Chapter 12 Sports Day
"One of the most awaited school events is the sports day. Wherein every departments were excited to showcase their talents and skills in different sports competition. Aside from that, they are also excited to perform their talents in cheerdance competition. We also have different booths here, it was organized by the Business Ad! So let's support them guy's! "
Nagsisimula na pala ang event. Gosh. Kadarating ko lang. They said kasi na may one last practice para sa cheerdance yet here I am. Damn. Napasarap yung sleep ko!
"Before we proceed with cheerdance competition, let me introduce you the judges."
Where the hell is my team?! I was calling Javier but he seems busy din dahil hindi naman nito sinasagot. I even chatted Joan to know where she was but unfortunately ay hindi ito online. Shit! Nasstress ang beauty ko!
Sobrang crowded ng gym, dahil sa mga booths and natatakam na rin ako sa mga pagkain na originally ay ginawa nila. Gosh! The hell with Jose's virus. Hinawaan niya akong maging matakaw.
"Z! Bakit andito ka pa? Nakaformation na silang lahat sa loob ng gym"
Ayos ahh. She looks like a business woman. Ano ba siya manager ng booth nila?
"I just arrived! Ano bang food niyo dito Mori?"
Madami na ding students ang kumakain, and I bet taga higher grade sila. Oh my! Buti pa sila. Food trip lang.
"Mixed. Tapos pipili ka dito kung anong gusto mong pagsamahin minimum of four dishes."
Really? Sounds good.
"Team's representative please proceed to the stage."
Shit!
"I'm leaving na Mori. Byeeee"
Sa gate pa lang ng gym, pahirapan nang pumasok. If wala lang talagang cheerdance hindi ako papasok sa loob. God! I feel like, ang haggard ko na!
"Excuse me po. Makikiraan"
Wala bang for vip's dito? I mean, nanunuod lang naman silang lahat, why don't they give some space kaya para makadaan kaming first year.
"Sungit dito!"
I saw Javier waving his hand and buti na lang nakita niya agad ako. God! Ayokong mahilo sa paghahanap no!
"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka nakaabot sa practice. Nagtext pa naman ako kay Mang Tonyo pero ayaw mo daw magpagising"
Tsk. Ehh bakit hindi pa niya dinerekta sakin yung text. I was also waiting for his text kaya!
"Napasarap yung tulog ko Javier. You know, sobrang pagod sa trip. Anyways, pang-ilan tayo sa magpe-perform?"
"Wala pa. Nagbubunutan pa sila sa stage. Teka bakit ganyan yang pe shirt mo? Ginawa mong crop top"
Duh! Style kaya to! Tsaka binuhol ko lang naman yung center niya, to make it fitted. And ang sabi, magsuot ng pe uniform hindi naman sinabi na bawal lagyan ng style!
"Ganyan talaga Javier kapag magaganda, masanay kana lang"
"Tss. Ang baduy mo"
Wow! Nahiya naman ako sa outfit niya ngayon!
"Where's my props Javier, pinahabilin ko siya sayo right?"
Actually, simple lang yung props namin. Nag-gupit lang kami ng bottled water, then nilagyan ng tela sa loob. Para pagbukas, sasabog yung laman. Sobrang creative ni leader and of course yung walang kamatayang pompoms para sa boys.
"Oo. Ito ohh, ginawa mo na naman akong taguan!"
Makakalimutin kaya ako! Baka maiwan ko pa. Mas lalong lagot ako kay leader!
"Thanks Javier. Libre kitang food after nating magperform."
"Wala ng bawian yan ha! Nagugutom na nga ako ehh"
Psh. Halatang halata sa kanya. And walang oras sigurong hindi siya nagugutom.
"Sungit! Sina Sy yon diba? Ang ganda ng props nila noh"
Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Sy. And Javier was right! Sobrang agaw atensyon nang mini aircraft na ginawa nila! Gosh! Pinanghihinaan na tuloy ako ng loob.
"Creative Arts and Design course ko pero wala man lang akong naambag. Ganda lang talaga"
Hayy. Nakakastress din palang maging maganda.
"Okay lang yan. Ako nga ehh engineer, alangan namang magdala pa ako ng bahay."
Tsk! Ang corny ha!
Wait! Ngayon ko lang narealized, bakit nga ba siya nasa department ng Creative Arts and Design?
"Ask ko lang Javier. Bakit hindi ka kasama sa department mo?"
"Ahh yon ba? Naubusan ako ng slot. May kumuha kasi. Yung isa mong kaklase may jowa sa engineering department, kaya ayon nasa kanya yung dapat ay slot ko"
How sad naman. But it's okay na rin, at least nakilala ko siya.
"There you have it! Students kindly seat with your respective teams, as we witness the performance of group 1, Agri. Bus!"
Higit-higit ako ni Javier patungo sa upuan ng gym and nakita ko naman si Joan na naglalakad na papunta sa direksyon namin. I just smiled at her habang iwinawagay-way nito ang number na nabunot niya. Number 5!
Ohh so, matagal pa pala kami.
"Guys! May oras pa tayo para makapagpahinga. Alam kong kaya natin tong lahat at kung hindi natin makukuha ang trophy, okay lang. Basta ienjoy natin tong lahat!"
"Yes, kaya natin to. CAD!"
She's a great leader, no wonder sinusunod siya ng lahat.
"Javier, pwede ba tayong kumain?"
Nagutom ako sa mixed na sinabi ni Mori! I feel like, that food can make me feel better. Oh my! I'm certified food lover na!
"Mamaya na. Panuorin muna natin tong Agri. Bus. Magagaling daw sila ehh"
Psh! I'm not interested to them! Puro babae la--.. wait. Don't tell me kaya siya interesado dahil sa mga babaeng yon?! He's a cheater! Akala ko ba may girlfriend na siya!
"Ohh. Ano na namang tingin yan sungit?! Kumain ka ba ng umagahan? Tinotopak kana naman"
Tsk. I knew it! Wala talaga siyang sineseryoso!
"Sige na. Sige na. Tara. Hindi mo na naman ako kakausapin niyan! Pare, pabantay muna ng upuan namin, kakain lang kami"
"Sige pre"
Lahat talaga kaclose niya no! Kung hindi lang siguro ako bantay-sarado, baka isang campus na yung friends ko.
"Tara na sungit. Akin na yang bag mo, ako na ang magdadala. Magrereklamo kana naman na masakit ang likod mo, tss. Pumasok ka pa"
Wow! Ang bait niya ahh. Tsaka wala naman akong dalang notebooks. Duh! May event kaya!
"Thanks but no thanks! Kaya ko na."
I rolled my eyes at him and inirapan niya din ako. See? Mas maattitude pa siya kesa sakin!
Again. Ay isang kumpol nang tao na naman ang tinahak namin makalabas lang. Tsk. I hate programs! Kapag ganitong event nga nagcucutting lang ako. Or sometimes nakikipag-make out sa tagong building. Busy naman sila ehh so walang makakapansin.
Yes. I'm the bitch of this town and walang makakapagpabago non. Nagkataon lang talagang wala akong mapaglaruan ngayon and sobrang busy sa shoot.
"Z. Anong ginagawa niyo dito?"
"Duh! Mori tinatanong pa ba yan. Of course kakain kami"
Minsan na nga lang siyang magsalita, nakakatanga pa!
"Pagpasensyahan mo na Mori, nagugutom na yung kaibigan mo"
"Tss. Okay lang sana'y na ko sa tabas ng dila niyan. Anong order niyo?"
In fairness, sobrang cool ng booth nila. I bet si Hannah ang may gawa nito. Talented talaga ang babaita!
"What's your order sir? Ma'am?"
"Cut the formality Mori! Just give us your Booth's best seller."
"Tss."
Ang sarap niyang inisin, napapahaba kasi yung sinasabi niya. HAHA.
She's lucky pa nga ehh. Wala silang entry ng cheerdance. Tapos ang sasarap pa ng foods nila.
We're just waiting for the food to be serve, nang magtagpo ang paningin namin ni Mr. Dick! He's with his friends and the whole time ay nakatingin lang ito sa akin. What's wrong with him! Ang creepy niya ahh!
"Hi Kelzy! You're with your pig friend. You know what, bakit ba lagi kang sumasama sa loser na yan? Your dad and my dad was now business partners. And alam mo bang naclosed na yung deal nila. Surely, mas magkakalapit tayong dalawa"
Hayy. This guy won't stop pestering me hangga't hindi ko pa siya nasusumbong kay dad. Gosh! Ang kulit niya ha!
"Look Drake, labas kana kung sino ang mga taong gusto kong samahan. I don't even know you, ang alam ko lang anak ka ng business partner ni dad. So stop acting like you have rights to dictate me. Pwede na kayong umalis"
God! He's getting to my nerves!
"Wait. Ikaw si Drake diba?"
Javier said and hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. I hold his hand pero hindi naman siya tumitingin sa akin. Damn! Hindi niya kaya si Drake. And ayokong mapahamak siya.
"Bakit? Papalag ka?"
Javier's hands formed into fist and I know na kapag hindi pa umalis si Drake, baka magkagulo pa dito.
"Drake, please leave. Kung hindi isusumbong kita kay dad"
"Brad, isusumbong ka daw ohh. Kung ako dyan baka nabangasan ko na yang si Javier"
"Tama si Jake, Drake. Isang pipitsuging baboy lang yan. Anak pa sa labas"
They laughed and wala na akong nagawa pa ng biglang humilagpos ang pagkakahawak ko kay Javier. Fuck!
"Bawiin mo yung sinabi mo! Wala kang alam sa buhay ko. Gago!"
Oh shit!
He was now holding, Drake friend's collar and I don't know kung paano ko pa siya mapipigilan.
"Bakit totoo naman diba? Yung nanay mo kasing kirid--"
"OH MY GOD! JAVIER!"
Susuntukin pa sana ni Javier yung isang lalaki sa pangalawang pagkakataon nang itulak ko ito ng malakas. Damn! He's so strong!
"Tama na Javier. Marami ng tao! At ikaw naman Drake, umalis na kayo."
Shit! Yung beauty ko nasira na!
"Tapang mo na ngayon Javier ahh, palibhasa kasama mo si Kelzy. Hindi pa tayo tapos. Let's go Jake, Paul!"
That Paul guy was glaring at Javier. And alam kong nayanig ang mundo niya dahil sa pagsuntok ni Javier. God! He triggered that son of a bitch!
Ngayon. Hindi na malabong balikan nila si Jose!
"Pasensya na sung---"
"Let's eat na."
I'm not mad. Ayoko lang talagang nilalabanan pa niya yung mga gagong yon.
"Mori pasensya na. Hindi ko intensyong makasira sa booth niyo"
"It's okay. Sila din naman ang may kasalanan."
Hayy. I don't think matatahimik pa ako ngayong alam kong pwede siyang mapahamak!
"Sungit. Galit ka ba?"
I acted busy with my food. And I'm not sure din kung anong sasabihin ko sa kanya. Yes, pinaglaban niya lang si Tita. But what if nagkagulo dito, napatawag kami ni dean, ano na lang ang sasabihin ni dad, ni mom? Pano yung career ko.
"Sungit, binastos nila si nanay---"
"I know Javier! Pero pano kung balikan ka ng mga yon? Ano na lang ang mangyayari sayo?!"
I was even more irritated when I saw him smile, god! Hindi talaga niya ako sineseryoso.
"Uy concern"
Tsk. Of course he's my best friend! And ayokong may mangyaring masama sa kanya.
His smile gets wider and wider, and the last thing I knew ay tinatawanan na niya ako. Gosh! Anong sapak sa utak ang meron siya.
"Concern ka talaga? Akala ko pa naman, kaya ka nagsusungit ay dahil sa Drake na yon"
Duh! Bakit naman ako mag-aalala sa asshole na yon! I want him gone pa nga. Forever!
"Of course not! Anyways, kakainin mo ba yung patatas mo? Akin na lang"
We have sweet potato kasi and naubos ko na yung sakin. Tsaka hindi naman niya ginagalaw yung potatoes niya ehh. Might as well give to me right?
"Takaw mo noh. Kulang pa rin yan sayo."
"Yung potatoes lang naman Javier!"
Grabe naman sa pagiging matakaw. Hinawaan niya kaya ako!
"Oo na. Ohh. Pagkatapos mo dyan. Bumalik na tayo sa gym."
"Thanks"
He needs to diet na rin, I bet bagay sa kanyang maging slim. He has a looks naman. Pointed noise, charcoal eyes, thick eyebrows, tin lips, has perfect set of teeth. Inside and out walang tapon sa kanya.
After naming kumain ay bumalik na ulit kami sa gym. Students were now getting wild because of Crim's performance. And madami kasi sa kanila ay puro boys. Tapos yung ilan varsity player, so hindi na nakakapagtaka kung bakit abang na abang ng mga girls ang performance nila.
"Thank you. Criminology! Wow! You guys blown out the gym with your hotness. And of course, hindi naman magpapahuli ang Architecture!"
Archi na pala. In fairness ha, prepared sila sa props. And madami din silang taga cheer.
"Hey. If you don't mind, can I sit here?"
I immediately plastered a smile when I saw Tim. Kadarating niya lang?
"Ah yes. Oo naman"
Malakas talaga ang appeal niya. I can see it from girls reaction and I know someday malaki ang chansa niyang maging sikat na artista.
"Jose, dude, free ka boys out?"
"Boys out?"
I asked, I got curious okay. And wala namang sinabi si Joan about sa boys out na yan.
"Ahh yah. After this competition. Sa bgc"
Well. It's their party naman, so labas na ako doon.
"So ano Jose? Game ka?"
I could feel Javier's stare and it doesn't matter naman kung ano ang opinyon ko. So I just concentrated na lang sa archi na nagpe-perform.
Their stunts were so damn smooth! Hindi kaya nahihilo yung mga girls?!
"Pare an---"
*Ring *Ring
"Ahm. Boys excuse me, tumatawag lang si Mamu"
Oh shit! First time niyang tumawag, after ng staycation namin. And I know it was about modeling.
Nakipagsisikan na naman ako sa kumpulan ng tao, and then I locked myself at the cubicle. Gosh. Sobrang hassle lumabas!
"Mamu! Sorry naghanap pa ako ng quiet na place."
"Zzzz! May nareceived kaming offer! Galing sa kilalang clothing brand! Naku naku. Mag-bobora tayooo!"
"Reaallly! Oh my god! I'm so excited na!"
First work ko to as a employee of the agency. And I promise na ibibigay ko talaga yung best ko!
"Oo Z. Ready na ang buong team. Next week magsisimula na ang shoot mo. At sa unang araw ng vacation, ilalauch ang magazine mo. Bongga kana!"
Shit! From social media to magazine! I can't believe this!
"Yes mamu. Thanks po"
"Sige alaga. Magkita na lang tayo mamaya sa agency. Mag-iingat ka"
I wanted to scream, hindi ko akalaing magiging mabilis ang pagtanggap ng ibang company sa ganda ko.
"Oo pre. We understand."
Huh? Understand, ano nang pinag-uusapan nila?
"Ano? Anong sabi ni Mamu"
Agad nanumbalik ang saya ko, when I remembered Mamu and about sa good news.
Ilang months pa lang ang nakakaraan simula nang pumirma ako ng kontrata sa agency, ay may client na agad ako. And big clothing lines pa!
"Javier. Guess what!"
"May shoot ka?"
"No!"
"Hmm. Ano?"
"May kumuha saking kilalang clothing lines!"
"Talaga?!"
We both screamed in happiness at hindi na niya napigilang tumalon sa saya, so ang ending para kaming tanga na mukhang nanalo na sa competition.
"Jose, Kelzy. Anong meron?"
Ayy. Andito nga pala si Tim. I forgot!
"May kumuha kay sungit na malaking clothing lines, nagtatrabaho na siya sa modeling agency."
"Wow! Kaya pala sikat kana sa ibang universities"
What? Naghahasik na talaga ng kagandahan ang pangalan ko. Enebe.
"Ikaw? Do you want to be a celebrity? Model?"
It suits on him naman. Siguradong madaming kukuha sa kanya.
"I don't think kaya kong humarap sa camera. I mean gusto talaga ng mom ko na magfocus ako sa studies. She's a great fashion designer, and yah. I wanted to be like her."
So, he's a Mama's boy. No wonder mabait din siya sa ibang babae. And ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking mahilig mag-design. He's so manly and papasa siyang isang leading man if ever man na pasukin niya ang pag-aartista.
"Thank you, Archi students. So let's move on to the next performers. Isang malakas na hiyawan naman dyan, Creative Arts and Design!"
Oh my! Kami na!
"Guy's focus lang sa routines ha. Kapag may nagkamali tuloy lang. The show must go on and alam kong kaya natin to"
"Aha!"
Omg! Feeling ko hihimatayin na agad ako.
Nagformation na agad kami sa baba ng stage and nang magstart na ang tugtog, ay nanginginig na ako sa kaba. Duh! Ang tigas kaya ng katawan ko. I feel like madaming mangbabash sa akin.
"Go Kelzy girl!"
"Whoooaaa. Hindi kami nainform na magaling ka palang kumembot Z!"
Shit! I swear lagot sakin si beaaa!
Nang malapit na kami sa ending ay nagform kami ng pa C and then we all open the bottled water for the confetti. And sobrang satisfying lang ng reaction ng mga nanonood and ng judges. Feeling ko nagawa namin ng maayos ang lahat ng napagpractisan.
"Whoooaaa! Creative Arts, Design! Ang gagaling nyooo!"
"Kelzy, I love you."
"Ang ganda mo Kelzy!"
"Gosh Tim!"
"We are all Team 'Timzy!"
What? Timzy? Why the hell my fandom na kami? Mga malilisyoso talaga.
"Grabe. Sobrang nagwawala na ang ating mga audience. Once again, thank you Creative Arts and Design. Tunay ngang napamalas nyo ang inyong pagiging creative. And now, let's give it up for Accountancy students!"
Hayy. Makakahinga na din ng maluwag!
"Guys! Thank you sa cooperation, naitawid na natin! Sobrang worth it nang lahat ng pagod."
Joan was right, and without her baka hanggang ngayon ay nangangapa pa rin kami sa steps.
Javier handed me his towel and drinks. And sabay kaming naglakad patungo kayna Sy, Hannah and Bea. Tsk. That bitch!
"Hi Jose, Z. Sobrang galing nyo kanina."
Hannah babes said and sobrang cute ng pony tail niya. She looks like an angel talaga.
"Si sungit lang talaga ang nagdala ng grupo. Pang-ilan kayo?"
Tsk. I don't think pine-praise ako ni Javier. He's like Bea talaga. Mga bashers!
"Peace tayo Z. By the way, I'll send you, your videos and pictures habang nagsa--"
"Beaaa!"
Gosh. Damn her!
Hahabulin ko pa sana si Bea nang pigilan ako ni Javier. He was holding my hand and wala na akong nagawa pa ng hilahin ako nito palayo.
"Javier. Bakit ka ba nagmamadali?"
"May bagong kliyente ka diba? Kailangan mo ng pumunta sa agency, nagtext na ko kay Mang Tonyo nasa labas na siya."
Every single day na kasama ko si Javier. I've learned different new lessons from him. He changed me alot.
100 lessons from Javier.
Day 272 of 365
A steps for achieving success, was having someone at your back.
"Sungit."
"Hmm?"
"Number 15, I'll support you, all through out your success."
"Aasahan ko yan."
"Oo ba. Andon ako. Lagi"
I'll hold onto that.