Chapter 31

"He'll never love you, not even in your wildest dream Serena."

Biglang namulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang maliwanag na sikat ng araw at amoy ng karagatan. Binuka-buka ko ang aking mga mata, galing na naman ako sa panaginip na ito. Isang panaginip na paulit-ulit ko na lang na napapaginipan nitong buong isang linggo. At bawat paggising ko ay hindi ko namamalayan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Isang panaginip na paulit-ulit tumatakbo sa utak ko, si Heidi pa ang nagsasabi sa akin at pinapamukha niya sa akin na kahit anong gawin ko ay hindi masusuklian ni Renzo ang pagmamahal ko sa kanya. Ipinamumukha ni Heidi sa akin na mali ang mahalin ko si Renzo. At sa tuwing gigising ako mula sa panaginip kong ito ay muling bumabalik ang sakit sa lahat ng nakita ko sa gabing iyon.

Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga nangyari sa gabing iyon, mga alaalang hindi pa din maalis-alis sa utak ko na para bang gabi lang iyon nangyari at hindi isang linggo ang nakakalipas. Isang linggo na din pala ang nakalipas ng tumakas ako sa lahat, isang linggo na din pala ngunit hindi ko man lang napansin.

Pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko, mabilis kong pinapahid ang likuran ng kamay ngunit wala pa ring kwenta dahil walang kupas pa din ang daloy ng luha ko. Napasobsob na lang ako sa dalawa kong kamay. Hanggang ngayon parang tinutusok pa din ang puso ko ng matatalim na karayom habang naalala ko sina Heidi at Renzo, nakakapagod na din pala. Napahawak ako sa necklace na sinusuot ko pa din dahil sa hindi ko kayang hubadin at ilayo sa akin.

Gusto kong tigilin ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngunit hindi ko alam kung paano. Ang pakiramdam na ito ay parati na ko na atang dala-dala. Isang masakit na pakiramdam na hindi na mawala-wala kahit na anong gawin ko.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kailangan kong magmukhang tulog pa din. Ayokong mag-alala na naman sa akin si Tyron, ayokong muling makita ang awa sa mukha niya. Ayoko na siyang magproblema dahil sa akin. Pinagbuti kong isara ang mga mata at hindi gumalaw para hindi niya ako mapansin.

"I want to take the pain away, all the heartaches that he caused you and replaced it with my love. Sa tuwing nakikita ko ang mga butil ng luha sa mga mata mo gusto kong suntikin ang sarili ko dahil wala man lang akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Pero wag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para maalis lahat ng sakit." Hinahaplos niya ang magulo kong buhok at naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa pisngi ko. Ilang sandali ding ginagawa niya iyon sa akin.

Habang hinaplos niya ang buhok ko ay unti-unting luminaw sa aking isipan kung gaano ako kamahal ni Tyron. Kung gaano niya ako pinapahalagahan sa buhay niya. Unti-unting lumilinaw sa akin ang lahat ng mabubuting ginagawa niya para sa akin. He's alway's been by my side, hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa pero sa tuwing kailangan ko ng tulong ay nandiyan siya agad at lumilitaw kung saan-saan.

Parang isa siyang knight in shining armor ko na handa sa kahit na anong oras. Ngayon nakatingin na lang ako sa malapad niyang likod ng papalabas na ng pintuan ng kwarto. Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong na binigay niya sa akin, alam kong hindi ko na mababayaran ang lahat ng tulong na naibigay niya sa akin simula ng iligtas niya ang buhay ko sa kapahamakan.

At sobra din akong nagpapasalamat sa pagmamahal niya, hindi ko man akalaing ako ang babaeng mamahalin niya na isang malaking hindi karapat-dapat dahil alam kong may mas babagay pa sa kanya at hindi ako iyon.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa aking pagkakakahiga. Mabuti pang hindi na muna ako mag-isip dahil sobrang gulo na ng utak ko at hindi ko na alam kung ano na ba ang tama at mali. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin sa lahat ng nangyayari ngayon. At kung makikita ko man si Renzo ngayon o sa susunod na araw ay hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko at magiging reaksyon ko. Alam ko namang kahit anong gawin kong pagtatago ay mahahanap at mahahanap niya ako.

Para lumamig naman ang ulo ko ay minabuti kong maligo na lang at ihanda ang sarili. Alam kong ito muna ang una kong dapat gawin para sa sarili ko.

DEVON's POV

Halo-halo ang laman ng utak ko ngayon kung ano ba ang nangyari kay Serena? Kung bakit bigla na lang siyang umalis? Kung bakit bigla siyang naglaho at nawala na parang bula?

Lahat ngayon ng tanong pumapasok sa utak ko at lahat ay walang sagot. Ilang araw din ang ginugol ko sa paghahanap kung nasaan si Serena ngayon. Ilang araw ko din ininda ang walang tulog dahil hindi ako mapapatahimik hanggat hindi ko alam kung nasaan siya.

"Are you positive?" Tanong ko sa isa kong tauhan na kausap ko sa cellphone.

"Yes, Sir. She was spotted by my people." Tumango ako.

Ngayon ay papunta na ako at ang ilang kong tauhan sa kung saan naroroon si Serena. Nag-init ang ulo ko ng malaman na kasama pala ni Serena ng isang buong linggo si Tyron. Sila dalawa lang sa isang private beach resort na pag-aari ni Tyron . Doon lang pala siya nagtago para makasama ang lalaking iyon? ni hindi siya nagsabi sa akin kung bakit siya biglang umalis. Sa pagka-alaala ko ay maayos naman kaming dalawa.

Lalo pa akong nag-alala na iyong gabing nawala siya ay pinagtangkaan na naman ang buhay ni Serena sa mismong labas ng venue ng party. Nag-alala ako dahil baka anong nangyari sa kanya, kung nagka-injury siya at wala man lang akong kaalam- alam.

Mabuti na lamang at hindi kumalat ang balitang nawawala si Serena kundi isang malaking komosyon ang mangyayari. Mabilis kong nagawan ko ng paraan na hindi kumalat sa media ang nangyari, napatahimik ko ang lahat ng kailangan patahimikin.

Bumaba na ako sa chopper na sinakyan ko papunta dito sa private resort, agad akong dumeritso sa isang malaking bahay. "Ito nga mismo ang gugustuhing lugar ni Serena, : sambit ko sa sarili.

Tumigil sa paglalakad si Devon ng lumabas sa pintuan ang isang taong inaasahan kong makita. Sininyasan ko ang mga tauhan ko na lumayo muna para makausap ko si Tyron. Huminga ako ng malalim dahil gusto kong maging klamado sa ganitong sitwasyon kahit nanggagalaiti na ako sa loob-loob ko.

Nagkasukatan kami ng tingin at ako ang unang nagsalita.

"Nasaan siya?" Tanong ni Renzo.

"Alam mong nandito siya bakit kailangan mo pang tanungin." Balik sagot ni Tyron.

"Kukunin ko na siya." Pahayag ko kay Tyron na hindi pinansin ang sinabi niya.

Wala akong pakialam sa lalaking ito, gusto ko lang makita at makausap agad si Serena para malaman ko kung anong nangyari.

"Hindi isang bagay si Serena na pwedeng kahit kailan mo lang kukunin." si Tyron.

"Kukunin ko siya at wala kang magagawa." Pinipigilan ko lang ang sarili kong masuntok ang lalaking ito ngayon.

"Ipagpatuloy mo lang iyang ginagawa mo dahil hindi na ako mag-iisip pa kung bakit nagsawa na siya sayo." Ngumiti si Tyron, isang ngiting pang-inis. "Sinasabi kong ngayong maaga pa Devon ay ipaubaya mo na lang sa akin si Serena. Parati na lang siya umiiyak, alam mo ba kung bakit? Dahil sayo, walang ibang dahilan kundi sa mga kagaguhan mo. Parati na lang siyang umiiyak, parati mo na lang siyang nasasaktan. Ni hindi mo nga siya maprotektahan ng maayos habang ako kayang-kaya ko siyang protektahan. Kaya kong ibigay ang lahat sa kanya. Ikaw kaya mo ba?" Pagmamalaki niya.

Ikinuyom ko ang kamao ko, gusto-gusto na talagang maglanding ng kamao ko sa mukha niya mga pinagsasabi niya, ang lakas ng apog ng lalaking ito na sabihin iyan sa harap ko.

"Kaya kong ibigay sa kanya ang lahat at alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko siya. Alam kong hindi mo naman talaga siya mahal Devon, sana ipaubaya mo na lang si Serena sa akin dahil alam kong mapapaligaya ko siya sa piling ko at hindi na siya muling masasaktan pa at hindi mo na pipilitin ang sarili mo sa kanya." Dagdag niya pa

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nahagip ng tingin ko ang isang babae sa labas ng pintuan ng kabahayan. Si Serena ay nakabestida ngayon, kung titignan ko siya ngayon agad kong napansin ang pangangayayat ng katawan niya at pag-impis ng mukha niya.

Mabilis akong naglakad patungo sa direksyon ni Serena. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkabigla at kalungkutan sa mga mata niya.

"Thank God." Agad ko siyang inabot at niyakap ng mahigpit, And now I feel home.