Chapter 14 Condo

"Mamu, may malapit bang condo dito sa agency?"

After the talked I had with my dad, I realized na hindi imposibleng maulit ulit iyon. I can see it naman na gusto niya ko para kay Drake, because of his business. Dahil nahihiya siya kay Mr. Li.

Tsk. Ganon ba talaga kapag business na ang pinag-uusapan? Just like mori's parents. They sacrificed Mori for the sake of their business.

"Oo naman Z. Madami dito sa Makati. Bakit? Naghahanap ka ba?"

"Yes Mamu. I have savings pa naman, kahit yung pinaka-cheap na room lang"

Maaga akong nagpahatid ngayon kay Mang Tonyo sa agency. We have meeting kasi for my bora shoot. And hindi lang iyon ang company na kumuha sa akin. Mamu said na trending na ang pangalan ko sa business world. That's why we expected na mafufull na ang sched ko this coming vacay.

"Tamang tama. Hindi na magiging hassle sayo, lalo na ngayong mas nakikilala kana. Ang tanong, payag ba ang parents mo? Sinasabi ko sayo Z ha. Mahirap mapa-OO ang magulang mo"

Yah. And I know na, I was in between. Maaring payagan nila ako dahil pumayag naman sila sa pag-momodeling ko. Or worst, hindi. Gosh! I'm not a kid anymore!

"Tama si Mamu. Natatandaan mo pa ba Roxy nong mameet natin si Fudak! Naku nahaggardo versoza ang lola mo! Amoy yamanechi!"

What?

Sa ilang years kong kasama sina Mamu, ate Jodie, ate Roxy and kuya Joaqy. Hindi pa rin ako nasasanay sa beki language nila. Duh! Ang bibilis kaya nilang magsalita!

"Opkors Jodie! Embey pa ata ang fudak ni Z. Shokot ni bakla!"

Before kasi when my eighteenth birthday happens, sila pa rin yung kinuha kong make up artist. And doon nila nameet si dad. They said pa nga how strict looking my dad is. Yet nagkaroon pa rin siya ng anak na pinaka bitch sa lahat.

The more kasi na ayaw nila mas challenging sa akin. Tsk. Hello, I'm so adventurous kaya!

"Yung majubis mong friend baka matutulungan ka. Diba dahil sa kanya kaya pumayag ang dad mo"

Kuya Joaqy said out of nowhere, and parang may light bulb na lumitaw sa mind ko! Oh my! He's right! Si Javier ang sagot! Shit, shit!

"WAHH! Kuya Joaqy, you're so brilliant po!"

I couldn't help but to hug him tightly kahit na busy pa rin ito sa paglilinis ng camera niya.

"Kahit pagkain lang Z tumatanggap ako"

He teased, that makes us laughed. Actually, kami na lang yung natira sa meeting room sa agency. The president and the talent production leave us here, to clear everything, but we all agreed naman na sa flow nang naging plan.

"Guys pwede na tayong umuwi. Matulog, magpahinga at kinabukasan simula na ng shoot ni Z. Sa Boracay tayo bukas. Z, yung mga bilin ko. Wag magpapakastress."

"Yes Mamu."

After this project. I know na magbabago na ang buhay ko. I won't be able to have fun in a public bars. Have a normal life. And I expected na madaming tao ang palaging nakamasid sa bawat galaw ko. But the thing is, magagawa ko na ang isa sa passion ko.

And I know, magiging proud din sa akin sina mom and dad.

"So, bukas na ang simula ng shoot mo?"

"Yes, ang saya diba Javier! Andito na tayo!"

I texted him kasi earlier na sunduin ako sa agency. And you know what, nagdala pa talaga siya ng motor. I don't know kung saan niya hiniram yon. Pero at least hindi siya busy today.

"Ohh bakit hindi ka pa nagpapahinga ngayon?"

Nag-drop by kasi kami sa favorite place namin, sa Paraiso. Besides sobrang aga pa naman para magpahinga. Why don't we celebrate it right? Naudlot kasi yung kahapon ehh!

"Yesterday, I planned na bisitahin ka sa fast food. Kaso pinuntahan ako ni Drake eh."

Kanina, he brought picnic blanket and foods, plano niya din sigurong dalhin ako dito. So now, I enjoyed organizing the foods. Puro healthy food to, baka kasi mag-gain ako ng fats.

"Ano? Pinuntahan ka ni Drake?"

"Yah, he said na kapag hindi ako nakipag-date sa kanya.."

I looked straight to his eyes and I know na alam na niya ang susunod kong sasabihin.

"Tss. Hayaan mo na yun sungit. Wala lang magawa sa buhay."

"That's why, I'm so thankful na walang nangyari sayo. Sabihin mo sakin kapag inaapi ka nang mga yon. Makikita nila!"

"Ohh anong gagawin mo? Mayabang kana ngayon ahh"

Shit!

"Javierrrrrrrr!"

My eyes widen when he squeeze the orange peel sa face ko! Asshole buti hindi sa mata ko!

"Grabe Javier! Bubulagin mo ba ko!"

"Ang oa mo naman sungit. Parang balat lang ehh"

"Ahh, so parang balat lang pala! Come here, sayo ko gagawin!"

"Oyy, sa mukha lang yo--.. Sungittt!"

I was laughing the whole time while chasing him. Gosh! Bakit ang bilis niya tumakbo?!

"Javier! W-wait."

"Ohh ano? Asar talo ka?! Weak ka pala ehh"

"Che!"

Akala mo naman hindi siya lalapit sa akin! Psh. Let's see.

Sinimulan ko na lang kainin yung mga foods, habang nakasulyap lang sa akin si Javier. Tss. He looks stupid. I know naman na hindi niya rin matitiis na hindi lumapit sa picnic namin. Matakam ka!

"Hoy sungit! Time pers na ha! Ang daya mo, kumakain kana dyan."

He gestured a peace sign, while slowly sitting in the blanket. Ang kapal ng mukha! Yung sa kanya puro karne tapos fruits and salads lang yung sakin!

Konti na lang magiging goat na ko!

"Ohh, bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo?"

As if naman bibigyan niya ko! Psh!

"No thanks, mas masarap pa rin ang salad. Healthy pa. Kaya ka tumataba Javier ehh"

"Hoy foul yon ahh! Wala lang akong abs pero hindi naman ako ganon kataba. Palibhasa kasi wala ka ding dibdib"

What!!!

Wow! Yung mga ex's ko nga hindi nagrereklamo ehh! At least maganda pa rin ako!

"Fyi javier, natural beauty to, walang added artificial flavor"

"Ano ka, pagkain? Tss. Kumain ka na nga lang dyan"

"Gusto mo? Ipagbabalat kita ng apple"

"Binabalatan ba yan?"

"Duh! Of course Javier, dirty kaya yung outside ng apple"

"Ang arte naman. Wag mo ng balatan. Akin na nga"

Ang attitude niya ahh! Siya na nga yung pinagsisilbihan!

"Siya nga pala sungit, pinapapunta ako ng dad mo, sa bahay niyo"

What? Ano namang gagawin niya sa house?!

"Bakit ka niya pinapapunta?"

"Hindi ko din alam. Ikaw, may ginawa ka bang masama?"

Huh? At bakit napunta sakin yung sisi. Siya nga yung pinapapunta diba? Baka siya yung may ginawang masama.

"Crop that Javier! Bakit ka naman ipapatawag ni dad kung may ginawa man akong masama. Isn't it the other way around?"

"Wow. Hinabilin ka sakin ng dad mo. Kaya kargo kita, sa ayaw mo at sa ayaw ko"

"Psh. Ayaw mo pa sa lagay na yan ahh. Hiyang hiya sayo Javier"

"Ohh. Edi sabay na tayo pauwi?"

Pauwi?

"Duh. House ko lang yon!"

"Damot neto. Baka kailanganin mo rin ako"

Shit! Oo nga pala!

He was busy eating his food and I don't know kung ito na ba ang right time para humingi ng tulong sa kanya about sa condo.

I'm nervous.

"Ahm. Javier"

"Ohh? Kumain ka muna. Papahapon na ohh. Kunin ko muna tong camera, pipicturan ko lang yung sunset"

Hayy. Wrong timing, mukhang nainlove na naman siya sa sunset. And because I'm alone, I decided na magdrawing na lang.

He really loved the sunsets so much, and yeah, I was here, at his back, sketching this lovely moments of his with his love.

"Sungit! Halika! Pipicturan kita dito, ganda ng view ohh"

"Wag na Javier. I'm okay na dito"

"Tara na! Ganyan ba yung mag-momodelo?"

"I'm not in the mood"

And hindi pa tapos yung art piece ko!

"Ano bang ginagawa mo?"

Shit! I immediately close my drawing book when I saw him walking to my direction. Hindi talaga makahintay!

"Nothing. Let's go."

He glanced at my book one last time before I pulled him palapit sa sunset.

"Ano yung ginagawa mo? Drawing?"

"Yah. I once told you diba? That's my second passion"

Kung hindi ko siguro kinahiligan ang pagmomodelo. Siguro I will pursue being a fashion designer. Before kasi, I imagined different styles of clothes and eventually nassketch ko siya, but now, I don't think kaya ko pa.

"Sa art gallery? Malay mo may maambag kang art piece sa bansa"

"I didn't expect na napakalalim mo pa lang tao Javier"

Really? Art gallery? Feeling ko mababait lang ang gumagawa non. Besides I'm not into arts naman ehh. Hindi ko naiimagine ang sarili ko, na sisikat sa field na yon.

"Bakit? Alam kong kaya mo yon. Ikaw pa. Teka. Nasan nga pala yung mga drawings mo? Kailan mo balak ipakita sakin?"

Duh. It's for my eyes only! Atsaka nakakahiya namang ipakita yung mga canvas ko about sa kanya. Baka asarin niya lang ako.

"Hindi ko naman tinatapos yung mga drawings ko, so useless din"

Actually, meron talaga akong mga art piece na hindi ko tinutuloy. I don't know why, but once na nawalan na ko ng interest, nagiging ugly piece na lang siya.

"Bakit ba hindi mo tinutuloy?"

"Tss. Ang dami mong sinasabi Javier! Pipicturan mo ba ako o hindi?"

He's really so talkative! Kaya siguro madami siyang nagiging friends.

"Oo na. Wait. Ililipat ko yung picnic dito. Gusto kong makita ang isang sungit na masaya ha!"

"Yes po, direk"

I laughed, while he's busy setting up the picnic. So, kinareer niya talaga.

"Ohh upo ka dito. Kunyari nilalabas mo yung mga pagkain galing sa basket"

Wow. Daig niya pa ang isang professional photographer ahh.

"Smile sungit. And one, two, three.. 📸"

"Javier. Sa tingin mo. If ever na kumuha ako ng condo, papayagan ba ko ni dad?"

I asked and alam kong natigilan siya dahil sa out of nowhere kong tanong.

"Hindi. Parang hindi mo naman kilala ang tatay mo. Malalagot ka lang"

Tsk. Napakasupportive!

"Tulungan mo na lang kaya ako"

Shit! Umu-o ka please. I really really wanted to have a condo, para mapalayo na rin sa ako sa bahay. Kay mom and dad.

"Ako? Ano namang laban ko sa desisyon ng dad mo. Tsaka, bakit ka ba kukuha ng condo? Andyan si Mang Tonyo, pwede ka niyang ihatid sundo"

"Tss. Forget it na lang. You know Javier, thanks sa pagiging supportive naappreciate ko!"

Kung siya walang bilib sakin. Ano pa sina mom and dad. I thought, suportado niya ko sa lahat ng bagay.

Hayy. Bawal mastress! Kailangan maganda ako bukas sa shoot.

"Sige sige. Susubukan ko"

What?

My eyes widen when I heard his emotionless voice, I knew it, he's still the best, best friend ever!

"Really Javier? Tutulungan mo ko kay dad?"

"Oo nga. Pero kapag humindi na yung dad mo. Wala na akong magagawa"

There's a big chance naman na pumayag si dad because it was Javier! Dad knows naman how Javier affected me not just in acads but in overall changes na nangyari sa akin.

I'm a good girl now. Matataas yung grades ko. Hindi na ako gumigimik. And nakikipag-make out sa different guys. So yeah, papayagan ako ni dad! I claimed it!

"Hoy sungit! Wag kang ngumingiti ngiti dyan, hindi ka pa sigurado. Ang dad mo pa rin ang masusunod"

"Shut up Javier. Don't think negative thoughts kasi. Let's go na. Gamitin na lang ulit natin yung motor mo papunta sa house."

"Oo na. Ligpitin mo muna yang picnic blanket"

Everything for me was like a dream, pauwi pa lang kami ni Javier sa bahay ay binabasa ko na ang mga comments ng mga tao sa social media, about my partnership with this clothing lines.

They praises me and I can feel na unti unti nang gumuguhit ang pangalan ko sa industriya.

"Sungit"

"Hmm?"

We're still here sa daan and medyo traffic lang dahil malapit na rin ang rush hour.

"Kapag ba sikat kana, pupunta ka pa rin sa bahay?"

Really? Tinatanong pa ba yan!

"Of course. For Stef, otep and Tita Nelda, I always have time for them."

He just nodded and hindi naman nagtagal ay lumuwag na rin ang daan. I think, sanay na sanay na talaga siyang magdrive ng motor. Ni walang kaba akong naramdaman habang nag uuturn siya. I feel safe.

"Andito na tayo. Lapit ka ako na ang magtatanggal"

I was wearing a helmet kasi. While siya naman yung wala. Pinagamit niya kasi sakin yung helmet nong motor, and he said na bibili pa siya ng helmet for me.

"Kakain ka pa rin ba sa karinderya kahit na sikat kana?"

Wait! What's with his questions? Don't tell me, he thinks na may magbabago sa samahan naming dalawa?

"Javier. Kung sino ako ngayon. Ganon pa rin ako sa susunod pang taon. You see, this was my passion but not my life. Besides, may hangganan naman ang pagiging sikat."

"Ma'am. Andyan kana pala. Jose! Pasok kayo, kanina pa kayong hinihintay sa loob"

Huh? So alam ni Mang Tonyo na magkasama kami ni Javier.

"Tara sungit."

Tsk. He ruled this house na ahh. Baka pati si Mang Tonyo wala na ang loyalty sakin! Shit! Pano na yung gimik ko. Maduga si Javier!

Pagka-open pa lang namin sa main door ay rinig ko na ang malakas na tawanan ng dalawang oldies sa kitchen. I think may kasamang guy si dad.

"Mang Tonyo, who's that guy po?"

Lately kasi, dad were so busy and hindi ko na siya nakikitang makipaghang out sa mga close friends niya. This was the first time, after he shifted to business.

"Kaibigan ng dad mo. Maiwan ko na kayo ma'am, Jose. May gagawin lang ako sa garahe."

"Sige ho Mang Tonyo, mobile games ho tayo mamaya"

We both entered the kitchen quietly. And hindi pa rin nawawala ang masayang halakhakan ni dad and the man on his side. I think, kasing edad lang siya ni dad.

"Iha! Jose. Tamang tama, naghahanda ako ng hapunan"

Nay Sabel said and it caught the attention of the two man.

"Tatay!"

What?

The man beside my dad, greeted Javier with a hug. Shit! He's the male version of Stef!

"Son. I'm glad, you came"

"Bakit ho andito kayo? Akala ko ho ba busy kayo sa tagaytay"

Gosh. I was like watching a father and son movie. Dumadaloy na naman ang pagiging chismosa ko.

"Iho, I told to your dad na inimbitahan kita sa bahay. So we both postponed the meeting para magkita kayo"

"Jill was right. Anyway, I didn't expect na magkaibigan kayo ni Z"

Javier's dad said, and I was surprised na kilala ako nito. I mean my nickname. Piling tao lang ang tumatawag sakin non.

"Ahh. Yes po. Classmate ko po si Javier sa isang subject."

I politely said, and I don't know why I feel nervous, everytime his dad showed a meaningful smile.

"That's good. I mean, Jill and I were best friend, I remember the times when Jill invited me to be your godfather, but I refused to, dahil sabi ko may anak akong lalaki. Sorry to say this but, we both agreed na in the future, ikakasal ka sa anak ko. But don't worry, we're just having fun that time. And things really do changed."

Oh my! I don't think makakausap ko pa si Javier nang matino after knowing this agreement!

"Ahh, Sir Jill. Lito, handa na ang hapunan sa may garden. Pinapasabi ni ma'am Ivy na hindi na siya makakasabay sa dinner"

"Where's mom Nay Sabel?"

She's always busy! Mas busy pa nga siya kay dad ehh.

"Your mom was busy with her client. Let her be Z. It's for your own good"

For me ba talaga? Or for their business.

I could feel Javier's stare, so I immediately shifted my mood. Kay dad ko na lang muna siguro sasabihin ang tungkol sa shoot ko bukas.

"Let's go Lito. Jose. Z change your clothes first. Nasa garden kami."

"Yes dad"

I know na gustong magpaiwan ni Javier, kaya agad akong tumango sa kanya, na susunod na lang ako after ko magpalit. Besides hindi lang naman to yung unang beses na wala si mom or si dad sa mga achievements ko.

"Iha. Pinabibigay nga pala ng mom mo. Naku! Bagay na bagay sayo"

Siguro noon matutuwa pa ako sa mga gifts, jewelry na binibigay sakin ni mom. But now, I realized na, she's making up with me, with those items.

How funny right? They're so strict yet wala naman silang time para sakin. Gosh! I'm okay. Mas mabuti pa ngang umalis na ko sa bahay.

"Thanks nay. But madami na po akong necklace ehh. Sayo na lang po"

"Talaga iha? Naku! Baka mapagalitan ako ng mom mo"

"I'll tell her na lang na binigay ko po sayo"

I'm not happy with those things naman ehh. Might as well give them to Nay Sabel. I know magiging masaya siya.

"Salamat iha. Ibibigay ko sa anak ko. Matagal na yong nagpapabili sakin ehh. Tapos kinalaunan nangingitim. Ehh ito, mukhang maisasangla pa"

"Sige po nay. Akyat na po ako sa room ko"

"Salamat ulit dito iha ha."

I just nodded before walking to my room. I posted muna my no make up photos sa Ig. And after that ay pumunta na rin ako sa garden.

Sa entrance pa lang ay rinig ko na ang tawanan ng mga boys. And because I'm Kelzy. Of course gusto ko palagi yung spot light and yung attention nila. Duh! Ako mahihiya? Wala sa bokabularyo ko yon, bitch.

"Iho. Be a gentleman, tulungan mong maupo si Z"

Tsk. Nakakapang-init ng ulo si Javier. Kung hindi pa sinabi ng dad niya hindi pa siya kikilos. Wow! Kahit pakitang tao lang ano!

"Maupo kana kamahalan"

He teased, so I hardly pinched his skin and I make sure talaga na ramdam niya yung sakit.

"Z may problema ba? Jose?"

"Wala po dad. I was just praising Javier for his kindness"

I faked a laugh habang kita ko ang nakasibangot na mukha ni Javier na nakaupo na ngayon sa harapan ko. Serves you asshole!

"Anyway, kamusta na yung motor na binigay ko sayo iho?"

Motor? Yung gamit niya kanina? Oh my! Sa kanya pala yon.

"Okay naman ho. Gamit ko ho kanina"

"I'm glad nagustuhan mo. Actually matagal na akong nagpaplano na bilhan ka ng sarili mong sasakyan. Napopostpone lang dahil sa t--"

"Ayos na ho yon. Salamat ho"

Shit! Sobrang cold ng voice ni Javier! Is it about Tito Lito's wife?

"Eat up na po, dad, Tito Lito, Javier. Sorry gutom na po kasi ako"

Damn. Actually I'm not hungry pa naman because of the picnic we had. And I know na narealized yon ni Javier dahil tinaasan niya ko ng kilay.

Ang serious nila ehh, gusto ko lang namang pagaanin yung atmosphere.

"Ahh yah of course. Let's enjoy this night guys"

Dad said. And naglabas pa siya ng wine. Duh! Wala bang hard drinks dyan?!

"Dad, bukas na po pala yung official shoot ko with the clothing lines sa Boracay."

"Really iha? You know what, anak nga talaga kita"

"Sumunod din pala sa pag-momodeling itong anak mo Jill. Akala ko ba ehh. Tapos na sa pamilya niyo?"

"Namana ni Z ang kakulitan ni ivy. I lose"

The oldies laughed, habang tahimik lang kami ni Javier. Ano bang nakakatawa sa pagiging makulit ni mom?

"You're right Jill. Ivy's craziness was on different level"

"I told you. What's more with my daughter. She gave me headache."

What?! Ang bait ko na kaya!

"That's why, kay Jose ko lang pinagkakatiwala ang anak ko. He tamed my daughter"

Wow! Dad I'm here! Hindi ako invisible!

"Ahm. Tito"

Oh my! Don't tell me sasabihin na ni Javier yung about sa condo?!

"Gusto ho n---"

"Dad, gusto ko pong magpurchase ng condo"

Gosh. Yung heart ko!

I don't know what to do as I saw dad's serious face. I know naman na, hindi niya lang ako mapagalitan ngayon because of Tito Lito.

"Sorry iho. Alam kong magkaibigan kayo ni Z, pero I don't think she can able to live on her own"

"Dad! I'm not a kid! And sa Makati lang--"

"That's the question, bakit ka pa kukuha ng condo. You don't need that Z. Makakapag modeling ka pa rin without purchasing a condo!"

"Pero dad--"

"Listen. Mas safe ka dito Z! No! Hindi ka aalis"

Damn it! Ayaw ba niyang maging independent ako? I can do it naman ahh.

"I promised, hindi ako magbubulak--"

"Sasamahan ko ho siya Tito."

My eyes widen when i heard Javier's serious voice. Really? Paano ang family niya? Sina Tita Nelda, otep, Stef? I don't think magandang idea yon.

"Jill. Ayokong makialam sa desisyon mo pero, my son was right. Bakit hindi mo payagan si Z? Para matutong gumawa, makibagay at kumilos sa sarili niyang mga paa. Alam mo Jill, ikaw na rin ang nagsabi, makulit ang anak mo. Baka magrebelde pa yan. Half, half. Ako na ang bahala sa parte ni Jose."

God! Nananaginip ba ko? May mabuti ba akong nagawa? Mapapapunta na ba ako sa langit? Or worst kukunin mo na ba ako?! WAHH! Joke lang po!

"Maaalagaan mo ba ang anak ko?"

Dad serious voice echoed, and ako yung kinakabahan for Javier!

"Yes po Tito. Sisiguraduhin ko hong masusunod lahat ng bilin niyo"

"Well. Okay then pumunta ka bukas sa opisina ko. May pag-uusapan tayo"