Chapter 30

Nakatingin lang ako sa paligid at hindi ko mapigilang hagilapin sa tingin ang mga taong nakapaligid sa akin. Nasaan na ba siya? Kanina ko pa siya hindi mahagilap.

Iniwan niya lang ako kanina para maisayaw ni Papa at iyong ibang gusto akong maisayaw pero hindi na siya nakabalik mula kanina. Medyo masama na din ang timpla ko ngayon dahil sa ginawa sa akin kanina ni Heidi, mabuti na lamang at natawagan ko kaagad si Rezzy na hindi pa nakakaalis sa party. Natulungan niya akong makapagpalit ng damit, ngunit muli niya akong inayusan para daw umayon sa damit ko.

Ginisa pa ako nih Rezzy kung ano daw ba ang nangyari sa akin at nagkaganito ang dress ko. Sa simula ay ayaw niya akong paniwalaan na para bang may tinatago ako sa kanya, wala akong magawa kundi ang magsinungaling. Ayoko na ng mag-alala pa siya sa ginawasa akin ni Heidi at ayoko ko ring tuluyang masira ang gabi ko dahil lang kay Heidi.

Napatingin ako sa buong paligid, lahat ng tao ay may pinagtutuunan ng pansin, hindi ko mahanap si Renzo sa dami ng tao.. Napabuntong hinga na lang ako, gusto ko pa naman siyang makausap ngayon tungkol sa sinabi niya kanina.

Napalingon ako sa banda nina Papa at Mama, mga magulang ni Renzo na parehong busy sa pakikipag-usap sa mga tao. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Papa sa akin kanina. Kakapalan ko na ang mukha ko, sobra akong natuwa sa sinabi ni Papa sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sinabi ni Papang bagay ako para kay Renzo at masaya siya para sa aming dalawa. Naalala ko ang mukha ni Papa kanina habang nakikipag-usap sa akin kanina, bukod sa mga sinabi niya ay pakiramdam ko may gusto pa siyang idagdag pero hindi na niya tinuloy.

Si Papa at Renzo ay may malaking pagkakahawig sa ugali. Pagtitignan kong mabuti si Papa ay nararamdaman ko ang malakas nitong personalidad at ang intesidad. Kaparehong-pareho sa anak nitong si Renzo. Hindi mabasa ang mukha ni Renzo katulad sa ama niya, minsan ko lang nahulaan kung anong nasa isip niya. Sa pisikal namang anyo ay marami siyang nakuha sa Mama niya.

Naptingin ako sa phone ko ng tumunog iyon. Mabilis kong binasa ang isang text na nanggagaling kay Renzo. Mabuti na lang at sumagot siya sa pangalawang kong text sa kanya.

"Pumunta ka sa may balkonahe."

Ano naman kaya ang ginagawa niya sa balkonahe? Tumayo na lang ako at kumuha ng isang champagne. Hindi naman talaga ako umiinom pero pakiramdam ko kailangan ko ngayon ng isa.

Naglakad na ako papunta sa sinasabi ni Renzo na balkonahe. Malapit na akong makarating doon ng marinig ko ang dalawang taong nag-uusap at hindi ko mapagilang magtago sa gilid.

Hindi ako pwedeng magkamali sa naririnig ko, boses iyon mismo ni Heidi. Napatingin ako sa banda nila na medyo madilim, mabuti naaaninag ko pa rin sila kahit madilim ang parteng kinaroroonan. Wala din kasi buwan para maging ilaw sa gabing ito, ang ilaw sa labas lang ang nagiging sanhi ng liwanag roon.

Tinitigan kong mabuti ang katawan ni Heidi na pinipilit niyang nilalapit sa lalaking kausap. Magkahapit na magkahapit na ang katawan nilang pareho. Hindi ko magawang makita kung sino ang lalaking iyon kaya minabuti kong pakinggan ang pag-uusap nila.

"Diba tama naman ako? Simula pa lang alam kong ganyan ka na at naiintindihan kita." Walang sagot ang lalaki.

Hindi ko mapigilang hindi makinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko magawang umalis sa lugar na ito. Nasaan ba si Renzo? Akala ko ba nandito siya?

"Simula pa lang alam kong mananatili ka lang na ganyan Devon. Alam mo ba bakit? Dahil alam kong ikaw ang tipo ng taong hindi magmamahal. Diba tama ako Devon? Na hindi mo siya mahal." Meron pa itong sinabi na hindi ko na masyadong marinig.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Unti-unti kong naaaninag silang pareho dahil unti-unti na ding nagpapakita ang buwan. Alam kong hindi nagkakamali ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon na kahit anong gawin ko si Renzo nga ang lalaking ito, kahit hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Si Renzo ang lalaking ito na nakikipaghalikan kay Heidi.

Mabuti na lang at nakakapit ang isa kong kamay sa kurtina dahil kung hindi kanina pa ako natumba dahil sa narinig ko at nasaksihan ko ngayon. Hindi maalis ang mga mata ko sa pangyayari sa harapan ko. Ang ginagawa nilang halikan na kitang-kita ng dalawang mata ko.

"I know you plan to annul your marriage."

Nakatingin ako sa kanilang dalawa at alam kong alam ni Heidi na nakikita ko ang nangyayari ngayon dahil sa tumingin siya sa direksyon ko at sa tingin niyang pinupukol sa akin ngayon na para bang sinasabi niyang panoorin ko pa. Pakiramdam ko ay unti-unti tinutusok ang puso ko ng matatalim na karayom.

Hinintay kong magsalita si Renzo, hinintay kong may sabihin siya dahil may katiting pa rin sa aking naghihintay na sabihin niyang may ibig sabihin ang lahat ng pinakita at pinaramdam niya sa akin. Gusto kong malamn na hindi niya ako pinaglalaruan lang.

Hindi ko na nakayanan pa ang buong pangyayari kaya tumalikod na ako at tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Dahil baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at masugod ko pa sila at ma lalo pa akong magmukhang tanga dahil sa kinakain na ang puso ko ng selos.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang enerhiyang ginamit ko ngayon sa pagtakbo habang may suot pa ako na five inch heels. Gusto kong makalayo sa lahat ng ito. Hindi na ako nag-abalang pahiran ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. Para ano pa? Alam ko namang hindi rin sila titigil sa pagpatak.

Nakalabas na ako sa venue ng party pero hindi ko pa din tinigilan ang pagtakbo. Nararamdaman ko na ang pagsakit ng mga paa ko. Napatigil ako sa pagtakbo ng mapansin kong pinapaligiran ako ng limang lalaki. Unti-unti silang nakakalapit sa akin hanggang sa hinawakan nila ang dalawa kong kamay.

Hindi na ako nagpumiglas pa dahil alam ko namang wala din iyong magagawa. Wala na akong natitirang enerhiya sa katawan. Pinabayaan ko na lang silang hatakin ako papunta sa van na sinakyan nila. Hindi ko na lang pinapansin ang mga madudumi nilang tingin sa akin.

Papasakay na ang ibang mga lalaki sa van ng napalingon sila sa isang kotse na tumigil sa likuran ng van. Agad din akong napatingin sa kotse, agad na bumaba ang tao sa kotse. Pilit ko inaaninag kung sino ba ang taong iyon. Bumukas ang pintuan ng kotse at iniluwa nito ang taong hindi ko inisip na nandito na naman para sagipin ako.

"Bitawan niyo siya." Naglakad siya papunta sa amin habang may ngiti sa labi. Isang ngiti ngayon ko lang nakita sa mukha niya. Isang ngiting nakakatakot.

"Aba sa tingin mo ba kaya mo kami? Lima laban sa isa." Sabi ng lalaking nakahawak sa kaliwa kong kamay.

Napatingin ako sa limang lalaki na nakapaligid sa akin na nagsibabaan sa sasakyan. Lahat sila ay malalaki ang katawan, mukha talagang mga kidnappers. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin pala siya sa akin.

"Tyron umalis ka na lang." Mabuti ng umalis na lang siya at pabayaan ako rito. Sanay na rin ako sa paulit-ulit na pangyayaring ito. Wala ng pinagbago.

"Mag hintay ka lang dyan." Sa isang iglap ay nakita ko na lamang na nakabulagta na ang dalawang lalaki sa paanan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin ako kay Tyron na kumindat lamang sa akin at pinagpatuloy ang pakikipagsuntukan sa mga lalaking ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil walang binatbat ang mga malalaking katawan ng mga lalaki kay Tyron.

Ilang saglit lamang ay nakalapit na siya sa akin ng wala man lang gasgas sa katawan. Maya-maya lang ay nakabulagta ang limang lalaki sa semento. Pinanliitan ko siya ng mata, mabuti na lang magaling makipaglabas ang lalaking ito.

"Bakit ka ba nandito?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at pinahiran niya ng panyo ang magkabila kong pisngi. Nabigla ako sa ginawa niya.

"Nangangailangan kasi ng tagapagtanggol ang isang Prinsesa." Ngumiti siya sa akin, iyong ngiting nagsasabi na parati siyang nasa tabi ko kung kailangan ko ng tulong.

"Salamat Tyron." Ngumiti ako sa kanya. Habang nakatitig ako sa mga mata niya hindi na mapigilan ng mga luhang kong muling pumatak isa-isa.

"Ano ba yan napuwing pa ata ako." Pilit kong pigilan ang luha at pinilit kong ngumiti. Ayokong kaawaan niya ako, ayokong makita na naman niya akong ganito. Pinahid na naman niya ang mga luha sa aking mga mata at niyakap ako ng mahigpit. Isa sa mga kailangan ko ngayon.

"Ayaw mong makita kitang umiiyak diba?" Lalayo na sana ako sa kanya kaya lang hindi niya ako pinakawalan. Nakatayo lang kami ng ilang sandali habang niyayakap niya ako. Isang yakap na kahit hindi man matanggal ang sakit na nararamdaman ko ay umimpis naman.

Hindi ko alam kung gaano na katagal siyang nakayak sa akin habang nakatago ang mukha ko sa dibdib niya. Mga luhang hindi tumitila sa pagpatak. Ramdam na ramdam ko pa din ang mga matutulis na karayom na tumutusok sa puso habang naaalala ko ang lahat ng nakita ko kanina.

"Ma'am Serena."

Napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Sa oras na ito ay alam na nila na nawawala ako sa party, ayokong bumalik doon para lang masaktan at masaksihan silang pareho. Ayokong bumalik doon para pilitin na naman ang sarili king ngumiti at magmukhang masaya na sa totoo naman ay hindi naman talaga ako masaya.

"Please ilayo mo ako rito. Wag mo akong ibigay sa kanila Tyron. Ayoko ko dito." Tumitig ako sa kanyang mga mata at tumango siya sa akin.

"Sige, halika na." Sumakay na ako sa kotse niya at pinaharorot na niya ang takbo nito para hindi kami mahabol ng security ko na tumatakbo pa rin sa direksyon namin.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Papatapos na pala ang gabi, ang gabing akala kong magiging daan para sa amin ni Renzo. Isang gabing puno ng kasinungalingan. Ngumiti ako ng mapait, totoo ngang madali akong maloko at madala sa isang kasinungalingan.

Sa simula pa lang nananaginip na ako ng gising, isang panaginip na kahit anong gawin ko ay hindi magiging realidad. Sumandal ako at pinikit ang aking mga mata.

"Salamat Tyron."