Chapter 11 Lolo's house

"Clifford dito ba talaga yung body massage? Ang tahimik ng lugar ohh"

Sy asked and actually kanina pa kaming naririto. Ewan ko parang tinatamad pa silang pumasok sa loob. It says, body massage naman, so wala naman sigurong masama kung papasok na ako sa loob.

"Hoy, couz. Saan ka? Trespassing yan"

What? I'll pay. And I'm a customer, so why bother?

May wooden door lang sa harapan and puro white tela na yung nakapalibot sa gilid ng tent.

The ambiance was really relaxing and siguro kaya quiet dito ay dahil yun naman talaga yung purpose ng lugar.

"May tao po ba sa loob?"

I knocked and hindi naman nagtagal ay bumukas na rin yung pinto. A woman with a white towel on her arms smiled at me, before she looked at my friends.

"Magpapa-massage po ba kayong lahat?"

She politely asked and we all nodded. Hayy. Siguro plus one na sa langit ang mga kaibigan ko, ang babait nila ngayon.

"Ganon po ba? Bukod po ang babae at lalaki. Yung kwarto ho sa likod niyo ang men's room. Dito po ang mga kababaihan"

Ohh well. At least maghihiwalay na din ang lovebirds!

"Si bert ho ang bahala sa boys"

A masculine guy appeared, but I smell something fishy. Is he a guy or a gay?

I know if a man is a man or kung malambot ito. Duh! Ilang years ko na ding kasama si mamu, kuya Joaqy, ate Jude and ate Roxy. And walang nakakatakas sa instinct ko.

"Ako ho si Berta! Naku ang gagwapo!"

He giggled and hindi maipinta ang mukha ng boys. Lalo na si cliff na mukhang gusto na atang tumakbo pabalik sa tent. Hayy. What's wrong? Wala naman sigurong masama if gay si kuya Bert.

"Pst. Sungit! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Isama mo na lang ako sa inyo!"

"Bawal nga Javier. Besides magkalapit lang naman yung room natin."

Wala namang ginagawa si kuya Bert ahh. Mukha nga siyang mabait.

"Ipapakilala ko lang yung mga kasamahan ko nakooo. Twinkle, Soneyo, Candy!"

I don't know kung matatawa or maaawa ako sa boys. They all looked pale. And nagbubutil na rin ang pawis ni Javier.

"You know what boys. I know na mag-eenjoy kayo. You see? Mukhang batikan naman na sila"

I teased, actually kanina pa silang tulala. Lalo na nang lumabas isa-isa ang mga kalahi ni kuya Bert. Oh my! Bakit ang ma-masculine nila!

Mas guy looking pa sila kesa kayna Javier. Look at their biceps, oh shoot! So firm.

"Hi boys! Proceed na kayo sa loob. Pwede niyo na pong hubarin ang mga damit nyo. Yummy"

"Bakla akin yung naka-black ha."

"Sya rin yung bet ko. Pwede namang share"

My eyes widen nang bigla na lang natumba si cliff sa kinatatayuan nito. Shit! Medic!

"Shit bakla. Nahimatay"

"Cliff!"

"Dude, gising!"

"Oh my god!"

"Let's go sa tent!"

God! Nakakahiya! Pinsan ko ba talaga siya?

They carried cliff and ang ending bumalik na lang ulit kami sa tent. Gosh! I didn't expect na ganito ang magiging kinahinatnan ng body massage namin.

I thought magiging relaxing and peaceful na ang trip namin, yet here we're giving him some air, para magkamalay na siya. Imagine, a great player and womanizer takot sa gay?! So hilarious!

"I swear cliff kapag hindi ka pa nagising, hindi lang sampal ang aabutin mo sakin! You ruined the trip"

Busy ang lahat sa pagpapaypay kay cliff and ako? Wala, taga bunganga. Hindi naman na kailangan ng ganda ko don.

"Hoy. Sungit, ikuha mo ng tubig si cliff. Nagkamalay na siya"

Mabuti naman! Kasi kung hindi, ilulubog ko pa siya sa dagat!

"Here. You okay?"

I'm not that heartless naman, pero nang makita ko siyang ngumiti ay bumalik lang ang pagkainis ko. I hate womanizer. And kahit na pinsan ko pa siya, hindi ko yon mapapalampas.

"Yo, couz. Wag ka ng mag-alala, okay na ako"

Of course he's okay now sobrang alaga siya ni Hannah ehh. Psh.

"Hey, okay kana ba? May masakit ba sayo. We can call Mang Tonyo, samahan kita sa cl--"

"Thanks Hannah sa concern, pero okay na ko. Pwede ka ng umalis sa pagkakakubabaw sa akin"

What? See this asshole! Hindi man lang naappreciate!

I saw how sad Hannah is, and lalapit na sana ako kay cliff nang pigilan ako ni Javier.

"Hayaan mo na siya. Matatauhan din yang pinsan mo"

Hayy. I don't think so. Sina Tita nga sumuko na sa kanya. And ako lang talaga ang nakakapagpatino sa kanya. Yes. Hindi man halata. But of course hindi naman 24/7 ay kasama ko siya. And sa campus, alam kong iniiwasan niya ako.

"Tara sungit. May ipapakita ako sayo, tsaka magdamit ka muna."

"What is it?"

I'm excited, baka kasi next adventure na naman yon. Iniwan muna namin sila sa tent and sinamahan na rin ako ni Javier sa cr para magpalit. I just wore my oversized shirt and shorts na hindi ganon kaikli.

After kong makalabas sa cr ay agad nitong hinawakan ang kamay ko patungo sa exit ng resort. Oh my! Lalabas kami!

"What are we gonna do outside?"

"Basta sumama kana lang"

Okay. I know naman na hindi niya ako ipapahamak. Pagkalabas pa lang namin sa resort ay natatanaw ko na ang van na paparating. Actually nagstay lang din si Mang Tonyo sa relatives niya dito sa Batangas. I suggested nga na sumama na siya samin sa resort but he refused, dahil bibisita na rin siya sa kamag-anak niya.

"Textmate na ata kayo ni Mang Tonyo"

"Oo bebe time"

What? He's talking nonsense na naman.

"Mang Tonyo! Namiss ho kita HAHA"

Psh. Dinaig pa nila ang magjowa ha.

"Jose! Ma'am! Sakay na ho kayo"

Javier helped me to seat and habang nasa byahe ay busy naman ako sa pagkain. Wala ehh. Sinusuhulan ako ni Javier!

"Buti na lang okay na kayo ni ma'am. Isang araw ding tumahimik ang byahe namin. At pansin ko din na, nalulungkot si Z."

What? No way! Hindi kaya, never!

Hindi naman ako makapag-complain dahil sobrang sarap talaga nitong food na binigay ni Javier. I forgot the name pero sticky type of food siya.

Nang-aasar pang tumingin sa akin si Javier and inirapan ko lang siya. Duh! Slight lang naman.

"Wag kayong mag-alala Mang Tonyo, same lang naman ho. Namiss ko din si sungit."

"In fairness may mabuting pu--"

"Pero sa kabilang banda, okay na rin ho at lease wala akong inaalagaan"

"Ahh so alagain ako?!"

I hold his hair tightly and wala sa plano ko ang bitawan ito dahil nanggigigil talaga ako sa kanya. How dare him! I'm not that cry baby, and kahit siga sa kanto kaya kong labanan. Unlike him, na kahit binubully na siya, okay lang sa kanya.

"Aray sungit! Masakit sa anit. Ahh aray!"

"Alam niyo ma'am, Jose. Sana ho hanggang sa tumanda ako, makita ko pa rin kayong magkasama. Bibihira na lang yung ganyang relasyon. Kapag nagretiro na ako sa pagiging driver. Bisitahin niyo ho ako ha."

Agad kaming napahinto ni Javier sa pagkukulitan and I don't know why, but i felt this pain na naman. Yung pakiramdam na, at the end of the day, hindi permanente ang lahat. Even Mang Tonyo can leave me.

"Nako Mang Tonyo, malabo hong paalisin kayo ni sungit. For goods na tayo sa kanila. Fix na! Tsaka matagal pa naman yan. Matagal na matagal pa"

He smiled at me and I know na dina-divert niya lang yung usapan. To make me feel better.

"Javier was right. Besides ang sarap po nitong food. Ano nga ulit to?"

"Suman"

"Yon! Ang sarap po nitong suman. God! Pinapataba ako ni Javier!"

I laughed but I don't care naman if mag-gain ako ng fats. As long as pagkain yan, hindi ko tatanggihan.

"Galing yan sa katabi nitong resort nong nangahoy kami. May kasalan daw ehh. Ito pa nga ohh may kalamay pa. Naiwan pala namin sa van nong nagbaba kami ng kahoy."

Kalamay? Yung brown color na sticky food! WAHH! Mukhang masarap!

"Javier"

I pointed out the 'kalamay' he's holding and agad naman itong napatingin sa plastic na hawak niya.

"Paborito ko to sungit. Kaya ko nga binigay sayo yung suman"

"So, nagdadamot kana ngayon?"

I raised my eyebrow at him and I know naman na hindi niya ako matitiis. Bakit niya kasi sinabi pa right?

"Hindi pabo--"

"Okay. Fine"

I acted like it was really fine with me. But the truth is kinokonsensya ko na siya. Hanggang saan mo ba ako kayang tiisin, Javier?

"Tsk. Oo na. Tsaka konti lang ha. Paborito ko yan"

Mukha siyang bata na napilitan lang talagang mamigay! Gosh! I didn't expect na may pagka-childish din pala siya.

"Yes, kagatin ko na ha"

He's holding the kalamay kasi. And I know na hindi niya yon ipapahawak sakin kasi baka makagat ko lahat. HAHA.

After I bite it ay nakatingin lang si Javier sa magiging reaction ko. Oh my! This food was so damn good! Nag-eexist pala to! In every weddings kasi na dinaluhan ko. Wala naman silang binibigay na ganito. And although tumira ako noon sa Batangas, limited lang naman yung pwede kong puntahan. So useless din.

"Ohh. Tama na ha. Nakakarami kana"

I pouted nang itago nito ang kalamay sa may drawer ng van. Psh. Akala mo naman aagawin ko sa kanya.

The whole ride ay nagkukwentuhan lang sina Mang Tonyo and Javier. I sometimes added some crazy topics and hindi ko na namalayang tumigil na ang van.

Oh my! House to nina Lolo ah!

Naguguluhan akong tumingin kay Javier na bumababa na ngayon sa van. Don't tell me, he knows my grandparents?

"Sungit tara."

"Anong ginagawa natin dito, Javier?"

Hindi naman sa ayokong pumunta dito, I was just surprise na alam niya ang house nina Lolo.

"Bago ako pumunta kagabi sa resort, dumaan muna ako sa bahay niyo. Nagkausap kami ng dad mo and sinabi niyang dalhin kita dito."

Dad said that? I thought it was Cliff's hideout?!

"Sabi ni Tito, may ilog daw dito. Nasa akin na rin ang susi, so ano tara na?"

I don't have choice naman ehh. So yah.

"Mang Tonyo itetext ko na lang ho kayo kapag magpapasundo na kami ni sungit!"

"Siya sige. Mag iingat kayo"

We bid good bye at Mang Tonyo, and nang makaalis ito ay naglakad na rin kami patungo sa house ni Lolo.

My Lolo's house was not that old. Actually, narenovate na to and binibisita na lang to ng mga kapatid ni mommy, to preserve its beauty.

Matanda na din kasi si Lolo so nakatira na siya ngayon sa isang kapatid ni mom, si Auntie Des. And my Lola, she passed away, bata pa lang kami ni cliff nang madiagnose ito sa isang malubhang sakit.

"May ganito palang kalaking bahay ang Lolo at Lola mo. Ehh bakit tumatakas ka pa noon?"

What? How did he know that? Oh my, so it means hindi lang light talk yung pinag-uusapan nila ni dad. Pinagchismisan nila ako!

"You, stalker! Ang chismoso mo Javier!"

"Relax. Napag-usapan lang, tsaka hindi naman ako interesado."

Wow. Hindi pa siya interesado sa lagay na yan ahh.

"May caretaker ba dito?"

"Yes. But I don't know if andito yung care taker, it's Sunday right?"

I can still remember the times when my high school friends come to visit me instead, dahil they knew naman na bawal akong lumabas. We always do crazy things like applying all the make up brands on our faces, transferring the beer on a tumbler, so that grandpa would not notice it.

And we even tried to sneak out, para lang makapunta kami sa bayan. And sy, she's my number one besty that time. Nakilala ko lang si Mori, Bea, and Hannah because of my mom.

Mom, introduced me to them and eventually naging magkakaibigan kaming lima.

Our friendship was not that strong, we're in a stage na kinikilala pa rin namin ang isa't isa. But despite that ay I can see naman na they're my true friends.

"Hanggang dito ba, lupa pa rin ng mga Marquez? Lawak ahh"

Actually haciendero talaga si Lolo noon. Minana niya pa sa great grandparents ko yung mga ari-arian niya ngayon. But as the years go by, nabenta na yung ibang lot. And sa pagkakaalam ko ay yung bahay na lang yung natira.

"Ahh yeah, malawak talaga yung front yard ng bahay ni Lolo."

May specific walls naman na nakapalibot sa house, so secured and noticeable naman siguro na hanggang don lang yung pag-aari ni Lolo.

As we open the house door ay bumungad agad sa amin ang living room. Sobrang dilim and hindi naman siya maalikabok, so keri na. There's a set of sofa, a tv, yung altar ni Lola which is every Wednesday talaga nagnonobena kami ni Lolo. You see hindi talaga ako ganon kasama. Slight lang.

"So dito ka tumira noon. Ang nene mo pa dito ohh. Pero hula na sakit ka pa rin sa ulo"

Tsk. He's holding my elementary grad picture, and I admit, that time war freak na talaga ako. I was just experiencing things pa rin that time, and I thought nagawa ko na lahat. But Javier came, and pinarealized niya sakin lahat.

Actually lahat ng grad pic ko ay nakasabit sa house ni Lolo. Pati kay cliff and sa iba pa naming cousins. Ako lang ang babaeng apo sa pamilya, both sides, dahil wala namang kapatid si dad. Kaya siguro sobrang higpit nilang lahat sa akin, gosh!

"Why? Wala ka bang jeje days? Yung mga sins mo dati? Like, sneaking? Fyi javier lahat tayo may baho"

He put my picture down and then he looked at me seriously. Oh my! Did I offended him?

"Hindi ko naexperience yan. Sa katunayan bawal akong magbulakbol o gumawa ng mali. That time pino-prove ko pa kay Tita, dad's wife, na deserving kami sa sustento ni tatay. Hanggang ngayon, I was still living the life of a bastard."

I can feel his misery, but for me, he's better and greater than being a bastard.

"Ang drama mo Javier! Halika na nga. Naeexcite akong magswimming!"

He's my source of happiness kaya hindi siya dapat malungkot. Sabay naming haharapin ang batikos at hamon ng buhay. Kaya siguro kami pinagtagpo, para protektahan ang isa't isa.

I was still holding his hand and nang makarating kami sa ilog ay walang pag-aalinlangan akong naghubad. Wala naman na sigurong dadaan dito and if ever na meron man, mamatay sila sa pagtingin.

May mataas na pader din sa likod ng bahay ni Lolo. And my existing door din sa may wall kung saan dito ako laging dumadaan kapag tumatakas ako. Pero minsan nahuhuli ako. Ang dami kasing cctv's na nakakabit sa bahay. Psh.

"Hoy sungit! Bakit naghuhubad ka?"

Ha? Of course, and nakatwo piece naman ako. Hindi na yon makikita sa water!

"Duh Javier! Magsiswimming nga diba?! Let's go na, first time kong makakapaglangoy dito."

You know, my Lolo was so damn strict! And kahit na, nasa likod lang ng house yung river ay pinagbabawalan niya pa rin ako.

"Wala bang dadaan dito? Wag mo ng alisin ang damit mo"

Psh. Ang kj niya din. Fyi normal na to sa ibang bansa. Dito lang talaga sa pinas, may pagka- conservative ang mga tao.

"No! Kung ayaw mo, ako na lang ang maglalangoy"

Hindi naman ganon kadeep yung water, sakto lang for the kids na rin. Before may nakikita rin akong ilang kids na naglalangoy dito. I don't know lang if hanggang ngayon ay may naglalangoy pa rin dito.

Gosh! Ang lamig! As in nabuhay yung diwa ko.

Pagkaahon ko pa lang ay hinahanap ko na agad si Javier sa pwesto nito kanina, but I couldn't see him, so I immediately roam around, only to see him diving at the deepest part of the river.

Oh my! Marunong ba siyang lumangoy?!

"Javier!"

Too late, nakadive na siya!

Sobrang dark and creepy nong part na nilanguyan ni Javier. Imagine, yung sanga and leaves nong mga puno ay halos nasa part na yon. Ang creepy lang.

Where is he na?

"BOOOO!"

"Ay gag--.. Javier!"

God! Papatayin niya ba ko?!

I glared at him while he's still laughing na parang wala ng bukas. Damn him! I thought maaalis na yung heart ko sa cage nito!

"Gago kaba! Ikaw kaya gulatin ko!"

"HAHA. Aray ko. Sadiska ka talaga."

Buti nga kurit lang yung inabot niya. Sometimes nananapak pa naman ako.

"Babalik na tayo bukas sa manila. Back to shoot kana?"

Ever since talaga hindi ko ginustong magstay sa Batangas, but now, I have a reason to stay.

"Yah, pinayagan lang ako ni mamu, dahil kasama kita. I didn't tell her naman yung nangyari. I just really wanted to have a staycation."

I tried to do floating and luckily ay kaya ko pa. Natuto lang talaga akong magswimming way back high school, sa swimming lesson.

"Patapos na ang school year, mas masasamahan na kita sa shoot"

I immediately open my eyes, and bumungad na agad sa akin si Javier na nakatingin din pala sa akin.

Actually, I realized na hindi naman na niya kailangan pang samahan ako sa shoot. He had works to do, and I don't think makakatulong sa kanya na palagi ko siyang aabalahin.

"No Javier. From now on, hindi kana sasama sa shoot. May work ka pa sa fast food right? Kaya ko naman na, I'm with my team. So don't think too much"

"Per--"

"For your family, you said earlier na may minemeet kang standards. You need to sustain it. Thank you sa concern and support but you can still support me naman, even though hindi kita kasama sa shoot"

It sucks saying those words. Pero he still had a life to live. And ever since naman dapat hindi ako ang priority niya.

"Sige, basta ba pasabay ako sa sasakyan niyo"

"Of course naman. Makakahindi ba ko sayo?"

That day, wala na kaming ginawa kundi ang tumawa, asarin ang isa't isa. And pag-usapan yung about sa career ko.

We ate alot of foods sa van nang paalis na kami. Luckily ay walang dumaan na tao sa river. And sobrang naenjoy ko yung small talk namin ni Javier. Mas lalo ko siyang nakilala and I know na mas makikilala ko pa siya.

It was now 3 pm when we reached the resort. I know na nagtataka na rin sila dahil matagal kaming nawala. And I was now preparing myself para sa pang-aalaska ni Bea. Gosh! Kilala ko pa naman ang babaitang yon!

"Guys! Z and Jose were here!"

Hannah shouted and sunod sunod na silang naglabasan sa tents. God! Mukha silang mga basang sisiw!

"Hi couz. Kamusta? Nagsolo talaga kayo no!"

Psh. At igagaya pa niya ako sa kadumihan ng utak niya!

"Naghihintay ako ng text mo. Pero naisip kong kaya mo na nga pala ang sarili mo"

Mori being herself was really the sweetest! I thought hindi na siya magsasalita the whole duration ng trip.

"Ano Z? Masarap?"

What the hell Bea! Sinasabi ko na nga ba! But of course hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Don't worry girl, kapag nag-experience ko na, ivivideo ko pa para sayo"

I laughed nang biglang inilayo ni cliff si Hannah, ganon din si Enzo kay Sy. Duh! Akala mo naman mga kalahi ni Maria!

As well as Javier. Iniwan niya ko sa hot seat! And then nagsunod-sunod na silang lahat, nagwalk out si Tim, nang-irap pa si Bea bago hinatak si mori. And now I'm alone! Mga bitches talaga sila. Gosh!

We just waited hours, and now nag-iimpake na kami para sa pag-alis. Two days wasn't really enough but surely ay babalik ulit kami dito.

And when I came back. I promise, I'll be a professional model.