Chapter 13 Drake

"Alam mo bang kanina ka pa gustong makausap ni Mr. Walker. Ang sabi ko nasa school kapa. Pero tamang tama, buti na lang nag-iwan siya ng calling card. Tawagan na lang natin para maset ang meeting niyo"

Kadarating ko lang sa agency and hinatid lang ako ni Javier. Dahil may work pa siya sa fast food.

Sa lobby pa lang ng agency ay hinintay na ako ni mamu. And madami ding models ang nagkalat sa lugar. They're all in the mid 20's and I'm not sure but sa tingin ko ay ako ang pinakabata sa kanila.

"Yes Mamu, we have to close that deal. ASAP! Baka po may makakuha pang iba."

"Oo Z. Maiwan muna kita dyan, pumunta kana lang muna sa dressing room. Tatawagan ko lang si Mr. Walker."

I just nodded at her and nag-umpisa na akong maglakad papasok sa loob. I also bought take out foods for us. Dahil napagod talaga ako sa cheerdance.

"Hi. You're the new model right? I'm Irina. This guy at my side was Sean and then Laetia. Matagal ka na naming gustong lapitan kaso parati ka kasing busy."

A petite girl approaches me, she's pretty, and I think mahinhin siyang babae base na rin sa ayos at tindig nito. While the guy at her side was really masculine. A typical male model. And Laetia, she's pretty din, a chubby model.

I love chubby person. They're so bubbly.

"Hello. I'm Kelzy. And yes, I'm the new model."

They looked okay naman. After months, ngayon lang ako nakakilala ng models, personally. I don't know kung nilalayuan ako ng ibang models or naaartehan sila sa akin.

"By the way, dito sa agency may iba't ibang circle of friends. Alam mo kahit models tayong lahat, hindi pa rin maiiwasan yung mga bashers. And if you want, pwede ka sa grupo namin."

Really?! I thought the whole stay ko dito ay wala talagang papansin sa akin.

"Of course. Hindi ko matatanggihan yan. We can talk naman sa dressing room ko. Do you guys want to come?"

Actually, hindi naman ako choosy sa friends. Yung mga tao lang talaga yung ayaw makipagkaibigan sakin. Number one reason was, masama daw yung ugali ko. Which is judgements lang nila.

"Yah. If okay lang sa manager mo."

Sobrang professional nilang tingnan. I bet madami na din silang natapos na project.

"Oo naman. Besides busy pa din si Mamu. Let's go"

Sean and Laetia were both quiet. And feeling ko pinapakiramdaman din nila ang personality ko. I know naman na yung looks ko talaga yung nagbibigay bad impression sa iba.

Maattitude kasi yung eyes ko. Sobrang arte ng pilik and yung shapes ng eyes. I don't know why, pero namana ko talaga ito kay mom.

"Sorry if makalat. Kababalik ko lang kasi from staycation sa batangas. Anyways, suit yourself guys. Magpapadeliver na lang ako ng drinks."

"Ahh kahit wag na Kelzy. Bus--"

"No. I insist. Your name was Sean, right? Gaano na kayo katagal sa agency?"

I smell something fishy kay Sean and Irina. Hayy. Ang hirap maging chismosa.

"Yeah. Magta-tatlong taon pa lang ako sa agency. Hindi ganon kasikat, dahil puro girls naman ang kinukuha"

"Sean was one of the male models here na hanggang ngayon ay nagsstay pa rin. We're both 3 years in this industry."

So, I guess magkakilala nga silang dalawa, Sean and Irina.

"Mas ahead ako kesa sa kanila. I've been in this work for about four years"

Four years!! Wow. She's a pro! And I didn't expect na mas ahead pa sa kanila si Laetia. She looks like a baby kasi, so cute.

"So, madami ka ng natapos na project?"

It sounds interesting, I mean, their story motivates me.

"Not really. Laganap pa rin ang discrimination. And I decided na after my contract aalis na rin ako sa agency."

Ohh. I can't blame her, hindi talaga mawawala ang mga bashers and judgements nang ibang tao. But ito na yung gusto ko. And wala sa desisyon ko ang mag back out.

"Almost a year na din kaming magkakilala ni Laetia. And raket lang talaga yung habol namin."

Irina said and when I received Mang Tonyo's text ay nagpaalam muna ako sa kanila.

Inutusan ko kasi si Mang Tonyo na bumili ng drinks for us. And buti na lang hindi siya busy ngayon. Minsan kasi ay sinasama siya ni dad sa mga business meetings.

"Thanks Mang Tonyo."

"Walang anuman ma'am. Siya nga pala, pinabibigay ho ni Jose"

What is this? A tissue paper.

"Sige ma'am. Mauna na ho ako"

I just nodded at Mang Tonyo and tinago ko na lang muna yung tissue dahil baka naiinip na sila sa loob.

"Here guys. Drinks muna kayo."

"Naku. Nag-abala ka pa"

"Thanks Kelzy."

"Thank you"

We just talked alot about the agency. And madaming trivia akong natutunan sa kanila. They said pa nga yung mga bitches dito sa agency. Tsk. If I know ay wala ng mas lalamang sa akin. Lalo na kay Bea, baka mapaiyak ka lang niya.

"You're the daughter of Mr and Mrs. Herrera right? Bakit hindi ka mag apply sa ibang bansa? Malamang makukuha ka agad"

Sumagi na rin yan sa isip ko. But, I won't allow dad and mom's connection to bring me on top. I wanted to achieve it by myself.

"I don't think, they can able to help me. I mean my parents were both busy with their business. And gusto kong maging sikat dahil deserving ako"

It feels really good. Kapag nasasabi ko sa iba yung rants ko or yung about sa family ko. Just like Javier, kung hindi ko nasabi sa kanya yung about kay mom and dad, siguro hindi ko siya best friend ngayon.

"Sorry Kelzy but we badly needed to leave now. My manager texted me and kailangan na naming bumalik sa rooms namin. Anyways it was really nice to finally meet you and talked to you. If you need anything nasa kabilang rooms lang kami, sa second floor."

Irina's voice was really charming and sobrang light lang nilang kasama. Ni hindi ko naramdamang maging pressured or mag-act na professional model.

"Thanks Kelzy. See you around. Magdinner tayo next time"

Laetia said before she kissed my cheeks, as well as Irina.

"Salamat sa padrinks."

I just nodded at Sean and sabay silang naglakad palabas ni Irina. And tanging nasa likod lang nila si Laetia, na paniguradong third wheel lang sa dalawa. Gosh. Kay Sy and Enzo pa lang quota na ako.

And dahil wala pa naman si Mamu. I decided to clean our dressing room. Nagkagulo gulo kasi yung mga clothes ko dahil kapag may shoot, basta ko na lang nagugulo yung pagkakahanger. I don't like messy surroundings talaga. Actually, may asthma ako noon. Konting alikabok lang nangangati na yung nose ko and nanininikip na yung dibdib ko.

But thankfully, hindi siya ganon kalala. Dahil na rin sa pagbabawal sakin nina mom and dad. Nawala lang siya when I was in elementary, and luckily hanggang ngayon ay wala pa namang nakakapagpa-trigger para bumalik yung asthma ko.

"Z! Good news. Tuloy na tuloy na ang photoshoot mo! At hindi mo na kailangan pang makipag-usap kay Mr. Walker naayos na niya lahat. Ang kailangan mo lang gawin ay sumipot at magpaganda para sa shoot"

That fast! Hindi ko masisisi si Mr. Walker, walang nakakatanggi sa ganda ko.

"Mamu, pwede ko po bang puntahan si Javier? I just want to inform him about the shoot"

"Ikaw ha. Baka iba na yan"

What? Anong iba na yan? Don't tell me?

"Mamu! Kaibigan ko lang si Javier"

"Siguraduhin mo, pinapaalala ko lang sayo, babago pa lang nagsisimula ang career mo."

Shit! I didn't expect na yon ang iisipin ng iba dahil close ako kay Javier. He's like a brother to me, a companion, a supporter. And I don't think makakaya kong masira yung pagkakaibigan namin because of love.

"Mamu--"

"Sige na, tatawagan na lang kita kapag may ipagagawa ang agency. Mag iingat ha"

Si Mamu talaga mahilig mag over think.

While waiting for Mang Tonyo to arrive ay nagtext na rin ako kay Javier. I just informed him na dadaan ako sa fast food.

Shit! Speaking of fast food! Nakalimutan ko na yung foods na dala ko!

"Hello Mamu. I brought food nga pala. Nasa may make up table. Yah. I will. Bye"

After I ended the call ay sakto naman ang pagtigil ng kotse sa harapan ko. It wasn't our car, so agad akong naglakad palayo.

Only to find out na hindi coincidence na huminto ito sa harapan ko. A jerk leave his car and i don't know kung anong sadya niya dito.

He was smiling at me, that causes my eyes to rolled. Asshole!

"Hey Kelzy! Can I talk to you?"

Tsk. At bakit ko naman gugustuhing makausap siya, aber?! I'm not that stupid.

"I'm not available, Mr. Drake. And please wag mo na akong guluhin sa school. Or kahit si Javier"

He's just wasting his time, if I were him, maghahanap na lang ako ng ibang mapagtitripan.

"Too bad Kelzy. Gustong gusto talaga kita. And kaya kong gawin lahat para makuha ka lang. Isipin mo na lang si Jose. Ano kayang mangyayari sa kanya kapag hindi ka sumama sakin?"

My hands turned into fist when I saw him smirking. Anong karapatan niyang takutin ako? Duh, I'm not scared! Mas naaawa pa nga ako sa kanya. Attention seeker!

"Go on. Do it. But let me remind you, bago mo siya masaktan, ako muna ang haharapin mo"

Gosh. So much time for this jerk. I don't know kung ano ng nangyari kay Mang Tonyo, but ayoko namang maghintay pa kasama si Drake. Damn that man! Inuubos niya lang ang pasensya ko.

"Where are you going? Kay Jose? Baka hindi mo na siya maabutan."

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, when I imagined Javier's situation now.

"W-what do you mean?"

"Date me. I promised, walang mangyayaring masama sa kaibigan mo"

Just this once Z. For javier.

Kahit labag sa loob ay pinilit ko na lang pakisamahan si Drake. Riding in a car with him was like hell. The whole time ay siya lang ang umiimik and when he noticed na ayokong makipag-usap ay tumigil naman ito.

I was just doing it, for the sake of our peacefulness. And after this talk, ay sasabihin ko na kay dad ang pangungulit nito sa akin.

"Hey, smile. Show me the real you. Alam mo, gusto ko lang namang makipagkilala, kaibigan, and eventually boyfriend mo. Just give me a chance to prove it."

"To tell you honestly Drake. Wala akong panahong makipag-gaguhan sayo. Now, stop this damn car at bababa na ako."

Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'patience'. And kung sya lang din ang makakasama ko for life, baka maaga akong mamamatay.

"Look, rememb--"

"I don't care! You think, ganon kahalaga sa akin si Javier para gamitin niyo siya against me?! He's nothing but a loser. Now stop this car, para makauwi na ako"

Shit! Kung pwede lang magpamisa dahil sa mga sinabi ko ay gagawin ko. I didn't mean to say those words, wala na akong maisip pang paraan para hindi na madawit pa si Javier sa akin.

"You know what Kelzy, I'm right. Alam ko namang pinakikisamahan mo lang si Jose dahil may napapala ka pa sa kanya. Alright, you can go now. Take care"

Part of me wanted to correct him. Pero kapag binawi ko yon alam kong pag-iinitan na naman nila si Javier.

When he stopped the car ay nagmamadali akong lumabas. I don't even know kung anong lugar to. Madami na ding tao ang nakatingin sakin dahil sino ba namang maganda ang tatambay dito. Gosh!

I was in the middle of fucking nowhere, when my phone beeps. It was Mang Tonyo, and he's informing me na nasa agency na siya. He also added na nasiraan pala yung car kaya hindi siya agad nakarating.

So I immediately texted him, to track my phone. Ever since kasi when I was a kid, I already have gadgets with me wherein nakaconnect siya kay Mang Tonyo, incase of emergency.

You know, my parents were both influencer, so hindi maiiwasang magkaroon sila ng alitan with their co-workers.

I think hindi naman ganon kalayo yung lugar ko sa agency, kaya siguro mabilis na nakarating si Mang Tonyo.

Kapag talaga nakita ko ulit si Mr. Dick ay pepektusan ko na siya. Sinira niya ang araw ko!

"Ma'am bakit ho andidito kayo? May nangyari ba?"

"A pest came lang po. But I already took care of it"

"Ganon ba. Saan ho tayo ma'am?"

I'm not sure kung kaya kong harapin si Javier ngayon. I felt guilty. And gusto ko munang kausapin si dad about drake, para hindi na maulit yung pang-gugulo niya.

"Sa house po Mang Tonyo"

He nodded, and after some u-turn finally ay nakarating na din kami sa bahay. I expected na wala pa sila dad, dahil palagi namang gabi na sila dumarating, so i just changed my clothes before having my late lunch slash dinner na din.

"Iha. Kamusta ang iyong pagmomodelo? Nakakayanan mo pa ba?"

Actually, this past months, hindi pa naman ganon kahectic yung sched ko. Maayos pa akong nakakagalaw, and natapos ko yung first year ko without straggling.

"Okay pa naman po nay. Mabilis po akong naka-cope up because of Javier."

"Ahh. Yung kaibigan mo? Napakabait na bata. Alam mo bang tinulungan niya ko kaninang mamalengke."

Mamalengke? I thought nasa fast food siya.

"Paalis na sana ako ng palengke nang makita ko siya. May kasama siyang.. Sino nga ba yon... Ahh! Si Pa.. Paolo.. Mali mali. Ahh! Paul! Tama. Mukha nga silang nagtatalo ehh. Tapos nung nakita ako...."

'Tapang mo na ngayon Javier ahh, palibhasa kasama mo si Kelzy. Hindi pa tayo tapos. Let's go Jake, Paul!'

Paul. Shit!

"Anong oras po kayo namalengke?"

I swear kapag may nangyari kay Javier. Lagot sila sakin!

"Kanina pa iha. Bakit? May problema ba?"

Damn!

After I ate my food ay nagpaalam na ako kay Nay Sabel na aakyat sa room ko. She's busy na rin sa pagpeprepare ng dinner, so hindi niya napansin ang pagmamadali ko.

Sa stairs pa lang ay tinatawagan ko na si Javier. His phone keeps ringing hanggang sa mag-end ito. I also texted him, kung nasaan siya ngayon, kung sino ang kasama niya and kung may nangyari bang masama sa kanya.

I keep on dialing his number until he answered it. Oh my! I thought hindi na niya sasagutin!

"Hello javier. Where are you? Nay Sabel told me na you're with Paul, the guy in the gym. Sinaktan ka ba niya?"

Dumaan ang mahabang katahimikan before I heard a loud sigh, followed by his laughed. What? Is he a drug addict!

"Javier! Wag mo nga akong pagtawanan! Gago kaba ?!"

Tsk. Ang kapal ng mukha!

"Sungit! Anong pinagsasasabi mo? Okay lang ako. At yung kay Nay Sabel, magkasama kami ni Paul dahil nagkabati na kami"

Really? I thought, it will lead to a fight na naman.

"Are you sure? You can say it naman sakin. I'm your friend, kakausapin ko na lang si dad about my issue with Drake's fr--"

"Wag na sungit. Makakaabala ka lang kay Tito. Okay na kami ni Paul. Tsaka nagkausap na rin kami ni Drake. Hindi na rin ako pumasok sa fast food, pinatigil na ko ni tatay. Okay naman na yung pagsusustento niya"

Is that so? What's the sudden change? I mean ganon din kanina si Drake. He acted like hindi niya ako pinagbantaan kanina.

"Nasayo na ba yung tissue na pinabibigay ko?"

Oo nga pala! I forgot!

I was curious din kung anong laman nung tissue. Is it some cheesy jokes na naman from him? Or number sa lottery? Kidding.

"Javi--- *toot *toot"

Tsk. Siya lang talaga yung nakakapagbaba ng tawag sa akin. Duh! Lahat kaya ng tao takot sakin. Even, Sy, and Hannah.

Saan ko nga ba yun nilag--.. Sa pe pants ko!

Mabuti na lang talaga pinaalala sakin ni Javier. Kasi kung hindi baka naisama na to sa laundry.

When I already found the piece of tissue he gave, ay pinalitan ko muna yung lights ng room ko into star gazing theme. It feels relaxing.

"What's with the tissue Javier?"

I asked myself while laughing heartily. Gosh! He's so corny!

Sa front palang ng tissue ay may nakadrawing nang happy face emoji. Tissue ata to sa fast food ehh.

I was smiling the whole time, as I unfold the tissue paper.

'Para sa pangarap' <3

-Javier-

Shit! I know it may sound corny. But I really loved the way he good luck's me. Madami talaga siyang kagaguhan sa katawan.

After I read it, ay agad kong tinawagan si Javier. Damn him! Kaya niya pala inend yung call!

"Yo sungit"

"Tsk. At talagang inabala mo pa si Mang Tonyo para sa tissue paper"

"Ganyan ka ba mag thank you?"

Psh. Hindi talaga siya magpapatalo.

"Need ba? Hindi ako nainform"

"Matulog kana. Nababadtrip lang ako sayo"

He's so grumpy.

"Javier"

"Ano?"

Hayy. Para siyang babae.

"Thank you"

I softly said before ending the call. Nilagay ko lang yung tissue sa isang box sa cabinet ko, before I go downstairs.

Mag-mimilk muna ako and after that ay matutulog na rin ako. I'm so tired, dahil sa naging event sa school. And yung problem about kay Drake and his friends.

"Z! How's school?"

Dad asked pagkababa ko pa lang ng hagdan. So they're here. Ang aga nila ahh.

"It's okay naman dad. We just finished the event in school. And tommorow, start na po ng vacation"

If yawning was a crime, siguro kanina pa akong nakakulong. Sobrang bigat ng feeling.

"That's great. At least makakapag focus kana sa modeling mo"

Dati, pangarap ko lang na marinig mula kay dad ang about sa modeling. But now, I can feel na he's supporting me all the way.

"Mr. Li's son talked to me earlier. He asked me personally if pwede ka niyang ligawan"

What? Hindi talaga ako titigilan ng asshole na yon!

"You know what Z. Why don't you try entertaining him? I bet you two can get along"

No way! No fucking way!

"No dad. Kinukulit na niya ko sa school. Pati si javie--"

"He's a man. Look Z. Kaya ka niya kinukulit because he loves you. Give him a chance"

Damn that jerk! Pati si dad nabrain wash na niya!

"I said no!"

"Kelzy!"

Where's mom ba? I thought ayaw ni dad na mag boyfriend ako. But with that dick! God! This conversation was stressing me out!

"Good night dad. And no, hindi ko ho ieentertain si Drake."

If living on my own means having a peaceful life, so be it.