Chapter 11: His presence

One, two, three, four, five.. bottles of beer?. I lost my counts. But still, this bottles wasn't enough to make me forget.

"Hey. Enough. Matulog kana."

Oh. Tim! I can drink pa naman. Dito, hindi ako weak.

"Tim! Give it to me!"

Shit! Lumilindol ba?

"No. Don't move. Cliff your cousin."

Bakit ba ang kKJ niyo! Si Bea, and Mori nga wasted na ehh. Pinakialaman ba nila, psh.

"Z. Let's go. Wag ng matigas ang ulo, isusumbong kita kay Tita."

Wow. Fyi, hindi ko siya sinusumbong kahit na super lala niyang tao. I shut my mouth for him.

"No! Kaya ko pa. Back off. Wag niyo kong pakialaman!"

I immediately steal my beer to Tim's hand and then agad akong tumakbo malapit sa dalampasigan kahit pa hilong hilo na ako.

No one dare to cross my line. Kilala nila ako, I'm hardheaded, at hindi nila mababago ang desisyon ko.

Bottles after bottles. I finished it all. I even have the guts to dance even though my world were spinning.

"You guys are so weak. Really, Mori, Bea? Wala akong kaibigan na mahina. Tandaan niyo yan"

Shit! I wanted to vomit. Oh my!

"Z. Matulog kana. You are drunk!"

I hate vomiting! Nasasayang lang yung food and beer!

Hannah babes was caressing my back habang binubungangaan ako ni Sy. Gosh! Hindi kasi nila ma-enjoy itong once in a life time experience. That's why ayoko makipagcommit. Sobrang daming bawal. Like duh buhay ko to. I can do whatever I want as long as I live.

"Sy girl. Don't worry, I'm okay. Besides sinusulit ko lang naman yung experience ko!"

"Okay ka lang ba talaga Z? Or you're pretending to be okay?"

What?

"Ano bang pinagsasabi mo Sy. Leave me alone. Kaya ko. Thanks sa concern!"

They're all paranoid!

I was now jumping and dancing like a wild bitch nang makita ko ang ilang kalalakihan na katabi lang din ng tents namin. Actually kanina pa silang nakarating dito, and kanina pa rin silang tumitingin sa akin. I bet the guy in a white shirt have a thing on me.

He's staring at my body for about a minute now. And that stares, excites me big-time. May nahanap na din akong makikipaglaro sa akin.

"Hi guys. Can I join you?"

A man with a girl on his side, raised his glass of whiskey, as if telling me to drink it.

"So much appreciated miss. Brent here, my friend wants to be your buddy. You know what I mean"

Huh? Buddy? As in Fuck buddies? Oh well. Not my thing.

"No. I don't do stranger. By the way thanks for the drinks."

I winked at Mr. Brent before drinking the whiskey, straight.

Shit! So good! Tastes like hell.

"My name is Brent. Brent Steven Crux. You are?"

Ohh. So kaya pala siya mistiso, may lahing dayuhan.

"Z."

His eyebrows crumbled, pero sinadya ko talagang hindi sabihin ang whole name ko. Duh! I'm drunk but I'm not stupid.

"Z. Nice name. So? We're not strangers now."

Hindi lang pala siya gwapo. Smooth talker din. I bet madami na siyang naging babae.

"Whoa! Go Brent."

His friend's cheerfully said that added fuel to Brent's aggressiveness. Maglaway ka ngayon!

"Can I do, tequila shots in your neck?"

Really? Is that even a question? Mukhang hindi siya yung tipo ng tao na tumatanggap ng hindi bilang sagot.

I don't know if it was because of alcohol, but yes, I want to try it.

"Ye--"

"No."

That baritone voice. I know him.

"Javier?"

My vision gets blurry, pero isa lang ang sigurado ako. He's here. Andito si Javier.

"Dude. Sino ka ba? Her driver? PA?"

Oh god! We need to be out of here.

"Javier let's go."

Akma niya akong tutulungan maglakad ng biglang hinawakan ni Mr. Brent ang braso ko. Shit! Bakit nga ba ako lumapit sa kanila. Now I regret it!

"Pare, nasasaktan mo yung kaibigan ko. Pwede mo na ba siyang bitawan? Sungit tara"

"Friend? Friend mo lang si Z. Dude back off, she's my girl"

Mr. Brent said, na siyang ikinatingin sa akin ni Jose.

Shit! Sorry.

"Jose ano nakita mo n---.. Brent! Dude. Pagpasensyahan mo na si Z. She's with us. Lasing lang siya. Baka naman maibabalato mo na siya samin? By the way, pinsan siya ni cliff."

I was just looking at Jose and pakiramdam ko ay napakababa kong babae. Ni wala akong marinig na kahit ano, kahit na binitawan na ako ni Brent.

Nang makita kong maglalakad na palayo si Javier ay agad akong natauhan at mabilis na tumakbo palapit sa kanya.

"Ouch."

Oh god. I stumbled!

I don't know kung umalis na ba si Javier dahil sobrang quiet na nong place and wala na rin akong naririnig na yabag o kwentuhan nina Brent.

So they left me here?!

My head was still spinning and hindi ko maimulat ang mga mata ko. I don't want to be alone, Javier knows it, yet umalis pa rin siya.

He's mad at me, I can feel it.

I'm such a disgrace!

"Hoy. Anong inuupo upo mo dyan? Akala ko ba matapang ka? Ehh bakit hindi mo magawang lumaban para sa sarili mo?"

Javier? Andito pa siya. Hindi niya ko iniwan. God! I want to cry.

"J-javier"

"Ohh. Wag mo nga akong artehan."

Psh. Ako dapat yung bitch dito, wala nang iba!

"Edi wag. Pwede ba umalis kana dito"

Where he is ba?

I tried to open my eyes and there he was, sitting in front of me while staring intently in my eyes.

"Bakit andito kapa? I said leave."

He's so mayabang akala mo naman gustong gusto ko siyang mag-stay!

"Alam mo. Tanggapin mo na lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mo. In my eyes, you're weak. Tara. Kailangan mo ng magpahinga"

He carried me in a bridal position, and hindi na ako nagreklamo pa. Yes I'm weak. Pero hindi ibig sabihin nuon ay kailangan na niyang magstay sakin. His girlfriend needs him. And ako? Kaya ko na ang sarili ko.

"Z! Buti na lang tinawagan namin si Jose. Sy said na siya lang yung makakapagpatino sayo"

Wow. Grabe naman yung makakapagpatino!

"Hannah babes, don't worry I'm okay now. Gusto ko ng matulog."

Hayy. So comfortable! I was like laying on my bed.

"Hoy sungit! Wag kang matulog, ihuhulog kita!"

In fairness ha, ang lambot ng tummy niya. Mas okay kesa sa abs.

"Sungit!"

Ayts. Mas gusto ko na dito.

"Javier, pwede mo ba akong tabihan?"

Ramdam ko ang paninigas ng katawan nito dahil sa naging tanong ko. Duh! Ang dumi talaga ng isip niya.

"No! Ito ang tent mo? Baba na, pumasok kana sa loob"

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkapit sa leeg niya and now, I can clearly see his face. Andito nga siya. Sinamahan niya ko.

"Ayaw"

"Sungit!"

"No."

"Isa! Ibabagsak kita"

Shit! Ang sama niya talaga. He's my best friend right? At walang masama kung magtatabi kami. Mukha pa naman siyang teddy bear.

I pouted my lips and tried my charm to him. But it looks like wala naman siyang pakialam tsk.

"Javier. Please."

I'm tired na.

"Okay okay. Basta kapag nakatulog kana aalis na ako"

Ha? Uuwi na siya sa manila? Akala ko pa naman magsstay siya dito.

"I changed my mind. Umuwi kana pala sa inyo. Che. I hate you"

Akma nito akong tutulungan sa pagtayo pero agad kong tinabig ang kamay nito. Asshole!

"Sungit, ano bang pr--"

"Matutulog na ko Javier, good night"

I immediately zippered the tent and unluckily ay hindi nahagip yung kamay at mukha niya. Hayy. Sayang.

Seconds, minutes, hours had passed when I heard different voices outside my tent.

Damn! Natutulog pa yung tao ohh!

"Bea. Mukha kang drug addict."

"Tsk. Shut up Mori. Ang sakit ng ulo ko"

"Hoy. Tim! Pa-refill ng barbeque."

"Dude. We're on our trip. I'm not your maid."

Argh! What's going on?!

Wait. Si Jose! He's here right? Hindi naman siguro panaginip yung kagabi. Gosh. I needed to see him now.

I don't care kung hindi pa ayos ang buhok ko or may muta pa ako sa mata. I just wanted to punch him. Who the hell he is para paghintayin ako kahapon and sa school!

"Javier!"

They're all looking at me and saka lang ako natauhan nang hindi ko nakita si Jose. So, he's not here. Hindi talaga siya dumating.

I felt a pung of pain in my heart but I immediately replaced it with coldness.

Nagmukha pa akong tanga sa harapan nila. Psh.

"I mean, I have this feeling na dumating siya kagabi. Anyways, baka guni-guni ko la---"

"Grabe naman yung guni-guni. Ohh, Tim. Ito na yung mga kahoy."

My eyes widen when I saw him, topless. He's with Enzo and madami din silang dalang woods, para siguro sa bonfire mamayang gabi.

"Z. Halata kana girl."

I glared at Bea, and hindi ko alam kung matatawa ako sa hitsura niya. Ganyan ba yung dulot ng beer. Bakit sakin parang ang fresh ko.

"Couz ohh beer. Baka kinulang ka pa kagabi."

"Back off. Hindi kita pinsan"

He dramatically touches his chest, so I just rolled my eyes at him. Hindi bagay sa kanya.

At dahil busy naman silang lahat, mag-aayos muna ako. It's time for selfies. And kailangan kong mag-upload ngayon for publicity.

After this trip, back to work na naman ako and mas magiging hectic na ang schedule ko kapag natapos ko na ang first year.

I planned din na magpurchase ng condo, para hindi na hassle para sa akin. You know mom and dad kahit naman payag na sila ay alam kong lilimitahan pa rin nila ako. At least sa new home ko, magagawa ko lahat. My house, my rules. But of course kailangan ko munang kuhanin ang simpatya nila.

I prepared my sunny, two piece, sunblock, and yung mat ko. And then, yah maliligo muna ako.

Grabe ang init sa pinas. Kahit kahapon lang kami nakarating, feeling ko ang tan na ng skin ko.

I was just checking my body in the bathroom mirror nang makita kong namumula pa ang sariwa kong sugat sa tuhod. Oh my god! Paano na ako magpipictorial nito?!

"Javierrrrrrrr!"

The hell! He didn't even apply some treatments!

"Magdamit ka nga"

What? And siya pa yung naiinis ngayon.

"Fyi, javier! Ito na yung clothes ko. And bakit hindi mo ginamot yung wound ko?! God! You know Mamu naman."

Bakit ba hindi siya makatingin sakin? May pangit ba sa katawan ko?

"Javier!"

"Alam mo sungit. Suotin mo muna to."

Naguguluhang napatingin ako sa kanya nang ibigay nito sa akin ang hawak nitong towel. Like what the fuck! Kaya nga ako nag two piece, to show some skin!

"Couz tanggapin mo na. Mangingitim ka lalo nyan."

"Ganyan din noon sina Lolo and eventually, nagkatuluyan sila"

Bea laughed and alam kong inaasar na naman niya ako. Hayy. Who the hell is she again? My demon friend!

"Z, you looked okay naman. Si Enzo nga ehh, hinubaran ako kagabi"

Really? My eyes widen ganon din ang mga boys na mabilis na tumingin kay Enzo. The hell with this lovebirds!

Gosh. Sy girl didn't noticed it!

And saka lang niya narealized yung sinabi niya ng bumulong sa kanya si Enzo. Her reaction was priceless!

"No! I mean, mali yung iniisip niyo. Ang ibig kong sabihin, pinahubad niya sakin yung two piece ko. Sorry love"

I can't breath kanina pa. Sobrang awkward nang atmosphere. And nawala na sa isip ko yung sugat ko.

"Z. Barbeque. Pinagtira sadya kita"

Pagbasag ni Tim sa katahimikan. And ngayon ko lang naramdaman ang gutom. They also brought meals sa malapit na restaurant. So yung mga grilled foods lang talaga yung dinala namin.

"Thanks Tim, you spoiled me na"

He even helped me to sit, so ito pa yung isang side ng personality niya. He's so thoughtful and caring. I bet, madaming girls ang magkukumahog papunta sa kanya.

"Let's go sa pool side. May jacuzzi daw don sabi nong staff."

Hayy. Siguro lumandi na naman tong si Clifford. Psh, I'm not surprised!

"Bet ko yan cliff. Tara girls"

Bea said and nangunguna pang naglakad paalis sina Sy and Enzo, na pawang kakirihan lang ang alam.

"Dude, tim! Let's go. Makakakain naman dyan si couz kahit wala ka"

Ayts. I'm not that dependable! Kaya ko ngang maglakad sa daan kahit alasdose pa yan ng gabi.

"Go Tim. Don't mind me."

Hindi sa pag-aassume ha. But I can feel it naman. Base sa efforts ni Tim, crush niya ko.

Yes. Hindi po makapal ang mukha ko!

"You sur--"

"Oo dude. Okay lang yan si couz. Tsaka andyan naman si Jose ohh. Tara na"

Wala nang nagawa pa si Tim, nang sapilitan siyang hinila ni cliff. Tsk. Kung sakin yon ginawa, baka nasampal ko na siya. I hate tug of war. Feeling ko nawawala yung lakas ko, kapag hinihigit ako.

Nang mawala sila sa paningin ko ay sinimulan ko ng kumain. I was about to take a bite when I saw Jose's food. He was looking at me and feeling ko ay pinapahili niya sakin yung food niya. Duh! Mas masarap pa rin yung barbeque and restaurant's food.

"Sayang naman yung pares na binili ko. May balot, kwek-kwek, at lumpia pang kasama."

Really? At tumabi pa siya sakin. I don't care about his food! And no, hindi ako mahihili sa kanya. I love my food kaya.

"Hmm. Ang bango. Amoy mo ba? Sayang mukhang ako lang ang kakain nito. Masarap yan diba?"

Fuck him!

"Of course, bigay ni Tim to ehh. Besides efforts niya din to, siya kasi yung nagluto nitong barbeque. Hindi katulad ng iba dyan"

I teased na siyang ikinakunot ng noo niya. See? He's pikon!

I immediately dig in to my food and hindi ko na lang pinansin ang malakas niyang pagnguya. Psh. As if maiinggit ako!

"Matanong ko lang. Sabi ni nanay pumunta ka daw sa bahay. Nakita mo ko?"

He suddenly asked that caught my attention. And wala akong balak na sabihin sa kanya yung nakita ko. I won't allow him have the satisfaction to she me in pain.

"No. Bakit, andon ka ba?"

I acted busy with my food and ramdam ko ang matagal nitong pagtingin sa akin.

Sasabihin ba niya sakin yung totoo or magsisinungaling lang din siya katulad ko?

"A-ahh. Oo. Hinatid ko lang yung kaibigan ko"

Pasimple akong lumingon sa kanya and he's now busy eating pares. In fairness ha, hindi siya nagsinungaling pero hindi din siya nagsabi ng totoo. Great!

I like it. Playing safe!

"Is that so? Yung friend mo, boy or girl?"

I'm not jealous or what. I'm just testing him, and kung friend niya lang yon that's good. But if hindi, it's okay either. As long as hindi siya magsisinungaling sa akin.

"Bakit gusto mong malaman? Nakita mo ba ko don?"

"What--"

"Gotcha."

He leaned on me and para akong maduduling dahil sa lapit ng mukha niya sakin. What's wrong with him. Bakit ba natutuwa pa siyang asarin ako!

Think Z. You're good at pretending right?

I raised my eyebrows at him, at mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya, na siyang ikinaurong nito.

Weak.

"No! Masama bang magtanong? Bakit? May tinatago ka ba?"

I smirked when he looked away. Too bad, hindi ako magpapadaig sa kanya.

"W-wala. Kalimutan mo na yon"

"Its hot here right? Your sweat is the proof"

Wala man lang itong reaksyon na itinuloy ang pagkain, actually I really really badly wanted to know kung sino ba yung girl na kasama niya. But of course, hindi ko na ibababa yung pride ko para sa kanya.

"I'm sorry. Pinaghintay kita sa school. Nakita ko kayo ni Tim. Akala ko.."

Huh?

"What is it?"

Don't tell me inakala niyang may something samin ni Tim? God!

"Akala ko napalitan na ako"

Napalitan?

"Javier. Anong napalitan? You're my best friend. And walang magbabago don. Kahit na....

Kahit na makahanap ka pa or ako. Even though may mga pamilya na tayo, best friend pa rin kita"

Hindi ko ipagkakait sa kanya ang magkaroon ng girlfriend. And alam kong ganon din siya sakin. I just wanted us to stay like this. I love him and I needed him.

"Drama mo. Gusto mo lang namang humingi nong pagkain ko. Ohh sayo na. Binili ko talaga yan para sayo, pangsuhol"

"Tsk. Pinapahili mo pa sakin kanina. Ehh para sakin naman pala talaga yan."

"Ohh. Bakit nagsusungit kana naman? Binibigyan na nga kita ehh"

I glared at him, and sa unang subo ko pa lang nong pares ay parang gusto ko ng pumikit. Damn. I miss this food!

"Ehh khasi, nhaghughuto--"

"Ssh. Mabuti pa ubusin mo muna yan. Tao ka, hindi ka bullfrog. Tingnan mo nga yang bibig mo, puputos na."

Bahala siya. Kakain talaga ako. And uubusin ko na yung street foods na dala niya.

"Hoy! Wala namang aagaw sayo, teka lang. Hindi mo ba alam yung word na etiquette?"

"I'm hungry Javier! Don't mind me"

He was talking kasi kanina pa! And ni hindi ko na nakain yung food na binigay ni Tim! Gosh.

"Oo na kumain kana. Akin na lang tong binigay ni Tim. Mukhang kulang pa sayo yan ahh"

Okay! At least hindi masasayang yung food and effort ni Tim.

After naming kumain ay nagpresinta si Javier na ligpitin ang mga pinagkainan namin. Shit! I'm so full! Feeling ko sasabog na yung tummy ko.

"Ma'am baka may ipapagawa pa kayo?"

He sarcastically said, but he's right kailangan ko talaga ng maglalagay ng sunblock sa katawan ko.

"Javier, pwede mo ba akong lagyan ng sunblock?"

Wala naman dito ang girls. So I don't have choice!

"Babae ka, lalaki ako isipin m--"

"Napakamalisyoso mo Javier! Sa back ko lang naman, hindi ko kasi abot ehh!"

Duh! I know naman na he's still a guy. And of course hindi ko iri-risk yung privacy ko na dapat ay sa future husband ko lang. Except if I'm drunk. Charr.

"Akin na nga! Bakit ba lalagyan pa nito ehh, bagay naman sayo kahit maitim ka"

"You know Mamu. And ayoko din na masunog yung balat ko. Madami pa akong shoot"

"Arte arte, oh tapos na"

Wow. Parang hindi pa bukal sa loob niya ahh!

"Thanks Javier. Pwede mo bang gamutin yung wound ko?"

Hayy. Ang hirap namang i-please ni Javier. Dapat nagpapacute pa!

"Sige na sige na. Basta, wag ka ng gagawa ng bagay na ikapapahamak mo"

I won't promise anything. But I will try. As long as he's with me, susulitin ko na.

And sana lang, wag niya muna akong iwan ngayon. Not now. Hindi ngayong, hindi pa ako handa.