surprised nang makitang walang salad or any veggie foods sa binili niya. WAHH! Sa wakas disenteng pagkain!
"Sinabi na din sa akin ni Mamu ang tungkol sa pagda-diet mo. Teka, bakit ka ba nagda-diet?"
"For my health and fitness"
"Fitness?! Kailangan mo pa ba non. Patpatin ka na nga"
Tsk. I don't know kung maiinsulto ako or matutuwa.
"Let's just eat Javier. Ang dami mong sinasabi"
I rolled my eyes at him and mukhang masaya pa siya na tinatarayan ko siya ngayon. In fairness siya lang yung taong masaya pa habang sinusungitan.
"Tomorrow I have shoot, masasamahan mo na ba ako?"
Ito na ata ang pinaka-peaceful na dinner sa lahat. Knowing his presence makes me calm.
"Sure. Pagkatapos bumili na tayo ng mga gamit na kakailanganin natin. Alam kong gusto mo ng lumipat"
He winked at me and hindi ko na naman napigilang yakapin siya ng mahigpit. He really knows what I want!
"Zzzzz---.. Oops p*rn"
What?
I feel like my world stop when I saw the girls looking at me and Javier. Shit. Shit. Shit. Wala namang masama kung niyayakap ko si Javier? And por..? Saan galing yon!
"Hello Z. Jose. Sorry may naistorbo ata kami. We didn't know na binibinyagan n--"
"Beatrice!"
What the hell she's talking about?!
"Yo girls. What happe--.. Damn. Get a room couz"
Fuck! Anong ginagawa ni cliff dito?! And he's with Enzo!
Mabilis pa sa alas-kwatro akong bumitaw sa pagkakayakap kay Javier, na wala pa ring kibo. God! It feels awkward!
"Jose pare, mag-isip-isip ka na mahirap maging girlfriend tong si couz. Anyways, ang cool ng condo niyo ahh."
Damnit! Clifford Marquez!
"Hey Z. Namiss kita. How's Boracay?"
Hannah asked while hugging me tightly. Aww. She's a gem!
"I miss you too Hannah babes. You're really my true friend. Hindi katulad nong tatlo dyan. Mas inuna pa yung food kesa sakin"
Bea was now distributing the isaw and beer sa boys and sa iba pang girls. Gosh! She's really a war freak!
Habang parang tour guide na nililibot ni Javier si Enzo and cliff na manghang mangha sa balcony ng condo.
"One for you. Isang pulutan lang cliff, para ka namang maghahapunan"
"Bente yung ambag ko. So equals four isaws na yon."
"At proud ka pa sa bente. Hannah, wag mo na tong habulin. Napakawalang kwenta"
"Hey, di ka naman mabiro. Ito na ohh. Tsk. Baka maniwala sayo si Hannah!"
God! I think hindi na magiging peaceful ang pagtira namin ni Javier dito.
"Ito yung room ko, tapos yung kabila yung room ni sungit."
"Ahh, bukod naman pala. Ayos yan pre, hindi ka mapipikot"
Clifford said and ngayon buo na ang desisyon kong itakwil siya.
"Don't worry bangin, Hannah wouldn't want to be with you either"
"Yo couz! Ang harsh mo ahh. Nagbago na nga ako ehh. I'm a better man now"
"Better man my ass! Let's go Hannah, I'm going to teach you how to make that guy cry."
Hannah innocently look at me and for sure ay hindi na naman niya alam ang pinag-uusapan namin ni cliff. Gosh! This bitch was an angel!
"Hmm? Gusto mo ng drinks Z? Apple juice your favorite"
"Thanks but I preferred beer. Anyways, hinahabol mo pa ba si cliff?"
I asked her bluntly and as expected ay namula at nahiya pa ang babaita! God! She's really a baby.
"N-no. I-i.. Ah-hmm... H-he said kasi na he's going to c-court m-me"
What? A Playboy, an ultimate manwhore will do that?! Sheez. I'm not that stupid!
"No. Alam kong liligawan ka niya, because you're easy to get. I have a question for you, kapag ba niligawan ka ni cliff, sasagutin mo?"
Oh my gosh! Umeepal na naman ang pagiging pakialamera ko!
"O-of c-course"
"Bingo! See? Liligawan ka lang niya because he knows na hindi na siya mahihirapan. That's it. Think Hannah babes. A manwhore will always be a manwhore"
"Hoy. Hoy. Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?"
I just tapped Hannah's shoulder before I left her dahil mukhang naaasar na naman sa akin si cliff. Duh! Hindi ako magpapatalo pagdating sa asaran!
And of course, pinoprotektahan ko lang si Hannah babes from heart break.
Umupo na lang ulit ako sa sahig kung saan nakaupo din sina Bea, Mori, and Sy. They were talking about the summer vacay and I know na hindi ako makakasama sa kanila.
"Beach tayooo!"
"Where? Siargao?"
"No. Sa Maldives"
Whoa! Maldives! Anak talaga ng tubig si sy!
"Gagi ka ba sy?! Hindi ko pa afford yon! Bundok lang kaya ng budget ko"
"Hey girls. You're talking about Maldives right? I can talk to my godfather about that."
Enzo said and halos magbow na yung mga daliri ko sa paa dahil sa sinabi niya. Damn! Bakit ngayon lang sila nagset!
"No, nakakahiya love. Sa siarga--"
"Talaga sy? Walang pagsisisi? Bukal sa puso?"
I teased her and sinamaan niya lang ako ng tingin. Duh! Kung ako yon grab na agad. Makapal pa naman mukha ko.
After an hour of drinking ay halos maubos na ng boys yung mga drinks. And until now ay hindi ko pa rin nauubos yung isang beer na dala-dala ko. I have shoot so paunti-unti lang talaga yung inom ko para hindi maubos agad.
We were laughing, talking, dancing and singing like a crazy bitches and assholes. And I thank god, dahil wala pang furniture yung condo kasi kung hindi baka magkabasag basag lang yung mga vases na ilalagay namin.
"Cheers to Z's success!"
"CHEERS!"
They all shouted and I reminded them na wag magpopost ng pictures with me, dahil hindi lang kami kukuyugin ng mga tao. Kundi lagot ako kay Mamu!
Also I realized na hindi naman din nila gusto ng spotlight. May kanya-kanya silang problem sa family nila, and ayokong mabash sila ng mga tao dahil sakin.
"For now girls, no more gimik.. in public! And if ever na makasalubong niyo ko, sa public places. Don't come near me. Don't say anything. Ayokong dalhin kayo sa spotlight. Because for sure, maiinvade ang privacy nyo"
"How about Jose? I mean, palagi kayong magkasama diba"
Bea asked and may work din naman si Javier, so sometimes niya lang akong masasamahan sa shoot.
"He can use hoodies and mask naman ehh. Besides magiging busy na din si javier sa work niya"
I said habang nakikinig lang si Javier na nakaupo sa aking tabi. It's okay naman if hindi siya makakasama, but tomorrow, I expected him to be there.
After they finished all the drinks ay nilinis lang namin yung mga naging kalat. Before we decided to go home. Although may bed na naman yung dalawang room ay hindi pa rin kami pwedeng mag-stay dahil wala dito yung mga gamit ko. And of course hindi pa ako nakakauwi sa bahay simula nang dumating ako galing Bora.
Cliff has his own car as well as Mori pero dahil medyo tipsy na rin si bangin ay sa house ko na lang siya patutulugin. Hayy. He's weak!
"I'll drive Cliff's car, pakisabi na lang sa kanya na ipapadala ko na lang sa bahay nila yung sasakyan"
Enzo said, so ang ending ay si Enzo nga yung nagdrive ng car ni cliff and kasama nila si Sy. While kay mori's car naman nakasakay si Hannah and Bea. And nakamotor naman kami ni Javier.
It was as if we were having road trip in the middle of the night and sobrang cool and fun lang dahil konti na lang ang bumabyahe ngayon. I was laughing heartily, everytime we raise our hand to feel the coldness and the warm memories that this night could give.
Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan ako ni Javier na ipasok si cliff sa guest room. Buti na lang din at may night shift na guard sa bahay, so hindi na namin kailangang gisingin pa si nay sabel or Mang Tonyo. God! Bakit ba tulog na agad si cliff! I swear hindi ko na siya isasama sa next night out!
Hindi na rin nagtagal pa sina Enzo and Mori dahil alam kong they were tired na rin and tulog na rin naman sina mom and dad.
Nauna na sila kay Javier dahil tinulungan pa nga niya akong bitbitin si cliff papunta sa guest room.
"So pano? Mauna na ko?"
"Ahm. Yeah. Ingat ka"
Gosh! Bakit ang awkward ngayon?!
"Text me kung anong oras bukas. Pupunta ako"
"Okay. You can go now, I know pagod kana"
"Sige. Bye sungit."
"Wait. Before you leave I just wanna say, thank you. Thank you dahil parati kang dumarating everytime I needed you the most"
"Oo naman. Para sayo. Para sa pangarap"
Geez! Z. She's your best friend. Ginagawa niya lang yon dahil magkaibigan kayo. Period.
"Bye. Javier."
"Bye. Anyways, namiss kita sungit."
What?!
The hell! Joselito Javier Jr, you're giving me heartache!